Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Pagkatapos ng poetry reading nagkayayaang maginuman ang mga boys at magswimming ang mga girls.  Bumalik silang lahat sa kanya-kanyang kwarto at nagsipagbihis.  Naunang nakarating sa pool area sina Uno at Maxine.  Umorder na ito ng inumin at pulutan.  Makalipas ang sampung minuto nagdatingan na din sila Josh, Betina, Peter at Trixie.  Samantala sa kwarto naman nila JR at Dei.   Naupo si JR sa couch at hinila si Dei para mapakandong sa kanya.

Dei:  Ay! Ano ba Hon?  Magbibihis na ako.

JR:  Sandali lang dito ka muna.

Umayos ng upo si Dei sa kandungan ni JR at iniyakap ang braso sa leeg nito.

Dei: Hmmmm bakit ba?

JR:  Gusto ko lang sabihin sa yo na ang saya-saya ko. Binago mo ang buhay ko, ibinalik mo ang sigla at saya sa bawat araw ko.  Sa tinagal ng pagtatago ko,  paghahanap ko ng kaligayahan hindi ko na nahanap yon sa pagkukulong ko sa sarili kong mundo.  Ngayon, narealize ko madali lang naman palang maging maligaya, yung kasama lang kita; yung napapangiti at napapatawa kita;  yung naiisip ko na nami-miss mo ako at hinahanap hanap mo ako;  yung titigan ka lang, hagkan ka lang at yakapin ka lang ng ganito. Sobrang saya ko na at parang sasabog ang dibdib ko sa kaligayahan.  Thank you ha at sana napapasaya din kita. Kasi Gia, hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa sa buhay ko.

Dei:  Walang araw na hindi ako naging masaya dahil sa yo Richie. Hindi ko maibabalik sa normal ang buhay ko kung hindi dahil sa yo. Maligaya din ako na katabi ka lang, panatag ako kapag yakap mo ako pakiramdam ko walang makakasakit sa akin kapag kasama kita.  Pinilit kong gamutin ang puso ko dahil gusto kong ibigay ito sa yo ito ng buo. Because you deserve a heart which is whole... katulad ng puso ko nung college na nagmahal sa yo kahit hindi mo ako kilala. Mahal kita Richie... noon at hanggang ngayon. Mahal pa rin kita.

Niyakap ni Dei si JR. Nagunahang tumulo ang luha sa pisngi niya at humikbi ito.  Naramdaman yon ni JR inilayo niya ang katawan sa kasintahan para tignan ang mukha nito. Pinahid niya ng kamay ang mga luha nito.

JR:  Oh bakit ka umiiyak?  Tahan na, naiiyak na din ako eh.

Dei:  Masaya lang ako, hindi ko akalain na masasabi ko pa yan sa yo eh.

Hinagkan ni JR ang noo ng kasintahan, ang pisngi at ang labi ng biglang tumunog ang celphone nito. 

JR:  Ano ba namang istorbo naman eh.  

Dei:  Sagutin mo na, magbibihis na ako.

Tumayo na si Dei at nagtungo ng banyo para magbihis ng two piece.

JR:  Hello Uno, oo papunta na kami.

Nagpalit na siya ng sando at ng trunks.  Magkahawak kamay nilang nilisan ang kwarto habang nakangiti.  Kitang-kita ang ligaya sa mga mukha nilang dalawa ng makarating sa kinaroroonan ng mga kaibigan.  Nanukso tuloy ang mga ito. Magkatabi silang naupo at nakisali sa kwentuhan. May dalang tequilla si Trixie.  Una, wine lang ang iniinom ni Dei.  Ayaw sanang uminom ni Dei dahil alam niya kung pano siya malasing.  Pero mapilit si Betina at Trixie.  Dahil gustong makisama pinagbigyan niya ang mga ito.  Nang maubos ang isang bote ng tequila, naginom naman sila ng san mig light.  Dahil halo-halo ang ininom nalasing silang lahat.  Sabay sabay silang pasuray suray na naglakad pabalik ng kwarto.  Pagpasok ng kwarto ni JR sa couch na ito bumagsak, si Dei naman nakarating pa ng kama. Ang huling natatandaan niya narinig niyang magpaalam si Uno at Maxine at nagblackout na siya.

Bandang alas onse na ng umaga ng magising si Dei sa amoy ng brewed coffee at mga naririnig na boses na nagtatawanan galing sa veranda ng kwarto nila. Pagbangon niya naramdaman niya ang sakit ng ulo. Dumeretso siya sa banyo para magbihis at maghilamos.  Dinatnan niya na nagkakape at nagaagahan si Maxine, Uno at JR.

JR:  Good morning Hon. Upo ka na dito oh.  Here's your coffee.

Dei:  Good morning guys. Grabe ang dami kong nainom kagabi nagblack out ako.

Maxine: Ako din eh, eto may hangover.

Dei:  Hon, bat hindi mo ako ginising? Magliligpit pa ako ng gamit eh.

JR:  Don't worry niligpit ko na lahat.

Uno:  Thanks sa pagsama sa amin dito guys ha, we really had a great time.

JR:  Thank you din sa pagimbita ninyo. I had a great birthday!

Kumain na sila at nagempake na para magcheck-out.  Nasa garahe na sila at nagsasakay ng mga gamit sa Coaster ng may isang staff ng hotel ang lumapit kay JR. 

Staff:  Sir, may nagpapabigay po.

JR:  Sino?

Staff:  Hindi po nagiwan ng pangalan yung lalaki eh basta iniwan yan sa check-in counter at nagbilin na siguraduhin daw naming maibigay sa inyo.

JR:  Sige thank you!

Nagkatinginan si Uno, maxine at JR habang nakatayo sa tabi ng pinto ng bukas na Coaster.  Si Dei naman inaayos ang gamit sa tabi ng upuan niya sa loob ng Coaster. Binuksan ni JR ang nakasealed na envelope at nagulat sa nakita.  Mga litrato ito ni Dei naka two piece lang, nakahiga sa kama katabi si Peter at nakaunan sa braso nito, ang isa naman nasa gitna siya ni Peter at Josh sa ilalim ng kumot nakapatong pa ang kamay niya sa dibdib ni Josh.

JR:  Ano to?  Anong ibig sabihin nito Dei?

Dei:  Huh? ang alin?

JR:  Eto? 

Hinagis ni JR ang mga litrato sa mukha ni Dei hindi niya ito nasalo ng bumagsak ito sa sahig ng coaster nakita ito ni Dei.

Dei:  Hindi ko alam, magkakasabay tayong bumalik sa kwarto ako pa ang umalalay sa yo hindi ka na nga umabot sa kama kaya sa couch ka natulog tapos humiga na ako sa kama.  JR maaring lasing ako pero sigurado akong wala akong ginawang ganyan.

JR:  Papano mo ipapaliwanag ang mga yan?

Hinawakan ni JR si Dei sa magkabilang braso at niyugyog.  Nakita ni Dei ang galit sa mata nito.

JR:  Papano Dei?  Pano nangyari yan? Wag mo akong gawing gago!

Uno: Bro, teka huminahon ka. Totoo ang sinabi ni Dei. Kasama ninyo kami ng bumalik sa kwarto.

Maxine:  Oo nga, hindi ko alam kung saan nanggaling yan. Pero wala din kaming matandaan na naiwan sa kwarto ninyo sila Josh at Peter. Ako pa nga ang nagsara ng pinto ng kwarto nito.

Ayaw pa ring bitiwan ni JR ang braso ni Dei, lalong humihigpit ang pagkakahawak nito.  Tuluyan ng umiyak si Dei.

Dei:  Richie, maniwala ka naman sa akin.  Ikaw ang mas nakakakilala sa akin.  Alam mong hindi ko kayang gawin yan. Richie, bitiwan mo ako please, nasasaktan na ako.

JR: Paano mo nagawa sa akin ito Dei? Paano?

Dumating si Peter at Josh.

Josh:  Bro, paalis na din pala kayo, ingat...

Hindi nito natapos ang sinasabi, napatingin sa umiiyak na si Dei.

Josh:  JR, bro ano bang nangyari? Tama na yan, umiiyak na si Dei oh.

Humarap si JR kay Josh at biglang umigkas ang kamao nito at sinuntok sa panga si Josh.

Tumumba ito sa harap ni mismo ni Peter.

Peter: What the fuck JR! Ano bang nangyayari sa inyo.

Lumapit si JR kay Peter at sinapak din  ito sa mukha.  Itinulak ito ni Josh.

Josh:  Ano bang nangyayari sa yo JR.  Putangina bro, inaano ka ba?

JR:  Ginagago ninyo ako! Mapapatay ko kayo! Hayop kayo! 

Bago pa nakalapit si JR ulit kila Josh at Peter.  Nahawakan na ito nito  Uno. Bumaba si Dei sa Coaster pumagitna at humarap kay JR.  Pinulot ni Maxine ang mga litrato at ibinigay kay Josh at Peter.

Peter: What the fuck?! JR wala kaming ginawang ganito. Maniwala ka bro.

Josh:  Oo nga, hindi namin kayang gawin sa yo to at lalo't hindi namin kayang gawin kay Dei ito. Magkakaibigan tayo. Kilala mo kami JR.

Nagpupumiglas si JR sa pagkakahawak ni Uno. Habang sumisigaw.

JR:  San nanggaling yan? Puro kayo sinungaling! Tinatarantado ninyo ako! Mga hayop kayo! 

Dei:  Richie, makinig ka naman.  Hindi ko alam kung saan nanggaling yan pero hindi ko kailanman magagawa sa yo yan alam mong mahal kita. Ano ka ba?!

Humahagulgol na ito. 

Dei:  Richie please, walang katotohanan yan. Maniwala ka naman sa akin.

JR:  Papano kita paniniwalaan kung ayan at may litrato sa harap ko ng kalokohan mo? Pano mo to nagawa sa akin.

Josh:  Fuck you JR! Ikaw mismo ang nagsabi sa amin kung anong klaseng babae ang girlfriend mo. Magisip ka nga.

Peter: Bro,  hindi talaga nangyari yan. Maniwala ka naman.

Nagpumiglas si JR. Nabitiwan ito ni Uno. Itinulak nito si Peter at Josh at sinuntok sa sikmura. Umaawat si Dei pero itinulak siya ni JR. Natumba ito sa lupa, tumama ang tuhod sa isang bato at nagasgas. Tuluyan na itong pumalahaw ng sigaw at iyak .

Dei: Tama na! Tama na!

Maxine:  JR tama na ano ba!  Nasasaktan mo na si Dei!

Inalalayan ni Josh at Peter si Dei patayo. Humarang na si Uno sa harap ni JR. 

Uno:  JR tama na sabi eh. Nakakasakit ka na!

JR:  Sige, magkampihan kayo! Pare-pareho kayong lahat na manloloko! Lalo ka na! 

Dahan-dahang paika-ikang lumapit si Dei kay JR. Tumitig sa mata nito habang umiiyak at humihikbi. 

Dei:   So, naniniwala ka talagang niloko kita, naniniwala kang magagawa ko ang saktan ka?  Naniniwala kang kaya kong gawin yan? Ano ba ang tingin mo sa akin Ricardo? 

Hinawakan ni Dei ang braso ni JR at niyugyog.

Dei: Ano ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin. Kung talagang naniniwala ka sa mga litratong yan, sige saktan mo ako kahit sa hanggang sa mapatay mo ako!  Baka sakaling maibsan yang galit mo! SAKTAN MO AKO!

Humagulgol ito. Nakatingin lang si JR sa mukha niya. Nakita ni JR sa mata nito ang lungkot at ang pagsuko nito.

Dei:  Akala ko iba ka? Akala ko kilala mo ako? Hindi pa rin pala.  Kapareho ka din pala ng ibang mga kaibigan mo, hinusgahan mo na ako. Wala na akong magagawa pa.  Isipin mo na ang gusto mong isipin Ricardo bahala ka na.

Kinuha niya ang transparent na bag. Humarap kay Maxine at kay Uno.

Dei:  Ihatid na ninyo siya, maiiwan na ako. Huwag ninyo siyang pabayaan baka kung anong gawin niyan sa sobrang galit sa akin.

Uno:  Paano ka uuwi?

Dei:  Uno, kilala mo ako, alam mong mas kaya ko ang sarili ko kung magisa ako. Paki baba na lang yung backpack ko sa bahay ha.

Maxine:  May sugat ka Dei, baka nga may pilay ka pa eh.

Dei:  Huwag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko. Hindi ang walang kwentang pangyayaring ito ang sisira sa akin. Maaaring nasaktan ako ng kung sino mang may pakana nito pero hindi nila ako kayang sirain.

Lumapit si Dei kay Josh at Peter. Kinuha ang mga litrato.

Dei: Pasensya na kayo, nadamay pa kayo. Pagpasensyahan niyo na din yang kaibigan niyo galit lang yan sa akin.  Sige na lumakad na kayo.

Josh:  Sa amin ka na lang sumabay kung ayaw mong sumabay kila Uno. Kami na ang maghahatid sa yo.

Dei:  Hindi na, dito na lang muna ako.  Salamat.  Magiingat kayo.

Nilingon ni Dei si JR sa huling pagkakataon.

Dei:  Richie, salamat sa lahat. Salamat at ipinakita mo sa akin na walang kwenta talaga ang magmahal.

Inihatid ni Uno at Maxine si Dei sa check in counter. Nakita ni JR na niyakap ito ni Maxine at Uno at tuluyan na itong pumasok sa loob ng Resort.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro