Chapter 46
Pagdating sa Maynila, sa mismong opisina ng Summit Holdings ibinaba ng helicopter ang magina at nandon ang sekretarya ni Sir Simon na si Joanne para asikasuhin sila. Noon lang nakarating si Dei doon at nagulat siya sa laki ng building na pagaari ng mga Santillan-Perez. Mismong company driver ang naghatid sa kanila sa isang condominium sa Quezon City. Two bedroom condo ito, at may mga lirato ito ng pamilya nila sa salas at sa kuwarto pero bukod doon wala kahit isang bagay na pamilyar kay Dei. Kumuha lang ng ilang gamit si Gina at inihatid na sila ng driver sa Valle Verde 4 Subdivision kung saan dati silang nakatira.
Maayos ang lahat at malinis ng datnan nila ang kanilang bahay. Nandon pa rin ang dating Driver at Hardinero nila na si Mang Alex at ang katulong na si Armida. Tuwang-tuwa ang mga ito ng makita sila. Kung paano ito naalala ni Dei, ganon pa rin ang itsura nito. Pinagpamalengke ni Gina at pinaggrocery si Armida. Pumasok si Dei sa kwarto ng mga magulang at walang nagbago dito pati na sa kwarto niya. Nandon ang mga libro niya. Pumasok si Gina sa kwarto.
Gina: Ang alam ko yung mga kaibigan mo dito ay dito pa rin nakatirang lahat. Kinukwento ni Armida na nakikita nila ang mga ito at may pagkakataong itinanong nila kung umuwi ka na.
Pinilit ni Dei na ngumiti.
Gina: Sige magpahinga ka na muna, umidlip. Gigisingin kita kapag nakahain na.
Lalabas na sana si Gina ng biglang hinawakan siya ni Dei.
Dei: Pwede po bang dito muna kayo? Samahan ninyo ako.
Gina: Oo naman anak.
Nagsimulang isa-isahin ni Gina ang mga gamit sa kwarto niya, inalala ang bawat bagay kung saan nanggaling at kung sino ang nagbigay. Nagkwento siya tungkol sa mga libro niya nung College at may naalala siya. Hinanap niya ito sa pahina ng mga libro. Natuwa siya ng makita ito. Ipinakita niya sa Ina ang litrato. Kuha sa isang competition nuong college kasama niya ang ilang kaklase at school mate na sumali at nanalo sa competition.
Dei: Ma, tignan mo ito. Yang lalaki sa kaliwa kilala mo?
Gina: Si JR ito ah. Schoolmate mo pala siya.
Dei: Crush ko siya noong college at hiningi ko pa yan sa photographer ng school para magkaron ako ng litrato niya.
Gina: Must be fate na nagkita kayo ulit.
Dei: Siguro po, sana po. Ewan ko din.
Natawa si Gina sa sagot ni Dei pero naisip, "pasasaan ba at maniniwala ka din anak."
Dalawang linggo na si Dei sa Maynila at walang sinayang na oras si Gina para mapalapit dito. Ipinagluluto, sinasamahan sa pamamasyal at inaasikaso niya ito. Nasasanay na din ito na pagusapan ang masasayang alaala nila kasama ang Papa niya. Tumatawag naman si Gina kay Sir Simon at Dr. Angelo kapag may pagkakataon na natutulog si Dei.
Makalipas ang isang buwan. Nakakapagmaneho na si Dei sa Maynila. Unang beses niyang ipinagdrive ang Ina papunta sa isang taping nito at hinintay hanggang matapos at kumain sila sa labas. Nagkataong katatapos lang ng meeting ni Eric sa parehong restaurant kaya nagkita sila. Sinamahan sila nito at maayos naman ang naging pagkikita nila. Pinilit pa ni Eric si Dei na kukuhanan niya sila ng litrato at ipinost ito sa kanyang FB.
Sa Boracay hindi nakaligtas kay Ram ang post ni Eric, ipinakita niya ito kay JR. Nakalagay na caption dito. "It was nice seeing my former GSB (Girlfriend Since Birth) hanging out with her Mom. I'm happy for you Dei."
Ram: at least nilagay niya former.
Hinanap ni JR ang message ni Dei noon sa kanya na "Without you I am like facebook without friends, youtube without videos and google without results." - Richie.
Nang matanggap ni Dei ang message agad naman nitong tinawagan si JR kahit na nandon sa harap niya si Eric.
Dei: Hi Richie!
JR: Hello, akala ko hindi mo ako tatawagan eh.
Dei: Pwede ba yon.
JR: Kamusta ka naman diyan?
Dei: Ok naman, getting better everyday. Ikaw?
JR: Eto namimiss ka palagi pero gusto kong ibigay sa yo ang oras na hiningi mo kaya kahit gusto kita itext araw-araw at tawagan araw-araw hindi ko magawa. Eh ako namimiss mo ba ako?
Dei: Syempre naman. Nasa labas kami ni Mama, dinner out kasi nakakapagmaneho na ako dito sa Manila.
JR: Wow, astig ah! Nga pala, one question, yung sinabi mo sa akin bago ka umalis, totoo ba yon?
Namula ang mukha ni Dei.
Dei: Talagang tinatanong mo pa ha? Ano ba sa palagay mo? Nagsinungaling na ba ako sa yo?
JR: Thanks Gia, that means a lot to me, kasi Crush din kita nung college eh.
Lalong namula ang mukha ni Dei.
Dei: Sige na, ingat ka dyan ha, kamusta mo ako sa kanilang lahat lalo na kay Daddy.
JR: Gia, hihintayin kita at aasa akong pagbalik mo babalik ka sa akin.
Dei: Have I broken a promise?
JR: Hindi. Sige ingat ka din. Miss you.
Dei: Later Richie! Missed you too.
Napangiti si JR at tumingin kay Ram.
JR: Palagay mo kung gusto pa niya si Eric tatawagan niya ako in front of him?
Ram: Yan ang gusto ko sa yo bro eh! You're the man!
Samantala, nakatingin lang at nakikinig si Gina at Eric kay Dei.
Dei: Ay sorry Ma, si Richie kasi eh naglalambing.
Gina: Ok lang anak, sigurado ako miss na miss ka na non.
Eric: So, boyfriend mo pala talaga siya?
Dei: Hindi ka pa naniwala non? Eh muntik ka na nga niyang barilin sa galit niya sa yo.
Eric: Well, naniwala naman. I just want to hear from you.
Dei: Eric, Oo boyfriend ko si Richie at alam kong mahal ko siya. Pero my heart is not capable of loving truly unless I mend it again. Kaya eto ako at ang Mama we, are both trying to heal our hearts together. Gusto kong ibigay ang puso ko kay Richie ones it is whole again.
Eric: Masaya ako para sa yo. You found a wonderful man, Richie is a great businessman, kung hindi pa nga tumigil yon I would always be second best in the business world until now. But he is luckier than I am now, because he is number 1 in your heart.
Dei: And he will always be.
Ngumiti si Dei. Nagpaalam na si Eric sa kanila. Iniabot nito ang kamay kay Dei.
Eric: Friends?
Dei: yes of course, friends!
Habang tumatagal si Dei, kasama ang kanyang Ina sa dating bahay nila. Unti-unti ding napawi ang mga masasakit na alaala niya sa pagkamatay ng Ama. Napapalitan ito ng magagandang ala-ala kasama ang kanya Ina at ng pamilyang nagmahal sa kanya. Sa ika-dalawang buwan ni Dei sa Manila. Inutusan siya ni Gina na samahan si Armida na maggrocery. Pagbaba nila panay ang daldal niya.
Dei: Ate Mida, matutuwa si Mama kapag ipinagbake ko siya ng cheese cake. Hindi pa niya natitikman ang luto ko eh natatandaan ko na ngayon, favorite nila ni Papa yon. At ngayon lang siya makakatikim ng mango cheesecake. Palaging blueberry cheesecake ang inuuwi ni Papa di ba.
Ipinatong niya ang bitbit na paper bag sa dining table at tinawag ang Ina.
Dei: Ma, we're home... san ka?
Gina: Nak dito sa garden.
Paglabas niya ng garden nagulat siya at nagtitili sa tuwa ng makita niya ang pamilya Santillan-Perez na nandon, kasama si Sam at Vinz. Tumakbo siya papunta kay Sir Simon.
Dei: OMG Daddy! Ram! Krizza! Vinz! Sam!
Niyakap nya ng mahigpit si Sir Simon. At isa-isang niyakap ang mga kasama nito.
Dei: Mama, ikaw ha kaya pala pinapaalis mo ako eh.
Tinitigan ni Sir Simon si Dei.
Sir Simon: Hija, lalo ka yatang gumaganda.
Krizza: At lalong sumesexy Sis!
Dei: Walang magawa dito eh kaya besides sa pagmamaneho, nagaerokaebo ako and am taking up culinary arts. Teka lang... bakit kayo lang? Hindi sumama si Richie?
Ram: Hindi eh, sabi mo daw kasi you needed time tsaka nangako siya na hihintayin ka lang niya sa Destiny.
Lumungkot ang mukha ni Dei.
Dei: Sabagay, yun naman ang sinabi ko, just that naisip ko lang matigas ulo non eh hindi yun susunod sa akin. Kaya I was hoping susulpot siya dito kahit sinabi ko pang wag niya akong isipin.
Krizza: So mas gusto mong puntahan ka niya, ganon?
Dei: Syempre Sis! Kaso, two months na ako dito, wala, nganga ang beauty ko! Lakas ng loob kong umasa diba?! Anyway, wait kuha ko kayo ng juice.
Tatalikod na sana siya pero hindi napigilan ang inis.
Dei: Hay naku Daddy! Wala talaga akong aasahan dyan sa anak mo! Nakakainis!
JR: Anong sinabi mo?
Nanlaki ang mata ni Dei ng marinig ang boses ni JR, pinandilatan ang pamilya niya.
Dei: Kayo talaga...
Humarap siya kay JR...
Dei: Kanina ka pa dyan? Narinig mo mga sinabi ko?
JR: Uhummm, lahat ng sinabi mo.
Namula ang mukha ni Dei. Napangiti si JR.
JR: Sige, kunyari wala na lang akong narinig.
Nagtawanan sila at niyakap siya ni JR.
Krizza: Hay naku wala pang juice nilalanggam na kami sa kasweetan ninyo.
Dei: Ay, oo nga kukuha ako ng juice. Ikaw kasi eh! Tulungan mo na nga lang ako.
JR: Yes mam!
Pagalis ni Dei at JR, kinamusta ni Sir Simon si Dei kay Gina.
Gina: Maayos naman po siya, hindi na siya natutulala at kahit na napaguusapan namin ang Papa niya hindi na din sya nalulungkot. Halos puro mga masasayang ala-ala ni David ang naalala niya dito. Bawat bagay na nakita niya sa loob ng bahay, naalala niya si David pero hindi na siya nalulungkot. Hindi pa rin namin napaguusapan kung ano ang plano niya. Pero sa pakiwari ko may binubuo siyang plano dahil nagenroll nga sa culinary arts at nagaral magmaneho dito sa Maynila. Nagiging masiyahin siya. Lagi niya kayong ikinukwento.
Sir Simon: Mabuti naman kung ganon.
Doon nananghali ang pamilya Perez. Nagpapahinga sila makapananghali ng yayain ni Dei si Krizza sa loob ng kwarto niya.
Dei: Krizza, may hihingin sana akong pabor.
Krizza: Kahit ano sis, basta kaya ko gagawin ko para sa yo.
Dei: Pwede bang gawan mo ng design itong bahay namin para maging restaurant?
Krizza: Oo ba, ano bang naiisip mo.
Dei: Ayokong baguhin ito as much as possible. Kasi I want the ambiance to be just like you a home. Iniisip kong the living room would be the coffee and bakeshop, lalakihan yung kitchen and enclosed it with counter and mirror walling para nakikita ng tao kung pano niluluto ang pagkain nila just like when you are home; then the bedrooms will be the fine dining area and the garden would be the barbecue grill area. Palagay mo?
Krizza: Sige gagawan ko ng design email ko sa yo.
Dei: Isend ko sa email mo yung plano ng bahay, pero Sis secret muna natin ha. Wala pa naman akong final plan.
Krizza: Ok, nagenroll ka ng culinary, so matatagalan ka pa dito?
Dei: Oo eh, pasensya na kayo ha.
Krizza: Ok lang nami-miss lang naman kita eh. Magoonline ka naman kasi para nakakapag-chat tayo para hindi kita nami-miss.
Dei: Oo ba, sige promise magoonline ako. Kamusta si JR?
Krizza: Ok naman, nagpapakabusy sa trabaho, Nagstart na magOJT yung mga scholars niya sa Destiny. At marami siyang ipinadala na gamit sa summit sabi ni Ram, mga gamit daw yun na si Chelsea ang pumili o bumili. Idinedespose niya.
Dei: Bakit niya dinedespose?
Krizza: ang sabi ni Ram siguro its his own way of moving on from her.
Dei: Ah ok...
Krizza: hindi ka masaya?
Dei: Masaya naman. Wala lang akong masabi.
Kumatok si Ram.
Dei: Tuloy...
Ram: Pwede kaming makihiga?
Dei: Ay oo naman. Pasok kayo. My room is not much but it has good memories. RAM dyan ka na sa bed katabi ni Krizza. Richie dyan ka na sa couch oh.
Umupo naman siya sa lazy chair niya.
Dei: Are you guys staying for the weekend in Manila?
Ram: Oo, gustong umuwi ni Daddy sa bahay sa Forbes eh.
Krizza: Patingin ng mga books mo ha. Ang dami mong pocketbooks tsaka ano to? My poems... sumusulat ka?
Dei: Oo noon, hopeless romantic ang Papa ko eh. Noon ang gagawin niya may isang line siyang sasabihin sa akin tapos naman isusulat ko sa isang paper tapos from there nakakagawa ako ng poem.
Ram: Yah, I remember, noong college...
JR: She won first price on poem writing contests, in 3 consecutive years.
Krizza: Wow ang galing mo naman.
JR: I can lie with my lips and forever keep them close but I cannot lie with my eyes because even if I close them I still see you.
Nagulat si Dei, pamilyar sa kanya ang mga katagang yon.
Dei: Bakit alam mo yon?
JR: That's my favorite line on your winning piece. Napanood kita when you read that poeçm sa school noon. Isinulat ko sa binder ko, kaya nakabisado ko.
Krizza: May nakaraan kayo nung college?
Dei: Wala ah. Hindi nga kami magkakilala eh.
JR: Yah we know who each other are, pero we were never introduced.
Ram: Teka nga, bata batuta si JR ba ang lagi mong kinukwento sa akin? Sya ba yung sabi mong lagi na lang napapaligiran ng mga fans? Siya ba yung si Million dollar man na crush mo?
Dei: Hindi no! Ram pwede tumahimik ka na lang.
Ram: Kung alam ko lang na siya yon eh di sana ipinakilala na kita.
Dei: Tse! tumigil ka na nga!
Namumula ang mukha ni Dei. Habang si Krizza naman panay ang buklat sa mga libro ni Dei. Hanggang sa nakita niya ang picture na itinatago ni Dei. Ibinigay niya kay Ram.
Ram: Bro, ikaw 'to di ba?
Iniabot niya ang litrato kay JR.
JR: Oo nga ako to? at nandito ka din oh, pano ka nagkaron nito?
Pilit na inagaw ni Dei ang picture pero dahil mataas si JR sa kanya hindi niya ito makuha.
Dei: Richie naman eh, akin na kasi yan.
JR: Sabihin mo muna na crush mo ako nung college.
Dei: Sinabi ko na sa yo di ba?!
JR: Gusto ko yung naririnig nila.
Dei: Eh Richie naman eh, akin na.
JR: Sabihin mo muna, sige kakaagaw mo baka mapunit ito.
Walang nagawa si Dei.
Dei: Oo na nga, crush kita nung College pa yun no! At oo Ram siya yon si Richie Rich the million dollar man.
Tawa ng tawa sila Ram at Krizza, ibinigay ni JR ang litrato at ibinalik ito ni Dei sa libro kung saan niya ito itinatago.
Krizza: Mukha namang may crush din sa yo si JR non, kasi para matandaan niya yung poem mo tsaka on the first place bakit pa niya yun isusulat kung hind dahil may crush siya sa yo.
Namula ang mukha ni JR pero nangingiti.
Ram: Nakakatuwa kayong dalawa, nahiya ka Dei at natorpe naman si JR noon, and now here you are. Must be fate.
Krizza: must be destiny.
Nagtawanan silang apat. Napaisip si Dei, "crush pala niya ako non?". ganon din si JR, "sayang kung hindi ako natorpe, we could have had our past together."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro