Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Skrengge Feels


Agaw pansin ang pagpasok ng isang dalaga na pumukaw sa atensyon ng isang Edward Barber. Matangkad kasi ito at hindi nalalayo ang katawan sa isang modelo. Idagdag pang naka-suot ito ng hapit na pink long sleeves at white wide leg pants. Malayang nakalugay ang napakahabang itim na buhok at may suot ding sunglasses dahilan para bahagyang tumaas ang isang kilay niya dahil hindi akma sa paligid kung nasa'n ito, t'saka isa pa, gabi at walang araw. May hila hila ring babae ang dalaga habang inililibot nito ang paningin sa loob ng bar cafe na kung tawagin ay Twinnie Brad Café.

Sinusundan lang ni Edward ng tingin ang dalaga na patuloy pa rin sa paghahanap ng kung sino.

"Nasa'n na ba yung lalaking 'yon?" Naiinis na at hindi maipinta ang mukha ni Maymay mula nang marinig niya ang kwento ng kaibigan niyang si Elisse.

"May! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Tara na."

Nilingon niya ang kaibigan. "Anong tara na? Hindi ako aalis dito nang hindi nasasapak 'yon!"

Nang makita ni Maymay ang lalaking dahilan kung bakit siya inis na inis nang sandaling 'yon ay agad niyang binitiwan ang kamay ng kaibigan at halos takbuhin niya ang kinauupuan ng lalake.

Bahagyang kumunot ang noo ni Edward nang makitang papunta ang dalaga kung nasa'n siya. Nang tuluyang makalapit ang dalaga sa kanya ay mas lalong nangunot ang noo niya. Kahit pa naka-sunglasses ito at hindi makita ang mga mata ay mukhang siya ang taong hinahanap nito.

Umayos siya ng upo at hinarap ang dalaga.

"Hoy!" Sigaw ni Maymay. Nakaagaw na talaga siya ng pansin nang sandaling 'yon. Maski ang mga katabi ni Edward ay nagulat sa inasta ng dalaga.

"What?"

"Ano? Hindi ka sasagot? Masaya ka nang nanakit ka?"

Mas lalong nangunot ang noo ng binata. Umarko na rin ang kilay nito dahil hindi talaga niya gets ang nangyayari. "What are you talking about?"

"Aba't hindi ka talaga--!" Humanap si Maymay ng isang basong may lamang kahit ano. Nang makita niya ang isang baso na nasa bar counter na hindi niya alam na pag-aari ni Edward, dinampot niya 'yon at ibinuhos ang laman no'n sa lalaking nasa loob ng bar counter.

Mabilis na napalingon doon si Edward. Akala niya talaga ay siya ang kinakausap ng dalaga. Napapahiyang napailing ito at napahawak sa batok.

"Maymay, stop that!" Sigaw ng isang lalaking nasa loob nga ng bar counter. "Nakakahiya sa mga customers!"

"Wow naman Mccoy! Ikaw pa talaga ang nahiya! Wala akong pakielam kung gumawa man ako ng eskandalo rito! Lumabas ka diyan at humingi ka ng sorry sa kaibigan ko."

"Sorry?" Nanlaki ang mga mata ni Mccoy at sarkastikong tumawa. "Sorry, May? Tinanong mo ba kung anong ginawa niya kaya kami ganito ngayon?"

"Mccoy!"

Agad na napalingon sina Mccoy, Maymay at maski na si Edward na hindi naman kilala ang mga ito.

"Elisse! Ano na naman bang sinabi mo kay Maymay? Bakit--"

"Talagang ganyan kayo mag-uusap? Lumabas ka nga diyan!" Sigaw ulit ni Maymay.

Iiling iling at pa-buntong hininga na napahawak sa sintido si Mccoy. Sa huli ay pinili niyang sundin si Maymay kaya lumabas ito mula sa bar counter.

"Pasensya na po sa abala." Nakangiti pa ring in-accommodate ni Mccoy ang mga customers niya.

Siya ang nagma-manage ng bar cafe na 'yon kasama nga ang nobyang si Elisse. Ngunit may hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahilan para sugurin nga ni Maymay ang lalake.

Nang makaalis na sina Mccoy at Elisse ay nakahinga na nang maluwag ang dalaga. Tumabi ito kung saan nakaupo si Edward. Nang gawin 'yon ng dalaga ay agad siyang hinarap ng binata.

"Miss?"

Hinarap naman siya ni Maymay. Naalala ng dalagang sinasagot pala nito ang mga bulyaw niya kanina kay Mccoy ngunit hindi niya lang pinapansin. Inalis niya ang sunglasses na suot niya at maka-ilang ulit na kumurap para maging malinaw ang paningin niya t'saka siya tumitig sa binata.

"Ako?"

He rolled his eyes and smiled sarcastically. "Yes. You. Of course, it's you."

"Bakit?"

Itinaas niya ang baso niyang walang laman na agad namang naalala ni Maymay.

"Ahh. . . Teka. Mag-o-order ako." Agad na tinawag ni Maymay ang kilalang waiter doon para nga bigyan ng bagong inumin ang binata. Nang masabi niya 'yon ay kaagad niyang hinarap ito. "Sorry pala kanina."

"You owe me. I thought you were talking to me awhile ago."

Napangiti si Maymay. Akala niya masungit ito at pagsasabihan pa siya, ngunit parang balewalang hindi na nito inungkat pa ang gulong ginawa niya kanina.

Palihim na tumitingin sa gawi ng dalaga si Edward. Nang mag-sorry ito at mukha namang hindi talaga sinasadya ng dalaga na masali siya sa gulo kanina ay pinili niya na lang manahimik at tanggapin 'yon. Nang dumating ang iniinom niyang whiskey ay agad siyang uminom at bago niya ilapag ang baso ay muli niyang nilingon ang dalaga na ngayon ay may hawak na cocktail drink habang busy sa cellphone nito.

"Is that your friends?"

Muling tumingin si Maymay sa gawi ni Edward. Ibinaba niya ang cellphone at hinarap ang binata. Ayaw niya naman nang bastusin ito tulad ng ginawa niya kanina. "Ah, oo. Nag-break daw sila. Tapos ang kwento nung kaibigan ko, nakita niya raw na may kasamang babae si Mccoy, eh 'di siyempre, nainis ako. Nagalit. Pero nung nakita ko kanina yung expression ni Mccoy nung nagpakita si Elisse, sa isip ko, na-misunderstand na naman ng babaeng 'yon 'tong lalaking 'to."

"So, matagal na kayong magkakaibigan?"

"Kami ni Elisse, oo. Si Mccoy isa o dalawang beses ko lang atang nakilala."

"Hmm. . . You sure those words wasn't for me?"

Napatakip sa bibig si Maymay. Nahihiyang natawa ito. "Hindi, hindi. Sorry talaga."

He chuckled. Sa pandinig ni Maymay ay parang anghel ang tumawa. Unang napansin ni Maymay ang napakagandang ngiti ni Edward na nagpangiti na rin tuloy sa kanya.

"Edward. . ." Iniabot ng binata ang kamay niya sa dalaga para makipag-shake hands dito. Agad naman 'yong tinanggap ng dalaga kahit pa nahihiya ito. That was the first time na pumayag siyang makipag-shake hands sa isang taong kakikilala niya lang.

"Marydale."

"Marydale? I thought it was Maymay?"

"Ah, nick name ko 'yon. Pwede mo naman akong tawaging Maymay pero ang real name ko is Marydale. Teka, kanina ka pa english ng english. Half ka 'no?"

Tumango ang binata.

"Ako rin half."

"Really?"

"Oo. Half ng puso mo. Char!" Biro ng dalaga na agad na nagpatawa kay Edward. "Uy, biro lang ah."

"Bro, Edward!"

Agad na nilingon ni Edward ang tumawag sa kanya. Napahawak siya sa batok nang makalimutang may mga kasama nga pala siya.

"Ano na? You want us to leave you here?" Ngumiti si Edward sa mga mapanuksong tingin ng mga kaibigan niya.

Tumango ang binata at itinaboy na nga sila. Si Maymay naman ay biglang nahiya at ibinalik ang atensyon sa cellphone niya.

"So, Maymay. . ." Pukaw muli ni Edward sa atensyon ng dalaga. Nilingon naman siya nito at tipid na nginitian. "How come, ngayon lang kita nakita rito?"

"Hmm. . . Busy sa work. Minsan lang ako magpunta rito."

"Work? Anong work mo?"

"Ah, char char na model."

"Ahh. . . Maybe that's why. . ."

"Anong that's why?"

Umiling ang binata. Pinili niyang huwag sabihin na nakaagaw talaga sa pansin niya ang ala-modelo ngang paglalakad at pananamit nito.

"Hmm. . . Ikaw? Anong work mo?"

"Psychologist."

Nanlaki ang mga mata ni Maymay. "Talaga? So, nababasa mo lahat ng galaw ko ngayon maski expression ko?"

Kasabay ng pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi ni Edward ay ang pagkagat nito sa ibabang labi niya. "Are you sure you want me to tell you?"

Mabilis at agad na tumango ang dalaga.

"Well, at first, nung pumasok ka kanina, you have this expression na, you're ready to kill that person you're looking for but then decided to calm down 'coz you figured out that it's not his fault. Then you decided to sit down there, right beside me to say sorry to me 'coz I thought you were talking to me--"

"Teka. Napag-usapan na natin 'yan kanina e."

"Then how about you having a crush on me."

Nanlaki ang mata ng dalaga at sarkastikong tumawa. "Ha! Uy! Hindi ah! Wala! Grabe ka! Grabe talaga! Assumero ka ah."

Siya naman ang bahagyang natawa. "Well first of all, you're a little bit leaning like you're really interested of what I am saying." Umayos ng upo si Maymay at napapangiting umiling. "Then there you go, your smile."

"Grabe. . . Bakit na naman?"

"Your smile is beautiful. And you know that, that's one of your charismatic features."

Wala sa sariling napa-ayos ng buhok si Maymay nang yumuko ito habang bahagyang tumatawa. Ngunit laking gulat na lang niya nang hawakan ni Edward ang buhok niya at isabit ang ilang hibla na humaharang sa pisngi niya sa likuran ng tenga niya.

"And do you know why I know these things?" Mahina lang ang pagkakasabi ng binata na nagdulot ng kakaibang tono sa pandinig ng dalaga.

"Why?"

"'Coz I'm doing the same thing." Matamang tinitigan ni Edward ang mga mata ni Maymay. Si Maymay naman ay parang naestatwa sa ginagawang pagtitig ng binata. Ngunit sadyang pasaway ang labi niya nang makagat niya 'yon at matuon ang paningin niya sa labi ng binata. "Is it working? Me? Flirting with you?"

Muling itinuon ni Maymay ang mga mata niya sa mga mata ni Edward.

"Edward. . ." She started talking softly as if she's ready to give in to him.

"Yes?" Sagot niya na halos ginaya niya lang ang pananalita ng binata.

"I need to go."

"Why?"

Itinuro ng dalaga ang ilang mga taong kumukuha sa litrato nila. "Kung ayaw mong malagay sa diyaryo ang mukha mo bukas kasama ako na nag-eskandalo lang dito kanina, kailangan ko nang umalis."

Sumilay na naman ang nakakalokong ngiti sa labi ni Edward. At nang hawakan nito ang kamay niya ay ikinagulat 'yon ni Maymay.

"Are you ready?"

"Ha?" Naguguluhang bulalas ni Maymay.

"I'm asking you if you're ready."

"Ready sa'n?"

Ngumiti ang binata kasabay ng pagkindat niya. "To run away with me."

Mabilis na tumayo si Edward kasabay ng pagkuha niya sa sunglasses na suot ni Maymay kanina habang hawak nga ang kamay ng dalaga. Natatawang sumunod naman si Maymay sa binata na hindi niya maikakailang magaan ang loob niya rito.

Sa isang park napadpad ang dalawa. Hawak pa rin ni Edward ang kamay ng dalaga. Hindi naman na 'yon namalayan ni Maymay lalo na nang makita nito ang view ng park.

"Ang ganda! Ano 'yan Christmas lights? Ay!" Hindi napigilan ni Maymay ang panggigilan ang braso ni Edward nang makita nito ang dancing fountain sa kinatatayuan nila. "Ay! Mababasa tayo! Pero ang ganda!"

Nang marinig ni Edward ang salitang maganda ay napangiti siya. Sa kabila ng napakaganda at iba't ibang kulay na nakapaligid sa kanya--ang ngiti ng dalaga ang pumukaw sa atensyon niya.

"Yeah. Maganda," ani Edward na nagpalingon kay Maymay. Nang magtama ang paningin nila ay nakaramdam ng hiya ang dalaga. Nang sandaling 'yon t'saka niya lang napansin ang magkahawak kamay pa rin nilang dalawa.

"Uhmm. . . Yung kamay ko."

Natauhan na rin sa pagtitig ang binata nang marinig niya ang dalaga. "Sorry." Nang bitawan ni Edward ang kamay ng dalaga ay nakaramdam siya ng panghihinayang.

"Ay!" Hindi na napigilang mapasigaw ulit ni Maymay nang mabasa silang dalawa ni Edward. Parehas tuloy silang natawa at nagtatakbo para makalayo kung saan sila nakatayo.

Sa isang bench sila umupo t'saka inayos ang sarili. Parehas na medyo basa ang buhok nila ngunit hindi naman masyado nabasa ang mga damit nila. Si Edward na may suot na itim na jacket at puting t-shirt ay para ngang hindi tinablan ng tubig. Si Maymay naman ay laylayan ng pants niya ang nabasa.

"Matagal tagal din akong hindi nakagala ng ganito. Buti na lang talaga tinakbuhan ko ang manager ko kanina," natatawang sabi ni Maymay habang isinusuklay ang daliri sa buhok niya.

"I hear you. Ngayon lang din ako lumabas ng ganito."

Muling nilingon ng dalaga ang binata. "Dito ka ba talaga nagta-trabaho sa Pilipinas?"

"I have a small walk in clinic here but, I was working as a psychiatrist back in Germany, where I came from."

"Hmm. . ."

Nang lingunin ng binata ang dalaga ay nakaagaw pansin dito ang suot niyang charm bracelet. "How about you? How long have you been working as a model?"

"Since high school," nakangiting sagot ng dalaga. "Mahirap lang kasi kami kaya kailangan kong kumita ng extra para may mga pambayad ako sa school, gano'n. T'saka may maibigay kahit papa'no para sa bahay."

Tumagal pa ang kwentuhan ng dalawa. Ni hindi na nga nila namalayan ang oras hanggang sa makaramdam na lang ng panlalamig si Maymay at bumahing ito. Agad namang hinubad ni Edward ang suot na jacket at ipinatong 'yon sa magkabilang balikat ng dalaga.

"Uy. Hindi na. Wala kang jacket. Ang nipis pa man din ng suot mo."

Umiling ang binata. "I insist."

Hindi na tumanggi pa si Maymay dahil alam niyang ipagpipilitan lang 'yon sa kanya ng binata. Tumayo siya at muling inayos ang sarili. Inilabas niya ang cellphone niya na ini-off niya nga pala kanina at nakita ang magkakasunod na text ng kaibigan niya at ng manager niya.

"Pa'no ba 'yan? Kailangan ko ng umalis. Alas tres na pala ng madaling araw. Lagot ako sa manager ko nito."

Tumayo na rin ang binata. "Hatid na kita."

"Huwag na. Taxi na lang ako. Malayo pa byahe ko dahil may photo shoot kami mamaya. Out of the city."

"What? I'm not gonna let you ride a taxi if you're going somewhere far."

"Ayokong maabala ka."

"No. Please, Maymay. Let me. Mas safe kapag ako ang mag-da-drive."

Tamemeng napakamot sa ulo si Maymay. Pinagiispan kung papayag siya o hindi. "Sigurado ka? 2 hours drive rin 'yon."

"Yes. I'm sure. Don't worry about me."

Tipid na ngumiti si Maymay at tumango tango. "Breakfast muna tayo kung gano'n. Kailangan mo ng kape."

Matamis na ngumiti ang binata nang mapapayag niya ang dalaga. "Sure. Your treat?"

"Oo ba. Gagawin na nga kitang driver, 'di pa ba kita ililibre." Parehas silang natawa nang magsimulang maglakad paalis sa park na 'yon.

Isa. Dalawa. Hanggang sa naulit ng naulit ang ilang beses na paglabas ng dalawa.

"May?"

"Hmm?"

"Why?"

"Ha?"

Piniling uminom muna ni Edward bago tuluyang tanungin ang dalaga. "Why did we even met?"

Maymay crinkled her nose as she stares at him. For her, that sounds so cliche. "Naniniwala ka ba sa love at first sight?"

"What?" Mabilis na umiling ang binata. "No, no, no. Pwede pa akong maniwala sa spark at first sight. Like you can feel the sparks between you two the first time you meet. Like what I felt about you."

"Bolero ka. Nakakainis!" Natawa ang dalaga. "Pero ako naniniwala ako sa love at first sight."

"Why do you even believe that?"

"Hmm. . . Hindi naman totally love at first sight e. Para bang, kapag nakita mo siya, alam mong pwedeng 'yon yung puntahan ng naramdaman mo nung una kayong magkakilala."

"Ohh. . . Okay." Muling uminom ng wine ang binata. "But, do you believe that, you meet someone for a reason?"

"And it's either a blessing or a lesson? Yun ba 'yon?"

Tumango ang binata habang matamang pinapanood si Maymay na uminom mula sa wine nito. "So, am I a blessing? Or a soon to be lesson?"

"You can be both." Ngumiti ang dalaga. "Hindi ko pa masasabi sa ngayon."

Nakangiting umayos ng upo ang binata. Hindi na siya mapakali. Kinakabahan na rin siya sa susunod niyang itatanong. Alam niyang hindi madali para sa dalaga kung sakaling sabihin niyang gusto niya 'tong maging girlfriend. Kaya naman, gusto niyang piliin at sabihin ng tama ang bawat katagang lalabas sa bibig niya.

Ito na. Bumuntong hininga na siya. Humugot na siya ng lakas sa ano mang kapangyarihan o elemento ang pwedeng magpalakas ng kalooban niya. "May. . . You do know that I like you right?"

Nanlaki ang mga mata ni Maymay. Hindi niya inaasahang sasabihin 'yon ng binata at gusto niyang sabihing, agad agad? Isang buwan pa lang silang magkakilala at hindi siya sigurado kung kilala niya na bang talaga ang binata.

"I mean. . ." Basag ni Edward sa pananahimik ng dalaga. Hindi niya na talaga alam kung pa'nong hindi niya masosorpresa ang dalaga sa bawat salitang sasabihin niya. "I like you, Marydale Entrata. I want to know more about you. I can't help but to like you even more every single time we're together. Talking—like this. Going out. Laughing. . . I don't wanna mess this thing up, May. And I don't wanna push you too far. I just want you to know what I'm feeling about you. I want to court you, Maymay. Can I?"

Napatakip na sa bibig ang dalaga. Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman niya. Sa totoo lang, ayaw niya sanang madaliin ang lahat at gusto niya munang maging kaibigan ang binata, kaso, nung una pa lang, hindi na gano'n ang ipinaramdam ni Edward sa kanya. Ipinaramdam na ng binata na interesado siya sa dalaga. Ipinaramdam na nitong espesyal siya. Bawat galaw, bawat haplos, bawat hawak, bawat sulyap—alam niya. Alam niyang may kakaibang kahulugan 'yon na akala niya nga no'ng una ay siya lang ang assumera, pero hindi pala. Totoo pala.

Habang hindi pa nagsasalita si Maymay at nakatitig lang sa kanya, halos marinig ng binata ang tibok ng puso niya. Ang kamao niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa ay maka-ilang ulit niyang ibinubukas-sara. Halos marinig na rin niya ang bawat paggalaw ng natutunaw na yelo sa ice bucket kung nasa'n ang bote ng wine nila.

Napalunok ang binata. At gano'n na rin ang dalaga nang yumuko ito. Mas lalong kinabahan si Edward nang gawin 'yon ni Maymay.

"Ano—kasi. Uhmm. . ." Nag-angat ng paningin ang dalaga at muling tumungin sa mga mata ng binata. Palihim namang humuhugot ng hininga si Edward habang hinihintay ang sagot ni Maymay dahil pakiramdam niya, any moment ay mauubusan na siya ng hininga. "Skrengge!" Bulalas ni Maymay dahilan para mapahawak sa dibdib ang binata. Para siyang nawala sa sinabi ng dalaga na hindi niya naintindihan.

"What?"

"Skrengge feels e."

"Anong skrengge?"

Hindi 'yon sinagot ng talaga. Nginitian niya lang si Edward at saka kinikilig siyang napapikit at napatakip sa bibig. "Papahirapan kita ah."

Sumilay ang napakaganda at napakalaking ngiti sa mukha ni Edward. Kasabay din no'n ay ang pagtayo niya at pag-sigaw ng, yes, dahilan para mapatingin sa gawi nila ang mga tao sa loob ng isang Fine Dining Restaurant.

"She said, yes!" Turo ni Edward sa mga tao. May paghanga at pagmamalaki ang tonong 'yon ng binata kaya naman pumalakpak ang lahat ng nasa loob.

"Uy! Edward! Umupo ka nga." Nahihiyang nginitian ni Maymay ang mga taong 'yon t'saka siya natawa na lang sa huli dahil hindi niya na rin kaya pang itago ang kasiyahang nararamdaman niya kasama nga ngayon ang isang Edward Barber.

Nang umupong muli ang binata ay hinawakan niya ang kamay ng dalaga na nasa mesa. "I'll treasure you, May."

"Thank you."

Ngumiti ang binata. "I'm so happy. I'm like, finally, nasabi ko na 'to."

"Bakit? Kailan mo ba balak sabihin 'yan?"

"Nung unang beses na nakita kita at nginitian mo ako. I'm like. . ." Tumango tango ang binata. Nakaramdam naman ng todo todong kilig ang dalaga nang magtakip ito ng mukha gamit ang wine glass. "Natamaan na ako dito." Itinuro ng binata ang dibdib niya kung nasaan ang puso nito kaya naman kinikilig na umiling ang dalaga

"Skrengge ka masyado."

"Again. That word. . . What's skrengge?"

"Love is skrengge."

Naguguluhan at bahagyang kumunot ang noo ni Edward. Natawa naman si Maymay t'saka siya nangalumbaba sa mesa.

"Ganyan ang love, hindi mo maintindihan. Pero sa huli, ma-ge-gets mo rin. In God's time."

Muling ngumiti ang binata dahil sa banat na 'yon ni Maymay. Sa ngayon siguro ay hindi pa niya talaga maiintindihan, pero kung love man ang nararamdaman niyang 'yon sa dalaga, sisiguraduhin niyang hindi na niya papakawalan ang nararamdaman niyang 'yon.

~fin~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro