Chapter 9
Two days after, around 9am pumasok na si Dei sa Resort. Nag-rounds siya sa Resort, nakita niya don si Sam. Bumati ito sa kanya pati na ang ilang staff na nakasalubong nya.
Sam: Good Morning Storm! Mabuti magaling ka na.
Dei: Oo nga, I'm feeling a lot better. Samuel thanks sa pagaasikaso sa akin ha.
Sam: Sus! wala yon, that's what friends are for.
Dei: Ok, pwedeng paready na lang ng breakfast ko dyan. Mag-rounds lang ako.
Sam: Sige pagbalik mo ready na.
Nagpunta naman siya sa Hotel, nagulat siya sa nakita niya. Pagpasok ng entrance sa gilid ng pinto may malalaking black jars. May nakalagay pa na note dito. "Singaporean black jars hand painted by crippled children of Singapore". Sa wall na nakaharap sa check in counter, may bagong painting, "The Island of Boracay in the eyes of a blind painter - Benode Behari Mukherjee of India." sa ilalim nito may bagong black ang white na couch. Paglagpas ng check in counter may isang dark brown na wooden set with table at sa corner ng area na yon, may napakagandang bamboo fountain nakalagay sa note nito "This bamboo fountain is made by the a crippled young Igorot- Banaya". The place looked elegant and she liked it. Nakasalubong nya si Liza.
Liza: Good morning Mam! Mabuti magaling na kayo.
Dei: Good morning! Liza who's idea is all this?
Liza: kay Sir JR po at sa kanya din po ang lahat ng gamit na yan, mahilig po pala siya magcollect ng mga items na gawa ng mga may kapansanan. Galing po lahat yan sa bahay niya.
Dei: May bahay siya dito sa Boracay?
Liza: Opo Mam, sa may Boracay View po. Galing po kami don kahapon. May padating pa pong mas malaking bamboo fountain na gusto nyang ilagay sa Beach Front Resto baka daw magustuhan mo. May binigay po pala syang flower base with flowers para sa inyo. Yung flower base po made of black glass galing sa Sydney. Sabi niya pasalubong at get well soon gift nya daw sa inyo.
Dei: Liza are we talking about the JR - Mr. Richard Santillan-Perez, yung bunsong anak ni Sir Simon?
Natawa si Liza.
Liza: Opo Mam, sya nga po at wala ng iba. Mabait naman po pala siya at kapag nagseseryoso sa trabaho mukhang magaling. Siya nga po ang sumasagot ng tawag para kay Sir Simon, may meeting po sya ngayong umaga, dapat meeting ni Sir Simon siya na po ang umattend kasi nasa Manila pa po si Boss.
Dei: anong himala ang nangyari, dalawang araw lang akong nawala ah. May eclipse ba?
Dumating si Vinz, narinig ang mga huling sinabi niya.
Vinz: I see you're all well and back to being a bitch.
Dei: Good morning Vinz, hindi naman nagugulat lang ako.
Vinz: At mas magugulat ka kapag nakita mo ang itsura nya.
Liza: Ay oo nga Mam, lalong naging gwapo!
Dei: halika na kayo magbreakfast muna tayo at baka nalilipasan lang kayo ng gutom.
Mayamaya pa, dumating ang bamboo fountain, ipinalagay nila sa gilid ng wall na katapat ng bar area kung saan nakapalibot ang chairs and tables. Nang i-on ito, it is a musical fountain.
Napangiti si Dei...
Dei: ang ganda naman, pati ang music soothing to the ears.
Vinz: sabi nya nga magugustuhan mo eh.
Napatunganga si Dei sa fountain, nakatitig lang siya dito at bumalik sa alaala niya ang gabi na isinayaw siya ni JR, kung papano siya hinawakan ni JR sa bewang at niyakap nito nung umiyak siya. Nung may sakit siya, kung papano siya inalagaan, binantayan at hinaplos ang pisngi nya bago umalis ito. Naisip nya ang buong mukha nito... ang mata, kilay, ilong, pisngi, dimples at ang labi nito. Mga trenta minutos din siyang tulala ng marinig niya ang pamilyar na tinig ni JR.
JR: Hello everybody!
Napalingon siya dito, tinignan ang binata mula ulo hanggang paa. Nakablack suit ito at pink na polo shirt at black na sapatos, ang gwapo niya sa corporate suit. Hinuhubad nito ang blazer habang naglalakad palapit sa kanila, binuksan ang dalawang butones ang polo shirt bago pa ito umabot sa harap niya. Ngumiti ito sa kanya at naramdaman nyang naginit ang mukha niya. Inalis nya ang pagkakatingin dito at ibinalik sa fountain.
Dei: Ang ganda naman ng fountain. This is a nice idea, nakakarelax panoorin eh.
JR: I'm glad you liked it.
Dei: Pati yung sa hotel lobby, that was nice, good job Sir JR!
JR: Cool, nakatiwangwang lang naman yung mga yon sa bahay at least ngayon marami ng nakakakita.
Dei: I'm sure matutuwa si Sir Simon pagdating nya. Vinz, asikasuhin ko muna yung pinagusapan natin. I'll see you guys later.
Padating si Sam. Tinawag nito si Dei.
Sam: Ms. Dei... Mamayang gabi ha dinner sa bahay magtatampo si Tatay kapag hindi ka dumating.
Lumingon si Dei at ngumiti kay Sam.
Dei: darating ako basta nandon ang paborito ko
Sam: patay tayo diyan, sige sasabihin ko kay Tatay.
JR: Vinz, ano yong aasikasuhin ni Dei na pinagusapan ninyo.
Vinz: Wala naman kaming pinagusapan eh, hindi lang ata kinaya ang kaguwapuhan mo eh. Tsaka feeling nya nagmilagro ang Diyos sa mga pinag-gagagawa mo.
Nagtawanan sila. Napakamot sa ulo si Sam.
Vinz: Ano naman ang problema mo Sam?
Sam: Kasi wala namang handang seafood si Tatay kung hindi inihaw na tilapia eh, nakakahiya naman kay Dei.
Vinz: lagot ka mamaya kapag dumating yon baka magwalk-out.
JR: bakit ano bang paborito niya?
Sam: calamares, Hilabos na hipon, ginataang alimasag, sweet and sour na Lapu-lapu.
JR: Problema ba yon?
Kinuha ni JR ang wallet sa bulsa kumuha ng tatlong libong piso at iniabot kay Sam.
JR: O, mamalengke ka na at ihatid mo sa inyo at ipaluto sa Nanay mo, sabihin mo huwag ilalabas yang hanggang hindi dumadating si Ms. Dei.
Vinz: Yun naman, bilib ako sa mga diskarte mo ngayon ah.
Sam: Bro, ikaw ha kailangan nandon ka din, naikwento ko kay Tatay na nandito ka, gusto ka niyang makita.
Vinz: Oo pupunta ako sabay na kami ni Vinz.
Si Dei naman pagpasok sa opisina niya dumeretso sa banyo at naghilamos. "What was that day dreaming all about? Bakit ko naiisip yung mga ginawa ni JR? Nothing like this should be happening! Ayos ka lang Dei? Walang ibang ibig sabihin yon!"
Naging busy ang maghapon ni Dei, may mga nagocular na guests na nagsabing nakita nila ang video ng resort sa motocross awarding. Nagpabook ang isa ng 150 pax para sa 7th birthday ng anak niya. At maghapon ding nasa harap ng computer si Dei dahil sa metro deal bookings na natanggap niya. Walang tigil ang telepono sa table nya sa kakatunog. Hindi na niya namalayan ang oras at nagulat siya ng kumatok si Liza.
Liza: Mam, iremind ko lang 7pm na po, may dinner pa tayo sa bahay ni Sam.
Dei: Ay oo nga, may sasabay ba sa atin?
Liza: Opo Mam, the usual, si Ms. Kathy, Ms. Jessa at Sir Justine po
Dei: Okay, sandali magbibihis lang ako. Pumasok ito sa sariling banyo sa loob ng opisina niya at nagbihis.
Paglabas niya, inilock ang pinto ng opisina at dumeretso na sa entrance ng hotel. Kinuha ang susi ng kotse sa gwardiya at umalis na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro