Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Nang hapon na yon, nasa beach front si JR, nandon din ang beach chair at table na inaayos ng waiter twing hapon pero wala si Dei. Nagbubulungan na ang mga staff ng Destiny at nagtataka. Tahimik lang na nakatingin sa dagat si JR, alam nyang kasalanan nya kung bakit wala si Dei.  Dumating si Vinz may bitbit na dalawang bote ng sanmig light.  Iniabot ang isa kay JR.

Vinz:  O bakit nandyan ka at hind umiinom its past your happy hour

JR:  Wala nagiisip lang

Vinz:  Nagiisip o nagui-guilty ka?

JR:  Alam ko naman ang kasalanan ko, hindi ko nga lang alam kung papano ko aayusin eh.  Tama naman sya wala akong pakialam how she deals with her loss at least sya ilang oras lang na nawawala sa sarili, ako I lost myself along when I lost Chelsea at hanggang ngayon hindi ko pa alam kung papano mabuhay ng wala siya.

Vinz:  Kaya mo naman eh, nandito ka nga buhay at humihinga. Ang kailangan mo lang to find new reasons to live a better life than before. Kung hindi mo kayang mabuhay para sa sarili mo, live for your family kasi sila kailangan ka nila.

Habang papalubog ang araw, mayamaya pa ay nakita nila si Dei naka puting sundress kasabay na naglalakad si Ram. Dumeretso ang mga ito sa beach chair na nakahanda, naupo at pinanood ang sunset. Lumapit ang isang waiter dala ang frozen margarita at brandy sa isang baso.

Vinz:  look who's here... hanggang may mga taong nagpapahalaga, umuunawa at nagmamahal sa kanya, she will not lose to you JR... at lalong hindi siya magpapatalo sa buhay.

Dumilim na nakaka apat na beer na si Vinz at JR.  Umalis na si Ram pero hindi pa rin dumadating ang Daddy nya, lumilingon si Dei. Halatang hinihintay si Sir Simon.

Vinz:  Mukhang wala ang daddy mo ah. 

JR: oo nga eh, kawawa naman siya oh

Vinz: Ikaw na lang kaya?

JR:  Ano? anong sasabihin ko? Bakit ako?

Vinz:  Di ba sabi mo alam mong mali ka eh di magsorry ka na.  Chance na yan oh, wala namang mawawala sa yo.  Kung ayaw nya at least you tried at nakapagsorry ka pa.

Ininom ni JR ang natitirang beer sa bote nya at tumingin kay Vinz

JR:  Wish me luck!

Vinz:  Good luck!

Lumapit ito kay Dei, tumayo sa tabi ng beach chair nito.

JR:  Ang dilim na ng langit no? kanina lang ang ganda ng sunset when it turned orange tapos ngayon black na lang lahat.  It's such a miracle how the skies that is blue during the day could turn orange like that dahil lang nagtatago na ang araw sa mga ulap and then turned black.

Dei:  Siguro under the clouds ang inner layer ng skies iba-iba ang kulay kaya nagkakaganyan yan.

JR:  Siguro nga.  Wala ang daddy eh, pwede bang ako na lang ang proxy sa dance number ninyo?

Dei:  Nangaasar ka lang ba? umalis ka na lang kaya.

JR:  Hindi, seriously since wala ang daddy I really came to ask kung ok lang sa yo na ako na lang ang magsasayaw sa yo. I don't really understand why but I know my dad hindi naman nya gagawin yon  without any reason. Kaya here I am.

Dei:  Sigurado ka?

JR:  Oo nga.

Iniabot ni JR ang kamay nya, tumayo si Dei at inilagay ang kamay sa balikat ni JR at hinawakan naman ni JR sa bewang ang dalaga at nagwaltz sila.

JR:  pwede palang music ang tunog ng alon at tubig sa dagat, I never realized that.

Natawa si Dei.

Dei:  Yan din ang sabi sa akin ng Papa ko kapag isinasayaw nya ako at nagrereklamo akong wala namang music.

JR:  Tama naman ang Papa mo, kita mo pwede ka pa nga umikot oh, nasa timing pa din.

Iniikot niya si Dei. Nakisakay naman ang dalaga.

Dei:  Oo nga no! Tumahimik ito sandali... Ito ang huling ginawa namin ng Papa ko the day before he died. Nanood ng sunset, uminom at sumayaw. I do it everyday kasi I wanted to feel na nandito pa sya, because he really is still here in my heart. 

JR:  So hanggang kailan mo gagawin ito?

Dei:  hindi ko din alam eh.  siguro kapag dumating yung araw na hindi ko na maalalang gawin kasi I am busy living my normal life. kasi hanggang ngayon nami-miss ko ang Papa ko. 

Tuluyan na itong umiyak. Hinapit ni JR ang katawan nito para mapasandal ito sa dibdib niya. Tahimik lang silang sumayaw habang tuloy ang pagiyak ni Dei.  Habang sa beach resto dumating si Sir Simon. Napangiti ito sa nakita.

Sir Simon:  Mukhang may nauna na sa akin ah

Vinz:  Oo nga ho sir, naawa sa dalaga ninyo. Tignan ninyo sir, bagay sila di ba?

Sir Simon:  Gusto ko yang inisip mo Vinz, sana nga magkalapit ang dalawang yan para maging masaya na ang mga anak ko.

Nang humupa ang pagiyak ni Dei, pinahid nya ng palad ang mga mata. Naupo ito sa beach chair, umupo din si JR.

Dei:  sorry nabasa ata yang shirt mo

JR:  Ok lang yon. Malala pa nga ginawa ko sa yo di ba? Sorry ha. I don't have an excuse for being how I am since I arrived, umiiral lang madalas pagkaspoiled brat ko eh.

Dei:  Ok lang din, inaway din naman kita eh. Lumalabas din madalas pagkabitch ko.  So siguro kailangan lang pigilan natin sila para hindi tayo nagaaway.

JR:  Sige promise, I will try.

Natahimik sila, mayamaya dumating si Allan, inilapag ang frozen margarita ni Dei at sanmig light ni JR.

Dei: Allan last na to ha, paki ayos na yung bill.

Napatingin si JR, naisip niya she pays for her drinks pero sya puro charge lang sa resto naisip nya, "nakakahiya ka Ricardo"

JR:  Nagulat ako sa yo kanina, rider ka pala.

Dei:  I know how to ride pero am not into any racing  or any rider club. Regalo ng kapatid ni Papa. Since meron eh di pinagaralan ko ng gamitin. 

JR:  Anong brand?

Dei:  V Star 650 Classic.

JR:  Wow! that's one of the best women motorcycles.

Dei:  Talaga?! hindi ko alam yun eh. Wala akong alam sa motorcycles, I just know how to ride and when I do kahit walang destination I just ride through hanggang sa makakita ako ng magandang view then I would stop and take pictures ganon. Parang buhay lang you're not sure where it goes but you just go and  live para sa mga taong nagmamahal at umaasa sa yo and at some point in living makakakita ng magagandang view, magandang opportunity and you stay there.

JR:  Is that why you're here? dahil sa magandang view? magandang opportunity?

Dei:  No, I am here because your dad saved my life. I stopped living when my Papa died, I gave up on life but your dad saved me.  Ang sabi nya, kung para sa akin wala ng saysay mabuhay baka pwedeng mabuhay ako para sa iba, para sa kanya kasi naniniwala siya that I can do something for him. Wala daw syang anak na babae and he wanted to feel like he has one. Kaya pasensya ka na if I am seriously doing my job, because I don't want to disappoint your father.

Napaisip si JR, "eto sa harap nya ang isang tao who's not even blood related pero ayaw ma-disappoint ang daddy niya pero sya na tunay na anak, puro disappointment lang binibigay."  Napabuntunghininga si JR.

Dumating si Allan, iniabot ang bill ni Dei, pinirmahan ito ni Dei at tumayo na at tumingin kay JR

Dei: Sir thanks for the dance. Uwi na ako.

JR:  Can I walk you to your house?

Dei:  Ok lang pero tawagin ko lang si Samuel at Vicente kasi I am sure nandyan lang sa sulok yong dalawang yon at binabantayan ako.

Natawa si JR.

Dei:  Sammmmuuueeeellll,  Viceeennnnttteee uwi na tayo

Bigla ngang lumabas yong dalawa.

Dei:  Sabi ko sa yo eh.

Magkakasabay silang naglakad sa beach, nakahawak si Dei sa braso ni Sam at Vinz at nakaakbay naman si JR kay Vinz. Pagdating nila sa cottage ni Dei bumukas ang mga ilaw at kumaway ang gwardiya kay Vinz at JR.  Dumeretso na si Sam pauwi at magkasabay namang naglakad pabalik sa resort si Vinz at JR.

Vinz:  Kamusta naman ang paguusap ninyo?

JR:  Ok naman, may mga nalaman ako tungkol sa kanya and we agreed na spoiled brat ako at bitch naman siya.

Vinz:  aminado kayong dalawa ha.

JR: Oo at nagkasundo kami na pipilitin naming itago yon para hindi kami nagkakabanggaan. Sa totoo lang Vinz in the few words that she shared with me may mga narealize ako. Pero may tanong ako, nung iniligtas sya ng Daddy, she was assigned as F&B Manager?

Vinz: Kung ang daddy mo ang nagdesisyon baka COO sya agad,  pero ayaw ni Dei. So, she started from scratch, naging dishwasher, cooks apprentice, nung manganak ang Chef, siya ang pumalit. Nung bumalik yung Chef. Nagpalipat sya sa house keeping, tagalinis ng hotel, tapos nung mabakante yung post ng Conceirge don naman, tapos naging hotel receptionist.

JR:  Grabe dinaanan nya lahat yon?  

Vinz:  Oo naglilinis nga ng banyo yan eh.

Vinz:  ang katwiran ni Dei, nakakahiya sa mga matagal ng staff kung basta na lang siya uupo sa mataas na posisyon. Kaya kung gusto siyang ilagay ng daddy mo sa ganong posisyon, she wants to earn it.  After one year and a half, pinaattend sya ng Daddy mo ng mga seminars for management. Since graduate naman talaga siya ng HRM, pinahandle sa kanya ng daddy mo ang events. Nakakatawa nga sya non eh kasi tumutulong sya magskirting sa tables, magset ng tables, pinapagalitan ng daddy mo. Nung magtwo years siyaq dito tsaka sya ginawang Executive Assistant nya. At ng pumalo ang sales ng events, wala ng nagawa si Dei nung gawin siyang F&B Manager. The rest is history.

Nang makarating sa resort naghiwalay na ang dalawa, dumeretso na si JR sa penthouse ng hotel kung saan doon sila nakatira ng daddy nya. Dumeretso siya sa kwarto ng ama, sinilip niya ito ng makitang mahimbing na ang tulog nito ay dumeretso na sa sariling kwarto at inilaglag ang katawan sa kama. Napahawak ito sa dibdib kung saan nabasa ng luha ni Dei ang damit. Napaisip ito, "Tama si Dei, kahit wala ng kwenta ang buhay ko at least humihinga pa ako, hindi ko dapat sayangin yon if I can't live my life for myself  I have to live for my family, for my dad at para sa mga taong umaasa sa kompanya."


























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro