It Has To Be US (No Ink)
A/N: Huwag na lang po natin babanggitin na nandito to sa Wattpad. HAHA! Salamat po! At dahil ginusto niyo po ito rito—HERE YOU GO! Enjoy!
PS. Light and short lang ang story na to at wala na pong kasunod. Rough draft ko lang po kasi to. Parang excerpt na kinuha ko sa isang story na gawa ko—deleted scene. Ganern. LoL THANK YOU PO SA PAGBABASA! Votes and comments? Thanks in advance! WUHAHA! Muaaah! Lablab!
————————
Tatlong araw na ang nagdaan mula nang makausap ko si Edward. Tatlong araw na pero sadyang hindi pa rin ako makapag-isip ng tama.
Papakawalan ko nalang ba siya?
Mahal ko si Edward, nandoon na ako. I love him so much but—yes. I have but's. A lot of but's and what if's, that's why I stayed with Don.
Matapos kong kumuha sa drawer ng mga swimsuit na gagamitin ng barkada para sa swimming, sa kwarto naman ako ng kuya ko dumiretso para sana kumuha ng boxer shorts at sando na hindi pa gamit. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang mahagip ng mga mata ko si Edward na nakasandal sa railing ng hagdan. Nilapitan ko siya at mukhang narinig niya ang yabag ko kaya tumingala siya t'saka ako matamang tinitigan.
"May kailangan ka?" Tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya.
"Yeah, you. Ikaw ang kailangan ko May," madiin na pagkakasabi niya t'ska niya ako itinulak at isinandal sa pader. Nahulog ko tuloy lahat ng hawak kong bathing suits.
Kinunutan ko siya ng noo."Ano na naman bang problema mo Dward?" asik ko. Alam kong nanlalaki na naman ang butas ng ilong ko pero wala akong pakielam!
"What the hell are you doing to me? Bakit lagi ka na lang sumusulpot sa isipan ko? Damn, May! What did you do to me?" asik niya. Ang kaninang inis ko tuloy biglang nawala. Maski ang panlilisik ng mga mata ko ay makailang beses kong ikinurap.
Juskolord! Alam kong nagagalit siya ngayon pero bakit kinikilig ako? Mali 'to! Mali!
He rested his elbows on the wall, dahilan para magkalapit ng sobra ang mukha namin. Nanlalaking mga mata ko siyang tinitigan nang sandaling 'yon. Parang wala akong kawala dahil na-korner niya na ako. Kitang kita ko rin ang pag-taas baba ng balikat niya na para bang hinihingal dahil lang doon sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang magtaka sa inaakto niya. Mukha siyang galit na galit—pero bakit?
"Anong bang pinagsasabi mo Edward?" Pahina nang pahina ang pagbigkas ko ng mga salitang iyon. Napakalapit kasi ng mukha niya sa mukha ko.
"Stop torturing me. Get out of my life. Get out of my head, May. Get out! And quit making my heart pound like crazy!"
Nang sabihin niya iyon ay kitang kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya at sa 'di malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Na sa sobrang bilis ay hindi ko mapigilang mapahawak sa dibdib niya para bahagya siyang itulak ngunit, bigo ako. Mas lumapit pa siya sa akin t'saka niya ipinatong ang noo niya sa noo ko.
"Stop these feelings, May. . . I don't like this. I don't even want it. I don't need it!" Halos pabulong ngunit mariin niyang sabi.
Tagos sa puso ang bawat salita ni Edward. Tila karayom iyon na tumutusok sa dibdib ko. Idagdag pang may kung anong parang bumara sa lalamunan ko kaya naman hindi ko siya masagot. Kahit naman sagutin ko siya ay anong sasabihin ko?
Huwag? Mahalin mo ako Edward dahil mahal na mahal kita? Yeah right. Kahit sabihin ko iyan ay walang mababago sa sitwasyong meron kami, dahil boyfriend ko na si Don.
"Maymay. . ." bulong niya t'saka niya unti unting iniatras ang kanyang ulo at mataman akong tinitigan sa mga mata. "I don't wanna love you, but I'm falling. I know you're not gonna catch me, but I can't help it. Not you. Not again. With the same heart as Iza. No. . . Ayoko nang masaktan. Ang sakit sakit, May. . . Ang sakit!" tukoy nito sa babaeng donor ng puso ko na dati niyang minahal. At ang babaeng nakasira sa pagkakaibigan nila ni Don.
Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Edward habang nakatitig siya sa akin nang sandaling iyon. Nagbabadyang tumulo kaya heto't ramdam ko na ang lungkot para sa kanya at kirot sa dibdib ko na alam ko naman ang pinagmumulan. Bawat katagang sabihin niya na nasasaktan siya ay tila ramdam ko. Hindi ko magawang magsalita. Gustuhin ko man ay hindi ko magawa. Masyadong nakakalunod ang kalungkutang meron sa kanyang mga mata. Masyado rin akong nasasaktan dahil sa madamdaming litanyang binibitawan niya.
"Akala ko gusto kita noong una, pero nang malaman kong nasa iyo ang puso ni Iza ang sabi ko, wala. Hindi talaga kita gusto at dapat lang na hindi, dahil si Don na naman ang karibal ko. Pero shit lang, May!" Narinig ko ang paghampas niya sa pader dahilan para mapapitlag ako. "Shit lang kasi noong simulan kitang iwasan mas lalo kitang hinahanap. Na maging sa pagtulog ko mukha mo ang naiisip ko. Then I just realized that—I'm falling, and I'm falling hard! Damn hard, May!" Hinihingal na sabi niya.
Gusto ko na talaga siyang itulak pero hindi nakikisama ang katawan ko. Lalo na ang puso ko. Buong parte nun ay para bang hinahaplos dahil sa binibitawang salita ni Edward. Nakakaramdam ako ng saya dahil nalaman kong mahal niya ako, ngunit sadyang mas matimbang ang nararamdaman kong sakit dahil sa katotohanang isinuko niya ako sa kaibigan niyang si Don. Ni hindi niya nagawang ipaglaban ang nararamdaman niya.
Ako ba? May nagawa? May ginawa?
Wala. Wala kang ginawa, May.
"Gusto kong magsimula May. . . Gusto kong gawin 'yon at ang gusto kong kasama ay si Moira," halos pabulong na sabi niya, sakto lang para marinig ko; na sana ay hindi ko na lang narinig. "Pero sa tuwing iisipin ko 'yon ay bigla kang nagpa-pop out sa utak ko. 'Yong ngiti mo, bawat pagkagat mo ng ibabang labi mo, ang pagtawa mo. . . Maymay. . . Anong ginawa mo sa akin? Bakit ganito? It hurts so fvcking damn much and it's killing me inside. . ."
Tila nagsusumamo ang tinig na iyon ni Edward. Ang luhang kanina ay nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata ay nag-unahan sa pagbagsak. Hindi ko na rin napigilang umiyak. Masyado nang mabigat ang nararamdaman ko na kinakailangan kong huminga ng malalim at ilabas iyon sa pamamagitan ng pag-luha.
"Ngayon pa lang na nakikita ko kayo ni Don, sobra na akong nasasaktan. Pilitin ko mang lumayo, sadyang iba ang sinasabi ng utak at puso ko. Maymay. . ." He sighed heavily. "Makita man kita o hindi, I'm falling in love with you every day. . . So hard that I can't even control myself from doing this."
Balak ko sanang tanungin kung anong ibig niyang sabihin pero hindi ko na nagawa. Huli na para maitulak ko siya. Huli na para pagbawalan ko siya. Huli na para humindi ako at hindi pumayag.
He's kissing me. Hard and deep that it made my knees feel so weak.
Ayoko mang aminin ay kusang gumalaw ang mga labi ko para halikan siya pabalik at sabayan ang bawat kibot ng labi niya. At bawat pag-singhap niya ay siyang pag-hugot ko ng hiningang kinakailangan ko para ayos na makahinga—na wala rin namang silbi dahil nagdadamot ang mga bibig niyang halos sakupin ang buong labi ko.
Kung kanina ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko—dumoble iyon. Naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko kaya naman napahawak ako sa balikat niya. Sinong niloko ko? Gabi-gabi kong pinagpa-pantasyahan ang sandaling 'to! Na mayakap siya, mahalikan at marinig ang katagang mahal niya ako.
Nang mag-hiwalay ang aming mga labi ay siya ring habol namin sa paghinga. Ngunit hindi nakuntento roon si Edward nang muli niyang i-angat ang mukha ko at sakuping muli ang labi ko. Sa pangalawang pagkakataon ay malumanay na pag-halik ang ginawa niya na para bang pinagbibigyan niya akong humalik pabalik sa kanya. Magiliw, nakakabaliw. Nakakawala sa sarili ang halik na iyon kumpara sa una. Nang humiwalay siya sa halikang iyon ay siya pang habol ko dahilan para mapangiti siya habang ako naman ay pinag-initan ng mukha. Pakiramdam ko ay umakyat sa pisngi ko lahat ng dugong meron ako!
"I love you. . . I really do love you so much that it hurts, so just stay away. Stay away from me, May," sabi niya t'saka niya ako hinalikan sa noo at iniwan doon na para bang wala siyang ginawa sa akin.
Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napa-upo ako sa sahig. Sapo ang labi ko ay hindi ko na mapigilang mapahagulgol sa iyak. Ang sakit sakit. Mas masakit pala na mismong sa kanya manggaling ang salitang, layuan ko na siya kaysa sa ako mismo ang lumayo at umiwas sa kanya.
"Babe?" Pukaw ng isang tinig kaya naman agad akong napalingon sa pinagmulan ng pamilyar na boses na iyon.
"Don. . ." Sambit ko t'saka ko siya nginitian. "Kanina ka pa ba diyan?"
Naglakad siya palapit sa'kin at tinabihan ako sa pagkaka-upo. Nasa soccer field kami ng Uni. Uwian na pero nagpa-iwan muna ako roon sa mga kaibigan ko dahil gusto ko sanang alalahanin ang masasayang araw na kasama ko ang lalaking mahal ko—si Edward.
Mas nauna kong naka-sundo si Edward nang mag-transfer ako sa school na ito. Magkaiba man kami ng section ay lagi siyang dumadaan sa klase ko dahil sa best friend niya nga si Don na siyang kaklase ko.
Naalala ko tuloy noong unang magtama ang mga mata namin. Sa totoo lang ay wala ako sa sariling nakatitig sa kanya dahil puro kaba ang nararamdaman ko nung araw na iyon dahil nga sa bago ako. Bigla na lang siyang lumapit sa akin at nakangiti niya akong binati. I was mesmerized—lakas maka-gwapo ng ngiting 'yon! Alam kong kinakabahan ako nang sandaling iyon pero biglang nag-iba ang pagtibok ng puso ko nang ngitian niya ako.
"Sana ako na lang ang iniisip mo ngayon Maymay pero mukhang hindi," pukaw muli sa akin ni Don na halos makalimutan kong kasama ko pala siya ngayon.
"Ahh—hindi. Sorry," sambit ko habang iniiling pa ang ulo ko na hindi inialis ang paningin sa kanya.
"No, May. Ako dapat ang humingi ng tawad," saad nito sabay hawak sa mga kamay ko. "Sorry kung naging selfish ako."
Kumunot ang noo ko ng sandaling iyon. Nagsimula na akong maguluhan sa sinasabi niya. "Ha?"
"Masaya ka ba sa akin, May?" Tanong niyang naging dahilan para sundutin ako ng konsensya. Naiilang tuloy akong ngumiti sa kanya.
"Oo naman. Bakit mo naitanong iyan?" Totoo. Masaya ako sa piling ni Don dahil ipinapakita talaga niya kung gaano niya ako kamahal. Nagagalit pa nga ako sa sarili ko dahil lagi ko silang pinagkukumpara ni Edward.
"Stop trying—you're not," seryosong sabi niya t'saka siya bumuntong hininga. "Akala ko okay lang magpanggap na wala akong alam. Na wala akong napapansin, pero mahirap pala. Nasasaktan ako," tumitig siya sa mga mata ko, "Pero mas nasasaktan ka. Okay lang na ako ang masaktan at maging malungkot. Huwag lang ikaw." Hinalikan niya ang noo ko t'saka niya ako niyakap. "Let's break up. Follow your heart, May. Mas gusto kong makita ang masayang ngiti at pagtawa mo kaysa pilit kapag ako ang kasama mo," aniya na ikinagulat ko.
Napakagat ako sa labi at nagsimulang mapahikbi. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Don t'saka ako tuluyang nagpakawala ng iyak. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na naramdaman ng puso ko. I like Don, but I really love Edward. Mali ko rin talagang pumayag akong maging girlfriend ni Don. Galit ako noon kay Edward kaya naman nagawa kong pumayag. Huli na nang mapagtantong dahil sa isang maling desisyon ay nasaktan ko na si Don.
"Sshh. . . Tahan na," alo ni Don habang hinahaplos niya ang likuran ko.
"I'm so sorry, Don. . . Sorry."
Naramdaman ko ang paghawak ni Don sa braso ko t'saka niya ako iniatras palayo sa kanya.
"May mali rin ako. Parehas lang siguro tayong may pagkakamali na sa ngayon ay pwede na nating itama. Nasaktan ka, nasaktan ako, at nasisigurado kong nasasaktan din si Edward. Moira and Edward broke up yesterday, kaya sabi ko sa sarili ko, ito na siguro ang tamang pagkakataon para maayos ang lahat. Alam naman nating dalawa na meron na kayong pagtingin sa isa't isa bago pa kitang makuha sa kanya. I know Edward, he's my best friend. Mabait siyang masiyado na ultimo mahal niya ay sinusuko niya ng walang laban. Ayoko na ring mangyaring magkasira ulit ang pagkakaibigan namin dahil sa kasakiman ko pagdating sa pag-ibig. Damn! What a word! Pag-ibig it is!"
Sabay kaming napangiti at bahagyang natawa sa huling katagang sinabi niya. Muli ay niyakap ko si Don sa huling pagkakataon.
"Thank you, Don," sambit ko. Laking pasasalamat kong mabait si Don, dahil sa totoo lang, kung hindi, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papaanong sasabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. "Aalis na ako. Gusto kong puntahan siya, Don."
"Hindi na kailangan."
"Ha?"
Bago pa man ako lumingon sa itinuturo ni Don ay nakarinig na ako ng kung ano.
"Maymay!"
Naulit 'yon at narinig ang pangalan ko na ngayon ay binalingan ko ng tingin. Si Edward. Tumatakbo ito papalapit sa pwesto namin. Agad akong tumayo! Gano'n na lang ang tuwa ko nang makita siya.
Hinihingal itong tumingin sa akin t'saka siya bumaling kay Don. Hawak ang bewang niya ay tumingala ito at nagpakawala ng malalim na paghinga.
"Don. . . Bro, ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo," ani Edward.
Tumayo si Don at matamang nakipagtitigan kay Edward.
"A favor huh." Si Don.
"Give Maymay to me Don. I'll do anything you want, just give her back to me. I love her. I really love her," madamdaming sabi ni Edward kay Don.
Napatakip ako ng bibig ko gamit ang dalawang kamay ko. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon ng harapan kay Don. Mabilis na muling namuo ang luha sa mga mata ko.
"What if I say no?" Nakangising sabi Don t'saka ito namulsa.
"I'll do anything that I have to do to make her fall in love with me. Na sa huli ako ang pipiliin niya at hindi ikaw. Hindi sa pagkakataong ito, Don. Not Maymay. She's my Maymay," seryosong sabi ni Edward kay Don.
Grabe! Graba siya! Hoy! Kulang na lang ay mag-cartwheel ako ngayon pero siyempre pa-kiyeme tayo—pero ang dami kong kilig! Gigil mo si ako, Edward!!
Nagsukatan ng tingin ang dalawa kaya naman nakaramdam na ako ng kaba. Ayokong mag-away sila.
Magsasalita na sana ako pero nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi ni Don saka siya umiling.
"Langya dude! Maka-english wagas?" Tumatawang sabi ni Don dahilan para makahinga ako ng maluwag.
"Don," sambit ni Edward na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito.
Tinapik ni Don ang kanang balikat ni Edward. "Kapag sinaktan mo siya, lagot ka sa'kin. Sa ayaw at gusto mo, aagawin ko siya ulit," sambit nito t'saka siya bumaling sa akin at nginitian ako. "Be happy okay? Thank you, Maymay," aniya na mababakasan ang kalungkutan sa mga mata at ang namumuong luha ro'n. Nang pumihit siya patalikod at naglakad palayo ay pinigilan kong sundan siya at suyuin—huwag na muna. Sa ngayon, gusto ko na munang maging masaya—gusto kong harapin si Edward at aminin dito ang nararamdaman ko.
Napapikit ako nang sandaling iyon at napayuko. Akala ko kapag nagmahal ka ay puro kasiyahan lang ang dulot no'n. Oo masasaktan ka pero hindi ko akalaing ganito kasakit ang mararamdaman ko, o ang mararamdaman ni Don, o ni Edward.
"Maymay, " rinig kong tawag ni Edward sa pangalan ko kaya naman agad akong nag-angat ng ulo. Nang magsalubong ang mga mata namin ay muli akong napaluha.
Lumapit sa akin si Edward at mahigpit niya akong niyakap. Niyakap ko siya pabalik t'saka ako sumandal sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil saktong sakto ang tenga ko ro'n—napakasarap sa pandinig. Napakasarap sa pakiramdam na hindi lang ako ang ganito ngayon.
Naramdaman ko ang paghawak ni Edward sa braso ko t'saka niya ako bahagyang inilayo. Bumaba ang hawak niyang iyon sa bewang ko t'saka niya ako hinapit papalapit sa kanya.
"I don't know if I'm too late, pero gusto kong malaman mo 'to." Huminga siya ng malalim. "Choose me. It has to be me Maymay. Because for me, it has to be you—it has to be us. This time, I want you to be mine. I love you, May. Can you please—please, be my girlfriend?"
Unti unti akong napangiti t'saka siya marahang tinanguan.
"Mahal din kita, Dward," halos pabulong kong sabi.
"Kasi kung hindi—wait. . . What?!" Bulalas niya.
Kahit kailan talaga ay insensitive itong lalaking ito. Idagdag pang slow siya! Kaya ayan! Alam na ata ng lahat na may gusto ako sa kanya, siya lang 'yong tatanga-tangang sinusungitan pa ako lagi. Haynako! Kung hindi ko lang talaga mahal 'tong lalaking 'to.
Bahagya akong tumawa bago sumagot. "Mahal naman na talaga kita eh. Ikaw lang itong lumayo," nakalabing sabi ko.
"I thought—"
"You-thought-your face!" Inirapan ko siya. "Slow na nga, manhid na nga, nanakit pa! E 'di wow lang 'di ba?!" Napanguso akong nilingon ang field pero agad niyang hinawakan ang baba ko at hinarap muli ang mukha ko sa kanya. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay siyang ngiti niya.
"Hindi nga? Do you really love me? Ako lang?"
Kitang kita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon sa mukha niya kaya bahagya akong tumawa.
"Oo nga. Paulit-ulit? Ano 'to? Pirated CD drama?" biro ko. Nakatanggap tuloy ako ng pitik sa noo. "Dward naman eh. Nagbibiro lang naman eh."
"You and your mouth.. I swear," nakangiting sabi niya.
"Bakit kasi ang torpe?" nakangising tanong ko.
"Ano?!" Kunot noong asik niya. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin t'saka ako umatras ng ilang hakbang.
"Torpe! Kailan pa naging torpe ang lalaking mahilig sa babae?" Taas kilay kong sabi rito saka ako humalukipkip.
"You. . ." Dinuro niya ako kaya naman muli akong napaatras. Nagsimula itong lumapit palapit sa akin dahilan para mapatakbo ako.
Nakita ko ang paghabol niya kaya naman natawa na lang ako. Para kaming bumalik sa elementary kahit pa college students na kami.
Nang mahuli niya ako at niyakap mula sa aking likuran ay sabay pa kaming natawa. Hindi ko napigilan ang mapasigaw nang bigla niya akong buhatin at iikot nang sandaling iyon. Ngunit dahil sa katangahan ng bato—oo, ng bato nalang—na-out of balance si Edward kaya naman bumagsak kaming dalawa sa damuhan.
Natatawang hinila ko ang kamay niya t'saka ako humiga sa braso niya. As he held my hand, he intertwined his fingers around mine. Napangiti ako t'saka ako tumingala para salubungin ang mga mata niya.
"I love you, Dward," naglalambing na sabi ko. Hinalikan naman niya ako sa noo t'saka niya hinaplos ang mukha ko.
"I love you," he paused, "Alam mo bang natatakot ako ngayon dahil sobrang saya ko? Baka kasi bigla na lang akong magising sa isang napakagandang panaginip na 'to at malamang hindi pala 'to nangyayari. Natatakot akong mawala ka na naman sa'kin, Maymay," aniya.
"Don't worry hindi iyan mangyayari at lalong hindi ito panaginip." Nginitian ko siya. "Naaalala mo ba noong unang beses tayong lumabas? Alam mo bang iniisip ko noong panahon na iyon na, bakit kaya komportable akong hawakan mo ang kamay ko? Bakit kaya okay lang sa akin at pakiramdam ko parang ang tagal na nating magkakilala para pumayag akong mahawakan mo ng gano'n-gano'n lang? Then I've realized, that no matter how hard we try to understand some things, we can't. It just happens. And I always believed that everything happens for a reason. We have this connection, Dward, na napakahirap i-explain." Huminga ako ng malalim. "Maybe, ito na 'yong reason at ito na rin ang explanation. I fell in love, you fell in love. Us. This. Cliché much? Well yeah. . . But still, love is love. May iba pa bang kahulugan iyon?"
"Meron pa," nakangiting agad na sagot niya.
"At ano naman?"
"I need you, you need me, that's love and that's the way it's supposed to be," nakangiting sabi niya dahilan para mapangiti nalang din ako.
"Ang kornik mo, pasalamat ka mahal kita," biro ko.
"Silly," natatawang sabi niya saka niya ako hinapit pa papalapit sa kanya at buong higpit na niyakap.
~Fin~
Spread love. Huwag na huwag kang magsasawang magmahal at ipaglaban ang nararamdaman!
Happy Valentines!
No Ink Hearts MayWard
—KyLiiemichy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro