Chapter 57
Halos kalahating oras ng nakabalik sa Coaster si Maxine at Uno. Pero wala pa ring imik na nakaupo si JR sa pinto ng Coaster. Litong-lito siya, galit at hindi niya alam ang gagawin. Nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa kanila nang oras na yon hanggang hindi na nakatiis si Maxine.
Maxine: Ayokong makialam JR pero mali ito eh maling mali. Maaring hindi namin maipaliwanag kung saan nanggaling ang mga litratong yon pero sa maikling panahon na nakasama ko si Dei, hindi ang tipo niya ang gagawa ng ganon.
Uno: So, papano bro, iiwan ba talaga natin si Dei?
Napansin ni Uno na umiiyak si JR. Bumaba siya ng Coaster at umupo sa tabi ng matalik na kaibigan at inakbayan niya ito.
Uno: Naintindihan naman namin yung galit mo nung makita mo yung litrato Bro, pero sana pinakinggan mo siya eh. Baka nakakalimutan mo, hindi basta kung sinong babae lang yon. Si Dei ang pinaguusapan natin. Si Dei na kahit anong hirap ang dumating sa buhay niya kailan man hindi siya nangabuso ng tao para mapagaan ang buhay niya. Hinarap niya ang mga pagsubok kahit gaano pa kahirap nabuhay siya ng magisa. Kaya siguradong hindi niya kayang gawin ang ibinibintang mo sa kanya; Si Dei na walang ibang ginawa kung hindi ang intindihin ka at maniwala sa lahat ng sinasabi mo. Napakasakit para sa kanya na marinig na tinawag mo siyang manloloko.
May naglalaro sa isip ni Maxine pero dahil wala naman syang pruweba nanatili siyang nagiisip at nanahimik. Nang makita ni Maxine na nakaalis na ang sasakyan nila Trixie. Tsaka ito nagsalita...
Maxine: Alam ninyo sa palagay ko may kinalaman si Trixie at Betina sa mga litratong yon. Maaaring si Dei, Peter at Josh nga ang mga nasa litratong yon pero wala silang kaalam alam dahil malamang pare-pareho na silang tulog ng mga oras na nangyayari yon.
Napatingin si JR kay Maxine.
Maxine: Narinig mo ang sinabi ni Betina kahapon. At obvious na ayaw niya kay Dei. Nung umalis ka kung ano-ano pa ang sinabi nila. Ipinagtanggol ko lang si Dei. Tapos kagabi malamang naiinggit yon at nagngingitngit sa galit dahil ang sweet sweet nyo pa. Nakakapagtaka naman na naging mabait sila agad sa kanya at nagdala pa ng maiinom at sila ang pumilit kay Dei na uminom ng marami.
Uno: May point si Maxine Bro eh. At kilala natin si Betina kung gaano siya kaclose kay Chelsea. Baka hindi pa rin niya matanggap na may kapalit na ang bestfriend niya sa puso mo. Baka talagang plinano nila yon at wala din namang ibang may motibo para gawin ang bagay na yon kung hindi sila.
Nagmamadaling bumaba si JR ng Coaster, tumakbo papunta sa loob ng Resort para hanapin si Dei. Tumatakbo ding sumunod si Maxine at Uno. Naikot na nila ang buong resort pero wala hindi nila nakita si Dei, umabot sila sa beach front para tignan kung nandon ito pero wala din. Bumalik sila sa check in counter at nagtanong.
Maxine: Excuse me, yung isang babaeng kasama namin bumalik siya sa loob nakita ninyo ba.
Receptionist: Ano po ang itsura?
Uno: Maganda, nakapony tail nakashorts may bitbit na transparent na bag.
Receptionist: Ang naalala ko lang ho na babae na nagpapabalikbalik dito kanina at malapit sa description ninyo ay yung umiyak at paika-ika. Nagtanong ho siya ng shuttle service papunta sa Manila.
JR: Yun sya na nga yon.
Receptionist: Naku, eh nakaalis na ho. Nirentahan ho yung isang shuttle na dadalawa pa lang ang sakay. Mga kinse minutos na hong nakakaalis.
Nanlulumong bumalik sa Coaster ang tatlo. Napaupo si JR sa Coaster at tuluyan ng umiyak.
JR: Sinabi niya kagabi, na pakiramdam niya walang mananakit sa kanya kapag kasama niya ako pero ako pa mismo ang nanakit sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon sinabi din niyang mahal niya ako noon at hanggang ngayon, Uno. Ano itong ginawa ko?
Humagulgol na si JR. Napayakap siya kay Uno. Niyakap din naman siya ng kaibigan at inalo ito. Pinilit pakalmahin.
Uno: Huwag kang magalala, am sure kapag humupa ang galit at sakit na nararamdaman non, magiging ok din kayo.
JR: Uno, kahit minsan hindi pa ako sinukuan ni Dei, lahat ng pagkakataon lagi niya akong inuunawa at pinipilit intindihin pero kanina nakita ko sa mga mata niya sumuko na siya. Baka hindi na niya ako mapatawad. Baka hindi ko na mapawi pa ang mga sakit ng salitang binitiwan ko kanina.
Uno: Naniniwala akong totoong mahal ka niya, kung magkaganon man at mahihirapan kang makuha ang pagpapatawad niya, wala kang dapat gawin kung hindi patunayan sa kanya na nagsisisi ka at na mahal mo siya kaya ka lang nagkakaganyan.
Maxine: Naniniwala din ako na biktima lang kayong pareho ng isang kalokohan at gagawa ako ng paraan para malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.
JR: Papano kung tuluyan na siyang mawala sa akin? Sa buong buhay ko dadalawang beses pa lang akong nagmahal una si Chelsea, pangalawa si Dei at baka hindi ko na kayanin pa kapag nawala siya sa akin.
Uno: Huwag kang susuko bro. Kung talagang mahal mo siya, you will have to do everything to be forgiven and win her back. Magpakatatag ka.
Maxine: Halika na bumiyahe na tayo para makausap mo na siya agad.
Sumakay na sila at sinimulan ang biyahe pabalik ng Maynila.
Lulan ng shuttle van si Dei, yakap ang transparent niyang bag at hawak ang litrato tumutulo ang luha nito kahit pilit niyang pinakakalma ang sarili panay pa rin ang tulo ng luha niya. Tinititigan niya ang litrato at kahit siya kung hindi lang niya alam ang nangyari ng nagdaang gabi malamang na maniwala kapag nakita ang mga litratong yon.
Napansin ng driver ang pagtangis niya.
Driver: Ineng, ok ka lang ba? Bakit ka umiiyak?
Dei: Ok lang ho ako, pasensya na ho kayo. Pwede ho bang pabayaan niyo na lang ako, mauubos din ho ang mga luha ko.
Kinuha ng driver ang isang bote ng tubig sa tabi ng upuan.
Driver: Eto oh, uminom ka ng tubig para kumalma ka naman.
Inabot naman ni Dei ang bote at nagpasalamat.
Driver: Mabuti pa mahiga ka na muna at subukang matulog baka sakaling gumanda ang pakiramdam mo.
Dei: Hindi ho, okay lang ho ako.
Driver: Huwag kang matakot sa akin, regular ako sa White Rocks at nakarecord doon ang paghahatid ko sa yo sa Maynila at eto ang ID ko ilagay mo sa bag mo para maniwala ka na gusto ko lang makatulong. May unan diyan sa may likod, mahaba pa ang byahe natin kung iiyak ka lang ng iiyak hanggang makarating tayo ng Maynila baka atakihin ka sa puso sagutin pa kita.
Dei; Salamat ho.
Kinuha ni Dei ang unan at inilagay sa dulo ng upuan at nahiga. Kinuha niya ang shawl na nasa bag at ikinumot sa binti at hita. Ipinikit ang mga mata ngunit tuloy pa rin ang pagtangis habang iniisip ang mga sinabi ni JR. Hindi na nya alam kung gaano katagal siyang umiyak dahil nakatulugan na niya ito.
Makalipas ang tatlo at kalahating oras nasa bahay na si Dei. Nagmano ito kay Gina.
Gina: Oh bakit magisa ka? nasan si JR?
Dei: May dinaanan pa ho, eh masama ang pakiramdam ko. Akyat na muna ako Ma. Pwede pong huwag na ninyo akong ipagising kumain naman ho ako. Gusto ko lang hong magpahinga.
Gina: Sige, magpahinga ka na.
Makalipas ang isang oras dumating naman si JR nakasalubong nitong palabas ng garahe ang kotse .
JR: Hi Tita!
Gina: Oh kamusta Hijo? Nagenjoy ba kayo?
JR: Oo naman ho, hindi ho ba ninyo nakitang dumating si Dei?
Gina: Nagkita kami pero wala sa mood magkwento, masama daw ang pakiramdam baka napagod sa byahe ninyo. Sabi nga niya may dinaanan ka pa daw.
JR: Ah siguro nga ho. Saan ho ang lakad ninyo?
Gina: may taping ako baka bukas na ang balik ko. Bahala ka na dyan ha. Nagluto naman ng hapunan si Armida eh. Nagbilin pala si Dei na huwag na siyang gisingin kung kakain at kusa naman daw siyang magigising kapag nagutom.
JR: Sige po. Magiingat po kayo.
Paglabas ng sasakyan ni Gina. Isinara ni JR ang gate at inilock. Dere-deretso na itong umakyat sa itaas. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kwarto ni Dei pero nakakandado. Kumatok ito pero hindi kumilos si Dei.
JR: Dei, hindi ko alam kung tulog ka ba o ayaw mo lang akong pansinin. Kung sakaling naririnig mo ako sana magusap naman tayo.
Wala pa ding sumasagot o kumikilos man lang sa loob.
JR: Dei, I'm sorry... I'm really sorry.
Narinig ni Dei ang sinabi ni JR at tumulo ang luha niya pero hindi pa rin siya umimik. Isinubsob niya ang mukha sa unan at doon umiyak. Mahal niya si JR pero napakasakit para sa kanya na matapos ang lahat nakuha nitong husgahan at pagdudahan ang katapatan niya. Naisip niya "kahit minsan hindi pa sinabi ni JR na mahal siya nito. Siguro nga hanggang doon na lang sila".
Walang nagawa si JR kung hindi iwan ang backpack ni Dei sa tabi ng pinto. Dumeretso na ito sa sariling kwarto para magpahinga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro