Chapter 45
Samantala, sa bahay ni JR, nagpatuloy sa paglilinis ng bahay si Dave. Makalipas ang dalawang oras natapos na niyang linisin ang second floor ng maalala niya ang sinabi ni Dei. Pumasok siya sa masters bedroom at kinuha ang wallet ni JR. Binuksan ito, nagulat at nalungkot siya ng makita ang litrato ni JR kasama si Chelsea. Bumukas ang pinto at inabutan ni JR si Dave na hawak ang wallet niya.
JR: Dave, bakit mo hawak ang wallet ko?
Dave: Kasi kuya kanina, hinahanap ni Ate Dei yung lisensya niya tinignan niya dito sa wallet mo at nakita ko na biglang lumungkot ang mukha niya ng buksan ito. Marahil ito ang nakita niya kaya ganon. And sabi pa niya, tignan ko na lang daw para malaman ko ang sagot sa tanong ko sa kanya noon, tinanong ko kasi sa kanya. "kung sa palagay ba niya hindi mo na mahal yung dati mong girlfriend."
JR: Ano, nakita to ni Dei?
Dave: Opo kuya.
JR: Nasaan siya?
Dave: Umalis po, pupuntahan daw niya ang Mama niya.
JR: Hindi ba sinabi ko sa yo huwag mo siyang papayagang umalis?
Dave: Opo pero sabi niya hindi ka daw magagalit dahil ang gusto mo naman daw kausapin niya ang Mama nya eh yun naman ang gagawin niya.
Napaupo sa kama si JR, kinuha ang wallet kay JR at napatitig dito. Kahit siya gusto niyang itanong sa sarili, "kung bakit nga ba hindi pa niya tinatanggal ang litratong ito sa wallet niya. Maaring nasaktan siy sa nakita, bakit nga naman hindi, eh siya ang girlfriend ko tapos litrato ng iba ang nasa wallet ko."
Dumeretso si JR sa banyo nagshower at nagbihis. Pupuntahan niya si Dei, ayaw niyang magisip ito ng kung ano-ano. Habang pababa siya ng hagdan, nagring ang celphone niya, tinignan niya kung sino ang tumatawag at ng makita na si Ram sinagot niya ito.
JR: Hello Kuya, kamusta?
Ram: Nasan ka?
JR: Nandito sa bahay, paalis pa lang papunta ako sa Destiny. Susundan ko si Dei , nagpunta daw diyan para kausapin ang Mama niya.
Ram: Tama ka at sa dami ng napagusapan they came up with a decision. Sasama si Dei pauwi ng Maynila sa Mama niya. Bilisan mo at baka hindi mo na abutan.
JR: Ano?!
Pinindot nito ang end call at tinawag si Dave.
JR: Dave, yung gate buksan mo bilis... baka hindi ko na abutan si Dei.
Natatarantang napatakbo si Dave para buksan ang gate.
Ipinatawag ni Sir Simon ang lahat ng staff ng Destiny sa beach front resto. Nandon din si Ram at Krizza. Nakaupo ang lahat maliban kay Dei at kay Sir Simon na nakaakbay at nakahawak sa kamay ng dalaga na para bang sinasabing kaya mo yan. Dumating si JR ng nakatalikod si Dei at nagpapahid ng luha. Naupo ito sa dulo katabi ni Vinz.
Dei: Good afternoon everyone.
Staff: Good afternoon Mam
Dei: Pasensya na kayo kung naistorbo ko ang mga trabaho ninyo, am sure everyone knows am not likely to do so pero kailangan ko lang gawin ito. Sa mahigit na apat na taon, ang Destiny ang naging tahanan ko at kayong lahat ang naging pamilya ko. Nagpapasalamat ako sa bawat isa sa inyo sa bawat araw na inilagi ko sa tahanang ito. Naging masaya po ako sa piling ninyo. Am sure all of you knows my story so I am sure, you know that there are times I am still living in my past which is not normal. Magagalit ang Daddy kapag sinasabi kong hindi ako normal o may sakit ako pero yun po ang totoo and all this time the Santillan-Perez Family and all of you have tried to hard to make me feel better. You are all part of my healing. Unfortunately, my process of healing is not yet complete. Hindi naman po lingid sa inyo ang mga outburst of emotions ko but each and everyone of you has tolerated it and understood. For that alone, I cannot thank you enough. Dahil sa inyong lahat nabuo ang pagkatao ng isang Dei Gianne Capili-Perez. Nabuo sa paraang higit pa sa ipinagdasal ko. Nakilala dahil sa tiwala na ibinigay ninyo sa akin at hindi po ako makakarating dito kung hindi dahil sa pagpapahalaga at pagmamahal ninyo. Gusto ko pong ibalik hindi lang pagpapahalaga... kundi ang pagmamahal na yan. Pero hindi ko magawa dahil ito po (itinuro ang puso) hindi lang walang puwang ang pagmamahal kung hindi wasak na wasak pa.
Tuluyan ng umiyak si Dei. Yumakap ito sa ama-amahan. Inabutan siya ng tissue at tubig ni Krizza. Pinahid ni Dei ang luha at uminom ng tubig at nagpatuloy sa pagsasalita.
Dei: Sa pagkakataon pong ito, magpapaalam po muna ako. I need to complete my healing here (itinuro ulit ang dibdib). Baka po sakaling sa pagalis ko dito, makalimutan ko ang mga masasakit na alaala ng nakaraan ko at sasamahan ko po muna ang Mama ko. Baka po siya at ang mga magagandang alaala ng pamilya namin sa Manila ang makatulong sa akin.
Hindi nakatiis si Sam.
Sam: Dei, babalik ka pa ba?
Dei: Babalik ako, pangako babalik ako dahil ito ang tahanan ko at nandito ang pamilya ko. May isa po akong pakiusap sa inyong lahat. Alagaan po ninyo ang pamilya ko habang wala ako. Huwag po ninyong pabayaan ang tahanan ko. Maraming salamat po ulit at hanggang sa muli.
Lumapit isa-isa kay Dei ang mga staff, niyakap siya, nagpaalam at isa-isa ng bumalik sa kani-kanilang trabaho. Naiwan si Vinz, Sam, Julie, Manong. Liza, ang mga head ng bawat department na naging malalapit na kaibigan ni Dei at ang pamilya Santillan-Perez.
Tinignan sila ni Dei.
Dei: Ano kayo?
Liza: Waiting for you final instructions Mam.
Umiiyak ito, pati na ang iba pang kaibigan niyang naiwan doon.
Dei: Thank you sa inyo, sa mga masasayang saturday night outs. I hope you all know that you have helped me a lot. At sa pagbabalik ko, party party tayo.
Sam: Nakuha mo pang magpatawa, iiwan mo na nga kami.
Dei: Samuel ikaw talaga. Pagbalik ko dapat may girlfriend ka na. Hindi mo pa kasi ligawan si Julie eh.
Julie: Ms. Dei talaga nagjo-joke pa.
Dei: Julie, Manong, kayo na ang bahala sa kitchen ha. Alam kong kaya nyo yan.
Manong: Dei, magiingat ka ha. Hihintayin ka namin.
Dei: Para sa inyong lahat, make me proud. Take care of Destiny, katulad kung papano ninyo ako inalagaan. Liza, while I am gone, I want you to take my post as F&B Manager. You will directly report to Sir JR.
Liza: Mam, hindi ko kaya yon, hindi po ako kasing galing ninyo.
Dei: Liza, nung magkasakit ako, pagbalik ko maraming pagbabago pati ang 6 na events nahandle ninyo ng maayos. I am sure you can handle this. Besides our calendar is full for the next 3 months so wala kang gagawin kung hindi yung mga dating ginagawa mo na, ang naiba lang si JR ang boss mo.
Liza: Ok po Mam, I will do my best.
Dei: Pano Vinz, ikaw na ang bahala dito. Oo nga pala, I have 6 OJT's for you. Kausapin mo na lang si JR tungkol sa mga scholars niya. Limang lalake, headed by Dave at isang babae her name is Diane. I want you to personally handle them. Make Allan train them on housekeeping; Claire to train them sa reception and concierge; Sam to train them on being a Waiter; Liza, to do the management trainee and Julie to train them sa kitchen. Gusto ko pagbalik ko full pledge na itong mga batang ito.
Vinz: Yes Mam, akong bahala. Dei, mamimiss ka namin.
Dei: Mami-miss ko din kayo but I really need to do this.
Lumapit ang mga ito kay Dei para sa isang group hug.
Ram: We understand Sis, I don't want you to leave pero alam kong makakabuti sa yo yan.
Krizza: Ako din, nakakalungkot na aalis ka pero kung dyan ka gagaling, then go. Pero dadalawin ka namin kapag sobrang miss ka na namin.
Dei: Oo naman, pagbalik ko kailangan nakabuo na kayong dalawa ha.
Niyakap siya ni Ram at Krizza. Sa buong oras na yon, nanatiling nakikinig lang at nanood si JR. Nang makita nito na nakita na siya ni Dei, tumayo ito.
JR: Gusto mong umalis tapos panay ang iyak mo.
Tumakbo si Dei papunta sa kanya. Yumakap sa kanya si Dei.
Dei: Richie, salamat ha. Kung hindi dahil sa yo hindi ko marerealize ang tama at dapat kong gawin.
JR: So, kasalanan ko pala kung bakit aalis ka. Sana hindi na lang kita sinabihan na kausapin ang Mama mo. Kung alam ko lang na iiwan mo ako hindi ko gagawin yon.
Dei: Richie, gagawin ko to hindi lang para sa akin kung hindi para sa yo rin. Gusto kong ibigay sa yo, yung ako, ng buong buo - ang pagkatao ko at ang buong puso ko pero hindi ko magawa because my heart is broken. I wanted to completely heal myself para kung sakaling pagbalik ko kaya mo na akong mahalin kaya ko ding ibalik ang pagmamahal mo without hesitations, conditions and limitations. I want to give you the whole of me. Ayokong nabubuo lang ako dahil nandyan ka, dahil dapat buo ako para sa yo because that is what you deserve.
JR: Alam kong kakayanin ko ang wala ka pero ayoko.
Dei: Richie, oras lang, panahon lang ang hihingin ko sa yo. But during this time, ayokong ikulong ka sa isang relasyon, I am giving you this time to heal as well. Huwag mo akong isipin, you are free to do whatever you want- even liking and falling for someone else. Kung sa pagbabalik ko, ako pa rin ang gusto mo at kaya mo na akong mahalin ng buong buo then that would be a dream come true.
JR: Ayoko Dei, masakit eh.
Dei: Pero hindi kasing sakit nung mawala si Chelsea. I know I can never replace her at ayoko din namang palitan siya. Instead I want my own space in your heart Richie, yung sa akin lang. Yung hindi lang dahil nandito ako at wala na siya. Selfish ako siguro, because you can have all her memories in your mind but I want to own that heart of yours and not even share it with a memory of her. Thank you for everything and I'm sorry.
JR: I'm sorry... I will heal... hihintayin kita. Magiingat ka don ha.
Sa huling pagkakataon hinagkan ni JR ang labi niya at niyakap siya ng mahigpit at sa kauna-unahang pagkakataon simula ng mawala si Chelsea, nakitang muli ng pamilya ni JR na tumulo ang luha nito.
Sir Simon: Umakyat na tayo at nandon na at naghihintay ang chopper.
Hinatid na nila si Dei at Gina sa tuktok ng Destiny kung saan nandon ang heliport.
Sir Simon: Gina ikaw na ang bahala sa dalaga natin ha. Tumawag ka kung ano man kahit kailan darating kami.
Nakipagkamay ito sa kanilang lahat at sumakay na sa helicopter. Niyakap pang muli ni Dei si Sam, Vinz, Liza, Krizza, Ram at Sir Simon.
Dei: Dad, wag mong pababayaan ang sarili mo, tatawagan kita palagi at aalamin ko kay Liza kung iniinom mo ang mga gamot mo.
Sir Simon: Huwag mo akong alalahanin. Basta magpagaling ka.
Humarap siya kay JR. Iniabot ni Dei ang kamay niya kay JR para sa isang hand shake, hinawakan naman ni JR ang kamay niya.
JR: I hope this is not goodbye.
Hinaplos ni Dei ang pisngi niya.
Dei: I hope its just see you later...
Inilapit ni Dei ang mukha niya kay JR at bumulong ito...
Dei: If there's one regret I have in this life, that is not telling you that I had a crush on you in College. Ikaw ang lalaking tumatak sa isip at puso ko na hindi ko makalimutan, your attempt to congratulate me noon was something I cannot forget. If I stopped that time to talk to you, siguro it could have been different.
Hinalikan siya ni Dei sa labi at nagmamadali na itong sumakay sa helicopter bago pa tumulo ang luha niya. Malayo na ang helicopter, tanaw-tanaw pa rin ito ni JR habang nasa isip nito ang huling sinabi ni Dei at tumutulo ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Inakbayan siya ng ama.
Sir Simon: Huwag kang magalala anak, babalik siya.
Inakbayan din siya ni Ram.
Ram: Am sure she will heal at babalikan ka niya Bro.
JR: Sinabi niya na nung College pa crush na niya ako Bro. Sinabi niya na noon pa man hindi niya ako makalimutan Dad.
Bigla siyang sumigaw.
JR: GIA, HIHINTAYIN KITA!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro