Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 62

Nang gabing yon, nakarating si JR sa resto bandang alas syete na. Nakita niya ang kotse ni Uno sa garahe. Pagpasok niya sinalubong siya ni Dave.

Dave: Hi Kuya, este Sir. Namiss namin kayo ah.

JR: Nasan si Dei?

Dave: Nandon po sa fine dining kasama si Sir Uno, Ms. Maxine at Sir Eric ata yon.

JR: Dalhan mo ako ng beer doon.

Pagtayo ni JR sa pinto ng fine dining area nakita agad siya ni Dei at nakita nito na nakakunot ang noo nito, alam ni Dei dahil yon kay Eric. Lumapit sa lamesa nila si JR. Tumayo si Dei para salubungin ito. Humawak si Dei sa braso niya. Hinawakan naman niya ito sa bewang at hahalik sana siya sa pisngi nito pero sa labi siya hinalikan ni Dei. Medyo nagulat siya pero hindi nagpahalata.

Dei: Hi Hon! Kanina ka pa namin hinihintay eh.

Tumayo din ang mga ito. Nagbeso si Maxine sa kanya at nakipagkamay naman si Eric at nagbro-fist sila ni Uno. Naupo na si Dei sa tabi ni Maxine at kumuha ng isang silya si JR at naupo sa tabi ni Dei.

Uno: Mabuti dumating ka na gutom na ako eh.

JR: Dapat kasi tinawagan mo ako para sabihin na pupunta kayo para maaga akong umalis ng office. Eric, kamusta? Nice of you to drop by.

Eric: Ok naman, nakakamiss ang luto nitong kaibigan ko kaya eto nandito ako. I'm actually waiting for somebody.

Uno: Uuyy may date?

Eric: Parang ganon na nga.

JR: That's good.

Dei: Hon, I ordered steak for you. Ano pa ang gusto mo?

JR: Ok, na yon, ikaw anong kakainin mo? Salad lang na naman?

Tumango si Dei.

JR: Dave, seafood platter para kay Dei at mashed potatoes. Hindi ka na nga kumakain ng kanin sa gabi tapos kokonti pa ang kinakain mo. Hon, alam mo kahit tumaba ka pa ok lang sa akin eh di magpapataba din ako.

Nagtawanan sila. Nakangiti lang si Eric.

Uno: Ano nga pala yung ikinukwento ni Dei na ibinebenta mo ang bahay mo sa Boracay? Ang tagal mong pinaghirapan non bakit ibebenta mo?

JR: Uno, we both know kung para kanino sana ang bahay na yon at alam mo din na mas gusto ko ng beach house at ang dream house din ni Dei eh beach house. So, that house is of no use for us. Eric, ikaw, baka may buyer ka just let me know iemail ko sa yo ang picture ng house at ang presyo.

Eric: Sige I will let you know kapag may buyer ako. Basta may komisyon ah.

JR: Oo naman. Ikaw pa ba ang mawalan.  Uno, so kailan ang kasal?

Maxine: September 8 ang date kahit anong araw pumatak same date pa rin. Alam mo nyo na it's a Chinese thingy - for infinity daw. There is a Chinese Wedding and a beach wedding.

Dei: Wow naman girl. Alam mo I've never been to a Chinese Wedding.

Maxine: Well then ngayon makakakita ka na.

Uno: Teka JR eh kami atleast ikakasal na in a few months kaya pwede ng pagusapan ang bahay eh kayo may plano na ba kayo?

JR:  Wala pa naman, pero honestly I cannot see myself spending the rest of my life with anyone else but Dei. This may sound corny pero pati name ng apat na magiging anak namin alam ko na eh.

Natawa si Dei.

Dei: Hon, apat talaga? Anyway, speaking of anak si Krizza pregnant na.

Uno: Finally, mabuti naman. 

Dei:  Going back, wala pa naman kaming kasal na pinaguusapan it's just that, our heart knows what's bound to happen.

Maxine: Awwww ang sweet!

Eric: I am really happy for both or you. Masaya ako Dei, that you finally found someone that will take care of you for the rest of your life. You are lucky, responsable at magaling sa negosyo si JR.

Dei: Thanks Eric. Yes, I am lucky.

JR: No... Hon, mas maswerte ako na dumating ka sa buhay ko. Because now I don't just exist in this world but I am living a wonderful life.

Nakangiti silang lahat. Nakatitig si Uno kay JR... alam niyang mula sa puso ang sinabi nito dahil nagteary eyed ang mata nito. Nagring ang celphone ni Eric. Sinagot niya ito, bigla itong nagexcuse. Pagbalik nito, may kasama ng babae. Ipinakilala ito sa kanila ni Eric.

Eric: Peachy these are my friends. Guys, this is Patricia Jimenez. This is Uno, Maxine, JR and Dei.

Peachy: Gianne Dei Capili right?

Dei: That's right, do I know you?

Peachy: Gia, hindi mo na ba ako natatandaan? Pipay Pechay

Dei: Pea? Ikaw na nga ba yan? Wow! Hindi kita nakilala ang sexy mo na!

Eric: Magkakilala kayo?

Naupo silang lahat.

Dei: Hindi lang magkakilala, magkabarkada pa kami nung College days.

Peachy: Small world girl.

Dei: Oo nga eh, well its nice to see you again. This is Maxine, Uno  at si JR, boyfriend ko.

Nakipagkamay silang lahat kay Peachy. Dumating ang order nilang pagkain.

Peachy: JR short for?

JR:  wala, its just a nickname I use, pero my real name is Richard Santillan-Perez.

Peachy:  familiar yung name mo, Lasalista ka din?

JR:  Yup, ahead kami ni Uno ng two years sa inyo. Mas kilala ako sa pangalang Richie nung college.

Peachy:  Oh my God.... Richie Rich the million dollar man!

Nasamid si Dei sa narinig, naubo ito. Inabutan ito ni JR ng tubig at hinimas ang likod.

Eric:  Siya yung Million dollar man?

Lalong naubo si Dei.  Tawa naman ng tawa si Uno at Maxine.

Peachy:  OMG talaga, kinikilig ako.  Finally, nagkita, nagkakilala at ngayon kayo na.  This one is for the books!

JR:  Teka nga muna, ano ba kasi yon?  Eric, bakit alam mo din yung Million Dollar Man?

Eric: May ikinukwento sa akin si Dei noon na guy, Million Dollar Man ang tawag nya. Sabi niya naiinis daw siya don kasi parang too much of himself at ang daming palaging nakapaligid na babae.

JR:  ganon?!

Peachy:  Pero may dahilan kung bakit siya naiinis, kasi hindi siya makalapit, hindi siya pinapansin eh Ultimate Crush niya si Richie Rich the one million dollar man. Simula ng unang makita niya ito na muntik siyang mabundol at inaway-away pa niya.

Tawa ng tawa si Uno at Maxine. Tahimik na nakikinig lang si Eric, medyo nasaktan siya sa nalaman niya ang buong akala niya kasi naiinis lang talaga si Dei sa lalaking yon.  Pulang pula ang mukha ni Dei sa hiya.

Dei: Pea, pwede ba tumahimik ka na, nilaglag mo na ako ng todo todo eh.

Peachy:  Bakit, ang sweet nga eh... parang you two are destined for each other.  Your love is fated to happen.

Napapangiti si JR.

Uno:  Alam mo Peachy tama ka eh. kasi yang si Richie,  crush din niya si Dei eh.  Lagi kaya niyang hinahanap ang pangalan ni Dei sa bulletin board, kung kasali ba sa competition, kung nanalo ba or kung kasama ba sa dean's list.  Minsan niyang sinubukan lapitan nabokya naman.

Maxine:  Talaga crush mo din si Dei?  And cute.

Si JR naman ang namula.

Peachy:  Yun lang hindi naman sila talagang nagkakilala.   Yun pala naman naghihintay lang ng tamang panahon.

Dei:  Kayo talaga, kumain na nga tayo.

Nang matapos kumain. Nagpaalam si Dei at JR na may aasikasuhin pa sa  Opisina ng Resto. Lumipat naman sa coffeeshop si Maxine at Uno para imeet ang wedding coordinator nila. Nagpunta naman sa garden area si Eric at Peachy para uminom.  Kinailangang bumalik ni JR sa opisina. Dahil gumagabi na sinimulan na ni Dei ang inventory at binilang na ang laman ng cash register.  Makalipas ang isang oras, lumapit si Eric sa bar at kinausap si Dei.

Eric:  Dei, ngayon ko lang nalaman yung kwento nyo nung College.  Ngayon ko lang din narealize hindi mo naman talaga ako sinagot. Pinangatawanan mo lang ang pagiging girlfriend ko dahil yun ang sinabi ko.  Pero ako totoong minahal kita, sana alam mo yon.  Pasensiya ka na hindi ko inisip ang feelings mo, I just assumed na gusto mo din ako. Tama si Peachy, kayo talaga ni JR ang destined for each other. Sana mapasaya ka niya. Salamat din sa lahat.  Yung sinabi ko sa yo last time kalimutan mo na lang ha.

Hinawakan ni Dei ang kamay ni Eric at yung ang tagpong inabutan ni JR pagparada niya sa tapat ng Resto.  Hindi bumaba si JR pinanood lang nito ang dalawa.

Dei:  Eric, magkaganon man totoong mahalaga ka sa akin, minahal kita sa paraang alam ko at nagpapasalamat ako sa yo sa lahat ng pagkakataong hindi mo ako iniwan at naging totoo kang kaibigan.  Kalimutan na natin ang nakaraan okay.  Kailangan subukan mong maging masaya kasama ng iba. Tulad niyan ni Peachy, mabait at matalino yan. Hindi naman makikipagdate sa yo yan kung hindi ka gusto niyan. Give yourself a chance to be happy, ok?!

Tumango si  Eric at nagpaalam na. Inihatid ito ni Dei sa lamesa kung saan nandon si Peachy.

Dei:  Girl, it is really nice to meet you again.  It's been so many years, masaya ako of what you have become. Kapag may pagkakataon kayo dalawin ninyo ako dito ha.

Peachy:  Oo naman, tsaka sasabihin ko sa mga kabatch natin ang tungkol dito sa Restaurant mo.

Dei:  At kung aattend ka sa kasal ni Uno dapat kasama mo si Peachy ha.

Eric:  Oo naman. Sige, salamat sa dinner ha.  Ingat kayo paguwi.

Bumaba ng sasakyan si JR ng makitang palabas na ng restaurant  sila Eric.  Nakipagkamay pa ito ng makasalubong niya ang mga ito. Lumapit si JR kay Dei.  

JR:  May iniisip ka yata.

Dei:  I just think Eric just said goodbye to me for good.  Sige tapusin ko na muna yung ginagawa ko.

Naupo na lang si JR sa isa sa mga lamesa, umorder ng isang boteng beer at nagisip. "Aray ko naman sad siya kasi nagpaalam na si Eric for good.  Nagseselos ka ba Ricardo?  Magisip ka naman kababata niya yon at magkaibigan sila syempre nalulungkot siya.  Normal yon at natural umayos ka nga!"

















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro