Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Our Unforgettable Disaster 2 (Ending)

"Good morning, Sir."

"Good morning, Dyna," masigla at nakangiting bati ni Edward sa dalaga na nagpaganda sa umaga nito. "Si Maymay?"

Kaya pala good mood. May Maymay kasi, sa isip ni Dyna habang nangingiti itong sumagot sa binata. "Nasa loob na po ng opisina ninyo, Sir."

"Thanks."

"You're welcome po, Sir."

Mas lalong lumaki ang ngiti ng binata nang makita nga ang dalaga sa loob ng opisina. May mga hawak itong folder at nang makita siya ay agad na tumayo ito at ibinigay ang mga folder na 'yon sa kanya.

"Magiging busy ka ngayong umaga, boss. T'saka. . ." Bumalik sa desk ang dalaga para kuhanin ang kape na binili niya para sa binata. Ngunit hindi pa man siya nakakaharap ay mabilis na niyakap ni Edward mula sa likuran ang dalaga na ikinagulat nito. "Edward, nasa trabaho tayo." Tinapik niya ang braso ng binata pero hindi 'uon naging dahilan para kumawala ang binata.

"Good morning, Maymay," masuyong bati ng binata t'saka niya hinalikan ang balikat ng dalaga. Naka-off shoulder dress kasi ito kaya malayang pinaulanan ng binata ng halik ang magkabilang balikat na 'yon ng dalaga.

Napangiti naman si Maymay, na akala mo parang kinikiliti. Pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi pupwede sa kanyang maging gano'n ang binata kapag nasa trabaho sila.

Hinawakan ng dalaga ang magkabilang braso ng binata t'saka niya iyon inalis mula sa pagkakayakap sa bewang niya. Nang harapin niya ang binata ay pinitik niya ang noo nito. "Baliw ka na ba?"

"Yes, Ma'am Maymay."

Hindi alam ng dalaga kung matatawa siya o magagalit sa inaasta ng binata. "Pasaway ka e 'no? Oh heto. Kape mo." Inabot ng dalaga ang hawak ngang kape sa binata t'saka siya umupo na at nagsimula na ulit magtrabaho.

"Where's my good morning kiss?"

Sarkastikong ngumiti ang dalaga at natatawang umirap. "Work na."

"Maymay. . ." Nakalabi na naman ang binata kaya naman napailing na lang ang dalaga.

"Nag-breakfast ka?"

"Yeah," matamlay na sagot ng binata. Bahagya pa nga itong napanguso nang hindi na siya nilingon pa ng dalaga.

"Good."

"That's it?" Nang mailapag ng binata ang coffee mug na binigay ng dalaga sa table niya ay sinunod niyang nang hubarin ang coat niya.

Agad namang naagaw ang atensyon ni Maymay nang maamoy ang pamilyar at gustong gusto niyang amoy ng binata. Nakita niya tuloy ang nakabusangot na mukha nito kaya palihim siyang natawa.

"Kung wala kang biglaang meeting mamayang lunch, gusto mo sabay tayong mag-lunch?"

Agad na nagliwanag ang mukha ng binata at mabilis na tumango. "Yes. Of course! I would love that."

Nakangiting tinanguan ng dalaga ang binata bago ito nag-focus muli sa trabaho niya. Si Edward naman na masayang masaya sa narinig ay kala mo naka-inom ng energy drink nang simulang basahin at pirmahan ang documents na iniabot ng dalaga sa kanya habang iniinom ang kape na gawa ng dalaga para sa kanya.

"Maymay, last day mo na raw bukas?"

Tumango ang dalaga. "Ang bilis 'no?"

"Kaya pala dikit na dikit sa'yo si Sir Edward e. Achecheche..." Tukso ni Dyna kaya naman napailing ang dalaga.

"Huwag mong bigyan ng malisya. Naging close lang talaga kami."

"Hay nako! Huwag ako, Maymay! Huwag ako! Kitang kita kay Sir kung gaano siya ka-in love sa'yo 'no. Ikaw lang 'tong tanggi ng tanggi at magaling sumagot e. Habang si Sir, konti na lang, madudulas na siyang may relasyon kayo."

Mabilis na isinubo ni Maymay ang donut na hawak sa bibig ni Dyna. "'Yang bunganga mo. Mamaya may makarinig sa'yo, matsismis pa kami at mainggit sila." Parehong tumawa ang dalaga pero agad ding huminto si Maymay. "Char! Wala kaming relasyon." Putol niya sa imagination na kasiyahan ni Dyna.

Nakairap na nginuya ni Dyna ang donut t'saka niya nginusuan ang dalaga. "Sarap mo ring sabunutan 'no? Hindi ko alam kung nagta-tanga-tanga-han ka o talagang binabalewala mo lang si Sir Edward? Wala ka bang gusto sa kanya?"

Maka-ilang beses na nagpa-ulit ulit ang tanong na 'yon ni Dyna sa isipan ng dalaga. Sa huli ay napatanong din siya sa sarili niya. "Gusto?" Nagpakawala ng sarkastikong tawa ang dalaga. "Work work lang tayo. Walang gano'n."

"Ay. Iba. Iba ka ring talaga. Iwas pa more."

"Kung anong nakikita mo sa'ming dalawa, 'yon na 'yon. Walang hihigit at walang kukulang."

Napangiti si Dyna na halos maningkit na ang mata sa kilig na nararamdaman nang marinig ang sagot ni Maymay. "So, in love na inlove nga sa'yo si Sir Edward at ikaw malapit nang magkagusto sa kanya?"

Isinubong muli si Maymay ang donut kay Dyna. "Baliw ka talaga," natatawang komento na lang niya.

Nasa kalagitnaan ng pang-aasar si Dyna dito nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad namang sinagot 'yon ni Maymay nang makitang si Edward ang caller.

"Hello?"

"Where are you?"

"Nasa labas lang ng building. Sa Twinnie Brad Café."

"Oh, okay. I'm on my way to pick you up."

"Ha? Bakit?"

"Let's go on a date."

Nangunot ang noo ng dalaga. "Oras ng trabaho—"

"Maymay, this will be your last day. Can you just say yes for once?"

Nilingon ni Maymay si Dyna na tumayo na at nagpaalam na kailangan niya nang bumalik sa trabaho. Tinanguan niya naman ito at kinawayan nang makalabas ng café.

"Sige na nga. Hintayin na lang kita rito."

"Okay. Be there in 10."

Nang maibaba ni Maymay ang tawag ay hinintay niya nga doon ang binata. Wala pa ngang 10 minutes ay nakita niya na itong kumakaway sa kanya sa labas ng café habang nakasakay sa sasakyan nito. Agad naman na siyang lumabas at sumakay sa sasakyan ng binata.

"Sa'n tayo pupunta?"

"Seatbelt."

Agad na sinunod naman ng dalaga ang binata. Nang hindi niya na naman mahila 'yon at nakangiting hinawakan ni Edward ang kamay niya para ito na ang mag-ayos.

"Salamat."

"You're welcome," ani Edward t'saka niya hinalikan sa noo ang dalaga. Susuwayin sana ni Maymay ito pero nang makitang masaya ang binata sa ginawa ay pinaglagpas niya na lang 'yon.

"Sa'n nga tayo pupunta, Edward?"

"Mall."

"Ha? Mall?"

"Yep. May imi-meet tayo."

"Sino?"

Ngitian lang siya ng binata at hindi sinagot. Hindi naman na siya nag-abalang magtanong dahil mukhang walang balak na sabihin ng binata kung sino ang imi-meet nga nila doon.

Hindi na nawala ang ngiti sa labi ni Edward habang hawak ang kamay ng dalaga. Nagtataka man si Maymay sa sayang nakikita ngayon sa binata ay nag-go with the flow na lang siya rito. Ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng isang restaurant. May kinawayan ang binata roon na sinundan naman ng tingin ng dalaga. Kilala ng dalaga kung sino ang kasama ng isang ginang at sigurado siyang ama 'yon ni Edward.

"Dad! Mom!"

Nanlaki ang mga mata ni Maymay nang marinig ang dalawang salita na 'yon. Mabilis niyang hinila ang kamay niyang hawak ng binata pero mas mabilis si Edward nang hawakan niyang muli ang kamay ng dalaga. Binitiwan lang 'yon ni Edward nang tuluyan na makalapit na nga sila sa magulang ng binata.

Humalik ang binata kay Mommy Cathy habang si Mommy Cathy ay hindi na natanggal ang tingin kay Maymay na ngayon ay nakayuko at nakahawak sa braso. Nagdadalawang isip kung tatakbo ba siya na pwedeng maging kahihiyan niya o kunwaring hihimatayin para hindi makilala ang mga ito.

"Mom, Dad, meet Maymay," nakangiting pagpapakilala ng binata sa dalaga t'saka siya humarap dito. "Maymay, you already meet my Dad, but this is my Mom."

Okay. 3, 2, 1–ngiti. Naiilang na ngumiti ang dalaga pero sinigurado niyang maganda ang pagkakangiti niya sa mga magulang ng binata. Hindi naman kasi sa ayaw niyang makilala ang mga ito. Hindi lang talaga ready.

At wala naman siyang balak na makilala ang mga magulang ni Edward at the first place. Anong sasabihin niya kapag nagtanong sila kung anong estado ng relasyon nila?

"Hello po. Maymay po, secretary po ni Sir Edward—"

"She's the one I'm talking about." Singit ni Edward kaya naman bahagyang kumunot ang noo ni Maymay.

Anong talking about? Sa isip ng dalaga.

"Hello, iha. Tawagin mo na lang akong Tita Cathy. Hindi ko naman akalaing ngayon ipapakilala ni Edward ang nililigawan niya," nakangiting sabi ni Mommy Cathy.

"Po?" Nilingon ni Maymay ang binata. "Nililigawan? Ha-ha-e-he. . ." Hindi niya malaman kung iiyak ba siya o tatawa na feeling. Hindi niya ugaling magsinungaling kaya hindi niya alam ang isasagot sa ginang.

Napahawak naman sa batok si Edward. Nahihiya. Kulang na lang e buong mukha ang mamula kahit pa alam niyang namumula na ang tenga niya dahil sa hiyang nararamdaman, but at the same time, proud na proud na iharap ang dalaga sa mga magulang.

"Nice to meet you again, Maymay," pukaw ni Daddy Kevin. Malaki ang pagkakangiti na akala mo e nakilala na ang daughter-in-law.

Kumaway ang dalaga. "Hello again po," nakangiting bati niya rito.

"Sige na, maupo na kayo," ani Mommy Cathy nang mahalatang nahihiya pa ang dalaga na makaharap sila.

Nang alalayan ni Edward na umupo si Maymay ay may pasimpleng hila ng laylayan ng coat ng binata ang dalaga. Na-gets naman 'yon ni Edward kaya inilapit niya ang tenga sa dalaga nang makaupo na sa tabi niya.

"Ano 'to? Bakit may ganito?"

Si Edward naman ang bumulong sa dalaga. "I want you to meet them. And they've been bugging me to meet you. That's why I brought you here."

"Hindi mo man lang muna ako tinanong?"

"Do I have to?"

"Kailan mo pa ako nililigawan?"

Kumunot ang noo ng binata. "Maymay!"

"What?" Naguguluhan at mahinang bulalas ng dalaga.

Napailing ang binata. Hindi makapaniwala sa tinanong ng dalaga. "Let's talk about it later."

Nagtinginan ang mag-asawa nang makitang biglang nagbago ang mukha ng anak nila. Tinapik naman ni Daddy Kevin ang binti ng asawa, pasimpleng gesture na nagsasabing, let them be.

Nakonsensya ang dalaga nang makitang nawala ang kasiyahan sa mukha nito. Yumuko siya at humugot ng malalim na paghinga. Ang kanya lang naman, kung alam niyang makikilala niya ngayon ang parents ng binata, gusto niyang handa na siya, nga lang sa ngayon, sa tingin niya hindi 'yon maintindihan ng binata.

Nang makita ni Maymay na naguusap ang mag-asawa at wala sa kanila ni Edward ang atensyon ng mga ito ay pasimple niyang hinawakan at hinaplos ang braso ng binata. Nilingon naman siya ni Edward. Bakas pa rin na matamlay na ito at wala ng gana nang sandaling 'yon.

"Sorry."

"Nah. It's my fault anyway. I should've told you about this."

Umiling ang dalaga. "Ayokong makita kang ganyan."

Matamang tinitigan ng binata ang dalaga at pinisil ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Is it too early for you to meet them?"

Ayaw magsinungaling ng dalaga kaya naman unti unti siyang tumango. Nakonsensya tuloy ang binata kaya naman tinapik nito ang binti ng dalaga na tila naunawaan na ang sitwasyon ni Maymay.

Nasulyapan ni Mommy Cathy ang patagong ginagawa ng dalaga kaya naman palihim siyang ngumiti. "Iha?"

Pasimpleng binitwan ni Maymay ang braso ni Edward nang marinig niyang tawagin siya ng ginang. "Po?"

"Pasyal ka sa bahay kapag may free time ka ha?" Nakaramdam ang ginang na mas lalo niya lang gustong makilala ang dalaga kaya naman 'yon ang naisip niyang paraan para makasama ito.

Magiliw na ngumiti naman si Maymay dahil sa kabaitang pinapakita sa kanya ng ginang. "Sige po. Salamat po sa pag-i-imbita."

"Naku. Wala 'yon iha," nakangiting sagot pa rin ng ginang bago siya bumaling sa anak. "May inimbitahan pala ako ngayon 'nak."

"Huh? Sino po?"

"Si Chasity."

Agad na kumunot ang noo ni Edward. Nagtatanong ang mga mata. Sa pagkakaalam kasi ng binata ay hindi close ang ina kay Chasity.

Bahagyang tumawa ang ginang. "Naging close kami nitong nakaraang araw dahil kasama siya sa cooking class na pinapasukan ko."

"And?"

"Well, naging girlfriend mo naman siya dati so, naisip kong imbitahan siya ngayon dito."

"Mom!" Hindi na maipinta ang mukha ng binata na ipinagtaka ng dalaga. Si Daddy Kevin naman ay busy na may kausap sa phone kaya hindi sumasali sa usapan.

"Bakit? Hindi ba kayo pwedeng maging magkaibigan?"

"Mom, we can't be friends. She's an ex girlfriend."

Napasandal ang dalaga sa narinig mula sa mag-ina. Napapaisip kung mag-s-stay pa ba siya roon o hindi na na kanina niya pa nga pinagiisipan.

Pero sa totoo lang, ayaw niya rin kasi kung anong naririnig na pinag-uusapan ngayon ng mag-ina. At hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkairita.

"Yes we can. Unless bitter ka pa rin?"

Sabay sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. And there she is, si Chasity. Sa isip ng binata ay hindi pa rin ito nagbabago. Gano'n pa rin manamit. Gano'n pa rin ang ngiti. Gano'n pa rin ang titig ng mga mata ng dalaga sa kanya. Ngunit sa puso niya ay wala ng epekto 'yon. Kung dati ay kulang na lang sundan niya ito sa lahat ng events na pupuntahan niya, ngayon, ni hindi na siya makaramdam ng galit at inis dito na akala niyang mararamdaman niya kapag nakita niyang muli ang dalaga.

Ang ganda niya! Sa isip ni Maymay. Napatingin tuloy siya sa sarili at naikumpara ang suot niya sa suot ng dalaga. Kung siya matangkad at payat, si Chasity ay sakto lang ang tangkad pero malaman.

Siguro hayahay ang buhay ng Edward na 'to sa kanya noon? Nakaramdam ng inis ang dalaga nang maisip 'yon sa 'di malamang dahilan. Pero sinikap niyang ngitian ito nang magawi ang mga mata ni Chasity sa kanya. Ngunit saglit lang 'yon dahil wala pa man sa kalahati ang gagawin niyang pagngiti ay hindi na nag-abala pang titigan siya ni Chasity dahil mabilis itong tumabi sa kinauupuan ni Edward.

"Hi po Tita. Hi po Tito," masayang bati ni Chasity sa mga magulang ng binata. "How are you po, Tito Kevin?"

"I'm great iha. How have you been?"

"Beautiful as always po Tito," biro ni Chasity dahilan para mapangiti ang mag-asawa.

"Like, where?" Basag naman ni Edward.

"Like, everywhere." Basag din ni Chasity kaya naman nagtawanang muli ang mag-asawa.

Si Maymay na kiming ngumingiti ngiti lang ay wala sa sariling napainom ng tubig. Na-OP ata siya bigla. Lalo na nang magkamustahan at magkwentuhan ang mga ito.

"I heard you're looking for a new secretary. Gusto mong ako na lang, Ed?"

Ed? Ed??? Oh. My. Gosh. Ed daw beshy! Ed! Sa isip ng dalaga.

"No. I still have my secretary. Oh yeah—"

Oo, Edward. Nandito pa ako. Naiinis na sabi ng isip ng dalaga. Kung nailalabas lang ang utak e kanina pang hinayaan ng dalaga na sapakin ng utak niya ang binata dahil sa ngayon lang ulit siya napansin nito.

"Chasity, meet Maymay. She's my secretary."

"Hi. Nice to meet you," nakangiting baling ni Chasity sa dalaga.

Agad naman ngumiti si Maymay. "Nice to meet you too." Kahit pa gusto niyang ipaalala kay Edward na last day niya na ngayon, parang meron may kung anong bumubulong sa kanyang hindi na siya mag-re-resign.

"So, bakit siya nandito? Oras pa rin ba ng trabaho? Wait." Hinawakan ni Chasity ang dibdib ni Edward na ikinagulat nilang lahat. Lalo na si Maymay. "Don't tell me hindi ka na nagpupunta ng gym at lagi kang nasa trabaho? Ano ba 'yan Edward. Sinabi ko naman sa'yong alagaan mo ang katawan mo."

Tinabig ng binata ang kamay ng dalaga. "I'm good. And I already have someone that takes good care of me. Kaya I'm good." Nilingon ng binata si Maymay at hinawakan ang kamay nito t'saka nginitian. "Right?" Nangingiti namang tumango si Maymay. Sa loob loob niya ay may naramdaman siyang tuwa nang sabihin 'yon ni Edward.

Iba.. iba rin talaga ang moves ng lalaking 'to, sa isip niya.

Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Chasity nang marinig 'yon at makita ang ginawa ni Edward kay Maymay. "That's great then." Pilit na ngumiti ito. "Grabe siya Maymay 'no? Ang pabaya sa sarili. Masyadong pa-baby."

Nakangiting nilingon ni Maymay ang binata. Magiliw naman siyang nginitian pabalik nito. "Hindi naman. Nung nakilala ko siya, mukhang okay naman siya. Ako nga ang madalas niyang alagaan."

"Of course. That's how much I love you."

Napangisi si Maymay. Tinatago ang kilig nang marinig 'yon mula sa binata. Dahil 'yon ang unang pagkakataon na sinabi ni Edward sa kanya na mahal niya ito. Napahawak tuloy siya sa pisngi ng binata at iniiwas ang mukha nito dahil sa ginawang paglapit nito sa mukha niya. "Oh tama na. Tama na. Lumalaki na ulo ko." Grabe ang korni! Pero ramdam ang kilig e 'no? Kakalma pa ba ako nito?

"What?" Bahagyang tumawa ang binata kasabay ng paghawak niya sa kamay ng dalaga para pigilan ito sa pagtulak ng mukha niya. "It's true!"

Napailing na lang ang dalaga nang maging malambing na naman ang boses ng binata. Nakalimutan na tuloy nitong may iba pa silang kasama at huli na nang mapansin niya ang tingin ng mga magulang ni Edward sa kanilang dalawa.

"Pasensya na po."

Umiling ang ginang. "That's okay iha. Ang cute niyo ngang dalawa e."

"Seeing him like that?" Umiling si Daddy Kevin. "That's like once in a blue moon," ani Daddy Kevin na nagpa-blush sa pisngi niya. Nakaramdam ng hiya.

Nakakaloko namang ngumiti si Edward nang mapansin ang pamumula ng dalaga kaya naman tinangka niyang kilitiin ito. Agad na sinuway ni Maymay ang binata pero ayaw paawat nito kaya naman tinakpan niya na lang ang bibig habang patuloy pa ring pinipigilan ang kamay nitong sumusundot sa tagiliran niya.

"Okay. You guys are PDA'ing too much," pukaw sa kanila ni Chasity kaya naman pinilit na tumahimik ng dalawa. Sina Mommy Cathy at Daddy Kevin na natutuwa sa dalawa ay napailing at natatawa naman ng sandaling 'yon.

Nang maunang umalis sina Mommy Cathy at Daddy Kevin ay naiwan ang tatlo sa restaurant. Mabilis na nagbago ang ugali ni Chasity na ikinagulat ni Maymay.

"That's what I thought," bulong ng binata nang makita niya ang pag-irap nito kay Maymay.

"Ang landi niyo ring dalawa e 'no? Talagang sa harap pa nina tito at tita."

"What?" Kumunot ang noo ng binata.

"What?" Panggagaya ni Chasity t'saka siya umiling. "Anyway, naikwento na ba ako sa'yo ni Edward, Maymay?"

"Chasity," suway ni Edward.

"Nagtatanong lang."

Hinayaan na lang ni Maymay na magsalita ito. Pasimpleng tinapik pa ni Maymay ang braso ni Edward para hindi na ito mag-effort na suwayin ang babae.

"Hindi ka niya nai-kwento. If ever man, para saan pa na kailangan kong malaman ang tungkol sa'yo?"

Tumaas ang kilay ni Chasity. Kasabay no'n ay ang sarkastikong pagbuga niya ng hangin sa kawalan. "'Coz I'm his ex girlfriend. Bago mo pa siya nakilala, kilalang kilala ko na siya."

Gustong matawa ng dalaga sa inaasal ng babae. Napaka-immature. Hinding hindi siya bumababa sa mga ganitong level ng mga pagtataray dahil para sa kanya magsasayang lang siya ng oras kapag pinatulan ito. "Tapos?"

Ngumisi si Chasity. Tila nangaasar. "Mula ulo hanggang paa. Pati sa kama."

"Chasity!" Suway ni Edward. "What's wrong with you? What are you trying to do?"

Muli ay pinigilan lang ni Maymay ang binata. Okay that's it, tila may narinig na snap somewhere ang dalaga nang marinig 'yon. Si Edward naman ay inis na napailing dahil mas lalo pa niyang hindi nagugustuhan ang ugali ngayon ni Chasity.

"Okay. Gano'n mo pala siya kakilala e. So alam mo na rin siguro kung paano niya akong tratuhin ngayon 'di ba? Malay mo, doble pa. O triple pa. Malaki naman na siguro ang ipinagbago niya. Lalo na dito." Hinaplos ng dalaga ang dibdib ng binata na bahagyang ikinagulat ni Edward. Ipinaikot ikot pa niya ang daliri doon na akala mo gumuguhit ng spiral. Iniayos pa niya ang butones ng polo ng binata at isinarado 'yon. Nagdadamot. Nangaangkin. Mga kamay na nagpapakitang mula ngayon ay kamay lang niya ang pwedeng makadapo doon. Napalunok tuloy ang binata. Biglang parang umiba ang ihip ng hangin. At nang titigan siya ng dalaga ay para bang nilulunod siya ng mga matang 'yon. "I mean, sa puso niya. Malaki ang ipinagbago nito. Kung noon ikaw ang mahal, ngayon, ako na ang laman." Mabilis na itinaas baba ni Maymay ang kilay sa binata. Bahagya pang natawa ito nang makita ang reaksyon ng binata kaya bahagya nitong pinisil ang napakatangos nitong ilong na nagpangiti rito.

Agaw pansin ang ginawang pagtayo ni Chasity dahil pabagsak niyang inilapag ang dalang hand bag sa ibabaw ng mesa. Nang lingunin siya nina Maymay at Edward na ngayon ay mataman lang na nakatitig sa kanya ay inis siyang umirap at walang paalam na naglakad na palayo. Nagtinginan naman ang dalawa at sabay na natawa.

"Kain pa tayo. Gutom pa ako," yaya ni Maymay.

"Pizza?"

"Lasagna," nakangiting tugon ng dalaga t'saka siya tumayo at humawak sa braso ng binata.

Sa labas pinili ng dalawa na umupo. Nang makapag-order sila ay parehong nanahimik ang mga ito. Habang inililibot ni Maymay ang mga mata sa paligid, si Edward naman ay piniling titigan lang ang dalaga.

"Matunaw ako, boss."

"Don't leave."

Nangalumbaba ang dalaga at tinitigan ang binata. "As your secretary?"

"Don't leave me. And yeah. That one too."

She wrinkled her nose at him. "Korni mo, boss."

Nagpakawala ng bahagyang pagtawa ang binata. "And that's fine right? We like each other after all."

"We do?" Sarkastikong tanong ng dalaga. Tumatango tango.

"Yeah. I mean, we get along. It's like bagoong which is you, and me as mangga. At first glance, it might not look like we go together, but everybody knows that, we belong." Magiliw na ngumiti ang binata. Ngiting magpapakilig sa mga babaeng first time siyang makikita. "Together. Bagoong, mangga."

"Hmm. . . Bagoong?" Tinuro niya ang sarili t'saka niya tinuro ang binata. "Mangga?" Hindi makapaniwalang tumatango tango lang ang dalaga sa explanation ng binata.

"Hey! What's wrong with bagoong? Bagoong taste good according to my mom."

"Taste good?" Panggagaya ni Maymay sa kanya na nagpa-realize sa binata na iba na ang ibig sabihin ng dalaga. "Yah, Maymay! You are so—" Umiling ang binata.

"Hoy! Wala akong sinasabi ha!" Natatawang nangalumbaba ang dalaga. "Mabalik tayo sa usapan. So, ikaw at ako, ganoon?" Ipinagdikit ni Maymay ang magkabilang hintuturong daliri. "This close?"

Tumango ang binata. "We even work so well, like—I don't know." Pinamulhan ng pisngi ang binata kaya nahawakan niya 'yon at huminga ng malalim t'saka siya tumitig sa dalaga. "What are you doing to me?"

"You tell me. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo. At hindi ko alam kung anong nakikita mo sa'kin." Oo, aaminin ng dalaga na gwapo ang binata. Pero hindi kasi siya katulad ng kay Tony na noong unang beses pa lang na makita niya ay nagustuhan niya na agad.

Pero bakit ko nga ba sila pinagkukumpara? Para saan, Maymay? Unfair kay Edward 'yang ginagawa mo. Ni hindi mo pa nga alam kung may nararamdaman ka na para sa kanya, pagtatalo ng mumunting boses sa isipan ng dalaga.

Ipinatong ng dalaga ang kamay sa ibabaw ng mesa. Muling nakaagaw pansin tuloy ang singsing na suot niya na pilit na hindi pinansin ng binata. Ayaw niyang madaliin ang dalaga. Hinihiling niya lang, na sana isang araw hindi niya na makikitang suot ng dalaga ang singsing na 'yon na galing sa ex niya.

Gaya ng pakiusap ni Edward ay nag-stay nga ang dalaga sa kompanya niya. Ang kinaibahan lang nitong mga dumaang araw ay ang palaging pagpunta ni Chasity sa opisina. Para kay Maymay ay wala lang 'yon dahil naipakita niya naman na rito kung anong meron sila ni Edward. Ngunit sa panig ni Edward? Iba ang kinakalabasan no'n. Para bang hindi nagseselos si Maymay sa kanila ni Chasity. Kahit pa gaano ka-close si Chasity sa kanya.

"Ed?"

"Hmm?"

"What do you like about her?"

Sumandal sa swivel chair niya ang binata t'saka niya itinuro si Maymay. "See that? Kapag trabaho, trabaho lang. She doesn't need to focus on you, doing these kind of things—" Inalis ni Edward ang kamay ni Chasity na nakapatong sa hita niya. "'Coz she knows she already own me. Loyal ako kay Maymay. And I won't even dare to cheat on her."

Hindi alam ni Maymay kung matutuwa siya sa narinig na sinabi ng binata o matatawa sa itsura ngayon ni Chasity. Sa huli, pinili niya na lang tumayo at lumabas ng opisina para bigyan ang dalawa ng privacy. Palibhasa ay tapos na ni Edward ang lahat ng trabaho niya pati na rin ang big event noong nakaraang linggo kaya may free time ito na i-entertain nga si Chasity. Noong nakaraang linggo kasi ay walang makakalapit kay Edward dahil sa sobrang tutok nito sa trabaho.

Si Maymay lang ang pinayagan niyang makalapit ng husto sa kanya lalo na kapag tapos na ang trabaho. 🙈

Dumiretso si Maymay sa Twinnie Brad Café sa harap ng opisina nila. May natanggap din kasi siyang text kay Pat na dadaan ito roon para naman makapag-usap sila kahit sandali dahil may flight ito papuntang Singapore mamayang gabi para sa trabaho nito.

"Maymay, dito!" Kinawayan ni Pat ang kaibigan. Nagmamadali naman na lumapit si Maymay at mabilis na niyakap ang kaibigan. "Kamusta ka—nananaba ka naman masyado bebe? Ang tambok ng pisngi mo oh! T'saka teka, kailan ka pa nagkaroon ng boobs?"

Natatawang umupo si Maymay. "Buang! Malakas lang talaga akong kumain nitong mga nakaraang araw."

"Aba! Sobra sobra naman atang kain 'yan," ani Pat na umupo na rin sa tabi niya.

Nagkibit balikat ang dalaga. "Ayaw mo nun? Sa wakas nagkalaman na ako?"

"Hmm.. Iba e. Nag-go-glow ka e. Para kang buntis." Tumawa si Pat. "Pero imposible naman 'yon kasi wala ka namang jowa."

Panandaliang natahimik si Maymay pero nakisabay din agad sa pagtawa kay Pat. Bigla niyang inalala kung kailan siya huling dinalaw pero kasi, irregular siya kaya hindi niya masyadong napapansin 'yon.

"Kamusta kayo ni Edward?" Pukaw sa kanya ni Pat.

"Anong kami ka diyan?"

"Hala! Deny ka pa. E sabi sa'kin ni Tita Lorna gabi gabi ka na raw niyang hinahatid na halos hindi mo na nga nagagamit 'yong kotse mo. Sus! Nanliligaw na ba?"

"Pat?"

"Hmm? Ano nga?"

"Si Tony—"

"Halayang 'yan! Bakit na naman si Tony bebe? Jusko! Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?" Hinawakan ni Pat ang magkabilang balikat ng kaibigan. "Maymay, si Edward, siya buhay pa. Si Tony, wala na siya. Wala ka nang magagawa ro'n. Piliin mo namang maging masaya dahil alam ko namang 'yon din ang gusto ni Tony para sa'yo."

"Pero kasi—"

"Maymay, please. Please lang. Move on. Mag-move on ka na kay Tony. Okay?"

"Tony? Tony Labrusca?"

Natitigilang napatingin si Pat sa likuran ni Maymay. Habang si Maymay naman ay napapikit na lang at umiling. "Edward! Hi! Ha-haha-ha-ha-ha! Hindi ko alam na nandiyan ka pala. Ha-ha.." Napakamot na lang sa ulo si Pat nang makitang kay Maymay matamang nakatingin si Edward.

"Maymay?"

Bumuntong hininga ang dalaga bago siya lumingon sa binata. "Oh?"

"Don't Oh me. Is Tony—Tony Labrusca is your ex boyfriend?" Umiling ang binata.

"Actually, fiancé," sabat ni Pat dahilan para tapikin siya na ni Maymay sa braso.

"Fiance. . . Oh yeah. I mean, fiancé, Maymay," sarkastikong sabi na lang ng binata.

"Edward, let's talk."

"We are talking right now, Maymay."

"Uhmm.. Exit na ako. Ingat kayong dalawa. He-he. Labyoo May! Babye!" Nang makaalis si Pat ay hinawakan ni Maymay ang braso ni Edward t'saka niya iniupo ang binata sa tabi niya.

"Try to calm down."

"Calm down?" Bulalas ni Edward. "I can't! And don't tell me to calm down, Maymay." Bumuga ng hangin sa kawalan ang binata. "Why? Why didn't you tell me?"

"Alam mo naman 'di ba?"

"Pero I didn't know it was Tony."

"Hindi mo naman kailangang malaman kung sino siya, Edward."

Hindi makapaniwala ang binata nang marinig 'yon mula sa dalaga. "Hindi kailangan? Really, May?" Napailing na lang ang binata. "Me? Compared to him? Maymay, I'm nothing. And maybe, that's the reason why you can't move on. 'Coz he is way better than me. This sucks, Maymay!"

"Hindi ko na kayo pinagkukumpara, Edward. Iba ka. Iba rin siya."

"Hindi na? So you mean you've been comparing me to him ever since I started liking you? That's messed up!" Tumayo ang binata at piniling lumabas ng cafe na 'yon para magpalamig ng ulo. "Damn it! This is bullshit!" Mahinang asik ng binata nang tuluyang makalabas.

Naiwan ang dalaga na tulala sa loob ng cafe. Gusto niyang habulin si Edward pero hindi niya alam ang sasabihin dito. Ni hindi pa nga siya sigurado sa nararamdaman niya kaya ano namang sasabihin niya sa binata?

Napahawak sa noo ang dalaga at makailang ulit na humugot ng malalim na paghinga. Mabigat sa kalooban niyang makita si Edward na ganoon at naiinis siya sa sarili dahil nasaktan niya ang binata na hangga't maaari ay ayaw niyang mangyari.

Maghapon siyang hindi na pinansin ng binata. Nang subukan niyang kausapin ito ay panay lang ang iwas nito. Maghapon niya rin itong tini-text pero walang reply at puro seen lang ang napapala niya. Kahit nasa iisang opisina man sila, pakiramdam niya ay nilagyan ni Edward ng malaking imaginary wall ang katawan nito. Kaya bago umuwi ay nagpasiya si Maymay na bigyan na lang muna ng space ang binata.

"Space huh?" Bulong niya sa sarili na tila bago ang salitang 'yon sa kanya.

Nagpasiyang mag-taxi ang dalaga dahil hindi naman nga nito dala ang sasakyan. Hindi naman gano'n kakapal ang mukha niya para magpahatid nga sa binata. Si Edward naman na masama man ang loob ay nagpasiyang ihatid ang dalaga pero nauna na nga itong nakauwi. Mas lalo tuloy sumama ang mood niya dahil hindi man lang siya hinintay ng dalaga.

Pag-uwi ng bahay ni Maymay ay dumiretso siya sa banyo para maligo. Nagtagal siya roon habang pilit na iniisip at tinitimbang ang nararamdaman kay Edward—kung meron man. Matapos niya roon, habang tinutuyo ang buhok ay sinilip niya ang cellphone ngunit wala ni isang text o tawag ang nandoon mula sa binata.

Naninibago siya. Paano kasing gabi gabing nangungulit sa kanya si Edward. Panay banat sa text na akala mo hindi sila magkikita kinabukasan. At puro FaceTime call na akala mo hindi nagkita buong araw. Kapag hindi pa nakukuntento ay iiwanan nilang nakabukas ang video call nila para masilayan ng binata ang pagtulog ng dalaga. Iba 'di ba?

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto ng dalaga. Ilang beses? Ilang beses na ba siyang nagpaikot ikot sa kama habang yakap ang unan niya?

Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ng dalaga bago siya bumalikwas ng bangon at umupo. Tinitigan ang daliri kung nasaan ang singsing na bigay ni Tony.

"Tony, si Edward—" Napailing siya. Para siyang tangang nakikipag-usap sa singsing para makapagsumbong tungkol sa ginawa ni Edward sa kanya. Sa huli ay pinili niyang tumayo at tanggalin ang singsing na 'yon. Kinuha ang niya ang box no'n sa drawer at inilagay nga ang singsing doon. May naiwan mang bakas ang singsing sa daliri niya, para sa kanya, para bang gumaan ang pakiramdam niya. "Tony, thank you. Thank you for everything. Salamat sa buong pagmamahal na ibinigay mo sa akin noon. Hinding hindi kita makakalimutan. Alam mo 'yan. Pero ngayon, si Edward—gusto ko siyang mapasaya. Gusto kong suklian ng buong puso ang pagmamahal na binibigay niya." Natigilan ang dalaga. Kusang lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig niya. "Gusto ko siyang mapasaya?"

Napangiti si Maymay nang ma-realize sa sariling nagkaroon na nga ng puwang sa puso niya si Edward. "Edward. . . Tsk! Tsk!" Nilingon niya ang cellphone niya ang nakita roon na wala pa ring kahit anong notification na galing sa binata. "Humanda ka sa'kin bukas! Ang sama sama mo ah! Hindi ka talaga nagparamdam ah! Grabe ka! Handa naman akong magpaliwanag 'di ba? Maka-walk out kasi kanina dinaig pa ang model sa runway e!" Naiinis siyang humigang muli sa kama niya. Nang maipikit niya ang mga mata, naka-labing Edward na nagpapa-cute ang nag-pop out sa isipan niya. "Pasalamat ka talaga gwapo ka," aniya bago pa siya hinila ng antok.

Masama ang pakiramdam ng dalaga nang magising. Naka-ilang ulit na siyang nagpabalik balik sa CR dahil sa pagsusuka kaya naman nananakit na ang sikmura niya. "'Mama?" Tawag niya sa ina nang makababa siya ng hagdan.

"Oh? Ang aga mong nagising iha?"

"Ang sakit ng sikmura ko."

"Ayan na nga ba sinasabi ko e. Hindi ka kasi kumakain sa gabi e. Halika rito. Ipaghahanda kita ng mainit na sabaw. Gusto mo ba ng gatas? Mainit na gatas?" Tinanguan na lang ni Maymay ang ina. Pakiramdam niya nang sandaling 'yon, hinang hina siya na maski sagutin ang ina ay hindi niya magawa.

Maagang pumasok sa trabaho si Edward. Inaasahang makita ang dalaga at makausap ito. Suko na siya. Suko na siyang paibigin ang dalaga. 'Yon ang nasa isip niya buong magdamag kagabi hanggang sa magising siya, pero nang makita niya ang dalaga sa opisina ay para bang nawala ang tapang niyang sabihin dito na titigilan niya na ang dalaga.

"Edward? Ang aga mo naman."

"You too."

"Ah. . . Hmm, may kailangan akong tapusing trabaho bago ko sana ibigay sa'yo."

Hindi na sumagot ang binata. Nang hubarin niya ang coat at isabit 'yon sa coat rack ay hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang dalaga. Parang gusto tuloy tumayo ng dalaga para yakapin ang binata. Kung pwede lang na yumakap ang dalaga sa kanya ng paulit ulit, way na makapag-sorry sa binata—kaso, inuunahan siya ng hiya.

"Galit ka pa ba?"

"Oras ng trabaho, Maymay."

"Ah. Sige. Okay." Napapahiyang yumuko ang dalaga at muling nag-focus sa document na tinatapos basahin. Si Edward naman ay bahagyang nakaramdam ng konsensya nang pabalang niyang sagutin si Maymay.

Lunch break. Si Maymay na nagmamadaling makuha ang bag para makausap si Edward ay naunahan ni Chasity nang sandaling 'yon.

"Ed? Let's go out and eat. Lunch break mo na—"

"Let's go."

Nagulat si Chasity sa pagpayag ng binata, ngunit sinamantala niya 'yon para mapalapit muli kay Edward. Sa sobrang saya niya ay hinawakan niya ang braso ni Edward nang makalabas sila ng opisina na hindi naman tinabig o inalis ng binata na mas lalo niyang ikinagulat. But in the end, napa-who cares and whatever na lang si Chasity. Sa ngayon, aangkinin niyang muli si Edward.

Samanatala, kulang na lang ay sipain ni Maymay ang swivel chair ni Edward sa loob ng opisina. Halatang iniiwasan siya ng binata. Ni ayaw talaga siyang kausapin o kahit lingunin man lang. "Fine. Fine!" Bulalas ng dalaga. "Sige! Magsama kayo! Pag-untigin ko kayo e! Kainis!" Asik niya sa desk ni Edward. Oo. Para na siyang tanga, pero inis na inis talaga siya nang sandaling 'yon at sumasabay pa ang sama ng sikmura niya at ilang beses na pagduwal niya kaya makailang beses siyang nagpabalik balik sa banyo.

Dalawang linggo. Dalawang linggo siyang tiniis ni Edward. Dalawang linggo na ring magkasama sina Edward at Chasity na nagpapainit ng ulo niya tuwing nasa trabaho. At dalawang linggo na ring nagwawala ang hormones niya dahil kung ano anong nararamdaman niya at gusto niyang kainin. Kawawa nga si Pat na lagi niyang tinatawagan sa madaling araw para lumabas at maghanap ng gusto niyang kainin.

Gaya ngayon. "Ano ba kasing trip mo, Maymay? Alas-tres na ng madaling araw oh!"

"Sorry. Gutom na gutom lang talaga ako."

"Gutom na gutom? Tuwing madaling araw na lang? Kumain ka kasi sa gabi."

"Kumakain naman na ako!"

"Ha? Aba! Grabehan namang lamunan 'yan, Maymay! Daig mo pa buntis—" Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Pat t'saka niya pinaghahampas ang balikat ni Maymay.

"Ano? Bakit? Aray! Ano ba!"

"Buntis ka?"

Si Maymay naman ang nanlaki ang mga mata. "Anong buntis ka diyan? Sino namang makakabuntis sa'kin—" Natigilan ito sa pagsasalita nang may maalala. "Our unforgettable disaster?"

"Anong our ka diyan? Hoy! Umamin ka Maymay! Sasapakin na talaga kita!"

"Gaga! Kanina mo pa ako sinasapak! Teka!" Naguguluhang umupo si Maymay sa tabi ni Pat. Siniguradong walang nakakakilala sa kanila sa loob ng diner kung saan sila kumakain ngayon. Isang malaking kagat niya pa sa chicken tender bago nilingon ang kaibigan. "Buntis ako? Paano?"

Kulang na lang ay iuntog ni Pat ang noo niya sa noo ng kaibigan. Minsan kasi ang katangahan din ng kaibigan niya, iba e. "Maymay, malamang, kung sino man ang naka-churva mo, kicking and alive ang sperm cells kaya ka buntis ngayon. Ang tanong, sino 'yang naka-churva mo?"

Naguguluhang ngumunguya pa rin ang dalaga. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig mula kay Pat. "Imposible e. Isang beses lang 'yon e."

"Isang beses?" Bulalas ni Pat. "Halaya kang babae ka! Kailan ka pa natutong makipag-one night stand—"

Mabilis na isinubo ni Maymay ang chicken tender na hawak kay Pat. "Iba rin 'yang bibig mo e 'no?"

"Sino nga kasi?" Ngumunguyang tanong ni Pat.

"Sa Palawan."

"Sinong nakilala mo sa Palawan? Gano'n ba siya ka-gwapo at bumigay ka? Aba! Matindi 'yan!"

"Baliw! Hindi! Si Edward."

"Si Edward?" Kung anong inilakas ng boses niya kanina ay naging triple 'yon with matching napatayo pang nalaman si Pat.

"OA?"

"Oo! OA na kung OA! Jusko Miridil! Anong kalokohan 'yang ginawa mo? At kung ginawa niyo man 'yon, nag-goma man lang sana kayo para walang ganyan. My gosh! Mawiwindang ako sa'yo."

Napairap na lang si Maymay. "Huwag ka ngang OA. Hindi pa naman sigurado. Umupo ka nga."

"Aba! Mamayang pagsikat ng araw, sa ayaw at gusto mo, a-absent ka sa trabaho at pupunta tayo sa OB-Gyne para kumpirmahin 'yan. Ay nako! Hihimatayin si Mama Ludy kapag nalaman 'yan. Hindi ka pa man din kasal. Alam mo naman kung gaano ka-conservative 'yon."

Nangamba ang dalaga. Nangangamba man ay hindi pa rin niya magawang mawalan ng ganang kumain. Napapailing na lang si Pat habang pinapanood siya habang siya, ayon, sarap na sarap sa chicken tenders.

Hindi alam ni Maymay kung nabasa ni Edward ang text niyang hindi siya papasok. Mapilit kasi itong si Pat na madaling madali at sa kanila na nga natulog para masamahan siya sa dapat nilang puntahan. Si Mama Lorna namang nagtataka sa inaakto nilang dalawa ay napailing na lang. Madalas naman kasing ganoon silang dalawa lalo na 'pag magkasama. Ang kinaibahan lang, ang kalokohan nila noon, kalokohan lang ni Maymay ngayon.

Kinakabahang pumasok ng clinic si Maymay habang si Pat naman ay naiwan sa waiting area. Nang simula siyang tanungin ng doktor ay sinabi nga nito ang pagsusuka niya na nagsimula noong nakaraang linggo, ang pagtakaw niya sa pagkain at ang pagki-crave niya ng kung ano ano.

"Mukhang naglilihi ka nga iha," nakangiting sabi ng doktor t'saka ito naglabas ng maliit na cylindrical container at ibinigay sa dalaga. "Kailangan ko ng urine mo ha? May banyo doon sa dulo ng hallway. Pwede mong gamitin 'yon." Tumatango tangong sumunod ang dalaga sa doktor.

Naging mabilis ang resulta. Parang um-echo pa nga sa tenga niya ang pagkakasabi ng "Congratulations, you're 7 weeks pregnant" na hanggang ngayon ay nagpapawindang sa kanya.

Tulalang lumabas ng clinic ang dalaga. Sa labas ay naghihintay si Pat na ngayon ay may dalang dalawang strawberry milkshake.

"Anong balita?"

Napatakip sa ilong ang dalaga. "Ano 'yang iniinom mo? Ang baho!"

"Ano? Kailan pa naging mabaho ang strawberry milkshake—ay wala na! Confirmed ano?"

Lumabi na lang si Maymay. Maluha luhang tumango tango. "Patay ako kay Mama Ludy!" Ngawa niya. Si Pat naman na hindi mayakap ang kaibigan dahil sa dalawang baso ng strawberry milkshake na hawak na ngayon ay piniling itapon na lang t'saka niya inalo ang kaibigan.

"Anong balak mo ngayon? Kailangan mong sabihin kay Edward 'yan?" Nang sabihin 'yon ni Pat ay mas lalong ngumawa si Maymay dahil hindi pa rin nga sila magkasundo ng binata.

"Ano ba Edward? Kanina ka pa palakad lakad!" Sita ni Chasity.

"Shut up."

"Oh my gosh! I can't take this anymore!" Lumapit si Chasity sa binata at itinulak ito palapit sa binata. Nang ma-corner niya ito ay mabilis niyang sinakop ang labi ng binata. Ngunit mabilis din niyang itinulak si Chasity at kunot noong sinigawan.

"What the hell is wrong with you?"

"Dalawang linggo na tayong laging magkasama pero laging si Maymay pa rin ang nasa isip mo. May mabasa, o makita o marinig ka lang na tungkol sa kanya, kulang na lang tumakbo ka pabalik ng office mo. Edward! Hindi ka niya gusto! Dahil kung gusto ka niya, matagal niya na akong pinigilang makalapit sa'yo."

Mas lalong hindi maipinta ang mukha ng binata. Nakaramdam siya ng galit nang sandaling 'yon kaya naman hinawakan niya ang braso ni Chasity at halos ibalibag niya ito pasandal sa bintana. Nang simulan niyang halikan ang dalaga ay halos mawalan ng hininga si Chasity kaya pilit niyang itinutulak ang binata. Isa pa ay nasasaktan na siya dahil pinangigigilan ni Edward ang paghawak sa braso niya. Nang kagatin ng binata ang ibabang labi niya ay doon na siya tuluyang nasaktan kaya naman buong lakas niyang itinulak ang binata.

"What the hell, Edward?!"

"You want me right? Go ahead! I'm here. With you. Go ahead!" Sigaw ng binata. "You want me to fuck you up right?" Muling hinawakan ni Edward ang braso ni Chasity at itinaas 'yon. "Do you want me to do this to you, Chasity? I'm sorry. I'm sorry but I can't. I'm in love with Maymay. And I don't wanna hurt you even more than this." Ibinaba ng binata ang braso ni Chasity at hinaplos ang namumulang parte no'n. "You're worth loving Chasity. Don't let me do this to you."

Sa kabilang banda ay nagdesisyon na nga si Maymay na sabihin kay Edward ang pagbubuntis nito. Bubuksan niya na sana ang pinto pero may narinig siyang umiiyak mula roon.

"I still love you, Ed. I love you so much."
"I know. I know. C'mon, stop crying. I'm sorry for hurting you, Chasity."

Iyon ang narinig ni Maymay kaya naman mabilis itong tumalikod at piniling umalis na lang. Bawat pagpatak ng luha niya ay itinatago niya nang sandaling 'yon habang papalabas ng opisina.

Sa kabilang banda ay hinahaplos pa rin ni Edward ang braso ni Chasity na nasaktan niya kanina. "Does it still hurt?"

Umiling si Chasity. "I'm fine. I need to go."

"Yeah. Sure. Do you want me to drive you home? For the last time?" Dahil nakapagpasiya na ang binata na kausapin na si Maymay mamaya at puntahan ito.

Pilit na ngumiti si Chasity. "No. I'll be okay. Bye, Ed."

"You take care, Chas."

Napangiti ang dalaga nang marinig ang dating tawag sa kanya ni Edward. "You too."

Nang makapagpaalam si Chasity ay mabilis niyang inayos ang sarili. Isinuklay niya ang daliri sa buhok hanggang sa ihilamos niya ang palad sa mukha. Gusto niya na munang umuwi para makaligo at dumiretso nga sa bahay ng dalaga.

Nagkulong sa kwarto si Maymay nang araw na 'yon. Maski si Pat na hindi alam kung nakausap na ba ng kaibigan si Edward ay kinakabahan na dahil hindi nga niya alam kung anong pwedeng mangyari sa kaibigan. Hindi naman niya masabi 'yon kay Mama Lorna dahil ang dahilan ni Maymay kaya magkukulong sa kwarto ay masama ang pakiramdam niya. Umalis kasi ang ginang para mag-grocery at 'yon ang paalam nito kay Pat.

Sa huli, sumuko na muna si Pat nang hindi talaga siya kinakausap ng kaibigan. Kinukulit na rin kasi siya ng boss niyang magpakita sa opisina. Nag-re-ready na siyang umalis nang may biglang mag-doorbell na ikinagulat niya. Paanong hindi naman kasi siya magugulat e mag-isa lang siya ngayon sa napakalaking bahay na 'yon tapos yung nagdadrama niyang kaibigan nasa kwarto pa.

"Sino ba kasi tong—Edward?" Bulalas niya nang mabuksan ang pinto. "Hay nako! Salamat naman at dumating ka! Ano? Nag-usap na ba kayo? Okay lang ba si Maymay?"

"Hey, hey. Chill." Naguguluhang pinakalma ni Edward ang kaibigan ni Maymay na ngayon nga ay tinatadtad siya ngayon ng tanong.

Huminga naman ng malalim si Pat. "Ikaw na nga lang ang pumunta roon. Bahala na kayo diyan. Balitaan niyo na lang ako kung kailan ang kasal ha? Nako! Kung hindi lang talaga ako kinukulit ng boss ko ngayon e." Tumawa si Pat. "Hindi kasi ako nag-paalam na hindi ako papasok. Kaya, good bye Philippines. And good bye to you pretty boy! I'm out!"

Naiwang tulala si Edward na ngayon ay nasa loob na nga ng bahay ng dalaga. Ni wala siyang naintindihan sa sinabi ni Pat kanina kaya ngayon ay napahawak na lang siya sa batok niya.

"Tao po? Maymay?"

Agad na napabalikwas ng bangon si Maymay nang marinig ang boses ni Edward. "Tignan mo 'yan! Hanggang dito naririnig ko na ang boses niya! Waaaah! Mababaliw na ako!" Humihikbi pa rin ang dalaga nang sandaling 'yon.

"Maymay?" Muling tawag ni Edward habang naglalakad lakad na sa loob ng bahay ng dalaga.

"Hindi e." Tumayo ang dalaga. "Si Edward talaga 'yon e."

"Maymay!" Mas nilakasan na 'yon ng binata dahilan para dali daling lumabas ng kwarto ang dalaga. Wala pa siya sa kalahati ng hagdan ay nakita niya si Edward na naglalakad papunta sa kusina.

"Anong ginagawa niyan dito?" Pinunasan niya ang luha ang bumaba na mula sa itaas.

"May—oh! There you are!" Mabilis na nilapitan ni Edward ito at niyakap na nagpa-estatwa sa dalaga. Sobrang na-miss niya ito kaya naman mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap dito. Si Maymay naman na na-shock lang sa ginawa ng binata ay pinanlalakihan ng mga mata ngayon. "I've missed you so much!"

"Miss?" Matunog at sarkastikong napangisi ang dalaga. Mukhang natauhan nang marinig ang sinabi ng binata. "Lokohin mo lelang mo!" Nang subukan niyang itulak ang binata ay hindi niya 'yon nagawa kaya naman inis siyang nagpapapadyak na ipinagtaka ng binata kaya naman kumalas ito mula sa pagkakayakap sa dalaga.

"What are you doing—wait! Umiyak ka ba?" Hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi ng dalaga at pinunasan ang luha roon. "Why are you crying?"

Imbis na sagutin 'yon ni Maymay ay mas lalo siyang naiyak nang maalala ang narinig mula kina Edward at Chasity kanina. "Bakit ka ba nandito? Akala ko ba nagkabalikan na kayo ni Chasity?"

Naguguluhang napakunot ng noo si Edward. "What?"

"Kanina—" Humikbi ang dalaga. "Narinig ko kayong dalawa kanina sa office."

Kinabahan ang binata. "You mean the kiss?"

"Kiss?" Bulalas ng dalaga. "Kiss talaga? Kailangang sabihin mo talagang kiss?" Inis niyang pinaghahampas ang dibdib ng binata. "May kiss kiss ka pang nalalaman diyan samantalang ako nahihirapang kontrolin 'tong nararamdaman ko ngayon! Halos mabaliw na ako tuwing madaling araw mahanap lang ang gusto kong kainin! Kulang na lang puntahan kita sa bahay niyo para lang makita kita pero nahihiya ako! Edward! Edward! Nakakainis ka! Nakakainis kang mahalin!"

"Mahalin?" Ulit ng binata.

Natigilan sa pag-iyak ang dalaga dahil sa sagot ng binata. "Wow! Ang dami kong sinabi 'yon lang narinig mo?"

Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ng binata. "You said mahalin? You mean loving me?"

"Hindi! Wala!" Bawi ng dalaga nang muling maisip si Chasity. "Doon ka na sa Chasity mo! Mag-kiss kayo hangga't gusto niyo! Gusto mo itali ko pa 'yang mga nguso niyo nang hindi—"

He kissed her to stop her from talking. He kissed her so much like he was drowning and she's his air. He kissed her in a way that he wants her so bad and make her feel that he's crazy about her. Only to her.

And she kissed him back. She kissed him back like it's their first kiss. She kissed him and made him feel how much she missed him.

Halos maglambitin nang sandaling 'yon si Maymay sa leeg ng binata nang maramdaman nito ang panlalambot ng tuhod niya. Agad namang umalalay si Edward sa bewang nang dalaga t'saka niya mas lalo pang hinapit ang katawan ng dalaga papalapit sa kanya. Nang parehong halos mawalan ng hangin ang dalawa ay napilitang kumalas ang labi nila.

"I'm sorry, May," mahinang bulong ng binata. Sakto lang para marinig ng dalaga. "And I came here to tell you that my feelings for you didn't change. And I guess it would never change. I love you. And I will love you every second, every minute, every hour of every day. Just please let me love you, Maymay. I'll even let you compare me to Tony—"

"Mahal kita."

Natigilan ang binata sa pagsasalita. Inilayo pa nga nito ang mukha para lang masilayan ang mga mata ng dalaga.

"Handa na akong mahalin ka, Edward. At hindi ko na hahayaang makuha ka ni Chasity. Ipaglalaban pa kita kung kinakailangan. Sorry kung huli na nang ma-realize ko. Hindi pa talaga kasi ako handang tanggapin noon na naka-move on na ako kay Tony at may gusto na ako sa'yo. Oo, nagawa kong lokohin ang sarili ko at paniwalaing wala akong gusto sa'yo, at 'yon ang pagkakamali ko. Hinayaan kong makulong ang sarili ko sa nakaraan. Tatanga tanga kasi ako e. Nasa harapan ko na nga ang present at future ko, bumabalik pa ako sa past. Sana hindi pa huli na bumawi ako sa'yo. Kung okay lang?"

Nangilid ang luha ni Edward nang marinig ang lahat ng 'yon. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya habang nakatitig ngayon sa dalaga na ngayon ay pinupunasan ang luha niya habang nakangiti ito sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi t'saka siya yumuko. Ramdam niya ang panginginig ng kamay niya nang sandaling 'yon. Maski ang pagtayo ng balahibo niya habang pinakikinggan kanina ang dalaga ay hindi pa rin kumakalma.

"Uy! Huwag ka namang umiyak. Mas lalo kang nagiging cute e." Hinawakan ni Maymay ang magkabilang pisngi ng binata. "Pumayat ka. Hindi ka ata kumakain nitong nakaraang linggo e."

Suminghot ang binata. "'Coz you're not with me," malambing na sagot ng binata na nagpangiti sa dalaga.

"Don't worry. I'll be with you for the rest of our life. Okay lang ba 'yon?" Nakaramdam ng pagkailang ang dalaga sa binitiwang salita. Hindi na kasi siya sanay sa mga ganoong banat.

Parang batang tumango tango si Edward at muling niyakap ang dalaga. "I'm so happy! I love you! I love you very very much, Maymay!"

"Oo na!" Hinaplos ng dalaga ang likuran nito at mahigpit na niyakap ang binata. "Nilalanggam na tayo oh."

"I don't care."

"Kahit maabutan tayo ni Mama Lorna rito?"

"Yeah. I don't care. I'll tell her too that I'll take you home and marry you. And have babies, like 42 or 50."

Natawa ang dalaga. "Ano ka? Seahorse?"

"You'll never know, my love."

"Hmm. . ." Humiwalay mula sa pagkakayakap ang dalaga at inilagay ang magkabilang kamay sa dibdib ng binata. Magiliw na tinitigan ni Maymay si Edward kaya naman nakaramdam ng kung anong kasiyahan ang binata sa buong katawan. "About the babies.."

"What about them?"

"Pwede bang isa na lang muna?"

Mabilis na umiling ang binata.

"Kire ka!" Natatawang tinampal ni Maymay ang mukha ni Edward. "Pero seryoso nga. Isa na lang muna."

Hinawakan ni Edward ang bewang ng dalaga at hinapit 'yon papalapit sa kanya. Naglalambing. "What do you mean?"

"Isa lang kasi ang meron ako ngayon."

Naguguluhang napakunot ng noo ang binata. Nakakalokong nakangiti naman ang dalaga.

"Ay. Slow." Hinawakan ni Maymay ang flat pa niyang tiyan. "Wala baby. Slow ang daddy."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Edward. "What?" Nagpalipat lipat ng tingin si Edward sa mukha at sa tiyan ng dalaga. "Maymay!" Masuyo ngunit pabulalas na pagsambit niya sa pangalan ng pinakamamahal niyang babae.

Tumango tango ang dalaga. "Oo nga. Kakagaling ko sa clinic kanina. I'm 7 weeks pregnant."

Napaatras ang binata at napahawak sa batok. Malaki ang pagkakangiti na abot abot hanggang mga mata. "Daddy? Me? A daddy? Oh god!" Makailang beses itong huminga ng malalim bago nagsisigaw. Tinuro turo niya pa ang sarili at si Maymay habang hindi mapakaling umiikot ito, na sumasayaw na ewan. "Me and you? Mommy and daddy?"

"Halla! Na-buang na uy! Kalma!"

Imbis na sagutin ni Edward ang dalaga ay muli niyang niyakap si Maymay at pinaliguan ang halik ito sa mukha. Hindi mapigilan ang kasiyahang nararamdaman habang hinahaplos ang tiyan ng dalaga.

~fin~

A/N:
Ano na? Ano ng say natin sa mga sumisira sa MayWard? Wala na! Uwi na! Nanalo na si Maymay! Wuhaha! (Yung picture na upload ni Edward sa IG ang tinutukoy ko) 😂🙈❤️ Too much love e! Nakakagigil sa kiligity level! Masiyadong ginalingan ni Daddy Shark! Haba ng hair tuloy ni Mommy Shark! Haha! Kire to the highest level! Mapagangkin ang dalawa. At walang makakapigil sa kanila! Haha! 😜❤️

At dahil diyan, natapos ko na naman ang story na 'to. Effort 'to. Tinapos ko ngayon bago matulog kaya siguradong bagsak ako hanggang tanghali bukas. Haha! Pero okay lang. May mga demanding kasi na gusto na agad ng katuloy tapos ako ni wala pang naumpisahan na isang sentence. Kaloka kayo oy! Haha pero love na love ko kayong readers ko, huwag kayong mag-alala. Kulitin niyo lang ako at paulit ulit pa kayong mag-comment para magkaroon ako ng mga bagong idea for new stories of MayWard! Salamat sa suporta at pagbabasa mga bebe's. The best kayo! Petmalu much! Alab alabyooo 😘❤️

~KyLiiemichy


May the KILIG and ka-KiRE-han be with you always. 🙈❤️😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro