Long Island Iced Tea And Whiskey
"Kung pwede lang talaga akong humindi kay Kirby, ginawa ko na," bulong ni Maymay sa sarili habang ina-adjust ang bakal ng bra niya at slit ng black long gown niya. "Naku! Pasalamat ka talaga dahil wala akong duty bukas," dagdag pa niya.
Napipilitan itong sumama kay Kirby ngayong gabi sa private formal party nang dahil sa utang na loob niya rito nitong nakaraan. He saved her butt from her shitty supervisor—ugh! I thank him so much for that, sa isip niya pero hindi talaga siya sanay sa mga ganitong party. Tatayo sa gilid. Platitong maliit para sa appetizer na wala man lang maliit na tinidor na pwedeng gamitin. Tatayo ulit sa gilid. Iinom ng champagne—na hindi niya gusto ang lasa dahil napakapakla. Maglalakad-lakad para kumuha ulit ng iba't ibang uri ng keso na naka-cube size, tipong isang subuan kaya kailangan punuin mo ang platito kung ayaw mong pabalik balik sa table at mapagkamalang patay gutom.
"Bored?"
Agad na nilingon ni Maymay ang boses ng isang lalake na nagsalita mula sa kanan niya. Gaya niya ay puno ang platito nito, may hawak ding baso ng champagne at naka-suot ng kagalang galang na suit and tie.
Luh! Ang gwapo! Sa isip ng dalaga na bahagyang nagpalaki sa mga mata niya pero mabilis niya ring sinuway ang sarili.
"Oo e," tipid na sagot niya nang lingunin siyang muli ng lalake.
"I feel you." Bumuntong hininga ang lalake. "I'm just waiting for the main course and then I'm gonna go home."
Si Maymay naman ang bumuntong hininga. "Buti ka pa. Ako kasi may kasama ako at siya ang may dala ng sasakyan. Kung bakit ba naman kasi ang layo ng venue at walang taxi na dumaraan dito," paghihimutok niya.
"What do you mean?"
"Ah. Uhmm, I'm with my friend, Kirby. Wala sana akong balak um-attend, kaso pinilit nga ako ng baliw na 'yon. Tapos pinaiwan niya pa yung kotse ko kaya siya ang mag-uuwi sa'kin."
"Where do you live?"
"San Mateo."
"Oh, I can take you home. I live there too."
Alanganing tumabingi ang ulo ng dalaga t'saka siya umiling sa huli. Kahit gwapong gwapo ang kausap niya ngayon, mahirap nang magtiwala. Mamaya mamamatay tao 'to, e 'di napaaga pa ang buhay ko, sa isip niya. "Ah, hindi na. Okay lang. Hihintayin ko na lang si Kirby."
Bahagyang tumawa ang lalake. Alam niyang nag-aalangan ang kausap dahil hindi naman sila magkakilala. "I'm Edward." Iniabot niya ang kaliwang kamay na kaninang may hawak na platito at baso ng champagne para makipag-kamay sa dalaga.
Mukha namang mabait, sa isip niya t'saka inabot ang kamay ng lalake. Mukha ngang anghel e, dagdag pa niya sa isipan. "Maymay."
"Maymay," ulit ng binata. "Where's your friend Kirby?"
Luminga linga si Maymay t'saka niya itinuro si Kirby na napapalibutan ngayon ng mga babae. "Yun. Yung chickboy dun." Bahagyang tumawa ang dalaga. "Walanghiyang Kirby. Kinalimutan na ako."
Napangiti si Edward nang makita ang pagtawa ng dalaga. Kanina kasing tinititigan niya ito ay iba't ibang ekspresyon ang mababakasan sa mukha ng dalaga kaya naman nabaling dito ang paningin niya. He's usually quiet and just go-to-the-food-area-and-go-home-after-eating ang tema, nga lang nang pansinin din nga siya ni Maymay ay nakuha na nito ang interes niyang makilala pa ang dalaga.
Nang makita ni Maymay na nakangiti sa kanya ang binata ay kinilig siya—a simple word, pero pakiramdam niya napaka-swerte niya nang makausap ito. Sa dinami dami ng babae ro'n—uhh? Hello? I'm so lucky na makausap ng gwapong stranger 'no! Sa isip ng dalaga.
"Bakit?" Tanong ni Maymay kahit pa naiilang ito.
Umiling ang binata. "You have a lot of facial expressions. Cute. . ."
Nahawakan ni Maymay ang ilong niya. Mas lalo siyang kinilig but at the same time bigla siyang nakaramdam ng hiya. "'Di uy. Bola mo ha!"
"Bola? You mean ball?"
Bahagyang tumawa si Maymay. Akala niya inglisero lang talaga ang kausap kaya patuloy niyang kinakausap ito sa Tagalog. "No. Bola, uhmm. . . " Paktay na, sa isip niya. "I mean, you're flattering me too much. Na parang joke ang dating. Mambobola, gano'n." Nang umarko ang kilay ng binata ay napakamot na siya sa sintido. "Joke. Nag-jo-joke kang cute lang ako."
Agad na umiling ang binata. "Sorry, Maymay. But I don't know how to lie. At alam kong mag-Tagalog. Kaya you're fine."
"Bushak! Pinahirapan mo pa 'ko." Pareho na lang silang natawa sa huli.
At halatang parehong nag-e-enjoy sa company ng isa't isa.
Pagka-open ng ballroom kung saan sila pwedeng maupo para makakain ng main course ay mabilis na napangiti sina Maymay at Edward. Nagkakaintindihan—sabay na pumasok sila ro'n at sa may buffet area agad na dumiretso.
Sinulit ni Maymay na makain lahat ng gusto niya. Chicken here, chicken there, karne here, karne there—lahat ng nakakatakam para sa kanya pwera ang pagkaing nakikita niyang may halong gulay. On the other hand, Edward didn't even need to check if the food is tempting enough to eat. Basta kuha lang siya ng kuha para matikman ang lahat ng 'yon.
Nang makaupo silang dalawa ay masaya nilang pinagsaluhan ang kanya-kanyang plate nila. Walang imikan na hindi naman kailangan dahil pareho silang abala sa pagkain. Nang halos makalahati na nilang pareho ang plato, nagkatitigan sila at nagtawanan. Paanong hindi? Pareho silang mukhang patay gutom na nag-uunahang makaubos ng kinakain.
"Kung hindi lang tayo naka-damit siguro ng ganito ngayon, napagkamalan na nilang pulubi tayo. Yung pulubing gutom na gutom."
Bahagyang tumawa ang binata. "I agree. But I am really hungry though. And besides"—itinaas niya ang tinidor na May natusok na maliit na piraso ng carrot—"nothing brings people together like good food." Nang maisubo ng binata 'yon ay kinindatan niya pa ito na nagpangiti sa dalaga.
Aliw na aliw si Maymay habang nakikinig sa binata. Nag-aaral daw itong maging chef at graduating na this year, 'yon ang kwento ni Edward. Kaya halos lahat ng klase ng party na may kasamang pagkain at pwede niyang punatahan, sigurado raw na hindi ito mawawala.
"How about you?"
Ngumiti si Maymay. "Nurse. Christmas party ng hospital na pinagtatrabahuhan ko 'to actually. Kaya, paano kang nakapasok?"
"Oh yeah? Nurse rin dito ang older sister ko."
Tumango tango ang dalaga t'saka siya uminom ng tubig. Pareho nilang naubos ang pangalawang plato na kinuha nila. Busog na busog, dahilan para tumayo si Maymay na sinundan naman ng tingin ng binata.
"Maglalakad-lakad muna ako. Feeling ko sasabog na tiyan ko."
Tumayo na rin si Edward. "Can I go with you?"
"Ikaw ba. Okay lang naman sa'kin."
"Nice. Thanks."
Sumunod nga ang binata sa dalaga hanggang sa makalabas ito. Nga lang nagkatinginan sila nang makitang wala silang pwedeng lakaran dahil parking lot 'yon. Natatawang bumalik silang dalawa sa loob ng hotel at doon sa loob naglakad-lakad.
"May club oh," turo ni Maymay sa Twinnie Brad Club. "May entrance fee kaya?"
"Why? Do you wanna go inside?"
"'Di naman. Sisilip lang—huy! Sa'n ka pupunta?" Mabilis na sumunod si Maymay kay Edward na ngayon ay kausap na ang bouncer. Nang lingunin siyang muli ni Edward ay nakangiti na ito.
"It's free. Guest naman daw kasi tayo rito sa hotel."
Napahawak sa magkabilang pisngi ang dalaga. Excited na ngumiti kay Edward. Nang ilahad ng binata ang kamay niya ay mabilis na hinawakan 'yon ng dalaga t'saka sila pumasok sa loob ng club.
Hindi pa masyadong matao nang sandaling 'yon kaya hindi siksikan. Lahat ay nakatayo sa isang maliit at pabilog na mesa pwera sa mga nasa second floor dahil mukhang doon ang VIP section—at dahil 'di naman sila VIP, standing ovation lang sila.
Madilim man ang paligid, may sapat namang asul at pulang ilaw sa loob para magkakitaan ang mga tao. Nakakabingi rin ang lakas ng sound system na halos ramdam mo ang base sound ng mga tugtugin sa katawan mo dahil kulob sa loob. Akala mo rin ay para kang naglalakad sa ibabaw ng usok dahil sa fog machine roon.
"Drinks?" Sigaw ni Edward kay Maymay para marinig siya ng dalaga.
"Hindi na!"
"C'mon! Just one drink!"
"Sige. Isa lang ha!"
"Nice. Margarita?"
"Masarap ba yun?"
"It's a ladies drink!"
"Oo! Sige!"
"Frozen?"
"Ang daming alam! Malay ko! Kahit ano!"
Bahagyang natawa ang binata sa sagot ng dalaga. Nang bitawan niya ang kamay ng dalaga ay dumiretso siya sa bar counter para nga mag-order ng inumin nilang dalawa. Habang hinihintay 'yon ay palihim niyang tinitigan ang dalagang nakilala niya.
She's tall and petite, na kung hindi siya nagkakamali ay pang-modelo ang tindig at postura ng dalaga. Idagdag pang ang almond shape nitong mga mata ay bumagay sa hugis at liit ng mukha nito. Hindi ito yung tipong magagandahan ka agad sa unang tingin, pero kapag matagal mo nang natititigan ang mukha ng dalaga ay hindi 'yon nakakasawa—that kind of beauty na makakakuha ng atensyon mo dahil sa kagustuhang matitigan pa ang mukha ng dalaga.
Nahagip ng mga mata ni Maymay si Edward na nakatingin sa kanya kaya tinanguan niya ito. Matapos na tumango ng binata sa kanya ay lumingon naman ito sa kaliwa nito na nagbigay ng chance sa dalagang mapagmasdan ang gwapong mukha ng binata. Matangkad ito at hindi gaanong kalakihan ang katawan kahit pa gaya niya itong matakaw kumain dahil mukhang alaga ang katawan nito. Agaw pansin din para sa dalaga ang mga mata nitong bilugan at may mahahabang pilik mata na ipinagkait sa kanya, idagdag pa ang tangos ng ilong na wala siya—nakakainis 'di ba? Bakit kaya minsan, mas magaganda pa ang mukha ng lalake kaysa sa babae? Sa isip niya.
Painosenteng tinanguang muli ni Maymay si Edward nang makitang papalapit na ito sa table nila, hawak ang dalawang baso ng alak—kunwari hindi siya nakasubaybay sa binata. Nang mailapag ni Edward ang hawak na drinks ay agad na tinikman 'yon ni Maymay.
"Ugh! Bleh! Ano 'to?" Bulalas ng dalaga. Hindi maipinta ang mukha nang matikman ang inumin na nagpatawa sa binata.
"That's margarita."
"Bakit may asin yung baso?"
"It makes the sweet and sour flavors of a margarita pop. Even a little bit of salt, it suppresses the bitterness of that drink, which in turn makes sweetness and sourness seem more intense"—natigilan ang binata nang makitang tamemeng nakangiwi ang dalaga sa paliwanag niya. Napailing na lang siya. Halatang hindi nga umiinom ang dalaga. "Try to drink it again. Tapos sipsipin mo yung lime."
"Sus! Yun lang naman pala ibig mong sabihin, dami pang sinabi," ani Maymay t'saka niya sinunod ang binata. Nang makainom ay hindi pa rin niya nagustuhan ang lasa. "Ang pakla talaga!" Bulalas niya na nagpatawang muli sa binata.
"Okay, okay. I'll try to order something else. I'll be back," paalam ni Edward t'saka ito dumiretsong muli sa bar counter para mag-order ng panibagong drink para sa dalaga.
Pagbalik ni Edward ay may dala itong parang iced tea na nagpangiti sa dalaga. "Ayan! Iced tea! Dapat kanina mo pa in-order 'to!" Bulalas ng dalaga t'saka niya inabot ang baso at tinungga 'yon na agad namang pinigilan ni Edward.
"Hey! Hey! Stop!" Pero huli na nang makalahati ni Maymay ang baso at maramdaman ang init no'n na dumaloy sa lalamunan niya hanggang sa sikmura. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Edward sa dalaga na matamang nakatingin sa inumin.
"Ano 'yan?"
"That's Long Island Iced Tea."
"Alak 'yan?"
Tumango tango si Edward. "How was it?"
Nakaramdam ng pagkahilo ang dalaga, pero ang pagkahilong 'yon ay nagpangiti sa kanya dahil para bang gusto niyang sumayaw ng oras na 'yon. "Let's dance!" Sigaw niya t'saka ito naglakad papunta sa gitna ng dance floor.
"Oh no," mahinang sambit ni Edward nang ma-realize ang dulot ng alak sa dalaga. Sumimsim muna siya ng inumin niya bago sinundan ang dalaga sa dance floor.
Pakiramdam ni Maymay ng sandaling 'yon ay nakawala siya sa hawla. Naiinitan siya pero wala siyang pakielam. Ang gusto niya lang ay sumayaw ng sumayaw ng sumayaw. Sa kabilang banda ay nakabantay naman si Edward dito. Ngingiti ngiti sa sayaw na ginagawa ng dalaga. Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay laking gulat niya nang magiliw siyang ngitian ng dalaga. Nangaakit ang ngiting 'yon, isabay pa ang nangungusap na mga mata nito. Nang lumapit sa kanya si Maymay ay wala sa sariling nalunok niya ang laway. At nang dumantay ang balat ng braso nito sa leeg niya dahil sa ginawang pagpulupot ng dalaga ro'n ay may kakaibang dulot 'yon sa kanya. Sa isip ng binata, marahil ay dala ng alak.
"Sayaw tayo." Sinimulang i-sway ng dalaga ang bewang niya t'saka siya magiliw na ngumiti kay Edward. She's loosing control of herself, na kahit pa nakakakapit siya sa leeg ng binata ay nawawala ang balanse niya. Ngunit mabilis ang mga kamay ng binata nang agad na mahawakan nito ang balakang ng dalaga.
"I think we need to go," bulong ni Edward kay Maymay. Pigil na pigil siyang patulan ang dalagang wala sa katinuan nang sandaling 'yon. "Maymay?"
"Anong nangyayari sa'kin?"
"I think you're drunk," natatawang sagot ng binata habang nakayapos pa rin ang magkabilang braso sa bewang ng dalaga.
"Am I?" Natatawang tanong ni Maymay t'saka niya kinagat ang ibabang labi na para bang nanunuyo na sakto namang napatingin siya sa mga mata ng binata.
Ganoon na lang ang kagustuhan ni Edward na halikan ang labing 'yon ni Maymay at kagatin ang dila na bumabasa sa itaas ng labi nito. "Stop seducing me, woman."
Natatawang napailing ang dalaga t'saka siya muling tumingala. "If I'm seducing you, ito ang gagawin ko."
Mabilis na sinunggaban ni Maymay ang labi ng binata na bahagyang nitong ikinagulat. Imbis na pigilan ng binata ang dalaga ay sinabayan niya ito at ganoon na lamang ang pananabik niyang matikman ang mga labing 'yon ng dalaga. She was going deeper and wilder, na mas lalong nagpawala sa katinuan ni Edward. Halos nga buhatin na ng binata ang dalaga para maibalik ito sa mesa na kinatatayuan nila kanina. Madilim doon at walang masyadong nakakakita kaya doon niya ito dinala.
Ramdam ni Maymay ang pagkagat ng binata sa itaas at ibabang labi niya. Hindi pa ito nakuntento nang pati ang dila niya ay bahagyang kagatin nito. He was almost eating her, alive. Nang humiwalay ang dalaga sa binata ay natatawa niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi. "Hindi ako pagkain."
"But you taste so damn good, Maymay."
Ngumisi ang dalaga. "Say that again."
Si Edward naman ang napangisi t'saka nito inilapit ang bibig sa tenga ng dalaga. "You naughty girl," ani Edward t'saka niya kinagat ang tenga ng dalaga na muling napahagikgik dito.
That one kiss turned into two, three—naulit ng naulit ngunit pareho silang hindi nagsasasawa. Maski ang isang basong alak na kanina ay meron sila ay naging tatlo na naging dahilan kung bakit pareho silang dikit na dikit sa isa't isa habang nagsasasayaw. At sa tuwing tatalikod ang dalaga ay dadantay ang labi ng binata sa balikat, leeg, at batok nito na nagbibigay ng nakakaliyong sensyason sa dalaga. Nang humarap muli si Maymay ay kaagad niyang hinalikan ang labi ng binata na agad namang sinalubong din ni Edward. At nang maghiwalay ang mga labi nila ay pareho silang nakangiti sa isa't isa kahit pa konting konti na lang ay pipikit na ang kanilang mga mata—hindi dahil sa antok, kundi dahil sa dulot ng mainit na hininga nilang dalawa sa isa't isa na pinaghalong whiskey at long island iced tea ang amoy.
"I think I need to go," ani Maymay nang humawak ito sa dibdib ng binata. "Ano bang oras na?"
"Sa tingin mo, nasa labas pa yung kasama mo?"
Tumango ang dalaga. Kahit papaano ay nahihimasmasan na siya dahil kanina pa naman sila sumasayaw at pabalik-balik sa banyo. "Baka hinahanap na ako nun."
"I told you, I can take you home."
Umiling ang dalaga. "Huwag na."
"May? Hoy, Marydale!"
Sabay na napalingon sina Maymay at Edward sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita ang isang lalake na hindi nalalayo sa tangkad ni Edward.
"Kirby!" Masayang bulalas ng dalaga t'saka siya lumapit dito habang si Kirby nga ay kunot na kunot ang noo lalo na nang maamoy ang alak sa kaibigan. "Kirby, meet Edward. Edward, meet Kirby."
"Edward," inilahad ni Edward ang kamay niya na tinanggap din naman ni Kirby kahit pa hindi niya ito personally na kilala.
"Kirby, pare. Anong nangyari sa babaeng 'to?" Tukoy niya kay Maymay na sumasayaw sayaw pa sa tugtog.
"Nakarami siya ng drinks. Don't worry. I got her."
Mas lalong nangunot ang noo ni Kirby. Biglang hindi naging maganda ang kutob niya kay Edward nang sandaling 'yon. "Bakit mo siya hinayaang malasing? Ni hindi mo nga siya kilala. Kilala ka ba niya?"
Umiling si Edward at namulsa. "I'm sorry I got her drunk."
"Kirby, huwag kang magalit kay Edward. Kasi kanina, akala ko iced tea tapos tinungga ko. Tapos ayun. Gusto ko magsayaw. Tapos sinamahan ako ni Edward." Tinapik tapik ni Maymay ang balikat ni Kirby. "I'm okay. Don't worry."
"Okay? Okay ba 'yang halos hindi ka na makatayo."
Ngumuso ang dalaga sa kaibigan. "Okay nga lang ako. Ano ka ba! Alak nga 'di ba? Parang 'di naman alam malasing ne'to."
"Baliw! Ang point ko, hindi mo kilala 'yang lalaking kasama mo."
"Nagkakilala kami kanina. Nung iniwan mo 'ko."
"Hindi kita iniwan. Kausap ko yung mga nasa ICU department—"
"Ssshhh!" Iniharang ng dalaga ang daliri niya sa bibig ni Kirby na agad namang tinabig nito. "Ang daldal mo."
"Lagot ka sa kuya mo."
"Grabe ka, Kirby! Hoy! Baka nakakalimutan mong kaya ako nandito dahil pinilit mo ako!"
"Oo. Para kumain at makipag-usap sa ibang team. Hindi yung sumama sa isang lalake na hindi mo kilala sa isang club at malasing."
"Look dude," singit ni Edward sa dalawa. "I am really sorry—"
"There you are, Edward!"
Sabay sabay na napalingon ang tatlo sa babaeng tumawag nga sa pangalan ng binata.
"Laura."
"Ma'am Laura?" Sabay na sambit nina Maymay at Kirby nang makita ang head nurse ng department nilang dalawa.
"Oh! Hi Maymay. Hi Kirby. Kilala niyo ang brother ko?"
"Brother?" Sabay na bulalas nina Kirby at Maymay t'saka nila salitang tinitigan ang magkapatid.
Bahagyang tumawa si Laura. "Yes. He's my younger brother." Bumaling ito kay Edward. "C'mon. Let's go home. Hindi ko kayang mag-drive. I'm kinda tipsy. How about you? Kaya mo bang mag-drive?"
Tumango ang binata sa kapatid. "I'm alright," ani Edward t'saka siya bumaling kay Maymay. "I guess I'll see you again?"
Mabilis na umiling si Maymay dahilan para magpatawa kina Kirby at Laura na nagpakunot noo naman kay Edward.
"What? Why?"
"Ano.. I mean, oo. Sige, sige," alanganing sagot ni Maymay nang tuluyang magising ang diwa niya. She was just making out with her head nurse's younger brother a while ago for Pete's sake! Sa isip niya.
Bigla namang nagtaka si Edward sa inakto ng dalaga. "Wha—"
"Edward! Let's go. It's getting late," pukaw ni Laura dahilan para matigilan ang binata sa sasabihin nito sa dalaga.
"I'll see you again," huling paalam ni Edward sa dalaga bago ito tuluyang tumalikod at umalis.
Nagkatinginan naman sina Kirby at Maymay nang makaalis ang magkapatid. Napatampal sa noo ang dalaga habang si Kirby ay napahawak sa dibdib.
"Shet, Kirby!"
"Ang ganda niya talaga," bulalas ni Kirby. Hindi tugma sa sasabihin ng dalaga kaya napanguso si Maymay. "Bakit shet?"
"Kapatid siya ni Ma'am Laura!"
"Okay lang 'yon. Dun ka sa kapatid, ako kay Laura," nakangising sabi ni Kirby habang hinihimas ang baba.
"Sira ulo ka talaga. Hindi ka papatulan no'n! Alam kaya sa buong ospital na babaero ka!"
"Bakit? Sa tingin mo papatulan ka nung Edward? Patas lang tayo. Halika na. Ihahatid na kita." Aalma pa sana si Maymay pero ramdam na naman niya ang hilo kaya iiling iling na inalalayan siya ni Kirby. "Sa susunod na iinom ka, uminom ka ng maraming tubig nang hindi ka nalalasing ng ganyan. Iinom inom, 'di naman kaya," dagdag na sermon ni Kirby na nagpanguso na lang sa dalaga.
Masakit ang ulo ni Maymay nang magising kahit na iniligo niya ang hilo kagabi. Hawak hawak niya ang ulo nang simulan niyang mag-timpla ng kape at nang humagod 'yon sa lalamunan niya ay gano'n na lang ang pag-buntong hininga niya dahil sa init na dulot no'n.
Naantala ang pag-ka-tulala ng dalaga nang mag-ring ang phone niya. Nang makitang kuya Vincent niya ang caller ay kinabahan siya. Mamaya ay sinumbong kasi talaga siya ni Kirby dito.
"I'm sorry! 'Di na mauulit, kuya! Promise! Sasapakin ko bukas si Kirby kapag nagkita kami, magalit ka man o hindi!" Sunod-sunod na bulalas ni Maymay nang masagot ang tawag.
"Anong pinagsasasabi mo, May?"
"Ha? Ah? Akala ko—wala kuya. Napatawag ka?"
"Buang ka talaga. Si Mama, pinapakamusta ka. Okay ka lang ba diyan?"
"Oo naman."
"Kung bakit ba naman kasi diyan mo pa piniling mag-trabaho e pwede namang dito sa'tin."
"Kuya naman. Magbabangayan na naman ba tayo tungkol diyan?"
Bumuntong si Vincent sa kabilang linya. "Oh sige na. Nangamusta lang. Merry Christmas!"
"Merry Christmas din sa inyo kuya. Mahal na mahal ko kayo."
"Mahal na mahal ka rin namin. Mag-iingat ka diyan. Tumawag ka lang kapag may kailangan ka."
"Oo kuya. Salamat. Bye bye." Nang mag-paalam si Vincent ay siya na ang pumutol ng linya t'saka niya inilapag ang cellphone sa kitchen counter kung saan siya naka-upo.
"Aba! Masyadong maaga ang gising mo para bukas."
Nginusuan ni Maymay si Pat na kasama niya sa apartment na tinutuluyan. "Kararating mo lang?"
"Hindi ba halata?"
"Maaga ka kung gano'n."
"Kung maaga sa'yo ang alas dos ng hapon, sige. Oo. Maaga ako 'day. Maaga." Pareho silang tumawa at nang maupo sa harap ng dalaga ang kaibigan niya ay nagsimula na itong mag-interview. "Ano? Kamusta? Anong nangyari sa'yo? Marami ka bang nakilalang boylets kagabi?"
Mabilis na umikot ang mata ng dalaga nang isa-isang bumalik ang mga nangyari sa kanya at kay Edward kagabi. "Grabe 'day. . . You won't believe it! It was crazy! As in!"
"May ni-rape ka?" Mabilis na nahampas ni Maymay si Pat sa balikat na nagpatawa rito. "Maka-react ka ha! Meron ba?"
"Luh! Buang! Wala!"
"Weh?"
"Hindi 'yon rape, okay?"
Napatakip sa bibig si Pat. "Oh! My! Gosh! Sino?!"
Nakagat ni Maymay ang ibabang labi para pigilan ang nagbabantang ngiti mula ro'n. "Edward."
"Ohh. . . Edward. Mala-prinsipe ang pangalan ah. Mukhang gwapo!"
Bahagyang tumawa si Maymay nang maalala ang ka-gwapuhan ng binata. "Gwapo 'day. Panalo."
Mabilis na tumaas baba ang kilay ni Pat, nanunukso. "Type mo?"
Mabilis na tumango tango ang dalaga. "Pero wala akong pagasa ro'n. Masyado siyang gwapo. Idagdag pang mas bata sa'kin tapos kapatid pa ng head nurse namin"—bumuntong hininga ito—"Pero sayang. . ." Nangalumbaba ang dalaga ng may ngiti sa labi. "Sana sinulit ko na kagabi."
"Sinulit ang alin?" Mas lalong na-curious si Pat na ngayon ay mas inilapit ang inuupuan sa kaibigan. "Nag-kiss ba kayo? Hinipuan mo ba? Ano? Kwento." Ilang beses na nag-make face ang dalaga bago siya nag-kwento na sinimulan niya mula sa unang pagkikita nila hanggang sa pumasok sila sa club, at gano'n na lang ang hampas, tili at kilig ni Pat. Hindi pa siya nakuntento dahil sinabunutan niya pa ito. "Grabe! Ang kire! Sinagad mo ang kalandian mo 'day!"
Malakas na tumawa si Maymay na may kasamang kilig. Ginantihan niya pa nga ng hampas si Pat na parang wala man lang epekto sa kaibigan.
"Magaling?" Tanong ni Pat habang iningunguso ang labi.
Mabilis na tumango si Maymay. "Sobra 'day! Dalang dala ako sa pagsasayaw e. Yung hawak niya, haplos—yung kiss niya sa leeg, batok at balikat ko? Oh my gosh! I can not! Ang hirap magpigil ng kilig! Kung alam mo lang! Buti na lang talaga may alak!"
"Praise the Long Island Iced Tea!" Bulalas ni Pat na malaki pa rin ang pagkakangiti.
"Amen to that. . ." Pag-sang-ayon ng dalaga t'saka siya muling sumimsim ng kape.
"Nakuha mo number?"
Umiling si Maymay. "Kasasabi ko lang na kapatid ng head nurse ko yun. Siyempre, hindi na ako magpapakita pa sa kanya."
Mabilis na kumunot ang noo ni Pat. "Luh! Bakit naman? Maano naman kung kapatid ng head nurse mo?"
"Uh? Hello? Awkward. . ."
"Gaga! E hindi ka naman sa kanya makikipag-text-san."
"Ayoko pa rin. T'saka bata pa nga. Nag-aaral pa. Student chef 'day!"
Nakatikim ng sabuhot si Maymay mula kay Pat. "Kailan ka pa na-conscious sa age-age na 'yan?"
"A basta! Tama na 'yon."
Nginusuan ni Pat ang kaibigan. "Hindi araw-araw makakakilala ka ng gano'n. Ako nga na gabi-gabing nagka-club wala pang nakikilalang ganyang ka-gwapo. Habang dini-describe mo siya, para kang nag-di-describe ng artista."
"Speaking of artista, may hawig siya kay Enrique Gil!" Malakas na sumigaw si Maymay dahil sa kilig. Ultimate crush kasi ng dalaga ang nabanggit na artista. "Tapos feeling ko kagabi, ako si Liza." Hinawakan ng dalaga ang magkabilang pisngi, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kagabi. "Grabe. As in. Parang nananaginip ako ng gising kagabi. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako!"
Inirapan ni Pat ang kaibigan t'saka ito tumayo. "Ga-ganyan ganyan ka, ayaw mo namang patusin."
Inirapan din siya ni Maymay. "Ang kulit. 'Di nga pwede." Tumayo na rin ito. "Mauuna na akong maligo."
"Wait." Nahinto si Maymay sa paglakad at hinarap si Pat. "Paano kapag nagkita kayo ulit?"
"Malabo." Tumalikod si Maymay at muling umiling. "Imposible. Nagkataon lang talagang nagkakilala kami."
Nginusuan ni Pat ang kaibigan. "Oo na nga lang. Ano pa lang gagawin natin mamayang noche buena? Gusto mong lumabas? Korean barbecue tayo."
Kinindatan ni Maymay ang kaibigan. "Good idea."
Dalawang araw lang ang lumipas nang ang sinabing imposible ni Maymay ay naging posible nang makaharap niya si Edward pagkatapos ng duty niya.
"Good morning," magiliw na bati ni Edward sa dalaga nang makita ito. Ilang araw niya ring kinulit ang kapatid na si Laura para ibigay sa kanya ang schedule ni Maymay at nang makuha niya nga, agad agad niyang pinuntahan ito.
"E-Edward?" Gano'n na lang ang panglalaki ng mga mata niya. At nang lumapit sa kanya ang binata sy siyang atras niya na nagpakunot noo rito.
"What are you doing?"
Huminto ang dalaga sa pag-atras. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. What are you doing? What are you doing here? Bakit ka nandito?"
Itinuro ng binata ang sarili. "But I thought we're already—you know?" T'saka niya itinuro rin si Maymay.
Mabilis na umiling si Maymay. "Anong already? Anong you know? Wala akong know. Diko alam ang know mo."
Bahagyang natawa ang binata at nang matigilan ay tinitigan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa. "You look so neat and clean—ang cute mong nurse."
Magiliw na napangiti si Maymay. Ito na naman ang binata sa mga pa-compliment nito. "Thank you," aniya habang nahawak sa ilong niya.
"Tara, breakfast tayo."
"Ha? Ah—"
"C'mon. Please?"
"Eh—" Napakamot sa sintido ang dalaga. Hindi dapat siya pumayag hindi ba? Pero kung anong kinagwapo ni binata no'ng gabing magkakilala sila ay iba rin ang gwapong taglay nito ngayong naka-casual clothes lang ito. Ang lakas ng dating, sa isip niya.
"Maymay?"
Umiling ang dalaga. "May duty ako—"
"Mamaya pa namang 7pm 'di ba?"
Nanlaki ang mga mata ni Maymay. "Ba't alam mo?"
Nakakalokong ngumiti si Edward t'saka kumindat. "Gano'n talaga if you really want to know someone special."
"Special?" Tinuro ni Maymay ang sarili at nang tumango tango si Edward ay hindi niya na napigilan pang ngumiti ng hanggang tenga. "Buang! Bushak ka!"
Umarko ang kilay ng binata. "What?"
"Baliw! Baliw ka!" Ani Maymay na nagpatawa sa kanilang dalawa.
Nang matapos nilang mag-order ay pinakatitigan ni Edward ang dalaga. "I missed you."
Gano'n na lang ang paggalaw galaw ng ilong ni Maymay kaya napahawak siya ro'n. Kinikilig na naman siya kaya maka-ilang beses siyang wala sa sariling nag-make face na nagpatawa sa binata.
"How can you be so cute and adorable?"
"Woy!" Bulalas ni Maymay pero tinawanan lang siya ni Edward.
"What?"
"Bakit ang kire mo?"
"What's kire?"
"Malandi!"
Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Edward. "I think that's how I got your attention though."
Idinuro niya ang binata. "Kita mo! Kita mo 'yang ngiting 'yan!"
"Gwapo?"
"Oo!" Muling bulalas ni Maymay at huli na para bawiin dahil magiliw na namang nakatingin sa kanya si Edward—nagpapa-cute! At tumatalab 'yon ng bongga. Yung kilig niya sagad hanggang neurons! "Tumigil ka nga uy!"
Natatawa na lang si Edward sa dalaga. The more na nakakausap niya ang dalaga, mas lalong umuusbong ang kagustuhan niyang makasama ito at mas makilala pa.
"Salamat sa paghatid," nakangiting baling ni Maymay sa binata.
"You're welcome," nakangiti ring sagot ni Edward dito.
Isa. Dalawa. Tumagal ng ilang segundo ang titigan ng dalawa. Parehong walang balak na sumuko, lalo na ang binata na gustong malinawan at mahanap ang dahilan kung bakit niya kinagigiliwan ang dalaga.
Unang sumuko si Maymay na ngayon ay yumuko at humakbang paatras. Nang mag-angat siya ng ulo at muling magkasalubong ang kanilang mga mata ay ngumiti siya para tuluyan nang magpaalam, "Pasok na ako."
Bahagyang nakagat ni Edward ang ibabang labi t'saka siya napahawak sa batok. "Oh, yeah. Go ahead."
"O-okay," naiilang na tumungo ang dalaga, akmang tatalikod at ganoon din ang binata. But both of them stopped, at muling nilingon ang isa't isa.
"Uhm—"
"Ano—"
Sabay silang natawa—awkward much.
"Sige na, mauna ka na."
Umiling ang binata. "Okay. Uhmm, can I get your number?"
Natatawang napailing si Maymay dahil 'yon din ang gusto niyang malaman. "Oo naman. Akala ko hindi mo na tatanungin," biro ng dalaga t'saka niya inilabas ang cellphone niya at ganoon din si Edward.
"Thanks." Gano'n na lang ang tuwa ni Edward nang makuha ang number ng dalaga. Si Maymay naman ay mabilis nang nagpaalam dahil kung hindi pa siya papasok sa apartment ay doon na mismo siya magsisisigaw sa kalsada dahil sa kilig na nararamdaman. Dinaig niya pa ang high school student na may bagong crush, habang si Edward naman na matinik sa babae ay maka-ilang beses ding tinatawanan ang sarili dahil bigla na lang siyang natorpe sa harap ni Maymay—and it doesn't suit him. Kung may makakakita lang siguro sa kanya na kilala niya, gaya niya ay pinagtatawanan na rin siya ngayon.
Ang paglabas-labas nilang dalawa ay nauwi sa pagbisita nila sa kanya-kanya nilang mga apartment. Madalas ay si Edward ang magluluto ng iba't ibang pagkain at si Maymay ang taga-ubos siyempre. Sina Laura at Pat na nakakakita no'n ay pasimpleng kinikilig at nagagawa na ring tuksuhin ang dalawa na parehong itinatangging wala silang relasyon.
Wala naman kasi talaga. Pareho silang kuntento sa kung anong meron sila, dahil pareho silang masaya.
"Kuntento nga ba. . . O ayaw niyo lang lagyan ng label kung anong meron kayo?" Pukaw ni Pat kay Maymay na ngayon ay kasama niyang kumakain ng blueberry cheesecake. Sila naman daw ang mag-date dahil puro na lang si Edward ang kasama ni Maymay, reklamo ni Pat na pinagbigyan nga ng dalaga.
"Kailangan ba ng label? Hindi naman 'di ba?" Pagbabalik ng katanungan ni Pat dito.
"So, okay lang sa'yo na may kasama siyang iba?"
"Oo."
"At sweet sa iba?"
"Nasa sa kanya na 'yon."
"Wala kang karapatang mag-selos o manumbat," pambabanta ni Pat.
"Alam ko."
"Alam mo nga ba talaga ang nangyayari sa inyo, Maymay?"
Natigilan sa pag-nguya ang dalaga at tinitigan ang kaibigan. "What do you mean?"
"I mean, paano kung ganyan-ganyan din lang ang gusto talaga ni Edward sa inyong dalawa. Paano kung may iba pa pala siyang babaeng ginaganyan? Yun, okay lang ba sa'yo yun?"
Napailing si Maymay. Sa totoo lang ay naisip niya naman na 'yon, nga lang ay ayaw niya namang maging komplikado pa ang kung anong meron sa kanila ni Edward kaya binalewala niya na ang ideyang 'yon. "Okay lang. Kuntento ako kung anong meron kami."
Si Pat na sinukuan na ang kaibigan ang napa-hugot na lang ng malalim na paghinga.
"Okay. I'll change the question bro, what if she wants more? What are you gonna do?" Konti na lang ay susukuan na ni Marco ang kaibigang si Edward na ngayon ay pinapaliwanag ang meron sila ni Maymay kahit na wala silang label. Inaya siya nitong lumabas dahil hindi raw available si Maymay—ganyan ang kaibigan. Iniiwan ka sa ere kapag puma-pagibig.
Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Edward. "I can call her mine then."
"E 'di hindi nga enough na wala kayong label kasi hindi mo siya matatawag na mine. If you want to call her mine, make a move bro. Paano kung may iba pala siyang dini-date bukod sa'yo?"
Napatungga ng beer si Edward nang marinig 'yon at um-order pa ng isa sa waiter. "But I don't wanna scare her away. I think she's not ready to get in a relationship."
"Ganito lang kasi 'yan, Pat. Kung gusto talaga ni Edward na maging more than something ang meron kami ngayon, gumawa na siya ng move. O ako, kung ready na ako, tinanong ko na sana siya, kaso kuntento lang talaga kami kung anong meron kami ngayon," ani Maymay.
"I think we'll be fine. Okay kami sa ganito. Walang hassle. Walang label. It's not even complicated. Relax lang," ani Edward.
Sina Marco at Pat ay parehong napailing sa mga kaibigan nila. Tuluyan na ngang sinukuan ang mga ito. Kahit anong paliwanag nila, walang pinupuntahan. Pareho nga raw kasing kuntento sa kung anong meron sila.
"Ma'am Maymay, yung boyfriend mo, nasa labas."
Nilingon ni Maymay ang katrabaho niyang si Nabi. "Hindi ko boyfriend yun."
"E ano? Manliligaw?"
Umiling si Maymay.
"Friends?"
Napakamot sa sintido ang dalaga t'saka siya tumango na lang at nagmamadali nang lumabas para maiwasan ang iba pang tanong ni Nabi. "Ano bang meron sa label na 'yan? Nakakaloka!"
"Maymay!" Malaki ang pagkakangiti ni Edward nang makita na ang dalaga at ganoon din ito. Nang ibuka ni Edward ang mga braso niya ay mas lalong binilisan ni Maymay ang paglalakad para yakapin ito at mas hinigpitan pa 'yon ni Edward nang tuluyan silang mag-akapan. "How was work gorgeous?"
"Okay lang. Hindi masyadong toxic." Iniangat ni Maymay ang ulo at nginitian ang binata. Nasanay na siyang ginagano'n ng binata. Ang pagpapa-cute nito, at bawat papuri na parang kumikiliti sa puso niya. "Ikaw? Natulog ka ng maaga kagabi?"
"Medyo late." Nagsimula na silang maglakad. "May tinapos akong bagong recipe."
"Ahh.. Natapos mo ba?"
Inalalayan ng binata na makasakay muna sa loob ng kotse ang dalaga bago ito nag-salita. "Yep. May bago kang kakainin," aniya t'saka niya hinalikan sa labi ang dalaga bago isinarado ang pinto.
Magdadalawang buwan na silang ganoon pero kung anong kilig at saya nilang dalawa noong una silang magkakilala ay nandoon pa rin 'yon at hindi nawala.
"Oh yeah, by the way, next week magiging busy ako ha?" Paalam ni Edward nang mai-start niya ang kotse.
"Hmm. Okay."
Nilingon ni Edward ang dalaga. "Hindi mo ako tatanungin kung bakit at anong gagawin ko?"
Bahagyang tumawa ang dalaga. Nagpapalambing ang boses na 'yon ng binata. "Ano pong pagkakaabalahan ng pinakamagaling chef ng buhay ko?"
Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ng binata nang marinig 'yon. Alam na alam na talaga ng dalaga kung kailan siya dapat na lambingin nito. "Remember? Graduation ko na next month."
"Halla! Oo nga pala. Ayeee! Ngayon pa lang binabati na kita ng congratulations," sinserong sabi ng dalaga.
"Wala man lang akong kiss?"
"Sa graduation mo na." Lumabi ang binata na nagpatawa sa dalaga. "Halika na. Nang makatulog ka pa mamaya pag-uwi mo."
Gaya ng sabi ni Edward ay naging busy nga ito kaya halos wala silang communication ni Maymay. Kaya naman nang magkaroon ng off ang dalaga ay naisipan niyang puntahan si Edward sa Uni nito, without Edward knowing to surprise him. Ipinagluto niya ito ng pagkain na itinuro sa kanyang lutuin ng binata.
Kinakabahang naglakad papasok ng culinary department si Maymay. Naipasyal na siya ro'n ng binata kaya hindi na naging mahirap sa dalaga na hanapin ang classroom nito. Mula sa labas ng classroom ay salamin na lang ang pagitan ng dalawa. Mukhang sakto namang kakatapos lang ng klase ng binata dahil nagliligpit na sila. Kakaway na sana si Maymay nang makita si Edward pero nang makita niyang may mga kausap ito ay minabuti niyang patapusin na muna sila.
"Ang galing talaga ng tandem niyo ni Ces, Edward! Bagay na nga kayong dalawa, pareho pa kayong may ibubuga!" Bulalas ng kaklase ni Edward na nakakuha sa atensyon ni Maymay. Kitang kita niya ang isang magandang babae na magiliw na nakangiti sa harap ni Edward ngayon habang nagliligpit ito ng mga bowl.
"Pa'no ba 'yan Edward? Bagay daw tayo. Single ka naman 'di ba?" Tama ang hinala ni Maymay na si Ces nga ang babaeng nasa harapan ng binata. Gusto niyang umatras at umalis na nang sandaling 'yon pero tila may nagsasabing kailangan niyang mag-stay para malaman ang sagot ng binata.
Nginitian ni Edward si Ces pero agad na pumasok sa isip ng binata si Maymay. "Yes. I am single."
Kung anong lakas ng hiyawan ng mga kaklase ni Edward ay siyang tahimik ni Maymay na mataman lang na nakatitig kay Edward ngayon.
"So, tayo na?" Si Ces.
Umiling ang binata. "I am single, but my heart is taken. I'm sorry, Ces."
"Boo!!"
"Sino ba 'yan? Ipakilala na 'yan?"
"Baka mas maganda sa'yo, Ces?"
"Kung mas maganda kay Ces 'yan. Aba! Wala ka talagang laban."
"Mas maganda raw sa'kin, Edward?" Nangungumpirmang tanong ni Ces muling nagpailing sa sa binata.
"You guys are crazy. Hindi ko alam ang definition ng maganda sa inyo, but that girl that I love right now—she's the most beautiful girl in my eyes. Siya lang. Si Maymay lang." Hindi malaman ni Maymay kung mapapangiti siya dahil sa papuri sa kanya ni Edward o mahihiya dahil hindi maikukumpara ang itsura niya ro'n sa Ces.
"Oo nga pala, may imaginary girlfriend 'yan."
"At nurse raw."
"Muntik na naming makalimutan 'yang Maymay na lagi mong nababanggit. Ipakilala mo na kasi."
"Maybe, sa graduation ko na lang. You know me, madamot ako pagdating kay Maymay," ani Edward na nagpatawa sa kanila.
"Na sa sobrang damot, lahat ng recipe na ginagawa niya, gusto niya si Maymay niya raw muna ang makatikim."
"Yun na nga e. Idagdag niyo pa 'to. Lahat ng iniluluto niya rito para lang daw sa Maymay niya. Naku! Pustahan tayo. Medyo chubby na 'yang Maymay mo sa kapapakain mo."
Nagtatawanan ang lahat sa loob ng classroom kasama si Edward habang si Maymay na tipid na nakangiti ay piniling sa labas na lang hintayin ang binata at huwag nang pumasok doon.
"Edward!"
Natigilan sa paglalakad ang binata. I think I'm thinking about her too much, sa isip ng binata dahilan para magtuloy-tuloy siyang maglakad. Pero nang may umangkla sa kanang braso niya at may naamoy na pamilyar na amoy ay agad siyang tumigil sa paglalakad at nilingon iyon.
"Maymay?" Lumaki ang pagkakangiti ng binata. Sa sobrang saya niya ay hindi niya napigilang hindi yakapin ang dalaga. Sobrang na-miss niya kasi ito nitong mga nakaraang araw na hindi niya ito nasusundo at napupuntahan. Hindi niya rin masyadong na-i-te-text dahil kapag dumarating siya sa apartment niya ay tulog agad siya. "Did something happened? Bakit ka nandito?" Tanong nang binata nang humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa dalaga.
"Bakit ang cute mo?"
"Okay. You're acting weird. You're complimenting me."
Si Maymay naman ang natawa t'saka niya iniyakap ang mga braso rito habang naglalakad sila. "Na-miss kita."
"Really?"
Tumango tango ang dalaga. "Really," sagot ni Maymay na muling nagpatigil kay Edward sa paglalakad t'saka siya humarap kay Maymay.
"What is this? Why are you like that?"
"Bakit? Ayaw mong ganito ako?"
"No. It's not that. You're making me too happy right now. Baka mamaya may kapalit 'to."
"Ha? Anong kapalit?" Naguguluhang tanong ng dalaga.
"I don't know."
Magiliw na nginitian ni Maymay ang binata. At nang hindi nakuntento ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito t'saka nag-tiptoe para mahalikan niya ang tungki ng ilong ni Edward. "Can I keep you?"
"Hold up." Ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso ng binata dahil sa ginawa at tanong ng dalaga sa kanya. Unti unti siyang lumayo kay Maymay na nagpa-kunot sa noo ng dalaga. "This. This isn't real. I'm dreaming right?"
"Anong sinasabi mo, Edward?" Natatawang napangiwi ang dalaga dahil sa inaakto ng binata.
"Are you drunk? Uminom ka na naman ba ng Long Island Iced Tea?" Bulalas ni Edward na muling nagpatawa sa dalaga.
"Ha? Hindi. Buang!"
"Then why are you like that to me?" Bulalas ni Edward habang hawak ang dibdib na malakas pa rin ang kabog.
"Ayaw mo ng kino-compliment kita?"
"No. Not that. Ikaw." Itinuro ng binata mula paa hanggang ulo ang dalaga. "You're not my Maymay."
"Your Maymay?" Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng dalaga. Aliw na aliw na talaga siya sa reaksyong ginagawa ng binata sa harapan niya.
"Yes. My Maymay is always shy. At bihira niya lang ako bigyan ng compliment."
"Oh yeah?"
OA na pagtango na ginawa ni Edward, pero dinahan dahan niya iyon. "Oh yes. . ."
Hindi na napigilan ni Maymay ang matawa ng bongga. Akala niya, weird na siya, pero hindi niya akalaing may mas wiwirdo pa pala sa kanya. "Anong gusto mong gawin ko sa'yo, Edward? Iuuwi na talaga kita. Sige ka."
"Ohh..." Mabilis na lumapit muli si Edward sa dalaga. "I would love that," aniya na may kasabay pang mabilis na pagtaas baba ng kilay. "Wait, I smell food."
"Ah, oo. Ito. Lunch mo." Inabot ng dalaga ang maliit na bag na hawak niya na agad namang kinuha ni Edward.
"You cooked this?"
Tumango ang dalaga. "Hindi man kasing sarap ng gaya ng sa'yo dahil 'di naman ako chef, makakain pa rin naman 'yan," natatawang sabi ng dalaga. Matamang tinitigan ni Edward ang dalaga habang kinukwento nito ang ginawang pagluluto ng dala niyang pagkain. Hindi siya umiimik. Pakiramdam niya kasi ay mas lalong pinapasok ni Maymay ang puso niya ng walang paalam. "Bakit?" Alanganing tanong ng dalaga nang makitang walang reaksyon ang binata. "Ayaw mo ba na nilutuan kita? Grabe ka. Alam ko namang gumamit ng asin at asukal. Na-di-differentiate ko naman—"
Hindi na natapos ng dalaga ang sinasabi nang bigla siyang yakapin ni Edward. Bahagya siyang napasinghap dahil doon.
"Can I call you mine, Maymay? Pwede ko bang ipagsigawan sa mundo na akin ka? Na wala nang pwedeng mang-angkin sa'yo bukod sa'kin?"
Hindi agad sumagot si Maymay ngunit mabilis na sumilay ang ngiti sa labi niya. Kasabay no'n ay ang pagyakap niya rin sa binata. Si Edward naman na mas lalong kinabahan nang bitawan ang litanyang 'yon ay mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. Bigla siyang nakaramdam ng takot na marinig ang sagot ni Maymay.
"Hindi ako magaling magluto," ani Maymay t'saka niya sinubukang makawala sa mahigpit na pagkakayakap ng binata para tingalain ito. "Okay lang?"
Tumango si Edward, kahit pa naguguluhan.
"Baka hindi tayo maging the best tandem, pero pwede mo naman akong maging private nurse. Kung anong sarap mong magluto, I'll make sure na maginging masarap sa pakiramdam ang gagawin kong pag-aalaga sa'yo."
Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ng binata. Nagugustuhan ang pinatutunguhan ng pag-uusap nila ng dalaga. "Go on, I'm listening."
"Yun lang sa ngayon ang mai-o-offer ko. Okay lang ba yun?"
Dahan dahang tumango ang binata. "Kasama ba sa pag-aalagang 'yon ang kiss and hug as much as I want?"
Natatawang napatango ang dalaga. "As much as you want."
"Kahit saan? Kahit kailan?"
"That's one of your privileges for making me yours, but. . ."
"But?"
Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng daaga, "But I have to make you mine first," aniya t'saka siya nag-tiptoe at hinalikan sa labi ang binata na nakangiti namang pinaunlakan ni Edward.
"Ma'am Maymay!"
Nilingon ni Maymay si Nabi. Katatapos niya lang mag-ayos ng gamit niya dahil sa wakas, makaka-uwi na siya galing isa isang toxic na duty. "Yes, Nabi?"
"Yung friend mo nasa labas. May dalang flowers! Ang gwapo gwapo! Nanliligaw na ba?"
Natatawang isinukbit ni Maymay ang bag niya sa balikat. "Boyfriend ko siya, Ma'am Nabi," sagot niya t'saka siya nagpaalam na rito para puntahan ang kanyang kasintahan.
Matapos ng graduation ni Edward, kasama ng mga kaibigan nila ay lumabas sila. Sa bar counter kung saan sila naka-upo ay pareho silang nakangiti at nakatitig sa isa't isa.
"What kind of drinks do you want guys?"
"Long island iced tea," nakangiting sagot ni Maymay na hindi nag-abalang lingunin pa ang barista.
"And a whiskey on the rocks," dagdag naman ni Edward na kay Maymay din ang tingin. "Mukhang makikita na naman kitang sumayaw?"
"Hmm, as long as ikaw ang partner ko, why not?"
"One of my privileges?" Inilapit ni Edward ang mukha sa dalaga at nang akmang hahalikan niya na ito ay mabilis na iniharang ni Maymay ang daliri niya sa labi ng binata at 'yon ang hinalikan ng dalaga. "What was that?"
"Nakatingin sa'tin yung mga kaibigan natin, pati na si Laura."
"So what? I don't care. You're my girlfriend now." Hinawakan ni Edward ang kamay ng dalaga para alisin 'yon sa pagitan ng mga labi nila na nagpatawa na lang kay Maymay at nagdulot naman ng kilig sa mga kaibigan nilang nakatingin sa kanilang dalawa.
~fin~
Happy holidays to you and to your family bebe's! God bless! ❤️
Light story lang tayo ngayon. Ayoko ng maraming ka-nega-han. Pasko e. Haha!
—KyLiiemichy 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro