Marydale "Maymay" Entrata
Pareho kaming puyat ni Edward pero nauna akong magising sa kanya. Kaya ngayon, heto, malaya kong napapagmasdan ang mukha niya nang hindi siya nakatingin—masyado kasi akong kinikilig sa tuwing mahuhuli niya akong tumitingin sa kanya. At ang mas nakakakilig pa ro'n? Kapag nanakaw ako ng sulyap—siya na 'tong matamang nakatingin sa akin. O 'di ba? Sinong hindi mapapamahal ng sobra sa batang lalake na 'to na noon lang, kung tratuhin ko ay parang nakababatang kapatid. Hindi ko naman akalaing, tatamaan ako.
Naghintay siya e. Na-korner tuloy ako. Tsar! Pero seryoso, focus tayo, focus. Minsan ko lang mahuling tulog na tulog 'to. Sulitin na ang pagtitig sa napaka-gwapong mukha niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Madalas nga, mapapa-thank you God na lang ako dahil isa siya sa pinaka-the best na blessing na nangyari sa buhay ko. Wala na akong mahihiling pang makakapareha sa buhay bukod sa kanya—para kasi sa'kin nasa kanya na ang lahat at siya lang talaga ang nagparamdam ng kakaiba sa akin na hindi ko pa naransan sa iba. Malalim ba? Bushak! Na-in love na!
Dahan dahan kong inilapit ang hintuturong daliri sa ilong niya at parang button-press here na pinindot pindot ang tungki no'n. Palihim akong napahagikgik, lalo na nang gumalaw siya at pinunasan ang ilong niya. Nang matapos niyang gawin 'yon, nagtataka 'kong tinitigan ang kamay niyang para bang may sariling buhay na nangapa-ngapa sa higaan ko at nang mahawakan niya ang braso ko ay unti-unti niyang hinila 'yon palapit sa kanya at iniyakap na nagpalaki sa mata ko.
Mabilis kong napalobo ang pisngi ko. Kahit ilang taon na ang nakalipas at matagal na siyang ganito sa akin ay hindi pa rin nawawala ang hiyang nararamdaman ko, ang kilig sa katawan ko at ang saya sa puso ko sa tuwing gagawin niya 'yon. Gano'n kalakas ang epekto sa'kin ng lalaking 'to—eh, ako kaya? Ano kayang epekto ko sa kanya?
"Stop staring at me, May."
"Ha? Gising ka?"
Mahina siyang tumawa. "I can hear and feel your heart beat. As always." Unti unti niyang idinilat ang mga mata niya at nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya at hinalikan ako sa noo—ito talaga ang favorite kong kiss niya e. "Tulog pa tayo," paglalambing niya kaya naman pumikit na lang ako at niyakap siya ng mahigpit. "I love you," rinig ko pang bulong niya.
Alam niyang hindi ako ma-boka pagdating sa nararamdaman ko. Pero sana, hindi ako nagkukulang na maparamdam sa kanya kung gaano siya ka-importante at ka-espesyal sa buhay ko.
Muli akong naalimpungatan nang may maramdaman akong pagtapik sa pisngi ko. Ang sarap namang magising kung ganito ka-gwapo ang makikita mo oh. Idagdag pang kamukha siya ng ultimate crush ko. Masyado akong spoiled kay Lord—pero promise po, hindi ako magsasawang magpasalamat sa Inyo.
"Nag-luto ako. Your favorite," aniya kasabay nang pag-nguso niya sa hawak niyang tray ng pagkain. Dali-dali akong bumangon nang makitang lasagna 'yon. Lasagna niya na talaga namang pinag-aralan niyang lutuin para raw 'yon lang ang lasagna na hahanap hanapin ko—lasagna na magiging dahilan daw para hindi ko siya iwan. Tsar! Ako pa ba ang mang-iiwan sa lalaking ganito? Ayoko na! Yung kilig ko araw-araw, iba!
"Edward..."
"Hmm?" Nagtatanong na mga mata at naghihintay ng susunod kong sasabihin. Pero hindi ako nagsalita. Pigil akong ngumiti at yumakap sa kanya. "I'm so sweet 'di ba? You fell in love with me again—"
"Araw-araw naman kitang minamahal. Bawat segundo, minu-minuto, oras-oras."
Iniangat niya ang ulo ko gamit ang kamay niya. "Are you okay? Are you sick or something? Bakit ang cheesy mo?" Pareho kaming natawa. Sa huli umiling na lang ako at hinarap ang inihanda niyang pagkain.
Hinayaan ko siyang subuan ako, at gano'n din ako sa kanya. Saka kami tatawa na parang mga baliw. Baliw sa isa't isa. Baliw sa kabaliwan naming dalawa. Pero nang dahil sa kabaliwan na meron kami, diyan kami nagkakasundo.
May pagtatalo man, tampo, away-bati—sa huli, mas pipiliin naming mag-sorry sa isa't isa at muling maging buang sa isa't isa. Magugulat na nga lang kami, okay na ulit kami—ng gano'n kabilis.
Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan na namin, hindi ko pa rin maaalis sa sarili kong matakot. Takot na akong mawala siya sa buhay ko. Nakakatakot isipin na hindi ko na kayang mawala siya. Normal lang ba 'yon?
"Bakit?" Tanong niyang nagpailing sa'kin. Kaso, ramdam na ata niya talaga kapag ganitong may bumabagabag sa akin. "What's the matter, May?"
"Wala."
"Hmm.." Bakas sa mukha niyang hindi siya naniniwala kaya naman muli akong umiling.
"Wala nga." Nang subuan ko siya ay mabilis niyang sinubo 'yon na nagpatawa sa akin. "Grabe ka uy! Nguyain mo naman."
"I love you."
"Hala! Na-buang na! Bushak uy!"
"And I will make sure that you'll fall for me every second, every minute, every hour—every time we're together. That's how much I love you." Hindi ko na lang talaga basta mahal lang ang lalaking 'to. Kailangan ko siya sa buhay ko, gano'n ko na siya ka-mahal. Sobra, sobra! "Mahalin mo ako always, okay?"
Mabilis akong tumango, kahit pa sobra sobra na as in ang hiya, kilig—halo halong emosyon na nararamdaman ko sa tuwing sasabihin niya sa'kin ang nararamdaman niya. Ang cheesy, pero kasi, ehh, sorry na. Nagmamahalan lang naman kasi kaming dalawa.
Oo, hindi ako naniniwala sa forever, pero kapag siya ang kaharap ko at pinaparamdam niyang totoo ang forever—sino ba naman ako para hindi maniwala 'di ba? Heto na oh. 'Yan siya oh. Si Edward lang naman kasi 'yan na mahal ko at mahal ako. Kaya kung tatanungin niyo kung siya na ba ang future ko? Aba! Siyempre naman. Edward John Barber ng buhay ko 'yan e, my present and my future! Tsar!
~fin~
A/N:
See you in December bebe's. Inactive na muna ako! Keep on updating me sa IG tho—I mean sa mga palaging nag-a-update sa akin. Kilala niyo kung sino kayo 😘❤️ Hihi sisilip silip ako pero tatahimik muna dahil may pagkakaabalahan. Ingat kayo lage. Alabyoooooo!
Ay! Bago ko makalimutan, Congratulations sa lahat ng MayWard babies at sa babies mismo natin sa RAWR's awards! Clap clap! 💕
—KyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro