Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 65

Nagdaan ang pitong buwan. Dahil kabuwanan na ni Krizza, sa mansyon ito sa Forbes naninirahan kasama si Ram, Dei at Gina. Habang si JR naman sa sariling pad nakatira.  Masaya ang naging relasyon ni Dei at JR.  Kahit busy sa kani-kanilang mga negosyo, lagi silang may oras para sa isa't isa, sa mga kaibigan at sa kanilang pamilya.  Isang beses sa isang linggo na nagdidinner sila sa Home Cuisine kasama sila Uno at Maxine.  Nagpunta din sila sa kasal ng mga kaibigan.  At sa bawat pagkakataon na magkakasama sila lagi't lagi na silang tinatanong ng mga ito kung may plano na ba silang magpakasal.  Katulad ng sabado ng umaga na yon, magkasama si Dei at Maxine sa isang spa, habang nasa loob ng steam room nagkwentuhan ang dalawa.

Maxine:  Kamusta naman girl?

Dei:  Okay naman.  Eto masaya, ang lakas ng Home Cuisine at mabuti naman ang buong pamilya, walang nagkakasakit kaya talagang masaya ako.

Maxine:  Pero am sure mas masaya ka sana kung nagpropose na siya sa yo.

Dei:  Siguro, pero hindi naman ako nagmamadali eh.  Besides feeling secured naman na ako sa pagmamahal ni Richie, so ok lang yon.

Maxine:  Kami ni Uno ang naiinip para sa inyo. Bakit ba kasi ayaw nyo pa?  Pareho naman na kayong may magandang trabaho at negosyo.

Dei:  Hindi naman sa ayaw namin, hindi lang talaga namin napaguusapan pa. Besides anong magagawa ko, alangan namang ako ang magpropose?

Maxine:  Pero tapatin mo ako girl, ikaw ba sure ka na siya ang gusto mong makasama habang buhay?

Dei:  Oo naman, siguradong sigurado ako.

Samantala, sila Uno at JR naman nasa gym.  Habang nasa threadmill, nagtanong si Uno.

Uno:  Bro, hindi ka man lang ba nainggit nung ikasal kami ni Maxine?  Eh dapat nauna ka pa sa akin na ikasal noon di ba. Tapos ngayon naunahan na kita.

JR:  Medyo nainggit, tsaka nung makita kong napaiyak si Dei sa wedding vows ninyo, naisip ko din na sana in the future mapaiyak ko din siya sa wedding vows ko para sa kanya.

Uno:  Then, what's stopping you?

JR:  Wala naman, nageenjoy naman kami ni Dei sa relationship namin eh.  Pero tatapatin kita bro, it is at the back of my head.  Napapanaginipan ko na nga ang paglakad namin papunta sa altar eh.

Uno:  Yun naman pala eh, bakit hindi ka pa magpropose?  Pareho naman na kayong stable at botong boto naman ang pamilya nyo para sa inyong dalawa.

JR:  Ewan ko, hindi pa lang siguro namin napaguusapan or siguro hindi pa panahon.

Uno:  Ano pa bang panahon ang hinihintay mo bro?  Tapatin mo nga ako, ikaw ba hindi ka pa sigurado na si Dei ang gusto mong makasama for the rest of your life?

JR: Bro, wala na akong ibang babaeng nakikitang kasama ko sa future kung hindi si Dei.  Ewan ko ba, siguro natotorpe na naman ako, natatakot na baka ayaw pa niya since hindi naman niya sinasabing gusto na niyang magpakasal eh.

Uno:  Ano ka ba?! Bro, syempre hindi yun magsasabi, alam mo naman ang mga babae feeling nila kapag sila ang nagopen ng topic na yon eh sila lang ang may gusto na magpakasal at dahil hindi ka naman nagtatanong iisipin niya ayaw mo pa siyang pakasalan.

JR:  Alam kong nagaalala ka para kay Dei bro, pero ako na ang nagsasabi sa yo, wala kang dapat alalahanin dahil si Dei na ang gusto kong makasama ko sa hinaharap.  

Uno: Mabuti naman kung ganon.  Yung totoo bro, ayoko ng masaktan pa ulit si Dei.  Dapat sa mga panahon na ito puro saya lang ang dumating sa kanya dahil sobra-sobra na ang sakit na naramdamam niya in her past.

JR:  Alam ko yon bro, at pangako kahit kelan hinding hindi ko siya sasaktan.

Pagkagaling sa kani-kanyang lakad umuwi sa mansyon si JR at Dei.   Nasa taping si Gina kaya si Krizza lang ang nadatnan nila.  Magkakasabay silang  nananghalian, nanood ng movie sa CD pagkatapos at nagpaalam si Krizza na magpapahinga sa kwarto. Nakahiga si Dei sa couch at nakaunan sa hita ni JR at halos naiidlip na sila ng bigla nilang marinig si Krizza na tinawag si Dei.  Napabalikwas silang dalawa at pinuntahan ito.  Nadatnan nila itong nasa kama at hawak ang tyan.

Dei:  Krizza? Bakit?

Krizza:  Sis, sumasakit ang tyan ko.  Samahan na ninyo ako sa ospital please.

Itinuro ni Krizza ang bag na dapat niyang dalhin.  Binitbit ni JR ang bag at binuksan ang pinto. Inalalayan ni Dei si Krizza.  Habang pababa ng hagdan sumigaw si JR. 

JR: Armida, paki buksan ang gate, manganganak na si Krizza.

Natataranta naman ang katulong na binuksan ang gate.  Sumakay sa likod ng kotse si Dei at Krizza at pinaharurot na ni JR ang kotse papunta sa ospital.  Limang minuto bago  sila makarating sa ospital pumutok ang panubigan ni Krizza.  Pagdating sa ospital, mabilis naman na naiderecho sa Delivery Room si Krizza. Naiwan si Dei at JR sa labas. Tinawagan ni JR si Ram at ang Daddy niya.  Tinawagan naman ni Dei si Gina at ang magulang ni Krizza.  Maya-maya pa lumabas ang isang nurse at sinamahan nito si Dei sa counter para magfill-out ng form at kumuha ng kwarto.  Makalipas ang kalahating oras dumating si Gina.

Maya-maya pa lumabas ang doctor, nandito ba ang asawa o Nanay ng pasyente.

JR:  Wala po pareho.

Gina:  Bakit ho doctor? Tita ako ng pasyente, may problema ho ba?

Doctor:  Medyo kinakabahan si Krizza palibhasa first baby, makakatulong sa kanya na may kasama.

Ibinigay ni Gina ang bag niya kay Dei at sumama sa loob ng delivery room.

Makalipas ang isang oras lumabas muli ang Doctor.  

Dei:  Doctor kamusta na ho ang pasyente?

Doctor:  Nanganak na siya, it's a 7.8 lbs. beautiful baby girl. 

JR: Kamusta po si Krizza Doc?

Doctor: Hindi kinaya ni Krizza ang pain so we had to do it painless normal. Kaya medyo matatagalan pa siya sa Recorvery room. But she is out of danger.  Dadalhin siya sa kwarto kapag nagising na. Congratulations sa inyo.

JR:  Salamat po.

Dei:  Thank you Doc.

Hinintay lang ni Gina na madala sa Viewing area ang anak ni Krizza at umuwi na ito para makapagpahinga dahil puyat pa ito galing sa  taping.  Si Dei at JR naman sa kwarto na naghintay.  Makalipas ang dalawang oras inilipat na si Krizza sa kwarto at dinala na doon ang baby niya. Inilagay ito ng nurse sa tabi ni Krizza. Kinausap sila ng nurse para sa mga kailangan at bilin ng Doctor at umalis na ito.

Nakatayo lang si Dei at JR sa tabi ng kama ni Krizza.

Dei:  Kamusta naman ang pakiramdam mo Sis?

Krizza:  Ok lang ako, don't worry.

JR: Ang cute ng baby mo Sis.

Dei: Oo nga, ang ganda niya oh.

Krizza:  Gusto mo siyang kargahin Sis? 

Lumapit si Dei at kinarga ang natutulog na sanggol. Habang karga at tinitignan ito ni Dei, nakita ni JR na nateary eyed ito.

Dei:  Hello baby! Hi Reizie! This is Tita Dei.  Hon, may pamangkin na tayo!

Bahagyang gumalaw si Reizie at parang ngumiti, lumabas ang dimples nito.

Dei:  Hon, may dimples si baby sa magkabilang pisngi.

Inakbayan ni JR si Dei. At tinignan ang pamangkin, kinalabit ni JR ang tagiliran nito at gumalaw ulit ito at ngumiwi lumabas ulit ang dimples. Natawa silang dalawa.

Krizza:  Alam ninyo, bagay sa inyo... you look like one happy family.

Ngumiti si JR.  Napaisip ito, "looking at Dei, she seems really happy to be carrying a baby." 

Lumabas si JR para bumili ng pagkain nila. Umiyak si Reizie na parang nagugutom, pinabreastfeed ni Krizza at pinapadighay ito ni Dei ng bumalik si JR.

JR: anong ginagawa mo?

Dei: Pinapa-burp si baby.

Nang umiyak ito dahil dumumi, si Dei din ang nagasikaso ito. Nakangiting pinanonood lang siya ni JR.

Krizza:  Sis, mas marunong ka pa ata sa akin magalaga ng baby eh.

Si Dei din ang nagpatulog dito at inihiga niya ito sa baby bed sa tabi ni Krizza tsaka lang ito naupo sa tabi ni JR sa couch.

Kinabukasan pa ang dating si Ram, kaya si JR at Dei ang nagbantay sa ospital kay Krizza.   Alam ni JR na mapupuyat siya ng gabing yon dahil hindi naman siya nakakatulog basta kung saan saan.  Nang makitang tulog na si Krizza at ang baby.  Inakbayan niya si Dei at inihilig ang ulo sa balikat niya.

JR:  Sabayan mo nang matulog sila Krizza.

Dei:  Ako na lang kaya ang magbabantay, umuwi ka na.  Hindi ka naman makakatulog dito eh. Sige na para makapagpahinga ka.

JR:  Hindi kita iiwan dito, ok lang ako kaya ng katawan ko kahit pa hindi ako makakatulog.  Sige na, mas gusto kitang samahan kaysa ang matulog sa bahay.

Yumakap si Dei kay JR at mabilis na nakatulog si Dei.  Ilang oras ang nakaraan at hindi namalayan ni JR na nakatulog siya.  Nagising si JR ng may marinig na mga naguusap sa paligid.

Pagmulat ng mata ni JR nakita nya si Ram na karga si Reizie, ang kanyang ama  na nakaupo sa monoblock chairs katabi si Gina.

JR:  Good morning! Nandito na pala kayo.

Ram:  Kanina pa akong madaling araw, hindi ko na kayo ginising kasi ang sarap ng tulog ninyo medyo humihilik ka pa eh.

JR:  Nakatulog ako? Humihilik ako?

Sir Simon:  Oo nak, nakatulog ka at mukhang masarap ang tulog mo.  Nagulat nga ako kasi alam kong hindi ka nakakatulog kung saan-saan eh.

Napatingin si JR sa natutulog na si Dei sa tabi niya. Napapaisip talaga siya.

Gina: Kahit kaylan hindi siya nakakatulog ng hindi sa kama niya?

Sir Simon:  Oo hindi talaga, pwera na lang kung ilang araw na siyang puyat at hindi na kaya ng katawan yun siguro makakatulog siya o kaya kapag nasa eroplano at mahaba ang byahe.

JR:  Opo Tita, nakakatulog lang ako when I am home, tulad sa mansyon, sa pad ko, sa bahay ko at sa kwarto ko sa Unit ng Daddy. Kahit nga po lasing, hindi ako nakakatulog kung saan saan.

Gina:  Eh papano nung nasa US kayo ni Dei?

JR:  Yun nga ang weird Tita kasi kapag kasama ko si Dei kahit saan pa kami nandon nakakatulog ako kahit saan.

Pinagmasdan ni JR ang mukha ni Dei, hinawi ang buhok at hinaplos ang pisngi, ilang sandali niya itong pinagmasdan, pinanonood lang din siya ng pamilya niya. Nang bigla siyang mapangiti, hinagod ng tingin ang mga taong nasa paligid nila.

JR:  I think I just realized why at sasabihin ko sa inyo very soon kung bakit.

Ngumiti si JR ng isang pagkaganda-gandang ngiti, lumabas ang dimples nito. Muling hinaplos ang pisngi ni Dei at ginising ito.

JR:  Hon, gising na nandito na si Ram, Daddy at Tita.

Nagmulat ng mata si Dei, dahan dahang iginala ang paningin, umupo ito ng maayos at umusog ng konti palayo kay JR.  Parang nahihiya na inabutan sila ng mga ito sa ganong itsura.

Dei:  Good morning po! Pasensya na po nakatulog ako.

Sir Simon:  Huwag ka ng mahiya anak, sanay na kami na makita kayong magkadikit na dalawa 

Bigla siyang niyakap ni JR at hinagkan sa labi. Hinampas niya sa braso si JR.

Dei:  Ano ka ba, hindi pa nga ako nagmumumog eh

JR:  Hon, kahit walang mumog masarap ka pa rin ikiss.

Dei:  Mahiya ka nga ayan na naman yang PDA mo, nandyan ang Mama at si Daddy no!

JR: Ok lang yan kay Daddy at Mama.

Dei:  Grabe siya! Napapano ka ba? Bakit Mama ang tawag mo sa Mama ko, anak ka ba niya ha?!

JR:  Nagpapractice lang Hon!

Nagtawanan silang lahat maliban kay Dei.  Umirap ito at natungo sa banyo para maghilamos at magmumog. Paglabas niya tumayo si JR at hinawakan ang kamay ni Dei.

JR: Dad, bili lang kami ng breakfast ha.

Lumabas sila ng ospital at naghanap ng coffee shop.  Sa di kalayuan, nakakita naman sila ng Starbucks.  Pagkaorder ng pagkain para kanila naupo sila sa isang lamesa at kumain.

JR:  Hon, di ba favorite mo ang eggs benedict, mushroom or ham and cheese omellete at sunnyside up na malasado sa gitna ang gusto mo?

Dei:  Yes, bakit?

JR:  Naiisip ko lang kung kaya kong lutuin ang gusto mong breakfast.

Dei:  Bakit ipagluluto mo ba ako?

JR:  Oo naman kapag kinasal na tayo kahit araw-araw pa kung gusto mo.

Napatingin si Dei sa kanya at ngumiti. Hinaplos nito ang pisngi ni JR.

Dei: That's sweet Hon at ipagluluto kita ng lunch at dinner kahit araw araw pa. 

JR:  at araw araw din akong uuwi ng maaga para hindi ko mamiss ang luto mo kapag magasawa na tayo.

Dei:  Alam mo Hon gutom lang yan. sige na tapusin mo na yang pagkain mo para madala na natin ang breakfast nila Krizza.

Pero ang totoo nagulat siya na binanggit ni JR ang kasal at pagaasawa, dahil first time itong nagsalita tungkol sa bagay na yon.



















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro