Chapter 8
Nakatulog si JR sa tabi ni Dei, sa pagaalalang baka hindi mawala ang lagnat nito. Binantayan nya ito hanggang hindi na niya namalayan na inantok na siya at humiga sa tabi ng dalaga. Nagising si Dei bandang alas sais ng umaga, pagmulat nya ng mata hindi naman siya nagulat na nakahiga si JR sa tabi niya. Pinagmasdan niya si JR sa pagtulog nito. Tinitigan niya bawat parte ng mukha ni JR. "He's got the perfect eyebrow, hindi makapal hindi rin manipis, ang mata kahit nakapikit maganda, walang eyebags, ang cute ng pagkatangos ng ilong nito it blended sa makinis na bedimpled na pisngi at sa kabila may kung anong maliit na pilat ito na kung hindi mo titigan hindi mo mahahalata, at ang lips... red parang ang sarap halikan, at ang jawline parang ang sarap haplusin."
Biglang kumilos si JR, napapikit si Dei sa takot na mahuli siya nitong tinitignan ang mukha niya. Nung naramdaman nyang hindi na ito gumagalaw nagmulat siya ng mga mata, nagulat siya nakaharap sa kanya ang natutulog na binata. Magkalapit ang kanilang mukha, konting-konti na lang magtatama na ang ilong nila.
Makalipas ang isang oras, narinig ni Dei na may tao sa labas ng cottage niya. Ipinikit nya ang mata at nagtulog-tulugan. Bumukas ang pinto pumasok si Sam sa bahay at dahan dahang dumeretso sa kwarto. Nagulat ito ng makitang magkatabing natutulog ang dalawa. Mahina niyang ginalaw ang binti ni JR.
Sam: JR bro gising na, bat natulog ka dyan.
Naalimpungatan si JR, biglang napatayo. Nilingon si Dei, hinawakan ang noo nito, hinaplos ang pisngi at nagmamadali ng niyaya palabas ng kwarto si Sam.
JR: Halika na umalis na tayo, baka magalit pa yan kapag nalaman na natulog ako dito.
Sam: Eh bakit ka nga ba natulog dito?
JR: Hindi ko sinadya, hindi bumababa ang lagnat niya kaya binantayan ko na, hindi ko na namalayan na inantok na pala ako.
Rinig na rinig ni Dei ang paguusap ng dalawa, natawa na lang siya. Lumabas na ng cottage ang dalawa at umalis na. Naglakad ang mga ito papunta sa resort.
JR: Mayamaya dalhan mo ng agahan, samahan mo na ng corn soup. Para pagpawisan ulit. Siguraduhin mong inumin yung gamot na iniwan ko don ha.
Sam: Oo sige.
Pagdating nila sa Resort inabutan nila si Vinz at si Sir Simon na kumakain ng agahan.
JR: Good morning Dad!
Humalik ito sa pisngi ng ama.
Sir Simon: Good morning! San ka galing, nalasing ka na naman ba at ngayon lang umuwi? Bakit parang hindi kita namalayan na dumating kagabi?
JR: Dad, umuwi ako, napasarap na ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. Nagising lang ako ng maaga at naglakad-lakad.
Sir Simon: Sigurado ka?
JR: Opo, ayan itanong nyo kay Sam sabay kaming umalis dito kagabi.
Sam: Opo Sir, sabay po kaming naglakad papunta sa hotel kagabi.
JR: hindi pa sana ako aakyat dahil hinahanap kita Vinz, eh nasa summit ka daw kaya pagkatapos ng 2 bottles umakyat na ako. Boring naman uminom magisa eh.
Sir Simon: O sige na naniniwala na ako. Teka nga pala nakausap ninyo na ba si Dei. Parang hindi ko nakikita ang batang yon.
Sam: Medyo, masama ho ang pakiramdam Sir, pero uminom naman po ng gamot nagpakuha po ng gamot sa akin kagabi eh.
Sir Simon: O sige dalhan ninyo ng agahan at siguraduhing uminom ng gamot, kung kailangan papuntahin si Angelo doon, papuntahin ninyo. JR alamin mo kung anong lagay ni Dei mamaya pagkatapos mong kumain, baka kung napapano na yon.
JR: Opo dad, wag na kayong magalala, alam ninyo namang ayaw ni Dei ng nagaalala kayo dahil sa kanya, kaya kapag kailangan non magpatingin sa doctor sigurado akong ipapatawag non si Doc Angelo. Bibisitahin ko mamaya at tatawagan ko kayo.
Sir Simon: Mabuti pa nga, paalis ako ngayon papuntang Maynila. May Kliyente ang kuya mo, isang korean company, nagpaplanong mag team building dito sa Boracay. Mga 70 katao yon kaya kailangan naming makipagmeeting.
JR: Wow! ayos yan Dad.
Sir Simon: Sa palagay mo, kung ibibigay natin ang promo price mo na 5K per person on 3days/2nights with free breakfast, hindi tayo malulugi?
JR: Hindi Dad, ilalagay natin silang lahat sa Standard Double Room, eksakto yon 35 rooms. Since, team building am sure sabay-sabay yan magbebreakfast dahil may activities pa yan so am sure instead na buffet pwedeng gawan ni Dei ng special sit down breakfast yan sa isa sa banquet rooms.
Sir Simon: Sige, kausapin mo si Dei at iemail ninyo sa akin ang menu.
Tahimik ng nagbreakfast ang mag-ama. Pagkatapos magbreakfast nagpaalam na si Sir Simon, umakyat naman si JR sa penthouse at naligo. Napapaisip ito, bakit nga ba naman kasi nakatulog siya don. Hindi siya nakakatulog kung saan-saan kahit pa lasing sya o antok na antok na dahil namamahay siya, eh bakit nakatulog sya sa tabi ni Dei? At masarap ang tulog niya. Nawi-weirduhan talaga siya, dahil iisang babae lang ang nakatabi niya sa pagtulog, si Chelsea."
Pagkatapos maligo nagbihis ito, nagslacks na itim at light blue na three forth sleeves na polo at itim na sapatos. Tinitigan ang sarili sa salamin. "I miss this look". Bumaba ito sa Lobby, kahit mga staff ng hotel ay nagulat sa itsura niya. Dumeretso siya sa opisina ng Daddy niya at doon naupo. Binasa ang mga papeles sa ibabaw ng table at kinuha ang organizer. Mayamaya pumasok si Liza. Nagulat ito sa kanya...
Liza: Good morning Sir! Nandyan pala kayo.
JR: Good morning, wala bang nakalimutan na appointment ang daddy?
Liza: Wala naman po.
Jr: Sige kapag may tawag na lang para sa kanya, transfer it here ako na ang sasagot para sa kanya.
Liza: Ok po Sir.
JR: kamusta pala ang Boss mo?
Liza: Ok naman po, tumawag na po kanina, ang bilin kung may kailangan sa kanya tawagan lang siya at pupunta siya.
JR: Huwag na, baka mabinat pa yon. Kung may client ang event tawagin mo si Vinz at papuntahin mo dito kasama ang client.
Liza: Ok sir noted po.
Tumayo si JR. Kinuha ang clipboard na my papel at iniabot kay Liza.
JR: Mag-rounds na tayo para mawala ang antok ko at magkape na din tayo sa baba.
Liza: Ok Sir.
Bago lumabas ng opisina, nakita na JR na napapangiti si Liza.
JR: Ano at nangingiti ka dyan?
Liza: Sir, bagay sa inyo ang suot nyo, lalo kayong gumwapo.
JR: talaga lang ha.
Liza: Oo nga Sir, walang bola.
Palabas sila ng opisina na nagtatawanan.
Liza: Mukha kayong artista parang si ano ba yon, Alden Richards.
Ang lakas ng tawa ni JR, napatingin sa kanya ang staff sa lobby.
JR: Good morning everyone.
Hinaplos nito ang counter top.
JR: Clean this maalikabok.
Staff: yes Sir!
Tumayo ito sa entrance ng hotel.
JR: Liza ang bare ng entrance di ba, walang kadating dating. Dapat maglagay ng halaman or decorations, paintings on the wall. Alam ko na, yung bamboo fountain maganda yon.
Liza: oo nga Sir, noted po.
JR: tapos pagpasok mo at may nagche-check in pa, wala man lang maupuan dito, dapat maglagay ng mga couch.
Liza: Noted Sir.
Naglakad ito papunta sa elevator. Nakita nito na dalawa lang ang gumagana.
JR: Liza kaylan pa nasira ito?
Liza: medyo matagal na po Sir.
JR: Bakit hindi pa nagagawa?
Liza: Wala pa po atang materyales.
JR: So ganyan na lang yan? Kapag natuloy yung korean company na magteam building dito mahihirapan tayo, inote mo dyan kakausapin ko si Vinz tungkol dito.
Liza: noted na po Sir.
JR: Isa pa kapag nasa corridor ng mga rooms parang wala man lang pabango. Dapat may distinct smell parang sa mga international hotel.
Bumalik ito sa lobby habang nakasunod lang si Liza, hanggang makarating sila sa Resort. Bumati naman ang mga staff sa kanya. Iginala ang mga mata, nakitang maalikabok ang mga lamesa, walang centerpiece, ang water dispenser wala ng laman hindi pa napapalitan. Nagulat ang lahat ng bigla itong sumigaw
JR: Sam!!! Liza tawagin mo si Sam. Ano ba namang itsura dito.
Tumatakbong lumabas ng waiters quarters si Sam.
JR: Ano na Sam? Nawala lang ang boss ninyo ganito na itsura dito? Tignan mo yung mga lamesa kahit nasa malayo kitangkita ang alikabok, nasan ang mga lalagyan ng tissue, wala ng laman yung dispenser ng tubig, hihintayin pa bang may magreklamo?
Sam: sorry Sir, aasikasuhin ko na po.
JR: I want this place clean and organized! pati yang mga comfort rooms ipalinis na yan! Dapat maaga pa lang malinis na dito, dito dumadaan ang mga guests na nagjo-jogging at nanonood ng sunrise. Kapag dumating dito si Dei at nakita ang itsura dito baka mabinat pa yung Boss ninyo!
Vinz: Good morning bro! Ang aga-aga ang init ng ulo mo.
JR: Bakit hindi iinit ang ulo ko, its past 9am ang itsura dito parang kagabi pa before closing!
Vinz: Pasensya ka na galing sa Summit yung ibang tao pinull out ko kasi kulang sa tao don kaya medyo tinanghali ng pagaayos dito.
JR: Vinz, magpost ka ng interview for reserved personnel, hindi pwedeng madalas tayong nagkakaganito. Ngayon ok tayo kasi konti ang guests kapag pumalo ang promo ads natin sa metro deal matataranta tayo. We cannot afford that.
Vinz: Oo sige, kailan mo gustong ischedule ang interview?
JR: kahit Friday, siguro naman Ok na si Dei non, I want her input magiging staff nya yon, she has to be the final say. Oo nga pala nabanggit mo na ba sa kanya yung proposal for sit down breakfast menu for 3 days na kailangan ni Daddy?
Vinz: Oo tinawagan ko na kanina. Magkape nga muna tayo.
Naupo sila sa isa sa mga tables doon at uminom ng kape. Diniscuss niya kay Vinz nga mga napagusapan nila ni Liza ng biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown number, nakalagay "Sir, I sent the menu for the Korean Client on your email. Pacheck na lang, if there's any problem just let me know."
Tumingin si JR kay Vinz.
JR: I think I just got a message from Dei, binigay mo number ko?
Vinz: Oo para hindi na paikot-ikot pa ang instructions pwede naman direct na kayong magusap.
JR: Liza paki kuha yung laptop ko sa office ng Daddy.
Vinz: by the way I like your outfit today, that's more you!
Sinave niya ang number ni Dei at sinagot ang text message nito. "Good morning! I will check the email, thanks!"
Mayamaya pa, may message ulit from Dei. "Thanks for last night."
JR: "Wala yon, magaling ka na?"
Dei: "Yes, I feel better."
JR: "Kumain ka na ba ng breakfast at uminom ng gamot?"
Dei: "Opo doc!" :-)
JR: "Papasok ka na bukas?"
Dei: "Bahala na..."
JR: "Dei naman eh..."
Natawa si Dei sa message nito... parang batang naglalambing. Hindi na siya sumagot pero sabi niya sa sarili, "Opo papasok na ako bukas."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro