Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Pagdating nila sa Cottage ni Dei.  Bumitaw ito sa pagkakahawak kay JR.

Dei:  Salamat, sige na bumalik ka na. I'll be okay.

JR:  Wala naman akong gagawin eh, sasamahan na lang kita.

Pumasok si JR  sa loob ng Cottage, derederecho sa kwarto kung saan nandon si Dei.

Dei:  JR, please gusto ko lang mapagisa.

JR:  Eh di isipin mo na lang wala ako dito, hindi ako magsasalita, gusto lang kitang samahan.

Dei:  Bakit ba ang kulit mo, umalis ka na nga!

JR:  Bakit ba ang tigas ng ulo mo?  Alam mo namang kahit ipagtabuyan, itulak at sipain mo pa ako palabas babalik at babalik ako. Makulit nga di ba.

Dei: JR, please naman umalis ka, just leave me alone!

Tuluyan na itong umiyak at tinutulak siya.

JR: Sige, kapag naitulak mo ako palabas ng bintana aalis ako.

Pinilit ni Dei na itulak ito napasandad ito sa bintana. Sumisigaw na si Dei.

Dei:  Umalis ka! Umalis ka na! Ayoko sa yo! Pinatay mo ang Papa ko!

Humahagulgol na ito. Hinalikan ito ni JR sa labi, hinawakan ang dalawang kamay ni Dei at inilagay sa likod. Idiniin niya ang labi sa labi ng dalaga hanggang sa tugunin nito ang halik niya. Hindi niya tinigilan ang paghalik dito habang dahan dahan itong inihiga sa kama. Nang maramdaman niyang kalmado na ito. Inilayo niya ang mukha at tinignan ang mukha nito.  Pinunasan ng daliri ang mga luha sa pisngi. 

JR: Tama na please... tahan na. Nandito lang ako, hindi na siya makakalapit sa yo. Paalisin ko siya. Huwag ka ng umiyak, malulungkot ang Papa mo kapag nakikita nyang nagkakaganyan ka. Tama na ok, baka mamaya mahimatay ka na naman, matatakot na naman ako. Shhhhh, tahan na.

Niyakap niya ito, pinabayaang tahimik na umiyak sa dibdib niya hanggang sa mapagod ito at makatulog. Nang gabing yon, kahit anong isip ni JR wala siyang mahagilap na paraan para tulungan ang dalaga. Alam niyang nanumbalik na naman ang lahat ng sakit na matagal nitong pinilit na itago.  At hanggang nandito at nakikita nito ang dahilan ng pagkawala ng Ama hindi ito matatahimik.  Hindi naman niya pwedeng basta paalisin si Gina Paredes. Ang tanging alam lang ni JR, handa siyang samahan ito sa pagdadalamhati at gawin ang lahat para hindi ito muli pang masaktan.  Nakatulugan na din niya ang pagiisip.

Nagising si JR sa init. Tinignan niya ang relo sa bisig, 9am na at wala na sa tabi niya si Dei.  Dali-dali itong bumangon at pumunta sa Hotel.  Tinatanong ang bawat makasalubong kung nakita nito si Dei.  Pumunta siya sa Kitchen.

JR:  Julie nakita mo si Dei?

Julie:  Sir, maaga po siyang nandito, nagbilin po ng mga Menu. Tinapos po niya ang isang linggong Menu.   Nagulat nga po ako, ang sabi po pwede ko namang balikan ang ibang menu kapag natapos na ang para sa linggong ito.  Kinausap po kami ni Manong, ang sabi kami na daw po munang bahala dito sa kitchen. Huwag daw po namin siyang ipapahiya.

Manong:  Sir JR, para pong nagpapaalam eh.  Ang sabi sa akin,  Manong pasensya na ho kayo sa mga nangyari sa atin. Sa maniwala kayo o hindi hinahangaan ko kayo at nirerespeto kaya kung may pagkakataong hindi ninyo naramdaman iyon. Pasensya na kayo.  Huwag daw ho naming pababayaan ang diet ni Sir Simon, siguraduhing nasa tamang oras kumain ang pamilya ninyo.

Tumakbo siya sa opisina nito, binuksan ang drawer ni Dei.  Sa ibabaw ng mesa.  May mga papel ng instructions para kay Vinz at Sam. Pumunta siya sa Beach front resto kung san nandon ang pamilya niya.

JR:  Dad, nagkita kayo ni Dei? 

Sir Simon: Umakyat siya kaninang umaga, pinagaagahan ko ang sabi tapos na siya uminom lang ng kape. Nagso-sorry sa nangyari at nagpapasalamat na lagi ko siyang iniintindi. Tulad ng dati ibinilin ako sa Nurse. Tapos ang sabi may meeting daw siya sa Summit. Bakit ba hijo?

JR:  Kuya, tawagan mo si GM Gonzales alamin mo kung nakita nila si Dei.  Krizza, tumawag ba sa yo o nagtext? 

Krizza:  Kanina wala naman eh.  Eto may message... Sis, thanks sa lahat, papakabait ka alagaan mo sila Daddy, Ram at JR at pwede ba bigyan mo na ng apo si Daddy. I am really proud of what you have become Krizza, sana someday wedding gown ko naman ang tahiin mo. See you when I see you. Ano to?

JR: Vinz, Sam oh basahin ninyo.

Vinz:  Instructions and notes to ng isang buwang event.

Sam:  Oo nga

JR:  pati sa kitchen nagbigay siya ng one week menu at humingi ng pasensya kay Manong sa mga nangyari sa kanila.

Tumakbo si Vinz sa opisina ni Dei, pagbalik nito.

Vinz:  Sir, wala po yung susi ng motor pati yung sulat ng Uncle niya at passport na nasa drawer wala din.

Ram:  Wala daw silang meeting ni GM at hindi pa nila nakikita si Dei don.

Tumakbo si JR palabas ng resort.

Sir Simon:  Ramon sundan mo ang kapatid mo.

Inabutan ni Ram si JR sa entrance kausap ang gwardiya.

JR:  Manong anong oras umalis si Dei?  

Guard:  Mga mahigit isang oras na ho ang nakakalipas.

JR: Kuya, samahan mo ako hanapin natin si Dei please. 

Ram:  Sige halika na.

Sumakay ang dalawa sa kotse ni JR si Ram ang nagmamaneho.

Ram:  Sa palagay mo saan pupunta yon? 

JR:  Punta tayo sa airport, magtanong tayo baka bumili ng ticket pa-Manila.  Since nandito ang Mama niya malakas ang loob non na pumunta ng Manila.

Pagdating sa airport, wala naman ang pangalan ni Dei sa nakasakay sa mga kaaalis lang na flight within 3 hours at wala ding nakabook sa kahit anong airline na ganong pangalan para sa buong linggo.  Bumalik sila sa kotse.

JR:  Hindi basta aalis ng Boracay si Dei ng hindi maayos na nagpapaalam kay Daddy. Alam niyang magaalala ito. Nandito lang yon, baka lumayo lang sa Destiny.  May alam kang pinupuntahan niya kuya?

Ram: Yung mga lugar na alam kong gusto niya dito ay yung Shangrila, Boracay Beach Club, tsaka yung sa may Willy's Rock.

Pinuntahan nila isa-isa ang mga lugar na sinabi ni Ram pero wala si Dei.

Ram:  Ikaw? wala kang maalala? 

JR:  Sa bahay ko?  Alam niyang may tao don at kilala niya. Palagay mo?

Ram:  Subukan na din natin.

Pero bigo sila, wala don si Dei. Bumiyahe din sila papunta sa Balinghai pero hindi din daw nagagawi don si Dei.  Pagbalik nila inabutan nila na kausap ni Sir Simon si Gina Paredes.

Sir Simon:  Anong nangyari? 

Ram: Wala Dad, kung saan saan na namin hinanap. Galing nadin kami ng airport, pinacheck na namin sa lahat ng airline kung may nakabook for this week, pero wala.

JR:  Kung nakasakay naman siya papuntang Manila, si Eric lang ang alam kong pwede nyang puntahan sa Manila.  Pero hindi yon lalapit kay Eric.

Gina:  Sa bahay ng Papa niya. Nandon ang lahat ng alaala nito.

Tinawagan nito ang katiwala ng bahay. Pero wala din, nagbilin siya na kung saka-sakaling magpunta ito doon ay itawag sa number ni Sir Simon.

Gina:  Pasensiya na kayo nagulo ko ang pamilya ninyo.  Kung alam kong nandito sya hindi ako pupunta dito dahil alam kong masasaktan ko siya.  Kahit kelan hindi na ako bumalik ng Boracay dahil alam kong hindi magugustuhan ni Gia na makita ako.  Ang sabi sa akin sa call slip sa Balinghai ang punta namin, hindi ko talaga alam na dito.

Vinz:  Sir, dala ho talaga niya ang passport niya pati ang sulat ng Uncle nya. Hinanap ko na ho sa buong opisina pati sa cottage pero wala. Pati ho yung mga photo album at picture frame ng Papa niya wala rin ho.  Pero nandon naman ho lahat ng damit.

Napasuntok sa lamesa si JR.  

JR:  Hindi siya aalis ng Boracay, hindi niya kayang iwan ang lugar na ito. Hindi siya aalis kung hindi ka dumating.

Tumingin si JR kay Gina.

Sir Simon:  Huminahon ka Ricardo. Alam kong nagaalala ka pero hindi makakatulong yang galit mo para mahanap mo si Dei.

JR: Pero dad nakita ninyo hinihimatay yon sa sobrang emosyon. At kagabi hindi ko siya mapakalma, hindi ko mapatigil sa pagiyak. Nakatulog na lang sa pagod sa pagiyak.

Gina: Sa  pakiwari ko ikaw ang boyfriend ni Gia?

Tumango naman si JR.  Inakbayan ni Ram ang kapatid.

Sir Simon:  Gina, ang bunso kong anak si Ricardo at ang panganay ko si Ramon.

Iniabot ni Ram ang kamay niya kay Gina at nakipagkamay.

Ram:  Ram na lang ho, pasensya na din ho kayo pero kapatid na ho ang turing ko sa kanya at pamilya ang turing ng lahat ng tao dito kay Dei kaya nagaalala ho kami.

Gina:  Ako ang dapat humingi ng pasensya at pasasalamat sa inyo. Nabuhay ng masaya at maayos ang anak ko dahil sa pagkupkop ninyo sa kanya. Napakabubuti ninyo.

Sir Simon:  Mabait, malambing at matalinong bata si Dei. Mabuti ang puso kaya mahal siya ng mga tao dito.

Gina:  Ricardo...

JR:  JR na lang ho.

Gina:  JR, salamat sa pagaalaga sa anak ko.  Salamat sa pagaalala at pagmamahal ninyo sa kanya.

Lumapit sa kanila ang isang staff ng tele nobela at sinabing paalis na sila papuntang Balinghai. Tumayo si Sir Simon, inalalayan siya ni Vinz. 

Sir Simon:  Tawagan ninyo ako kung may balita kayo tungkol kay Dei.

JR: Oho, Dad.

Umalis na ang mga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro