Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Kinabukasan ipinakita ni JR sa lahat ang pagkagiliw at pagaasikaso kay Dei. Nakigulo ito sa kitchen ipinagluto si Dei ng mushroom and onion omelet, bacon at buttered garlic frankfurters. Naghain sa isang table sa Lobby Lounge. Nang tanungin ng staff ang sabi niya, "nagpapaimpress ako eh, nanliligaw."  Tinukso siya ng mga ito. Pinaakyatan niya din ng breakfast ang pamilya.  Umakyat din siya para magshower at mabihis.

Alas sais pa lang gising na si Dei pero ng magising siya wala na si JR.  Dahil malamig namaluktot siya at nanatiling nakahiga pero gising na gising ang diwa. Naisip niya ang nangyari ng nagdaang gabi ang paghalik ni JR sa kanya at ang paghalik niya dito. Hanggang sa makatulog siyang muli. Napabalikwas si Dei ng makarinig ng ingay galing sa labas.  Tinignan ang relo, alas otso na ng umaga. Natarantang pumasok ito ng banyo at naghanda para magtrabaho. Dumeretso siya sa kitchen...

Dei:  Julie, bakit hindi ninyo ako ginising?  Anong petsa na? Ano inilabas nyong breakfast?

Julie:  Good morning Mam, pasensya na po, ayaw po kayong ipagising ni Sir JR, late na daw po kayong  nakatulog eh. Sabi sa akin, Dei believe that this kitchen is capable of running without her supervision.  So show her that.  So, I checked the inventory, best set breakfast based on supply Mam, is all Filipino tapsilog, tocilog, longsilog and daing na bangus. Tapos pinagluto po kami ni Sir ng Arozcaldo.

Dei:  Good job Julie. That was actually what I was thinking. Marami ng nagbreakfast?  

Julie:  Yes mam, puro room service, palibhasa hindi gumagana elevator.  Pati si Sir VInz at si Sir JR nag hatid ng breakfast eh. Para ma-exercise daw po sila.

Dei:  Eh di mabuti! Jules, pahinging breakfast.

Julie:  Mam, kanina pa po ready breakfast ninyo. Nandito po si Sir JR ng maaga ipinagluto kayo ng breakfast.  Nung tanunging ng staff ang sabi nagpapaimpress daw sya kasi nanliligaw siya sa yo.

Dei:  Ano? Talagang nag-announce pa siya ha.

Julie:  Siya din po ang nagset ng table, nandon po sa Lobby Lounge, puntahan niyo na nakakaawa naman eh 

Nagpunta si Dei sa Lobby Lounge. Bumati ang staff ng good morning. Nakita nyang tumayo si JR ng makita sya. Natatawa na lang din siya.

JR:  Good morning!  Dito ka na oh. 

Hinila nito ang upuan para sa kanya. Nanukso naman si Vinz. Umupo si JR sa tabi niya.

Dei:  Bakit hindi mo ako ipinagising?

JR:  Napuyat ka kagabi eh, don't worry magaling naman ang kitchen staff mo eh. 85% na nga ang natapos magbreakfast eh.

Dei:  Kahit pa, I don't like being late for work.

JR: Sorry, I just thought you need more rest. 

Dei:  O akala ko ba  Filipino breakfast , ano 'to?

JR:  Hindi ka naman kumakain ng kanin sa breakfast eh. Sam, can you get Dei whatever she wants. Tapos pakiligpit na lang ito.

Dei:  Hindi ko naman sinabing ayoko, I was just asking kung ano ito?  Is this breakfast made for me?

JR:  Supposedly.

Dei:  Well, thank you then.

Hindi na kumibo si JR, tahimik na lang itong kumain.  Alam ni Dei, may hindi nagustuhan si JR sa sinabi niya. Kasi naman ang pagkasarcastic niya nauunang lumabas eh!  Pagkatapos kumain, humingi ng Kape si Dei.  Pagdating ng kape niya, tumayo siya at binitbit ito. 

Sam:  Sir JR, dessert po ninyo.

Dei:  Nasa office lang ako if you guys need me.

Umalis na ito.                

May kasamang note and cupcake na dessert ni JR.  Binuksan niya ito at binasa.

"Richie, thanks for the delicious breakfast and for letting me oversleep. I needed that. :-*" - Dei

Napangiti si JR at tumingin siya kay Sam at Vinz.

Sam: Bago pa siya magbreakfast, ibinilin na niya yan sa akin.

Vinz:  You have to remember she's most of the time sarcastic but she is sweet in her own weird way.

Natapos ang bagyo at bumalik na sa dati ang  Destiny. Isang araw sumilip si JR sa office ni Dei.

JR: May gagawin ka mamaya around 7?

Tumayo si Dei at lumabas ng opisina.

Dei:  Wala naman.

JR: Dinner tayo sa labas, ok lang?

Dei: Magpaalam ka muna sa Daddy.

Tumakbo si JR sa beachfront, pinanood ito Ni Dei. Tumayo ito sa beach at nagsasalitang magisa makalipas ang ilang saglit bumalik na ito.

JR:  Ok na nagpaalam na ako.

Dei:  And sabi ko kay Daddy hindi kay Papa

JR:  Oo nga no, di bale ok na yon para alam na din ng Papa mo.

Natawa si Dei, naisip niya, " its sweet of him considering telling my father kahit magmukha siyang baliw na nagsasalitang magisa".  Pinuntahan naman nila si Sir Simon sa beach front resto.

JR:  Hi Dad!

Sir Simon: Oh Hijo, kamusta ang meeting?

JR:  Okay lang Dad. May bidding na naman ho ako.

Sir Simon: That's good.

JR:  Dad, pwede kaming magdinner out ni Dei?

Sir  Simon:  Oo naman.  Bakit nagpapaalam ka pa?  Teka, Ricardo, anong ibig mong sabihin? Idedate mo ba si Dei?

JR:  Yun nga ho, sana Dad.

Sir Simon:  Ricardo, sigurado ka dyan ha?  Sa akin ka mananagot kapag sinaktan mo si Dei.

JR:  Hindi ko ho kayang gawin yon Dad, she's too special.

Sir Simon: Ok sige, huwag lang masyadong magpapagabi at Ricardo, behave!!!

JR:  Yes Dad!  Ayan ha, pumayag si Daddy. I'll pick you up at 7pm. 

Sir Simon:  Dei, Hija... kapag nagkaproblema ka dyan kay Ricardo, sasabihin mo sa akin ha. Kahit anak ko siya hindi ko itotolerate ang mali nyan.

Dei:  Huwag ho kayong magalala, napalaki niyo naman ho ng tama si JR eh.  Alam ko ho hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit sa akin.

Si Krizza ang pumili ng damit na isusuot ni Dei at ito din ang nagmake-up dito. Bago mag alas syete nasa Lobby na ng Hotel si JR, may bitbit pa itong bouquet of a dozen pink roses.  Nakaupo sila nila Ram, Sir Simon sa isang couch doon... Nang bumukas ang elevator at lumabas si Krizza, tumayo na si JR. Napawow ang lahat ng nandon sa itsura ni Dei.  Naka black off shoulder overall shorts ito, nakalugay ang kinulot na buhok at naka wedge sandals na black at sling bag.

JR:  Grabe, you looked gorgeous. This is for you.

Dei:  Thanks, can I just leave this on my table or you want me to bring it.

JR:   No, iwan mo na lang.

Dei:  Sam, paki lagay sa flower base and sa office ko please. Thanks!

Lumapit si Dei sa ama-amahan at humalik sa pisngi nito.

Dei: Dad alis na po kami.

Sir Simon:  Sige, magiingat kayo ha. Ricardo, magingat sa pagmamaneho.

Tahimik sila sa kotse habang bumibyahe. Nakikinig lang si Dei ng music sa celpone niya.

JR:  Parinig naman ng playlist mo.

Dei: baka matawa ka kasi old songs playlist ko eh.

JR:  Try me.

Ikinabit ni Dei ang celphone sa kotse, tumunog bigla ang "I Want it that way  ng backstreet boys" mayamaya kumakanta si JR. Pagdating ng chorus dalawa na sila at malakas pa ang boses.  Tawa sila ng tawa.  Nakarating sila sa Nami Resort kung saan nagpareserve si JR ng table for dinner. Pagsakay nila sa Bamboo elevator

Dei:  Richie, if I forget to tell you later, I had a wonderful time tonight. Thanks!

Hinalikan niya sa pisngi si JR. Napangiti ito,  nasa isip ni JR, "she really is unique and sweet, hindi pa nga naguumpisa ang gabi namin she already considered it wonderful."

Umorder si JR ng drinks, frozen margarita para kay Dei at Merlot para sa kanya. 

Dei:  Ang ganda ng view nila dito no, and I like the way they did the rooms here, sloped along the hills, they preserved the hills.

JR:  Oo nga, dapat ganito gawin natin sa  Balinghai, ikeep natin yung mga puno.

Dei:  Oo nga that would be nice.          

Dinalhan sila ng house appetizer.  Napatingin si JR sa pagkain na nasa harap niya.

Dei:  That's on the house, bread pan and tuna sour cream dip. Tikman mo masarap yan. 

Nang hindi kumuha si JR.  Kumuha si Dei at isinubo, kumuha ulit at itinapat sa bibig ni JR.

Dei:  Bilis tikman mo kasi.

JR:  Oo nga no, masarap pala. 

Dei:  Sabi ko sa yo eh.

JR: What do you like for dinner. Tingin ka na para maorder na natin.

Dei:  Natikman mo na ba yung poorman's pasta?

JR:  Hindi pa.

Lumapit ang waiter. 

JR:  I'll have tenderloin steak, well done. 

Dei: Shrimp Casserole. Tapos we'll have the poorman's pasta for sharing.

Natahimik sila, nagsimula na namang mahiya at kabahan si Dei. Hindi na naman mapakali ang kamay nito. Kinuha ang phone.

Dei:  Picture tayo.

Lumapit ang waiter para kuhanan sila ng litrato. Iniabot din ni JR ang celphone niya sa waiter at inakbayan si Dei. Tinignan ni Dei ang kuha sa phone niya, napatitig siya dito ng matagal.

JR: what are you thinking?

Dei: ha? ah eh na gwapo ka naman pala kapag hindi ka nagagalit (sabay tumawa)

JR:  Yung totoo Dei...

Dei: ah ano... i really didn't thought aabot tayo sa ganito.

Ibinaba niya ang cellphone sa mesa, uminom ng margarita at nilaro ang mga daliri sa mesa na parang nagpapiano. Hinawakan ni JR ang kamay niya, inilagay niya ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ni Dei.

JR: Just relax, this is just a dinner date. Ganyan ka ba kapag nagdedate kayo ni Eric?

Dei: Hindi... magkababata kami ni Eric, all our life magkasama kami, yung sa amin parang it was just expected since seven years  old pa lang inaakyat na niya ang bintana ng kwarto ko. Naging bf ko si Eric because he took me to his prom and when asked who I was, ang sagot niya "girlfriend ko since birth".

Natawa sila pareho.

JR:  Eh how about with Uno?

Dei:  Hindi din... kasi he's like a guy bestfriend... para akong one of the boys kapag kasama ko siya. Wala kaming ginawa kung hindi tawanan lahat ng bagay. So parang barkada ko lang na nagyayang tumambay sa kanto.

JR:  Pero maraming nanliligaw sa yo nung College ah.

Dei:  Meron naman who sends me flowers, love letters, nanlilibre kapag breaktime. Puro ganon lang. Besides during those times I was to naive to really think about dating, subsob sa school work. Masaya na ako non na ang crush ko ang picture nasa ng balot ng libro ko.

JR: I like holding your hand, ikaw?

Dei:  Ok lang, it made me calm down I think.

JR: Mukha nga eh, dumadaldal ka na eh.

Dei: Alam mo ba why our hands are made this way?

JR:  Made in what way?

Dei: Ayan yung hiwa-hiwalay, yung may spaces in between? Kasi pwede naman dikit dikit pero ginawa ni God na may spaces in between.

JR:   Hmmm sige bakit?

Dei: So that another set of fingers would fit in it. Because God wants life to be live by two people together hand in hand. Nasa isip ni JR , "she's hopeless romantic."

Iniangat ni JR and kamay nila.

JR: Just like this... I think your hand fits perfectly in mine. Nasa isip naman ni Dei, "that's sweet of him to think so."

Dei: Richie, bakit ako? I'm not actually  your type of girl, kaya medyo nakakagulat.

JR: Because, I like you. Gusto ko yung pagiging wise mo, yung pagka weird mo, gusto ko kung pano ka magisip. I like your smile and I think you know I like your lips and the way you kissed me that calms me down and the fact na nakakatulog ako kahit saan kapag ikaw ang kasama ko kahit hindi ko alam kung bakit.

Dei: Pwede na, makakatulog naman na siguro ako sa sagot mo.

JR: Ikaw? Do you like me?

Dei: Hindi naman kita hahalikan kung hindi kita gusto eh. 

JR: Since we both like each other, can we exclusively date and spend more time with each other? And let's see where this liking goes?

Dei: Ok sige.

Hinila ni JR ang kamay ni Dei na kanina pa nya hindi binibitiwan at hinalikan ito.

Ngumiti si Dei with the thinking... "I really hope this works this time."    Si RJ naman, " sana hindi ka na mawala sa akin Dei".





























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro