Chapter 4
-Kinabukasan-
Nasa PNR ulit ako, mag-iisang oras na kong naghihintay dito. Naiwan kasi ako nung unang trip ng train e. Grabe, rush hour iz real mga bes. Sinubukan ko sumiksik. Naipit lang pwet ko. Hays.
Pagkarating ko sa school, syempre ikinuwento ko sa mga kaibigan ko yung nangyari kagabi. Ako naman tong si ewan, sobrang kinikilig habang nagkukwento.
sabi na lang ng classmate ko "I-confess na yan sa Secret Files." "Nako! Botong-boto naman pala mama ni pressy." at marami pa silang sinabi.
- Personal Development Time -
"Gumawa kayo ng Diary, dun nyo isusulat lahat ng nangyayari sa inyo sa araw-araw para kapag wala kayong makausap dun nyo lang isusulat. At gumawa din kayo ng Gratitude jar, dun nyo naman ilalagay yung mga ipinagpapasalamat nyo sa araw-araw, para kapag feeling nyo malungkot kayo dun nyo lang titignan mga nangyari sa inyong magaganda."
'May maisusulat na ko sa Diary bes.' bulong ko sa sarili ko.
"So, may tanong pa class?"
"Ma'am, pwede po ba kahit sa phone na lang gumawa ng diary?"
"Oo, pwede. O dikaya mag-install kayo ng application na Diary. Dun private yun, kailangan din ng account."
--
Natapos na yung isang araw sa klase, sobrang haggard. Excited na ko sa Diary ko. Syempre may maisusulat na ko e.
Pagkauwi sa bahay, inuna ko muna yung pag-confess ko sa secret files sa facebook. Then, after non ginawa ko na rin yung Diary ko.
Diary Entry no.1
July 8, 2016
Dear Diary,
Eto yung pinakadabest sa lahat. Dahil grabeng kilig yung naramdaman at naranasan ko this time. Di ko na lang namalayan yung mga pangyayari sakin nitong araw na to. Parang sabay-sabay lahat e. Puro na lang kilig yung araw na to. Buti na lang nagpagawa yung prof namin ng Diary, may makakausap na rin ako kapag sobrang kilig na. Magiging treasure na lang to balang-araw.
End of Entry no.1
-Kinabukasan-
Nasa room na ako, at mukhang nabasa nila yung confession ko sa facebook. Dahil kung ano ano nanaman sinasabi nilang pang-aasar sakin. Di ako naiinis o nagagalit sa pang-aasar nila, sa totoo lang mas gusto ko e. Dahil the more na mang-asar sila samin ni crush. Di imposibleng maging crush nya rin ako, pero umaasa lang naman. Wala namang masama sa umasa, wag lang sosobra.
Habang wala pang prof na pumapasok, nag-facebook na muna ko. Tinignan ko ulit yung kinonfes ko sa secret files, binasa yung comments na nandun. Napangiti pa nga ako sa isang comment dun, kasi ang nakalagay "Sht! Eto ang forever." "May forever sa dome! Tara maghilahan na tayo mga bes!"
Di ko lang alam kung nabasa nya na yung confession ko. Shinare ko naman yun pero sana mabasa nya. Ang title pala nung confession ko dun ay 'Sa loob ng isang sasakyan'.
Ito ang unang araw na ikaw ang nilagay ko sa project natin, at ikaw ang unang taong nai-confess ko sa sikat na secret files.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro