Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Masaya naman ang mga sumunod na araw sa buhay ni Dei at JR. Sabay silang pumapasok ng opisina, magkasabay kumakain ng tanghalian at sabay na naghahapunan. Si JR naging mas maalalahanin, mas sweet kapag silang dalawa lang. Si Dei, naging open siya kay JR tungkol sa lahat ng bagay sa buhay niya. Wala na siyang inililihim sa kasintahan. Napasok na ni JR ang puso ni Dei. Isang bagay na ramdam na ramdam ng dalaga. Walang oras na hindi niya naiisip si JR sa bawat desisyong gagawin niya, napapanaginipan na niya ang buhay nila ng magkasama. Sa mga pagkakataong bigla itong nawawala o hindi niya alam kung saan pumunta, palagi na siyang nagaalala. Kulang na ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita at alam niya, ramdam ng puso niya ang pagmamahal niya para kay JR.

Mabilis din na natapos ang pagrenovate sa Home Cuisine. Puro finishing touches na lang ang ginagawa sa location.  Hinihintay na lang ni Dei ang delivery ng mga furnitures at stainless steal equipments.  Kumpleto na din ang lahat ng staff para sa restaurant.  Isang tanghali na may meeting si JR at magisang magla-lunch si Dei, naisipan niyang yayain  si Joanne, ang sekretarya ng mga Perez.  Hindi naman nagdalawang isip itong sumabay sa kanya.

Joanne:  Alam mo Ms. Dei natutuwa talaga ang mga empleyado dito sa Cafeteria natin pati na sa shuttle. Kaya halos lahat sila masayang nagtatrabaho at pinagbubutihan ito. 

Dei:  Mabuti naman kung ganon.  Dati din akong empleyado kaya alam ko ang mga hinaing ninyo. Joanne, matagal ka na ba dito?

Joanne:  Opo Mam, mga 9 years na po.

Dei:  You must have known the Perez brothers very well.  I hope you don't mind me asking, inabutan mo si Ms. Chelsea? How was Richie nung nandito pa siya.

Joanne:  Opo Mam, pero hindi ko po siya ganon kakilala.  Hindi naman po kasi namin siya nakakasalamuha ng ganito eh.  Lagi lang po siyang kasama ni Sir.

Dei: Ah ganon ba

Joanne:  Pero nung time na yon seryoso po palagi si Sir kahit kasama siya.  Sweet din naman po sila pero hindi po nakikipagbiruan si Sir sa mga empleyado  kasi sabi ni Ms. Chelsea, he should be professional sa mga staff.  Ibang iba po si Sir noon eh. Ang totoo po, mas gusto namin si Sir Richie ngayon. Laging nakangiti, seryoso sa trabaho pero maaliwalas ang mukha.

Dei:  That's good.

Joanne:  Tingin po namin masaya siya sa inyo.

Ngumiti lang si Dei. Hinawakan ni Joanne ang kamay niya.

Joanne:  Ms. Dei may problema po ba kayo?

Dei:   Wala, its just a me problem. Mahirap kapag alam mo kung gaano kamahal ng bf mo and ex niya noon.  Can't help but get insecure sometimes. Parang tanga lang no?  Lalo na kapag alam mo ikinocompare kayo tapos alam mo dehado ka.

Joanne: Naiintindihan kita Mam, pero like what I said, mas masaya siya ngayon kaysa noon. Kaya kahit gaano ka pa kadehado sa tingin mo at ng iba.  Lamang ka pa rin kasi mas napapasaya mo siya.

Dei:  Thanks Joanne, I really needed that.

Nang matapos kumain sabay silang bumalik sa opisina, dinatnan nila si JR don na nakikipagkwentuhan sa mga staff.

JR:  Where have you been ladies?

Dei: Naglunch lang, ikaw kumain ka na?

JR:  Early lunch, don sa meeting. Hindi naman masarap, mas masarap pa rin ang luto mo.

Dei:  Lakas mo mangbola ha, basketball player ka ba?

Henry:  Sir oh binabasag ka ni Mam.

JR:  Ganon? sige wala kang pasalubong.

Dei: Ay hindi joke lang.   Asan pasalubong ko?

JR:  Bayad muna, kiss!

Dei:  Oy Ricardo mahiya ka nga sa mga staff mo!  Diyan ka na nga magtatrabaho na ako!

Nagtawanan ang staff. Tumalikod si Dei papunta sa office.  

JR:  Hon, joke lang!  Ito naman hindi na mabiro. Pasensya na kayo mahiyain eh ayaw ng PDA. Teka muna ha susuyuin ko lang mahirap ng maworld war II.

Lalong nagtawanan ang staff.

Henry:  Good luck Sir! 

Pagpasok ni JR sa office kausap ni Dei si Joanne. Inilagay ni JR ang pasalubong sa ibabaw ng lamesa ni Dei ng hindi nagsasalita at naupo na ito sa sariling lamesa. Humarap sa computer at bumalik sa trabaho.

Inilabas ni Dei ang pasalubong.  Napangiti siya ng makita ang mango crepe. Binigyan niya ng tinidor si Joanne at kumain sila.

Joanne:  Sir, ang sarap naman nitong pasalubong ninyo.

Napatingin lang si JR  at ngumiti kay Joanne.

JR:  Buti ka pa nasasarapan. Hindi tulad ng iba dyan.

Nagkatinginan si Joanne at Dei.  Pagkatapos sumubo ng isa pa lumabas na si Joanne sabay inilock ang pinto.  Tumayo si Dei at lumapit kay JR.  Naupo sa kandungan nito at iniyakap ang braso sa leeg ng kasintahan.

Dei:  Thank you sa masarap na pasalubong.  Huwag ka ng magtampo.  Ikaw naman kasi eh alam mong ayoko ng PDA ang kulit mo.

JR:  Nagbibiro lang naman ako eh, nangaaway ka na agad. May dalaw ka ba ang sungit mo eh.

Dei:  Sorry na.  Hindi wala no, next week pa. Sige na iki-kiss na kita huwag ka ng magtampo.

Hinalikan ni Dei si JR sa labi at tumugon naman ng halik ito.  Nakangiti na ito matapos ang halik na hiningi.  Natawa na lang si Dei.  Tumayo na ito at bumalik sa sariling lamesa.  Habang nakatingin sa monitor napapaisip si JR. "Ano ka ba Richard, anong nangyayari sa yo?  You are not this malambing, guess that's one of the many effects she has on me."

Kumatok si Henry sa pinto ng opisina nila.  Tumayo si JR para buksan ang pinto.  Naupo ito sa harap ng table ni JR. Napangiti ito ng makita ang ngiti ni JR. Nagusap ang dalawa tungkol sa project na ginagawa.

Samantala, natatawa naman si Dei sa kinauupuan niya. Naiisip niya ang itsura nila ni JR kanina. "I am never this sweet to Eric, hay naku Richie ano bang ginagawa mo sa akin?!"

Mayamaya si Joanne naman ang kumatok.

Joanne:  Ms. Dei, nandyan na po ang MK at Merit para sa presentation.

Tumayo si Dei at tumingin kay JR.

Dei:  Punta lang kami sa Conference Room.

JR:  Ok, later.

Pagdating ng bandang alas sais ng hapon, nagyaya ng umuwi si JR.  Pagsakay nila ng kotse...

JR:  Hon, pwedeng daan muna tayo sa pad ko?  May kailangan lang akong kunin.

Dei:  Sige.

Habang bumibyahe naidlip si Dei. Ginising siya ni JR ng nakapark na ito sa basement ng condominium niya.  One bedroom and unit ni JR, tulad ng bahay nito, wooden ang mga furnitures at black and white and color motiff ng lugar.  Naupo si Dei sa couch at ibinaba ang bag. Pumasok naman si JR sa kwarto. Hinubad ang blazer at pantalon.  Nagulat si Dei ng lumabas ito ng kwarto ng nakaboxers at dress shirt lang.  Humiga ito sa couch at nagunan sa hita niya.

JR:  Hon, pwedeng maglambing?

Dei:  Ano yon?

JR:  Pwede bang dito na tayo matulog?  Miss na kita eh, hindi kita masolo.

Dei:  Huh?! Wala naman akong damit na pamalit eh.

JR:  Eh di yung dress shirt ko na lang.

Dei:  Ikaw talaga, sana sinabi mo kanina para dumaan muna tayo sa bahay.

JR:  Naisip ko lang while we are on our way here eh.  Sige na please.

Wala ng nagawa si Dei kung hindi pumayag. Natuwa naman si JR parang batang tumatalon pa ito.  Natawa na lang siya, hinila siya ni JR sa kwarto at binigyan ng white na long sleeve dress shirt.  Nagbihis siya habang umoorder ng pagkain si JR.  Inabutan siya ni JR na nakatayo sa may bintana at nakatingin sa labas.  Niyakap siya ni JR galing sa likod.

JR:  Malungkot ka? Nagiisip ka na naman o ayaw mong matulog dito.

Dei:  Hindi, I was just looking outside.

JR:  Sorry for the short notice Hon, gusto lang talaga kitang makasama eh.  Ewan ko ba araw-araw naman kitang nakikita at nakakasama pero parang kulang pa rin.

Ngumiti si Dei, she find that sweet kahit medyo kinakabahan siya.  Humarap siya kay JR at iniyakap ang braso sa leeg nito.

Dei:  You don't have to say sorry, ok lang talaga. So, now that you have me here, anong gagawin natin?

Hinila siya ni JR papunta sa sala at nahiga ito sa couch.  Pinapahiga siya nito sa tabi niya. Sumunod naman siya. Binuksan nito ang TV gamit ang remote.

JR:  Nood tayong TV habang hinihintay natin yung food na inorder ko.

Tahimik lang na nanonood si Dei, kapag commercial naman kapag alam niya kumakanta ito. Pinagmamasdan lang siya ni JR.

Dei:  Hon, laro tayo.

JR:  Anong laro?

Dei: unahang makahula ng commercial pag talo pipitikin sa tenga.

JR:  Sige.

Limang commercial ang pinakita puro si Dei ang nananalo. Tawanan sila ng tawanan.

Dei: Nanonood ka ba ng TV Hon? Bakit puro mali naman hula mo eh

JR:  Tagal na nating magkasama, nakita mo ba akong nanood ng TV?

Dei:  Hindi nga, pero kahit na ako din naman bihira manood ng TV eh. Hala namumula na yung tenga mo sa kakapitik ko eh.

Niyakap niya si JR at hinalikan ang tenga nito.

JR:  Ok lang matalo may kiss naman pala eh

Ngumiti ito, natatawa siya sa kababawan ni Dei.  Para talagang bata, tuwang tuwa sa mga simpleng bagay.  

Dei:  Hon, laro tayo, nanay tatay

JR:  Ay alam ko yan sige game.

Natapos nila ang buong kanta ng walang nagkakamali. Niyakap siya ulit ni Dei.

Dei:  Yehey! ang galing natin Hon ah walang mali.

JR:  Asan premyo ko? 

Hahalikan siya ni Dei sa pisngi pero bigla syang humarap kaya sa labi bumagsak ang halik nito. 

Dei:  Ikaw talaga, lagi mong ginagawa yan.

Nang biglang may nagdoorbell. Pumunta si JR sa pinto at kinuha ang pagkain na pinadeliver. Tumayo si Dei ng nakita ang pagkain na inilapag ni JR sa lamesa.

Dei:  Wow, Shakey's!  Tagal ko ng hindi nakakakain nito. Thanks Hon!

Bigla itong yumakap sa leeg niya at pati ang hita iniyakap sa katawan niya. Walang nagawa si JR kung hindi hawakan ito sa magkabilang hita.  Natawa si JR. Hinalikan pa siya nito sa labi.

Dei:  Hon, upo ka na sa chair. Kain na tayo.

JR: Kakain tayo ng nakakalong ka sa akin?

Dei:  Hindi ba pwede?

JR:  Ikaw talaga ang maisipan mo. 

Pero umalis na ito sa pagkakakalong sa kanya at naupo sa katabing silya.  Binuksan ang kahon ng mga pagkain.  Tumayo ito at kumuha ng dalawang pinggan.  Inilagay sa harap ni JR ang isa at kumuha ng isang pirasong chicken legs, isang slice ng pizza at mojo's at tahimik na kumain.

Alam ni JR na parang napahiya ito. Kasi naman siya ang dami nyang arte para naglalambing lang si Dei kung ano-ano pang sinasabi niya.

Nilagyan nya ng pasta ang pinggan na nasa harap niya.

JR:  Hon, pasta oh.

Dei:  Thanks! Kumain ka na.

Kumuha ng pinggan at tinidor si JR at kumuha ng sariling pagkain.  Nagsimula siyang kumain pero hindi siya mapakali sa katahimikan nila.

JR:  Bakit tahimik ka?  Hindi ako sanay ng wala kang imik eh.

Dei:  Naisip ko lang, siguro yung mga naging girlfriend mo, puro prim ang proper, ladylike kung baga.  Hindi kumakain ng walang table napkin sa lap o nagkakamay.  Yung tipong pati thin crust na pizza hinihiwa at tinitinidor pa.  Pasensya na I keep forgetting eh.

JR:  You can eat whichever way you want to eat, hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa kanila, because I like you the way you are.

Dei:  Sabi mo eh.

Ramdam ni JR na sarcastic ang sagot nito.

JR:  Dei, kung ano man yang iniisip mo, mali yan. You can do as you pleased kapag kasama mo ako. Dahil gusto ko ang pagkaspontaneous mo.  Sorry kung minsan hindi ko masakyan. Slow lang.

Dei:  Hindi, its a me problem, dami kong kalokohan kasi. Excuse me punta lang akong CR.

Tumayo si Dei bago pa ito nakahakbang nahila na ito ni JR at napaupo siya sa kandungan nito. Niyakap niya ito ng mahigpit.

JR: Hon, ayoko yang iniisip mo. Sorry kung napahiya kita in any way, I didn't mean to. Minsan lang sablay ako magisip eh naglalambing ka lang naman. Sorry na please, kain na tayo.

Tinitigan ni Dei si JR.  Lumabi pa ito, natawa na si Dei.

Dei: Kung hindi lang kita mahal, naku... sige na kumain na tayo.

Napangiti si JR sa narinig, first time na sinabi nito sa kanya ang salitang mahal.

Hinila ni Dei ang pasta at naglagay sa tinidor at isinubo kay JR. Ngumanga naman ito. Kinuha ni JR ang pizza na nasa pinggan ni Dei at inilapit ito sa bibig ng kasintahan.  Kumagat naman si Dei.  Kinuha ni Dei ang Chicken leg na nasa pinggan at pinakagat si JR. Tinapos nila ang pagkain ng sinusubuan ang isa't isa at nakaupo si Dei sa kandungan ni JR.  Sa pagitan ng pagkain nagkukwento si JR at nagtatawanan sila.

Nakatingin si JR sa mukha ni Dei, hinaplos ito sa pisngi at ngumiti ito sa kanya.  Nasa isip ni JR, " "Yung ganitong ligaya sa simpleng magkasama lang tayo na pinagsasaluhan ang simpleng pagkain ang hindi ko naranasan sa mga mararangyang hapunan kasama si Chelsea. Kung alam mo lang Dei."




































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro