Photograph 1
Maagang bumangon si Edward para tulungan ang kanyang ama sa pagpapakain at pagpapaligo ng mga kabayo sa kanilang rancho.
"Dad, aren't we supposed to do this next week? Next week ang schedule ni Kaish para sa mga kabayo, at pati na rin sa iba pang alaga natin."
Nilingon ni Daddy Kevin ang anak t'saka niya ito nginitian. "Maymay is coming over to visit us. Do you remember her? Anak siya ng Uncle Joe mo."
Saglit na nanahimik si Edward at inalala ang pangalang nabanggit ng kanyang ama. Umiling ito nang wala siyang maalalang Maymay ang pangalan. "Is that her nickname or something?"
Tumango ang kanyang ama t'saka ito ngumiting muli. "I'm talking about Marydale."
Mabilis na nangunot ang noo ni Edward. "Marydale?" At isa-isa na ngang bumalik ang alaalang meron siya kasama ang babae. "Bakit siya pupunta rito?"
"Your Uncle Joe wants her to go here—"
"For what?" Umiling ang binata t'saka niya ipinagpatuloy ang pagpapaligo kay Panther, ang paborito niyang kabayo. "Don't mind me, Dad. Let's just finish this so I can go help Mang Miko sa farm."
Palihim na ngumiti si Daddy Kevin. Alam niya kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon ng anak nang marinig ang pangalan ni Marydale.
Mas matanda ang dalaga ng tatlong taon sa binata, kaya naman boss kung tawagin nga ni Edward si Marydale noon. Lahat ng iuutos ni Marydale kay Edward ay kailangan sundin nito dahil kung hindi ay bugbog sarado ang binata sa dalaga. Idagdag pang laging barado ang binata sa lahat ng isasagot nito at mas maraming kaibigan ang dalaga kaysa sa binata dahil tahimik ito kung ikukumpara sa dalaga na nakadagdag pa sa pangaasar ni Marydale kay Edward—lalo na kapag nasa eskwela sila. Naging ganoon sila sa loob mula noong mga bata pa sila, hanggang sa kailangang umalis ng buong pamilya ni Marydale dahil sa nagkasakit ang kanyang ina na kinakailangang magamot sa ibang bansa.
"Maymay, baba na anak," pukaw ng Papa Joe nito na agad namang sinunod ng dalaga. Pagkababa niya mula sa kotse at inayos niya ang suot na bestida t'saka niya inilibot ang paningin. Sampung taon din silang nawala. Kung maaalala ng dalaga ay kinse anyos siya nang umalis sila sa lugar na 'yon, pero walang pinagbago ang lugar, lalo na ang mansyon ng mga Barber na ngayon ay nasa harapan ng dalaga.
"Papa, bakit kailangan dito mo ako dalhin?" Hinawakan ni Papa Joe ang kamay ni Maymay at pinisil 'yon.
"Baka sakaling bumalik ang masayang Maymay na lumaki rito kapag nakita mo ang mga taong nagpapasaya sa'yo rito noon."
"Kayo lang ni Mama ang nakakapagpasaya sa akin, Papa."
Umiling si Papa Joe t'saka niya niyakap ang anak. Hindi na malaman ang gagawin para lang mapasaya ang kanyang anak. "Mahal na mahal ka namin ng Mama mo, iha. Alam mo naman 'yon hindi ba?"
"Opo."
Humiwalay mula sa pagkakayakap si Papa Joe kay Maymay t'saka nito ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat ng dalaga. "I'll be back. May kailangan lang akong ayusin—tapusin. Babalikan kita anak. Binilin na kita sa Tita Cathy at Tito Kevin mo. Mag-iingat ka."
Tumango na lang si Maymay. Wala na rin naman siyang magagawa. 24 years old na siya, may trabaho bilang isang modelo—hindi niya lang talaga malaman kung bakit kung tratuhin siya ngayon ng Papa Joe niya ay parang babasagin na bagay na dapat ingatan.
Hindi mo ba talaga alam kung bakit ganyan si Papa Joe ngayon sa'yo? Sa isip ng dalaga kaya napayuko siya.
Papasok na ng mansyon si Edward nang may makita siyang babae na nakatayo sa harap ng pinto nila. Nakasuot ito ng dilaw na bestida at puting floppy hat. Mahaba ang itim na buhok nitong umaabot hanggang bewang. Payat at matangkad na para bang pang-modelo ang postura.
"May I help you?"
Unti-unting nilingon ni Maymay ang boses ng lalaking pumukaw sa kanya. Pareho silang natigilan. Kinikilala ang isa't isa. Matamang tinitigan ng dalaga ang binata mula ulo hanggang paa. Gaya ng mga suot ng Papa Joe niya at Tito Kevin niya noon, ay hindi 'yon nalalayo sa suot ng lalaking nasa harapan niya ngayon. A classic red and black plaid shirt, na nakataas ang magkabilang manggas hanggang siko na tinernohan ng maong na jeans at sinamahan pa ng classic brown leather boots.
"Nasaan 'yong sumbrero mo?" Wala sa sariling tanong ni Maymay pero huli na para bawiin pa nang mabilis na naningkit ang mga mata ng binata na hindi ata na-gets ang ibig niyang sabihin.
Napamaang na lang si Edward sa dalaga na kanina lang ay pinakatitigan niyang mabuti dahil parang pamilyar ang mukha nito sa kanya.
"What I mean is, dito ka ba nakatira? Kilala mo ba sina Tito Kevin at Tita Cathy?"
Bahagyang tumango si Edward. "What about my parents?"
"Parents?" Kung matatandaan ng dalaga kasi ay dalawa lang ang anak nina Tito Kevin at Tita Cathy niya. Si Laura 'yon at si—"Edwardo?"
Agad na nangunot ang noo ni Edward nang marinig ang palayaw niyang 'yon sa dalagang kaharap.
Dahil iisang babae lang ang tumatawag ng gano'n sa kanya.
"Marydale," sambit ng binata. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla—at paghanga? Marahil dahil sa itsura ngayon ng dalaga. Who wouldn't? Kaharap ng binata ay isang kilalang modelo sa iba't ibang panig ng mundo. Pilit namang ngumiti si Maymay kahit pa kanina pa siyang nagdadalawang-isip na tumuloy. Nang lingunin niya ulit ang pinto ng mansyon ng mga Barber ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso. Gusto niyang magpakatatag. Humugot ng lakas. Yumuko ang dalaga. Sa huli ay gusto niya na namang tumakbo palayo.
Ang inaasahan ni Edward sa Maymay na makikita niya ay sasakalin siya gamit ang braso at aasarin oras na magkita sila. Ngunit gano'n na lamang ang pagtataka niya nang makita ang dalagang nakayuko na para bang takot na takot gumawa ng hakbang o gumalaw man lang sa kinatatayuan.
"Aren't you going inside? Kanina ka pa nila hinihintay."
"Hmm.. Maglalakad-lakad na muna siguro ako," ani Maymay t'saka ito tumalikod at mabilis na tumakbo palabas ng gate.
Nagkibit-balikat na lang si Edward bago siya pumasok sa loob. Nadatnan niya sa sala ang mga magulang kasama si Laura na para bang may hinihintay dahil mabilis na nag-angat ang mga ulo nila nang makapasok siya ro'n.
"What? May nangyari ba?"
Tumayo ang Mommy Cathy niya mula sa pagkaka-upo sa sofa at nilapitan siya. "Hindi mo ba nakasalubong si Maymay, anak? Nag-aalala na kami. Sabi ng Uncle Joe mo nung tumawag nandito na raw siya kanina pang mga alas dos ng hapon. Bagahe niya lang kanina ang nakita namin sa labas. Alas kwatro na ay wala pa siya."
"I just saw her outside. Nag-usap pa nga kami."
Mabilis na nagtinginan sina Mommy Cathy at Daddy Kevin. Si Laura naman ay agad na lumabas ng mansyon para hanapin na si Maymay. Lahat sila ay mababakasan ng pag-aalala maliban kay Edward na nagtataka sa kinikilos ng buong pamilya niya.
"I'll be back. Tatawag ako kapag nahanap ko na siya," sigaw ni Laura sa mga magulang.
"Kevin, utusan mo na rin sina Mang Miko na maghanap," baling ni Mommy Cathy sa asawa t'saka siya muling bumaling kay Edward. "Anak, go look for her. Tawagan mo kami kapag nakita mo ulit siya."
"What's happening? May nangyari ba?"
"Mamaya na tayo mag-usap tungkol diyan. Hanapin mo na muna si Maymay, anak."
Tumango na lang si Edward t'saka ito lumabas muli para hanapin nga ang dalaga.
Hindi alam ng binata kung ilang oras na siyang naghahanap. Maka-ilang beses na rin siyang tinawagan ni Laura at ni Mang Miko—pare-pareho silang walang balita sa dalaga.
"C'mon Edward. Think. Kung ako si Marydale, saan ako magpupunta?" Pumikit ang binata at pinag-isipang mabuti ang susunod na lugar na pwedeng puntahan ng dalaga. Nang may isa pang lugar siyang naisip na maaari ngang puntahan ng dalaga ay mabilis siyang nag-tungo sa lugar na 'yon gamit ang flashlight na hawak.
Nagising si Maymay sa narinig na boses na tumatawag sa pangalan niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay mukha ni Edward ang nakita nito na tagatak ng pawis ang noo at hinihingal.
"Nandito ka lang kasama si Panther the whole time?" Kaya pala pinalinis ni Dad dito, dagdag ng binata sa isipan niya.
Inayos ni Maymay ang sarili t'saka siya tumayo. "Oo. Na-miss ko kasi si Panther. Akala ko pati siya wala na," ani Maymay habang hinihimas ang kabayo.
"Are you okay?" Tanong ni Edward habang nakatitig sa dalaga. Nakikiramdam—she looks so lost.
Marahang tumango si Maymay. "Sa'n ka galing? Bakit pawis na pawis ka?"
"We were looking for you."
"Ha? E 'di ba sabi ko sa'yo maglalakad-lakad ako? Alam ko naman ang pasikot-sikot dito e."
Namura ni Edward ang sarili. Hindi niya nasabi 'yon sa pamilya niya kanina. At paano niya ba namang masasabi kung lahat sila kanina, kung makaasta akala mo ay may mangyayaring masama sa dalaga. Pati tuloy siya ay hindi 'yon naalala.
"Let's go home. Nag-aalala lang sila sa'yo."
Tumango ang dalaga at sinunod na lang ang binata. Ayaw niya na rin namang mag-alala pa ang lahat nang dahil lang sa kanya.
Mahigpit na niyakap ni Laura si Maymay nang makita niya ang kababatang kaibigan. "Are you okay? Where did you go anyway? Kanina ka pa namin hinihintay at hinahanap!" Bulalas ni Laura.
"Pero nagsabi ako kay Edward na maglalakad-lakad ako."
Mabilis na nabaling ang paningin ng lahat sa binata kaya napahawak ito sa batok. "I forgot. I'm sorry." Sabay sabay silang napailing at bumuntong hininga.
"Pero ayos ka lang ba iha?" Pukaw ni Mommy Cathy.
"Opo, Tita."
"Feel at home, Maymay." Pukaw naman ni Daddy Kevin.
"Maraming salamat po, Tito." Pilit na ngumit ang dalaga bago siya bumaling muli kay Laura. "Balita ko, ka-kwarto kita."
Masayang ngumiti si Laura. "Yes! But, I have to go to Manila tomorrow. 1 week ako ro'n at luluwas ako mamayang madaling araw." Agad na lumungkot ang mukha nito nang sabihin 'yon. "Kaya ngayong gabi lang kita makakasama sa kwarto."
Agad na nakaramdam ng pagka-dismaya si Maymay nang marinig 'yon. Akala niya pa man din ay may makakasama na siyang matulog sa kwarto gabi-gabi. Ngunit agad din siyang umiling para hindi magaalala sa kanya si Laura. "Okay lang. Mukha namang magtatagal si Papa Joe na bumalik dito para sunduin ako."
Tipid na ngumiti si Laura. Kahit anong tago ng kaibigan niya sa nararamdaman ay halata niya pa rin ang dismayadong mukha ng dalaga. "Pero I promise you, when I get back, lagi tayong may late night movies. Bibili ako ng maraming DVD sa Manila na mapapanood natin."
Muling ngumiti si Maymay. Sa pagkakataong 'yon ay sinsero ang mga ngiting 'yon. "Salamat."
Nasa isang tabi man si Edward habang pinagmamasdan si Maymay ay hindi talaga nito maiwasang manibago sa ugali ng dalaga. Hindi ito gaya ng dati na madaldal, na halos lahat ng kinakausap ay nakatawa. Na para bang si Maymay pa ang kailangang patawanin dahil sa nakikitang ekspresyon sa mukha nito—walang buhay.
Nakayakap si Laura sa dalaga at himbing na himbing na itong natutulog. Si Maymay naman ay matamang nakatitig sa kisame, hindi pa rin makatulog. Kaya naman dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Laura na nakayakap sa kanya t'saka siya bumangon at lumabas ng kwarto.
Dumiretso ang dalaga sa kusina para uminom ng gatas. Gawain niya 'yon kapag ganitong hindi siya makatulog. Nang makita niya kung nasaan ang refrigerator ay natigilan siya.
"Edwardo?"
Mabilis na nilingon ni Edward ang pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita si Maymay na nakatayo sa may kitchen bar counter.
"Edward," pagtatama ng binata sa pangalan niya t'saka niya kinuha ang bote ng gatas sa loob ng ref at iniabot kay Maymay.
Nagtataka man ay inabot 'yon ng dalaga. Hindi niya alam kung paanong alam ng binata na gatas ang ipinunta niya ro'n. O baka, inalok lang siya kasi umiinom din ng gatas ang binata nang sandaling 'yon. Baka, sagot ng isipan ng dalaga.
"Can't sleep?"
"Hmm."
Tinabihan ng binata ang dalaga sa may kitchen bar counter. "Natulog ka kasi kasama si Panther kanina." Bahagyang ngumiti ang dalaga na bahagya ring nagpangiti sa binata. "Are you alright?"
"Oo naman. Bakit mo natanong?"
Nag-kibit balikat ang binata. "I don't know. I just wanted to ask." Hindi pa rin talaga makapaniwala ang binata sa pagbabago ng dalaga. Hindi niya akalaing ang masayahin, joker, palautos at madaldal na Maymay noon ay napakatahimik na ngayon. "You've changed. A lot." Literal, mula ulo hanggang paa pati na rin ang galaw, kilos at pananalita ng dalaga.
Tipid na ngumiti si Maymay t'saka siya uminom ng gatas. "Kamusta ka?" Pag-iiba ng topic ng dalaga.
"I'm good. How about you?"
"Ayos naman." Sinungaling, agad na sabi ng isip ng dalaga kaya naman yumuko ito.
Hindi alam ng binata kung bakit, pero hindi niya nagugustuhan ang palagiang pagyukong ginagawa ng dalaga. "What happened to you? Ganyan ka na ba talaga?"
Nag-angat ng tingin ang dalaga sa binata. "Hmm? Anong ibig mong sabihin?"
"You just look so—"
Natigilan si Edward sa pagsasalita nang bumukas ang ilaw sa kusina. Ilaw lang kasi sa kitchen bar counter ang gamit nila ni Maymay. Kaya nang bumukas ang ilaw ay parehong hinanap ng dalawa ang nagbukas no'n at nakita si Mommy Cathy na inaayos ang buhok.
"Akala ko naman may nakapasok na rito sa bahay. Late na. Bakit hindi pa kayo tulog? Bukas na kayo mag-catch up. Magtatagal dito si Maymay, Edward. Huwag mo siyang puyatin. Pagod siya."
Mabilis na nagsalubong ang kilay ng binata. Iba kasi ang dating no'n sa kanya. Pakiramdam niya ay inaasar siya ng kanyang ina. "What? It's not like that, Mom."
Bahagyang tumawa ang ginang. "Oo na. Pagkatapos niyong uminom ng gatas, matulog na kayo. Maaga tayo sa manggagan bukas, Edward." Bumaling ito kay Maymay. "Sasama ka sa'min iha?"
Gusto sanang tanggihan 'yon ng dalaga pero tumango na lang siya. "Good night po, Tita."
"Good night, Mom." Lumapit si Edward sa ina at binigyan ng halik ito sa pisngi. Napangiti naman si Maymay nang masaksihan 'yon. Bahagyang ikinasiya ng dalaga ang hindi pagbabago ng pakikitungo ni Edward kay Tita Cathy.
Nang makaalis ang ginang ay inubos na rin ni Maymay ang gatas at nagpaalam kay Edward na matutulog na. Hindi naman na umapila ang binata dahil kailangan niya na ring matulog.
"Uy bro! Sino 'yan? Ang sexy a." Usisa ni Marco na kakarating lang sa manggahan ng pamilyang Barber. Magkababata rin ang dalawa, kasama sina Pat, Jinri, Mccoy at Elisse na ngayon ay nakamasid din kay Maymay na naka-suot ng maong shorts, puting tank tops na tinernohan nito ng puting boots. Gamit din ng dalaga ang floppy hat niyang gamit kahapon.
Nakangiting napailing si Edward nang hindi makilala ng lahat ang Marydale na palagi nilang sinusunod noong mga bata pa sila. "That's Marydale."
"Maymay?" Sabay sabay na bulalas ng mga ito maliban kay Edward—mas sanay kasing itong tawagin na Marydale ang dalaga kaysa Maymay. Kasabay no'n ay ang paglapit nila kay Maymay dahilan para mapalingon ang dalaga sa kanila na ngayon ay may buhat na basket ng mangga.
Magiliw na ngumiti si Maymay t'saka niya ibinaba ang basket. "Uy! Hi!"
"Ate May! Marco. Si Marco 'to. Remember me?" Masayang bulalas ni Marco na sinabayan pa nina Jinri, Elisse, Pat at Mccoy.
"Ganda ganda naman talaga!" Bulalas ni Pat t'saka niya hinawakan sa braso ang dalaga.
Nalilito man ay pilit na inaalala ni Maymay ang mga kababata niya. Sa totoo lang ay si Pat lang ang nakikilala niya. Ngunit ilang sandali lang ay isa isang bumalik sa alaala niya ang masasayang adventure nila noong maliliit pa nga sila. Ganoon na ata talaga kahina ang memorya niya pagdating sa mga taong muntik niya nang burahin sa isipan niya.
"Marco. . . Kuya Mccoy.. Ate Jinri? Ate Elisse.." Bahagyang tumawa si Maymay nang kindatan siya ni Mccoy. "Pat... Kamusta kayo?"
Imbis na sagutin ng mga ito ang dalaga ay mabilis nilang kinulong sa yakap si Maymay na muling nagpatawa sa dalaga.
Nagkakamustahan ang lahat nang tawagin ni Mommy Cathy si Maymay dahil sa tawag na natanggap mula sa Papa Joe niya. Naiwan ang magkakaibigang nagpapalit-palit ng tingin sa isa't isa na sa huli ay kay Maymay napako ang tingin nila.
"Something's weird," ani Jinri na ngayon ay pinag-krus ang dalawang braso sa dibdib.
"Akala ko, ako lang," ani Mccoy t'saka niya inayos ang suot na panama hat.
"Baka may nangyari," ani Pat na nakayakap ngayon sa braso ni Elisse.
"Kung meron man, ano 'yon? May alam ba kayo?" Nilingon ni Elisse ang mga kaibigan ngunit sabay sabay silang umiling maliban kay Marco na lumingon sa gawi ni Edward na mataman ding nakatingin kay Maymay.
"Baka si Edward may alam," ani Marco t'saka sila isa isang nagsilapit nga sa binata. Natuon tuloy ang pansin ng binata sa mga kaibigan.
"Bro, 'anyare kay Maymay?" Agad na tanong ni Mccoy. Tumango tango naman ang ilan, habang si Pat ay mataman lang na nakatitig kay Edward. Nagaalala siyang bigla para sa kaibigan. Si Maymay kasi ang pinakamalapit sa kanya sa buong barkada. Nung umalis ito ay nagawa pa niyang makontak ang dalaga, pero kung natatandaan niya, that was last year when Maymay stopped FaceTime-ing her. Nawalan siya ng koneksyon dito.
"I don't know. Hindi pa kami nakakapag-usap." Sabay sabay na umiling ang lahat at sinabing hindi nga ugali ni Maymay ang gano'n. Ma-kwento ito. Madaldal—na sa sobrang daldal ay laging pabida.
"Sige po, Papa. Okay lang po. Mag-iingat din po kayo." Nang ibaba ni Maymay ang linya ay mabilis na lumapit si Pat dito.
"May?"
Agad na nilingon ng dalaga ang kaibigan. "Pat. . . Bakit?"
"Anong bakit? Okay ka lang ba?"
"Oo naman." Hinakawan ni Maymay ang braso at hinimas 'yon. "Bakit mo natanong?"
"Ang tagal mo kayang hindi nagparamdam. Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang hindi nag-chat o tumawag? Hindi ka na rin makontak."
"Masyado lang akong naging busy."
Hindi naniniwala si Pat, pero sigurado siyang hindi niya rin mapipilit ang dalagang mag-salita lalo na't hindi mapakali ang mga mata nitong kung saan saan nakakarating ang tingin. Alam niyang may tinatago ang dalaga.
May pinagdadaanan ito, paniguro ni Pat.
Hinawakan ni Pat ang kamay ng dalaga dahilan para lumamlam ang mga mata nito. "Alam mo namang masasabihan mo ako ng kahit ano hindi ba?"
Pilit na ngumiti si Maymay t'saka siya tumango tango. "Salamat, Pat."
Hindi na sumagot si Pat. Niyakap niya na lang kaibigan. Kung kakailanganing araw-arawin niyang puntahan ito sa bahay nina Edward ay gagawin niya para lang makausap. Gano'n kalakas ang kutob niyang may hindi magandang nangyari rito.
Hapon na nang makauwi ang pamilyang Barber kasama si Maymay sa mansyon. Papasok na ng kwarto si Maymay nang tawagin siya ni Edward dahilan para huminto siya sa paglalakad para harapin ang binata.
"Do you wanna go with me later?"
"Saan?"
"Anywhere. May gusto ka bang puntahan? Pasyalan?"
Umiling si Maymay. "Magpapahinga na lang ako."
Bumuntong hininga si Edward. "Hihintayin kita rito after I take a shower. We'll go out."
"Ayoko talaga Ed—"
"Okay. I'll see you later!" Mabilis na tinungo ni Edward ang kwarto kaya naman kunot noong naiwan si Maymay sa harapan ng kwarto ni Laura na tinutulugan niya ngayon.
Walang ganang binuksan ng dalaga ang pinto nang makailang ulit nang may kumakatok do'n at sigurado siyang si Edward 'yon. Wala talaga siyang balak lumabas. Sadyang kukulitin lang talaga siguro siya ni Edward sa hindi niya malamang dahilan.
Dapat kasi ay galit ito sa kanya. Dapat ay hindi siya pinapansin nito. Maalala niya pa lang ang mga kalokohan na pinaggagagawa niya sa binata noon ay siya pa 'tong napapailing. Napapaisip kung paano siyang napagtiyagaan ni Edward noong mga bata sila.
"Edwardo—"
"Hi."
Natigilan si Maymay nang makitang hindi mukha ni Edward ang nakita niya.
Gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga. "Kuya Tanner!" Yumakap siya rito na ikinagulat ni Tanner. "How are you?"
"I'm good. They told me na nandito ka kaya I went here to talk to you." Kumalas sa pagkakayakap ang dalaga. Bukod kay Pat, isa si Tanner sa palagi niyang nakakausap kahit magkalayo silang dalawa. "How about you? How are you? Hindi ka nagsabi na darating ka. What happened to you? We haven't talk for like a year. You just suddenly stopped talking to me."
"Si Mama.." Mabilis na tumulo ang luha ng dalaga. Agad naman siyang niyakap ni Tanner na nahuhulaan na ang susunod na sasabihin ng dalaga dahil tungkol doon ang huli nilang napag-usapan.
Eksenang yakapan at iyakan ang naabutan ni Edward nang pupuntahan niya na sana si Maymay. Umiiyak ang dalaga at ipinagtaka niya 'yon. Pero mas lalo niyang ipinagtaka ang pagkulong ni Tanner kay Maymay sa mga bisig ng lalake. Kilala niya si Tanner. Malayo ang loob nito sa mga babae. Kahit nga sina Jinri, Elisse at Pat ay hindi nito gaanong kinakausap. Hindi rin malaman ni Edward kung papaano silang naging close ng dalaga.
Nagdadalawang isip ang binata kung lalapit siya sa dalawa. Sa huli ay nagdesisyon siyang bumaba na lang at lumabas para puntahan si Panther. Ilang minuto rin siyang naglakad hanggang sa marating nito ang kuwadra.
Habang hinihimas ni Edward si Panther ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nasaksihan kanina. "This is weird. Stop thinking about them already," mahinang suway niya pa sa sarili.
Nang maihatid ni Maymay sa Tanner sa palabas ng mansyon ay nasalubong nito si Mang Miko. "Mang Miko?"
"Oh iha? Bakit?"
"Uhmm, nakita niyo po ba si Edwardo?" Pinuntahan kasi niya kanina sa kwarto ang binata pero wala ito ro'n. Ang sabi nito lalabas sila pero nakausap niya na't lahat si Tanner ay walang Edwardo na sumipot.
"Nakita ko siyang papunta sa kuwadra kanina. Baka kasama na naman si Panther."
"Ah. . . Salamat po, Mang Miko." Tinanguan naman siya ng matanda bago ito nagpaalam na. Pinili na lang ni Maymay na hintayin si Edward sa mansyon kaysa lumabas pa siya. Mag-ga-gabi na at ayaw na ng dalaga na mangyari ang nangyari kahapon nang dumating siya.
Hapunan na nang bumalik si Edward sa mansyon. Sa dining area na nagkasalubong ang dalawa pero pareho silang hindi nagpansinan. Kasama kasi nila sina Mommy Cathy at Daddy Kevin nang sandaling 'yon kahit gustuhin pa nilang kausapin ang isa't isa.
"Galing ka sa kuwadra anak?"
"Yes, Mom."
"Kamusta ang mga kabayo? O baka naman si Panther lang ang inasikaso mo?"
Nakikinig lang sina Daddy Kevin at Maymay sa paguusap ng ina habang si Edward ay kanina pang panakaw nakaw na sumusulyap sa dalaga.
"They're all fine, mom. Anyway, I called Kaish. She said she can go here tomorrow. Hindi raw siya busy kaya okay lang daw for her to do the check up for next week's appointment."
Kaish? Sino si Kaish? Girlfriend niya? Sa isip ng dalaga kasabay ng pag-inom niya ng tubig.
"Oh, okay. That's good." Bumaling si Mommy Cathy kay Maymay. "Maymay, iha?"
Mabilis na nilingon ng dalaga ang ginang. "Po Tita Cathy?"
"Gusto mo bang sumama kay Edward at Kaish bukas rancho?"
"Po?" Nilingon ni Maymay si Edward. Nagkibit balikat naman ito sa kanya kaya hindi niya malaman ang isasagot. "Hindi ko po ba sila maiistorbo?"
Nangunot ang noo ni Edward sa way ng pagkakasabi ni Maymay. Si Mommy Cathy naman ay bahagyang tumawa. Nang hindi sumagot si Mommy Cathy ay si Edward na ang nagsalita.
"We'll leave around 5 in the morning to pick up Kaish. Gumising ka ng maaga."
"Sigurado ka? Mamaya paghintayin mo na naman ako sa wala?"
"What do you mean?" Tumaas ang isang kilay ng binata.
"Sabi mo kanina pupuntahan mo ako tapos lalabas tayo. Hinintay kaya kita."
"You're with Tanner a while ago."
"Pwede ko namang sabihin kay kuya Tanner kanina na may pupuntahan tayo."
Umiling ang binata. "It's fine. You don't have to worry about it."
"I'm not. Ang point ko, naghintay ako. Kung sinabi mo sanang hindi tayo tutuloy, 'di hindi ako nag-expect."
"Ang big deal naman ata niyan Marydale."
"Okay, okay. Stop right there. We're eating right now," paalala ni Daddy Kevin kaya naman sabay na nanahimik ang mga ito pero mabilis na inirapan ang isa't isa.
Nagkatinginan sina Daddy Kevin at Mommy Cathy. Nagkakaunawaan. Dahil tila nakikita nilang muli ang mga batang Maymay at Edward na nagsasagutan ngayon sa harapan nila.
Napipilitang sumama si Maymay ngayon kay Edward. Hindi pa rin sila nag-uusap at nagpapansinan. Wala siyang kasalanan dito kaya hindi dapat siya ang mag-sorry. Nakadagdag pa sa nararamdamang inis niya ang pag-ngisi ngisi ni Edward sa kanya na nakakainsulto habang kasama si Kaish—hindi niya malaman kung bakit inaaktuhan siya ng gano'n ng binata.
Busy ngayon sina Kaish at Edward na naguusap tungkol sa usapang hayop. Napag-alamanan niyang veterinarian pala si Kaish, na close na close kay Edward—as in close na close to point na nagtatawanan ang dalawa sa harapan niya na mas kasama pang hampasan sa balikat na laging pinapangunahan ni Kaish.
Bakit ba kasi ako sumama sa kanila? Sa isip ng dalaga kasabay ng pag-buntong hininga niya.
"So, ikaw Marydale? Anong work mo?" Baling ni Kaish sa dalaga nang matapos nitong makausap si Edward na ngayon ay abala sa pagpapakain sa mga kabayo.
"Sa ngayon, wala. Tambay lang ako." Pinilit ng dalaga na huwag ipahalata ang inis na nararamdaman niya. Ayaw niyang mag-sungit kay Kaish dahil mabait naman ito sa kanya. Ito pa nga ang unang bumati sa kanya kanina nang walang balak na ipakilala siya ni Edward dito.
"Hindi ka nag-college?"
Umiling ang dalaga. Nabaling ang paningin niya kay Edward na ngayo'y papalapit na sa kanila pero mabilis niyang binawi ang tingin na 'yon at muling tumingin kay Kaish. "Mas okay atang sabihin na, hindi ako nagtatrabaho sa ngayon. HRM graduate ako."
Tumango tango si Kaish at magiliw na ngumiti. Kitang kita tuloy ni Maymay ang napaka-puti at perpektong ngipin nito na umayon sa mapisngi niyang mukha at ala-porcelain na kutis. Maganda si Kaish kahit pa mas matangkad siya rito. Biniyayaan din ito ng hinaharap na akala mo laging kumakaway kapag naglalakad o kahit pa-simpleng lumulundag.
Napatameme si Maymay nang mapansin 'yon pero agad siyang napangiwi nang mapansing nakatitig si Edward sa kanya. Ilang segundo ring ginawa 'yon ng binata bago siya nito inirapan.
Grabe! Grabe lang! Inis na pumikit na lang ang dalaga t'saka siya humugot ng malalim na paghinga, at nang muli siyang magmulat ay kay Kaish siya tumingin.
"Ilang taon ka nang veterinarian?"
"4 years na ata." Bumaling siya kay Edward. "4 years na ba, Ed?"
Nilingon ito ng binata. "Almost five."
"Ahh. . . Yun na 'yon. Sabay kasi kaming gumraduate nitong si Ed. Sa iisang school lang kami. Habang nag-te-take siya ng Philosophy, ako naman I'm pursuing veterinary. We've been together since college," nakangiting pagkukwento ni Kaish habang nakaangkla ang kamay niya sa braso ng binata.
"Together? Ahh.. Ang tagal niyo na pala kung gano'n. Kasal na lang pala ang kulang." Hindi napigilang maging sarkastiko ni Maymay na hindi napansin ng dalawa dahil nakatitig ito sa isa't isa.
Bahagyang tumawa si Kaish. "No, no. Hindi kami. Wala kaming relasyon."
"Hmm? Bakit naman wala? E bagay naman kayo?"
"Hindi kasi marunong manligaw si Ed."
"Kaish, you know that I'm not—"
"Joke lang." Nilingon ni Kaish ang dalaga. "Ayaw daw niya mag-girlfriend, kaya wala 'yang balak na ligawan ako kahit pa lagi akong nagpapapansin sa kanya."
Hindi sinasadyang magkasabay na nagtinginan sina Maymay at Edward. Nakakalokong ngumisi ang dalaga habang si Edward naman ay bahagya nang nakakunot ang noo dahil sa paraan ng pagtitig ni Maymay sa kanya.
"Bakla ka ba?"
"What? No I'm not!" Asik ni Edward kay Maymay na nagpatawa sa dalaga. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng binata. Natigilan ito nang makita ang pagtawa ni Maymay. Hinayaan niya lang itong tumawa kaysa sawayin. He didn't know what has gotten into him. Masyado siyang nasorpresa sa ginawang pagtawa ni Maymay.
Umiiling na kinalma ni Maymay ang sarili. Ngayon lang siya ulit tumawa ng gano'n na nagpagaan sa kanyang pakiramdam. Nang bumaling siya kina Kaish at Edward ay nakangiti siyang napakamot sa sintido.
"I'm only kidding," aniya. Nahihiya. Idagdag pa kasi ang pagbuhanglit niya ng tawa kanina.
Umiling si Kaish. "Ang ganda lang ng ngiti mo. Mas maganda ka kapag nakatawa, Marydale."
Nahihiyang napahawak sa ilong ang dalaga. "Salamat. Tawagin mo na lang akong Maymay. Masyadong formal ang Marydale eh. Sige, maiwan ko na muna kayo rito. Maglalakad lakad lang ako kasama si Panther. Nice to meet you, Kaish," sinserong sabi nang dalaga t'saka ito tumalikod at tumungo nga kay Panther.
"Si Panther? 'Di ba ayaw mong pinapagalaw si Panther kahit kanino?" Bulalas ni Kaish kay Edward.
"It's okay. Panther likes her more than me," nakangiting sabi ni Edward habang nakatitig kina Maymay at Panther na ngayon ay palabas na ng kuwadra.
"Enough with Panther. Hindi mo naman sinabing may karibal pala akong kababata mo pa," panunukso ni Kaish sa binata.
Nilingon siya ni Edward. "Stop that Kaish. We're just childhood friends. That's it."
Naglapat ang mga labi ni Kaish. Halata sa mukha nito na hindi siya naniniwala. "Sure, Ed. Sure."
Matapos ni Kaish sa ginagawa ay lumapit ito kay Edward. "May gagawin ka ba bukas, Ed? I-date mo naman ako. Ang tagal tagal na nating hindi lumalabas," pangungulit niya sa binata.
"Next time."
"Wala ng next time." May iba ka pa lang nagugustuhan na hindi ko alam, sa isip ni Kaish. Kilala niya si Edward. Walang taong kayang inisin si Edward mula nang makilala niya ito kaya laking gulat niya nang sigawan niya si Maymay kanina dahil lang sa pangaasar nito sa binata. That was the first time na may sinungitan siya, at babae pa. Akala nga nito ay ma-o-offend si Maymay nang sigawan siya ni Edward pero nang tumawa ang dalaga at hindi na nagsalita pa si Edward ay napailing siya.
"Alam mo namang mas gugustuhin kong mag-stay dito sa rancho—"
"At asikasuhin ang mga papel mo sa mini library mo. Oo na. Hindi na ako mangungulit. Baka sa akin ka naman magalit."
Nginitian ni Edward si Kaish. "Alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo, Kaish. You might hate me if I did," ani Edward t'saka nito pinuntahan ang mga kuwadra ng iba pang kabayo.
Imbis na ikatuwa 'yon ni Kaish ay kabaliktaran ang nangyari. Nawawalang pag-asang sumunod siya kay Edward para tulungan ito.
Nang maihatid ni Edward si Kaish ay pinagpasiyahan niyang hanapin si Maymay. Maggagabi na kasi pero hindi pa rin bumabalik sa rancho ang dalaga kasama si Panther.
Isasarado na ni Edward ang pinto nang marinig niya si Maymay na tawagin ang pangalan niya. And of course, she said Edwardo at hindi Edward.
Nakasakay ang dalaga kay Panther habang kinakawayan siya. Nang makalapit nang tuluyan sina Panther at dalaga sa kanya ay agad na bumaba si Maymay mula sa kabayo.
"Nasa'n si Kaish? Akala ko kasama natin siyang mag-di-dinner."
"May pupuntahan daw siya kaya maagang umalis." Tinulungan ni Edward ang dalaga na maipasok si Panther sa kuwadra. "Where did you go?"
"Hmm, diyan diyan lang. Yung usual places na pinupuntahan natin noon."
Tumango tango si Edward habang isinasarado ang pinto t'saka niya sinabayan sa paglalakad ang dalaga.
"Wala pa ring nagbabago rito ano?"
"Dad actually wants to renovate the place but I said no. Nag-away pa nga kami." Bahagyang tumawa si Edward na bahagya ring nagpangiti sa dalaga nang lingunin siya nito habang ikinukwento ng binata ang nangyaring pagaaway nilang dalawa ng ama noon.
"Buti na lang hindi mo pinabago."
"You think so too?"
Tumango tango si Maymay t'saka niya inayos ang buhok na hinahangin. Napansin naman ng binata ang pagyakap nito sa sarili kaya nag-aalangang tinanong niya ang dalaga. "Wanna wear my jacket?" Pagaalok ng binata dahil naka-long sleeve plaid shirt naman siya sa loob.
Umiling ang dalaga. "Hindi na. Okay lang."
Ngunit tila walang narinig si Edward dahil hinubad nito ang suot na jacket at ipinatong 'yon kay sa balikat ng dalaga. "I insist. Maglalakad lakad pa naman tayo bago umuwi."
"Ha? Baka hanapin tayo nina Tita at Tito."
"Magkasama tayo. Hindi tayo hahanapin nina Mom at Dad. What? You're actually worried about that?"
"Ayoko lang mangyari ulit yung nangyari nung first day na dumating ako."
Himdi sumagot ang binata pero inilabas nito ang dalang cellphone at tinawagan ang ina para ipaalam ditong late silang makakauwi. Nang maibaba ni Edward ang linya ay nilingon niya ang dalaga.
"Okay na ba?"
Bahagyang tumawa ang dalaga. "Babawi ka lang sa 'di mo pagtupad ng usapan natin kahapon e."
Bumuntong hininga ang binata. "I already told you why."
"Oo na. Joke lang. 'Di ka na mabiro. Samantalang noon lahat ng sasabihin ko pinapaniwalaan mo. Lagi ka pang nakasunod sa'kin—"
"Hey! Hindi ako nakasunod sa'yo. It's you who wanted me to go with you anywhere!"
"Pero sumusunod ka pa rin?"
"'Coz you're gonna yell at me and punch me."
Natatawang iiling iling si Maymay nang maalala nga ang mga 'yon. "Parang ang saya saya lang natin noon."
"Ikaw lang ang masaya."
"Weh?"
Matunog na sarkastikong ngumisi ang binata. "Yes, Marydale. Ikaw lang ang nag-e-enjoy kapag magkasama tayong dalawa."
"Hmm.. Gano'n ba? Sorry kung gano'n."
Nang magbago ang ekspresyon ni Maymay ay parang gusto tuloy bawiin ni Edward ang sinabi. Kaso huli na. Lalo na nang manahimik nang muli ang dalaga at hindi na nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa mansyon.
"Stupid! Stupid!" Inis na bulong ni Edward nang makapasok ng kwarto. Inis na inis siya sa sarili nang hindi na sila nagkausap ni Maymay. "Really, Edward? Okay na e. Okay na!" Dagdag niya pa bago pumasok ng banyo para maligo.
Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga. Naabutan pa nga niyang nagluluto si Mommy Cathy kaya naman tinulungan niya ito.
"Kailan po pala uwi ni Laura, Tita?"
"Tumawag siya kahapon. Baka raw matagalan pa siya ro'n."
"Hmm..."
"Iha?"
"Po?"
Nilapitan ni Mommy Cathy si Maymay. Nang hawakan ng ginang ang mga kamay niya ay para bang may humaplos sa puso niya. Mataman niyang tinitigan ang Tita Cathy niya t'saka siya magiliw na ngumiti at ganoon din ang ginang sa kanya.
"Lagi mong tatandaang nandito lang ako para sa'yo. Kung nandito lang si Lourdes ay ayaw niyang nakikita kang malungkot."
Nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga kaya naman yumuko siya at ilang beses na pumikit para pagilan 'yon—ngunit hindi siya nagtagumpay. Masyado sariwa pa rin sa alaala niya ang pagbitaw ng ina sa mga kamay niya nang mawala ito. Masyado pa ring masakit ang puso niya na para bang may pumipiga no'n. Gustuhin niya mang maging masaya para sa ina dahil 'yon ang huling hiling nito sa kanya ay hindi niya magawa.
Niyakap ni Mommy Cathy ang dalaga dahilan para yumakap din siya sa ginang. "Salamat po Tita Cathy. Ngayon pa lang po nag-so-sorry na ako sa anumang abalang pwede kong maidulot sa inyo ni Tito Kevin."
"Iha, parang anak na kita. Kulang na nga lang ay ikasal ka kay Edward para maging in-law na kita e." Parehong bahagyang tumawa ang dalawa. Nang humiwalay sa pagkakayakap si Maymay ay nginitian niya ang ginang. "Pero kahit hindi kayo magkatuluyan ng anak ko, para sa amin ng Tito Kevin mo, bahagi ka na ng pamilyang ito. Tandaan mo 'yan. Ina mo na rin ako iha. Mula pa noong bata ka. At hinding hindi magbabago 'yon. Mahal na mahal ka namin ng Tito Kevin mo."
"Salamat po Tita." Bahagyang tumawang muli ang dalaga habang pinupunasan ang luha sa pisngi. "Pero huwag na po kayong umasa sa aming dalawa ni Edward. Kay Kaish na 'yon. Idagdag niyo pang hanggang ngayon ata ay may tampo siya sa akin."
Si Mommy Cathy naman ang natawa. "Tampo? Bakit naman?"
"Alam niyo naman na po. Noong mga bata kami."
Nakangiting umiling ang ginang. "Hindi—"
"Mom!"
Sabay na napalingon sa pinanggalinga ng boses na 'yon sina Maymay at Mommy Cathy. Nang makita nilang si Edward 'yon ay nagkatinginan sila at bahagyang tumawa.
"Ano—kasi. . . W-what are you guys talking about?" Pagsisinungaling ni Edward dahil kanina pa siyang nakikinig nang makita niyang yakapin ng kanyang ina si Maymay. Hindi nga lang siya tumuloy dahil mukhang seryosong nag-uusap ang mga ito. Umeksena lang siya dahil baka may sabihin na naman ang kanyang ina sa dalaga bukod sa binanggit nga nito na tungkol sa in-law.
"Sus. Kanina ka pa atang nakikinig sa'min e," panunukso ni Mommy Cathy.
"What? N-no. Ano lang kasi. . . I mean. . . Ugh! Wala akong narinig, okay?"
Napangiti na lang si Maymay. Alam niyang nagsisinungaling ang binata kapag nabubulol ito na may kasamang kasi na salita—idagdag pang hindi magkakatugma ang sinasabi ng binata.
"Huwag niyo nang asarin Tita Cathy. Mamaya ay mapikon na naman." Nginitian ni Maymay ang binata at tinaas taasan ng dalawang kilay na hindi inaasahan ng binata kaya natameme siyang pinagmasdan ang dalaga habang nakikipagtawanan sa kanyang ina.
"Halika na rito, 'nak. Tulungan mo na lang kaming maghanda ng agahan ni Maymay," ani Mommy Cathy na nagpabalik sa kanya sa reyalidad t'saka siya tumalimang lumapit sa mga ito para nga tulungan sila.
"Narinig mo sinabi ni Tita 'no?" Bulong ni Maymay sa binata nang sabayan niya itong maglakad habang dala-dala ang mga plato patungo sa dining area.
"About what?"
"About sa in-law."
Napailing ang binata. Wala talaga siyang maitatago sa dalaga. Lagi nitong nalalaman ang bawat galaw at salita niya lalo na kapag nagsisinungaling siya. "Yeah."
"Okay lang 'yon. 'Di naman mangyayari e."
"Hmm.." Inilapag ni Maymay sa hapagkainan ang dalang dalawang platong may lamang itlog at hotdog, kasabay no'n ay ang pag-aayos din ni Edward sa mga plato. Matapos ng binata ay hinarap niya ang dalagang naghihintay na dugtungan ni Edward ang sagot niya. "About Kaish. . ."
"Oh?"
"She doesn't like me like that. I mean"—hindi malaman ng binata kung bakit kailangan niyang magpaliwanag sa dalaga—"we're not together or anything." Pero sa huli ay gusto niya pa ring malinaw kay Maymay ang kung anong meron sa kanila ni Kaish.
Tumaas ang dalawang kilay ng dalaga. "Pero sinabi niyang gusto ka niya."
"But that doesn't mean that I have to like her back."
"Ha? Bakit? Sayang naman. Bagay pa naman kayo." Hindi sumagot si Edward dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ng dalaga. Tinalikuran niya lang si Maymay at naglakad pabalik sa kusina na nagpakunot noo sa dalaga. "Tignan mo 'tong lalaking 'to. Kinakausap e, bastos."
Matapos nilang mag-agahan ay nagpaalam si Maymay na lalabas, kaya naman sa ayaw at sa gusto ni Edward ay kailangan din niyang lumabas kahit pa gusto nitong magkulong sa mini library niya nung araw na 'yon—dahil una, naiinis pa rin siya sa dalaga sa 'di malamang dahilan. Pangalawa, baka may masabi na naman siya rito na maging dahilan ng hindi nila pag-uusap. Pangatlo, gusto niyang basahin ang bagong librong in-order niya sa Alemanya.
Napansin ng dalaga na wala sa mood ang binata kaya nang papalabas na sila ng mansyon ay hinarap niya si Edward na nagpatigil dito. "Okay lang kung ayaw mo. Pupuntahan ko na lang si Kuya Tanner para samahan ako."
Mabilis na umarko ang kanang kilay ni Edward. "You should've told them earlier na kayo pala dapat ni Tanner ang lalabas." Akmang tatalikod na si Edward nang hawakan ni Maymay ang braso niya kaya naman hinarap niyang muli ang dalaga. "What?"
"Hindi naman gano'n ang ibig kong sabihin. Ayoko lang na maiistorbo kita."
"But if it's Tanner, it's fine na istorbohin mo siya?"
Mabilis na umiling si Maymay. "Hindi naman talaga ako pupunta kay kuya Tanner. Sinabi ko lang na makakasama ko siya if ever na hindi ka sumama para hindi kayo mag-alala rito na wala akong kasama. Kaya ko namang mag-isa."
Napabuntong hininga ang binata. Hindi niya pa rin alam kung bakit ba masyado siyang apektado sa mga ginagawa o makakasama ng dalaga—masyado siyang apektado sa bawat galaw at kilos nito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga t'saka niya matamang tinitigan ang mga mata nito. Saglit na naging tahimik ang paligid habang pareho nilang pinagmamasdan ang bawat isa.
"Did you even grow taller, Marydale? Parang hindi ka tumangkad." Basag ni Edward sa katahimikan nilang dalawa.
Magiliw na ngumiti ang dalaga nang marinig ang pangalan niyang sambitin ng binata. Naalala niya tuloy ang huling pagkikita nila noon. Umiiyak siya that time at hindi malaman ni Edward ang gagawin pero nang yakapin siya noon ng binata ay mabilis siyang tumigil sa pag-iyak, at kapalit no'n ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya at pag-init ng pisngi niya. Those were the good old days. Pareho silang inosente at wala pang alam sa mga pwede nilang pagdaanan. Na uso pa ang salitang crush at hihintayin kita—mga salitang hindi niya makakalimutan na binitawan ng binata noon sa kanya.
"Matangkad ka lang talaga."
"Kumakain ka na ba ng gulay?"
Umiling ang dalaga. "Pipilitin mo pa rin ako?"
"Yes."
"Kahit ayoko?"
"Yes."
"Marami ka na bang tinanim na gulay?" Nagsimulang maglakad ang dalawa. Hawak pa rin ng binata ang kamay ng dalaga na hinayaan lang ni Maymay.
"Yes."
"Pipilitin mo talaga akong kumain ng gulay?"
Bahagyang tumawa ang binata dahil sa pangungulit ng dalaga ngayon sa kanya. "Yes, Marydale."
"Crush mo pa rin ba ako?"
"What?"
Si Maymay naman ang bahagyang tumawa. "Akala ko mag-ye-yes ka ulit. Puro ka yes e. Joke lang."
Nanahimik ang binata. Pinakiramdaman ang sarili. "But, what if I still do have a crush on you?" Tanong niya sa dalaga pero malaking tanong niya rin 'yon sa sarili niya.
Si Maymay naman ang natahimik, ngunit kasabay no'n ay ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. "Kahit lagi kitang inaasar noon?"
"Yes."
"Inuutusan?"
"Yes."
"Sinusuntok?"
Muling bahagyang tumawa ang binata. "Yes."
"Aba! Masokista ka pala, Edwardo. Hindi mo naman ako na-inform."
Tumigil sa paglalakad si Edward at hinarap ang dalaga na napahinto rin. "But, what if Marydale? Seryoso ako."
Magiliw na ngumiti ang dalaga. "What if lang naman."
"Marydale! I'm serious here."
"Teka nga."
"What?"
"Bakit ba Marydale pa rin ang tawag mo sa'kin? Lahat sila rito Maymay ang tawag sa'kin, tapos ikaw Marydale. Noon pa man 'yan na tawag mo. Hindi na nagbago."
"Because I like calling you Marydale."
Tumango tango si Maymay. "Tara do'n sa batis."
"Pero hindi mo pa ako sinasagot."
"Bakit? Nanliligaw ka ba?"
"No. I'm talking about the what if."
Tumawa ang dalaga. "Masyado kang seryoso. Wala na 'yon. Kung may natutunan man ako nitong nakaraang taon, yun ay ang hindi mo na kaya pang maibalik ang nakaraan," makahulugang sabi ng dalaga t'saka niya hinila ang kamay ni Edward at nagsimulang tumakbo.
Natigilan sa pagtakbo ang binata nang simulang hubarin ng dalaga ang mga suot mula sa boots, shorts at t-shirt t'saka ito tumalon sa batis. Naingat niya ang dalawang kamay sa ere, na napunta sa ulo—hindi makapaniwala sa nakita niya.
Ang naghubad at tumalon na dalaga. Hindi niya tuloy alam kung tatakpan niya ang mga mata o tatalikod siya. Nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng dalaga ay isa-isa niyang pinulot ang boots at mga damit nito t'saka patakbong sinilip si Maymay na ngayon ay nakikita niyang nakatihaya ang katawan at lumulutang sa tubig.
"Halika na! Dali! Ang sarap ng tubig!"
Napakunot siya ng noo. "It's too early to do that, Marydale! It's so freaking cold!"
"Dali na, Edwardo. Please?"
"No."
"Please?" Mas nilambingan pa ng dalaga ang boses niya.
"No, Marydale."
"Please, Edward?"
Pinaningkitan niya ng mga mata ang dalaga, pero kasabay no'n ay ang tinatago niyang munting kasiyahan sa puso niya. Hindi alam ng binata kung bakit pero kakaiba ang dulot ng pagtawag na 'yon ng dalaga sa pangalan niya. Gano'n naman talaga sa kanya ang dalaga noon pa man, lalo na kapag may gusto itong ipagawa sa kanya—naglalambing. And he finds it too adorable. Yung tipong hindi siya makakahindi.
But this time—"No. C'mon! Get out of the water. Magkakasakit ka niyan e"—ayaw niyang may mangyaring masama sa dalaga.
Napanguso na lang si Maymay t'saka siya ilang beses na umirap kay Edward habang lumalangoy para umahon. Mabilis naman na nilapitan ng binata ang dalaga kahit pa ilang beses siyang napalunok nang makita ang kabuoan ng dalaga. Naka-panty at bra lang ito, kaya sinong hindi susulitin ang matitigan ang katawan ng isang Marydale Entrata? Gano'n kagaling magpanggap si Edward kaya hindi 'yon napapansin ng dalaga habang isinusuot nang muli ang damit.
"Ang KJ mo." Laking gulat ng dalaga nang biglang maghubad ang binata. Maka-ilang beses tuloy siyang pimikit pikit. "Hoy! A-anong ginagawa mo?" Well hello well-built-body-of-Edwardo, sigaw naman pero ng malanding isipan ng dalaga.
"This." Sinubukang tuyuin ni Edward ang buhok ng dalaga gamit ang polo nito. Napanguso ang dalaga, akala niya pa man din ay pati suot na sando ng binata ay huhuburin nito ngunit agad din siyang umiling nang maisip 'yon. Masyadong dinudumihan ng binata ang inosente niyang isipan.
Hinayaan ni Maymay na gawin 'yon sa kanya ni Edward. Pasimple namang nagnanakaw ng tingin si Edward sa tuwing ibabaling ng dalaga ang paningin niya sa tanawing nasa harapan nila. Sino naman kasing hindi mapapalingon doon? Bukod sa malinaw at kulay na pinaghalong berde at asul ang batis, meron din itong apat na mini falls na para bang hand made dahil sa disenyo. Napapalibutan din 'yon ng iba't ibang punong kahoy. Maririnig din ang mga huni ng mga ibon, sariwa at malamig na simoy ng hangin—nakaka-relax. Tila isang munting paraiso 'yon na pag-aari nga ng pamilyang Barber.
"Grabe.. Hinding hindi ko ipagpapalit ang lugar na 'to kahit pa siguro malaking halaga ang ibigay nila sa'kin. Napakaganda.."
"Yes, it is. It's beautiful," agad na sagot ni Edward kaya naman nilingon siya ng dalaga. Nang lingunin din siya ni Edward ay halos sabay nilang nginitian ang isa't isa. Unang nagbawi ng tingin na 'yon ay si Maymay at muling bumaling sa paligid, kaya naman pinagsawaang tinitigan ni Edward ang dalaga. Nakukuntentong pinagmamasdan ang mukha nitong bakas ang kasiyahan. "Beautiful," bulong pang muli ni Edward pero hindi 'yon narinig ni Maymay nang simulan na nitong maglakad.
Nagtatawanan ang dalawa nang makapasok sila ng mansyon na nagpangiti kina Mommy Cathy at Daddy Kevin.
"Ed?"
Ngunit agad ding natigilan sa pagtawa ang dalawa nang may tumawag nga ng pansin sa binata.
"Kaish? Hey. . . What are you doing here?" Nagtatakang tanong ng binata t'saka siya bumaling sa mga magulang niya na mukhang wala ring alam kung bakit bumisita nga si Kaish.
"Maymay."
"Kuya Tanner?" Si Maymay naman ang bahagyang nasorpresa dahil na rin kay Tanner na ngayon ay kadarating lang kasama si Mang Miko.
"Good evening po, Tita, Tito." Lumapit si Tanner para magbigay galang sa mag-asawa.
"Napadalaw ka rin Tanner? Ang daming bisita ngayon, Kevin," nakangiting bulalas ni Mommy Cathy habang si Daddy Kevin naman ay tumango tango na lang. "Handa na ang dinner. Tara ro'n nang makakain na."
Palihim na tumingin sina Maymay at Edward sa isa't isa. Parehas na nag-kibit balikat kahit pa bakas ang pagtataka sa mga 'di inaasahang mga bisita.
"What's up? Bakit parang masyado naman kitang na-surprise?" Pukaw ni Kaish sa binata kaya agad niya itong nilingon t'saka siya umiling.
"I think I'm just tired. Maghapon kami sa labas ni Marydale."
"Alam ko. Kanina pa ako rito e." Pagod ka pero iba ang tawa mo kanina kasama siya? Sinong niloko mo, Ed? Dagdag sa isip ni Kaish.
"You just got back?" Pukaw ni Tanner kay Maymay.
"Yep."
"With Edward?"
"Oo."
"Are you and Edward—"
"Kuya Tanner. . ." Nambabantang tono na bumaling si Maymay kay Tanner kaya bahagya itong tumawa. "Tawa ka pa. Sasapakin kita."
Muli na lang tumawa si Tanner kaya naman nakatanggap nga ito ng hampas sa braso mula sa dalaga.
"Anyway, how long are you gonna stay here? May contact ka pa ba kay Cora?"
Umiling ang dalaga. "Wala akong cellphone ngayon. Ang gamit ko minsan ay yung phone nina Tito at Tita para walang komontak sa'kin. And if you were asking how long am I gonna stay here? That, I don't know yet."
"Hindi mo na maiwan si Edward?"
Pinagsususuntok muli ni Maymay ang dibdib at braso ni Tanner. Sinasangga man ni Tanner 'yon, marami pa ring nakakalusot dahil panay ang tawa niya sa dalaga. Gustong gusto niyang iniinis ito dahil cute na cute na Maymay ang nakikita niya.
Samantala, si Edward na nakikita 'yon ay kanina pang hindi maipinta ang mukha, dahil ang nakikita niya ay naghaharutang Tanner at Maymay.
"You're too obvious, Ed. Alam mo ba 'yon?"
"No, I'm not." Mabilis na sagot ng binata kay Kaish na kina Tanner at Maymay pa rin ang tingin na ngayon ay papaupo na sa harap ng hapagkainan.
Napailing na lang si Kaish. Natatawa sa itsura ni Edward. Nang lingunin niya sina Tanner at Maymay ay parang nag-aasaran pa rin ang mga ito.
"Hi, Maymay," pukaw ni Kaish sa dalaga na agad namang bumaling sa kanya at ngumiti.
"Hello."
"Favor naman."
"Favor?"
Tumango si Kaish. "May nagseselos kasi. Mamaya na kayo mag-lambingan."
Nangunot ang noo ng dalaga nang hindi niya maintidihan si Kaish. "Ha?"
Pero hindi siya sinagot ni Kaish na ngayon ay kay Tanner nakatingin. "Hi! I'm Kaish."
Tumango lang si Tanner t'saka siya bumaling ulit kay Maymay at may ibinulong.
"Huwag ka na magpa-cute sa kanya. He doesn't talk to girls that much," ani Edward na ipinagtaka ni Kaish.
"So ano si Maymay? Lalake?"
Nag-kibit balikat si Edward at pinili na lang manahimik kahit pa kanina niya pang gusto tumayo at hilahin si Maymay para mailayo kay Tanner.
Matapos ng hapunan ay agad na sinundan ni Kaish si Tanner na naglakad papunta sa may terrace ng mansyon sa ikalawang palapag. Mula roon ay kitang kita mo ang napakalaki at bilog na bilog na buwan.
"Sabi nila, mas malakas daw ang mga taong lobo kapag full moon. Sa tingin mo, totoo 'yon?"
Nilingon ni Tanner si Kaish na ngayon ay magiliw na nakangiti sa binata. Napabuntong hininga na lang si Tanner. Wala siyang balak makipag-usap dito.
"Ganyan ka ba talaga sa mga babae?" Wala pa ring imik si Tanner. "So, si Maymay lang ang espesyal sa'yo?" Nang hindi pa rin sumasagot Tanner na nakatingin sa buwan ay nagtuloy-tuloy lang si Kaish. "Don't get me wrong. Wala akong gusto sa'yo. Kay Edward ako may gusto. At ikaw mukhang may gusto ka naman kay Maymay kaya bakit hindi tayo magtulungan?"
Nang marinig 'yon ni Tanner ay t'saka siya lumingon sa gawi ni Kaish. Hindi pa ito nakuntento dahil buong katawan niya ang iniharap sa babae. "What are you talking about? Me? And Maymay?"
"Ay hindi pogi. Ikaw at ako. Malamang! Si Maymay at ikaw. Alangan namang sina Edward at Maymay 'di ba? E ako nga ang may gusto kay Edward." Umirap ang si Kaish at ipinag-krus ang nga braso sa dibdib. "Ano ba kasing nagustuhan ni Edward sa Maymay na 'yon? Sigurado naman akong mas higit ako sa kanya pwera sa tangkad—"
"Stop. Stop talking to me." Akmang aalis na si Tanner pero mabilis na hinawakan ni Kaish ang braso niya. Agad namang tinabig ni Tanner 'yon. Kung may isang ugali siya na ayaw ng babae, iyon ay ang pagiging bastos niya sa mga ito—pwera na lang sa mga babaeng malalapit sa kanya. "And don't you ever touch me again." Tinalikuran nito ang babae at nag-simula nang maglakad.
"Ang high blood. Biro lang e," nakangiwing napailing si Kaish t'saka siya tumawa. "Pero biro nga ba, Kaish? Paano kung pumayag siya? Gagawin mo ba talaga?" Bulong ni Kaish t'saka siya tumingin sa bilog na buwan.
"Are you alright? Tahimik ka ata." Now here's Edward to swept her off her feet—masyadong romantic 'di ba? Sa isip ni Kaish habang dahan-dahan niyang nilingon ang binata.
"My prince."
"Yes, princess?" Nakangiting lumapit si Edward kay Kaish t'saka niya ipinatong ang jacket na kinuha nito sa kwarto kanina.
"Can I just take you home? Ako na bahala sa pagkain mo. Sa tutuluyan mo—lahat. Kaya kitang buhayin, Ed." Malakas na tumawa si Edward dahilan para hampasin siya sa braso ni Kaish. "Ang sama mo sa'kin ah!"
"I'm not a dog, Kaish."
"But you're my prince."
"Hindi ka pa rin ba maka-move on sa stage play natin noong college?"
Bahagyang tumawa si Kaish. "Bakit ba ayaw mo 'kong maging girlfriend? Asawa, gusto mo?"
"How about my best man? Pero, babae ka pala, best woman na lang."
Pareho silang tumawa. "Sinong papakasalan mo?"
"I don't know. Someone. Someday."
"You don't know? You do know. Aware ka na nga. Nagiging possessive ka pa nga e. Nakaramdam ka na rin ng selos."
"What are you talking about?" Nakunot na ang noo ni Edward. Hindi niya alam kung hindi niya ba talaga maintidihan si Kaish o pinili niyang hindi pa ito intindihin sa ngayon.
"Ikaw mismo Edward, tinatanggi mong may gusto ka sa kanya."
"Wala akong gusto kay Marydale. Can we stop talking about this already? It's getting old. You, my Mom, Laura." Bumuntong hininga ang binata.
Matunog na ngumisi si Kaish na ngayon ay umiiling iling. "Tsk. Tsk. Tsk. Wala akong sinabing si Maymay ang tinutukoy ko, Ed. You see? Sa bibig mo na mismo lumalabas. The moment I told you about someone, siya agad ang nasa isip mo." Yumuko si Kaish. Pinipilit na maging masaya para kay Edward. Para sa isang kaibigan na matagal niya nang minamahal. "Tara na nga. Ihatid mo na 'ko. Mamaya puntahan mo pa si Maymay. Ako muna i-priority mo."
Hindi alam ni Edward kung dapat ba niyang kontrahin si Kaish nang sabihin 'yon. Ngunit nang mabaling ang paningin niya kay Kaish na ngayon ay may luhang pumapatak sa mga mata nito ay bigla siyang natuliro. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng babae t'saka iniangat ang ulo nito.
"Why are you crying?"
Umiling si Kaish. Hinawakan niya ang braso ni Edward para ibaba ang mga 'yon pero hindi nagpatinag ang binata. "Let me go. I'm not crying."
"You are. Bakit? What happened? May hindi ba ako alam?"
"You stupid jerk," bulong ni Kaish t'saka siya nag-tiptoe. Hawak ang batok ni Edward ay sinalubong ito ng halik sa labi. Sa gulat naman ni Edward ay hindi niya nagawang itulak si Kaish—hindi niya kayang itulak ito. Hindi niya kayang pisikal na saktan ang babae—not until he heard a familiar voice.
"Edwardo, si Kaish—" Natigilan si Maymay nang makita ang ginagawa ng dalawang taong kanina niya pang hinahanap. Ang eksena? Hawak ni Edward ang pisngi ni Kaish habang si Kaish naman ay nakalambitin pa rin sa leeg ni Edward. "I'm—I'm sorry."
Mabilis na itinulak palayo ni Edward si Kaish at hindi na inabalang lingunin ito dahil mabilis niyang sinundan si Maymay na ngayon ay tumatakbo palayo sa kanila.
"That's what I'm talking about, Ed," bulong ni Kaish habang yakap-yakap ang sarili.
"Marydale! Stop!"
"Ayoko nga!"
"I said stop!"
"Ayoko!"
Mas binilisan pang tumakbo ni Edward dahil hindi niya naman inakalang ganito kabilis tumakbo ang dalaga. Nang maabutan niya ito ay agad niyang hinawakan ang braso nito na nagpahinto nga kay Maymay.
"Bitiwan mo 'ko, Edwardo. Isa!"
"No. Why are you running away from me anyway?"
Ayaw humarap ni Maymay. Nahihiya pa rin siyang tumingin kay Edward dahil sa nasaksihan kanina. Matanda na siya at marami na siyang nakitang naghahalikan, pero nang makita niya si Edward at Kaish kanina ay nakaramdam siya ng hiya at hindi maipaliwanag na mabigat na pakiramdam sa dibdib niya.
"Bitaw na kasi."
"Are you jealous?"
Do'n na nilingon ni Maymay ang binata. "Anong jealous ka diyan? Bakit naman ako magseselos?"
"E bakit ka tumatakbo?"
"K-kasi ano.. Kasi hinahabol mo 'ko!"
"Really?"
"Really, Edwardo." Tinabig niya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanya at hinarap ito. "Bakit ka sumunod?"
"Kasi tumakbo ka."
"I was shocked, okay? Naistorbo ko kayo—"
"It's not what you think, Marydale."
Naiikot ni Maymay ang mga mata. "Sure, Edwardo."
"Believe me."
"Oo na nga."
"We're just talking. And it's about you actually."
"Aba. Buti nagkaintindihan kayo habang magkadikit ang mga labi niyo." Namewang si Maymay t'saka niya inayos ang buhok. Hindi niya talaga nagugustuhan kung anong nararamdaman niya ngayon na nagdudulot ng inis sa kanya. "Look, I don't care kahit anong gawin niyong dalawa. Hindi ko lang talaga inaasahang makikita ko."
Hindi maganda sa pandinig ni Edward ang mga katagang 'yon kaya mabilis na sumeryoso ang mukha nito. "You don't care? At all?"
Napalunok si Maymay. Ang dali lang naman sabihin ulit na wala siyang pakielam pero hindi 'yon lumalabas sa bibig niya nang sandaling 'yon.
"Maymay? Let's go?"
Sabay na napalingon ang dalawa kay Tanner na kabababa lang ng hagdan.
"Where have you been?" Pag-uusig ni Edward kay Tanner.
Umarko ang kilay ni Tanner. Hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ng binata, lalo pa't mas matanda siya rito. "In Maymay's bedroom."
Bumaling si Edward kay Maymay na ngayon ay matamang nakatingin sa kanya. Maya maya ay matunog na ngumisi si Edward, matalim ang pagkakatitig sa dalaga. "Now I know why you don't care at all, dahil mas matindi pa pala ang ginagawa niyong dalawa na kailangan sa kwarto pa talaga."
Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Maymay. "Anong gusto mong palabasin, Edwardo?"
Mas lumapit pa ang binata sa dalaga. Tiim bagang na tinitigan ito mula ulo hanggang paa. "Go somewhere else. Huwag niyo namang gawin dito sa bahay. Mahiya ka naman—"
Isang malakas na sampal ang natamo ni Edward mula kay Maymay na nagpatigil sa pananalita nito. "Sorry ha? Kung sa bahay pa ninyo namin ginawa. Oo nga naman. Nakakahiya. Hayaan mo, bukas na bukas aalis ako para hindi na namin dito gawin. Nakakahiya naman kasi talaga sa'yo." Matapos niyang sabihin 'yon ay tumalikod na siya at lumabas ng mansyon.
Naiwan si Edward na hawak ang pisngi habang nakayuko. Kung noong mga bata sila ay maiinis siya sa dalaga sa tuwing sasapakin siya nito, ngayon mas naiinis siya sa sarili niya dahil sa nangyari sa kanilang dalawa.
"What I meant is"—pukaw ni Tanner—"I was in her room just to get her jacket dahil lalabas kami. Next time little bro, mind your own damn business and don't get the whole story all twisted just because you got jealous. It'll kill you, emotionally." Nilampasan ni Tanner si Edward na ngayon ay inis na inis sa sarili habang nakahawak sa batok.
"You still mad at him?" Pukaw ni Tanner sa dalaga pero hindi ito sumagot. Ilang oras na rin silang naglalakad-lakad. Tahimik ang dalaga at ganoon din si Tanner dahil nakikiramdam ito. Hindi gusto ng dalaga ang bigat na nararamdaman sa dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang dahilan no'n, na dinagdagan pa nga ni Edward ng mga paratang nito kani-kanina lang tungkol sa kanila ni Tanner. "It's time for you to go home, Maymay."
Bumuntong hininga si Maymay nang marinig 'yon. Walang siyang magawa kundi ang tumango tango kay Tanner dahil masyado na ring late at kailangan pang bumyahe ni Tanner bukas. Inakbayan naman siya ni Tanner t'saka nito hinalikan sa buhok. "Don't worry about it too much. He's just jealous, you know."
"Isa pang asar mo talaga sa aming dalawa kuya, bugbog sarado ka ng sagad. As in!"
Bahagyang tumawa si Tanner. "Alright. C'mon. I'll take you home."
Nang marinig ni Edward ang sasakyan ni Tanner sa labas ay agad siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa kama niya. Kanina niya pa kasing hinihintay ang mga ito dahil gusto niyang makausap si Maymay.
Papasok na nang kwarto ang dalaga nang tawagin siya ni Edward. Hinayaan niyang lumapit ang binata na nakasuot na ng pantulog, bago niya tuluyang buksan ang pinto ng kwarto. Nang magkaharap sila ay walang imik ang dalaga na nakatingin lang sa kanya, habang si Edward ay gano'n na lang ang lakas ng kabog ng dibdib at lamig ng kamay habang kaharap ang dalaga.
"I'm sorry."
"Okay."
Lumamlam ang mga mata ni Edward. Kapag ganitong nag-okay lang kasi si Maymay sa kanya ay siguradong hindi pa 'yon okay—dahil kung okay na 'yon ay iirapan siya ng dalaga t'saka siya iilingan nito.
"Marydale, I'm really sorry. Somobra ako kanina. Nabastos kita. Hindi ko sinasadya. I'm just. . ." Huminga ng malalim si Edward kasabay ng pagyuko nito, at nang titigan niya ulit sa mga mata ang dalaga ay seryoso niya itong tinitigan. Determinadong makuha ang pagpapatawad ng dalaga. "I just don't like seeing you two together."
"Bakit? Ano bang mali sa ginagawa namin ni kuya Tanner? Pakilinaw nga sa'kin. Hindi ko kasi alam kung anong nakikita mo kumpara sa kung anong meron kami ni kuya Tanner." Pinag-krus ni Maymay ang dalawang braso niya sa didbib habang si Edward ay nilingon ang paligid.
"Let's talk in your room. Baka magising sina Mom at Dad. You're too loud, as always."
Kumunot ang noo ni Maymay, ready na'ng mag-salita pero mabilis siyang itinulak ni Edward papasok nga sa kwarto ni Laura na ngayon ay tinutuluyan nga ni Maymay.
Nang maisarado ni Edward ang pinto ay hinarap niya ang dalaga t'saka matamang tinitigan ito. "What can I do to make it up to you?"
"Sagutin mo muna yung tanong ko."
Parang nanuyo ang lalamunan ni Edward. Hindi niya alam kung alin ang magiging tama o mali sa pwede niyang masabi sa dalaga. "You two look like a couple."
Kumunot ang noo ng dalaga. "And?" Hindi pa rin kuntento ang sagot ng binata para sa kanya.
Tumayo ang binata dahil sa inis. Hindi niya alam kung hindi talaga gets ng dalaga o gusto lang talaga nitong malaman ang side niya. "At ayokong nakikita na parang may relasyon kayong dalawa. I get irritated! I can't control my own emotions! It's so annoying—na mismong sa sarili ko nagagalit ako. I don't really know how to explain or elaborate myself, Marydale. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, especially if it's about you." Halos pasigaw ang lahat ng 'yon, pero yung tipong hindi nakakabulahaw. Kung nakakabulahaw man, siguro sa pandinig ni Maymay 'yon. Kaya naman habol ni Edward ang hininga, pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hangin. Idagdag pang kung makatibok ang puso niya ay parang kakatapos niya lang mag-jogging.
Hindi agad na nakapagsalita ang dalaga. Lumikot ang paningin niya kasabay ng pag-init ng pisngi niya.
"Marydale. . ."
"H-hm?" Hindi siya makalingon kay Edward kaya naman laglag ang balikat ng binata na yumuko.
"I think, I need to go. Good night." Nang mabuksan ni Edward ang pinto ay siya namang hawak ni Maymay sa braso niya na agad din nitong binawi 'yon dahil may kung anong kuryente ang dulot no'n na nagpatayo sa balahibo ng dalaga. "Yes, Marydale?"
"Wala kaming relasyon ni kuya Tanner."
"I know." But it seems like he likes you or something, pagpapatuloy ni Edward sa kanyang isipan.
"Wala akong gusto sa kanya." Hindi alam ni Maymay kung bakit niya kailangan sabihin 'yon, pero sa huli ay mukhang okay naman ang kinahinatnan dahil nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Edward. "Good night, Edwardo." Nang tumalikod si Maymay at maramdaman ang biglang pagyakap sa kanya ng binata ay kaagad na lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Idagdag pang gano'n na lang ang lakas ng tibok ng puso niya na ipinagtataka niya nang sandaling 'yon.
"Sweet dreams, Marydale," bulong ni Edward sa kanya na nagbigay ng kung anong nakakaliyong pakiramdam sa buong sistema ng dalaga. Idagdag pang dumampi ang labi ng binata sa balikat niya dahilan para agad siyang kumawala mula sa pagkakayakap ng binata. Nang harapin niya si Edward ay malaki ang pagkakangiti nito bago isinara ang pinto.
Napatakip ang dalaga sa bibig. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nang hawakan niya ang balikat kung saan dumampi ang labi ni Edward ay may kung anong init siyang nararamdaman doon na para bang naiwan ang labi ro'n ng binata. Pinilit na pinakalma ni Maymay ang sarili t'saka siya nagtatakbo papasok ng banyo para maligo.
Nang maisara ni Edward ang pinto ng kwarto niya ay ngingiti ngiti siyang humiga na sa kama. Hindi pa rin matukoy kung paanong nagagawang baguhin ni Maymay ang nararamdaman niya ng gano'n gano'n na lang.
"I think I'm going crazy! What are you doing to me, Marydale?" Sambit ng binata bago niya ipinikit ang mga mata ng may ngiti pa rin sa labi.
"Maymay iha, may tawag para sa'yo," pukaw ni Mommy Cathy nang sagutin nito ang cellphone niya sa kalagitnaan ng pag-kain nila ng agahan.
Agad na tumayo si Maymay para sagutin 'yon na sinundan naman ng tingin ni Edward.
"Who is it, hon?" Tanong ni Daddy Kevin.
"Manager niya," sagot ni Mommy Cathy nakaagaw sa atensyon ng binata.
"Manager? Ano bang work ni Marydale, mom?" Usisa ng binata.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mommy Cathy. "Hindi pa ba niya nasasabi sa'yo?"
"What do you mean?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Bakas sa mukha ang pagtataka. "Anak, kailan ka ba huling nanood ng TV?"
Umarko ang isang kilay ni Edward. "Mom, I'm always in my mini library and doing my research. What do you expect? Bukod do'n ay ako rin ang tumutulong na mag-asikaso sa rancho natin, kung nakakalimutan niyo po."
Bahagyang tumawa ang ginang. "Well, go check your phone and Google her name. Malalaman mo kung sino na ngayon ang crush mong Marydale noon. Pero noon nga lang ba? O hanggang ngayon?"
"Mom!" Bumaling ang binata sa kanyang ama. "Dad! Can you make her stop doing that? Pairing me and Marydale—"
Natigilan sa pagsasalita si Edward nang makabalik na si Maymay sa pagkakaupo. "Tita, huwag niyo na pong ipilit. Mamaya ma-in love pa ng tuluyan si Edwardo sa'kin e. Wala akong balak na ma-in love sa taong never akong magugustuhan," nakangiti mang sinabi 'yon ng dalaga, halata namang hindi 'yon biro lang sa tono ng pananalita niya.
"Marydale, that's not what I meant."
"E ano?"
"If I am to fall in love with you, gusto ko, ako mismo ang makakaalam no'n. Hindi 'yong puro joke lang at tukso na nanggagaling sa iba. Gusto ko sa akin manggagaling at ako ang magsasabi sa'yong gusto kita o na mahal kita."
Natigilan sa pag-subo ang mag-asawa kasama na si Maymay na ngayon ay matamang nakatingin kay Edward. Nang mapansin 'yon ng binata ay umiling ito at uminom ng tubig. Nakaramdam ng hiya nang mapagtanto ang sinabi sa harapan ng mga magulang niya at kay Maymay.
Napangiti si Maymay nang marinig 'yon. Sa isip niya ay napaka-swerte ng babaeng mamahalin ng binata. Napailing siya. Nang mag-simula siyang sumubo ulit ng pagkain t'saka manguya at malunok 'yon ay bumaling siya kina Mommy Cathy at Daddy Kevin.
"Tito. Tita." Ngumiti ang dalaga. "Susunduin na ako bukas ni Papa Joe."
Agad na nalungkot ang mag-asawa nang marinig 'yon habang si Edward naman ay bahagyang napakunot noo ngunit agad din niyang pinigilan. Pinilit na kinalma ang sarili kahit na gusto niyang tanungin ang dalaga kung bakit kailangan na nitong umalis.
But then, he shook his head. Nakalimutan niya nga pa lang hindi magtatagal si Maymay sa kanila. Pinunasan ng binata ang bibig gamit ang table napkin t'saka siya tumayo na nakaagaw pansin sa kanyang mga magulang at sa babaeng gusto niyang makausap nang sandaling 'yon. "I'm going out early today." Bumaling siya kay Maymay. "Do you wanna go with me?"
"Ha? 'Di pa ako tapos kumain."
"It's fine. I'll wait for you outside."
Mabagal ang naging pagtango ang dalaga dahil nagtataka siya sa inaakto ng binata. Nang tumalikod si Edward ay mabilis siyang bumaling sa mga magulang nito. Nakangiti na silang pareho sa kanya.
"Ma-mi-miss ka lang no'n iha," ani Tita Cathy na nagpangiti sa kanya.
"You guys have a lot to talk about today. Hindi pa pala alam ni Edward kung anong trabaho mo. Pati rin ba kung bakit ka nandito iha?" dagdag ni Tito Kevin na nagpatangong muli sa dalaga.
They told him to search her name on Google, so he did—at hindi siya makapaniwala sa mga nakita niya tungkol sa dalaga. Bukod sa mga pictures nitong nakakalat nga sa Google ay meron ding mga articles.
Marydale Ruby Entrata and Blake Anderson, Already married?: A known international model and the multi-billionaire bachelor are said...Read more.
Marydale Ruby Entrata Scandal: She is a known international model who works...Read more.
Marydale Ruby Entrata Committed Suicide: After the said loss of her mother, the known international model tried to kill herself...Read more.
Marydale Ruby Entrata Called off Her Wedding with Blake Anderson: As soon as they...Read more.
Marydale Ruby Entrata Has Gone Insane: Read more..
"Ano? Na-search mo na pangalan ko?" Mabilis na nalingon ni Edward ang nagmamay-ari ng pangalang nakita niya sa Google. Kinuha niya ang cellphone ni Edward at ini-scroll din 'yon. "Grabe 'no?"
"What happened to Tita Lourdes?" 'Yon ang pinaka-umagaw sa pansin ni Edward nang mabasa ang mga sunod-sunod na article tungkol sa dalaga.
"Akala ko ba may pupuntahan tayo?" Pag-iiba ng topic ni Maymay. Hindi dahil sa ayaw niyang sagutin ang tanong ni Edward, kundi dahil gusto niyang puntahan si Panther nang sandaling 'yon. "Pwede ba akong mag-suggest? Tara sa rancho."
Si Panther ay ang kabayong binili ng kanyang ina na iniregalo sa kanilang dalawa ni Edward. Pareho silang masaya ni Edward nang matanggap ang regalong 'yon.
"Wala na si Mama," panimula ni Maymay t'saka niya sinimulang himasin si Panther. "Last year, lumala ang cancer niya na mismong katawan niya sumuko na kahit pa lagi niyang sinasabi sa'kin, Anak, magiging okay din ang lahat. Magiging okay din ako,"—nagsimulang tumulo ang luha niya kaya naman yumakap siya kay Panther—"Mawala man ako, magkikita pa naman tayo 'di ba?"
Hindi agad nakapagsalita si Edward. He feels so sorry for her. "I'm so sorry to hear that." Hindi mapigilang makaramdam ng lungkot ang binata dahil naging mabait sa kanya ang mga magulang ng dalaga lalo na ang Tita Lourdes niya. "But did you really tried to kill—I mean, hurt yourself?"
Mapait ang naging pagtawa ng dalaga. "No. Magaling lang silang gumawa ng kwento dahil hindi ako nakapagparamdam agad-agad after ng libing ni Mama. T'saka may takot ako sa Diyos. Turo 'yon ng mga magulang ko. At hindi ko kayang iwanan si Papa. Kung anong sakit na nararamdaman ko nang mawala si Mama, sigurado akong triple sa kanya." Gamit ang likuran ng palad ay pinunasan niya ang luhang sunod-sunod na pumapatak kahit ayaw niya. "And then, I got sick—mild depression, dahilan para tumigil akong tuluyan sa pagtatrabaho at hindi ituloy ang pagpapakasal sa ex fiancé ko. Pero bago pa man kami maghiwalay noon, he did something so stupid na naging dahilan kung bakit kailangan kong ma-i-admit sa psychiatric hospital. He tried to rape me—na binaliktad niya dahil nakatakas ako. Ang hindi ko alam, kinuhanan niya 'yon ng video. At dahil siyempre mayaman siya, nakalusot siya. Idagdag pang kumalat ang video, poof! Scandal made by Marydale Ruby Entrata ang tema—"
Mabilis na niyakap ni Edward ang dalaga na nagpahagulgol muli rito. He's so warm, sa isip ng dalaga na para bang nang-aalo yakap na 'yon ng binata sa kanya. Hindi lang pisikal, pati na rin ang puso't isipan niya. Nagawa rin ng yakap na 'yon na pakalmahin siya.
"Mahirap magpanggap na maging masaya, Edward. The doctor said I'm already fine, pero pakiramdam ko, may nawala sa'kin na walang sino mang makakapagpuna no'n. But I'm trying. Everyday is a struggle but I'm trying. Kaya sabi ni Papa Joe, baka makatulong sa akin kapag bumalik ako rito dahil isa ang lugar na 'to na maraming masasayang alaala—"
"Ssshhh.. You're going to be fine. I'll be with you, Marydale. Just let me in."
Umiling ang dalaga. "I'm a big mess, Edward. My whole life is a giant mess that can't be fix. At ayokong idamay ka—"
Isang paraan lang ang ginawa ng binata para patigilin sa pagsasalita ang dalaga. At 'yon ay ang sakupin ang labi nito gamit ang labi niya. Maymay tried to escape—sinubukan niyang itulak ang dibdib ng binata pero sadyang mas malakas ito sa kanya.
Unti-unting humiwalay ang binata nang kumalma ang dalaga. Tinitigan niya ito sa mga mata. Determinadong makumbinsi ang dalaga. "Stay here. Stay with me. I can take care of you, Marydale." Maymay stayed quiet. Hindi nito malaman ang isasagot sa kanyang kababata. Kaya naman muli na lang siyang niyakap ni Edward nang makita sa dalaga na hindi nito alam ang isasagot.
Pagdating ng bahay nina Edward na nakaalalay kay Maymay ay sinalubong sila nina Mommy Cathy at Daddy Kevin. Agad na sumenyas si Edward sa mga magulang na hayaan na muna sila na agad namang na-gets ng mag-asawa kaya hindi na nila tinanong pa ang mga ito.
Dineretso ng binata ang dalaga sa kwarto nito t'saka siya inalalayang makahiga sa kama. Wala pa rin itong imik hanggang makahiga. Pakiramdam ng dalaga ay parang hinang hina siya. Ni ayaw niya ngang umalis sa kuwadra kanina kung hindi lang nagpumilit ang binata.
"Try to rest for a while. Mag-aakyat ako ng pagkain natin."
"Hindi ako nagugutom," agad na sagot ni Maymay t'saka niya hinarap si Edward. "Gusto kong matulog. . ." Bumuntong hininga ang dalaga. "Sleep with me."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binata at mabilis na napalunok. "W-what—"
"Tabihan mo akong matulog," pagkaklaro ng dalaga na nagpahupa sa kung anong hindi pang-inosenteng naisip ni Edward.
To be continued..
Diko talaga alam ang ilalagay kong title. Mahaba to kaya puputulin ko na rito haha last na drama na to. Masyadong heavy. Malungkot siguro ako nung sinusulat ko to lol
—KyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro