Chapter 4
Maagang nagising si JR para iset-up ang motocross awarding event nya. Bitbit ang posters at tarpoline tumatakbo ito papunta sa room kung saan gagawin ang event nya. Pagpasok niya sa Vanity room, nagulat siya na nakaayos na ito. May limang table for 10 with table clothe and chairs with covers, nakaset up ang table with knives, spoons, forks and water goblet. May maliit na stage kung saan nakapatong sa gitna ang table na kinalalagyan ng mga trophies at sa tabi nito ay mga items ng Destiny tulad ng mug, cap at t-shirt. Nakita nya si Liza ang secretarya ni Dei na nagpapaset-up ng table sa labas ng pinto.
JR: Liza, good morning.
Liza: Good morning Sir, ay akin na po yang dala ninyo at ipapakabit na natin.
JR: Kaylan nagbigay ng instructions si Ms. Dei para sa event ko?
Liza: 3 days ago po. Bakit Sir may problema po ba?
JR: Wala, this is actually more than what I expected, so tell your boss, Thanks.
Liza: Sir, pahingi po ng list ng awards at winners. Tapos ang program po is Opening remarks, raffle, awarding, closing remarks? O baka may idadagdag pa kayo?
JR: Wala na, Liza, pwedeng pakicontact si Vinz paki sabi gusto ko siyang makausap.
Tinawagan naman ni Liza si Vinz. Mayamaya pa dumating naman si Vinz.
Vinz: O bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang itsura dito?
JR: No, actually nagulat nga ako eh.
Vinz: Well, you paid so we are giving the same as what we usually do for the clients medyo parang may favoritism nga lang kasi may 20 raffle prizes ka pa directly from her office. Never pang nangyari yan.
JR: Well, since binigyan niya ako niyan pwedeng pahiram ng CD ng resort. Ipapakita ko na ang Iet the resort be the sponsor of the event. Para makabawi naman ako sa kagandahang loob niya.
Tumatakbong papalapit sa kanila si Sam.
Vinz: O bakit tumatakbo ka?
Sam: May problema sa kitchen, at hindi ko macontact si Ms. Dei
Nagmamadaling nagtungo ang tatlo sa kusina.
Vinz: Anong nangyari?
Julie: Sir, napanis ho yung kare-kare para sa lunch ng tournament awaring.
Vinz: Ano? Papaanong nangyari yan? Sinunod niyo ba ang ibinilin ni Dei?
Julie: Opo Sir. Kaso ho pagdating ko kanina sabi ni Manong niluto na daw niya at nilagyan ng gulay. Tapos ayan po may bula na.
Vinz: Manong, bakit ninyo pinakialaman yan? So, pano niyo reremedyuhan yan ngayon? Kaya mo bang akuin ang kapalpakan na yan? Baka kulang pa ang sweldo mo pambayad sa rekadong ginamit dyan. Naku, paiinutin ninyo ang ulo ni Dei niyan eh.
Julie: Call all the kitchen staff at walang aalis hanggang hindi dumadating si Dei at magisip na kayo ng paraan kung papano niyo lulutasin yan. Isa pa, magdasal na kayo na sana maganda ang mood ng boss ninyo!
Tinawagan ni Vinz si Dei.
Vinz: Hey girl, alam kong ayaw mong magpaistorbo pero may malaking problema tayo eh. Nasa malapit ka lang ba?
Dei: Vinz, anong nangyari? Oo, nasa malapit pa lang.
Vinz: Napanis yung kare-kare eh!
Dei: ANO? I gave specific instructions to Julie and Manong. Papaanong...
Vinz: Punta ka na lang please, baka maremedyuhan mo pa. Hindi namin alam ang gagawin eh.
Dei: Vicente, alam mong ayokong nakikita ako ng iba in this outfit.
Vinz: Sige na please derecho ka na dito.
Dei: Sige, I 'll be there in 10 minutes. Tell the kitchen staff ihanda na nila ang paliwanag nila kapag hindi ko nakaisip ng solusyon dyan ipapakain ko sa kanila yan!
Humarap si Dei sa kitchen staff.
Vinz: Humanda kayo sa signal number four at kapag hindi naayos yan ipapakain niya sa inyo yan!
Nagtungo si Vinz, JR at Sam sa isang table na malapit sa kitchen.
JR: Seryoso ka ipapakain niya sa kanila yan?
Vinz: Kung hindi makakaisip ng solusyon, malamang! But knowing Dei mailulusot niya yan. Just watch and learn.
Mayamaya pa, narinig nila ang pagharurot at pagpreno ng isang motor papasok ng gate ng Resort. Biglang lumiko ito at huminto sa mismong pinto ng hotel. Napalingon ang tatlo kung saan huminto ang motor. Bumaba ang sakay nito na nakablack fitted jeans, leather jacket at boots. Hinubad ang helmet at lumadlad ang mahabang buhok nito. Natunganga ang mga staff sa hotel.
Dei: Snap out of it everybody ngayon lang ba kayo nakakita ng babaing nakamotorsiklo? GO BACK TO WORK!
Isa-isang kumilos ang mga nadaanan nito at bumati sa kanya. Nagulat si JR ng makita ito, napalunok at nasabi sa sarili, "She looked damn hot in her riding outfit". Umangat ang kilay nito ng makita si Vinz.
Dei: Vicente! This should really be an emergency para papuntahin mo ako dito ng ganito ang itsura ko!
VInz: Sorry talaga Dei, hindi naman kita iistorbohin kung alam ko ang gagawin ko eh. Kaso hindi eh.
Dere-derecho ito sa kusina. Sumunod pa rin silang tatlo. Nang makapasok ito ng kusina, isa-isang tinignan ng deretso ang nakahilera staff sa gitna ng kitchen. Nagsalita ng malakas at nagulat ang lahat ng ihinampas nito ang kamay sa ibabaw ng stainless steel na working table sa harap niya.
Dei: ANO NA NAMANG KAPALPAKAN ITO?
Lumapit si Julie para iabot ang hair clamp, hair net cap at apron nito. Hinubad ni Dei ang Jacket, kinuha ito ni Sam. Tumambad sa lahat ang suot nitong black na sports bra. Napatingin si RJ sa nakaexpose na balat ng dalaga at napalunok. Inayos nito ang buhok sa isang ponytails, nilagyan ng clamp, nagsuot ng hairnet at isinuot ang cap at ang apron. Lumakad ito palapit sa malaking kaldero ng kare-kare.
Dei: Sinong gustong magsabi sa akin kung bakit ko kailangang pumunta dito during my riding time?
Nanginginig na nagsalita si Julie.
Julie: Pasensya na po Mam, ako po ang naglapit kay Sam ng problema dito. Napanis po kasi yung kare-kare. Naisip ko pong magprepare sana ng iba pero magtatanong ang customer kung bakit naiba and menu nila kaya naisip ko na pong humingi ng tulong sa inyo.
Dei: Hindi ba nagiwan ako ng tagalog, malinaw at specifi na instructions kung ano ang gagawin sa kare-kare na ito?
Julie: Opo Mam, sabi po ninyo iluto lang ang meat sa sauce nito at pagkaluto, huwag tatakpan, hintayin lumamig ng mabuti bago ito takpan at siguraduhing tuyong tuyo ang takip nito para masigurong walang kahit isang patak ng tubig na tumulo dito. at siguraduhing ako ang magsasara ng pinto ng kitchen para sigurado akong walang gumalaw nito. Ginawa ko po lahant ng sinabi ninyo.
Dei: Kung sinunod mo lahat, bakit napanis ito? At hindi ba ang sabi ko 10 am, iluluto ang gulay? eh bakit may gulay na ito? Sam anong oras na?
Sam: 9 am po Mam.
Dei: Advance ba ang relo ninyo dito sa kitchen???
Manong: Mam, ako po ang nagluto ng gulay niyan at naglagay ng gulay. Naisip ko lang hong lutuin na habang maaga para tapos na?
Dei: Bakit Manong nagmamadali ka, may date ka ba?
Kinuha ni Dei ang isang sandok at inalis lahat ng bula na nakita niya sa ibabaw habang patuloy sa pagsasalita.
Dei: Pero nabasa ninyo ang iniwan kong instructions Manong hindi ba?
Manong: Opo Mam
Dei: Malinaw ba naman po ang instructions ko?
Manong: Opo Mam
Dei: Eh yun naman pala eh, bakit hirap na hirap kayong sundin ang bilin ko? Since, kayo ang gumawa nyan kayo na ho ang tatanungin ko, ano hong gagawin natin ngayon?
Manong: Wala naman na hong magagawa at panis na yan eh.
Dei: Ah ganon ho ba? So ano hong ipapakain natin sa tournament awarding na kasali si Sir Simon mamayang tanghali?
Manong: Pwede naman pong magluto ulit.
Dei: Oo nga naman, maraming stock, marami tayong rekado eh anong oras nyo ho pakakainin ang mga tao ala una ng hapon?
Manong: Hindi po, pwede namang magluto ng ibang mas mabilis lutuin na recipe.
Dei: Ok, kapag ginawa natin yan, magtatanong ang kliyente kung bakit hindi kare-kare ang hinain sa kanila. At magtatanong si Sir Simon.
Manong: So, kaya ninyong ipaliwanag sa kanila yan? Kaya nyo bang akuin ang kapalpakan na ito Manong?
Hindi umimik si Manong.
Nang maalis ang lahat ng bula, sumandok ng laman si Dei galing sa pinaka ilalim , inamoy ito.
Dei: Julie, idrain ninyo ito from its sauce , huwag ninyong hahaluin. Tapos hugasang mabuti ang meat.
Dei: Isa pa, papano yang napanis na kare-kareng yan, yung perang ipinamili dyan saan ko ilalagay? May expense ako pero walang nakuha pabalik na sales at dahil magluluto ng panibago, dagdag na naman sa expense yan. Eh di nalugi na tayo!
Julie: Mam, eto na po yung meat.
Inamoy at tinikman ni Dei ang meat.
Dei: Pakuluan ninyo ulit yan tapos dalhan mo ako ng isang piraso na may sabaw. Kayong lahat, wala ba kahit isa sa inyo na nandito pa ng dumating si Manong at bakit walang pumigil sa kanya na gawin ang gusto niyang gawin? Bakit naniniwala kayong lahat na tama ang gagawin nya? O sige dahil nagkaisa kayo dyan, ibabawas ko sa sweldo ninyong lahat ang ginastos sa kare-kare!
Hinubad na ni Dei, ang apron, cap, at hairnet nito.
Dei: Ayokong makikitang nakakalat kayo sa labas, linisin ninyo ang kusinang ito ng makailang ulit, bawat sulok at bawat gamit. Manalangin kayo na magamit natin ang laman ng kare-kare kung hindi suspendido kayong lahat. Naiintindihan ninyo?!
Lahat: Yes Mam!
Sam: Igawa mo nga kami ng lemonade, matutuyuan ako sa mga taong ito!
Lumabas na si Dei, Vinz, JR at Sam. Naupo sa isang lamesa para hintayin ang drinks nila.
Dei: Vinz, kung hindi ako kayang sundin ni Manong, ilipat mo yan sa summit. Ilang beses na yan eh, ayoko ng majeopardize ang events dahil lang hindi siya naniniwala sa kakayahan ko. Don siya kay Greg para dalawa silang magbangayan don.
Vinz: Hayaan mo at kakausapin ko.
Dei: Ayusin mo yan, matanda na ayoko ng patulan pero dyosko naman, ang mahal nung kare-kare!
Sam: Storm chill ka na, eto na frozen lemoade mo.
Tahimik lang na nakikinig si JR at umiinom ng lemonade. Napalingon sila ng may mga pumasok na mga lalaki na nakamotorcross outfit sa resort, nagtatanong sa receptionist. Tinawag ni Dei ang dalawang staff na padaan lang sana sa tapat nila.
Dei: Vinz, nailagay ba sa Event Stand yung event ni Sir JR?
Vinz: Oo, tinignan ko kanina meron naman.
Dei: Ella, Janice, saan kayo papunta?
Ella: Naghatid lang po kami ng laundry pabalik na po sa hotel.
Dei: Doon muna kayo sa entrance paki assist ang mga guest ni Sir JR. Sila yung mga aattend ng motorcross awarding event nasa Vanity Room.
Janice: Ok po Mam.
Mayamaya lumapit na si Julie dala ang pinakuluang laman para sa kare-kare. Inamoy ni Dei, tinikman ang sabaw at humiwa ng kapirasong laman. Napangiti ito.
Dei: Amuyin at tikman ninyo.
Sumunod naman si Vinz at JR.
Vinz: Walang amoy at walang lasang panis.
JR: Hey this is just like it has just been cooked. Good Job!
Dei: Julie, ikaw na ang magluto nyan sa sauce. Ipaluto na ng half cook ang mga gulay. Tapos maglagay ng gulay sa single cups. Kapag nagbigay ng go signal to serve that's the only time na lalagyan ninyo ng kare-kare yung mga cups. Kapag naluto mo yung kare-kare pwedeng pabantayan mo? Parang awa mo na isang patak lang ng tubig mapapanis yan in an hour. Thank you!
Julie: Ok po Mam, thank you din po.
Pagalis ni Julie, may dalawang lalaki na tumawag kay JR, kinawayan niya ito at lumapit naman.
JR: Hey bro Uno, Patrick!
Uno: Hi Bro!
JR: Guys, meet Vinz, Destiny's Operations Manager and Ms. Dei Capili, the F&B Manager. This is Uno Tan and Patrick Mendiola, motocross champions sila.
Dei: It's an honor to meet you Mr. Tan, Mr. Mendiola.
Uno: The pleasure is ours Ms. Capili.
JR: Ano, akyat na tayo para makapagumpisa na tutal nandito na kayo eh.
Uno: Sige let's go.
JR: Vinz, Dei Uno na kami. Great job on the Kare-kare and thanks for the raffle prizes.
Ngumiti ito at kumaway pa.
Nagkatinginan si Vinz at Dei.
Dei: Anyare?! Nagmilagro ba ang Dyos at ang bait niya or anong nakain niya?
Natawa si Vinz.
Vinz: Hindi, baka namesmerized sa kasexyhan mo.
Napatingin si Dei sa katawan niya.
Dei: Bruho ka, nawala sa isip ko. Hala! Puro lalaki pa naman yung kaharap natin. Ano ka ba?!
Vinz: Okay lang isipin mo na lang na nasa gym kayo nong makilala mo sila.
Dei: Bwisit ka talaga! Kasalanan mo ito!
Vinz: Oy hindi ako ang gumalaw ng kare-kare mo!
Dei: Hay naku! Pauwiin mo na muna kaya si Manong umiinit ang dugo ko eh!
Tawa ng tawa si Vinz.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro