Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

You And I Collide - Part 1

Nang maiparada ni Dale ang pinaghalong kulay itim at pulang Ducati 848 niya ay nagsimula na naman ang mga bulong-bulungan sa paligid niya. Hindi pa niya naalis ang helmet niya ay rinig niya na halos ang lahat ng 'yon. Na kesyo raw nandiyan na siya, simulan na nilang lumayo sa kanya, huwag siyang kakausapin, huwag na huwag siyang titigan sa mga mata at huwag kakalabanin o bubungguin—gano'n na lang ang takot ng lahat sa kanya. Napangisi na lang siya kasabay ng pag-alis ng helmet niya, at nang gawin niya 'yon ay ang pagbagsak ng napakahaba niyang itim na buhok  na inayos niya lang gamit ang mga daliri.

Unlike Dale, here's EJ na pumarada sa tabi ng motor ng dalaga. Cool na cool na bumaba ng black and yellow niyang Chevy Camaro habang isinusuot ang varsity jacket niya. Napakalakas na tilian ng mga babae ang maririnig nang sandaling 'yon na nagpangiti sa kanya. Bukod kasi sa pagiging varsity player niya, siya rin ang Student President ng Uni nila kaya naman kilala at ginagalang siya ng lahat—pwera sa mga babaeng nagpapa-cute nga sa kanya na gustong makakuha ng atensyon niya.

"Good morning, Miss Entrata."

Kung anong layo ng lahat ng students sa dalaga ay ganoon na lang pakikipag-close ng binata rito na hindi malaman ng dalaga kung bakit.

Mataman lang na tinitigan ni Dale si EJ. Every morning ay ganito ang ganap sa kanilang dalawa sa tuwing papasok ang dalaga. Pinag-krus ni Dale ang dalawang braso sa harap ng dibdib t'saka siya sumandal sa motor niya. Gaya ng dati, mula nang magkakilala sila last year ay ganito lang siya kay EJ na nagpapatawa lang sa binata.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. "All black, Miss Entrata."

"Masyado ka lang makulay, Barbero."

"Barber lang, Miss Entrata. But you can call me EJ, you know."

Umiling si Dale t'saka niya tinalikuran ang binata at nagsimula nang maglakad. Pinili niyang layuan na ito bago pa siya mainis at masapak sa mukha ang binata. And yes, hindi niya gusto ang presensiya ng binata at ni minsan ay wala siyang balak na makausap o makatabi ito ng sobrang tagal.

Nakangiting sinundan ng tingin ni EJ ang dalaga. Sanay na siya sa ugali nito kaya naman kahit anong bilin ng mga kaibigan niya at ng marami na huwag itong lapitan o kausapin ay ginagawa niya pa rin. So far, hindi pa naman siya sinasaktan ng dalaga at sinasagot na rin siya nito ng ilang salita hindi gaya ng dati na tititigan lang siya nito mula ulo hanggang paa.

"Sira ulo ka talaga 'no? Kapag ikaw talaga nakatikim kay Dale, ewan ko na lang," bulalas ni Marco nang matapos ang isang klase nila.

"She likes me, you know—"

Mabilis na tinakpan ni Marco ang bibig ni EJ. "You! You're crazy! What are you trying to tell me just now?"

"That she like—"

Muling tinakpan ni Marco ang bibig ni EJ pero agad na tinabig 'yon ng binata. "Kailan ka pa naging delulu, bro?" Napailing si Marco. "Baka ikaw ang may gusto sa kanya."

"I do like her. She's interesting," nakangising sabi ni EJ habang hinihimas ang baba. "Just look at her." Tinuro ng binata si Dale na nanahimik na kumakain sa sulok ng canteen habang naka-suot ng headphone.

"Bro, yung like na 'yan, siguraduhin mong hanggang diyan lang 'yan. Wala kang pagasa sa kanya. Ako na nagsasabi sa'yo."

Umarko ang kilay ni EJ. "I don't like her like that, okay? Relax."

"Pero halos isang taon ka ng ganyan sa kanya."

"So what?"

"Binabalaan lang kita ulit. Don't mess with Dale. She's a trouble bro. Like big time. Alam mo 'yan dahil lagi siya sa student's office dahil sa lagi rin siyang nasa detention. Nakita mo 'yong mga nakakalaban niya? Nakita mo kung gaano kalalaki ang mga katawan no'n pero ang bagsak sa clinic o kapag malala sa hospital?"

Napailing na lang si EJ. "But I'm sure it's not her fault. Malamang yung mga lalaking 'yon ang nagsisimula ng away. I mean, look at her. . . She's quiet. May sarili siyang mundo, at wala siyang balak na i-share 'yon sa iba. She doesn't care at all if someone's talking behind her back unless, iistorbohin nila ang mundong ginagalawan niya."

"Wow!" Bulalas ni Marco. "I can't believe you, bro. Stalker ka masyado."

"Shut up. I'm not a stalker."

"E ano? Ed-mirer?"

"What? The heck! No!" Bulalas ni EJ t'saka siya nagpatuloy sa pagkain habang si Marco naman ay panay pa rin ang asar at tawa.

Inaayos na ni Dale ang helmet nang lapitan siya ni EJ. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na mapabuntong hininga. Hindi ba nagsasawa 'tong lalaking 'to na kausapin ako? E wala naman siyang matinong sagot na nakukuha sa'kin, sa isip ng dalaga.

"It's too early for you to go home, Miss Entrata."

"Oh ngayon?"

"As the Student President of this Uni, hindi kita papayagang gawin 'yan ngayon."

"Mamaya?"

"Nope."

"Bukas?"

"No, Miss Entrata."

Napangisi ang dalaga t'saka niya hinarap ang binata. Ipinakitang ayos na ang helmet—hinila pa nito ang strap no'n na nagpa-arko sa kilay ng binata. "Pake ko sa'yo?"

Pero walang balak na umatras si EJ dahil lang sa pagtataray ng dalaga at pagiging sarkastiko nito. "You do know that I can tell you"—Umangkas na ng motor ang dalaga at ini-start na 'yon—"I said stop, Miss Entrata!" Asik ni EJ t'saka niya hinarangan ang motor ng dalaga.

"Tabi."

"No."

"Tabi o sasagasaan kita?"

"No. I'll stay here until you stop your engine."

Lihim na napamura ang dalaga t'saka siya umiling. Ngunit agad ding napangisi nang may makita siyang pwedeng lusutan. Mas pinihit pa ni Dale ang hand grip ng motor na nagpakunot sa noo ni EJ.

"You're kidding me right?"

Umiling ang dalaga t'saka niya pinatakbo ang motor na nagpalaki ng mga mata ng binata. Sa isang iglap ay nagawa ng dalaga na hindi siya bungguin nito. Kitang kita niya kung paanong pinatalon ng dalaga ang motor papasok sa building at sa hallway dumaan.

"Marydale Entrata!" Sigaw ng isang instructor na nagpailing na lang sa binata.

"Ano bang kailangan naming gawin para umayos ka Ms. Entrata?"
"Hindi na nagiging maganda ang record mo rito sa Uni iha."
"Bakit mo ba ginawa 'yon Ms. Entrata?"

Imbis na sumagot ay walang ganang umirap ang dalaga t'saka niya isa-isang tinitigan ang mga board members ng Uni. Mga Tito at Tita niya.

"Anak, what are you doing?" At siyempre ang kanyang ama.

"Expel me," agad na sagot ni Dale na nagpabuntong hininga sa kanilang lahat.

"You know that we can't do that to you."

"Why not?"

"Iha, ikaw ang susunod na uupo bilang—"

"Oh shut up!" Umiling si Dale t'saka siya tumayo. "Alam ko namang lahat kayong nandito ay hinihintay lang na ma-expel ako para makuha niyo ang titulo ng ama—"

"It's my fault!" Bulalas ni Edward nang makapasok sa function hall kung saan nagaganap ang meeting ng mga board members ng Uni kasama si Dale. Kasabay no'n ay ang malakas na pagbukas ng pinto na talaga namang nagpatahimik sa lahat at sa kanya nga nabaling ang tingin. "Uhmm, it was my fault. Hinarangan ko si Miss Entrata kaya siya doon dumaan sa hallway."

Pabagsak na naupo si Dale sa kinauupuan niya kanina. Okay na sana, sa isip niya kung hindi lang umeksena ang pabibong President ng Uni nila.

"What are you talking about Mr. Barber?" Tanong ng ama ni Dale sa binata. Tila nag-ningning naman ang mga mata ng mga Tito at Tita ni Dale na mga board member nga kaya mas lalong nakaramdam ng inis ang dalaga—mukhang may lusot pa siya sa parusa.

At kinuwento nga ni EJ ang nangyari na walang balak patapusin ni Dale kaya tumayo siya at akmang lalabas na.

"Sit down, Marydale Entrata!" Suway ng ama niya kaya hinarap niya ito at nginisian.

"Acting like someone I know now?" Aniya t'saka siya nagpakawala ng matunog na pagngisi bago lumabas ng function hall.

Naiwang nagtitigan at napuno ng buntong hininga ang function hall nang umalis ang dalaga.

"What are we gonna do to her Joe?"
"Kapag nalaman ng ibang board members ng mga sister Uni natin na pinalalagpas natin si Dale ay baka makarating ito sa Department of Education."
"Joe, we really need to expel her."

Kung anong bilis ng tibok ng puso ni Edward nang makaharap ang dalaga kasama ang mga board members ng Uni nila kanina ay domoble 'yon nang marinig ang balita. Napatayo siya na umagaw sa pansin ng lahat ng nandoon. Kailangang may gawin siya dahil para sa kanya ay kasalanan niya talaga kung bakit mapaparusahan ang dalaga—that's what he thought and that's what he believes.

"I'll try to talk to her po. Sir, Ma'am, gagawa po ako ng paraan para hindi na po ito maulit. Just don't expel her. Two semesters nalang po at ga-graduate na kami. Kahit transferee lang po siya last year, I am sure that there's something more about Miss Marydale Entrata. I believe in her. She's always getting good grades in our class. She's very smart kahit po madalas ay binabastos niya ang mga instructors"—sabay sabay na muling napailing ang mga ito—"but!" Bumawi sa pag-banat ang binata. "I promise to be with her always para hindi na po siya maging pasaway."

Walang buhay na bumuntong hininga ang lahat, dahil lahat sila ay sinukuan na ang dalaga. Lahat ay nawawalan na ng pagasa. Hindi nila alam kung mapagkakatiwalaan nila ang binata pero sigurado silang mas mapagkakatiwalaan ito kaysa sa dalaga.

"Mr. Barber, ayokong idamay ka sa mga posibleng magawa pa ng anak ko," panimula ni Papa Joe t'saka ito tumayo at lumapit sa binata. "Pero sa ngayon ang magagawa ko lang ay panghawakan ang paniniwala ko sa kakayahan mo. Gawin mo ang kaya mong gawin para sa kanya, at tatanawin ko 'yong malaking utang na loob."

Malaki ang pagkakangiti ni Edward nang makalabas siya ng function hall. Hindi niya inaasahang papayagan siya ng President ng Uni nila sa naisip niyang gawin. "And that was her Dad?" Natatawang bulong ni Edward sa sarili, animo'y proud na proud sa ginawa.

Ngunit ang ngiti na 'yon ay agad na nawala nang makita niya ang dalagang may hawak na baseball bat na naka-angat sa ere na para bang handa nang itira sa kotse niya nang makarating siya sa parking lot.

"No. . . Ms. Entrata, don't do it."

Nakakalokong pag-ngisi ang ginawa ng dalaga bago niya inihambalos ang baseball bat sa front windshield ng kotse niya. Nang mabasag 'yon ng dalaga ay hindi pa ito nakuntento. Lumapit siya kay EJ na para bang akmang sasaktan niya ito gamit ang bat kaya mabilis na iniharang ng binata ang kamay niya sa baseball bat at kinuha 'yon na agad namang binitiwan ng dalaga dahil muntik na niyang mahawakan ang kamay nito—animo'y diring diri kapag nagkataong magka-dikit ang mga balat nila.

"Kapag gulo ko, gulo ko lang. Huwag na huwag kang e-epal. Sa susunod na gawin mo yun, ikaw na ang tatamaan ng baseball bat na 'yan."

Umarko ang kilay ni EJ. Hindi makapaniwala sa inaakto ng dalaga. "What are you? A delinquent? Hindi ba masyado ka ng matanda para mag-rebelde?"

Mabilis na nangunot ang noo ng dalaga. "Leave me alone, baboy!" Sigaw niya na hindi niya malaman kung bakit baboy ang itinawag niya sa binata.

"I'm not fat, you chicken girl."

"Chi-chicken?" Nanggigil na ulit ni Dale, pero mabilis din niyang kinalma ang sarili, pumukit siya at nagpakawala ng malalim na paghinga. Hindi nga lang siya nagtagumpay kaya tunalikuran niya ang binata at kumuha ng malaking tipak ng bato at muling tinira ang sasakyan nito kung saan niya pwedeng ibunton ang galit at inis niya nang sandaling 'yon.

"Wh-what the?! Stop! Geez! What are you trying to do to my baby?!" Sinubukan niyang hawakan ang dalaga ngunit malakas ito kaya agad niyang tinabig ang kamay ng binata.

"Magalit ka sa'kin! I-report mo ako!" Asik ng dalaga.

"No," tiim bagang na sagot ng binata na kahit pa gusto niyang magalit sa dalaga ay hindi niya magawa.

Ibinato ni Dale ang bato sa loob ng sasakyan ng binata t'saka niya sinugod ito at hinawakan sa kwelyo. "Don't fucking ruin my plans or else I will start ruining your life!"

Ngumisi ang binata na mas lalong nagpa-inis sa dalaga. "Try me."

"Try? To what? Kill you?" She scoffed. "Mag-paalam ka muna sa mga magulang mo," ani Dale t'saka niya itinulak ang binata at tinalikuran t'saka siya umangkas sa motor niya. "Tandaan mo, binalaan kita baboy." Hindi na nag-abalang mag-helmet ng dalaga bago niya mabilis na pinaharurot ang motor.

Nang mawala sa paningin ni EJ ang dalaga ay napakamot siya sa ulo niya. "I'm so sorry Dad," bulong niya habang nakatingin sa sasakyan. "At ako? Baboy? How am I baboy?" Kinapa niya ang katawan. Wala naman siyang nakapang taba kaya napailing siya. "I just called her chicken though." Bahagyang tumawa ang binata. "This is so childish," muling baling niya sa sasakyan na nagpa-buntong hininga sa kanya.

"Son! Son? What happened to you? Are you okay?" Bulalas ni Daddy Kevin nang makapasok sa loob ng bahay. Agad naman siyang nilingon nina Mommy Cathy at EJ na kakatapos lang mag-usap tungkol sa nangyari sa sasakyan.

"Dad, relax. I'm okay."

"Are you sure?" Sinipat ng tingin ni Daddy Kevin ang anak mula ulo hanggang paa. "What happened to your car then?"

"Yeah. . . About that. . ." Mabilis na lumuhod si EJ sa harapan ng Dad niya kasabay ng pagsalikop niya sa dalawang kamay. "I'm so sorry, Dad. Uhmm, something happened. . ."

"I can see that. . ." Nilingon ni Daddy Kevin ang asawa. Nag-kibit balikat naman si Mommy Cathy na bahagyang nagpatawa rito.

Tumayo si EJ mula sa pagkakaluhod t'saka siya bumuntong hiningang umupong muli sa upuan. "I met a girl."

"Tinawag siyang baboy nung babae, Dad," tumatawang pukaw ni Mommy Cathy.

"You met a girl and that happened?" Natatawang umupo na rin sa sofa si Daddy Kevin. "Okay. Let's hear about this girl," ani Daddy Kevin na para bang interesadong marinig nga ang kwento ng binata tungkol sa babae.

Natatawa na ring umiling si EJ. "Well, her name is Marydale, but we call her Dale. She's kinda, uhmm—"

"Siya yung gumawa no'n sa kotse ng anak mo," sabat ni Mommy Cathy t'saka ito tatawa tawang naglakad papunta sa kusina para maghanda na ng dinner.

Nanlaki naman ang mga mata ni Daddy Kevin t'saka niya inalis ang suot na salamin. "Oh yeah? Wow. . ."

"Yeah.. And she's, well, as you can see, a troublemaker, Dad. But you know? I find her interesting." Honest na sagot niya sa ama. "And I wanna help her getting out of trouble. Graduating na kami and I kinda want her to graduate with us."

"Well iho, that girl plus that car will cost you a lot of money so you better start securing your savings."

"What?" Bahagyang natawa ang binata. "You're not mad?"

Nakangiting umiling si Daddy Kevin. "I'm sure you've done something to her that made her do that. Am I right?"

Unti unting tumango ang binata. "Still, I'm sorry about the car Dad. That was your first gift to me when I started going to college."

Tinapik ni Daddy Kevin sa balikat ang anak. "It's all good. As long as you're okay."

"Naku. Nagpapaalam na 'yang anak mo, Kevin. Baka raw sa susunod na makita natin siya nasa ospital na siya," muling sabat ni Mommy Cathy kaya naman lahat sila ay bahagyang tumawa.

"What a strong lady huh? Good luck, son." Natatawang tumango tango na lang ang binata sa sinabi ng ama dahil mukhang mahihirapan talaga siyang makipag-lapit sa dalaga.

"Hoy, Entrata!"

Nilingon ni Dale ang kasama niyang si Patricia. Nasa loob sila ng isang mini bar ngayon na kung tawaging ay Twinnie Brad Lounge, na isang bar café—tambayan ng maraming students kung saan pwede kang makapag-relax sa umaga hanggang hapon na may kasamang OPM songs na bumabalot sa paligid. Sa gabi naman ay live band kaya halos dumugin ang bar café lounge na 'yon at punuan halos araw-araw lalo na kapag Friday and Saturday nights. Tuwing Sunday nights naman ay may pa-movie marathon sila hanggang alas dose sa labas kung nasaan ang parking lot. Outdoor cinema kumbaga. Malaki rin kasi talaga ang space na nakuha nila.

"Problema mo, Cañete? At bakit ngayon ka lang?" Pabalang na sagot ng dalaga. Gano'n na talaga sila, kaya huwag na kayong magtaka kung parang lagi silang nagbabangayan kung mag-usap.

"Kagagaling ko lang sa ospital para bigyan ng pambili ng gamot yung mga nakaaway namin kagabi. Kamusta ang kita natin kagabi?" Lumapit si Patricia sa kaibigan. Oo, sa kasawiang palad, pinagsama sila ng tadhana. Parehong lapitin ng gulo at disgrasya, pero okay lang 'yon para sa kanila lalo na't lapitin naman sila ng swerte pagdating sa negosyo nilang dalawa.

"Okay lang. Nagpa-sweldo na ako kina Aya, Nabi at Lyka. Mamaya sina Dylan, Lucas at Zen naman ang bibigyan ko," sagot ni Dale habang nililinis ang bar counter.

Habang nasa ibang bansa noon si Dale ay tinayo nila ang Twinnie Brad Lounge ni Patricia. Napag-kasunduan na nila 'yon bago pa siya umalis at sinimulan ngang itayo noong nandoon siya. Hindi naman nila akalaing bebenta 'yon lalo na sa mga estudyante dahil tago 'yon at malayo sa kahit anong eskwelahan.

Dito dumidiretso si Dale kapag tapos na ang klase niya. T'saka minsan lang naman siyang pumasok kapag alam niyang may quiz at exam. Kung may surprise quiz man, alam niya kung kailan siya babawi para sa recitation. Nga lang nagugulat ang mga kaklase niya kapag nag-re-recite siya. Yun lang ata ang hindi niya mabago sa sarili niya, ang pagiging maaral. She loves learning about anything under the sun, kaya kapag ayaw niya ang instructor at hindi magaling magturo ay madalas niyang hindi nga pasukan.

"Anong balita sa'yo? Akala ko ba nakagawa ka na ng paraan para ma-expel?"

Nangunot ang noo ni Dale nang marinig ang tanong ni Patricia. "Bwisit! Naalala ko na naman yung baboy na yun!"

"Baboy?"

"Oo. Baboy! Si Edward John Barber!"

Nanlaki ang mga mata ni Patricia. She adores EJ so much, kaso ayaw niyang gumaya sa mga babaeng nahuhumaling sa binata. "Saang parte ng katawan ni EJ ang mataba? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita kung ga'no siya ka-sexy? Lalo na kapag naglalaro siya ng soccer! Pero mas gusto ko pa rin kapag naglalaro siya ng basketball kasi naka-jersey lang siya, kita lahat. Sa soccer kasi naka-Tshirt sila. Boooo!"

Napairap ang dalaga nang maalalang ultimate fan nga pala ng kaibigan niya ang binata. Naku-kwento niya na ito simula nang makilala niya noong first year college pa lang ang binata. Hindi nga lang daw sila magkaklase kasi magka-iba ang course nila, na sa kasamang palad, para sa dalaga—magkaklase kasi silang dalawa ngayon ng binata sa lahat ng subject na meron siya dahil pareho sila ng kursong kinukuha.

"Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan mo sa pabibong student President na 'yon. Ang epal epal kaya niya. Kala mo kung sinong laging mabait."

Agad na hinawakan ni Pat ang mukha ng dalaga. "Unlike us, mabait naman talaga siya kasi. And the face 'day! The face! Idagdag pang matalino siya, student president ng Uni, varsity player ng soccer at basketball, at"—tumili si Patricia na nagpakunot noo ng sobra kay Dale—"yummy! From head to toe."

Umaktong parang masusuka si Dale kaya naman mabilis siyang binatukan ni Patricia at nang gaganti na sana ang dalaga sa kaibigan ay pumukaw sa kanila ang nakakabinging sigawan sa loob ng bar café lounge.

"This song is for my Marydale. Hey sweetie, I'm back. . ."

Nagkatinginan sina Patricia at Dale t'saka sila umiling. Nang ibalik nila ang tingin sa lalaking nagsimulang kumanta ay pareho silang nangalumbaba sa bar counter. Hindi naman kasi maitatangging maganda talaga ang boses ng lalaki kaya naman nang matapos ito ay malakas na palakpakan ang sumunod na narinig.

"What's up airhead? Gwapong gwapo pa rin ah!" Bulalas ni Patricia nang makalapit ang lalake sa kanila t'saka siya lumapit na rin dito para yakapin ito.

"For my Marydale," natatawang sagot nito t'saka niya mahigpit na niyakap si Pat, at nang matapos ay si Dale naman ang nilapitan nito.

"My Marydale mo mukha mo, Hunter."

"Aww. . . Hindi ka pa rin nagbabago." Akmang yayakap na si Hunter sa dalaga pero agad na hinarang ng dalaga ang kamao niya rito.

"Tumigil ka nga. Hindi bagay sa'yo. Pinadala ka ni Papa rito 'no?"

Agad na tumango si Hunter t'saka siya naupo. "Ang sabi ni Uncle, muntik ka na raw ma-expel. Kung hindi lang ako mabait na pinsan, hindi kita pupuntahan dito."

"Ulul! Mabait my ass. Nakahingi ka lang ng extra-ng pera mo kaya ka nandito."

Bahagyang tumawa si Hunter. "Kilalang kilala mo na talaga ako my loves. Of course! Money is everything." Inilahad nito ang palad sa harap ng dalaga. "May binabalak sila sa'yo. Gusto mong marinig? Money down nga lang."

Inirapan ng dalaga ang pinsan. "Wala kang malilimos sa akin. Wala akong pera. At kahit anong pagbabalak nilang gawin sa'kin, hindi ako titigil na ma-expel ako sa Uni na 'yan."

Bumuntong hininga si Hunter nang marinig 'yon. "Kung bakit ba naman kasi umalis ka sa poder ni Uncle Joe. You already have everything, Dale. But you choose to live like this. You're crazy."

Nanahimik ang dalaga t'saka niya tinalikuran ang pinsan. Agad namang binatukan ni Patricia si Hunter dahilan para kunot noo itong bumaling sa kanya. "Kung hindi ka naman biniyayaan ng pagiging sensitive ano? 'Yang bunganga mo talaga. Sa susunod makakatikim ka na talaga kay Dale."

Bad trip si Dale nang makababa ng motor niya kaya naman nang ilibot niya ang mga mata niya pagkaalis niya ng helmet ay halos salubong ang kilay niya.

"Good morning, Miss Entrata."

Napabuntong hininga ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Nang lingunin niya ito ay malaki ang pagkakangiti nito sa kanya na mas lalong nagpa-singkit sa kanyang mga mata—napaka-agang eyesore na itago na nating sa pangalang Edward John Barber.

"Look, wala akong kotse. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, hatid-sundo mo na ako from now on."

Umirap ang dalaga nang marinig 'yon at akmang tatalikod pero desidido ang binata kaya mabilis niyang hinawakan ang braso ng dalaga t'saka niya hinarap ito.

"Seryoso ako, Dale."

Walang ekspresyon ang mukha ng dalaga habang matamang nakatingin sa mga mata ng binata. But when EJ called her Dale, bahagya niya 'yong ikinagulat—nga lang ay hindi niya ipinahalata. Isang taon niya na itong kilala, at kung hindi Miss Entrata ang tawag nito sa kanya ay ang buong pangalan niya.

Gano'n na lang ang kabog ng dibdib ni EJ dahil sa kaba nang hindi niya mabakasan ng kahit anong ekspresyon ang mukha ng dalaga. Kung may malaking baseball bat lang siguro sa tabi ay kanina pa siyang walang malay at may tama mula rito, 'yon ang nasa isip niya. Ngunit pinili na magpakatatag ng binata. He wants to get to know her at ito ang magiging unang hakbang niya para mapalapit sa dalaga.

Tumikhim ito bago muling nag-salita. "That car, bigay 'yon sa'kin ng Dad ko nung mag-start ako sa college. They were both excited, my Mom and my Dad. But what did you do? You just destroyed it. You just destroyed the most important thing in my life, Miss Entrata."

Sa isang iglap ay nakitaan ng konsensya ni EJ ang mga mata ng dalaga pero agad 'yong nawala nang tabigin nito ang kamay niya t'saka ito tumalikod at naglakad na palayo.

"Tch! Muntik na. Sayang." Bumuntong hininga ang binata. "Okay." Muli ay naging buo ang determinasyon niya. "Next one. Plan B," nakangising sabi niya kasabay ng pagbaling niya sa likuran ng dalaga na tinutukan niya pa ng mga daliri niyang ginawa niyang parang baril—"Bang!"

"Marydale Entrata, President's office, now," bungad ng instructor nila sa nang makapasok ng klase dahilan para mag-bulungan na naman ang lahat ng mga nandoon pwera kay EJ na malaki ang pagkakangiti—you sneaky little sexy punk.

Halos mawala ang itim na bola sa mga mata ng dalaga nang itirik niya iyon dahil sa inis sa kanyang ama. Padabog siyang tumayo at lumabas nga ng klase para puntahan ito. Hindi pa man siya nakakapasok ay rinig niya na ang boses nito sa opisina dahil mukhang may kausap. Kausap na ayaw niyang makita kaya parang hangin na binalewala niya ang presensiya ng taong 'yon nang makapasok siya.

"Ano na namang problema?" Walang ganang tanong niya sa ama na nagpa-iling dito.

"Hindi mo man lang ba babatiin ang Tita Kat mo?"

"Hindi ko siya Tita. Hindi ko siya kadugo. Ni hindi ko nga tinatawag na Tito o Tita mga board members dito, siya pa kaya? Pa-importante lang?"

"Mary—" Hindi naituloy ni Papa Joe ang pag-suway sa anak nang pigilan siya ng isang babae.

"But soon to be mother in law," nakangiting sabi ng babae na nagngangalan ngang Kat pero hindi niya ito pinansin.

"Ano na? Bakit mo 'ko pinatawag dito?"

"Masyado ka ng bastos Marydale."

"Nasa gitna ako ng klase tapos pinatawag mo ako rito. Sino ngayon ang bastos?"

Muling bumuntong hininga ang kanyang ama t'saka ito tumayo. Sinukuan na ang dalaga. "I heard about Mr. Barber's car."

"Psh!" Kasunod no'n ay ang pag-irap niya sa kawalan at pamumulsa ng dalaga sa black leather jacket niya—na akala mo hindi pinagpapawisan, e napaka-init sa Pilipinas lalo na sa lugar kung nasaan sila.

"Kakausapin ka raw ng mga magulang niya," pagpapatuloy ni Papa Joe.

"Ano?" Bulalas ng dalaga. "Ayoko nga!" Halos mag-isang linya ang kilay niya nang sandaling 'yon.

"Well, whether you like it or not you have to talk to them and say sorry. Ako na ang bahala sa babayarin sa pagpapa-ayos ng sasakyan."

"Eh ba't hindi na lang din ikaw ang kumausap? Kaya mo namang gawin lahat 'di ba? Kaya mong lusutan lahat basta may pera kang hawak—"

"Marydale!" Asik ni Papa Joe na nagpatahimik sa kanya at nagpabuntong hininga. Si Papa Joe naman ay napahawak sa sintido at napaupo. "But, Mr. Barber told me you don't have to do that, unless—"

"Eh yun naman pala."

"Unless!" Muling ulit ni Papa Joe. "Ikaw ang taga-hatid at taga-sundo niya araw-araw hanggang sa maayos ang kotse niya."

Muling mas nangunot ang noo ng dalaga. Narinig niya lang kasi 'yon kaninang umaga mula sa binata.

"You do that, or meet his parents. Ikaw ang bahala. Talk to Mr. Barber about it."

Napapalatak na lang sa inis ang dalaga bago tinalikuran ang ama para makalabas na ro'n. Mabilis niyang tinungo muli ang klase niya kung nasaan ang binata. Pagbukas niya ng pinto, lahat ng nandoon ay napako ang tingin sa kanya, maliban sa taong gusto niyang sapakin ngayon.

"Pinapatawag si Barber sa President's office kasama ako," paalam ng dalaga sa instructor na na kay EJ pa rin ang tingin at nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay napalunok ang binata.

He's so dead.

"Barber, go ahead. Go with Entrata."

Alanganing tumayo si EJ. Sa totoo lang ay ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng dalaga. Imposibleng ipinatatawag siya ng President dahil nagka-usap na silang dalawa kanina para sa plan B niya.

"Good luck bro. Yan na nga ba sinasabi ko," rinig niyang bulong sa kanya ni Marco na mas lalong nagpakaba sa kanya.

Nang makalabas ang binata ay mabilis na hinawakan ni Dale ang braso nito t'saka ito hinila sa isang sulok malapit sa may hagdanan. Buong lakas niyang isinandal doon ang binata, hindi pa siya nakuntento dahil kinorner niya ito gamit ang dalawang braso—yes, you may now start praying for EJ Barber. Lalo na kapag nalaman ng dalaga na may kinalaman ang binata kung bakit pinatawag ito sa President's office.

"I will never meet your parents," banta ng dalaga.

"O-okay." Nalaman ba niya? Nalaman ba niyang ako ang may pakana? Sa isip ng binata.

Bumuntong hininga ang dalaga. Ayaw man niya, hindi siya makapaniwala sa susunod na mga salitang sasabihin niya. "Susunduin kita ng 7AM, at ihahatid kita around 5PM, yun ang huling klase natin maliban sa 7PM tuwing Thursday's at Saturday's 'di ba? Hindi ko yun pinapasukan, so you better text me or else hindi kita masusundo dahil may pinagkakaabalahan ako. Kuha mo?"

Pinigilang mapangiti ni EJ nang sandaling 'yon, pero mabilis siyang tumango.

"You! Baboy ka talaga!" Inis na bulalas ni Dale bago niya tinalukuran ang binata na ngayon ay tuwang tuwa dahil sa narinig mula sa dalaga.

"But can she stop calling me baboy though?" Napa-kamot siya sa ulo nang sabihin 'yon. Pakiramdam niya kasi tuloy ay napakataba niya—na-conscious tuloy siya sa katawan niya.

Ngunit hindi na nawala ang ngiti ni EJ sa labi lalo na nang dumating ang oras ng pag-uwi. Sa parking lot, kung saan madalas i-park ng dalaga ang motor nito ay nakita niyang naghihintay doon ang may-ari kaya naman mas binilisan niya pa ang paglalakad.

"Hello, Miss Entrata. . ."

Imbis na sumagot ang dalaga, nilingon niya lang ang binata t'saka inihagis dito ang helmet niya.

"What about you?" Tukoy ng binata sa helmet. Iisa lang kasi 'yon.

"Mamatay na ako, maging ayos ka lang."

Napakalaking ngiti ang sumilay sa labi ng binata—ngayon pa lang naniniwala na siyang tinatablan ng kilig ang mga lalake. "I feel so special right now, Miss Entrata."

"I'm being sarcastic, duh! Baboy! Kapag namatay ako, kasalanan mo."

Agad na nangunot ang noo ng binata. "Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari 'yon. Sisiguraduhin kong ligtas ka kapag ako ang kasama mo, Dale," madamdaming sabi nito dahilan para matampal ng dalaga ang sariling noo—animo'y parang hinugot ng binata ang mga salitang 'yon sa fairytale book. Heroic much, ika nga nila na nagpa-iling na lang muli sa dalaga.

Mabilis na sinukuan ni Maymay ang binata nang kung anu ano pang mga pinagsasasabi nito. Masyado itong madaldal na halos ikwento na nitong excited siyang sumakay sa motor. Pero natapos na't lahat ang mahabang kwento ng binata ay hindi pa niya nararamdaman ang pag-angkas nito sa motor niya. Kunot noo niyang binalingan ito at gano'n na lang ang mabilis na pagsilay ng nakakalokong ngiti niya nang makita ang itsura nito.

"Excited pala ha? Oh.. Ano? Takot kang sumakay sa motor ko?"

Mabilis na umiling ang binata. Kitang kita ni Dale ang pagtaas baba ng adam's apple nito na mas lalong nagpangiti sa kanya. Bakas sa mukha ng binata ang takot at kaba kaya naman napailing na lang siya.

"May gagawin pa ako after na maihatid ka. Kaya baka gusto mong sumampa na nang makaalis na tayo." Sinimulang itali ng dalaga ang buhok niya habang hinihintay ngang sumakay ang binata.

Ramdam ng binata ang malakas na kabog ng dibdib niya habang inaayos ang paglalagay niya ng helmet sa ulo—binabawi niya nang excited siya. Parang gusto niya na atang umatras. Hindi niya malaman kung bakit parang nakaramdam siya ng takot sa motor, idagdag pang si Dale ang driver no'n kaya mas domoble ang takot niya. Palihim siyang nag-sign of the cross bago sumampa sa motor at nang maiayos niya ang sarili ay agad siyang humawak sa bewang ng dalaga.

"Ang payat mo," 'di maiwasang komento ni EJ nang mahawakan nito ang bewang ng dalaga.

"Baboy ka lang talaga, Barbero."

"Sabi ng hindi ako—ahhhh!" Sigaw ng binata nang simulang paandarin na ng dalaga ang motor niya. Hindi napigilan ni Dale ang malakas na pagtawa, na 'di rin inalintana ang mahigpit na pagkakayakap ng binata sa bewang niya.

Mabilis na bumaba si EJ mula sa motor ni Dale na nagpapatawa pa rin sa dalaga.

"Good night, Barbero. Bukas ulit," nakangiting baling ni Dale rito na agad naman niyang kinunutan ng noo.

"You were trying to kill me, weren't you?"

Muling malakas na tumawa ang dalaga. "'Di ah. Pinakamabagal ko na ngang takbo 'yon e."

"Marydale. . . Entrata!!!"

Tumungo si Dale na parang nagba-vow pa sa harap ni Edward. "Yes, your highness?"

"You're crazy!"

"Matagal ng alam ng lahat 'yan. Kanina mo lang na-realize?"

"You—You! I swear—"

"Hindi ka na magpapasundo at hatid sa akin?" Nagningning ang mga mata ni Dale nang maisip 'yon ngunit agad ding nawala nang ngisian siya ng binata.

"7AM sharp. Don't be late. Ayokong nale-late. Good night, Miss Entrata," nakangiting bawi ni EJ kasabay ng pagsusuot niya kay Dale ng helmet bago ito pumasok sa loob ng bahay nila.

Halos ihagis ni Dale ang suot na leather jacket sa bar counter nang makarating siya sa Twinnie Brad Lounge. Lahat tuloy ng mga kaibigan niya na mga nagta-trabaho para sa kanya ay agad siyang nilapitan.

"May nag-aya ng laban, tapos talo siya. 100 pesos na sa'kin," pusta ni Zen sabay lapag ng 100 pesos nga sa bar counter.

"200 pesos. May sumipa na naman sa motor niya at kailangan niyang ipa-re-paint," singit ni Lucas sabay baba rin ng 200 pesos sa bar counter.

"Lalake. Lalake problema niyan. May nanliligaw sa kanya, utos ni Tito Joe. 150 pesos lang sa'kin," pukaw din ni Dylan. Tinitigan ito ng dalawa, parehong naka-arko ang kilay. "Bakit? Mahirap na matalo! Pan-load ko pa 'to at pan-text sa girlfriend ko."

"Bwisit talagang baboy yun!" Bulalas ni Dale kaya muling nagtinginan ang tatlong lalake na pumusta kani-kanina lang.

"Ay. Hayop na 'yan. Hayop pala usapan. Walang nanalo! Kunin niyo na pera niyo," agad na bawi ni Lucas na nagpatawa sa dalawa.

"Inano ka na naman ni EJB my loves?" Singit ni Patricia dahil alam niyang baboy ang tawag ni Dale sa binata.

"Naku! Akin na 'yang mga pera niyo! Panalo ako. Lalake ang sagot. Lalake!" Bulalas ni Dylan.

"Ulul! Sabi mo nanligaw! 'Di naman nanliligaw!" Alma ni Zen na nagpatawa kina Patricia at Lucas.

"Ginawa ba naman akong taga-hatid-sundo ng baboy na 'yon? Bwisit! Bad trip! Nakakainis talaga!"

"E kalat na kalat kasi kaya sa school yung ginawa mo sa kotse niya," ani Patricia.

"Saglit. Si EJ pinag-uusapan niyo?" Singit ni Lucas na member ng varsity ng basketball ng Uni nila.

Tumango si Patricia habang sina Zen at Dylan naman ang napailing.

"Bakit ka nagagalit dun? Anong ginawa niya sa'yo? E siya kaya ang pinakamabait na taong nakilala ko," pag-uusisa pang muli ni Lucas. "Kaya nga malakas ang hatak niya sa mga students at instructors e. Mukhang mali ka naman ata ng kinalaban, Dale."

Umarko ang kilay ng dalaga kasabay ng pagkunot noo niya. "Mali? Kinalaban?" Inis na sinugod niya si Lucas at kinuwelyuhan. "Dahil sa baboy na 'yan, naunsyami ang plano kong ma-expel sa Uni. Okay na e. Okay na!" Nanggigigil na sambit ng dalaga. "Pero um-epal 'yang captain niyong baboy!"

Hinawakan ni Lucas ang kamay ng dalaga t'saka 'yon inalis mula sa pagkaka-kuwelyo sa kanya. "Relax. Nasa side mo pa rin ako," kamot ulong pag-suko ni Lucas.

Inirapan ni Dale ang kaibigan t'saka siya umupong muli sa bar stool.

"Dalhin mo siya minsan dito Dale ha," ani Patricia na nagpa-irap sa dalaga kaya tumayo na ito at nag-simula nang mag-trabaho.

Gaya nga ng napagkasunduan ng dalawa ay hatid sundo nga ni Dale ang binata na araw-araw na nagpapatawa sa kanya dahil sa mga reaksyon nito. At araw-araw ding hindi napapansin ng dalaga ang pag-aabang ni EJ sa bawat tawang 'yon kahit pa inaasar siya nito.

"Miss Entrata," pukaw ni EJ dito pagkalabas ng instructor nila. Natigilan tuloy sa pag-aayos ng headphone ang dalaga. Nakagawian niya na kasing matapos ng klase ay ilalagay niya 'yon nga lang ay tinawag niya siya ni EJ.

"Problema mo, Barbero?"

"May practice kami this week, kaya late akong makakauwi. Huwag mo na akong ihatid. Pasundo na lang every morning. We'll start our late practice later."

"Ikaw bahala," agad na sagot ng dalaga kasabay ng pag-aayos ng headphone nito sa tenga. Nang tumalikod ang dalaga ay bumuntong hininga ang binata. Parang gusto niya tuloy huwag um-attend ng basketball practice nila para sa darating na indoor games ng Uni.

"Oh, anong nangyari sa'yo? 'Di ba dapat masaya kang hindi ka ihahatid ni Dale dahil araw-araw mong sinasabi sa akin na inaasar ka niya at iniinis?"

"I miss her."

Mabilis na binatukan ni Marco ang kaibigang si EJ na nagpakunot noo rito. "Baliw ka na ba? Gusto mo na bang mamatay? Ha? Ha?"

Tinakpan ni EJ ang kaliwang tenga kung saan siya sinigawan ni Marco t'saka niya hinampas ang dibdib ng kaibigan gamit ang isang kamay. "You're exaggerating!"

"Exaggerating?" Muling bulalas ni Marco kaya seryoso siyang tinitigan ni Edward. Napilitan tuloy itong kumalma. Pero hindi talaga siya makakalma dahil sa narinig niya. "You miss her? Agad agad? Isang linggo pa lang kayong ganyan in love ka na?!"

"In love?" Si EJ naman ang OA na sumigaw sa tenga ng kaibigan na nagpatawa sa kanya nang takpan 'yon ni Marco. "I am not. I just. . . I don't really know. T'saka, you see—" hinarap ni EJ ang kaibigan—"Hindi mo ba napapansin na hindi na siya nabibigyan ng detention? On time siya sa klase sa umaga, at halos pinapasukan niya na rin yung 7PM classes natin para lang maihatid ako." Ngumiti ang binata kasabay ng pag-shoot niya sa bola. "I think she's starting to change. Good influence ako sa kanya," proud na proud niyang sabi. Idagdag pang pasok ang tira niya.

Naiikot ni Marco ang mga mata t'saka ito bumuntong hininga. "At ikaw, baliw ka na noon sa kanya nung hindi mo pa siya nakakasama—ngayong nakasama mo na siya, mas naging baliw ka pa sa kanya. You, are, so, dead," pagdidiin ni Marco sa huling apat na salita na nagpatawa lang kay EJ.

"Ano na? Ano nang balita sa kagustuhan mong ma-expel?" Pangungulit ni Patricia.

"Wala," walang ganang sagot ni Dale. Sa totoo lang ay wala pa siyang naiisip na gawin para mangyari 'yon.

"Naku. Busy'ng busy ka kasi kay EJB my loves. Pero teka, bakit ang aga mo ata ngayon? Hindi mo siya hinatid?"

"May practice."

"Ahh. . . So mamaya mo siya susunduin?"

"Hindi na raw kailangan."

"Ha? Sunduin mo! Mamaya may masamang mangyari dun! Mas mahalaga buhay nun kaysa sa'yo 'no!" Mabilis na binawi ni Patricia ang sinabi nang titigan siya ng masama ni Dale. "I mean, mahalaga ang buhay niya. Oo. Kasi papapakasalan ko pa siya. T'saka baka may mga umambang do'n. Kalat sa Uni na lagi kayong magkasama, baka pag-trip-an 'yon ng mga nakaaway mo."

Biglang kinabahan ang dalaga nang marinig 'yon sa kaibigan. Agad itong tumayo at nag-alis ng apron t'saka mabilis na tumakbo palabas.

"Tignan mo 'to. Concern much din pala kay my loves ko. Aysus! May dumagdag na naman sa mga karibal ko," natatawang bulong ni Patricia sa sarili na ngayon ay pumalit sa pwesto kanina ni Dale na nasa register.

"Bro, mauna na ako. Susunduin ko pa si Vi."

Tinanguan ni EJ si Marco ng magpaalam at ganoon din siya sa iba. Ilang sandali pa ay dadalawa na lang sila ni Lucas na nandoon.

"Sabay ka na sa'kin, tol?" Pukaw ni Lucas sa binata.

Nagtataka namang nilingon ni EJ ang teammate niya at kaibigan na rin kung matatawag. "What do you mean?"

"Wala kang ride 'di ba?"

"Paano mong alam?"

Bahagyang natawa si Lucas. "Alam naman ng lahat na sumasabay ka kay Dale."

"You know her?"

Agad na tumango si Lucas. "Boss ko 'yon e."

"Boss?"

"Oo. Sa kanya ako nagtatrabaho."

Agad na naningkit ang mga mata ni EJ. "Anong trabaho?"

Muling natawa si Lucas. "Barista tol. Relax. Parang ibang trabaho yata ang naiisip mo ah."

"Well, we're talking about Miss Entrata here," ani EJ na nagpatawa kay Lucas.

"Mabait 'yon. Mukha lang hindi. Pero mabait 'yon."

"You guys are close?"

Tumango si Lucas. "Last year ko siya nakilala. Nung bagong tayo yung Twinnie Brad Lounge na pag-aari nilang dalawa ni Patricia. Best friend niya."

"May best friend siya? At kaibigan ka rin niya?" Sumilay ang malaking ngiti sa labi ng binata. "So she's not a lone wolf then."

Malakas na tumawa si Lucas. Sa huli ay umiling ito. "Sorry, sorry. But no. She's not. Masayahing tao yun. Depende lang sa mga nakakasama niya."

"Nakakasama huh?"

"Oo. Kaso mas madalas talaga siyang mag-taray at maging sarkastiko. Nakakaloko nga minsan dahil napakagaling niyang sumagot na sa huli, alam mo nang talo ka lalo na kapag masama na ang tingin niya," tumatawang kwento ni Lucas na nagbigay ng hindi ka-aya ayang pakiramdam sa binata.

"Oh, I see," tipid na sagot na lang ni EJ.

Napansin naman 'yon ni Lucas kaya palihim itong napangiti. "Ano? Tara na. Late na. Didiretso pa akong Twinnie Brad." Tinanguan naman ito ni EJ kaya nang matapos makapag-ayos ng gamit ay lumabas na sila.

Pagkalabas nina EJ at Lucas mula sa gym ay laking gulat nila nang may makita silang apat na lalaking may hawak na baseball bat. Nagkatinginan ang dalawa t'saka sila muling tumingin sa apat na lalaking nasa harapan nila.

"Wala ata si Entrata ngayon? Hindi sinundo ang boyfriend?" Nagtawanan ang apat na lalaki nang may magsabi no'n.

"What do you want?" Kunot noong tanong ni EJ sa mga ito.

"Ikaw. Sumama ka sa'min. Kapag hindi ka sumama, pati 'yang kasama mo, masasaktan."

"Huwag, tol. Ako na nagsasabi sa'yo," agad na pigil ni Lucas dito.

"Pinigilan boss. Ano? Dito na natin saktan."
"Hindi. Kukunin natin yan tapos tatawagan natin si Entrata para wala siyang lusot."
"Eh pa'no 'yang kasama?"
"Kapag umalma, saktan niyo na rin."

Nang itaas na ni Lucas ang manggas ng varsity jacket niya ay ibinaba na rin ni EJ ang gym bag na bitbit niya. Handa na silang dalawa pero hindi pa man nakakagalaw ang apat na lalake sa kinatatayuan nila ay may maliwanag na ilaw ang sumilaw sa kanila.

"Hoy tukmol! Kahit kailan talaga wala kang dala ano?"

"Shet boss! Pa'no niya nalaman?"
"Boss! Tara na. Kagagaling lang natin sa ospital."

"Magsitigil kayo!" Sigaw ng tukmol. "Ang sabi sa akin walang susundo riyan sa lalake kaya ako sumugod."

"Mali ka ng nakalap na impormasyon kung gano'n," maangas na sabi ni Dale t'saka niya mabilis na pinaandar ang motor at pinalibutan silang lahat.

"What is she doing?" Bulong ni EJ na ngayon ay nakaramdam na ng kaba nang biglang sumulpot ang dalaga. Ayaw niya itong mapahamak nang sandaling 'yon ngunit mukhang huli na nang magyabang ito sa harapan nilang lahat.

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Lucas. "Kailangan mo ng tulong, boss?" Tukoy niya kay Dale.

"Alam mo kung anong dapat gawin, Lucas. Siguraduhin mong walang galos 'yan, dahil kung hindi"—inihinto ni Dale ang motor niya sa harapan ng apat na lalake—"sisisantihin kita ng may galos sa kung saan mang parte ng katawan ng baboy na 'yan ang magagalusan."

Natatawang inakbayan ni Lucas ang binata na ngayon ay naguguluhan sa nangyayari. "Masusunod boss."

Mabilis ang sumunod na galaw ng dalaga nang mailayo ni Lucas si EJ mula sa apat na lalake. Sakay siya ng motor nang una niyang atakihin ang boss ng apat na may hawak na baseball bat. Sa isang iglap siya na ang may hawak no'n at ang sumunod na narinig ay ang paghampas niya sa mga baseball bat ding hawak ng tatlo gamit ang bat na nakuha nga sa tukmol. Nang ihinto ni Dale ang sasakyan ay kitang kita niya na ang takot sa mga mata ng mga lalake. Bumaba siya mula sa motor nang hindi inaalis ang helmet.

"Masyado kang mayabang, E-Entrata!" Sigaw ng tukmol na halos magkanda-bulol dahil sa nararamdamang takot kay Dale.

"Masyado kang mayabang, Entrata," walang ganang ulit ni Dale para asarin lalo ito na epektib naman nang sugurin siya nito.

Ngunit mas mabilis ang galaw ni Dale nang iharang niya ang baseball bat sa kamay ng lalake t'saka siya yumuko para tadyakan ang sikmura nito na may kasama pang pag-tuhod sa—alam na, mabaog na kung mabaog. Matapos no'n ay sabay-sabay na sumugod ang tatlo pang lalake kaya ang hawak niyang baseball bat ay agad niyang iwinagayway sa ere dahilan para hindi agad makalapit ang mga ito sa kanya. Nagbigay 'yon ng pagkakataong masipa niyang muli ang isa sa dibdib t'saka siya nag-cartwheel para maiwasan ang pagsuntok nung isa. Gamit ang baseball bat ay tumama 'yon sa binti ng lalaking sumubok na suntukin siya at siyang pagsipa niyang muli sa mukha ng lalaking nasipa niya na sa dibdib dahil tinangka nitong hawakan siya. Nang makatayo ang dalaga ay kitang kita at rinig rinig niya ang pagsalakay ng nag-iisang lalake na hindi niya pa naitutumba. Nang iangat niya sa ere ang baseball bat ay tumigil ito at lumuhod. Pinagkiskis pa ang mga palad na akala mo nanlilimos ng makakain.

"Si bossing talaga ang may kasalanan nito. Sabi ko sa kanya na huwag ka ng guluhin e. Ayaw niyang makinig sa'kin e. Ayokong ma-ospital ulit. Wala na akong pambayad."

"Pagbilang ko ng tatlo, siguraduhin mong wala ka na sa paningin ko. Isa. . ." Mabilis na tumayo ang lalake at tumakbo nga palayo ro'n. Nang masigurong hindi na makakatayo ang iba ay nilingon niya ang tukmol. "Hoy tukmol! Isa pang beses na balakin mong galawin ang lahat ng pag-aari ko, hindi na lang ospital ang kababagsakan mo."

"Sa susunod na gawin ko 'yon, siguradong hindi mo na kami matatalo—ugh!" Inapakan ng dalaga ang dibdib nito dahilan para hindi maituloy ang sasabihin.

"Wala ng susunod, dahil lahat kayo, sa presinto ang bagsak," pukaw ng isang boses na kilalang kilala ni Dale. Nang lingunin ito ng dalaga ay mabilis itong yumakap sa kanya. "My Marydale! My everything! My present and my future! I love you with all my heart and—" agad na iniharang ni Dale ang palad niya sa mukha nito para hindi na maituloy ang pagsasalita.

"Nakuhanan mo sila ng video?"

Nagyayabang na nag-pogi sign ang lalake. "Ako pa ba? Baka nakakalimutan mong, I Am Super Hunter! Tentenenenenen!" Nag-pose na akala mo siya si Superman.

Natatawang ginulo ni Dale ang buhok ng pinsan niya. "Yan ang gusto ko sa'yo kahit mukha kang pera."

Nag-salute lang si Hunter kay Dale na muling nagpatawa sa dalaga. "Nandito na sila, in 5, 4, 3. . ." Binalot ng police siren ang paligid nang sandaling 'yon. Ilang sandali pa ay tatlong police car na pumarada at dinakip ang tatlong lalaking natira. Ang pang-apat? Nasa loob na ng police car. Takot niya lang na mabweltahan ng dalaga.

Nilapitan ng dalaga si Lucas kasama si EJ na hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan kanina.

"Aba! Himala. Tumawag ka na ng pulis?" Namamanghang bulalas ni Lucas.

"Ayokong may mga madamay pa nang dahil sa'kin." Nilingon ni Dale si EJ na ngayon ay matamang nakatingin sa kanya. "Ano? Okay ka lang? Natakot ka—"

Hindi naituloy ng dalaga ang sasabihin nang bigla siyang yakapin ng binata. At bago pa mag-sink-in sa kanya ang ginagawa ng binata ay nailayo na ni EJ ang katawan nito mula sa kanya na ngayon ay sinisipat siya ng tingin. Nang masigurong wala itong galos ay hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.

"Are you crazy? Alam mo bang pwede kang mapahamak kanina? Napakayabang mo! Ni hindi mo man lang hiningi ang tulong namin ni Lucas! Akala mo kung sino kang superhero na hindi masasaktan! You're so selfish! Ang sama sama mo sa'kin! Papatayin mo 'ko dahil sa pag-aalala sa'yo!" Hinihingal na bulalas ni EJ habang matamang nakikipagtitigan sa dalaga. Si Dale na hindi naman agad makapag-salita ay naguguluhang napakunot na lang ng noo dahil sa inaakto nito.

"My Marydale! See you sa Twinnie Brad," sigaw ni Hunter na sakay din ng police car. Huwag na kayong magtaka. Kakaiba ang friendships ni Hunter—puro pulis at gang member. Idagdag pa nga sina Dale at Patricia.

"And who is that? Why is he calling you my Marydale?" Asik ng binata sa dalaga dahilan para itulak niya ang dibdib nito para makalayo rito.

"Tara na. Ang dami dami mong satsat," ani Dale t'saka siya bumaling kay Lucas. "Pupunta ka ba sa Twinnie?"

Tumango si Lucas na kanina pa ngiting ngiti dahil sa nasasaksihan. "Kita kits."

"Kaya mo pa ba?"

"Oo naman. Alam mo namang lakas ko ang mga chicks doon."

Bahagyang tumawa ang dalaga dahil sa biro ng kaibigang si Lucas. "Oh sige. Mag-i-ingat ka." Nang makapag-paalam si Lucas ay siyang angkas na rin ni Dale sa motor niya. "Ano na Barbero? Tatayo ka na lang diyan?"

"Pa-akin akin ka pang nalalaman. Masiyado kang lalakero! Napakarami mong lalake! Tch!" Inis na sabi ng binata nang mapansin nito na close ito sa iba pang lalake bukod sa kanya. Iiling iling na lang na natawa ang dalaga dahil sa inaakto ng binata.

Nang maihatid ni Dale ang binata at maiabot nito ang helmet niya ay hinawakan ni EJ ang kamay niya na nagpataas ng balahibo ng dalaga kaya mabilis niyang binawi 'yon at kunot noo niya itong pinanlisikan ng mga mata.

"Anong ginagawa mo?"

Magiliw na ngumiti ang binata. "Pasok ka sa loob."

"Anong pasok?" Naguguluhang tanong ng dalaga. Hindi na nawala ang pag-kunot ng noo niya dahil sa pagiging wirdo ng binata.

"Sa loob ng bahay."

"Ayoko nga."

Si EJ naman ang nag-kunot ng noo. "Why?"

"Kasi ayaw ko!"

"But I wanna thank you."

"E 'di mag-thank you ka. Kailangan ba sa loob ng bahay niyo?"

"I have my own way to say thanks, Miss Entrata."

"At hindi ko kailangan 'yang own way mo," ani Dale t'saka niya isinuot ang helmet at pinaandar ang motor.

"Dale, please?" Sigaw ni EJ na mas lalong nagpakunot ng noo niya. Iba kasi ang dating ng Dale sa pandinig niya kapag sa binata galing 'yon.

"No. Ayoko. Baliw ka ba?"

"Yes! Oo! I'm crazy! Maybe I am really crazy already, okay? Can you just go inside with me? Wala ang parents ko kaya don't worry."

Kung may mas ikukunot pa ang noo ng dalaga ay nagawa niya na siguro nang marinig 'yon. At mukhang nakuha agad ng binata ang ibig niyang sabihin kaya mabilis itong umiling.

"No! Not—geez! What am I saying? I'm talking about you meeting my parents! Hindi yung ano!" Natataratang paliwanag ng binata na unti unting nagpangiti sa dalaga. Gustong gusto niya talagang nakikita ang iba't ibang ekspresyon ng binata, and this one is her favorite. "Bakit?" Kinabahan ang binata nang makita ang pag-silay ng ngiti ng dalaga. Bigla kasing nag-iba ang tibok ng puso niya nang makita 'yon. Iyon ang unang pagkakataon na makita niya ang magiliw na pagngiti ng dalaga sa kanya.

Umiling si Dale sa binata t'saka niya pinatay ang makina motor niya. Nang alisin niya ang helmet at ipinatong 'yon sa motor ay siya ring pagbaba niya mula ro'n.

"Grabe. Ang kulit mo e 'no?"

Napangiti ang binata nang sa wakas ay mapapayag ang dalaga nang sandaling 'yon. Palihim pa siyang napasuntok sa ere dahil sa tuwa.

"Here you go." Inabutan ni EJ ng isang tasang hot chocolate ang dalaga, with whipped cream and marshmallows on top pa.

"Aba. Hindi mo pa sinulit na nilagyan ng chocolate drizzle on top para mag-mukhang sosyal na sosyal."

Bahagyang tumawa ang binata. "Nah. That's enough. You're not that kind of person na with chocolate drizzle on top." Pinanlisikan siya ng mata ng dalaga. "I'm kidding. We're out of it."

Kasabay ng pagnguso ng dalaga ay ang pag-angat niya sa tasa. Amoy niya ang kakaibang aroma ng tsokalate na hindi niya pa naamoy sa tanang buhay niya. Iba rin ang amoy no'n kung ikukumpara niya sa hot chocolate nila sa Twinnie Brad Lounge.

"So, ito ang paraan mo ng pagte-thank you?"

Tumango ang binata. Tinabihan niya ang dalaga sa sofa habang hinihintay niya ang reaksyon nito nang inumin ng dalaga ang hot chocolate na nagawa niya.

Kung may napansin siya sa dalaga nitong mga nakaraang araw na magkasama sila ay 'yon ang hilig nitong kumain ng chocolate, kaya naman hindi niya pinalagpas ang pagkakataong mapatikim nga rito ang hot choco na experiment niya noong bata siya.

Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Dale na nagpangiti rin sa binata. Tumatango tangong pinunasan nito ang agaw pansin na whipped cream sa maliit na ilong niya.

"How was it?" Excited na tanong ni EJ kahit pa sa gilid ng labi nakadako ang paningin niya dahil may whipped cream doon na hindi napunasan ng dalaga.

"Masarap. Experiment mo 'to 'no? Anong klaseng mga chocolate nilagay mo rito—" Natigilan sa pagsasalita ang dalaga nang makita niya ang paglapit ng kamay ng binata sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?"

Ngumiti ang binata at mabilisang pinunasan ang whipped cream na nasa bibig nga ng dalaga gamit ang hinlalaki nang makita niyang hindi ito komportable. "This." Ipinakita niya 'yon t'saka niya dinilaan ang whipped cream na napunta sa daliri niya. "I love whipped cream!" Bulalas pa ng binata na nagpakunot noo sa dalaga dahil sa pagiging wirdo nito.

"Ituro mo sa'kin kung paano 'to gawin, Barbero."

"Hmm. . . I'll think about it."

"Wow. Hindi na. Never mind."

"Pikon agad? I'm just kidding, Dale. Geez!"

Umiiling na muling sumipsip sa inumin ang dalaga. Ang sarap talaga, sa isip niya. Inalapag niya 'yon sa maliit na mesa t'saka niya matamang tinitigan ang tasa. Kulay pink 'yon na may pulang heart shape sa gitna na nagpatindig sa balahibo niya. Ugh! Eww. Kung hindi niya lang kilala ang binata ay nasabihan niya na itong bakla.

Napansin ni EJ ang pagtitig ng dalaga sa baso at pati na rin ang pagkunot noo nito na nagpangiti sa kanya. "I bought that for you."

Umarko ang kilay ng dalaga nang lingunin niya ang binata. "Ha?"

"The mug. That's for you."

"Sa akin?"

"Oo nga," natatawang sagot ng binata.

"Itong pink na may heart shape, sa akin?"

"Yes, Dale. Yes."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit para sa akin 'yan? At bakit mukhang planado na ang pagpunta ko rito?" Kumindat ang binata at tila nagpa-cute sa dalaga na kinunutan lang nito ng noo at inilingan. "Ano nga? Daming pa-cute!"

Malakas na tumawa ang binata pero mabilis niya ring pinakalma ang sarili nang samaan siya ng tingin ni Dale. "I told Laura to get me something from Germany that I can give to you. And she bought that. Then, I was like, maybe someday she'll hang out with me and I can make my hot choco for her, and now you're here."

Nahimasmasan ang dalaga nang marinig na hindi mismo si EJ ang bumili ng mug na 'yon dahil kapag nagkataon—dahil kapag nagkataon, anong gagawin mo Dale? Sa isip ng dalaga na nagpailing dito. Isinantabi ang sagot nito kung bakit alam nitong pupunta siya sa bahay nito.

"Kilala ako ng kapatid mo?"

Tumangong muli si EJ. "Even my Mom, and my Dad. You know. . . About the car."

"Ahh. . . Tapos ganito pa kabait sa'kin ang kapatid mo?"

"She's just really nice. And she was like, give that mug to her so she can feel love. Mukha ka raw kasing pinagdamutan ng pagmamahal nung makita niya yung car nung nagvi-video call kami." Bahagyang tumawa ang binata na muling nagpa-iling sa dalaga. "But yeah. She's nice."

"Mukha namang lahat kayo mabait. Ikaw nga mabait ka pa rin sa'kin kahit anong asar ko sa'yo," sinserong sabi nito na nagpangiti naman kay EJ.

"'Coz you don't mean those words. Naniniwala akong sa likod ng bawat hindi magandang ginagawa mo, you have your reason. At sa ngayon ikaw lang ang nakakaintindi no'n."

"Anong ibig mong sabihin?" Bakit mo alam? 'Yon ang gustong isatinig ng dalaga pero ayaw niyang diretsahin ang binata.

"I know you can change, Dale."

"I already did. At ganito na ako simula ngayon. Huwag ka nang umasang may pwede pang magbago sa'kin."

"What do you mean?"

Bumuntong hininga ang dalaga. "Hindi na ako kasing bait mo. At wala akong balak na maging kagaya mo."

"Of course you won't be like me. You're you. And I believe that there is always goodness in people. You just have to believe in them. That's why I believe in you."

Unti unting napangiti ang dalaga t'saka siya sumandal sa sofa habang nakaharap ang ulo sa gawi ng binata. "Kapag masyado kang mabait, aabusuhin ka nila."

"It's fine. As long as wala akong nasasaktang ibang tao at wala silang nasasaktang mga taong malapit sa'kin, okay lang." Mula sa kinauupuan ng binata ay nakikita niya ang pagkislap ng mga mata ng dalaga na nagpangiting muli sa kanya. "I like your eyes. It's so expressive," ani EJ na nagpatahimik sa dalaga. "A while ago, you said something."

"Hm?"

"Na pag-aari mo ako kaya ayaw mo akong galawin ng iba?"

"Kusa na 'yon na lumalabas sa akin para mag-yabang."

"Magyabang huh? Kasama ba dun ang ayaw mo rin akong magalusan?"

"Pareho lang 'yon."

"So, I'm already yours then?"

Hindi sumagot ang dalaga dahil hindi niya rin alam kung bakit 'yon ang mga salitang lumabas sa bibig niya kanina. Mataman niya lang tinitigan ang binata na ngayon ay mataman ding nakatingin sa kanya. Ni hindi na nga nila alam kung gaano na silang katagal nagtitigan hanggang sa muling mabaling ang paningin ng binata sa whipped cream na nasa gilid ng labi na naman ng dalaga. Nang sandaling 'yon hindi na umalma ang dalaga kahit pa nakikita niyang papalapit ng papalapit ang kamay ng binata sa mukha niya. Ang alam niya ay may nakita na naman itong whipped cream sa pisngi niya pero bahagyang nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita niyang hindi na lang kamay ang inilalapit ng binata sa mukha niya kundi pati na rin ang mukha nito.

"Makalat kang uminom ng hot choco," ani EJ na halos pabulong na. Isang dangkal na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ng dalaga at walang alinlangang ipinunas muli ng binata ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ng dalaga. Nang bawiin niya ang daliring 'yon ay hinalikan niya 'yon habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.

Wala sa sariling napalunok si Maymay. Hindi siya makagalaw kahit pa gusto niya ng itulak ang binata para makalayo rito. Masyado siyang hinihipnotismo ng mga matang 'yon ng binata.

"Dale, I want to taste my hot chocolate too. . ." Matamang tinitigan ng binata ang labi ng dalaga nang sabihin niya 'yon at nang muling magtama ang paningin nila ay sabay silang napapikit.

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro