Pink Letters
Author's Note:
Hi bebe's! Grabe! Ang tagal kong nawala! Anyway, may good news ako sa inyo, pero baka alam na ng iba, Congratulations sa atin dahil ilan sa mga story natin natanggap sa No Ink ABS CBN Publishing Co. Yay! *singhot* *tulo sipon at luha*
After 'yon ng New Year kaya ang ganda ng pasok ng 2018. Sana mag-tuloy tuloy pa ito. At sana talaga mapansin ng MayWard ang mga story natin sa kanila. Waaah! Walang bibitaw! Kapit lang! Walang imposible!
Thank you sa patuloy na pagsuporta sa mga stories natin. At dahil diyan, hindi lang sa IG ang tamabayan ko, pwede niyo na ako i-tweet sa personal account ko na ginawa ko nang Fangirling Account dahil sa MayWard. Hangga't kaya lahat kayo masasagot ko ro'n at open ako sa mga suggestions niyo para sa mga plot na pwede nating mabuo.
Gaya ng story na 'to.
Hindi ko plot ang story na 'to. Plot 'to ng twin kong si @fallingnabi—she gave me the details at kung anong ini-expect niyang feelings ng mga bida, tapos ito na nga. Nagawa ko siyang isang mahaba, as in mahaba 'to kaya good luck—mahabang story ng MayWard.
Usap tayo sa Twitter about the story ha?
@kyLiiemichy
Keep on RT-ing pala yung mga story natin sa No Ink Twitter account related sa story ng MayWard sa No Ink para mas marami pa tayong kiligin. Hehe!
Maraming salamat sa paghihintay. Muaaahugs! Love na love ko kayo. Huwag sana kayong magsasawang mag-comment—pampagana ko yan bukod sa MayWard natin lol Thank you!
PS. Thank you bebe @meckhan sa walang sawang paghahanap ng typo's haha muaah!
—KyLiiemichy
—————————————————
"Happy birthday. . . Happy birthday.. Happy birthday, Maymay."
"Mommy Cathy.. Daddy Kevin.. Laura.. Edward.. Thank you.."
Hindi maitago ni Maymay ang kasiyahan dahil sa ginawang surprise birthday party sa kanya ng pamilyang Barber. Patuloy na nakatakip sa bibig niya ang likuran ng palad at pinipigilang maluha. Pakiramdam niya ay sasabog ang na ang puso niya, lalo na nang makitang si Edward ang may hawak sa cake na para sa kanya.
"What? Tititigan mo na lang ba ako? Can you just make a wish and blow the candle already?" Siniko ni Laura si Edward nang sabihin 'yon ng binata na nagpa-iling dito. Geez! Sa isip ng binata.
Natatawang napailing ang dalaga nang makita niya ang pagkayamot sa mukha ni Edward. Huwag niyo nang tanungin kung bakit—bukod sa ayaw nito ng mga ganitong klaseng ganap, ayaw rin kasi ng binata na ipinagpipilitan ng buong pamilya nito na siya ang humawak ng cake na 'yon ng babaeng patay na patay sa kanya. Pakiramdam kasi nito ay dadagdag na naman 'yon sa pag-i-ilusyon ni Maymay sa kanya—na nang sandaling 'yon ay bakas na bakas na nga 'yon sa mukha ng dalaga.
"Ang wish ko, sana maging akin ka na Edward! Forevah!" Bulalas ng dalaga nang mahipan ang kandila t'sakas siya yumakap sa leeg ng binata na may kasamang pagtalon-talon pa kaya naman agad na kinuha ni Laura ang hawak na cake ng binata. Food is life. Sayang kapag nabitawan ni Edward.
I knew it, sa isip ng binata na nag-pa-iling na lang sa kanya at nagpabuntong hininga.
Hangga't maaari ay gusto na ni Edward na simulang layuan si Maymay. Hindi na kasi nagugustuhan ng binata pag-a-angkin nito sa kanya. Kahit saan na lang sila mag-punta ay umaakto itong parang girlfriend niya, lalo na kapag nasa Uni sila.
Kaso ay hindi niya magawa, at sa tuwing susubukam niya, agad siyang pinaprangka ng dalaga na siguro raw ay may gusto siya sa dalaga kaya siya umiiwas. Sa huli, hinayaan niya na lang ito kaysa masabihan na may gusto siya rito.
Hindi naman siya ang unang naka-close ng dalaga kundi ang kapatid niyang si Laura. Silang dalawa ang magka-edad at mas matanda siya ng dalawang taon sa kanila. Sa iisang Uni lang sila nag-aaral pero magkakaiba silang tatlo ng kinukuhang kurso. Medicine student si Laura, Engineering student si Maymay, at Business Administration student naman si Edward.
"Okay, okay. Enough, Maymay," ani Laura kasabay ng pag-hila niya sa dalawang brasong nakayakap nga sa leeg ni Edward. Sa kabilang banda natatawa namang pinagmamasdan nina Mommy Cathy at Daddy Kevin ang mga ito. "C'mon, May. You promise you'll start to behave na whenever Edward is around. You're 18 already, so act like one. Okay?"
Ngumuso si Maymay t'saka siya tumango tango at tahimik na sumunod kina Mommy Cathy at Daddy Kevin. Nang mapansin 'yon ni Edward ay para bang gumaan ang pakiramdam niya—Laura finally decided to stop her best friend slash soul sister Maymay to get enough of him.
"Thanks sis," bulong ng binata sa kapatid.
"I just don't want her to be that clingy, especially to you. Hmp!" Inirapan ni Laura ang kapatid t'saka ito sumunod kina Maymay at sa mga magulang.
"What? What was that?" Kamot ang sintidong sumunod na rin ang binata sa mga ito.
"So, Maymay, kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ni Mommy Cathy habang nagsasandok ng pagkain.
"Okay naman po Mommy Cathy. Top 2 pa rin po ako sa klase. Hindi ko talaga matalo si Tanner e. Kapag talaga natalo ko yun kahit isang beses pang bago ako maka-graduate, ako na ang pinakamasayang babae sa department namin! Ang galing galing kasi niya talaga! Pero siyempre"—nilingon ni Maymay si Edward na may malaking ngiti sa labi—"Wala nang mas gagaling at mas tatalino sa future husband kong si Edward. 'Di ba babe?"
Nagtawanan ang lahat maliban sa binata na napailing na lang. Kaya naman bago pa mauwi sa usapang kasalan na naman nilang dalawa raw ng dalaga ay nagsalita na ang binata. "Mom, Dad. We'll have a group project meeting this week, dito po sa bahay. If that's okay with you."
Tumango ang mag-asawa. "Sure iho. Go ahead. It's fine," ani Daddy Kevin.
"Thanks, Dad."
Matapos nilang kumain ay nagpaalam na rin agad si Maymay. Nga lang ayaw siyang pauwiin agad ni Laura kaya nakiusap na lang ang dalaga na payagan itong sumama sa apartment niya. Mag-isa lang naman kasi si Maymay doon. Lahat ng kamag-anak niya ay nasa probinsya at ang Mama Lorna niya naman ay nasa ibang bansa na kasama ang mga kapatid niyang sina Ryo at Vincent. Sa huli ay napapayag ng dalawang dalaga sina Mommy Cathy at Daddy Kevin kaya mayasang nagyakapan ang mga ito.
"Ikaw babe? Sama ka rin sa'min?" Tukoy ni Maymay kay Edward na mabilis namang nagpailing sa binata. "Joke lang. Maka-iling naman 'to, wagas. Wala namang ipis o daga ro'n."
"I'm not afraid of ipis and daga Maymay."
"Eh sa'n ka takot?"
Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ng binata. "Sa'yo."
"Grabe! Grabe siya oh!" Bulalas ng dalaga na nagpatawa sa mag-asawa at kay Laura. "Di naman kita re-rape-in ah! Bata pa ako para gawin 'yon 'no!" Dagdag ng dalaga na nagpatawa na rin sa binata.
"I'm kidding, May. C'mon. Ihahatid ko na kayo," ani Edward kasabay ng paggulo niya sa buhok ni Maymay.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Maymay pero pinili niya nang itago 'yon sa lahat lalo na kay Edward. Mamaya kasi ay mapansin na naman siya nito at maudlot pa ang paghatid nito sa kanilang dalawa ni Laura.
Ano nga bang nagustuhan ni Maymay sa binata? Hindi niya naman na kailangan isa-isahin dahil mapa-negative man o positive, mukha man o ugali, half-Pinoy man ito o hindi—basta patungkol sa binata, lahat ay gusto niya. Hindi na nga lang ata gusto ang nararamdaman niya dahil ibang iba na ang tibok ng puso niya kahit pa sa pasimpleng pag-ngiti nito o kahit sa paggulo lang ng buhok niya na nakagawian nang gawin ng binata sa kanya.
"May, can you stop liking Edward already?"
Nilingon ni Maymay si Laura at nginusuan. "Beb, alam mong hindi ko kayang gawin 'yan."
"But, c'mon! He's you know—he's not into you."
Pilit na ngumiti ang dalaga. "Alam ko. But! Malay mo, isang araw ma-realize niyang gusto niya rin ako." Napailing na lang si Laura at natameme sa kaibigan na ngayon ay mukhang lutang na namang nagkukwento. "Hindi ko makakalimutan noong unang beses mo siyang pinakilala sa akin nung high school tayo. Oo binabanggit mo na siya noong mga bata tayo nung nasa Germany pa siya, pero nung ipinakilala mo na siya sa'kin in person"—nangingislap ang mga mata nito nang titigang muli si Laura—"tumibok ang puso ko ng napakabilis. Nahumaling ako sa ngiti niya na hindi ko nakatulugan magdamag nung araw na 'yon. Tapos sobrang bait niya pa sa akin at lagi niya akong ipinagtatanggol sa mga nangaasar sa akin noon. That's when I realized that I want to marry him someday. Kahit 'di na girlfriend. Kaya nga hinahayaan ko na siyang mag-girlfriend ng mag-girlfriend ngayon dahil balang araw, sa akin ang bagsak niya."
Mabilis na tumayo si Laura. "O baka, you guys aren't meant to be at all." Bumuntong hininga ito. "Beb, he's just acting like a big brother to you too, 'coz you're my friend. And you know Edward. You know how nice he is. Not only to you, but with everyone too. You're not special, Maymay."
Ngumuso ang dalaga at napairap. "Prove it!" Hamon ng dalaga.
"He didn't ask you to go to the prom with him—"
"Ang tagal na no'n! High school pa tayo no'n. Iba pa type niya. Mga chicks!"
Umarko ang kilay ni Laura. "Ayaw ka niyang nakakasama ng kayong dalawa lang."
"Siyempre awkward! Alam niyang gusto ko siya," kinikilig na sabi ng dalaga.
"Lahat ng binigay mong love letters, hindi niya binabasa. He's throwing it."
"Ano ka ba. Siyempre pare-pareho lang ang nakasulat do'n. Na gusto ko siya. Mahal ko siya. At ready na akong pakasalan siya."
Nahawakan ni Laura ang sintido. "Hindi ka niya type Maymay! Oh my gosh! That sounds so bad. I'm sorry."
Natatawang umiling si Maymay t'saka niya inakbayan ang kaibigang si Laura. "Tanggap ko nang lahat 'yan. Para kasi sa'kin—"
"—okay nang mahalin ko lang siya. Doon ako masaya," sabay nilang sabi na nagpatawa kay Maymay. Memorize na ni Laura ang mga litanya niya.
Inakbayan din ni Laura ang dalaga. "You know what? Bilib ako sa'yo, 'coz you're like that. But sometimes, it's just too much soul sister. Ayoko lang masaktan ka sa huli."
"Hmm.. Nandiyan ka naman kapag nangyari 'yon 'di ba?"
"Just as I thought. What am I gonna do to you my little poor peaches?" Umiiling na sabi ni Laura kasabay ng pagtawa nilang dalawa.
Nang makahiga silang dalawa, yakap ang isa't isa ay muling nag-open ng topic si Laura. Ito ang gusto niya kapag natutulog siya sa apartment ng dalaga. Walang katapusang kwentuhan kahit pa halos araw-araw naman silang magkasama.
"May, how about Tanner? You guys are close right? Wait. Let's go with Reid. Wait, wait. Si Cade na lang. Ay teka! You have Blake too right? Oh yeah! And even Kirby asked you out already. Bakit hindi na lang sila?"
Bahagyang tumawa ang dalaga nang banggitin lahat ni Laura ang mga kilalang lalake sa department niya—they tried courting her but—"Dahil hindi sila si Edward"—they failed.
"Ugh! Okay. Fine. Whatever. Suit yourself. Birthday mo e."
Saglit na nanahimik si Maymay bago muling nagsalita. "Pero Laura, kahit anong mangyari, walang magbabago sa'tin ha? I love you soul sister."
Magiliw na ngumiti si Laura t'saka mahigpit na yumakap kay Maymay. "I love you too."
Pinanggigilang na lang ni Maymay si Laura na ngayon ay natatawa na lang. Hindi pa nga ito nakuntento nang pugpugin niya ng halik si Laura sa mukha.
"What's up bro? Kamusta yung surprise birthday party niyo kay Maymay?"
Nilingon ni Edward ang kaibigan si Marco na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa labi. Pareho silang maaga sa klase kaya heto, na-corner na naman siya ng kaibigan niyang walang sawang nang-aasar sa kanya tungkol nga kay Maymay.
"It was fine."
"Boo! Boring. Akala ko pa naman mag-po-propose na siya sa'yo." Mabilis na humampas sa balikat ni Marco ang hawak na folder ni Edward. "Masakit oy!"
"Oh yeah? You want one more?"
"Pikon!"
Bumuntong hininga ang binata. "You guys should stop doing that already. I'm so done hearing about that every single day! I don't like her like that. Bakit ba ang kulit niyo?"
Bahagyang tumawa si Marco. "Ang cute lang kasi ni Maymay. Lalo na kapag nagpapa-cute siya sa'yo."
"Hoy!" Agad na suway ni Edward nang makitang iba ang ngiti ni Marco nang sabihin 'yon. "Huwag si Maymay. I'm warning you."
"Oh.. Someone sounds jealous. . ."
"I'm not! Baka nakakalimutan mong babaero ka? Pati ba naman si Maymay? She's like my sister already, so back off okay?"
"Wow. . . Look who's talking? Parang hindi ka naman nagmana sa'kin?" Malakas na tumawa si Marco kaya naman inilingan na lang ito ni Edward. "Ohh. . . Speaking of your Marydale Entrata. The so-called princess of COE."
Nilingon ni Edward ang bintana kung saan nakatingin si Marco at nakita nga si Maymay. Katapat lang kasi ng building nila ang building nito.
"Uy! May lumapit sa kanya. Uy.. Nag-uusap sila. Uy... Napapatawa niya si Maymay. Uyy. . . Tinulungan niyang bitbitin yung libro na hawak ni Maymay—"
"Uy.." Panggagaya ni Edward sa tono ng pananalita ni Marco. "Can you stop?"
Bumaling si Marco sa kaibigan. "Uy.. Ayoko nga." Natatawang tumayo ito. "Puntahan ko muna siya. I want to say hi." Tumakbo na ito palabas. "Be back!" Sigaw pa ni Marco na nagpa-iling na lang muli kay Edward.
"She's so popular huh?"
Tinanguan ni Edward si Hope. Kilalang kilala niya ang boses na 'yon dahil boses 'yon ng babaeng binabalak niyang ligawan. "As always."
"Hmm.. Jealous?"
Bahagyang tumawa ang binata t'saka niya nilingon ito. "Oh c'mon.. Really? Even you? Stop it, Hope."
Magiliw na ngumiti ang dalaga. "I'm kidding. Anyway, tuloy ba tayo sa bahay niyo mamaya?"
"Yes. Sinabi ko na sa parents ko."
"Okay."
Si Edward naman ang magiliw na ngumiti rito. "Do you want me to pick you up?"
Dahan dahang tumango ang dalaga. "Sure. Thank you," nakangiting sagot nito kasabay ng paghawi niya sa mahaba niyang buhok.
Gorgeous. "Basta ikaw."
"So, May?" Pukaw ni Tanner sa dalaga nang makaupo sila.
"Hmm?"
"Belated happy birthday." May iniabot itong maliit na kahon na nagpangiti naman sa dalaga.
"Tanner. . . Nag-abala ka pa. Thank you."
"That's the least that I can give you since you said no yesterday when I asked you to have a dinner with me."
"Tanner. . ."
Agad na umiling ang binata. "It's fine. Alam ko namang mas importante na kasama mo ang mga Barber 'di ba?"
"Tanner naman. . ."
Magiliw na ngumiti ang binata. "It's all good, May."
"How about this—uhmm. . . Mamayang lunch, gusto mo 'kong samahan? Wala si Laura e. Nasa duty."
Agad na tumango si Tanner. "Of course."
Bahagyang tumawa ang dalaga na mas lalong nagpangiti kay Tanner. "Salamat ulit Tanner."
"You're welcome, Maymay."
Gaya ng napag-usapan ay sabay ngang kumain sina Tanner at Maymay na agad na nabalitaan nina Cade, Blake at Reid kaya sumama rin ito sa kanila. Napabuntong hininga na lang si Tanner nang hindi ito matanggihan ng dalaga. Bukod kasi sa senior sina Blake at Reid na hindi nila matanggihan, si Cade naman ay freshman na makulit at bibong bibo na hindi naman nila maiwan dahil sa pagpapa-cute nito.
Agaw pansin ang grupo nina Maymay sa canteen nang sandaling 'yon ng kantahan siya nina Cade, Tanner, Blake at Reid ng happy birthday. Papasok pa lang ng canteen sina Marco, Hope, at Edward ay rinig na rinig na nila 'yon.
"Uy! Birthday celebration ata ni Maymay. Be back! Sasali ako!" Mabilis na sabi ni Marco pero bago pa man ito makatakbo ay hawak na ni Edward ang kwelyo nito. "Ano na naman?"
"Are you an engineering student?" Tanong ni Edward na nagpatawa kay Hope.
"Hindi!"
"Nakikita mo bang puro engineering student sila?" Singit ni Hope.
"So what? Close naman ako kay Maymay ah. Alam niyo, kung gusto niyong sumama, tara." Hinawakan ni Marco ang braso nina Edward at Hope at hinila ang dalawa kung nasaan nga sila Maymay at ang mga kaklase nito.
Nabaling ang tingin ni Maymay kay Edward kasama sina Hope at Marco na kaklase ng binata at nga kaibigan nito nang makitang papalapit sila sa mesa nila. Agad na napansin 'yon ni Tanner kaya sinundan niya ang tingin ng dalaga. Gano'n na lang ang pagbuntong hininga niya at pag-iling nang makita kung sino ang tinititigan nito.
"Maymay! Hi ulit!" Bulalas ni Marco nang marating nila ang mesa nina Maymay.
"Hi. . ." Bumaling si Maymay kina Hope at Edward. "Hi Hope. Hi babe. Upo kayo."
Napailing na lang si Edward nang marinig 'yon habang si Hope naman ay napangiti.
"Edward." Si Blake.
"Edwardo." Si Reid.
"Edongskie!" Si Cade.
Mga litanya nila na parang may nakaharap na kalaban nang makita nga si Edward kaya napahawak na lang sa noo ang binata.
"So, anong ganap?" Agad na tanong ni Marco na uupo na sana sa tabi ni Maymay pero agad itong hinarangan ni Cade na masama ang tingin sa kanya.
"Ahh. . . Niyaya ko si Tanner na mag-lunch, kaso, nalaman nila"—tinuro ni Maymay sina Cade, Reid at Blake—"kaya heto. I-celebrate raw namin yung birthday ko."
"Belated happy birthday nga pala, Maymay," nakangiting bati ni Hope.
"Salamat, Hope. Ang ganda ganda mo talaga 'no? Araw araw kang blooming."
Bahagyang tumawa si Hope. Sa tuwing makikita na lang siya ng dalaga ay pinupuri siya nito. "Ikaw ang maganda. Tignan mo, pinagkakaguluhan ka ng boys."
"Ha?" Agad na umiling si Maymay at nilingon si Edward. "Mga kaibigan ko sila."
"I'm not asking you about that, May," agad ding sagot ni Edward na nakaupo sa harap ni Maymay.
"Ayoko lang na ma-misunderstood mo, babe. Ayokong mag-selos ka. Ayokong mag-away tayo." Malambing na pahayag ng dalaga.
"It's okay. Ma-misunderstood ko man o hindi, I don't really care, May."
Saglit na natigilan si Maymay nang marinig 'yon. Parang may pumiga kasi sa puso niya nang sandaling 'yon. "Ahh.." Pagak na tumawa ang dalaga para balewalain ang nararamdaman. "Uhmm, anong gusto niyo? May gusto ba kayong kainin? Sagot ko na," pag-iiba niya ng usapan na agad namang sinagot ng mga boys pwera kay Tanner na titig na titig kay Edward.
Sabay sabay na tumayo ang lahat nang makapag-desisyon ang mga ito ng kakainin, maliban kina Tanner at Edward na nagpaiwan sa mesa.
"Can you stop doing that?"
Nag-angat ng paningin si Edward para matitigan si Tanner nang magsalita ito. "Doing what?"
"Hurting her."
Kumunot ang noo ni Edward. Hindi nagustuhan ang salitang 'yon mula sa binata. "I am not." At sigurado siya sa sariling hindi niya kayang gawin 'yon.
"You are hurting her. She loves you. And you probably know that already."
"She doesn't love me like that, and I don't like like her like that. And as I've said, I am not hurting her," seryosong saad ng binata. Tiim bagang itong matamang nakipagtitigan kay Tanner.
Matunog na ngumisi si Tanner. "Oh yeah?" Umiling ito. "Whatever you say. But"—tumayo ito at tiim bagang ding nakipagtitigan dito—"can you at least tell that to her directly so she can stop liking you then? I want to have a relationship with her. But I can't do it right now unless you take her seriously. And I'm talking about her feelings about you."
Nang umalis si Tanner para sumunod kina Maymay ay natahimik si Edward dahil sa sinabi nito. Gano'n na lang ang paghugot niya ng malalim na paghinga nang biglang parang bumigat ang dibdib niya. May parte sa isipan niya ang hindi sumasang-ayon sa mga salitang narinig mula kay Tanner. Umiling siya at pilit na binalewala iyon. I don't like her like that, ulit pa niya sa isipan bago siya napabuntong hiningang muli.
Nagmamadaling lumabas ng klase si Maymay para puntahan si Edward sa building nito. Nang makita niyang patapos pa lang ang klase ng binata ay ganoon na lang kalaki ang pagngiti niya. Ngunit unti-unti yung nawala nang makitang masaya itong nakikipag-usap kay Hope.
Tama ang hinala niya. Si Hope ang iniisip niyang susunod na magiging girlfriend ng binata. Pero bago pa 'yon mangyari ay tinatagan niya ang loob t'saka siya pumasok sa klase nito. Back to basic, ika nga niya—susulpot siya sa buhay ni Edward at nung babae at iistorbohin sila. Siyempre hindi na surprise 'yon sa mga kaklase ni Edward. Lalo na kay Marco at Hope.
"Babe!" Mabilis na inangkla ni Maymay ang kamay sa braso ng binata na agad siyang nilingon. "Uwi na tayo."
"I can't. Kailangan naming pumunta sa mall ni Hope."
"Hmm. . . Gano'n ba? Pwede bang sumama?"
Umarko ang kilay ng binata kasabay ng paghawak niya sa kamay ni Maymay para alisin 'yon mula sa pagkakahawak nga sa braso niya. "Don't you have anything better to do?"
Nag-simulang bilangin ni Maymay ang daliri. "Bukod sa iparamdam sa'yo kung ga'no kita ka-love, at sumama sa'yo kahit saan ka mag-punta—" ngumiti ang dalaga—"wala na. Yun lang."
"Ang cute cute mo talaga, May," nakangiting puna ni Hope sa dalaga na nagpangiti rin naman dito.
"Bagay na ba kami ng babe Edward ko?"
Mabilis na tumango si Hope. "Oo naman."
"Hope!" Suway ni Edward dito.
"What? You guys are so cute together." Umiling si Hope at itinaas pa ang kanang kamay. "I'm not lying."
"Sabi sa'yo—" Natigilan sa pagsasalita si Maymay nang makita kung gaano kaganda ang ngiti ni Edward kay Hope kasabay ng pagtawa nito.
"Maymay, gusto mo sa'kin ka na lang sumama?" Pukaw ni Marco ngunit mabilis na inakbayan ni Edward si Maymay na bahagyang ikinagulat ng dalaga.
"Marco. . ." Banta ni Edward na nagpatawa lang rito.
"I'm kidding. Grabe! Hindi na ba pwedeng magbiro?" Napakamot ito sa ulo. "Kita kits na lang tayo mamaya sa bahay niyo." Nilingon muli ni Marco si Maymay na pulang pula ang pisngi at malayo ang tingin. Halatang hindi pa nakaka-move on dahil naka-akbay pa rin si Edward sa dalaga. "Uy Maymay! Huminga ka naman," natatawang sabi nito t'saka ito nagpaalam na.
Bahagyang pinisil ni Edward ang balikat ni Maymay bago ito binitawan dahilan para lingunin siya ng dalaga. "C'mon. I'll drop you off before we go to the mall. Wala si Laura 'di ba?"
"Ang sweet ni Edward oh," tukso ni Hope kaya naman pinaningkitan siya ng mata ni Edward. "Kaya ka laging inaasar ni Marco kasi pikon ka masyado," aniya kasabay ng pagpisil niya sa pisngi ni Edward. Hindi naman nagpatalo si Edward nang pisilin rin nito ang ilong ni Hope na nagpatawa sa kanilang dalawa.
Si Maymay? Ayun. Mas natulala kaysa kanina. Kitang kita niya kung paanong napapapasaya ni Hope si Edward nang sandaling 'yon na ngayon ay dumudurog sa puso niya—sa sobrang sakit no'n ay para bang napakahirap huminga. Yung paghingang pinipigilan mong sumabog dahil sa sakit na nararamdaman mo—na parang any moment iisa isahin mo nang pulutin ang pira-piraso mong puso.
Nabaling kay Maymay ang tingin nina Hope at Edward nang mag-ring ang cellphone nito. Nang makita ng dalaga na si Tanner ang tumatawag ay agad niyang sinagot 'yon.
"Hello, Tanner?"
"May? You forgot your calculator."
"Ha? Oh sige, sige. Pupuntahan kita."
"Pupuntahan? It's fine. I can bring it for you tomorrow."
"Hindi. Okay lang na puntahan kita. Sa tapat ng classroom. See you," nagmamadaling sabi ng dalaga bago niya ibinaba ang linya. Nilingon niya sina Edward at Hope na nakatingin pa rin sa kanya nang sandaling 'yon at mabilis na nagpaalam.
"We can wait for you, May—"
"Huwag na." Pilit na ngumiti ang dalaga kay Edward at Hope. "Enjoy kayo sa date niyo. Ingatan mo 'tong babe ko, Hope ah? Aasahan kita. Huwag mong palingunin sa ibang babae."
Nakangiting tumango naman si Hope. "Sure. Akong bahala sa babe mo."
"Thanks. Ingat kayo. Ba-bye."
"May, wait," pigil sa kanya ni Edward kasabay ng paghawak nito sa braso niya.
"Oh? Na-miss mo agad ako babe?"
Umarko ang kilay ng binata. "What? No, silly. Sa bahay ka na mag-dinner mamaya. You know mum. She'll cook a lot again, kasi nga pupunta sina Hope sa bahay."
Hope na naman, sa isip ng dalaga. Umiling siya at tipid na ngumiti. "Hindi na. Kakain kami sa labas ni Tanner e."
"Oh. . . Nag-tu-two timing si Maymay. Very smart," singit ni Hope.
"Hindi. Nag-promise lang ako kay Tanner na babawi ako sa kanya. Thank you ko na rin sa natanggap kong regalo sa kanya kanina."
"Regalo?" Ulit ni Edward na nagpatango sa dalaga.
"Pero don't worry babe. Sa puso ko, ikaw pa rin ang number one. Alam mo 'yan. Forever nga tayo 'di ba? Naku! Ba-bye na talaga. Ayokong may naghihintay sa'kin. Ingat kayo ni Hope babe," paalam ni Maymay t'saka ito nag-flying kiss.
"Can you believe her? She's so—"
"Adorable?" Pagdudugtong ni Hope na nakangiting nagpatango na lang kay Edward. "You really like her don't you?"
"Hope. . ."
"Sabi ko nga. Let's go to the mall."
Napangiti si Tanner nang makitang paparating na si Maymay pero agad ding nawala 'yon nang makita niyang tulala itong naglalakad. Nang malampasan siya nito ay napailing na lang siya kasabay ng paghawak niya sa braso ng dalaga.
"Tanner?" Bulalas nito na para bang gulat na gulat sa kaharap. "Sorry. Kanina ka pa naghihintay?"
"Yes."
"I'm so sorry."
"Here." Inabot ni Tanner ang calculator sa dalaga na agad naman kinuha nito. "Are you okay?"
Dahan dahang umiling si Maymay na nagpabuntong hininga kay Tanner.
"What happened?"
"Wala naman. Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko," pagsisinungaling nito na hindi na rin naman pinilit pa ni Tanner na magkwento ito.
"Okay. Let me drive you home then." Akala ng binata ay hihindian siya ng dalaga kaya nang tumango ito ay sigurado siyang hindi talaga ito okay. Wala siyang magawa kundi ang titigan ang dalaga habang nakaakbay siya rito't hinahaplos ang braso nito.
Habang nasa mall sina Edward at Hope ay nakaagaw pansin sa binata ang kwintas na palm symbol at may iba't ibang kulay ng crystal sa bawat daliri sa isang jewelry store. Hindi niya alam kung bakit pero si Maymay ang naisip niya nang makita 'yon.
Her gift, sa isip niya kaya nilingon niya si Hope at nagpaalam dito. "I just have to buy something. Hintayin mo na lang ako sa national book store."
Agad na tumango si Hope. "Sure," aniya t'saka ito nauna na nga. Nakangiti namang pumasok si Edward sa jewelry store at agad ngang binili ang kwintas na 'yon.
"Nice choice sir. Alam niyo po ba kung anong meaning ng symbol ng pendant na 'to?"
Interesadong umiling ang binata sa sa saleslady. "What does it mean?"
"Hamsa po ang tawag dito, which means five fingers on the hand. Naniniwala silang sign of protection ang ibig sabihin nito."
Napangiti na lang si Edward nang malaman 'yon. "Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niya ang tungkol dito."
"Girlfriend niyo po?"
Umiling ang binata. "She's a friend."
"Ahh.. Akala ko po sa girlfriend. Iba po kasi ang kinang nang mga mata niyo pagpasok niyo rito habang nakatingin po sa kwintas. Sige po, ibabalot ko lang."
"Girlfriend huh," sambit ng binata na nagpangiti sa kanya nang makaalis ang saleslady.
Nang matapos sina Edward kasama ang mga kaklase nito sa project na ginagawa nila ay nagpaalam ang binata sa mga magulang na pupuntahan niya rin si Maymay dahil may ibibigay siya rito pagkahatid niya kay Hope. Nasa sasakyan na ang sina Hope at Edward nang mapansin ni Hope ang maliit na paper bag sa may cup holder.
"Edward?"
"Hmm?" Sagot ng binata na hindi na nagabalang lingunin ang dalaga dahil naka-focus siya sa daan.
"This?"
"What?" Saglit siyang tumingin at nakita ni Hope na hawak niya ang regalong binili niya para kay Maymay. "Oh that"—ibinalik niya ang tingin sa kalsada—"kay Maymay 'yan. Birthday gift niya."
Magiliw na napangiti si Hope. "From you?"
"Ha? Ah, yeah. It's her 18th birthday so I might as well give her something."
"Hmm.. Ang swerte naman talaga ni Maymay sa'yo."
"Hey. That doesn't mean anything at all. It's just a simple gift."
"Sure, Edward," sagot ni Hope na sakto namang kakatigil lang ni Edward sa harapan ng bahay nila kaya nilingon niya ito.
Nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ng binata. "Are you getting jealous of her, Hope?" Umusbong ang pag-asa sa dibdib ng binata na sumagot ito ng oo.
Bahagyang tumawa si Hope. "See you tomorrow, Edward," aniya t'saka niya hinalikan sa pisngi ang binata na ikinagulat nito. "Bye. Good night. Thank you sa paghatid," paalam ni Hope t'saka siya lumabas na mula sa sasakyan.
Nakangiting napailing ang binata nang makapasok sa loob ng gate si Hope. "Lucky me," bulong pa niya.
"Thanks for the dinner, Maymay," ani Tanner. Maganda ang pagkakangiti nito habang matamang nakatingin kay Maymay na nakangiti rin sa kanya. Hindi maikakaila ng dalaga na nag-enjoy siya dahil masaya naman talagang kausap si Tanner lalo na kapag nakikipagtalo ito tungkol sa mga gawa niya at gawa ng dalaga—mga dahilan kung bakit top 1 siya at top 2 lang si Maymay.
"Welcome. Ingat ka sa pag-uwi."
Tumango si Tanner at tuluyan na ngang nagpaalam sa dalaga. Nang makapasok ito sa kotse niya ay siya namang pagparada ng sasakyan ni Edward sa tabi kaya kitang kita nito ang masayang pagkaway ni Maymay kay Tanner hanggang sa mawala sa paningin nito ang kotse ni Tanner.
Bubuksan na sana ni Maymay ang gate nang may tumawag sa pangalan niya. Ang kaninang malaking pagkakangiti niya ay mas lalo pang lumaki nang makita kung sino 'yon.
"Babe!" Bulalas niya kasabay ng pagtakbo niya papunta kay Edward. Natatawang sinalubong naman ng binata ang dalaga at nang yakapin siya nito ay hinayaan niya na lang ito at ginantihan din ng yakap. "Anong ginagawa mo rito, babe?" Tanong ng dalaga nang mag-angat ng mukha habang nakayakap pa rin sa binata.
Imbis na sumagot ay ngumiti si Edward ay ipinakita sa dalaga ang dalang maliit na paper bag. "A late birthday present for you."
Kung anong paglaki ng mga mata ng dalaga ay ganoon din ang paglaki ng butas ng ilong niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita at narinig mula kay Edward. "Panaginip 'to 'no?"
Bahagyang tumawa ang binata t'saka niya pinitik ang noo ng dalaga. "No, silly. Go ahead. Open it."
Unti unting bumitaw ang dalaga sa binata para nga kunin ang regalong 'yon. Gano'n na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya na alam kung anong uunahing maramdaman dahil halo halong kaba, tuwa at kilig ang kasalukuyang nararamdaman niya.
Nang mabuksan at makitang kwintas ang laman no'n ay magiliw na napangiti ang dalaga. Ramdam niya ang pag-init ng sulok ng mga mata niya kaya humugot siya ng malalim na paghinga. For the first time kasi ay may natanggap siyang regalo mula sa binatang pinakamamahal niya—hindi lang talaga siya makapaniwala.
"You liked it?" Pukaw ni Edward nang wala siyang narinig na reaksyon sa dalaga nang buksan nito ang kahita ng kwintas. Ngunit nang tumango tango ang dalaga na hindi pa rin winawaglit ang tingin sa natanggap na regalo ay napangiti ang binata. "Sigurado ka bang nagustuhan mo?"
Isinarado ni Maymay ang kahita t'saka niya 'yon idinikit sa dibdib niya na kulang na lang ay yakapin niya. Nang mag-angat siya ng paningin ay naging sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango. "I love it. . . Thank you, Edward. Thank you.."
Napangiti ang binata nang makita nito kung gaano kasaya ang dalaga. Maski ang luha nito na hindi na namalayan na biglang tumulo ay kaagad na pinunasan ng binata gamit ang hinlalaki na nagbigay ng pagkakataon sa binatang maikulong ang maliit na mukha nito sa dalawang palad niya.
"Hey.. I didn't mean to make you cry, you know," natatawang saad ng binata habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Masaya lang ako. Sobra. . ."
"Well, I can definitely see that." Pareho silang natawa. "C'mon, stop crying already. Give it to me. Ako na mag-su-suot sa'yo," tukoy ng binata sa kahita. Agad namang binigay 'yon ng dalaga t'saka ito tumalikod.
Nang hawiin ni Edward ang mahabang buhok ni Maymay ay agad niyang naamoy ang pamilyar na pabango nito dahilan para bahagya niyang ilapit ang ilong sa leeg ng dalaga kasabay ng pagpikit niya at pagsinghot doon. Expose kasi ang batok ng dalaga, pati na rin ang balikat niya dahil tube dress ang suot niya ngayon. Halos tumayo naman ang balahibo sa buong katawan ng dalaga nang maramdaman niya 'yon. Ang kaninang bilis ng tibok ng puso niya ang naging triple pa kaya napahawak siya sa dibdib at dahan dahang hinimas 'yon. Natatakot siyang marinig 'yon ng binata. Ayaw niyang sirain ang kung ano mang moment na nangyayari sa pagitan nilang dalawa ngayon.
"You smell so good, Maymay," ani Edward t'saka ito nakangiting tinitigan ang batok at likod ng dalaga. Nang magsawa siya ay binuksan niya ang kahita at inilabas ang kwintas mula doon para isuot nga sa dalaga.
Napasinghap si Maymay nang maramdaman ang pagdampi ng daliri ng binata sa leeg niya kaya mabilis niyang tinakpan ang bibig. Nagdulot naman 'yon ng nakakalokong ngiti kay Edward kaya sinadya pa nitong mahawakan ang leeg ng dalaga. Ngunit hindi nakuntento ang binata dahil ang mga kamay na 'yon ay naglakbay pa sa balikat ng dalaga na unti-unting dumausdos pababa sa braso nito. Idagdag pang muling itinungo nito ang ulo para muling maamoy ang pabango ng dalaga t'saka ito pumikit at unti unting sininghot 'yon. Nang muli niyang idilat ang mga mata ay para bang inaakit siya ng leeg at balikat ng dalaga na halikan 'yon kaya naman gusto niyang subukan hanggang sa magsalita ang dalaga na nagpatigil sa kanya.
"E-Edward. . . A-anong ginagawa mo?" Hindi na napigilan ni Maymay ang manahimik. Iba na kasi ang dating ng bawat haplos ni Edward sa katawan niya nang sandaling 'yon. Pakiramdam niya ay nanghihina siya at mapapaso sa tuwing dadampi ang palad ni Edward sa balat niya.
Tila bumalik naman sa reyalidad ang binata at agad na bumitaw sa dalaga. What am I doing? Geez! "Good night, May. See you tomorrow," paalam ng binata t'saka ito tumalikod. Hindi na niya hinintay pang sumagot ang dalaga. Masyado siyang nagmamadaling makapasok sa loob ng kotse para gawin 'yon.
Gaya ni Edward ay mabilis ding pumasok sa loob si Maymay. Ni walang lingon-lingon na isinarado niya ang gate. Ngunit pagkapasok ng dalaga sa apartment niya ay doon ito nagsisisigaw sa kilig at saya dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ng binata kanina at dahil na rin sa regalo nito sa kanya.
Pagpasok ni Edward sa bahay nila ay dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. Gano'n na lang ang pagpapakawala niya ng hangin sa ere nang tuluyan siyang mahimasmasan.
"Oh? Dumaan ka ba kay Maymay, anak?"
Napalingon si Edward sa ina na kakapasok lang sa kusina. Tinungo nito ang ref nila at kumuha ng bote ng gatas.
"Uhm, yeah."
"Ano nga ulit yung binigay mo?"
"Oh, hmm, her gift."
Sumilay ang magiliw na ngiti sa labi ni Mommy Cathy t'saka niya hinarap si Edward. "Finally?"
"What do you mean, mom?"
"Finally, binigyan mo na siya ng regalo."
"Oh. . ." Tumango tango siya. "Well, yeah. 18th birthday niya na eh."
"Kaya mahalaga sa'yong bigyan siya ng regalo dahil finally 18 na siya?" Panunukso ng ina na nagpailing sa binata.
"Mom, c'mon. Stop that. Stop teasing me or Maymay. Wala akong gusto sa kanya. She's like a sister to me."
"Hmm. . ." Si Mommy Cathy naman ang umiling. "Oh siya, magpahinga ka na. Good night 'nak."
Lumapit sa ina ang binata at hinalikan ito sa pisngi. "Good night, mom." Akmang aalis na si Mommy Cathy nang biglang magsalitang muli si Edward. "Mom?"
"Oh?"
"About Maymay."
"Hmm?"
"She doesn't look like a kid anymore," ani Edward nang maalala nito ang amoy at batok ng dalaga. Hindi naman lingid kay Mommy Cathy ang pasimpleng ngiti na ginawa ng anak nang sabihin 'yon kaya ngingiti ngiti siyang napailing.
"Well, she turned out to be a very fine young lady. Ikaw lang ata ang huling nakapansin no'n," ani Mommy Cathy t'saka ito nagpaalam na sa binata para matulog. Naiwan naman si Edward sa kusina na iniisip pa rin ang nangyari sa kanilang dalawa ng dalaga kanina.
To Laura:
😭💕 Soul Sister! Feeling ko meant to be na talaga kami ng kuya mo!
Sent!
From Laura:
Whatever.. 🙃
To Laura:
Seryoso ako!
From Laura:
Ugh! What happened? 😒
To Laura:
Binigyan niya ako ng gift.
Picture Message sent!
From Laura:
🙂 He's just being nice. 💁🏻♀️
"Grabe ka uy!" Bulalas ni Maymay sa cellphone niya bago siya nag-type ng good night na nga lang at ikukwento na lang niya kapag nagkita sila.
Hawak ang kwintas na isinuot sa kanya ng binata sa kanya ay nakangiti siyang napapikit. "Edward, sign na ba ito? Sign na ba 'to na may gusto ka rin sa'kin?"
"Uy bro! Tulaley ka naman!" Bungad ni Marco kay Edward nang maabutan itong nakatayo sa may bintana at nakamasid doon. "Sino bang sinisilip natin diyan?" Nang tignan din ni Marco ang tinititigan ni Edward ay si Maymay ang nakita nito kasama si Laura. Masayang nagtatawanan ang dalawang dalaga na nagpangiti rin kay Marco. "Ahh, sina Maymay at Laura pala. So, kamusta ang date niyo kahapon ni Hope? Naka-score ka na ba kagabi nung hinatid mo siya?" Pag-uusisa ni Marco rito.
"Marco.."
"Oh?" Kina Maymay at Laura pa rin ang tingin ni Marco. Hindi niya alam kung bakit pero cute na cute talaga siya kay Maymay. Don't get him wrong, may Vian na siya.
"She looks so happy."
"Sino?" Bumaling si Marco sa kaibigan kaya naman nakita nito ang magandang pagkakangiti ni Edward habang nakadungaw sa bintana. "Uy! Sino kako! Si Hope ba?"
Umiling ang binata at itinuro sina Maymay at Laura. "Maymay. I gave her a gift last night and that made her so happy. I was just surprised."
Nakangising umakbay si Marco sa kaibigan. "Ikaw nga umamin ka na kasi. May gusto ka kay Maymay 'di ba? 'Di ba?"
Umarko ang kilay ni Edward kasabay ng pagtabig nito sa braso ng kaibigan. "Parang hindi mo naman alam na si Hope ang balak kong ligawan."
"Oo, alam ko. At tungkol din kay Hope ang tinatanong ko kanina sa'yo pero si Maymay ang sagot mo."
"'Coz I was just looking at her."
"Halata nga. Pero kasama niya si Laura, pero si Maymay lang ang napansin mo." May himig ng panunukso si Marco kaya umiling na lang si Edward sa kaibigan. Kaya naman bago pa si Maymay ang mapag-usapan nila ay kinuwento nito ang nangyari sa kanya at kay Hope kagabi.
"She kissed me last night," nakangising sabi ni Edward.
"Lagi ka namang hinahalikan ni Maymay sa pisngi ah?"
"Magulo ka ring kausap 'no? I was talking about Hope, Marco."
"Luh! Ikaw magulo kausap! Si Maymay lang pinag-uusapan natin kanina tapos bigla mong sinabing, she kissed me. Siyempre anong iisipin ko, e 'di si—"
"Oh, shut up! At anong kiss from Maymay? Hindi niya pa ako nahahalikan."
"Bakit may pa? May balak kang magpahalik sa kanya?"
"Marco!"
Natatawang napailing si Marco pero pinili pa ring usisain ang nangyari sa kaibigan at kay Hope. "Oh siya, saan ka naka-score kay Hope?"
Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Edward at itinuro ang pisnging hinalikan ni Hope kagabi.
"Aba! Ayos!" Nag-high five ang dalawa. "So kailan mo nga siya sisimulang ligawan?"
Nag-kibit balikat ang binata. "Naghahanap pa ako ng timing."
"Wooh! Ang sabihin mo natotorpe ka na naman."
"Dumbass! Si Hope ang pinag-uusapan natin dito, kaya malamang."
"Bro, matagal na nating kaibigan si Hope. At matagal na rin siyang nagpapakita ng motibo sa'yo! Mula pa nung maging kaklase natin siya last year."
Magiliw na ngumiti si Edward kasabay ng pag-ku-krus niya ng dalawang braso sa dibdib. "But Hope is different. I want it to be more special."
"Ows? Baka naman kasi may iba ka talagang gustong ligawan?"
Napailing na lang si Edward. "Whatever bro."
"Ang galing din pumili ni Edward a. I like it," ani Laura nang matitigan ang kwintas. "You know the meaning of this pendant already?"
"Na mahal niya na ako?" Bulalas ng dalaga kaya hinila ni Laura ang ilang hibla ng buhok ni Maymay. "Aray naman, beb."
"This means protection. Maymay, I already told you to stop daydreaming already about him. Alam mo naman nang may gusto siya kay Hope 'di ba?"
Pilit na ngumiti si Maymay at tumango. Naikwento na kasi niya rito ang nasaksihan niya kahapon sa pagitan nina Hope at Edward.
"If I were you, I'll give Tanner a chance. Sa lahat ng may gusto sa'yo, siya lang talaga yung nandiyan lagi e. Pansin mo naman 'yon 'di ba?"
"Pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya."
"At ganyan lang din ang tingin sa'yo ni Edward. Now you know what he really feels."
Natitigilang yumuko si Maymay at bumuntong hininga. Inakbayan naman siya ni Laura para damayan ang kaibigan.
Dalawang linggong panay ang punta ni Maymay sa bahay nina Edward. At dalawang linggo na rin niyang nakikita kung gaano ka-close sina Hope at Edward—sadyang unti unti niyang pinapatay ang puso niya. Wala siyang pakielam kahit pa nasasaktan siya. Gusto niya pa ring nando'n siya at nakikita niya kung anong nangyayari kay Edward at Hope.
Ang alam niya ay last week pa tapos ang project na tinatapos ng grupo ni Edward, pero may project pa raw na tinatapos ito kasama si Hope para naman sa isang project na partner daw sila.
"Ang saya lang sa department nila ha. Panay ang group project at project with a partner! Hmp!" Nakairap na bulong ni Maymay kay Laura habang tinutulungan ito sa barbecue area. Nag-iihaw kasi sila ng ribs para sa dinner mamaya.
"Well, as you can see, hindi lang naman project ang pinagkakaabalahan nilang dalawa."
"Ang sakit sakit, soul sister!" Ngawa ni Maymay.
"Kaya nga ayaw na kitang papuntahin na dito. Sabi ko nga 'di ba? Do'n na lang tayo sa apartment mo."
"Sinusulit ko lang. Wala nga kasi ako next week 'di ba? Kasi kaming dalawa ni Tanner ang representative sa year level namin kaya mapipilitan akong magpunta do'n sa engineering's assembly na 'yon. Siguradong puyatan na naman kami ni Tanner doon parang nung last year."
"For how many days na nga ulit?"
"3 days, 2 nights."
Sumilay ang ngiti sa labi ni Laura. "Alright! Make a move on Tanner na!"
"Luh siya! Anong make a move ka dyan! Walang gano'n!"
"Okay. Si Tanner na lang sasabihan ko."
"Laura—"
"Maymay, you have to move on na kay Edward. Wala ka na talagang pagasa sa kanya."
"Bakit ang sama mo sa'kin?"
"I am not. I just don't want to see you crying over someone na hindi man lang siniseryoso 'yang nararamdaman mo."
Napanguso ang dalaga at napailing. "Diyan ka na nga. Tatawagin ko na sina Edward at Hope. Mamaya nag-ki-kiss na sila. Kailangan kong pigilan 'yon. Hmp!" Natatawang tinanguan na lang siya ni Laura habang nagpatuloy nga siya sa paglalakad papunta sa garden.
Nang makarating si Maymay sa garden ay nakita niya ang kakaibang anggulo ng ulo nina Hope at Edward. Magkalapit ang mukha ng dalawa na muling nagpakirot ng puso niya. Ang sabi niya sa sarili kanina ay pipigilan niya ang dalawa pero nang makita niya mismo ang eksenang 'yon, daig niya pang napako sa kinatatayuan at hindi makagalaw.
"Wait, Edward," pigil ni Hope nang tangkain siyang halikan ni Edward.
"I'm sorry—"
"No, no. You don't have to say sorry."
"Ha?"
"Do you like me?"
"Yes, Hope. I like you. A lot."
"Then what about Maymay?"
Hindi agad nakapagsalita ang binata. Natitigilang ibinaba niya ang dalawang kamay na nakahawak na sa magkabilang pisngi ni Hope. Si Maymay naman na rinig at nakikita lahat 'yon ay halos pigil ang hininga habang hawak ang dibdib.
"What about Maymay? Walang kinalaman si Maymay sa'tin."
"You like Maymay, Edward."
"No. I don't." Huminga ng malalim ang binata at isinuklay ang daliri sa buhok niya. "Hope, c'mon. You're the one that I like. I don't like her like that. She's just like a sister to me—like Laura." Natigilan sa pagsasalita ang binata nang maramdaman niya ang saglit na pagkirot ng dibdib niya. Nalilitong tumingin ulit siya kay Hope t'saka niya hinawakan ang dalawang kamay nito. "Look, I will do anything—everything to prove that to you."
"Okay. Prove it. Manligaw ka."
"Ligaw?!"
Natatawang tumango si Hope. "Yes, ligaw. I wanna make sure that you're ready to have a relationship with me. Gusto kong makita kung gaano mo talaga kagustong magkaro'n ng tayo."
"Fine! But can I kiss—" Iniharang ni Hope ang palad sa labi ng binata t'saka ito natatawang umiling.
"Ligawan mo muna ako, Edward. Hindi naman tayo nagmamadali 'di ba?"
Magiliw na ngumiti si Edward kay Hope t'saka niya niyakap ang dalaga. Saksi si Maymay sa dalawa nang sandaling 'yon. Saksi ang garden ng Barber, ang madilim na kalangitan at ang mga bulaklak na nakapaligid sa kanya nang tumulo ang luha niya at nang tuluyang mawalan ng pagasa ang puso niya sa binata. Nagmamadaling bumalik siya kung nasaan si Laura at nagpaalam dito na tumawag sa kanya si Tanner, pagsisinungaling niya. Hindi naman na nagtanong pa si Laura nang makita niyang umiiyak ang dalaga at nang marinig niya ang paghikbi nito. Siya na rin mismo ang naghatid kay Maymay pauwi.
"Mom? Where's Laura and Maymay?" Tanong ni Edward nang mapansing wala ang mga ito habang naka-akbay kay Hope.
"Ah, may tumawag daw kay Maymay tungkol sa alis nila sa next week. Hinatid siya ni Laura. Pero mukhang do'n na rin matutulog yung kapatid mo dahil mami-miss niya na naman 'yang soul sister niya. May duty kasi 'yon bukas," natatawang kwento ni Mommy Cathy.
"Oh yeah? Well, hindi na bago 'yon. Wait, you said aalis si Maymay?" Pinaupo na ni Edward si Hope nang mapansing tapos na sa pagaayos ng mesa si Mommy Cathy. Nang maalalayan niya ito ay umupo na rin siya.
"Hmm. Napili raw silang dalawa ni Tanner na pumunta sa assembly something ng department nila."
"Really po, tita? That's kinda big deal for engineering students. Engineering din kasi ang kinuha ng kuya ko kaya alam ko ang tungkol diyan. Mukhang magiging busy po si Maymay kapag sila ang napili for regionals assembly," ani Hope.
"Talaga ba? Aba! Ang galing talaga ng batang 'yon. Lagi niya kasing nakukwento na kalaban niya si Tanner sa klase nila, pero hindi ko naman akalaing sila pa ang magkakasama," ani Mommy Cathy.
"By partner po kasi 'yon. Tapos po yung partner ng kuya ko, yun na rin po ang napangasawa niya. Ang cute lang nilang dalawa. Nagka-in-love-an daw po sila during the assembly na yun e," dagdag na kwento ni Hope na bahagyang nagpakunot sa noo ng binata nang may maramdaman na naman siyang kirot sa dibdib niya. Hinimas pa nga ng binata ang dibdib dahil daig niya pang may heartburn.
"Asawa? Talaga? Ang kwento sa akin ni Laura ay gwapo naman yung Tanner. Kung magkakatotoo 'yan, magaganda at matatalino rin ang magiging anak nila."
"Mom, Hope, aren't you guys imagining things too much? Bata pa si Maymay." Nagkatinginan sina Mommy Cathy at Hope nang sabihin 'yon ni Edward. At nang ibalik nila ang tingin sa binata ay napailing siya. "Walang ibang ibig sabihin ang sinabi ko. And you know what? Fine. Hindi na ako magsasalita," ani Edward na nagpatawa sa dalawang babae.
"Nagpaalam na ako kay Mommy na dito ako matutulog, Maymay," bulong ni Laura sa kaibigan na kanina pang umiiyak habang nakayakap sa kanya.
"Walang gusto s-sa'kin si E-Edward."
"I know."
"L-liligawan niya na si Hope."
"Hindi pa ba siya nanliligaw? Wow! Torpe rin 'tong si Edward. I can not!"
"Gusto nila ang isa't isa."
"Yeah. That's kinda obvious, Maymay."
"Sabi niya, sister lang ang tingin niya sa akin."
Bumuntong hininga si Laura t'saka niya pinilit na iupo si Maymay. "Okay. I understand na you feel sad and hurt and so-whatever. Pero Maymay, it's not the end of the world. Stop crying already. He's not even worth it."
Not even worth it? Ulit ni Maymay sa isipan na mas lalong nagpaluha sa kanya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siyang magiging ganito. Hindi niya alam kung kailan niya mararamdamang hindi na siya nasasaktan. Hindi niya alam kung kailan titigil ang nararamdaman niya, kaya naman nakapag-desisyon siyang lumayo na muna kay Edward. Ngunit bago 'yon ay gusto niya muna itong makasama—sa huling pagkakataon magpapaka-gaga muna siya sa lalaking mahal na mahal niya.
To Edward:
Hi babe.
From Edward:
Y u stil awake? It's late, Maymay.
To Edward:
Kita tayo. Twinnie Brad Bar & Café.
From Edward:
What? No.
To Edward:
Hmm. Nasa bar kasi ako. Wala si Laura, nasa duty. Si Tanner may ginagawa. Ikaw na lang last option ko kahit alam kong tatanggi ka.
"Geez! This girl!" Napalikawas ng bangon si Edward na ready nang matulog, nga lang ay nag-text nga si Maymay sa kanya.
From Edward:
Be there in 10.
To Edward:
Ha? E 12 AM na ah? 😐
From Edward:
🤦🏻♂️ I mean 10 minutes, Maymay.
To Edward:
Okay. Thanks babe. 😘❤️
Naabutan ni Edward ang dalaga na kinakausap ng bartender sa may bar counter kaya agad niyang nilapitan ito. "May?"
Mabilis siyang nilingon ng dalaga. "Babe!"
"What are you doing here this late?" Umupo ito sa tabi ng dalaga nang mapansing hindi naman ito gano'n kalasing.
"Ah, hmm. . . Sinubukan kong uminom ng alak. 18 na ako e. Pinapasok na nila ako ng mag-isa."
Umarko ang kilay ni Edward. "You crazy! Bakit hindi ka nagtawag ng ibang kasama? What are you thinking, you stupid girl?"
Tipid na ngumiti ang dalaga t'saka ito sumimsim sa margarita na kanina niya pang inuunti unti. Ayaw niya rin naman kasing tuluyang malasing para makausap ang binata. Nag-iipon siya ng lakas ng loob para makaharap ito at tuluyan nang magpaalam dito.
Napansin ni Edward ang pananahimik nito nang bahagya niya itong sigawan. Nakonsensya tuloy siya kaya naman nag-order na rin siya ng bote ng beer sa bartender.
"Uy! Mag-da-drive ka pa!" Sita ni Maymay.
"One bottle is fine. Sasamahan lang kita rito. Anong problema? You can tell me anything, May. Alam mo naman 'yon 'di ba?"
Magiliw na ngumiti ang dalaga t'saka ito tumango tango. "Mabait ka ngang talaga."
Bahagyang tumawa ang binata. "Am I?"
Tumango ang dalaga. "Naalala mo nung una mo akong ipagtanggol noong high school tayo? 'Di naman tayo close no'n pero nakipagbugbugan ka sa mga lalaking nangaasar sa'kin."
"Na kaya ka pala inaasar dahil may gusto sila sa'yo," dagdag ni Edward na nagpatawa sa kanilang dalawa.
"Kahit anong kulit ko sa'yo at sa tuwing tinataboy mo ako nung mag-start kang mag-college, sa huli ikaw ang maghahatid sa akin kapag tumatambay ako sa bahay niyo."
"Well, Laura couldn't drive you yet." Natatawang sumimsim si Maymay sa inumin at tumungga naman ang binata sa beer niya.
Tuloy ang kwentuhan nilang dalawa. Hindi na namamalayan ang oras. Kaya naman nang makita nilang alas tres na ay mabilis pa sa alas kwatrong nagyaya nang umuwi si Maymay. Naka-dalawang bote lang si Edward kaya naman maayos nitong naihatid ang dalaga. Kaso nang makarating sila sa apartment ng dalaga ay ramdam na ni Edward ang antok kaya nagdadalawang isip siyang mag-drive.
"May, I need to stay here."
"Ha? Bakit?" Biglang kinabahan ang dalaga. Ito na yun e, sa isip niya. Last day na dapat nilang magkasama.
"I can't drive anymore. I feel sleepy already."
"Ha? E? Pa'no 'yan? Mamaya babyahe ako. Susunduin ako ni Tanner." Tukoy ng dalaga sa assembly na pupuntahan nila.
Susunduin? "Don't worry. Iidlip lang ako," ani Edward kasabay ng paniningkit ng mga mata niya nang hindi niya magustuhan ang pagkakasabi ng dalagang susunduin siya ni Tanner.
Napayuko si Maymay at pinag-isipan kung saan paptulugin si Edward. Wala siyang couch na pwedeng higaan ng binata dahil puro bean bag ang nasa maliit niyang sala.
"I can sleep anywhere you know? C'mon. I really need to go to sleep already," pukaw ni Edward sa dalaga nang mapansing tahimik ito.
"Ah, sige. Tara sa kwarto."
"Maymay!" Bulalas ni Edward na nanggulat sa dalaga.
"Bakit?"
"We're too young for that! C'mon! Stop—"
"Hoy! Ano bang iniisip mo? Malaki ang kama ko. Unless gusto mong matulog diyan sa lapag, go ahead. 'Di kita pipigilan. Grabe ka sa'kin! 'Di porke love kita babe, pagtatangkaan na kitang ma-rape."
Bahagyang tumawa ang binata t'saka niya ginulo ang buhok ni Maymay at inakbayan. "I'm kidding, Maymay. Let's go."
Matapos na mag-shower ni Edward ay nakita niyang nakatalikod na ang dalaga na nakahiga na sa kama. Napangiti siya. Akala niya ay magiging aggressive na naman ito sa kanya. Nang mahiga siya sa kama ay siyang pikit niya pero unti unti niyang idinilat ang mga mata nang may maalala.
"Maymay? Tulog ka na?"
Piniling humilik ng dalaga ng malakas kaysa sagutin ang binata na nagpangiti rito. Nawala na kasi ata ang alak na ininom niya sa katawan kaya hindi niya na makausap ang binata at ngayon ay binabalot siya ng hiya.
"C'mon. I know that you're still awake, May."
"'Wag ka nang maingay babe. Maaga ako bukas—este mamaya."
Saglit na nanahimik ang binata. "May, do you really like me?"
Hindi agad sumagot ang dalaga. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob na sagutin ito. "Hmm. . . Pag-iisipan ko."
"May, seryoso ako. Do you like me? Do you—love me?"
Bumuntong hininga ang dalaga t'saka siya tumihaya. Naramdaman naman 'yon ng binata kaya tumagilid siya at tinitigan ang dalagang nakapikit na.
Hindi siya nagkakamali nang mapansin niyang hindi na bata ang dalaga, dahil kung tititigan ay malaki ang ipinagbago ng itsura ng dalaga kumpara noong high school sila.
"Crush na crush kita noong nasa high school pa tayo. Gustong gusto kita nung mag-simula ka na sa college. Ngayon Edward, oo. Mahal na kita. Pero"—idinilat ng dalaga ang mga mata t'saka siya tumagilid para harapin ang binata—"pero okay lang na hindi mo ako gusto. Tanggap ko na." Pilit na ngumiti ang dalaga sa binata.
"I'm sorry, May. I like Hope—"
"Edward. . ."
"Hmm?"
"Pengeng isang kiss babe." Kinuha ni Edward ang inuunanang unan at inihampas 'yon kay Maymay. "Babe!!" Bumalikwas ng bangon ang dalaga. Umupo ito at hinarap ang binata.
"Diyan ka lang. Huwag kang lalapit!" Banta ng binata nang makaupo na rin ito.
Natatawang napailing na lang si Maymay sa itsura ng binata. Kung makayakap ito sa katawan akala mo ay aatakihin talaga siya ng dalaga.
"Para kang tanga," ani Maymay kasabay ng paghawi nito sa buhok niya dahilan para maka-agaw sa pansin ng binata ang suot nitong kwintas.
"You really like that necklace, don't you?" Sumilay ang sinserong ngiti ng binata t'saka siya unti unting lumapit kay Maymay para ayusin ang kwintas na medyo nakatagilid nang sandaling 'yon.
Ikinagulat ng dalaga ang biglang paglapit ng binata sa kanya. Bigla siyang kinabahan kaya naman nag-iwas ito ng tingin lalo na nang maramdaman niya ang daliri ng binata sa may dibdib niya kung nasaan ang pendant ng kwintas. Nang gawin 'yon ni Maymay ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng binata.
"I thought you wanted a kiss?"
Nanlalaking mga mata na bumaling muli ang dalaga kay Edward. "Hoy babe! Joke lang uy—"
"Do you want it or not?" Hindi malaman ng binata kung anong sumanib sa kanya nang biglaang lumambing ang boses niya nang sabihin niya 'yon sa dalaga. Hindi rin nito malaman kung bakit biglang parang gusto niyang maramdaman ang labi ng dalaga sa labi niya. He's acting strange—pero ang buong puso't isipan niya ngayon ay isa lang ang gustong gawin.
Hinawakan ni Edward ang baba ni Maymay at itinaas 'yon para magpantay ang kanilang paningin. Nang matitigan niya ang mga mata ng dalaga ay wala sa sariling napalunok siya—sa isip niya ay may naglalarong katanungang kailan pa naging ganito kaakit-akit ang mga mata ng dalaga. Samantala, hindi alam ni Maymay kung itutulak niya palayo si Edward o hahayaan ito sa ginagawa. Bigla siyang nagdalawang isip sa kagustuhang mahalikan ito. Ngunit bago pa man gumalaw si Edward ay hinawakan na ni Maymay ang kamay ng binata na nakahawak sa baba niya at inalis 'yon. Ipinikit niya ang mga mata bago niya hinalikan ang noo ng binata.
Naguguluhang napapikit si Edward pero agad ding dumilat nang humiwalay ang labi ng dalaga sa noo niya. "Good night, Edward." I love you, bye. Hindi na isinatinig ng dalaga ang pamamaalam niya. Matapos ng ginawa ay humiga na siya at tinalikuran ang binata. Nang pumikit siya ay siyang buhos ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi niya inakalang gano'n pala talaga kasakit ang magmahal ng taong hindi ka ni minsan nagustuhan.
Matagal na tintigan ng binata ang dalaga bago ito humiga. Nang makahiga siya ay humugot siya ng malalim na paghinga. "May? Kung naririnig mo pa ako, I want you to know that I like Hope. Liligawan ko na siya."
Walang narinig na sagot si Edward mula sa dalaga kaya naman tumalikod na rin ito. Pagpikit ng mga mata niya ay hindi naibsan ang bigat sa dibdib na nararamdaman niya. Akala niya kapag sinabi niya kay Maymay na may gusto siya kay Hope ay mawawala na 'yon.
But he was wrong.
"Ang tagal nang hindi dumadalaw ni Maymay dito Laura. Papuntahin mo naman siya rito. Nami-miss ko na ang batang 'yon," pukaw ni Mommy Cathy kay Laura na ngayon ay nasa kalagitnaan ng pagkain kasama sina Daddy Kevin at Edward.
"I don't even see her at school anymore," dagdag pa ni Edward. Hindi na rin kasi ito pumupunta sa klase niya. Nang huli silang magkita ay noong natulog siya sa apartment nito. Naalala niya tuloy nang magising siyang wala na ang dalaga at iniwan lang ang alarm clock na gumising sa kanya.
"She's still, kinda busy. I think," pagsisinungaling ni Laura. Mula nang kausapin siya ni Maymay na hindi na muna siya pupunta sa bahay nila ay kaagad siyang pumayag. Ayaw niya na rin namang makita pa ni Maymay na halos araw-araw dalhin ni Edward si Hope sa bahay nila.
"What do you mean, Laura?" Tanong ni Daddy Kevin.
"Uhmm, Tanner and Maymay won the contest thing in their department. I think, right now, magkasama sila na tinatapos yung final result para sa regionals ata?" Sa pagkakataong 'yon ay nagsasabi naman siya ng totoo. Nanalo talaga sina Maymay at Tanner sa assembly na dinaluhan nila na kung saan dinadaluhan pala ng iba't ibang engineering student. Once na nanalo ka at nakapasok sa nationals ang gawa nina Maymay at Tanner, pagka-graduate ng mga ito ay hindi na nila problema ang maghanap ng trabaho dahil siguradong malalaking kompanya pa ang kukuha sa kanilang dalawa.
"They've been together for like a month already," singit ni Edward na nagpataas sa kilay ni Laura.
"They've been together since college, day one," sarkastikong sagot ni Laura sa kapatid dahil naiinis pa rin siya rito.
"I'm just saying?" Kumunot ang noo ng binata. Gusto niya rin kasing marinig ang balita tungkol sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maitatangging nami-miss niya si Maymay.
"Well, shut up. I don't wanna hear anything from you," pagtataray ni Laura.
"Okay, okay. Stop it guys," pigil ni Daddy Kevin sa magkapatid na ngayon ay parehong inismiran ang isa't isa.
"Dalhan mo na lang ng pagkain si Maymay, Laura. Baka hindi na 'yon nagkakakain na naman ng gulay," ani Mommy Cathy.
"Sure," sagot naman agad ni Laura.
"I'll drive you," singit ni Edward na nagpaarko sa kilay ni Laura.
"You don't have to. I don't need you."
"No. I'll drive you. Gabi na at masyado nang late."
"I said no." Inirapan ni Laura ang kapatid.
Nilingon ni Edward ang ina at ama. "Can you make her stop doing that?"
"Laura, okay ka lang ba anak? Masyado ka atang high blood nitong mga nakaraang linggo," ani Mommy Cathy.
Himinga ng malalim si Laura at sa huli ay sumuko nang makipag-usap kay Edward. Masama na siya kung masama, wala siyang pakielam. Sinaktan ni Edward ang pinakamamahal niyang soul sister, and the worst part is, hindi man lang alam ng binata na nasaktan niya ito—na lagi na lang nangyayari.
Nang maiparada ni Edward ang sasakyan sa harap ng apartment ng dalaga ay umusbong kagustuhan niyang makita agad agad si Maymay.
"You stay here. You don't have to go with me," ani Laura na nagpakunot sa noo ng binata.
"No way! I'm coming with you."
"No way!" Panggagaya ni Laura sa kapatid. "No, you're not."
"Laura, please. Stop that. I wanna see her and say hi."
"She doesn't need to see you."
"But I want to see her!" Parehong natahimik ang magkapatid nang pa-sigaw na sabihin 'yon ni Edward. Nag-aalangan namang umiling si Laura t'saka ito bumaba at hinayaan na lang si Edward na sumunod sa kanya.
Nang buksan ni Laura ang pinto ng apartment ng dalaga gamit ang duplicate key na binigay sa kanya ni Maymay ay rinig niya ang tawa ni Maymay. Sa kabilang banda ay hawak ng binata ang dibdib niya dahil biglang para bang kinakabahan siyang pumasok doon, idagdag pang narinig niya kasi ang tawa ni Maymay.
"May? Maymay?"
"Laura? Laura! Nandito kami sa kusina," sigaw ni Maymay.
"Kami? Who's with her? 'Di ba mag-isa lang siya rito?" Sunod sunod na tanong ni Edward kay Laura pero hindi siya pinansin nito at nagtuloy-tuloy lang sa kusina.
"Mas okay nga kasing solid ang boundaries nitong part na 'to. Huwag ka nang makipag-talo Tanner. Sasapakin kita," boses ni Maymay.
"Wow! So you're going to hurt me if I say no? That's so unprofessional, Maymay," boses ni Tanner.
Puno ng tawanan ang kusina nang makapasok doon sina Laura at si Edward na piniling magpahuli at hindi sumabay kay Laura.. Nang mag-angat ng tingin si Maymay at makita si Laura na papalapit ay kaagad niyang niyakap ito at binuhat.
"Wow! Nagpapa-sexy ka soul sister? Gumagaan ka ah. Kumakain ka ba ng mabuti?" Bulalas ni Maymay na nagpangiti kay Edward nang marinig 'yon. Hindi pa rin nagbabago ang kadaldalan nito.
"Sexy na ako. I don't need na magpa-sexy pa," ani Laura na nagpatawa sa kanilang dalawa. "Here." Inabot ni Laura ang tupperware na may lamang pagkain. "Mom and Dad wants to see you raw. They miss you," ani Laura t'saka siya bumaling kay Tanner. "Hi Tanner! Are you taking good care of my soul sister? If not, you're dead."
"Of course I'm taking good care of her. Ayokong mabugbog ninyong dalawa." Sumilay ang ngiti sa labi nina Maymay, Laura at Tanner nang sandaling 'yon. Nga lang ay naudlot nang magsalita si Edward.
"Hey."
Natigilan si Maymay nang marinig ang boses na 'yon at gano'n na lang ang pagpisil niya sa braso ni Laura nang makitang papalapit si Edward sa kinatatayuan niya.
"What happened to my hug, Maymay?" Magiliw na nginitian ni Edward si Maymay kahit pa kanina niya pang hindi nagugustuhan ang presensiya ni Tanner na nasa loob ng apartment ng dalaga.
"Ah!" Pinilit na ngumiti ni Maymay ng pagkalaki-laki t'saka siya lumapit kay Edward. Hinawakan niya ang kamay ng binata at para bang nakipag-akapan ng parang panlalake na may kasama pang tapik sa likod. Minadali niya lang 'yon dahil sa totoo lang ay gusto niyang lumayo at takbuhan si Edward nang sandaling 'yon. "Brad! Kamusta brad?"
"Brad?" Umarko ang kilay ni Edward. Hindi pamilyar ang tawag ng dalaga ngayon sa kanya. Kung hindi babe ay Edward kasi ang tawag sa kanya ng dalaga. Yun ang nakasanayan niya. Dahil ba 'to sa nangyari nung gabing 'yon? Ang nasa isip ng binata.
"Oo! Brad. Kuya ka ng soul sister ko kaya simula ngayon, tatawagin na kitang brad."
"Why?"
"Ayaw mo? Alangan namang kuya? Ang awkward. Dalawang taon lang naman tanda mo sa'min."
"No. That's not what I meant. What happe—"
"Oh yeah!" Bulalas ni Laura dahilan para matigilan ang binata sa sinasabi nito. "You guys aren't done yet, right? We'll go home na." Bumaling si Laura kay Tanner. Sinenyasan na lapitan si Maymay. "Tanner, don't forget to eat the food with Maymay. Okay? Good night," paalam ni Laura t'saka niya hinila palabas ng apartment si Edward na ngayon ay naguguluhan pa rin sa inakto ni Maymay sa kanya.
"What was that?" Panimula ni Edward habang naglalakad na sila palabas ng gate.
"What do you mean?" Pagmamaang-maangan ni Laura.
"That! That brad thing!"
"What's up with that? Ayaw mo nun? Finally hindi ka na niya tinawag na babe na ayaw na ayaw mo noon?"
"No. It's not that—"
"It's what then, Edward?" Tumigil sa paglalakad si Laura at hinarap ang kapatid. "Maybe she finally realized that she needs to stop liking you or loving you, and maybe she finally decided to act as a younger sister or a friend. That's what you wanted ever since, right?" Tinalikuran ni Laura ang kapatid matapos niyang sabihin 'yon kay Edward na ngayon ay nakakaramdam ng inis at hindi nito maipaliwanag kung bakit.
"Are you okay, May?" Tanong ni Tanner nang makitang tulala si Maymay nang makaalis ang mag-kapatid. Nasa harap si Maymay ng lababo habang hawak ang tupperware na binigay nga ni Laura.
"He looks so happy. Sila na kaya ni Hope, Tanner?"
Mahinang napabuntong si Tanner nang marinig 'yon. Akala nito okay na ang dalaga dahil hindi na nito binabanggit si Edward. Akala nito ay may pag-asa na siya sa puso ng dalaga—nagkamali siya.
"Maymay. . ." Sambit ng binata.
"Tara. Kain muna tayo, Tanner. Hindi pa tayo—" Niyakap ni Tanner ang dalaga mula sa likuran nito dahilan para humagulgol ang dalaga. Akala niya kahit papaano ay nakalimutan niya na si Edward. Sarili lang pala niya ang niloloko niya.
"Mas lalo kang tumatahimik, Edward," puna ni Hope nang maabutan nito ang binata na nakadungaw sa bintana.
"I just don't feel like talking," nakangiting sagot ng binata kay Hope.
"At hindi mo rin kailangang ngumiti if you don't feel like doing it." Nilingon ni Edward si Hope dahil sa sinabi nito. "Finally, tinignan mo rin ako."
Hinawakan ni Edward ang pisngi nito t'saka 'yon hinimas. "May problema ba, Hope?"
"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko? Okay ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo?"
Inakbayan ng binata ang dalaga at inihigit ito palapit sa kanya. "I'm fine, Hope."
Bumuntong hininga na lang si Hope nang mapagtantong hindi niya mapagsasalita ang binata.
Nakalipas na ang halos dalawang linggo nang huling makita ni Edward si Maymay. Kaya ngayong nandito ito sa bahay nila ay hindi siya mapakali—but, why? It's just Maymay, sa isip niya t'saka siya humugot ng malalim na paghinga.
"Ang galing galing mo naman iha," bulalas ni Mommy Cathy nang mabalitaang nanalo sila ni Tanner sa regional assembly ng mga engineering students kung saan lahat ng mga dumalo ro'n ay nabigyan ng pagkakataong magpakitang gilas sa iba't ibang engineering firms.
"Salamat po, Tita."
Bahagyang natigilan ang ginang nang marinig niyang tawagin siyang tita nito. Mas sanay kasi itong tinatawag siyang Mommy ng dalaga. Nilingon ni Mommy Cathy si Daddy Kevin nang sandaling 'yon at nang umiling ang asawa niya ay pinili niyang manahimik at huwag nang magtanong.
"I'm so proud of you my soul sister!" Bulalas din ni Laura.
"Congratulations iha," si Daddy Kevin.
"Thanks Laura. Thanks po, tito." Nakangiting bumaling si Maymay kay Edward. "Brad? Baka gusto mong i-congratulate ako?" Mabilis na tumaas baba ang kilay ni Maymay. Hinihintay na magsalita nga si Edward.
"Congratulations," bati ni Edward ngunit sa leeg siya ng dalaga nakatingin nang mapansing hindi nito suot ang binigay niyang kwintas dito. Knowing Maymay, hinding hindi nito huhubarin 'yon, lalo na't bigay niya. So she really doesn't like me anymore huh? Napa-iling ang binata sa naisip t'saka niya tumalikod at naglakad palayo kung saan nagkakasiyahan sina Maymay kasama ang pamilya.
Nang makauwi si Maymay galing sa bahay ng mga Barber, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Pagod na pagod siyang ngumiti, tumawa—magpanggap na masaya lalo na sa harapan ni Edward na hindi na siya inimik matapos siyang batiin.
"Ano ba kasing ini-expect mo? Ha? Na babatiin ka niya? Tapos yayakapin ka niya kasi sobrang proud niya sa'yo? Sus! Tama na nga 'yang mga delusyon mo. Hanggang ngayon ba naman, Edward pa rin? Nakakasawa ka na ah!" Bulalas niya habang tinatapik ang dibdib kung nasaan ang puso niya. "Kumalma ka na kasi. Mag-move ka na. Kasi ako? Pagod na pagod na. Kung hindi lang ako busy, mababaliw na ako sa kaiisip sa kanya. Kaya tama na please? Kalma na. Kalma." Nakatulugan ni Maymay na tintapik ang dibdib. Luhaan ang mga mata, at ramdam pa rin ang sakit.
Hindi malaman ni Maymay kung paanong kasama niya ngayon sina Laura, ang kaibigan nitong si Dylan, at si Edward na kasama naman si Hope. Ang huling naaalala niya ay kasama niya si Tanner na lumabas para bumili ng mga bagong librong gagamitin nila para sa next semester. Tapos nakasalubong nila sina Laura at Dylan na lumabas din nang araw na 'yon . Tapos narinig na lang nilang may tumawag ng pansin nila na boses ni Hope, kasama nga si Edward na nasa lumabas din at namamasyal. Nagyaya si Hope na sama-sama silang lumabas at heto ngayon ang bagsak nila. Sa isang café na may live band, magkakaharap sa isang pabilog na table habang nakikinig sa tumutugtog.
Now playing: Someone's Always Saying Goodbye
I believe it hurts when we cry
Don't we know partings never so easy
And with all the achings inside
I believe some hearts won't survive
Trying hard to pretend that we're gonna be fine..
Hindi alam ng binata kung gaano katagal na siyang palihim na nakatingin kay Maymay. Pinagmamasdan ang mga mata nitong naka-pokus sa banda na tumutugtog. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang ayos ng dalaga. Naka-suot ito ng off shoulder na top at ng simpleng pantalon na tinernohan lang ni Maymay ng sneakers. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ng binata, gano'n pa rin ang pananamit nito, hindi nagbago mula noong makilala niya ito noong bagong transfer niya nung high school sa eskwelahan nina Maymay at Laura. Kung may nagbago man sa dalaga ay ang ganda nitong agaw pansin lalo na't kapag matagal mo nang natititigan.
Napayuko ang dalaga nang biglang mangilid ang luha niya dahil sa kantang pinapakinggan. Ilang beses siyang pumikit para hindi niya maituloy ang pagluha. Nang bumuntong hininga siya ay hindi niya sinasadyang mapalingon sa gawi ni Edward na kanina niya pang iniiwasan at gano'n na lang ang gulat niya nang makitang mataman itong nakatingin sa kanya. Tingin na para bang nakikita na nito ang kaluluwa niya. Nang hindi ito nag-iwas ng tingin ay siya na ang nag-bawi ng tingin dito dahil ramdam na naman niya ang dulot ng titig na 'yon sa puso niya. Ano bang problema niya? Nakakainis! At bakit ba ako kinikilig? Jusko Lord. Nung nagpaulan po ata kayo ng kilig, nasalo kong lahat ano po?
Nang maramdaman ni Tanner ang paggalaw ni Maymay sa tabi niya ay nilingon niya ito t'saka hinawakan sa binti ang dalaga. "Hey. . . Are you okay?"
Tumango ang dalaga t'saka niya tinapik din ang braso ni Tanner. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang ginawang pagtikom ng kamay ni Edward nang makita 'yon—hindi nito nagugustuhan ang inaakto ng dalawa sa harap niya.
"Okay. Nagustuhan niyo ba ang kanta?"
"Oo!" Nagpalakpakan ang lahat.
"Salamat, salamat. Kung may gustong maging guest singer, sabihin niyo lang ha?"
"Maymay!" Bulalas ni Laura kasabay ng pagturo niya nga kay Maymay. Itinapat tuloy kay Maymay ang spot light na nagpalaki sa mga mata nito. "Magaling 'yan!"
"Okay! Maymay daw! Sabay-sabay nating isigaw ang pangalan niya. Maymay! Maymay! Maymay!"
Sinamaan ng tingin ni Maymay ang kaibigang si Laura na ngayon ay naka-peace sign sa kanya.
"C'mon Maymay. Hinihintay ka namin," sabi ng singer na nasa mini stage kaya naman iiling iling siyang tumayo. Tinapik pa ni Tanner ang balikat ng dalaga para suportahan ito.
"Ay! Pakagandang guest singer naman nito," bulalas ng singer nang makita sa malapitan ang dalaga kasabay ng pag-abot niya sa extrang mic na hawak niya. "So, anong gusto mong kantahin Maymay? Medyo yung pang-wasak ha? Wasak-ers night ngayon e." Tumawa ang ilang customers doon.
"Wala po. Di naman ako wasak. Yung mukha ko lang po mukhang wasak," sagot ng dalaga na nagpatawa sa lahat. "Joke lang. Hmm. . ." Nag-isip ang dalaga at nang maalala niya ang kantang palagi niyang pinapatugtog sa apartment ay napangiti siya. "Till my heartaches end na lang po."
"Ay, maganda 'yan. Kaninong cover? Gusto mo ng kay KZ Tandingan?"
"Kayo na po sumagot kaya, sige po. Yun naman din po ang alam kong tono," ani Maymay na nagpatawang muli sa lahat.
"Kwela ka iha ah. Grabe ka."
"Tsar lang po."
Tumawa ang singer na 'yon at sinimulang itipa ang gitarang hawak. "Okay, ready?" Tumango si Maymay at sinimulan nga ang kanta.
Now Playing: Till My Heartaches End
"I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you
Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end.."
Matapos ni Maymay ay napuno ng masigabong palakpakan sa loob ng café, ang hindi alam ng lahat ay biglang bumigat ng sobra ang dibdib niya kaya nang makatayo siya ay sa banyo siya dumiretso. Ilang beses siyang humugot ng malalim na paghinga para maibsan ang nararamdaman bago lumabas. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya si Tanner na may pag-aalala sa mga mata. Nakagat niya ang ibabang labi. Masyado niya nang naaapektuhan si Tanner.
"What happened? You don't look like you're okay."
"Okay lang ako. Labas lang ako saglit."
"Do you want me to go with you?"
Umiling ang dalaga. "Saglit lang ako."
"You sure?" Tumango ang dalaga bago niya iniwanan si Tanner sa loob ng café.
Nang makalabas ng café si Maymay ay agad niyang nilabas ang cellphone mula sa bulsa.
To Laura:
Labas lang ako saglit. Make sure na nandiyan si Tanner. Mamaya maiyakan ko na naman siya. Ayoko na mangyari ulit yun.
Send!
Bumuntong hininga si Maymay nang mai-send 'yon kasabay ng pagsandal niya sa kotse ni Tanner. Minasahe niya ang batok t'saka niya ini-stretch ang leeg.
"Kumanta ka lang, napagod ka na?"
Agad na napalingon si Maymay sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita si Edward na nakasandal sa harap ng sasakyan niyang naka-park sa labas ng café.
"Uy!" Pinilit na ngumiti ni Maymay. "Brad. . . Uhmm, nagpahangin lang ako saglit. Sige, pasok na ako."
"Wait, May."
"Hmm?"
"Are you avoiding me?"
Mabilis na umiling ang dalaga. "Hindi," pagsisinungaling niya. "Bakit naman kita iiwasan?" Biglang naging uncomfortable ang dalaga.
"Oh yeah?" Mas lumapit pa ang binata sa dalaga kaya naman palihim siyang napalunok. Wala siyang aatrasan nang sandaling 'yon at alam niyang magiging awkward kung bigla na lang siyang tatakbo. Isip! Isip! Gumana ka parang awa mo na! Bulalas ng isipan ng dalaga.
"Maka-oh yeah naman 'to. Oo nga. Hindi kita iniiwasan."
"You're biting your lower lip whenever you're lying, May, alam mo ba 'yon?"
Agad na pinakawalan ng dalaga ang ibabang labi nang pansinin 'yon ni Edward.
"So, why? Why are you trying to avoid me? Why are you ignoring me all of the sudden?"
"Hala. Hindi nga." Laura! Laura lumabas ka diyan! Ikaw na lang pagasa ko! Sigaw ng isipan ni Maymay.
"And why are you with Tanner every fvcking day?" Tiim bagang na tanong ni Edward dahilan para mas lalong kabahan ang dalaga. Masyadong seryoso ngayon ang binata para biruin niya.
"M-Malamang. . . K-kasi ano. . . Kaklase ko siya. Kaibigan ko rin siya. B-bukod kay Laura, siya lang naman ang ka-close ko."
Sarkastikong ngumisi ang binata. "So we're not close enough para hindi ako ang gustuhin mong makasama? At gano'n na ba kayo ka-close na hinahayaan mo lang na tapikin ka niya sa binti mo, Maymay? Ha?!"
Nangunot ang noo ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang narinig mula kay Edward. "Anong gusto mong palabasin, Edward? At bakit parang galit na galit ka?" Matunog na bumuga ng hangin ang dalaga. "Kung makaasta ka para kang nagseselos na ewan ah!"
Inilapit ni Edward ang mukha niya sa mukha ng dalaga dahilan para mas lalo pang i-atras ng dalaga ang ulo niya kahit wala pa siyang aatrasan.
"What if I am?" Matamang tinitigan ni Edward ang mga mata ng dalaga. "What if I am getting jealous of him, Maymay? What am I gonna do? Dahil mababaliw na 'ko kakaisip kung bakit ko nararamdaman 'to!" Nanggigigil na sabi ni Edward t'saka ito dahan dahang yumuko sa balikat ni Maymay. "Stop. Make it stop, Maymay. Tell me how to stop this."
"Maymay? Where are you—what the hell?" Bulalas ni Laura nang makita nitong naka-corner si Maymay sa pagitan ni Edward. Agad siyang lumapit doon at hinila ang braso ni Edward. "What are you trying to do to her?"
Bagsak ang mga balikat at pikit matang umiling si Edward bago ito pumasok muli sa café. Si Maymay na naiwan sa kinatatayuan niya ngayon ay unti unting napaupo habang hawak ang noo.
"Oh my god! Are you okay? Did he say something to you? Did he do anything? Maymay?" Sunod sunod na tanong ni Laura nang yakapin niya ang kaibigan.
"Bakit parang hindi siya masaya, Laura? 'Di ba dapat masaya siyang nilalayuan ko siya? 'Di ba dapat masaya na siyang hindi ko na siya gusto at tinuturing ko na lang siyang kaibigan? Bakit parang galit na galit siya sa'kin ngayon dahil lang sa iniiwasan ko siya? Mali ba 'tong ginagawa ko? Ano bang dapat kong gawin, Laura? Tell me. Anong kailangan kong gawin para maging masaya siya?"
"Nothing, Maymay. Hindi ikaw ang makakapagpasaya sa kanya." Tinulungan ni Laura na makatayo ang dalaga. "C'mon. I'll take you home."
Hindi na nagparamdam pa si Maymay kay Edward at ganoon din ang binata sa dalaga matapos ng gabing 'yon. Sinubukan ng binata na balewalain na ang hindi niya malamang nararamdaman kay Maymay at piniling si Hope ang laging isipin. Nagdaan ang ilang buwan, malapit nang matapos ang 1st semester nila, at kasabay din no'n ay ang darating na birthday ng binata.
"Uy! Wala na tayong pasok bukas pero 'yang mukha mo daig pa 2nd week ng pasukan na marami ng assignments at quizzes ah!" Bungad ni Marco kay Edward na matamang nakatingin sa labas ng bintana. "Sino na naman bang tinitignan natin diyan? Si Maymay ba? Oh! Speaking of Maymay, wow! Sinukuan ka na niya talaga 'no? Akala ko tuwing may girlfriend ka lang, t'saka siya lalayo. Ngayong nililigawan mo pa lang si Hope, lumayo na siya. Mukhang okay sa kanya si Hope para sa'yo ah."
Kung may lakas lang ang binatang batuhin ng libro ang kaibigan ay kanina niya pa ginawa para tigilan siya nito. Wala siya sa mood para makipagtalo kaya minabuti niya nang manahimik. Pansin naman 'yon ni Marco, maski ang pananahimik din nito nitong mga nakaraang buwan. T'saka lang ito magsasalita kapag kaharap si Hope at kung minsan ay nahuhuli pa nga ni Marco ang pilit na pagtawa nito.
Alam ni Marco na may pinagdadaanan ang kaibigan. Hinihintay niyang magsabi ito sa kanya pero heto't matatapos na nga ang first sem ay hindi pa rin ito nagkukwento.
"Uy si Maymay may kayakap doon sa puno!" Bulalas ni Marco na agad namang sinundan ng tingin ni Edward. Nang walang makita si Edward doon ay sinamaan niya ng tingin si Marco na ngayon ay nakangisi na sa kanya. "So tungkol nga kay Maymay ang problema."
"Marco, huwag ngayon bro," walang ganang sagot ni Edward t'saka niya muling itinuon ang pansin sa labas ng bintana.
"Wala ka bang napapansin sa tuwing mag-gi-girlfriend ka, bro?"
Bumuntong hininga si Edward. Napipiplitang lumingon sa gawi ni Marco. "What do you want, Marco?"
"Hindi nga. Tinatanong kita."
"What do you mean?"
"Kung anong napapansin mo sa tuwing nagkaka-girlfriend ka."
Bahagyang kumunot ang noo ng binata. Hindi niya maintindihan ang gustong iparating sa kanya ng kaibigan.
Iiling iling na lumingon si Marco sa may bintana at pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad sa labas no'n. "Wala kang naging girlfriend na tumagal ng isang buwan. Bago pa man mag-isang buwan, nakikipag-break ka na sa kanila."
Napailing si Edward sa narinig t'saka siya lumingon na rin sa labas ng bintana. "Sila ang nakikipag-break sa akin."
"Mali. Ikaw ang unang nakikipag-break sa kanila. Alam mo kung paano?"
"Pa'no?"
"Sa tuwing makikipag-kita ka kay Maymay, at ihahatid mo siya kasabay ang girlfriend mo na dapat siyang first priority mo that time."
Mabilis na nilingon ni Edward ang kaibigan. "What?!" Kunot noo niyang bulalas kaya naman nilingon na rin siya ni Marco.
"Hindi mo ba napapansing ikaw ang unang lumalapit kay Maymay sa tuwing nilalayuan ka niya kapag nagkaka-girlfriend ka?"
Mabilis na umiling si Edward. "No. It's not like that."
"Sige nga"—namulsa si Marco nang maharap niya si Edward—"bakit kailangang ikaw ang naghahatid sa kanya kapag late siyang umuuwi? Yung tipong hihintayin mo pa siya para lang masiguradong may maghahatid sa kanya pauwi, lalo na kapag wala si Laura. Bakit kailangan mong ipakita na kunwari lahat ng sulat na binibigay niya, tinatapon mo kahit lahat ng iyon sa locker mo nakatago? May papunit punit ka pang nalalaman, e sobre lang naman yung pinupunit mo," natatawang pagpapatuloy ni Marco nang mahuli niya nga ang binata na binabasa ang sulat ni Maymay doon sa locker room ng boys.
"It's not funny, Marco."
"Hindi naman talaga, kaya makinig ka." Humugot ng malalim na paghinga si Marco bago nagpatuloy. "At saka bakit ka nagiging masaya kapag nakikita mong masaya siya at nakatawa? At bakit ka rin malungkot ngayong tuluyan na siyang lumayo sa'yo?" Nilingon ni Marco ang bintana. "At bakit mo siya laging inaabangan mula rito? Akala mo ba hindi ko napapansin?" Nilingon niyang muli si Edward. "Bro, when it comes to Maymay, you're kinda stupid aren't you?" Natatawang napailing si Marco. "Birthday gift ko na sa'yo 'yan. Kita kits bukas sa bahay niyo," paalam nito t'saka niya tinapik sa balikat si Edward at lumabas na ng classroom.
Wala sa sariling nilingong muli ni Edward ang bintana nang makaalis si Marco. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang kita niya ang dalaga na ngayon ay nakatuon ang paningin sa cellphone na hawak. Para bang hindi ito mapakali habang paulit ulit na tinitignan ang cellphone t'saka ito maglalakad ng pababalik balik. Nang huminto ang dalaga ay para bang may ginawa ito sa cellphone niya kasabay ng pagtunog ng cellphone ni Edward dahilan para kunin agad ng binata ang cellphone mula sa bulsa.
From Maymay:
Brad?
To Maymay:
Yes, May?
From Maymay:
Kita tayo sa Twinnie Brad mamayang 11:30 pm.
Napangiti ang binata nang matanggap ang message na 'yon ng dalaga. "Hindi niya nakalimutan ang birthday ko," bulong niya kasabay ng pag-usbong ng kasiyahan sa dibdib niya pero mabilis din siyang napakunot noo nang basahin ulit ang unang text nito. "Whatever.."
To Maymay:
Okay.
Gano'n na lang ang laki ng ngiti niya nang ma-i-send ang reply niya sa dalaga habang nakatingin siya rito mula sa bintana. "This is insane. Why am I so happy about this?" Napailing siya. Wala na siyang pakielam sa kung anong nararamdaman niya ngayon. Ang mahalaga para sa kanya nang sandaling 'yon ay ang makasama si Maymay mamayang pagsapit ng birthday niya.
Alas onse pa lang pero nasa labas na si Edward ng Twinnie Brad Bar & Café. Nasa loob pa siya ng sasakyan niya at nakaupo pero hindi na siya mapakali. Kinakabahan ang binata but at the same time ay excited itong makita ang dalaga. Nang tumunog ang alarm niyang pang-11:30 ay agad siyang bumaba mula sa kotse niya. Inayos ang sarili at sinigurado pang gwapo siya sa paningin niya.
"Sir Edward?" Salubong ng isang waitress sa kanya. Nagtataka man ay tinanguan niya ito. "Tara po sa rooftop. Nandoon po ang reservation ni Ma'am Maymay."
Mas lalo siyang napangiti nang marinig ang pangalan ng dalaga. Humugot pa siya ng malalim na paghinga bago tuluyang lumabas ng pinto, at gano'n na lamang ang pagkamangha niya nang makita ang paligid. Napapalibutan ito iba't ibang kulay ng kandila at sa gitna ng mga kandilang 'yon ay ang isang table for two na ikinatuwa niya.
"Go ahead sir. Take a seat po. Hintayin niyo na lang po ang makakasama niyo."
"Thanks. Pero sinong nag-design nito?"
"Ahh, si Ma'am Maymay po. Nung isang araw pa niya sinisimulang ayusin dito."
Hindi na maipaliwanag ni Edward ang saya nang marinig 'yon. Ito na siguro ang surprise birthday date na gawa ni Maymay para sa kanya na nagdulot ng tuwa sa puso niya. Lagi na kasi itong ginagawa ng dalaga tuwing birthday niya. Lagi silang magkasama sa tuwing sasapit ang kaarawan niya, at hindi niya namamalayang he's looking forward to see her different kind of surprise birthday dates for him.
Tinignan ni Edward ang wristwatch at nakitang 15 minutes before 12 na. Nagpakawala siyang muli ng malalim na paghinga habang paulit ulit na hinihimas ang tuhod niya.
"Happy birthday to you. . ."
Agad na napatayo ang binata nang makarinig ng boses. Nang may makita siyang babae na naglakakad at may hawak na cake ay napangiti siya. Ngunit gano'n din kabilis nawala ang ngiti niya nang makitang si Hope ang may hawak ng cake na 'yon at hindi ang inaasahan niyang dalaga.
"Happy birthday, happy birthday.. Happy birthday, Edward," pagpapatuloy ng kanta ni Hope hanggang sa makalapit siya sa binata. "Happy birthday! Go ahead. Make a wish, Edward."
Hinipan niya ang kandila at piniling hindi na mag-wish nang sandaling 'yon. Nang mailapag ni Hope ang cake sa gitna ng mesa ay siyang yakap nito kay Edward.
"Happy happy birthday, Edward."
"T-Thanks, Hope," sagot niya t'saka siya yumakap din dito. Nang maramdaman niyang humiwalay si Hope ay inalalayan niya nang makaupo ito t'saka siya umupo na rin.
"Na-surprise ka 'no? Plano 'to ni Maymay."
"Maymay."
"Yes!" Malaki ang pagkakangiti ni Hope nakatingin sa binata kaya naman napipilitang nginitian din siya ni Edward. "Oh yeah. She gave you a letter. Here."
Agad na kinuha 'yon ni Edward mula kay Hope. Nang buksan niya ang sobre ay gano'n na lang pagbigat ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay dinaya siya ni Maymay. Pakiramdam niya ay pinaasa siya nito. Naiinis man ay binasa niya pa rin ang laman ng sulat na 'yon.
Edward,
Happy birthday, Edward. Nagustuhan mo ba 'yang surprise birthday date ko para sa'yo? Ang saya saya mo siguro 'no? Anyway, hindi ko na 'to pahahabain. Gusto lang naman kitang i-greet ng happy birthday e. T'saka ano na? Ano nang nagyayari sa'yo? Humina na ba ang style mo sa panliligaw kaya hanggang ngayon in ligaw mode ka pa rin kay Hope? Akala mo 'di ko alam 'no. Basta ata tungkol sa'yo, lahat alam ko. Ako pa ba? Ang tagal ko kayang naging admirer mo. LoL! Oo! Admirer! Sabihin mong stalker, sasapakin kita!
Anyway, ngayong birthday mo, ang hangad ko lang ay ang kaligayahan mo. So here you go, I told Hope that you will enjoy this surprise birthday date. Hope plus this date is your happiness 'di ba? Kaya ano pang hinihintay mo? Tanungin mo na si Hope kung pwede mo na siyang maging girlfriend para naman sumaya ka na ng bongga. And you know what, wala akong masasabi kay Hope, you guys are perfect for each other. Gusto mo siya, gusto ka niya, kaya go! Go for it! Fighting!
PS.
Huling surprise birthday date ko na 'to para sa'yo. Sa susunod na birthday mo, alam kong alam na ni Hope ang gagawin para mapasaya ka pa.
Happy birthday ulit Edward, brad.
Ang Pinakamagandang Nilalang Sa Mundo,
Maymay
"She's so crazy."
"Isn't she? But she's so adorable too. Ang saya saya niyang kasama. Wala atang moment na hindi ako tumatawa kapag kasama ko siya," masayang litanya ni Hope.
"You're right. Masaya rin ako kapag kasama siya," nakangiting sagot din ng binata habang maingat na tinutupi ang sulat ng dalaga.
Magiliw na ngumiti si Hope. Sa wakas ay narinig niya 'yon sa binata. "Then why aren't you with her right now?"
Nag-angat ng ulo ang binata. "What?"
"You heard me, Edward. Hinihintay lang kitang magsabi sa akin at maging totoo sa sarili mo."
Umiling ang binata. "Hey. . . What are you talking about, Hope?" Aniya kasabay ng paghawak niya sa kamay ni Hope na nakapatong sa mesa.
"Do you still like me, Edward?"
"Yes. I do."
"What about Maymay?"
"What about her?" Umiling ang binata at iniabot ang sulat ni Maymay kay Hope. "Go ahead. Read it."
"I don't need to read that, Edward. Matagal nang malinaw sa akin na si Maymay ang talagang gusto mo. Mula nung makilala ko kayong dalawa, alam ko na e. Kaya ang gusto kong malaman ngayon ay, bakit? Bakit kayo humantong sa ganyan?"
"I don't know." Bumuntong hininga ang binata.
"Is it because she's younger than you?"
"No."
"Is it because of your parents and Marco, na lagi kayong inaasar at ipinagpipilitang magkatuluyan?"
Kumunot ang noo ng binata. "What? No, Hope."
"So, alam mo naman pala ang sagot, Edward. Alam mo sa sarili mo ang sagot kaso natatakot kang aminin 'yon sa sarili mo. Anong ikinatatakot mo?"
"I don't know, Hope! Hindi ko talaga alam okay? I don't even know if I am really scared of something or not. Kung gusto ko na siya o hindi. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganitong wala na siya sa buhay ko. Na akala ko noon mas magiging masaya ako dahil wala ng Maymay na susunod-sunod sa akin. Na maglalambing sa akin. Na mag-e-effort na mapasaya ako." Humugot ng malalim na paghinga ang binata. "I don't know what to do anymore. I don't even know what to feel about this either."
"Then talk to her. Malay mo siya ang makasagot sa lahat ng 'yan, Edward."
Naka-ilang lipat na ng channel si Maymay sa TV, pilit na nagpapaantok, kaso sadyang hindi sila close ng tulog dahil hindi man lang siya dinadalaw no'n. Sa huli ay napa-buntong hininga na lang siya at pinag-tiyagaan ang Popeye The Sailor na cartoon.
Ngunit sinong niloloko niya? Hindi siya makatulog dahil hindi niya magawang alisin sa isipan si Edward. "Masayang masaya siguro 'yon ngayon," nakangiting sambit ng dalaga t'saka siya ngumiti at niyakap ang baboy niyang stuff toy.
"Edward?" Sambit ni Laura nang makita ang kapatid sa kusina. Malayo ang tingin habang naka-krus ang magkabilang braso sa harap ng dibdib nito. "Kanina ka pa dumating?"
"Laura, can I have Maymay's apartment key?"
Mabilis na nangunot ang noo ni Laura at iiling iling na tinungo ang ref. Nang makainom siya ng tubig at mahimasmasan ay pinili niyang kausapin ng matino ang kuya Edward niya kaya hinarap niya ito.
"What's wrong? What happened? Akala ko magiging kayo na ni Hope ngayon?"
Nag-angat ng paningin ang binata at matamang tinitigan si Laura. "I wanna talk to her."
"About?"
"Me and her."
Nagpakawala ng sarkastikong tawa si Laura. "When did this you and her thing happened? Wala atang nakwento si Maymay sa'kin."
"Laura, please? I'm begging you. I need to talk to her."
"Bakit nga? What for?"
"I-I don't know yet." Bumuntong hininga ang binata t'saka niya isinuklay ang mga daliri sa buhok niya. "I wanna see her so bad."
"Edward, are you for real?" Bulalas ni Laura nang makita ang kakaibang ekspresyon ng kapatid nang sabihin nito ang huling litanya. "You! You do like Maymay. Oh my gosh. . ." Imbis na sumagot si Edward ay tinitigan niya lang si Laura. "What? Answer me!"
"That's not even a question."
"Do you then?"
"I don't know—yet."
Nangunot ang noo ni Laura. "What do you mean?"
"Gusto ko ring malaman kung meron man akong nararamdaman sa kanya o wala. That's why I wanna see her."
"You're so fvcked up," umiiling na sambit ni Laura t'saka ito umakyat sa kwarto. Pagbalik niya sa kusina kung saan nakita niyang malayo pa rin ang tingin ng kapatid ay naiiling siyang iniabot dito ang susi ng apartment ng dalaga. Nakita niya ang pag-angat ng ulo nito at gano'n na rin ang paglaki ng mga mata ni Edward. "Ayusin mo ha? I don't know if I'm making the right decision, but once and for all, I want you both to be honest with yourselves." Bumuntong hininga si Laura nang abutin ni Edward ang susi. Nagdadalawang isip pa rin siya pero pinili niyang mag-baka sakali—baka sakaling tama ang ginawa niya.
Gano'n na lang ang kabog ng dibdib ni Edward nang mahawakan ang susi na 'yon. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, ngunit nangingibabaw ang kaba.
"Happy birthday, kuya. I wish you luck," pahabol ni Laura bago siya tumalikod at umakyat nang muli sa kwarto.
Malalim na bumuntong hininga si Edward bago niya ini-unlock ang pinto ng apartment ni Maymay. Pagkapasok niya sa loob ay naka-on na TV ang bumungad sa kanya at natutulog na dalaga sa may bean bag. Nang gumalaw ito ay siyang unti unting pagsilay ng ngiti ng binata. Ilang sandali pa ay mas nilapitan niya pa ito at pinakatitigan ang mukha.
Napaisip ang binata sa kalagitnaan ng ginagawa. Kailan nga ba niya huling natitigan ang natutulog nitong mukha? Nung nasa high school sila at naabutan niya ito sa klaseng natutulog? Noong mag-first year college siya at naabutan niya itong natutulog habang hinihintay siya sa may parking lot? O nung second year college siya at makita niya 'to sa kwarto ni Laura na naka-idlip habang hinihintay ang kapatid niya? Teka, noon atang mag-third year college siya at first day ni Maymay sa college, nakita niya 'tong nakapangalumbaba sa canteen at nakapikit ang mga mata? Nang maalalang lahat 'yon ni Edward ay napailing siya. Hindi niya akalaing napakaraming beses niya na pa lang ginagawang titigan ang mukha ng dalaga.
Ganito ba siya katanga? Ganito ba siya ka-stupid para hindi ma-realize na, Maymay already invaded his life? His whole system? Hinndi niya mapigilang mapahawak sa batok at muling tawanan ang sarili.
Unti unting idinilat ni Maymay ang mga mata nang may marinig siyang pagtawa, at ganoon na lang ang pagbalikwas niya ng bangon nang may makita siyang Edward na nakaupo sa lapag at nakangiting nakatingin sa kanya.
"Halla siya!" Tinakpan nito ang bibig t'saka siya tumingin sa oras. Alas tres na ng madaling araw. Dali dali niyang kinuha ang cellphone at dinayal ang number ni Edward—habang binabalewala ang Edward na nagtatakang nakatingin sa kanya.
Nang mag-ring ang cellphone ni Edward ay siyang tingin ni Maymay sa gawi ng binata. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Nawiwirduhan man si Edward sa inaasta ng dalaga ay sinagot pa rin niya ang tawag nito.
"Are you okay?"
"Edward! Okay ka lang ba?"
"Hey, stupid girl. What are you talking about?"
"Nakikita kita rito sa apartment ko!!!"
Pinipigilang matawa ni Edward nang makita niyang parang baliw na Maymay ang kaharap niya—kagat kagat nito ang daliri, at nanlalaking mga mata na nakatingin pa rin sa kanya. Pigil pa rin ang tawa ay tumayo siya at nilapitan ang dalaga. Kinuha nito ang cellphone ng dalaga at inilapag 'yon sa mesa kasama ang cellphone niya. Nang ibalik niya ang tingin kay Maymay ay pinitik nito ang noo ng dalaga.
"Woy! Masakit!"
"Gising ka na?" Natatawang tanong ng binata.
"B-bakit ka nandito?" Agad na tanong ni Maymay nang mapagtantong totoong Edward ang nasa harapan niya at nakakausap. Tinakot siya masyado ng alas tres na pamahiin. "Paano kang nakapasok?"
"I have your spare key."
Nangunot ang noo ng dalaga. "Kailan pa kita naging stalker? Kailan pa bumaliktad ang mundo?"
Iiling iling na natawa ang binata. "Maymay. . ."
Napalunok ang dalaga nang mahimigang seryoso ang binata. Iniisip pa lang niya na may nagawa na naman siyang mali rito ay kinakabahan na siya. "Oh?"
"C'mon, let's sit down. Gusto kitang makausap."
"Ah?"
Hinawakan ni Edward ang baba ni Maymay at natatawang itinikom ang bibig ng dalaga na nakauwang. Na-conscious tuloy ang dalaga. Inayos niya ang sarili at sinunod ang kagustuhan nitong maupo siya. Sa bean bag siya umupo. Sumunod naman si Edward na sa lapag naman naupo, kaharap ang dalaga.
"Bakit parang kinakabahan naman ako?" Bulalas ni Maymay. "May mali ba akong nagawa? Na naman?"
Dahan dahang umiling ang binata. "Ilang beses na kitang nasaktan?"
"Halla siya. Anong klaseng tanong 'yan brad—"
"Stop. Ayokong marinig 'yang brad na 'yan."
Napakamot sa sintido ang dalaga. "Okay.."
"So? Your answer?"
"Yung totoo?"
"Yung totoo, May."
Itinaas ni Maymay ang dalawang kamay sa ere t'saka iyong itinikom. "If you are unaware, it's never your fault. Ako ang nagmamahal"—ibinaba nito ang dalawang kamay—"at kung nasaktan man ako, hindi mo 'yon sinasadya."
Natahimik ang binata sa sagot ng dalaga. Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa 'di nakatagal si Maymay kaya yumuko ito. Nang muli siyang tumingala ay nakita niya ang pagtitig ni Edward sa dibdib niya. Napahawak siya ro'n at nakapa ang kwintas na bigay ng binata.
"I'm sorry." Ibinalik ni Edward ang tingin sa mga mata ng dalaga. "I'm sorry if I didn't realized sooner that that annoying little girl who kept pestering me with her love confessions is no longer like a little sister but rather she became someone special."
"Uy, teka, teka. Anong nangyayari?"
"Makinig ka muna kasi."
Tinakpan ni Maymay ang magkabilang tenga gamit ang mga kamay. "Ayoko!"
Umarko ang kilay ng binata. "Bakit?"
"Natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano mang pwede kong marinig sa'yo ngayon."
"Maymay. . ."
"No. Stop! Ayoko. . ." Gano'n na lang kabilis na nangilid ang luha ng dalaga. Gano'n na lang ang takot niya nang sandaling 'yon na kung papipiliin siya between reality and her dreams, she would choose her dreams with Edward in it over this crazy reality. Napapikit ang dalaga. Biglang parang nakaramdam siya ng pagod—pagod na siyang magmahal at masaktan. Gusto niyang tumayo pero alam niyang nanghihina ang tuhod niya para takbuhan ang binata. "Umalis ka na. Umalis ka na, Edward. Iwan mo na ako. Layuan mo na 'ko. Please. . ."
"May—"
"Handa na 'ko e. Handa na akong pakawalan ka. Handa na akong maging masaya nang wala ka. Handa na ako. . . Sa ngayon, sarili ko na muna ang mamahalin ko. Magdadamot naman ako. Sa ngayon"—idinilat ni Maymay ang mga mata at pinakatitigang mabuti ang mga mata ni Edward—"wala na muna akong pakielam sa'yo o sa nararamdaman mo. . . Umalis ka na, Edward. Parang awa mo na."
Kirot sa dibdib ang dala ng pagmamakaawang 'yon ng dalaga kay Edward. Kaya naman kahit ayaw niya ay napipilitan siyang tumayo at lumabas mula sa apartment ni Maymay. Nang maisarado niya ang pinto ay ramdam ng binata ang pag-init ng sulok ng mga mata niya. Habang nakalapat ang mga kamay nito sa pinto ay ang paninikip ng dibdib ng binata.
Maka-ilang beses na katok ang gumising kay Laura kaya inis itong bumangon at gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang kapatid na basang basa mula ulo hanggang paa. "Edward! Oh my god! What happened?"
"I'm afraid I'm a little too late now. Sumuko na siya sa'kin Laura. Masyado ko na ba siyang nasaktan?" Matamang tinitigan ni Edward ang kapatid, at gano'n na lang ang gulat ni Laura nang makita niya ang pagtulo ng luha nito. "It was never my intention to hurt her, Laura. I was just afraid. I'm afraid that I couldn't make her happy the way she's making me happy. Maymay deserves more in life and I don't know if I could be that more for her." Pagak na tumawa ang binata, ngunit binigo siya ng paghikbi niya. "I'm always in silent competition with all the boys around her. I didn't know that I could be this insecure. I'm always comparing myself with them, and at the back of my mind I know that Tanner deserves Maymay more than me, but I'm a selfish man at gusto ko pa ring ako lang ang mahalin niya. Ako lang, Laura."
"Oh no. . ." Mahinang sambit ni Laura. Hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Edward. "Alam na ba 'to ni Maymay? Sinabi mo naman lahat sa kanya 'to 'di ba?"
Unti unting umiling ang binata. Napasandal ito sa bukana ng pinto at doon idinausdos ang katawan paupo sa sahig. "I'm so stupid, Laura. I'm so stupid!" Bulalas ng binata kasabay ng pag-untog niya ng ulo sa may pinto.
"Hey, stop that. Edward!" Mabilis na niyakap ni Laura ang ulo ng kapatid para mapigilan ang ginagawa nito. Hindi niya alam kung paanong matutulungan ang kapatid nang sandaling 'yon, at naguguluhan pa rin siya sa inaasta ni Edward.
"Maymay has been so consistent in showing how much she loves me, Laura," pagpapatuloy ng binata. "But just because I was so afraid I couldn't love her right, I have hurt her too much. And telling her now that I love her would never be enough—I wish that's just the only reason, but it's not. I was too late, Laura. She couldn't love me anymore. She told me to leave her alone. To stay away from her." Hinawakan ni Edward ang braso ng kapatid. "Laura, I need your help. Please. I don't want to lose Maymay. I can't lose her.."
"Aalis ka na naman, May," ani Pat nang magyakapan sila. Gano'n kabilis natapos ang sembreak ni Maymay. "May?"
"Hmm?"
"Huwag kang magsasawang magmahal."
"Ha?"
Inilayo ni Pat ang dalaga at hinawakan ang mga kamay nito. "Huwag kang magiging bitter. Ang sarap kayang magmahal. Alam mo kasi, minsan, mas nasasaktan tayo kapag nag-e-expect tayo sa isang tao na mahal natin e. Na yung tipong balang araw, magiging kami rin at mamahalin niya rin ako. Hindi kasi 'yon gano'n, Maymay."
"Patricia. . ." Ani Maymay na may himig ng pagbabanta. Alam kasi nitong lahat ang nangyayari sa kanya sa siyudad kung saan siya nag-aaral.
"Magmahal ka ng walang hinihintay na kapalit, May. Hindi niya kasalanang nasaktan ka niya dahil base sa kwento mo, noon pa man sinasabi niya nang malabong magkaroon ng kayo 'di ba?"
"Kaya nga ako umalis 'di ba? Kaya nga gusto ko na siyang lumayo 'di ba?"
"May, hindi lang pagmamahal na meron ka ang nabuo sa samahan ninyo ni Edward. Nandoon yung naging kaibigan siya slash kuya slash mabait na Edward sa buhay mo. Kakalimutan mo na lang ba 'yon ng ganun-gano'n lang dahil lang sa nasaktan ka?"
"E anong gusto mong gawin ko?"
"Na ikaw naman ang maging kaibigan lang slash kinakapatid slash mabait at kwelang Maymay. Huwag mong iwan sa ere si Edward na parang wala kayong pinagsamahan. Huwag mo siyang sabihan na lumayo o layuan ka dahil kahit sa akin mo lang yun sabihin, ang sakit kaya. Siya dati, hindi niya alam na nasasaktan ka niya, pero nung sinabi mo yun sa kanya, na layuan ka niya—harap harapan mo siyang sinaktan uy."
"Pero Pat, masakit. Nasasaktan pa rin ako."
"At nasasaktan din siya." Bumuntong hininga ang dalaga t'saka niya niyakap si Pat. "Hindi ko pa man nakikilala si Edward, sigurado akong inalagaan ka niya at naipakita niyang importante ka sa kanya base sa mga kwento mo. Action speaks louder than words, May. Tandaan mo 'yan."
Lulan na ng eroplano ang dalaga pero ang isipan niya ay naiwan atang nakikipag-usap kay Pat. Pilit niyang iniintindi ang bawat katagang sinabi ng kaibigan bago sila maghiwalay. Pagdating ng dalaga sa siyudad ay agad niyang tinawagan si Laura.
"May! Are you here na?"
"Oo. Nasa airport na ako."
"Sige, sige. Nandito na ako sa labas."
"Ha?"
"Yeah. You told me na pauwi ka na kaya hinintay kita rito. I miss you so bad na e."
Bahagyang tumawa si Maymay. "O sige. Malapit na akong makalabas. See you."
Nang makita ni Laura at Maymay ang isa't isa ay mabilis silang tumakbo at nagyakapan. Kala mo naman ay napakatagal na nawala ni Maymay at itong si Maymay akala mo naman ay hindi nakaka-Facetime si Laura.
Sa loob ng kotse ay may iniabot na isang malaking cookie jar si Laura sa kaibigan. "Ano 'to?" Nagtatakang tanong ni Maymay.
Sumilay ang 'di maitagong saya sa labi ni Laura. "Open it!"
Nagtataka man ay binuksan 'yon ni Maymay at nakitang may iba't ibang kulay ng mga nakatuping papel na nandoon. "Laura?"
"Okay, okay. Here's the fun part," ani Laura na naka-focus pa rin sa daan. "You have blue, yellow, red, orange and pink na papers diyan 'di ba?"
"Oh? Tapos?"
"How are you feeling today?"
"Ha?"
"Are you happy? Sad? Angry?"
"Siyempre masaya."
"Okay. Kuha ka ng isang yellow, then read it."
Nangingiting napailing na lang Maymay sa kawirduhan ng kaibigan. Sa huli ay pinili niyang sundin na lang ito kaya bumunot nga siya ng papel na kulay dilaw. Nang buklatin niya iyon at makitang hindi pamilyar ang hand writing ay nilingon ni Maymay si Laura na ngayon ay malaki ang pagkakangiti. "Hindi mo 'to hand writing, beb."
"Kasi 'di naman sa'kin galing 'yan, silly."
Nangunot ang noo ng dalaga nang marinig 'yon. "E kanino?"
"Read it, para malaman mo."
Napailing na lang muli si Maymay nang walang makuhang sagot sa kaibigan.
Maymay,
Hey. Naka-smile ka ngayon 'no? Ako rin. Pero mas magiging wide ang smile ko kapag nakasama na kita. Kapag nakausap na kita ulit.
I know, I know. This is too cheesy, but, I want to make you smile. Gaya ng pagpapangiti mo sa akin sa tuwing makakasama kita.
Edward
"Edward?" Mabilis na nilingon ni Maymay si Laura. "Laura, bakit 'to?"
Nag-kibit balikat si Laura. "I don't know. I just have to give it to you raw kapag nagkita na tayo."
Ilang beses na kumurap si Maymay nang maramdamang parang maiiyak na naman siya.
"Whenever you feel sad, pick the blue one. If you feel like you're angry, pick the red one. Kapag gusto mong maging maganda ang araw mo, do the orange. At kapag nga happy ka, do the yellow."
"Ano yung pink?"
Saktong nasa stop light si Laura kaya nilingon niya ang kaibigan. "Whenever you're ready to fall in love again and see the person who gave you those letters, pick pink."
Sumapit na ang gabi, ilang oras na ring nakatitig si Maymay sa cookie jar na natanggap mula kay Laura kanina na galing sa lalaking hindi niya inaasahang magbibigay nga sa kanya no'n.
"Ano kayang naisipan ng lalake na 'to? Para saan 'to?" Sambit ng dalaga. Kanina pa niyang gustong basahin ang lahat ng 'yon kaso ang bilin ni Laura ay babasahin niya lang daw niya 'yon kapag kailangan. "At kailan ang kailangan na 'yan? Pa'no kapag gusto ko nang mabasa lahat?" Napabuntong hininga siya kasabay ng pagkuha niya sa cellphone niya.
To Laura:
Beb?
From Laura:
Yes beb?
To Laura:
Gusto kong basahin na 'to lahat.
From Laura:
You mean the letters? Go ahead.
To Laura:
Pero sabi mo kapag need lang.
From Laura:
You decide, May. That's for you naman e.
Muling bumaling si Maymay sa cookie jar. Ilang sandali pa ay kinuha nga niya 'yon at binuksan. Pumili siya ng kulay at sa huli ay napili niya ang blue.
Maymay,
Bakit ka malungkot May? Ako malungkot ako ngayon kasi may nami-miss akong napakakulit na babae. Itago na natin sa pangalang Marydale.
Makikita ko pa ba siya?
Edward
Red: Maymay,
Habang sinusulat ko 'to hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Paano ba akong makakabawi sa'yo?
Edward
Yellow: Maymay,
Alam mo bang sobrang saya ko ngayong araw na 'to? Natanggap ako as an intern sa company na first choice ko para mapag-trabahuhan.
But hey.. Mas masaya sana kung nasasabi ko sa'yo 'to in person.
Edward
Orange: Maymay,
Hey.
I miss you.
Napangiti ba kita?
Edward
Blue: Maymay,
I'm sorry for all the pain I've caused you, May. Kapag nakita mo ako, make sure to beat me up, okay? I'll take it.
Edward
Hindi makapaniwala ang dalaga sa mga nabasa. Wala sa sariling niyakap niya ang mga sulat na nabasa—miss na miss niya na ang binata. Sadya talaga atang traydor ang puso niya dahil nakaramdam ito ng kasiyahan nang malamang kay Edward galing ang mga iyon. Idagdag pang traydor din ang mga mata niya nang may luhang pumatak mula ro'n. "Edward. . ."
First day of class ng 2nd semester, maganda ang gising ng dalaga. Excited na lumabas ito ng kwarto at tinungo ang cookie jar. Bumunot siya ng yellow doon at nakangiting binasa 'yon.
Maymay,
Alam kong hindi ka kailanman naging aware, but right now, I want to let you know that you're my happy pill.
Keep on smiling my sunshine.
Edward
Kulang na lang ay magtatatalon siya, pero mabilis niya ring pinakalma ang sarili. "Huwag umasa. Mamaya way niya lang 'yan para makapag-move on din. Inhale—exhale. Pero kasi—" muling nagsisisigaw si Maymay—"nakakainis naman uy! Nabuang na!" Nakangiting bulalas niya bago lumabas ng apartment. "Keep on smiling, my sunshine. Ehhh! Kire!"
"How's Camiguin? You look happy," pukaw ni Tanner sa dalaga. Nang huling mag-usap ang dalawa ay umamin siya sa lalake na hindi niya masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay nito. Buti na lang talaga at mabait si Tanner dahil tinanggap nito ang paliwanag ng dalaga at piniling maging magkaibigan na lamang sila.
Magiliw na nginitian ni Maymay si Tanner. "May pasalubong ako sa'yo," aniya t'saka niya inilabas ang Pastel Buns with Filling. "Masarap 'yan!"
"Thanks," nakangiti namang tugon ni Tanner. "So, how have you been?"
"Okay naman. Ikaw? Sa'n ka nagbakasyon nitong sembreak?"
"Nowhere. I stayed here with my brother and some friends. We went out and stuff."
"That sounds fun?" Napakamot sa sintido si Maymay. Hindi siya maka-relate rito. Masyado kasing mahilig sa party ang binata unlike her na movie marathon lang sapat na.
"You're so funny as always, Maymay," natatawang sabi ni Tanner kasabay ng pagpisil nito sa pisngi ng dalaga.
"Maymay! May naghahanap sa'yo."
Nilingon ni Maymay ang kaklase na nakaturo sa may pinto. Mula ro'n ay may lalaking may hawak na bulaklak. Agad niyang nilingon si Tanner at pinaningkitan ng mga mata.
"That's not from me," umiiling na sabi nito. "Maybe from Cade, or Blake or Reid?"
"Hindi naman sila ganyan e. Ikaw lang ang ganyan."
Bahagyang tumawa ang binata. "I am flattered, Maymay. But I swear, I didn't do that. We've talked already, and I respect your decision." Nagkangitian ang dalawa bago pa tumayo si Maymay para puntahan ang naghahanap sa kanya.
"Ako po si Maymay."
"Ah, magandang araw Miss Maymay. Halika, sumama po kayo sa akin."
"Po? Ayoko nga."
"Po?"
"Hindi kita kilala kuya. Bakit naman ako sasama sa'yo?"
Napakamot sa ulo ang delivery guy na may hawak ng bulaklak. "Eh, sa business administration building ko po kayo dadalhin. Napag-utusan lang po ako ng isang student dun." Pinaningkitan ng mga mata ni Maymay ang lalake kaya mas lalong napakamot sa ulo ito. "Promise po, Miss. Wala akong gagawin sa inyo."
Tatanggi na muli sana si Maymay nang mag-ring ang cellphone niyang hawak. Si Laura ang caller kaya agad niyang sinagot 'yon.
"Beb?"
"Beb? Nasa loob ka na ba ng classroom nina Edward?"
Nangunot ang noo ni Maymay. "Ha?"
"May lalaking susundo sa'yo diyan. A flower delivery guy to be exact."
"Nandito na siya. Bakit ako sasama sa kanya? Anong gagawin ko sa classroom ng kapatid mo?"
"C'mon, May. Just go with him na lang. You'll know soon enough kapag nandun ka na. Okay? Bye. See you later."
"Wait, Laura! Ano—ugh!" Ibinaba na ni Laura ang linya kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa delivery guy na 'yon. "Ano na naman ba kasing pakana 'to?"
Hindi maiwasang kabahan ni Maymay habang papalapit sila ng papalapit sa klase ni Edward. Hindi niya rin kasi alam kung ready na siyang makita ito. Anong gagawin niya? Anong sasabihin niya? Napahawak siya sa ilong t'saka siya bumuntong hininga.
"Maymay!" Bulalas ni Marco nang makita si Maymay kasama ang lalaking inutusan niya kanina.
"Marco?"
"Yep." Nilingon ni Marco ang delivery guy at inabutan ng pera. "Thanks kuya." Nang umalis ito ay muli siyang bumaling kay Maymay habang hawak hawak ang bulaklak. "For you," ani Marco kasabay ng pagabot niya sa bulaklak na hawak lang nung delivery guy kanina.
"Para sa'kin?" Umarko ang kilay ni Maymay kasabay ng pag-abot niya ro'n. "Para sa'n?"
"Bakit? Masama bang bigyan ka ng bulaklak?"
"So sa'yo galing 'to?"
Tumango si Marco, ilang sandali lang ay sumilay ang nakakalokong ngiti nito. "Bakit? May inaasahan ka pa bang ibang lalake na magbibigay sa'yo ng bulaklak galing sa department namin?"
Mabilis na umiling si Maymay. "Wala. Nagtataka lang ako kung bakit mo 'ko binibigyan ng bulaklak." Ayaw namang sabihin ng dalaga na disappointed siyang malaman na kay Marco galing 'yon.
"Oh, okay. Halika, may papakita pa ako sa'yo." Hindi na nakasagot ang dalaga nang biglang hawakan ni Marco ang kamay niya at hinila siya kung saan. Palihim pa ngang tumingin sa klase ng binata ang dalaga, nagba-baka sakaling nandoon ang lalaking gusto niyang makita pero walang tao ro'n. Mas lalo tuloy siyang nagtaka sa inaakto ni Marco. Mas nagtataka pa siya rito kaysa sa mga taong nakangiting nakatingin sa kanila—akala ata e dinidigahan ni Marco ang dalaga.
"Marco, mukhang boys locker room 'to."
Bahagyang tumawa si Marco. "Halata ba?"
"Oo! Ang baho e! Bakit ba tayo nandito?" Nang matapat si Marco sa locker kung saan niya gustong dalhin ang dalaga ay may ibinigay siyang passcode rito na nakasulat sa maliit na papel. "862016? Ano 'to?"
"Open that locker."
"Ha?"
"Buksan mo na lang Maymay, okay?"
Mas lalong nangunot ang noo ng dalaga. Iiling iling siyang humarap sa locker na 'yon at matamang tinitigan 'yon. Nang mapagpasiyahan niya na ngang buksan ay ibinigay niya kay Marco ang bulaklak na hawak niya.
Nang mabuksan niya ang locker na 'yon ay nilingon niya si Marco. Wala naman kasing makikita ro'n bukod sa deodorant, bote ng pabango, medyas at kung anu-ano pang panlalaking gamit. Ni wala rin namang picture ro'n kaya hindi niya matukoy kung kaninong locker 'yon.
"Anong gagawin ko sa locker na 'to?"
Natatawang umiling si Marco t'saka niya itinuro ang box na nasa loob ng locker na 'yon.
"Ano 'to? Sapatos?" Kinuha ni Maymay ang kahon na 'yon t'saka binuksan. "Kapag ito sapatos, ihahampas ko 'to sa'yo Marco—"
Natigilan ang dalaga nang makita ang laman no'n. Mga papel na nakatupi. At kung hindi siya nagkakamali ay alam niya kung sino ang may-ari ng mga sulat na 'yon. Para makasigurado ito ay binuklat niya ang isa at binasa. Hindi pa siya nakuntento nang ipahawak niya kay Marco ang box at isa isang tinignan ang mga sulat na 'yon.
"Sulat ko 'tong lahat kay Edward ah? Bakit nandito 'to? Akala ko ba tinatapon niya lahat ng sulat ko? Kanino bang locker 'to?" Sunod sunod na tanong ni Maymay kay Marco. Nang mag-angat ng ulo ang dalaga at tinignan si Marco ay malaki ang pagkakangiti nito sa kanya. "Kanino nga?"
Nagkibit balikat si Marco at ininguso ang locker. "I-check mo ulit kung kanino."
Aligagang sumunod si Maymay para nga malaman kung kanino ang locker na 'yon, pero sa huli ay bigo siya. Ni walang pangalan kahit saan ang mga gamit nito. Kagat ang daliri ay natuon ang paningin niya sa pabangong nando'n. Agad niyang kinuha 'yon at ini-spray sa kamay niya. Nakagat niya ang labi nang makilala ang amoy na 'yon. Tama ang hinala niya. Ramdam niya ang pag-init ng sulok ng mga mata kaya napayuko siya at pinigilan ang pagpatak ng luha.
"Nasa'n siya?" Nilingon ni Maymay si Marco nang maibalik ang pabango sa locker. "Nasa'n siya ngayon, Marco?"
"Nasa internship. Bukas pa ang balik niya." Ibinalik ni Marco ang hawak na bulaklak at box sa dalaga. "Pinapabigay lahat 'yan ni Edward. Salamat daw para sa lahat ng sulat na binigay mo sa kanya. Hindi niya raw kayang itapon kaya mas okay daw na ibalik na lang niya sa'yo."
Natapos na ang klase pero nakatitig pa rin si Maymay sa box na nakuha nga kanina sa locker ni Edward. Anong gusto niyang palabasin? Ano 'to? Bakit niya binabalik 'to? Napahawak sa leeg ang dalaga at ini-stretch 'yon. Nang hindi niya malaman ang gagawin ay agad siyang nag-text kay Laura.
To Laura:
Hoy beb! Sunduin mo ako! Alam kong wala kang duty! Kailangan nating mag-usap!
From Laura:
Okay. Be there in 5, beb.
Pagkabukas ni Maymay ng pinto ng kotse ni Laura ay pinaningkitan niya ito ng mata. Hindi naman makatingin si Laura ng diretso sa kaibigan kaya naglikot ang mga mata nito. Nang maka-pasok si Maymay sa loob ay inilagay niya ang bulaklak sa backseat habang kandong niya naman ang box.
"Alam mo ba kung anong nangyayari? Ha?" Tinapik ni Maymay sa braso si Laura nang magkunwaring hindi siya nito naririnig.
"Ouch! Maymay!"
"Laura!" Inis na sigaw ng dalaga. "Alam mo ba kung bakit gustong ibalik ni Edward lahat ng sulat kong 'to sa kanya?"
"What do you mean?"
"What do you mean pa more!"
"No. Seriously, May. What are you talking about?"
Nang mapansing ng dalaga mukhang wala talagang alam si Laura ay binuksan niya ang box at iniabot ang tatlo sa marami pang mga sulat niya na nandoon.
"How did you get these letters? Tinago 'to lahat ni Edward? But I thought—"
"Well, mali tayo pareho. Ang sabi niya kay Marco, gusto niya raw ibalik sa'kin lahat 'to kasi hindi niya kayang itapon."
"Kala ko, he just gave you flowers and a gift."
"May natanggap nga akong bulaklak pero walang gift. Kung gift ang tawag mo rito"—tukoy niya sa kahon na hawak—"wow! Kailan pa naging regalo ang mga sulat na binigay ko sa kanya?"
Napahawak sa baba si Laura. Hindi rin niya maintidihan kung anong pakulo ng kapatid niya. "Anyway, May, have you read any pink letters from him?"
Umiling ang dalaga.
"Hmm. . . Okay. Gusto mo bang sumama sa bahay? They miss you, you know."
"Nandoon ba si Edward?"
"Hmm, baka late siya umuwi."
"Huwag muna siguro ngayon."
Tinapik ni Laura ang binti ng kaibigan. "It's okay. You'll be fine."
Pagkapasok ni Maymay sa apartment ay inilapag niya ang box na 'yon malapit sa cookie jar. Kasabay ng pag-upo niya ay ang pangangalumbaba niya. Ngunit mas natuon ang paningin niya sa cookie jar kaya naman binuksan niya 'yon at naglabas ng pink letter.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi pa man din niya nabubuklat ay gano'n na lamang ang bilis ng tibok ng puso niya. Muli ay humugot siya ng malalim na paghinga at pikit matang binuklat 'yon. Nang idilat niya ang mga mata at simulang basahin 'yon ay gano'n kabilis ang pangingilid ng luha niya.
Maymay,
I love you.
Edward
Hindi maipaliwanag ni Maymay ang kasiyahang nadarama nang mabasa 'yon. Halos yakapin niya ang sulat na 'yon kasabay ng pagpikit ng mga mata niya. Nang makuntento ay ibiniba niya ang sulat na 'yon t'saka siya muling kumuha ng pink letter. Nakangiting iiling iling ang dalaga nang mabasang gano'n pa rin ang mensahe ng binata.
To Edward:
Hoy!
Pabagsak na inihiga ni Edward ang katawan nang matapos niyang mag-shower. Hindi niya akalaing mapapagod siya kaakyat baba at taga-timpla ng kape—mag-iisang linggo na siya ro'n pero hindi pa rin siya sanay. Saktong ipipikit niya na ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha 'yon at tinignan kung kanino galing ang mga messages.
"Hope. . . Laura. . .Marco"—mabilis siyang napabalikwas ng bangon nang makita ang huling pangalan—"Maymay!" Bulalas niya kasabay ng pagbukas niya ng mensahe ng dalaga.
From Maymay:
Hoy!
Pakiramdam ng binata ay mawawalan siya nang hininga nang basahin 'yon pero siya ring pagbuga niya ng hangin sa kawalan nang mabasa 'yon.
"This stupid girl!"
To Maymay:
Are you trying to kill me? Huh?
Nalilitong napakunot noo ang dalaga nang mag-reply.
To Edward:
Anong sinasabi mo?
Napasabunot na lang si Edward sa buhok. Nagmamadali itong tumayo, kumuha ng jacket at lumabas ng bahay. Sa kabilang banda ay naghihintay pa rin ng reply ang dalaga. Habang ginagawa 'yon ay napagpasiyahan na muna niyang maligo. Paglabas niya ng banyo at nakitang walang reply si Edward ay inirapan niya ang cellphone at inis na inilapag 'yon. Sakto naman nang mailapag niya ay siyang pag-ring ng doorbell niya. Oo, may doorbell siya. At si Tanner lang ang gumagamit no'n kaya nagtataka niyang binuksan ang pinto. Late na para puntahan siya ni Tanner.
"Tanner—"
"Anong Tanner?" Bulalas ni Edward nang mapagbuksan siya ni Maymay. Salubong ang kilay ng binata, halatang mas lalong nainis dahil sa pangalang sinambit ng dalaga.
"Edward? Anong ginagawa mo rito?"
"You texted me."
"May sinabi ba akong puntahan mo 'ko?"
"Well. . ." Biglang parang napipilan ang binata. "Ano—kasi. . . Uhmm—"
Hindi na pinatapos pa ni Maymay na magsalita ang binata nang makita niya kung gaano ka-cute ito habang sinusubukang mag-explain. "Pasok ka."
"Really?" Mahinang bulalas ni Edward na nagpatawa kay Maymay.
"Pumapasok ka nga rito nang walang pasabi, ngayong pinapapasok kita ayaw mo namang pumasok."
"How did you know?" Kinakabahang tanong ng binata dahil nung wala ito ay pumupunta siya rito kapag nami-miss niya ang dalaga.
Umarko ang kilay ng dalaga. "The last time na nag-usap tayo. Pumunta ka rito 'di ba? Kinuha mo yung spare key ni Laura."
"Oh. . . Yeah, yeah." Pagak na tumawa ang binata para mapagtakpan ang pagiging wirdo niya. Kapag nalaman kasi ito ni Maymay ay baka mapagkamalan pa siyang baliw na.
Napailing na lang si Maymay nang mas luwagan pa ang pinto para papasukin nga ang binata.
"Naka-pajama ka na," ani Maymay nang makaupo ang binata sa may kitchen counter.
Napatingin naman ang binata sa suot at tama ang dalaga. Ni hindi man lang siya nag-abalang magpalit. Gano'n niya ba talaga kagustong makita agad-agad ang dalaga?
"Edward?"
Agad na bumaling ang binata sa dalaga. "Hmm?"
"Ano 'yong cookie jar? At anong gimik yung may pa-flowers ka? At paanong nasayo pa pala ng sulat ko?"
Napalunok ang binata. Kailan pa siya nakaramdam ng takot at kaba sa harapan ng dalaga? Napayuko siya at napahawak sa batok. Hindi niya alam kung paanong sisimulan ang sasabihin.
Nang makita ni Maymay na nahihirapang magsalita si Edward ay lumabas ang kapilyahan ng dalaga. "Kailan ka pa may gusto sa'kin?"
Nag-angat ng ulo ang binata. "What?"
"Gusto mo 'ko 'di ba?"
"No!"
Umarko ang kilay ng dalaga. "Eh 'di no—"
"I don't just like you, I'm in love with you, Maymay. Malaki ang pagkakaiba no'n!"
"Eh bakit ka nakasigaw?!"
"Nang-aasar ka na naman e!"
"Pa'no kitang inaasar?!"
"That! That smug on your face!" Turo niya sa mukha ng dalaga.
Hindi na napigilang matawa ni Maymay. "Ang arte arte kasi. Sabi ko naman sa'yo babe, sa akin ang bagsak mo sa huli."
Natatawang napailing ang binata. "Yeah, yeah. Whatever, Maymay," ani Edward habang matamang nakatitig kay Maymay na ngayon nga ay napakaganda ng pagkakangiti sa kanya.
"May papunit punit ka pa kuno ng sulat ko, sobre lang pala pinupunit mo." Mas lalong napangisi ang dalaga t'saka siya nangalumbaba sa magkabilang kamay na nakapatong ngayon sa kitchen counter. Ginaya naman siya ni Edward, kaya halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
"I'm sorry, Maymay. I am truly sorry for hurting you. I love you, and let me prove that to you—" Natigilan ang binata nang bigla siyang halikan ng dalaga sa labi. Nang matitigan niya si Maymay ay itinatago nito ang paghagikhik. "Maymay!"
"Ano? Parusa mo 'yan."
"Parusa?" Si Edward naman ang ngumiti ng nakakaloko. "Oh come here you little lady. . ." Hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi ng dalaga at pinanggigilang pisilin 'yon. Hindi pa ito nakuntento nang ilang beses niyang halikan ang labi ng dalaga at sa pagitan ng mga halik na 'yon ay ang pareho nilang pagtawa.
Maagang sinundo ni Laura si Maymay dahil na rin sa utos ni Edward sa kanya. Napairap ang dalaga nang maalala 'yon. Kung hindi lang talaga para kay Maymay ang utos na 'yon ni Edward ay wala siyang balak na sundin ito.
"Beb! Wake up!" Sigaw ni Laura nang makapasok sa kwarto ng dalaga. Agad namang nagtalukbong ng kumot si Maymay nang marinig 'yon.
"Five. . . Five minutes," ani Maymay pero wala siyang balak maghintay ng five minutes para pabangunin ang kaibigan.
"Marydale Entrata! For the love of God, please get up already. Marami pa akong gagawin. I'm not done with my pathophysiology yet!" Tukoy ni Laura sa requirements niya.
Pikit matang bumangon si Maymay papasok ng banyo. Makalipas ng isang oras, voilà! Ayos na ang dalaga at ready nang lumarga.
"Sa'n mo na naman ako dadalhin for breakfast? Kapag ganitong maaga mo akong ginigising gusto mong lumamon e. Tignan mo oh? Ni hindi pa nga sumisilip ang araw," natatawang litanya ni Maymay habang inaayos ang seatbelt.
"Twinnie Brad."
"Nag-se-serve sila ng breakfast do'n?"
"Maybe."
"Laura—"
"Beb, quite ka na lang okay? I love you pero ang daldal mo. Ang aga aga e."
Inirapan ni Maymay ang kaibigan t'saka siya ngumuso. Natatawa namang nilingon siya ni Laura na ngayon ay naka-focus na sa pagmamaneho.
Gaya ng sabi ni Laura, sa Twinnie Brad nga sila nagpunta. Sa rooftop daw ang pwesto nila kaya napataas ang kilay ni Maymay. "E 'di ba kailangang rented 'yon?"
"Ssshhh.. Just keep on following me, okay?"
Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod sa kaibigan. Pagka-akyat niya sa rooftop ay kaagad siyang natakip sa bibig nang makita ang ayos no'n at ang lalaking nakatayo na naghihintay sa kanila.
"Okay. My job here is done. Just make sure na papasok kayo after this at after school na lang kayo mag-date, okay? Bye!"
Hindi na pinansin pa ni Maymay at Edward si Laura na ngayon ay napailing na lang. Mataman silang nakatingin sa isa't isa na kala mo naman ay parang hindi nagkita kagabi.
"Good morning my sunshine."
Kagat labing napangiti si Maymay t'saka naglakad at lumapit sa binata. "Ang aga namang kilig nito. Anong ka-kire-han 'to?"
Natatawang hinawakan ni Edward ang magkabilang kamay ng dalaga t'saka siya lumuhod sa harapan nito. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Maymay kasabay ng pagkagat niyang muli sa ibabang labi nang masaksihan 'yon.
"May. . . Maymay. . . Babe.."
Makailang beses na tumaas baba ang balikat ng dalaga dahil sa kilig. "Yes, babe?" Pabebe niyang sagot na nagpatawa sa binata.
"Would you like to be my girlfriend?"
"Sus!" Bulalas ni Maymay. "Akala ko naman, wife na!"
"Maymay!"
Natatawang tumango ang dalaga t'saka niya niyakap ang binata sa leeg. "Oh yes babe! Yes na yes. Waiting in vain na lang ako ulit na tanungin mo 'ko ng, would you like to be my wife!"
Natatawang tumayo ang binata na ngayon ay nakayakap na sa dalaga. "I love you babe."
"And I love you more, babe," mahinang sambit ng dalaga na nagbigay ng kasiyahan sa puso niya.
~fin~
"Pero bakit mo binalik sa'kin 'yong mga sulat ko?" Si Maymay.
"Hindi mo ba binasa ulit 'yong mga yun?" Si Edward.
"Hindi. Sulat ko 'yon, bakit ko naman babasahin?"
"Silly. May sagot ako sa ibang sulat na nandoon."
"Ha? Bakit 'di mo sinabi agad agad?!"
"Then go ahead and read it later."
"Anong mga sagot mo dun sa sulat?"
"Puro naman may I love you sa dulo no'n, so ano ba dapat ang sagot sa I love you?"
"I love you too?"
"No."
"Eh ano?"
"You complete me."
"Kire! Pero kailan mo na-realize na love mo ako?"
"Maymay, tapos na ang story."
"Hayaan mo sila. Binabasa pa rin naman nila e. Dali na. Answer me."
"Alam na nila ang sagot."
"Paano naman daw ako?"
"Maymay, seriously. The end na."
"I love you, Edward! My babe! My everything!"
"Maymay! I-I love you more.." Namumulang tumingin si Edward sa author nang halikan siya ni Maymay sa magkabilang pisngi. "Make her stop."
Okay. The End na talaga. Please lang—paki-pigilan ang dalawa. Lalo na si Maymay. Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro