Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Nakiusap si Sir Simon kay Gina kung pwede silang sumama sa tahanan nila at doon magpalipas ng gabi para makasama naman nila si Dei ng weekend na yon. Nagpaunlak naman si Gina. Sakay ni Ram sa kotse nito si Sir Simon, Gina at Krizza.  Sakay naman ni JR si Dei, Vinz at Sam. 

Dei:  Pwede ba tayong dumaan sa grocery?  I just need to buy ingridients para sa birthday cake ni Daddy, birthday niya sa Monday di ba

JR:  That's right. Alam mo ang birthday ng Daddy?

Dei:  Yup, although ayaw niya ng nagcecelebrate kasi daw tumatanda siya lalo. Eh makulit ako so every year I make a cake for him. Not to sweet cake just for him.

Vinz:  I think alam ni Dei ang birthdays ng lahat ng taong malapit sa kanya.

Dei:  I try to remember, like I know for sure Vinz, Sam and Ram's bday.  Birthday ni Mama parang I know its October pero di ko na alam ang date. Ang bad ko no?

JR:  Birthday ko alam mo? 

Dei:  Hindi eh. (she lied)

JR:  Good.

Dei:  Bakit good?

JR:  At least hindi ka makakapagpalibre 

Nagtawanan sila.  Pagkagaling sa grocery dumeretso na sila sa bahay ng mga Perez sa Forbes. Pagdating don nagluluto na ng hapunan ang kusinero at inihahanda na ang lamesa para sa dinner.

Nakaupo na sa garden ang iba ng dumating sila.

Dei:  Dad bahay pala to? akala ko Mall

Nagtawanan sila.

Dei:  Grabe Dad ang laki naman, nagkakarinigan pa ba kayo dito?

Ram:  Kapag si mommy ang sumisigaw, oo rinig na rinig.

JR:  Soft spoken si mommy pero kapag inis at galit na parang may megaphone sa bibig.

Gina:  Nakakalula nga itong bahay ninyo, Señor.

Sir Simon:  Gina, pwede bang Simon na lang.  Hindi naman ako ganon katanda sa yo hindi ba? I think I am just 5 to 7 years older than you. Para namang ang tanda ko na kapag tinatawag mo ako ng Señor eh.  Tsaka hindi ka naman na iba sa amin, iisang pamilya lang tayo.

Napangiti si Ram at JR.

Gina:  ay pasensya ka na, oo nga naman.  Eh di sige Simon.

Dei:  Now, I know kung kanino kayong dalawa nagmana.

Nagtawanan sila. 

Sir Simon:  Ang asawa ko ang may gusto ng malaking bahay, she was anticipating a big family with 5 kids but unfortunately hindi na kami pinalad after Ricardo.  Hindi na din namin pinabago ang bahay kasi sabi niya, she will have to ask her sons to just live here with us kahit pa magasawa sila. Anim ang kwarto nito, apat sa itaas at dalawa sa ibaba.  Nang magbinata itong dalawa, ginawa nilang home theater yung isang kwarto sa ibaba at gym,play at bar area yung isa.  Kapag nakikita yun alam agad na puro lalaki ang anak ko.

Krizza:  Malalaki din ang mga kwarto sa itaas at my swimming pool ito sa likod.

Dei:  Wow!   Parang naikwento mo Krizza dito ninyo ginawa ang garden wedding ninyo?

Ram: Oo, we wanted a garden wedding so dito ginawa ang civil wedding namin but since we are both catholic next day we had a church wedding.

Sam:  Sosyal, dalawang kasal pa eh sa amin kahit civil na inaabot pa ng 3 anak bago magpakasal kayo dalawang beses pa.

Nagtawanan sila

Krizza:  Ikaw Dei, anong klaseng wedding ang gusto mo?

Dei:  I never really thought about it... siguro kasi I don't really believe I could find something as beautiful as Daddy's  or my parents love story.

Hinawakan ni Gina ang kamay ng anak.

Gina:  You are a hopeless romantic before everything happened.  I am sure in time you will be able to get that back, I'm sure someone around the corner can swift you off your feet, carry you in his arms and bring you to his castle and live happily ever after.

Sir Simon:  Oo nga naniniwala din ako na you will get there Hija.

Ngumiti si Dei.  Nakatingin lang si JR sa reaction nito. 

JR:  Tita, ano nga yon? Swift her of her feet? paki ulit po

Gina:  swift her off her feet (lumapit si JR kay Dei ngumiti ng labas ang dimples at hinawakan ang kamay nito, kinilig naman si Dei)

Gina: carry you in his arms (bigla siyang binuhat ni JR na parang princesa)

Gina: bring you into his Castle (binuhat ito hanggang makapasok sa pinto ng bahay, sumunod na papasok ng bahay ang lahat)

JR:  Pwede na ba yon Tita.

Gina:  Oo naman Hijo.

Dei:  Ibaba mo na nga ako, alam mo ang cheesy mo!

Namangha si Dei, Gina, Sam at Vinz sa ganda ng loob bahay at sa grandyosong chandelier sa salas. Iniikot sila ni Sir Simon sa buong kabahayan.  Natuwa si Dei sa kitchen nito ang gaganda ng mga gamit.  Mahilig din kasing magluto ang Mommy nila JR.

Sir Simon:  Ano Hija, nagustuhan mo ang kitchen?

Dei:  Opo Dad, ang ganda. I would enjoy cooking there.

Umakyat sila sa taas, sa pagakyat ng hagdan, nakita nila ang painting ng portrait ng pamilya. Napatayo si Gina sa tabi nito at lumilinga. 

Gina:  Your house is beautiful Simon. Your wife has a good taste in fabric and curtains.

Ram: Tignan nyo si Tita Gina, di ba parang may hawig siya sa Mommy dyan sa portrait.

Tumingin silang lahat. 

JR:  Wow, ang mommy pala artistahin  ang dating.

Gina:  Well, you two both looked really handsome so hindi naman maikakaila  na maganda at gwapo ang mga magulang ninyo.  Your Mom is really gorgeous. I'm honored na kahawig ko pala siya.

JR:  Naku, Tita kung nagkakilala kayo ni Mommy am sure, she would love to know na may kahawig siyang artista.  Mahilig yun sa tele-nobela at pelikula eh.

Dei:  tama ka Ma, ang ganda ng mga curtains, wall papers, carpets pati na ang mga beddings nila. All of them sa hotel ko lang nakikita.

Ram:  Mommy never worked pero palagi siyang kasama ng  Daddy sa office at kapag hindi naman all she does is cook, do gardening or iredecorate ng paulit ulit ang buong bahay.

Dei:  Pareho sila ng Papa, pag walang pasok si Papa that's all he do cook and gardening.

Gina:  And you got both of those qualities.

Ipinakita ni Sir Simon ang masters bedroom, pinakita ni Ram ang kwarto niya at ganon din si JR. 

Pagtapat nila sa pangapat na kwarto...

Sir Simon:  This room was a guest room noon.  Now, its your room.  I had it tailored for you Hija, si Krizza ang nagdesign nyan in a way she think you would like it.

The wall papers are the lightest yellow with silver tulips, the rest of the furnitures are made of dark mahogany.  Queen sized bed with mosquito net made of lace na nakasabit sa isang silver ring sa kisame; two bedside table and a dresser with a chair na mukhang isang set. May office table with computer, wall mounted cabinet sa side ng pinto at may mga pictures nila and dolphin figurines. May wall mounted na TV sa ilalim nito may mesa na may dvd player at napakaraming english romantic movies.  Sa tapat ng headboard may painting ng beach.  Carpeted ang buong kwarto ng light brown.

Sir Simon:  Si JR ang pumili ng mga furnitures at painting; si Krizza ang nagdesign at pumili ng drapes and beddings; si Ram ang pumili ng books, figurines at movies mo.  They all said those are what you would like.

Naluha ang mata ni Dei.

Dei:  I'm speechless, I love it.  Kuya natandaan mo pa na favorite ko ang dolphin?

Ram:  This is the first time you called me Kuya and I like it.  Oo naman, naalala ko nung college lahat ng cover ng books mo dolphins,  lagi kang may dalang pocketbooks at mahilig kang manood ng mga english romcoms or chickflicks. 

Dei:  Grabe Richie, ikaw pumili ng furnitures? I specially liked na mukhang isang set ang bed at ang dresser.

JR:  Because they are, I had the dresser custom made to match the bed, naalala ko nagustuhan mo yung mga wooden furnitures sa bahay and of course the painting of the sunset on the beach.

Dei:  Ang ganda, ganda.  And yes Krizza, my favorite color is yellow and my favorite flower is carnation.

Krizza:  Now you will have to see the bathroom.

Sinamahan siya ni Krizza at nagtitili ang dalawa. Tawa naman ng tawa ang mga tao sa labas.

Dei:  Oh my God, I have my own walk in closet and my bathroom is huge!  Ma, tignan mo may jacuzzi! 

Niyakap ni Dei ang ama-amahan.  

Dei:  Dad this is too much.

Sir Simon:  walang too much para sa dalaga ko.

Nakangiti lang na nagmamasid di Gina. Hindi siya makapaniwala sa pagmamahal at pagpapahalaga na ibinibigay ni Simon sa kanyang anak. Masaya siya para sa anak, ramdam niya kung gano kamahal ni Simon ang anak niya. Bumaba na silang lahat para maghapunan.  Matapos magdasal, nagsimula na silang kumain.

Sir Simon:  Niyaya ko kayo dito para ipakita ang kwarto mo Hija and to tell you, Ikaw at ang Mama mo can stay here anytime you want.  So you have more options about your old house, you can either sell it or do something about it.  Basta may matitirahan kayo dito.

Dei:  I'm turning my home into a restaurant Dad. I talked to the Village Owner and since the house is at the entrance of the subdivision and is on the site of the main street, they allowed me to do so. Inalok na nila sa akin yung katabing empty space to be the parking area.  I am keeping the whole structure. Ipagigiba ko yung wall na nasa side ng main street because that would be the front of the restaurant.

Ram:  I'm excited to hear the concept of your restaurant.

Dei:  The whole structure stays kasi I want the ambiance and the feel to be like you are just dining in your own home with  food that has distinctive taste.  It will be called "The Home Cuisine".

Gina:  That is a wonderful idea. I'm very proud of you Gia!

Dei:  The garden will be the barbecue grill area - so steel tables and chairs in black, where they can drink and dine under the stars; the living room will be the coffee and bake shop - so small wooden couches and coffee table - where you can eat breakfast or snacks; and the bedrooms will be the fine dining area where international cuisine will be served. Yung dining area will be included as the kitchen and the kitchen will be enclosed by a counter and mirror walls where people can see how their food is cooked just like when you are at home.

Sir Simon: It is great! I like it a lot.  

Tahimik lang na nakikinig si JR, napapaisip siya, "you continue to surprise us with your great ideas. You're one smart lady Dei!"

Dei:  I have all those ideas in my mind, my problem is hindi ko lang alam kung papano ie-execute.

Sir Simon:  Sigurado akong matutulungan ka ni JR.   

Napatingin si JR kay Sir Simon.

Sir Simon:  It's about time you take back Summit Holdings Ricardo.  It's been almost four years Hijo. Let's give your brother a break para siya na muna ang bahala sa Destiny at Summit Resort at ng makasama naman niya si Krizza at ng magkaapo na ako.  I want your first project to be Dei's restaurant. Ano sa palagay mo Ramon?

Ram:  Kung ok kay Richie, ok lang din sa akin.  Kung hindi naman I can help Dei and always bring Krizza with me naman and stay here instead. Pwede naman siyang magbukas ng branch dito sa Manila.  It's really up to Richie.

Dei:  Daddy, kung hindi pa ready si Richie. Let's let him be.  Hindi po makakabuti para sa kanya kung bigla na lang ninyo siyang pilitin bumalik sa Holdings. Ram can help me naman.  Isang buwan pa naman para maging available ang pang finance ko sa Home so. Let Richie think about it.

Sir Simon:  Ok whoever basta when Dei's capital is ready Holdings will take care of it.  Hija nga pala, I have a job for you since hindi pa naman nagsisimula ang  restaurant mo.

Dei:  Anything Dad, basta kaya ko, no problem with that.

Sir Simon:  Sa building ng Holdings, walang matinong makainan ang mga tao. Maraming fastfood sa labas ng building pero crowded na mahal pa.  So I am thinking to put up our own Fastfood area. Pagaralan mo nga kung anong mas magandang gawin don.  The building's penthouse is empty, pwedeng doon siguro.

Dei:  Sige Dad, I'll go see what I can come up with.

Matapos maghapunan, nagtsaa si Sir Simon at Gina sa garden habang nagkukwentuhan. Nagpunta naman si Dei kasama si Vinz at Sam sa may swimming pool sa likod ng bahay.  Naglalakad-lakad habang nagkukwentuhan. Masayang nagkwento si Dei sa kanila tungkol sa kanila ng Mama niya at na hindi na siya nalulungkot kapag pinaguusapan ang Papa niya.

Vinz:  Alam mo, mukha namang maaliwalas ang mukha mo at masaya ka eh. 

Dei:  Let's just say mas normal na ako ngayon

Sam:  Oo kasi dati abnormal ka eh.

Dei:  Loko ka ha!

Hinabol ito ni Dei at itinulak sa pool.  Tawa sila ng tawa ni Vinz.  Naupo sila sa beach chair.

Dei:  Kayo kamusta sa Destiny?

Vinz:  Ok naman, masisipag ang mga tao natin mukhang pinangangatawanan ang pangakong binitawan sa yo.  Yung mga OJT ang laki ng takot sa yo ha pero they are good and smart. Walang reklamo kahit gano kabigat na trabaho ginagawa pati yung babae. At ang daming tanong halatang mga gusto talagang matuto. Nami-miss ka na nga nila eh.

Dei:  Mabuti naman kung ganon.  Tsaka mga nahihiya yon kay JR kasi pinapaaral sila so kailangan talaga nilang maging magaling.  Miss ko na din ang mga tao don pero gusto ko na munang tapusin lahat dito bago ako bumalik doon.

Vinz:  Huwag kang magalala naiintindihan ka namin. Maayos naman kasama si JR eh. Kahit minsan malungkot pero kapag kailangan sa trabaho responsable naman siya. Nanalo siya sa bidding against Eric. Sinisimulan na ang subdivision. 

Dei:  Wow! That's good news! Sana maging maayos na talaga siya. Kasi am sure he can be number 1 again kapag bumalik siya sa Holdings. But it seems like mas maraming alaala si Chelsea doon kaya hindi siya makabalik.

Vinz:  Oo talagang marami... hindi mo ba alam na si Chelsea and Executive Assistant niya?

Dei:  Hindi, then I understand now kung bakit hindi siya makabalik sa Holdings.

Vinz:  I don't want to tell you this pero dapat ata malaman mo eh, para lalo mong maintindihan.  Kasi si Richie at Chelsea noon parang ang Daddy at Mommy nila. Magkasamang pumapasok sa opisina, si Chelsea din ang moral at emotional support ni Richie. They've been together for four years pero hindi sinabi ni Chelsea na may sakit siya, kaya nung lumala non lang nalaman ni Richie at sa huling hininga ni Chelsea si Richie ang tinawag niya.

Dei:  That's sad, must have been traumatic for him, kaya siguro ayaw niyang tinatawag siyang Richie. Chelsea must have loved him too much kaya hindi niya sinabi. Ayaw niyang magalala or masaktan ito.  Sayang sila no. Mukhang isang magandang love story.

Vinz:  Oo nga eh.

Dei:  Chelsea is his one great love. Nakakainggit naman sila.

Napaisip si Dei, "mahirap higitan yon. Sorry ka na lang Dei."

































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro