Chapter 39
Nang mga sumunod na araw, pinakita ni JR kay Dei kung papaano siya maging boyfriend. Kung dati itong maalaga, mas maalaga pa ito ngayon sa kanya at mas sweet. Parang prinsesa kung siya ay ituring nito. Kapag nagigising ng maaga, ipinagluluto siya ng agahan; binubuhat para hindi napuputikan ang paa; at kapag kailangan nitong pumunta sa opisina, tumatawag para sabihing nandon na siya, nagtetext bago at pagkatapos ng meeting, tumatawag kapag kakain para tanungin lang kung kumain na siya o may gusto ba siya ipabiling pagkain.
Naging masaya si Dei ng ilang araw na yon. Minsang naglalakad si JR at Dei sa loob ng subdivision, nakita nila si Diane sa harap ng bahay nito, binati ito ni Dei.
Dei: Hi Diane! Ako si Dei, ako yung ate ni Dave.
Diane: Ay kayo po pala, nice meeting you po at kayo po si Kuya JR.
Ngumiti si JR.
Diane: Naikwento na po niya kayo sa akin.
JR: Oh bat nagiisa ka dito sa labas ng bahay ninyo? May hinihintay ka ba?
Diane: Yung isang kaklase ko po kasi ang sabi tutulungan niya ako sa assignment namin, kanina ko pa hinihintay hindi naman dumadating.
Dei: Tungkol saan ba yan? Baka may maitutulong ako.
Diane: Talaga po?
Dei: Susubukan ko, tungkol saan ba?
Diane: Making and writing a menu po. Ang totoo po, itatanong ko nga sana kay Dave kung marunong kayo kasi sabi niya F&B Manager daw kayo, kaso po may klase pa siya di ba kaya hindi ko na itinext.
Dei: Sige tuturuan kita, ok lang ba don na lang sa bahay?
Diane: Sandali po, magpapaalam lang ako.
Pumasok ito sa bahay, mayamaya kasama nitong lumabas ang Nanay niya.
Diane: Ma, si Ate Dei po at Kuya JR sila po yung mayari nung bahay na pinagtatrabahuhan ni Dave.
Dei at JR: Good afternoon po Mrs. Gomez.
Zeny: Good afternoon, Zeny na lang. Nabanggit nga ni Dave na nagtatrabaho siya sa inyo. Ikinagagalak ko kayong makilala.
Dei: Nice meeting you din po.
Diane: Ma, ok lang po ba? Magpapaturo lang po ako ng assignment kay Ate Dei?
JR: Diyan lang po kami nakatira sa pang apat na bahay mula dito yung black na gate ho.
Zeny: Oo sige, salamat Dei ha. Minsan nahihirapan din ako hindi ko matulungan itong si Diane, wala naman akong alam diyan sa HRM na yan eh.
Dei: wala po yon, basta kapag may assignment ka sabihin mo lang kay Dave kahit wala ako dito alam ni Dave kung papano ako tatawagan.
Zeny: Hay naku mabuti naman, mabait at mapagkakatiwalaan naman yung si Dave eh, mabuti nga magkaklase sila sa ilang subjects.
JR: Responsable, mapagkakatiwalaan ho si Dave. Apat na taon na ho siyang nagbabantay ng bahay ko wala akong naging problema sa kanya.
Dei: Ano, lika na para matapos tayo ng maaga. Kapag inabot ho ng dilim, ihahatid na lang ho namin siya.
Zeny: Sige salamat sa inyo.
Pagdating nila sa bahay ni JR, sa may veranda pumwesto si Dei at Diane. Gumawa naman ng miryenda si JR.
Diane: Ang ganda naman po dito. May view pala ng dagat dito.
Dei: Oo, dito ako madalas maupo kasi nakakarelax panoorin ang dagat. Gusto mo din ang dagat?
Diane: Opo, pero kahit malapit lang kami sa dagat bihira po kaming magpunta. Kasi si Papa po sa Maynila nagtatrabaho tapos si Mama naman po nagtatrabaho sa bahay BPO tsaka nagaalaga ng dalawang kapatid ko. Ay ang daldal ko, magstart na po tayo?
Dei: Ok lang madaldal din naman ako, sige ano ba ang mga question dyan?
Diane: Pinaparesearch po kasi sa amin about Food preparation and Service. Kasi daw po yung mga itsura ng nakikita natin sa kasal o birthday reception very common na. So pinagreresearch po kami ng kahit na anong pwede naming ishare na information about food service. Mas maraming info syempre mas mataas ang grade.
Dei: Naku, eh mahaba-haba pala eh. Pero don't worry kaya natin yan. Ganito gawin natin... gawa ka muna ng outline diyan kung ano ang gusto mong ilagay. So, siguro unahin natin yung Menu writing and making, tapos Food preparation and servings.
Nagtatype naman sa laptop niya si Diane habang nagsasalita si Dei.
Dei: Alam mo ba na ang isang basic meal dapat kumpleto, yun a proper and formal event menu. Hindi katulad kapag nasa bahay tayo na kanin at isang ulam lang pwede na. Sa mga events dapat kumpleto. Yung food basics dapat, merong rice or mashed potato, beef or meat, chicken, fish or seafood, vegatables and fruits.
Diane: Ay ganon po, pero common po talaga yung hanggang limang putahe.
Isinulat ni Diane sa English at ginawang paragraph ang sinasabi ni Dei.
Dei: Alam mo bang ang isang meal - from 1 course pwedeng maging 16 courses? Pero ang mga fine dining dito sa atin normally 4 to 6 courses meal lang. Those would be the appetizer, soup, salad, main course, dessert, so kapag 4 course, walang appetizer at soup.
Diane: Grabe naman yun Ate, 16 courses?
Dei: Oo nga pero may mga French at Italian restaurant na gumagawa non.
Dumating si JR na may bitbit na sandwiches at sofdrinks.
JR: Hon, oh meryenda tayo habang ginagawa ninyo yan.
Dei: Thanks Hon!
Napangiti si Diane sa narinig. Nakita ni JR na ngumiti ito.
JR: Oh bakit ka ngumingiti?
Diane: Ang sweet naman ng "Hon". Wala pa po kayong baby?
Biglang naubo si Dei, nabilaukan sa tanong ni Diane. Natawa si JR.
JR: Okay ka lang Hon? inom ka softdrinks. Wala pa kasi hindi pa naman kami magasawa.
Diane: Naku, pasensya na po. Kasi Ate at Kuya ang tawag sa inyo ni Dave eh akala ko tuloy magasawa na kayo.
Dei: Ok lang. Naglayas ako, tapos dito ako pumunta. Basta mahabang istorya.
JR: Ang totoo, mga 4 days ko pa lang syang girlfriend eh. Pero more than 2 years na kaming magkakilala, 3 months ko syang binubwisit, 6 months kaming naging friends, 9 months kaming nagdate so parang 1 year and 5 months ko na siyang sinusuyo tapos ngayon nya lang ako sinagot.
Dei: Actually, pareho kami ng school noong college ahead siya sa akin ng 2 years. Pagkagraduate niya hindi ko na siya nakita until 2 years ago nung magkita kami dito sa Boracay.
Diane: Pero magkakilala po kayo nung College?
Nagkatinginan si JR at Dei... napaisip.
JR: Hindi, pano ba yon? Kilala ko siya, kilala niya ako pero we were not introduced. Tama ba yon Hon?
Dei: Oo, ganon. Nakikita namin ang isa't isa sa school. Alam ko kung sino siya at alam niya kung sino ako based sa mga nasa school paper pero hindi kami magkakilala. Sa school competition lang kami nagkakasama.
Diane: Parang kami ni Dave.
JR: Talaga? Papano? Ngayon lang ba kayo nagkaron ng subjects na magkaklase kayo?
Dei: First year pa lang po kaklase ko na siya sa Math; 2nd year sa Math at PE; Pero 3rd year po kami naintroduced sa PE - Cultural Dances. Nagkakilala po kami kasi pinagpartner kami ng Prof. namin tapos yun po. Kilala ko na po siya since first year. Magaling po kasi siya sa Math. Hindi ko lang po alam kung kilala na niya ako noon pa.
Tinignan ni Dei ang paragraph na tinatype ni Diane, sa kokonting sinabi ni Dei nakabuo na ng isang buong page si Diane. Nang basahin niya marami sa mga nandon hindi niya sinabi pero puro tamang information naman.
Dei: Ang galing mo naman, nagkukwentuhan tayo habang nagtatype ka pero ang mga sinulat mo dyan puro tamang information na galing mismo sa utak mo. Inspired ka sa subject natin?
Namula ang mukha ni Diane.
Dei: I mean... sa topic ng research mo. Kasi ako inspired na turuan ka kahit araw-araw pa.
Tumingin si Diane kay Dei at kinindatan ito ni Dei. Napabungisngis si Diane.
Diane: Si ate talaga, palabiro ka pala.
JR: Hon, huwag mong tuksuhin si Dei, kunyari wala tayong alam.
Nagtawanan silang tatlo. Narinig nilang bumukas ang gate at sumisigaw si Dave. Nakita ni Dei na inayos ni Diane ang buhok at ang damit. Siniko niya si JR at isinenyas na tignan si Diane. Inayos ni Diane ang palda, ang pagkakaupo at hinawi ang buhok na nalaglag sa mukha papunta sa likod ng tenga. Nagkatinginan si JR at Dei at ngumiti.
JR: Dave, nandito kami sa terrace.
Ibinaba ni Dave ang knapsack sa couch habang nagsasalita kaya hindi niya napansin na may ibang tao pala.
Dave: Hi Kuya, Hi Ate! Grabe nakakapagod maglakad ah. Uy, meryenda sinong gumawa?
JR: Dave, may bisita si Ate mo, nagpapaturo ng research.
Isang dipa ang layo sa lamesa, napatigil si Dave ng makita kung sino ang bisita. Namula ang tenga nito.
Dave: Ahm, Hi Diane!
Diane: Hi!
Dei: Nakita namin siya hinihintay yung kaklase nya magpapaturo daw siya eh hindi naman dumadating kaya eto.
Diane: Oo, si Joseph di ba, yung Papa niya may restaurant sabi tuturuan niya ako eh hindi naman dumating. Nakita ko sila Ate Dei, tapos naalala ko sabi mo F&B Manager siya sa resort kaya sa kanya na ako nagpaturo.
Pagkasabi ni Diane ng pangalan na Joseph nakita ni JR na kumunot ang noon nito.
Dave: Ah ok. Sige bababa muna ako, magbibihis lang.
Dei: Oh akala ko kakain ka ng meryenda?
Dave: Opo, magbibihis muna ako, matutuyuan ng pawis ang likod ko eh.
JR: Sige magpapogi ka muna.
Dave: Kuya naman eh!
Tumawa si JR at Dei. Namula naman ang pisngi ni Dave.
Dave: Wait lang Dee, bihis lang ako babalik ako agad.
Tumakbo na ito pababa.
JR: Bilisan mo uubusan kita ng sandwich, magdala ka na din ng baso at softdrinks para kay Dee.
Natawa si Dei, siniko niya si JR. Pagbalik nito suot nito ang isa sa sports shirt na bigay ni JR at nakawalking shorts. Bagong hilamos at toothbrush pa. May bitbit itong malaking coke at yelo at baso.
Nagmeryenda sila habang nagdidiscuss si Dei ng iba pang information kay Diane habang nakikinig lang si JR at Dave.
Diane: Grabe Ate, ang dami na nito. Ang galing mo naman.
Dave: Ate, pwede kaya niya idagdag dito yung sa Food Serving yung different types?
Dei: Oo yun pwede, ireword nyo na lang, Dave pati yung basic tips ang techniques in making a menu bigay mo din kay Diane.
Dave: Sige Ate.
Dei: Diane, i-incorporate mo na muna lahat yan, turn them in to paragraph tapos balikan kita later.
JR: Dave, gawin mo na din yung mga assignment mo para may kasama dito si Diane. Magluluto muna kami ng dinner.
Dave: Sige po Kuya.
Bago bumaba nilingon pa ni Dei at JR ang dalawa. Nakita nilang inabutan ng sandwich ni Dave si Diane at iniharap sa kanya ang laptop at nagtype dito. Nakatingin lang si Diane sa mukha ni Dave habang nagtatype ito.
Pagdating sa kusina nagdefrost ng chicken si Dei at naglabas ng gulay pang chopsuey. Napapangiti ito habang naghihiwa ng gulay.
JR: Ms. Capili ano naman ang nginingiti mo dyan?
Dei: Natutuwa lang ako kay Dave at Diane. Ang cute kaya nilang tignan.
JR: parang ikaw ang cute mo tignan pag kinakabahan ka, you were fidgeting. Kahit nung college ganon ka eh. Everytime magsisimula ang competition kung ano man ang hawak mo tinutuktok mo sa mesa pag wala ka namang hawak yang daliri mo parang nagpapiano.
Dei: Naaalala mo yon?
JR: Oo, kung hindi pano ko malalaman na kinakabahan ka nung nagdate tayo sa Nami. Noon hindi ako sigurado, pero lagi kitang nakikitang ganon pag kinakabahan at lagi ko ding sinasabi sa sarili ko may kilala akong ganyang kabahan. Pero hindi ko mapinpoint kung sino, tapos one time nakaponytail ka at suot mo yung salamin mo, kinakabahan ka non for a big event. Nung makita kong ginagawa mo yon, ang tingin ko sa yo yung ikaw nung college nasa stage ka at kinakabahan.
Dei: Akala ko talaga hindi mo ako naaalala way back in college eh.
JR: Hon, meron ka pang isang ginagawa na naaalala ko,
Dei: Ano naman yon.
JR: yung kapag nagaantay ka na sabihin yung tamang sagot tapos para kang nagwi-wish na sana tama yung sagot mo, you bite your lower lip or you bite your finger. Yun lang yata pinanonood ng mga kaklase ko eh.
Dei: Huh?! Yung ganito?
Kinagat ni Dei and labi tapos kinagat ang daliri ng nakatingin kay JR. Nakita ni Dei na lumunok si JR.
JR: Uh-hmm
Dei: Ganon?! Eh bakit?
JR: you looked so damn hot every time you do that! Nakaka-ano.
Dei: Anong nakakaano?
JR: Basta nakakaano... yon na yon!
Tumalikod si JR kay Dei, sumisikip kasi ang shorts nya. Bigla namang pumunta sa harap niya si Dei.
Dei: Hon, ano nga? Hindi ko magets eh. Nakakaano yung...
kinagat ni Dei muli ang labi niya at ang daliri ng nakatitig kay JR.
Isinandal ni JR si Dei sa lababo, tinitigan si Dei at idinikit ang hita sa hita ni Dei. Naramdaman ni Dei ang nakaumbok sa pagitan ng mga hita ni JR. Namula ang mukha niya.
JR: Hon, ayan oh nakakaturn on.
Hinalikan ni JR ang labi ni Dei ng isang mainit, mapusok at may pagnanasang halik. Humihingal silang pareho ng ilayo ni Dei ang mukha niya.
Dei: Sinubukan ko lang kung effective eh.
JR: Huwag mo ng susubukan ulit baka sa susunod hindi ko mapigil ang sarili ko.
Tumawa si Dei, natawa din si JR isinubsob ang mukha sa balikat ni Dei na parang napapahiya. Sinabi ni JR sa sarili, "be strong JR, matagal mo pa siyang makakasama dito."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro