Chapter 7
Dalawang buwan. Dalawang buwan kami ng boyfriend ko. At sa loob ng dalawang buwan na yon, nalaman ko rin na may girlfriend na rin si Lowell.
May part sakin na, nasasaktan ako pero wala e. Mahal nya e. Isang beses pa nung tinanong ko sya kung mahal nya ang tanging sagot nya lang "Mahal na mahal..." masakit dba? Masakit na malaman mo na yung crush mo at yung sinabi nya na naging crush ka e, may girlfriend na pala. Masaya rin ako para sa kanya. Kasi, sa lahat ng sakit na naranasan nya sa past gf nya. E, deserve nya rin naman yung magmahal at mahalin dba? Martyr nga daw ako e. Pero, anong magagawa ko? Yung simpleng C.R.U.S.H ay nauwi sa salitang M.A.H.A.L K.O N.A P.A.L.A
This time, tatanggapin ko na. Tatanggapin ko na hanggang kaibigan lang talaga. Wala e, ayun ang gusto nya. At dun sya sasaya. Oo, magmomove on ako kahit hindi naging kami. Oo, masakit. Pero part naman yun ng love e. Kaya okay lang na masaktan dahil ang ibig sabihin lang nun, nagmahal ka lang ng totoo na hindi nasuklian yung pagmamahal na yun.
-Flashback-
Nagkausap kami ni Lowell tungkol sa issue naming dalawa. Kasi sinasabi ko sa kanya yung totoo. Yung totoo na nasasaktan ako dahil sa kanya.
"Alam mo ba kung bakit hanggang kaibigan lang kita?"
"Bakit?"
"Kasi ayaw kong mawala ka. Ikaw kasi yung tipo na dapat minamahal at pinapahalagahan. Kaya gusto kong maging magkaibigan lang tayo."
Medyo naiyak ako hindi dahil hanggang kaibigan lang kundi dun sa sinabi nya mismo. Tears of joy na masabihan ka nang kailangan kang pahalagahan at mahalin.
-End of Flashback-
Kaya ngayon, move on na. Tanggapin na lang ang katotohanan. Oo, masakit ang katotohanan ngunit sa bawat sakit na yun ay mayroon din itong masasaya. Masaya na kailangan mong ibigay para sa taong mahal mo.
Unang beses kong nagpakamartyr para lang sa CRUSH ko. Na nauwi sa totoong pagmamahal. Unang beses na ma-reject. Unang beses na masaktan dahil lang sa CRUSH.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro