Chapter 41
Samantala, alas kwatro ng hapon nagsimulang tumawag si JR kay Dei, nakaoff ang phone nito. Naisip niya baka nalobat. Dumeretso siya sa Destiny para kumustahin ang Ama. Nakaupo sila sa isang lamesa sa beach front resto kasama si Vinz.
Sir Simon: Kamusta naman si Dei Hijo?
JR: Maayos-ayos naman po, medyo nalilibang sa pagaalaga ng flower garden at pakikipagkwentuhan kay Dave at sa kaibigan nitong si Diane. May pagkakataong nalulungkot pero basta may kasama at kausap nawawala naman agad ang lungkot nya. Tumawag daw ho kayo sa kanya kanina?
Sir Simon: Sinabi kong aalis na bukas si Gina at sana umuwi na siya.
Vinz: Mabuti naman pala kahit papano nalilibang siya. Gusto talaga sana siyang makausap ni Ms. Paredes kasi may iiwan yatang papeles. Gusto nyang ibigay kay Dei para ito na ang bahalang magdesisyon. Kaya gusto talaga niyang kausapin si Dei tungkol don.
JR: Anong sinabi mo?
Vinz: Sabi ko pasensya na siya pero hindi ko pwedeng ibigay ang number ni Dei sa kanya dahil alam kong magwawala na naman yon. Ang sabi ko nga contakin ka na lang. Ibinigay ko ang number mo at number sa Summit kung hindi niya macontact ang number mo.
JR: Ah okay, hindi pa naman kumocontact sa akin eh.
Vinz: Eh kamusta naman kayong dalawa?
Namula ang mukha ni JR. Napangiti.
Vinz: Teka teka ano yan? Bakit parang namumula ka, ganda ng ngiti at kinikilig ka ba?
Napatingin si Sir Simon.
JR: If there's something good this situation has got us into, Dei and I are together now. Sinagot na niya ako 5 days ago.
Vinz: OMG! Sa wakas!
Sir Simon: I am happy for you Hijo! Congrats Hijo! Maniwala ka sa akin, she will love you more than you can ever imagine she could.
JR: I Know Dad. Hindi pa niya sinasabing mahal niya ako pero ramdam ko, ramdam na ramdam ko.
Sir Simon: Give her time, how can she? kung puno ng galit ang puso niya. Am sure in time she will. Kaya just be patient with her. Tama yang ginagawa mo just always be there for her. Show her how much you care and love her. With that you can help her mend her broken heart.
Ngumiti si JR, yun din ang iniisip niya, when they are both really ready, masasabi din nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Nakita nilang palapit sa kanila si Gina Paredes.
Gina: Good Afternoon po Mr. Perez
Sir Simon: Good afternoon! Anong maipaglilingkod ko sa yo Gina?
Gina: May mga papeles ho akong gustong iwan para kay Dei, Iwan ko na lang sa inyo.
JR: Upo ho kayo.
Gina: Salamat Hijo. May time deposit si Gia, na binuksan ng Papa niya noon. 3 years ang duration nito and in 3 months magla-lapse ito kaya kailangan nyang makipagusap sa banko. Principal amount was 200k pero ng mamatay si David, yung restaurant na naiwan niya ibinenta ko at ang lahat ng pera ay ipinasok ko diyan. Now that has 4.8 Million. Nabanggit ninyo na pangarap nyang magbukas ng sariling restaurant am sure makakatulong yan sa kanya. Pera naman ng Papa niya lahat yan. Tsaka eto ang titolo ng bahay at lupa namin sa Manila. Ilang buwan pa lang na namayapa si David nilisan ko na ang tahanan namin. Hindi ko kayang tumira don. Ipinalipat ko na yan sa pangalan ni Dei two years ago kahit na hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Gusto ko lang gumaan ang dibdib ko dahil alam kong wala akong karapatan sa kahit anong naipundar ni David simula ng tinalikuran ko siya.
Napaiyak ito. Hinawakan ni JR ang magkabilang balikat nito.
JR: Pasensya na din ho kayo kay Dei. Nasasaktan lang ho kasi talaga siya at hindi niya makalimutan ang nangyari sa Papa niya. wala hong oras na hindi niya naiisip ang Papa niya at alam ho naming mahal na mahal niya ito.
Gina: Naiintindihan ko ang anak ko, dahil kahit ako hindi ko mapatawad ang sarili ko.
Pinilit ni Gina na kalmahin ang sarili.
Gina: Salamat sa pagkupkop at pagaalaga sa kanya Señor. Alam kong masaya si Gia sa piling ninyo kaya makakaasa kayong hindi ko na siya guguluhin pa. JR, salamat sa paaaasikaso at pagmamahal mo sa anak ko, ikaw na ang bahala sa kanya ha. Sana pagdating ng araw, makatanggap man lang ako ng imbitasyon sa kasal ninyo matatahimik na ako. Sinubukan ko ng kausapin siya pero talagang nasasaktan ko lang ang anak ko kaya tama na, para sa ikatatahimik ng puso niya. Titigilan ko na ang pagpipilit kong makausap siya. Nasabi ko naman na ang dapat kong sabihin sa kanya eh. sana lang matahimik na talaga siya at maging masaya.
JR: Nakausap niyo ho si Gia? Kailan ho?
Gina: Tinawagan ko siya kanina, sinagot niya ng marinig ang boses ko hindi na nagsalita, pero mukhang pinakinggan naman ako hanggang matapos akong magsalita tsaka lang sinabi na tigilan ko na siya at umalis na ako. Kaya susundin ko na si Gia para sa ikatatahimik niya.
JR: Excuse me lang ho.
Tinawagan ni JR si Dei, nakaoff pa rin ang cellphone nito. Tinawagan niya si Dave, nasa school pa ito. Naalala niyang may pasok nga pala ito hanggang alas otso.
JR: Dad, uuwi na ako, naalala ko wala palang kasama si Dei may pasok si Dave hanggang 8pm.
Sir Simon: Dalhin mo na itong mga papeles at ibigay mo sa kanya. Kausapin mong mabuti.
JR: Sige po. Ms. Gina. Mauuna na ho ako.
Tumayo si Gina, niyakap si JR, nagulat man si JR niyakap niya din ito. Naawa siya sa kalagayan nito.
Gina: Bahala ka na sa kanya, pwede bang Tita na lang ang itawag mo sa akin.
JR: Huwag ho kayong magalala, hindi ko ho pababayaan si Gia Tita. Magiingat ho kayo.
Kinuha nito ang envelope at nagmamadaling umalis. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.
Pagtapat pa lang nya sa bahay, naririnig na niya ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob nito. Lalo siyang kinabahan. Pinagbuksan siya ng gate ng Tatay ni Dave. Ipinasok niya ang kotse at ipinarada at kinausap ang Tatay ni Dave. Sabi nito hindi pa niya nakitang lumabas ng bahay si Dei simula ng dumating siya para magbukas ng ilaw. Nagtataka nga daw siya na malakas ang tugtog pero walang nagbubukas ng ilaw man lang eh madilim na sa loob ng bahay. Nagpasalamat si JR at sinabi sa matanda na ilock na lang ang gate paglabas nito.
Pumasok sa bahay si JR, binuksan ang ilaw sa sala at kusina. Nakita niya ang walang laman na bote ng Vodka at ang kalahating bote ng sprite sa ibabaw ng dining table. Nagmamadali itong pumasok ng entertainment room at napailing na lang na makita itong tulog na tulog na nakasandal sa couch. Pinatay ni JR ang CD player. Binuhat si Dei at inihiga sa couch. Kinuha ang baso, pitchel at ice bucket at inilagay sa dining table. Napaupo ito, nagiisip, nagaalala. Nakita niya ang pitchel na may laman, inilagay sa baso at ininom. Napangiwi ang mukha nito, ang tapang. "Papano niya naubos yung halos isang boteng vodka sprite na ganon katapang?"
Inilagay niya sa lababo ang mga kalat sa lamesa. Umakyat sa kwarto at nagbihis. Kumuha ng dalawang unan at isang kumot. Bumalik sa entertainment room. Nilagay niya ang isang unan sa ilalim ng ulo ni Dei. Ilalagay na lang niya ang kumot ng bigla itong tumayo at tumakbo papunta sa kusina. Eksakto naman itong nasuka ng nasa lababo na. Lumapit si JR at hinimas ang likod nito.
JR: Sabi mo sa akin kanina, ok ka lang tapos uminom ka na naman. Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh.
Nakailang suka ito, binuksan ang gripo at pinilit linisin ang lababo.
Dei: Doon ka na muna, ok lang ako ikukwento ko sa yo lilinisin ko lang ito. Please...
Naisip ni JR, mukha namang nasa wisyo pa ito dahil nahihiya pa sa kanya. Kumuha ng coke in can si JR at sumandal sa lababo. Nakita niyang naghilamos si Dei at nagtoothbrush pa. Kumuha ng paper towel at nagpunas ng mukha tsaka lumapit kay JR. Nakita nito na seryoso ang mukha ni JR. Hinalikan niya ito sa pisngi hindi nagbago ang mukha nito. Umupo si Dei sa counter top.
Dei: Totoo namang ok lang ako kanina, hindi ko naman sasabihin sayo yon kung hindi totoo. Pagalis mo nagbasketball pa kami ni Dave tapos nandito pa si Diane tsaka yung mga kapatid niya. Ok naman talaga ako eh.
Tumayo si JR sa harap ni Dei isiniksik katawan sa pagitan ng dalawang hita nito. Tinignan siya sa mata.
JR: Totoo ba yon? Eh bakit ka naman uminom kung ok ka lang. Tapos grabe ang tapang nung timpla mo muntik nong maubos yung isang boteng vodka isang baso lang yung natira, nagpapakamatay ka ba? Sabihin mo lang isasama kita magbungee jumping at sisiguraduhin kong mapuputol ang tali para sabay na lang tayo ano?!
Umaangat ang boses ni JR.
Dei: Tumawag na naman kasi yung babae na yon eh. Ayaw akong tigilan. Nananahimik na nga ako binubwisit pa ako! Kung ano ano pang sinasabi, hindi na niya maibabalik ang Papa ko!
JR: Maibabalik ba ng pagiyak, pagwawala at pagpapakalasing mo ang Papa mo? Hindi di ba? pero ginagawa mo ng paulit-ulit dahil sa paraang yan mo lang nakakalimutan ang sakit. So, pareho lang kayo ng Mama mo, paulit-ulit ka niyang sinusubukang kausapin kasi yun ang paraan niya para gumaan ang pakiramdam niya.
Dei: Wow ang swerte naman niya kausapin lang ako magaan na ang pakiramdam niya. Sana ganon lang din kadaling dalhin ang sakit na binigay niya sa akin diba? Palagay mo ba gusto ko tong ginagawa ko? Tingin mo ba gusto ko yung para akong baliw na kinakausap ang Papa ko? Palagay mo natutuwa ako sa sarili ko kapag hindi ako makabangon sa kalasingan? O maghapon lang akong natutulog, tumutunganga ha. Gusto ko ba ang miserableng buhay na to? Ginusto ko ba to?
Tuluyan na itong umiyak. Sumisigaw na si Dei
Dei: Hindi ko ginusto to. Siya ang may gawa nito sa akin. Dahil sa kagagawan niya kaya ako naging ganito! Alam mo bang ipinapanalangin ko na sana sa bawat pagsigaw ko, sa bawat pagiyak ko, sa bawat baso ng alak na iniinom ko sana kahit papano nababawasan yung sakit para paulit ulit ko lang gagawin ang lahat ng yon hanggang maubos na lang. Pero hindi kapag nahimasmasan na ako, kapag magisa na ako I am back to the same pain. Kaya I'll do anything para makalimutan ko lang ito.
Tuluyan na itong humagulgol. Niyakap ni JR si Dei. Ilang sandali nitong pinalaya ang damdamin. Mayamaya inalis ni Dei ang pagkakayakap ng braso ni JR sa katawan niya. Bumaba sa lababo, pumunta sa entertainment room. Kinuha ang nagkahiwa-hiwalay na cellphone pinilit binuo at sinubukan kung gagana pa. Gumagana pa naman. Tumingin si Dei kay JR tinawag niya ito.
Dei: JR, kung pati ikaw hindi mo ako naiintindihan, iwanan mo na lang ako.
Hindi nakaimik si JR, alam niyang mali na parang ipinagtanggol niya si Gina kay Dei. Alam niyang sumama ang loob nito. Lalapitan niya sana, pero bigla nitong itinapat ang cellphone sa tenga.
Dei: Hello, nasan na kayo? Akala ko dito kayo kakain ni Diane. O sige bilisan ninyo.
Ibinulsa nito ang celphone dumeretso sa kusina inilabas ang nakamarinate na manok at nagsimulang magprito, naupo sa dining set si JR, tinitignan niya lang si Dei habang nagluluto. Nakikita niyang tumutulo ang luha nito deretcho pa rin ito sa ginagawa. Nagsalang ito ng tubig, naglabas ng fettucini. Naghiwa ng ham, red bell pepper, onion at garlic, nagbukas ng mushroom. Tulo pa rin ng tulo ang luha nito. Nagpunta ito sa lababo, naghilamos at pinunasan ng paper towel ang mukha. Huminga ng malalim habang nakasandal sa lababo halatang pinipilit pakalmahin ang sarili. Kumuha ito ng tubig at uminom. Nagsalang ng kawali at sinimulang lutuin ang sauce ng pasta. Ilang minuto lang nakita ni JR na humihikbi na naman ito. Tinapos nitong lutuin ang sauce, tinakpan at pinatay ang kalan. Tumayo ito sa gilid ng Ref kung saan hindi siya nakikita ni JR. Pilit niya pinakakalma ang sarili dahil ayaw na niyang nagaalala si JR pero talagang hindi niya kaya, tinakpan niya ng paper towel ang bibig at doon pinilit na tahimik na umiyak.
Dahan dahang lumapit si JR, tumayo sa harap niya inalis ang kamay na may paper towel na nagtatakip sa bibig niya. Hinawakan ni JR ang baba ni Dei para mapatingin ito sa kanya.
JR: Gusto mo ng calming medicine?
Bago pa nakasagot si Dei, inilapat ni JR ang labi niya sa labi nito, hinalikan ito ng madiin, punong puno ng pagsuyo. Kusang bumuka ang labi ni Dei at tinugon ang halik ni JR. Ang dahan dahang paghalik ay sinamahan pa ni JR ng paglalaro ng dila nito sa bibig ni Dei. Hinalikan ni JR si Dei sa pisngi tinuyo ng mga labi nito ang mga luha ng dalaga. Hinalikan niya muli sa labi at kusa ng tumugon ang labi ni Dei, naramdaman ni JR ng bahagyang kagatin ni Dei ang labi niya, bumilis ang tibok ng puso niya. Hinapit niya ang katawan ni Dei palapit sa kanya at idiniin ang labi sa labi ni Dei, isang mahaba, matagal at punong puno ng damdamin ang halik na pinagsaluhan nila hanggang narinig nila bumukas ang gate at tinawag sila ni Dave. Humihingal na naghiwalay ang labi nila.
JR: Feeling better now Hon?
Tumango lang si Dei at namula ang mukha. napangiti na lang si JR at niyakap ito. Napaisip ito, "Be strong JR, kung ganong halik ang makakapagpakalma sa kanya. Marami-raming sakit ng puson ang aabutin mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro