Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Photograph 2 (Last Part)

Hindi na nagsalita pa si Edward at tinabihan na nga ang dalaga. Nang makahiga siya ay siyang angat ni Maymay sa ulo niya para isandal 'yon sa dibdib ng binata kaya itinaas niya ang braso para maging unan ng dalaga.

"Kwentuhan mo ako, Edward."

"What do you wanna hear about?"

"Yung tungkol sa'yo. Kwentuhan mo ako ng mga pangyayari sa buhay mo."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Edward nang marinig 'yon sa dalaga. Idagdag pang parang naglalambing ang boses na 'yon ni Maymay dahilan para mas hapitin niya pa ang dalaga papalapit sa kanya. Nang maramdaman 'yon ni Maymay ay tuluyan na siyang yumakap sa binata. Ramdam niya ang banayad na haplos ni Edward sa balikat niya at pati na rin sa buhok niya. Napapikit ang dalaga, kung dati ay kailangan niya ng gamot para pakalmahin ang buong sistema niya sa tuwing maaalala niya ang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya, ngayon, kasama si Edward at ang presensya nito ay tila ba naging gamot ng puso't isipan niya.

"When you left, I was so sad. Wala akong kinakausap no'n kahit pa sina Mom and Dad."

"Bakit?"

"I don't know. I just feel very sad—lalo na kapag na-re-realize ko na I'm missing you so bad."

Napangiti ang dalaga t'saka siya pumikit at mahigpit na yumakap sa binata. Napangiti rin tuloy si Edward t'saka niya pasimpleng tinignan ang dalaga na ngayon ay nakapikit nga.

"Tapos? Paano ka naging okay?"

Bahagyang tumawa ang binata dahilan para dumilat si Maymay at mag-angat ng tingin dito. "Laura told me that I can still see you whenever I want. Tapusin ko raw ang pag-aaral ko at mag-focus muna ro'n, and so I did."

"Yeah. You did. Na sa sobrang focus mo, nakalimutan mo na ako." May halong pagtatampo at paglalambing ang tono ng pananalita ng dalaga na bahagyang nagpatawa sa binata. "See? Tama ako. Nerd ka kasi."

"Then I met Kaish—"

"Sabi na e."

"Marydale, let me finish. Okay?"

"Psh." Ngumuso ang dalaga t'saka siya pumukit na lang ulit.

"I met Kaish. Nakita mo naman siguro kung anong personality niya 'di ba? She's so full of energy, yung tipong laging naka-ngiti. But in a girly way, na marami siyang napapangiti sa tuwing nagpapa-cute siya na alam kong sinasadya niya just to make me smile. And it worked." Gustong umalma ni Maymay ng sandaling 'yon pero pinigilan niya ang sarili. Yun na naman yung pakiramdam na naramdaman niya nang makita niya sina Edward at Kaish na naghahalikan. "And then, isang araw, kasama ko no'n si Mom. She was holding a picture frame in my bedroom. Nung lumingon siya sa'kin, she was smiling and giggling. Tapos nakita kong picture pala nating dalawa 'yon. Ang laki ng ngiti mo habang nakangiti akong nakatingin sa'yo. Yun yung picture na kinukulit mo sa akin noon na ayokong ipakita sa'yo. Tapos, bigla kitang naalala ulit. Bigla kitang na-miss ulit. Gusto kong malaman that time kung ano nang nangyayari sa'yo. Gusto ko na ulit marinig ang tawa mo. Yung pang-aasar mo." Unti unting napangiti si Maymay habang si Edward naman ay ipinikit na ng tuluyan ang bumabagsak na mga mata. "Kinabukasan no'n, magkasama kami ni Kaish, and that was the moment that I realized na yung pagiging bubbly niya, her smile, her laugh—it all reminds me of you. I was like, ganyan pa rin kayang tumawa si Marydale? When will I ever see you again—"

"Edward.."

"Yes?"

"Na-miss din kita." Putol ni Maymay sa kwento ng binata dahil ayaw niya nang marinig pa ang pangalan ni Kaish nang sandaling 'yon. She wants to treasure this moment. Gusto niyang maging makasarili nang sandaling 'yon. Gusto niyang ipagdamot si Edward sa 'di malamang dahilan. She wants all of him to herself. "Sana noon pa ako bumalik."

Inayos ng binata ang sarili patagilid t'saka niya sinalubong ang yakap ng dalaga. Nang masakop niyang tuluyan ang buong katawan ng dalaga ay pinanggigilan niya 'yon na nagpatawa kay Maymay.

"No. I think it's my fault that I didn't have enough courage to go and search for you. I was afraid, Marydale. I was afraid to see you, dahil sino ba naman ako sa buhay mo? I was the one who has a crush on you before. I was the one who liked you more. Para sa'yo, I am just a friend like everyone else—"

"No. Gusto kita noon. Kaso, ayokong may makahalata kaya bully ako sa'yo noon. Nahihiya ako e. Kapag hindi ako naging gano'n, ni hindi kita makakausap o malalapitan. Crush na crush kita noon, tanong mo pa kay Pat. Lagi kitang kinakamusta sa kanya—"

"What do you mean?" Unti unting inilayo ni Edward ang katawan sa dalaga para maiangat niya ang mukha nito. Nang magkasalubong ang mga mata nila ay puno ng kagustuhan ang mga mata ni Edward na malaman kung anong ibig sabihin ng dalaga. "You liked me?"

Dahan dahang tumango si Maymay. "Pero nalaman ko kay Pat na may madalas ka ng kasamang babae noon, na si Kaish pala. Hindi naman kasi siya kilala ni Pat, but anyway, ayun. Kala ko, kayo na. Kaya sabi ko mag-mo-move on na ako. And I did. I met Blake. Friend siya nina kuya Tanner at ate Cora. Gaya mo, he's kind of a nerd." Bahagyang ngumiti si Maymay nang maalala nga si Blake, dahil kahit papaano ay naging masaya naman talaga sila ng lalake. "Sa huli, na-realize ko rin na nakikita kita sa kanya, kaya siguro hindi siya mahirap na magustuhan. Okay na lahat hanggang sa nangyari nga yung kay Mama. Tapos Blake went berserk when I told him that we have to break up. Hindi niya ako naintindihan. Masyado siyang nilunod ng pagmamahal niya sa akin. Kaya ayun, bad boy na raw—"

"He was hurt. Pero ang tangkain niyang ma-rape ka dahil hindi ka na niya makukuha? He deserves to go to hell, Marydale!" Nanggigil sa galit ng sandaling 'yon si Edward. "Do you want me to file a case for him to go to jail? I can do that."

Umiling si Maymay t'saka niya muling isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata na nagpakalma sa panggigigil nito. "Gaya ng sabi mo, nasaktan siya. Masyado ko siyang nasaktan kaya siguro nagawa niya 'yon sa'kin. Naiintindihan ko naman. Kasi kahit naman ako siguro ang bigla na lang iwanan ng walang sinasabing dahilan at bigla na lang itinaboy lahat ng tao na gustong mag-stay sa buhay mo, magagalit din ako. Kasi naging selfish ako."

Muling mahigpit na niyakap ni Edward ang dalaga, dahil sa ngayon ay yun lang ang kaya niyang gawin. "What can I do to make you feel better, Marydale?"

Ngumiti ang dalaga t'saka siya nag-angat ng tingin sa binata. Nang matitigan niya ang mga mata nito ay para bang hinihipnotismo siya ng mga 'yon para halikan ang binata. Kaya naman, ginawa niya. Nang magdikit ang labi nilang dalawa ay pareho silang unti unting napapikit at dinama ang paggalaw ng kanilang nangaangking mga labi.

Nang humiwalay si Maymay ay nginitian niya ang binata na magiliw ding nagpangiti kay Edward. "This. Okay na ako sa ganito," ani Maymay t'saka niya muling hinalikan ang binata at mahigpit na niyakap. Pero para kay Edward ay hindi 'yon sapat. Gusto niyang higitan pa 'yon. Gusto niyang tuluyang mapasaya ang dalaga. Gusto niyang maging suporta ni Maymay.

"Huwag ka nang umalis, Marydale. I'll make sure to take care of you from now on. I will always have your back. Habambuhay. Just be with me. Let me in, Marydale. Sa buhay mo. Sa puso mo," halos pabulong na sabi ng binata na sakto lang para marinig ng dalaga. "Hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaan. At hindi ko na hahayaang maging malungkot ka. I promise."

Ngunit nang gabing 'yon ang pinaplano niyang mapasaya ang dalaga ay mabilis na naglaho dahil ang taong gusto niyang pag-alayan ng suportang 'yon ay wala na sa tabi niya nang magising siya.

Makalipas ang isang linggo, kababalik lang ni Maymay mula sa ibang bansa. Wala pa siyang pahinga mula nang makaalis siya sa mansyon ng mga Barber. At heto siya, sa studio kasama ang makeup artist niya.

"Ano ba 'yan? Bilisan niyo naman! Ang bagal bagal! Last 5 minutes!" Sigaw ng manager ni Maymay nang pumasok sa dressing room at maabutang hindi pa siya tapos maayusan.

"Okay lang 'yan 'te. Hayaan mo na. Ganyan talaga siya," nakangiting sabi ng dalaga kay Rein. Her makeup artist.

"Kung hindi ka lang talaga mabait sa'king babae ka, matagal na akong nag-quit sa kademonyohan ng manager mo. Kung bakit ba naman kasi galit ata sa mundo at sa'yo lang mabait. Palibhasa ikaw ang source ng income!" Nakairap na palatak ni Rein na nagpatawa sa dalaga. "Pero girl, welcome back ha? Ang ganda na ng ngiti mo ulit. I'm so happy for you."

Magiliw na ngumiti ang dalaga nang maisip si Edward—ang dahilan ng bagong ngiti sa labi niya. "Salamat Rein."

Nang makapasok sa set si Maymay ay malakas na naghiyawan ang mga supporters niya. Inimbitahan siya sa isang show kung saan plano niyang sabihin ang balak niya sa buhay niya ngayon—tanong na gustong mabigyang kasagutan ng marami.

"Hello, Marydale Ruby," masayang bati ng host. "Kamusta? Mas gumanda ka pa ata."

Nahihiyang napailing ang dalaga. "Hindi naman po. Okay lang po ako. Kayo po, kamusta?"

"Naku! Okay na okay ako. Salamat nga pala dahil pinaunlakan mo ang imbitasyon naming mag-guest dito."

Nakangiting tumango ang dalaga. "Walang anuman po."

"Oh siya, simulan na natin. What happened to Marydale Ruby Entrata last year? Bakit bigla ka na lang nawala?"

"Hmm. . ." Ngumiti ang dalaga. "Maraming nangyari na hindi kinaya ng isang Marydale Ruby Entrata. I lost my loving and beautiful mother. I got sick, but don't worry, okay na ako. And some other things na hindi ko nakayanang i-handle. That's why I decided to went away. I know it was a selfish act, pero hindi po naging madali para sa'kin ang lahat ng 'yon. Sa ngayon po ang masasabi ko lang, okay na ako at humihingi ako ng sorry sa mga taong na-disappoint sa akin."

"No. Don't say sorry, iha. Hindi namin alam ang pinagdaanan mo kaya wala kaming karapatan para husgahan ka. Desisyon mo 'yan para sa sarili mo. Kaya ngayon, tignan mo. Hindi ka makakangiti ng ganyan kung hindi mo sinubukang maging makasarili hindi ba? Kahit ako naman 'no. Selfish din ako pagdating sa sarili ko. Kayo ba?" Tukoy ng host sa audience na nagpatawa sa mga ito at may ilang sumagot ng oo at tama. "Kasi para sa sarili natin ang desisyon na 'yon. Okay. Next question. Manaya pati kwento ng buhay ko maikwento ko pa." Nagtawanang muli ang audience. "Sino o ano ang naging dahilan para manumbalik ang mga ngiting 'yan? Ito talaga yung tanong na gustong gusto kong malaman ang sagot e."

Magiliw na ngumiti si Maymay nang maalala si Edward at ang pamilya nito. "Tita Cathy, Tito Kevin, Laura—kung nanonood po kayo, thank you po sa tulong niyo. Sila po, sila po ang dahilan kung bakit muli niyong nakita ang isang Marydale Ruby Entrata na ngayon ay nakakausap niyo. At siyempre"—muling tumingin sa camera si Maymay—"Hi Edwardo," nahihiyang kumaway ang dalaga. "Sila po ang Barber family na hindi po ako hinayaang maging malungkot noong mga panahon na nag-stay ako sa kanila."

"Wait. Barber din ba yung Edward?"

Bahagyang tumawa si Maymay t'saka tumango. "Opo." Kinikig ang host at mas lalong kinilig ang audience kahit 'di pa nila nakikilala ang taong binabanggit ng dalaga.

"Pwede ba naming malaman kung sino si Edward Barber sa buhay ni Marydale Ruby Entrata ngayon?"

Sumilay ang malaking ngiti sa labi ng dalaga na nagpangiti rin sa lahat. "Kababata ko po si Edward noon. Ngayon?" Hindi mapigilan na hindi kiligin si Maymay. Hindi niya alam kung bakit. Kahit pa alam niyang if ever na magkita silang muli ay siguradong galit sa kanya ang binata. Kinalma ni Maymay ang sarili bago magsalita t'saka siya magiliw na ngumiti. "Ngayon, siguro, ang masasabi ko lang po, isa siya sa mga taong importante ngayon sa buhay ko. At nagpapasalamat po ako sa dulot ng presence niya sa akin." Hindi naman kasi pwedeng sabihin ng dalaga na ang halik at yakap nito sa kanya ang nagbigay ng kung anong tapang sa kanya na harapin ngang muli ang industriyang ito. "He made me feel like I can do this thing right now. Na handa na akong harapin kayong lahat. Na mag-share sa inyo. Na lumabas sa comfort zone ko." Pinanghahawakan ng dalaga ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Edward ay 'yon ang naging lakas niya. Muling nilingon ni Maymay ang camera. "Edward, kung nanonood ka man, o kung mapapanood mo man 'to, sana hindi ka galit sa akin."

"Ay. Bakit siya galit?"

Napahawak sa ilong ang dalaga. "E kasi, hindi niya alam kung nasaan na naman ako." Nagtawanan ang lahat pati na rin ang host. "Pero sa susunod na magkita kami, magpapaalam na po talaga ako. Promise." Itinaas pa ni Maymay ang kanang kamay na parang nanunumpa na nagpatawang muli sa lahat.

"Okay, okay. Mamaya sumugod pa si Edward dito at pagalitan ka. Bago pa mangyari 'yon, tapusin na muna natin 'to. Last question, iha. Anong balak mo ngayon sa buhay mo? Itutuloy mo ba ang modeling career mo? O papasukin mo na ba ang showbiz?"

Unti unting umiling si Maymay. "Napagdesisyunan ko pang mag-quit na sa industriyang ito at mamuhay kasama ang mga taong mahal ko. Ayokong mangyaring habang busy ako sa trabaho ay konting oras lang ang nailalaan ko sa mga mahal ko sa buhay. Nung mawala si Mama, lagi akong out of country noon na sana, sana pinili ko na lang mag-stay sa tabi niya." Huminga ng malalim si Maymay nang maramdaman ang panumuo ng luha sa kanyang mga mata. "Iyong mga panahon na nandiyan pa siya, hindi ko alam kung napakita o naparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Mama, kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka na at hindi ka na nakakaramdam ng lungkot. I want you to know how much I love you, na sana nga ay naiparamdam ko sa'yo." Hindi na napigilan ng dalaga ang pagtulo ng luha niya kaya naman mabilis siyang inabutan ng staff ng tissue box. "And don't worry about me. I'll be fine. And I'll take care of Papa too. Ako na ang bahala sa kanya kaya huwag ka nang magalala."

Naging matunog ang paghikbi ng ilang audience dahil sa narinig sa dalaga. Idagdag pang malungkot sila dahil aalis na nga ito sa modeling industry.

"At sa lahat po ng walang sawang sumuporta sa akin mula noon hanggang ngayon, maraming maraming salamat po. Hindi ko po kayo makakalimutan."

Rinig ni Edward ang paghikbi ng kapatid niyang si Laura at ni Mommy Cathy na ngayon ay inaalo ni Daddy Kevin. He was surprised when he saw Maymay on TV. Tinawag siya kanina ni Laura habang inaayos niya ang maleta niya at nang makita niya nga ang dalaga ro'n ay hindi niya maiwasang makaramdam ng tampo rito. Hindi naman siya galit, dahil hindi niya na kayang magalit pa sa dalaga dahil sa ipinadama nito sa kanya bago ito mawala.

He decided to go Manila nang mabalitaan nga ang pagbabalik ni Maymay sa Pilipinas pero nang mapanood niya ang interview ng dalaga ay nagdesisyon siyang hayaan na muna ito at bigyan ng oras na magdesisyon para sa sarili. Dahil sa huli, malakas ang kutob niyang babalikan siya ng dalaga.

Lumipas ang ilang buwan. Ibinuhos ni Edward ang panahon sa tinatapos na research kasama ang mga co-researchers niya. Sa loob ng ilang buwan na 'yon ay nakapagsulat din siya ng libro na pinamagatang, Book 1 The Secret of Life: Her Happiness.

Matapos mabasa ni Maymay ang libro ni Edward ay napailing siya. Ang ngiti niya, abot hanggang tenga at kitang kita 'yon ng Papa Joe niya.

"Nabasa mo na, anak?" Tanong niya sa anak t'saka niya tinabihan ito sa sofa.

"Yes, Papa."

"Nabasa mo rin 'yong nasa likod?"

Tumango ang dalaga. "How long shall I wait for you my love to come at my place? I think it's time for us to meet, not only in my dreams, but me touching your beautiful face—napakamakata ano po Papa?" Natatawang napailing muli ito.

"Malinaw naman na sigurong ikaw ang ang Marydale na tinutukoy niya?"

Tumango tango ang dalaga t'saka siya yumakap sa ama. "I love you, Papa."

"Mahal na mahal din kita anak. Gaya ni Edward, I only wish for your happiness. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako anak."

Napapikit ang dalaga at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa ama. "I'll be back."

Bahagyang tumawa si Papa Joe. "Alam ko," sagot nito na tuluyan nang nagpatawa sa kanilang dalawa.

"Ang layo ng tingin natin ah."

Mabilis na napalingon si Edward sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Manghang mangha siya sa nakikitang ganda ng batis kung saan nga madalas silang pumunta ni Maymay, pero nang makita niya ang dalaga na ngayon nga ay kaharap na niya, nakaragdag ito sa pagkamanghang nararamdaman niya.

"Ang ganda ganda talaga rito." Dagdag ni Maymay nang makalapit kay Edward. Tinabihan niya ito t'saka niya inilibot ang mga mata sa paligid. "Gusto mong dito tayo magpatayo ng bahay natin?" Nakangiting nilingon ni Maymay ang binata. Hindi pa rin ito kakikitaan ng ekspresyon sa mukha. Nang mag-iwas ito ng tingin ay napayuko siya. Mukhang galit pa rin, sa isip niya.

"I want a small house, pero gusto ko ng maraming anak." Nang muling lumingon si Edward sa dalaga ay pareho na silang nakangiti.

"Tatlo." Tukoy ni Maymay sa anak na sinasabi ng binata.

"More."

"Apat?"

"Higher."

"Isang dosena?"

Pareho silang tumawa. Maya-maya lang ay pareho silang nanahimik. Nagpapakiramdaman habang nakatitig sa munting paraiso na gawa ng Diyos na nasa harapan nila.

"You published a book." Basag ni Maymay sa katahimikan nilang dalawa. "Book 1. May book 2 pa?

"Yes."

"Anong magiging title?"

"My Happiness."

"Hmm. Hulaan ko book 3. Our Happiness?"

Bahagyang ngumiti ang binata. "Hmm, maybe."

"Co-confirm ko lang a. Tungkol ba 'yon sa'kin yung book 1?"

Umiling si Edward na nagpalungkot sa dalaga. Oo nga pala, muntik niya nang makalimutana ng ginawang pag-iwan sa binata. Napansin agad 'yon ni Edward kaya hinarap niya ang dalaga t'saka niya hinawakan ang magkabilang kamay ni Maymay. Nang matitigan niya ang mga matang lagi niyang napapanaginipan gabi-gabi. Ang masilayan at makasama na ito na lagi niyang dinarasal tuwing umaga. Finally, she came back to me, sa isip ng binata.

Sumilay ang ngiti sa labi ng binata bago niya binitawan ang isang kamay ng dalaga para haplusin ang mukha nito. "It's about me falling in love with you all over again."

Bago pa man pumatak ang nagbabadyang luha sa mga mata ng dalaga ay mabilis siyang yumakap sa binata. "Sorry kung natagalan. I've missed you so much, Edward."

"Sana pala bumalik ka ng mas maaga. Kung hindi mo pa tinapos na basahin ang libro ko, hindi mo pa babalaking balikan ako. You made me wait for so—"

"Marry me, Edward."

Hindi agad nakapagsalita ang binata nang marinig 'yon. Si Maymay naman na naghihintay sa sagot ng binata ay unti unting humiwalay mula sa pagkakayakap dito. Nang makita niya kung gaano kalamlam ang mga mata ni Edward habang nakatingin sa kanya ay ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Hinihiling na sana ay mapapayag niya ang binatang magpakasal sa kanya.

"Wala akong dalang sing-sing. Hindi ko rin pinaghandaan 'to. Pero nang makita kita kanina, nabuo ang desisyon kong makasama ka habambuhay. Ang dala ko lang ngayon ay ang sarili ko, at ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo." Nakagat ng dalaga ang ibabang labi. "Is that enough? Am I enough, Edward?" Nag-aalangang tanong ng dalaga na unti unting nagpangiti sa binata.

"You're asking me to marry you? Really, Marydale?" Umarko ang kilay ng binata. Naghihintay ng sagot mula sa dalaga pero nang lumabi si Maymay ay siyang pagtawa niya. "Of course I'll say yes. Baka you'll torture me again if I say no." Hinampas siya sa dibdib ng dalaga kaya naman muli niya itong ikinulong sa kanyang mga bisig. "You are more than enough for me, Marydale. And marrying you, building a life together with you, have kids and grow old together—may mas hihigit pa ba ro'n?"

Muling mahigpit na niyakap din ni Maymay ang binata. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang nadarama. "Thank you. Thank you for everything, Edward. I love you."

Hinalikan ng binata ang noo ng dalaga bago niya ito sinagot. "I love you the most, Marydale. And I will love you for the rest of my life."

10 years ago..

Hindi maipinta ang mukha ni Edward nang makita kung gaano ka-close si Maymay at Marco sa isa't isa. Hindi naman kasi dapat si Marco ang kasama ni Maymay nang oras na 'yon, dapat siya. Dapat siya talaga at 'yon ang gusto niyang paniwalaan sa sarili niya. Pero minalas siya. Oo, minalas siya sa bunutan.

May pa-Christmas party noon sina Mommy Cathy at Daddy Kevin sa loob ng mansyon. Bago nga mag-simula ang party ay may bunutang naganap para magkaroon ng kapares ang lahat ng mga bata sa gagawing palaro. Parehong number ang nabunot nina Marco at Maymay, habang si Edward ay si Laura ang ka-partner ngayon.

Kung may nakakamatay lang ang matatalim na tingin na ipinupukol ni Edward kay Marco ay kanina pang nasa sahig si Marco at naliligo sa sariling dugo.

Nasa kalagitnaan kasi sila ng pag-kain. Kaharap niya si Laura at sa likuran ni Laura at ang nakatalikod nganga si Marco na ang kaharap ay ang partner na si Maymay.

"Bro, you're too obvious. You know that right?" Pukaw ni Laura pero hindi siya nilingon ng kapatid.

"I don't care. Shut up." Humalukipkip si Edward. Hindi talaga inalis ang tingin kina Marco at Maymay na walang kamalay malay sa ipinupukol niyang tingin.

Look at her. How could she sit there and laugh and look so beautiful? Sa isip ng binata t'saka siya bumuntong hininga.

Nang mag-picture taking ay sinigurado ni Edward na katabi niya si Maymay na ngayon ay malapitan niya nang nasisilayan na nagpangiti rito. Sa kabilang banda ay napangiti naman si Maymay nang tabihan siya ni Edward kahit pa pinagtatawanan niya sina Pat, Elisse, Jinri at Marco na ngayon ay nagtatawanan.

Nang may mag-flash sa harap nina Maymay at Edward ay sabay silang napalingon doon. Kinuhanan sila ng litrato ni Laura. Ngingiti ngiting lumapit si Laura kay Edward t'saka iniabot ang camera.

"You'll thank me later for this one bro. You owe me," ani Laura t'saka ito masayang lumapit sa mga magulang para humalik.

"Kinuhanan tayo ng picture?" Usisa ni Maymay.

Nag-kibit balikat si Edward. "'Di ko alam."

"Kapag picture natin 'yan, pahingi ako ng kuha ah!" Palihim na hiniling ng dalaga na picture nga nila 'yon ni Edward para may remembrance siya.

"Okay." Tanging naitugon ni Edward.

Ngunit nang maipa-develop 'yon ni Mommy Cathy at nakitang nakatingin siya kay Maymay na maganda ang pagkakangiti sa kung saan ay agad niyang kinuha 'yon at itinago sa kwarto niya.

"There's no way na ipapakita ko sa kanya 'to." Kinakabahang inilagay niya 'yon sa drawer pero ilang sandali lang ang lumipas nang muli niyang kunin ang litrato ro'n at tinitigan. Napangiti siya nang masilayang muli ang mukha ni Maymay. "I really, really, really, really, really like her!" Mahinang bulalas niya t'saka niya pinaliguan ng halik ang mukha ni Maymay sa litrato.

~fin~

Thank you sa pagbabasa. ❤️ Tinapos ko na. Ayoko na. Walang update ang mag-jowa. Nakakaiyak. 😭

—KyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro