Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Tatlong buwan ang nakaraan, ok naman sila JR at Dei.  Magkasama sila kahit saan magpunta.  Kada sabado sa labas silang dalawa nagdidinner at kapag linggo naman kasama nila si Sir Simon, Krizza at Ram para magrelax sakay ng yate at pumupunta sa mga diving or snorkeling sites. Kapag nagpupunta si JR para sa trabaho at para samahan si Sir Simon. Nagtetext si JR kay Dei.  Tulad ng, "Huwag puro trabaho, kumain din pag may time" o kaya naman... "ang hirap namang matulog ng wala ka"  o kaya magtetext ng reklamo tulad ng "dito sa manila puro problema buti pa dyan ngiti mo lang ang nakikita ko" at maghihintay ng text ni Dei na... "wag ng mainis, kalma lang  mmmuuuaaahhh"  o kaya kapag nagagalit sa mga tao sa opisina magtetext lang  ng "pahingi naman ng calming medicine please.." at magtetext lang si Dei ng napakaraming kiss emoticons, nawawala ang init ng ulo ni JR.  Hindi mahilig magstart ng text convo si Dei pero mahilig itong magtext ng mga quotations tulad ng  "I am around a thousand of people but without you I still feel alone."  o kaya  "Sometimes life gets so busy that we forget to say thanks to someone who's been nice and wonderful.  So Thanks, Richie."

Pero ang pinaka paborito ni JR ay kapag nami-miss siya ni Dei kasi tinatawagan siya nito. Katulad ng araw na yon, maghapong busy sila pareho. Walang text kahit isa, pagdating ng hapon hindi na nakatiis si Dei.  Nagsend ng message na "Me, without you is like a facebook without friends, youtube without videos and google without results."

Napangiti si JR. Alam na niya ang mangyayari kapag hindi siya sumagot, tatawagan nito ang Daddy niya.  Makalipas ang isang oras narinig na niya ang Daddy niya na kausap si Dei.

Sir Simon:  Oh kamusta Hija? Ok naman ako, wag kang magalala dala ko naman ang mga gamot ko. Wag mo akong alalahanin.  Ikaw kamusta dyan?  Ganon?  Mabuti kung ganon. May mga kailangan ka ba galing dito? Oo nasa bahay na kami, madaming ginawa sa opisina baka napagod at nakatulog. O sige Hija magpahinga ka na din. Good night!

Natatawa lang si JR.  Alam nya bago ito matulog tatawagan siya nito.  Pero alas onse na ng gabi, hindi pa rin tumatawag si Dei.  Nagalala na si JR.  Tinawagan niya si Vinz.

Vinz:  Hello bro, kamusta?

JR:  Ok lang kamusta dyan?

Vinz:  Ok naman... kami pa ba ang kakamustahin mo, kapag nandito si Ms. Dei.  Ok na ok.

JR: Vinz, anong nangyayari dyan?

Vinz:  Ano pa eh di happy hour, drinking session.  Biglang nagyaya si Ms. Dei.  Nandon kami sa beach front kasama si Ram, Krizza at Shaina. Nagaway ba kayo?

JR:  Hindi.  Bakit?  Ano bang sabi?

Vinz:  Ah ok, tinanong kasi ni Ram kung bakit nagyaya siyang uminom.  Ang sagot niya, "life is to short para magmukmok dahil lang sa isang bagay, my life doesn't revolve in one thing anyway, more so it should not revolve on one person."

JR:  Ah ok, sige enjoy kayo dyan.

Tinawagan ni JR si Dei.  Nagring ang cellphone niya. Tinignan niya nakita niya na si JR ang tumatawag, pinabayaan niyang magring lang ng magring.

Ram:  Dei, phone mo nagri-ring

Nang hindi pa din sagutin ni Dei, kinuha ni Krizza at pinindot ang answer kaso bigla namang inagaw ni Dei. Rinig na rinig ni JR ang usapan ng mga ito.

Dei:  Wag mo ng sagutin Sis, iisipin naman non na baka tulog na ako.

Krizza:  Bakit ba kasi ayaw mong sagutin?  Kanina miss mo siya di ba?

Dei:  Kanina Oo miss ko siya at nagsend na din ako ng message para malaman niya.  So ok na yon. I'm done missing him. Inom na lang kasi tayo.

Shaina:  Teka nga, ano na bang status ninyo? Kayo na ba?

Dei:  Hindi. As how he puts it... we are exclusively dating. 

Ram: Eh hanggang kailan kayo ganyan? 

Dei:  hhhmmmmm Siguro kapag nagkaanak na kayo ni Krizza. Wait, Krizza pregnant ka na ba?

Krizza:  Hindi pa.

Nagtawanan sila.

Dei:  In fairness to him, masaya naman talaga kami. Ako lang naman ang sira eh.

Shaina:  Meaning?

Dei:  Meaning, utak at puso ko lang naman ang may unending battle inside me. My mind is telling me what we have is right pero my heart is telling me the opposite. 

Krizza:  So, sa battle na yan sino ang nananalo? Dehado na ba ang utak?

Napansin ni Dei na parang bukas ang phone niya, itinapat ito sa tenga at naghello. Hindi naman sumagot si JR. Pinindot ni Dei ang end call.

Dei:  Yung totoo? Feeling ko nadedehado na ang utak ko at ayoko tong nararamdaman ko.  This might ruin everything we have.  Ayoko yung wala na akong iniisip kung hindi siya, nalulungkot ako kapag wala siya. Nagdududa ako kapag hindi niya ako tinetext, nagtatampo kapag hindi niya ako naaalala. I don't like that my life revolves around him.  Because I know what this means and I don't want this to happen.

Krizza:  Normal lang yang nararamdaman mo, you like each other so eventually falling for him is going to happen. Nothing is wrong with that.

Shaina:  Dei, he seemed to like you a lot.

Dei:  Exactly, he liked me a lot  period. I think hanggang don lang ang kaya nyang ibigay eh.  I can never replace Chelsea at bago pa akong umasa, I need to stop myself from doing so.  Guys pagod na akong masaktan. Sige, ikaw Ram mas kilala mo siya kaya mo bang sabihin sa akin that he is over Chelsea? 

Ram:  I can't  kasi sa totoo lang hindi ko din alam.

Dei:  Eto na lang, kanina I texted him a message saying, "Me, without you is like a facebook without friends, youtube without videos and google without results."  Ram kung si Krizza ang nagpadala nyan sa yo, what would you do?

Ram:  I would probably text her back saying, how I find the message being sweet and that I feel the same kung hindi ko siya matatawagan. So what did he do?

Dei:  Nada... None.   Pero ok lang kasi baka naman inisip niya its just a message, wala namang question to answer.  Am done, dealing with it guys.  Kung ano lang ang kaya niyang ibigay yun lang din ang ibibigay ko.  Just to spare myself from getting hurt and ruin what we have. Please do me a favor, all of you pati na ikaw Vinz at Sam, everything you hear here now stays here and forgotten. 

Sumangayon naman silang lahat.

Makalipas ang dalawang araw, bumalik na si Sir Simon at JR sa Destiny. Masaya naman silang sinalubong ni Dei.

Dei:  Hi Dad!  

Humalik si Dei sa pisngi ng ama-amahan. 

Sir Simon:  Hello Hija! Kamusta naman kayo.

Dei:  Ok lang Dad.  You want anything to drink?

Sir Simon: Frozen Lemonade na lang Hija.

Dei:  Ikaw what do you like?  

JR:  Lemonade at tsaka ikaw.

Ngumiti lang si Dei. Nagpunta sa bar para orderin ang lemonade.  Lumapit sa kanya si JR. 

JR:  Kamusta ka naman?  Tumawag ako two days ako hindi ka na sumasagot.  Tulog ka na non?

Dei:  Hindi, nandito sila Ram, Krizza at Shaina.  We were drinking.  I didn't think you would call.  So hindi ko napansin. 

JR:  You always call me kapag miss mo na ako. Why didn't you call?  

Dei:  Tumawag ako kay Dad nabanggit niya na marami kayong ginawang trabaho, nasa kwarto ka na daw so, naisip ko baka tulog ka na.

JR:  Alam mong hindi ako madaling makatulog.  Dei, may problema ba tayo?

Dei:  Ano ka ba? Ano namang problema natin? Unless nakipagdate ka sa iba?

JR:  Hindi ah!

Dei:  Hindi naman pala eh, so anong magiging problema natin? Sige na, magpahinga na kayo ni Daddy.

JR:  Ayoko, dito lang ako, gusto ko kasama kita.

Hinawakan ni JR ang kamay niya.

JR:  Dei, namiss kita sobra.

Dei:  Parang hindi naman.

JR:  How can you say that? Tinetext nga kita whenever I get the chance, until two days  ago, kasi nung alam kong namimiss mo ako, I was waiting for you to call me, kasi lagi ka namang tumatawag tapos hindi ka tumawag.  When I tried calling hindi ka naman sumasagot. Iniisip ko nagtatampo ka sa akin eh.  Kaya hindi na kita kinulit. Or were you done missing me?

Dei:  Yung totoo, I was done missing you. Naisip ko kasi kung everytime mamimiss kita magmumukmok lang ako at hihintayin na tawagan mo ko or ako ang mangungulit sa yo. It's not healthy anymore. Masyado ng nagiging clingy eh. Totoo din nagtampo ako kasi, I sent you a message tapos NR (No Reaction) after a couple of hours kaya nung tumatawag ka ayoko ng sagutin ang tawag mo. Pero ok na yon, naintindihan ko naman na what I sent was a quote, so hindi naman kailangan talagang sagutin.  But would have been nice, kahit naacknowledge mo lang yung message ko.

JR:  Sorry, ang arte ko kasi. I loved the message you sent me, it was sweet. Hinintay ko lang talaga na tumawag ka, kasi kapag namimiss mo ako kinikilig ako kapag tinatawagan mo ako tapos naglalambing ka na umuwi na ako. Dei, just in case  you don't know, pwera sa pamilya at trabaho ko, sa yo lang umiikot ang mundo ko.  Kaya sasabihin mo sa akin kapag hindi kita napapasaya, kasi ang gusto ko lagi kang masaya.

Dei:  Sorry, dapat din tinawagan na lang kita. Ewan ko tinopak yata ako eh, was being a bitch again. Pasensya ka na I may be good at a lot of things, but when it comes to this I don't know much.

JR:  There's nothing to apologize for. I like the way you are at anything, kahit pa yang pagkabitch mo.

Niyakap ni JR si Dei at hinalikan sa noo. Nasa isip ni JR, "I will try harder to make you feel comfortable about what we have Dei. I know we can make this work."




























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro