Chapter 3
Isang linggo ng nasa Destiny Resort si JR pero wala itong ibang ginawa kung hindi tumambay sa beach. Kung hindi nagsu-swimming, nag-gigirl watching, tumatambay at umiinom kasama ng ilang barkada o kaya ginugulo si Sam at Vinz.
Uno: Pare ayos pa rin talaga dito sa Resort nyo ha, masarap ang pagkain, maganda ang ambiance at service deluxe.
JR: Oo naman, magaling naman pagdating sa negosyo and Daddy. Hindi kami magkasundo in some ways pero pag dating sa negosyo saludo ako kay erpats.
Uno: So anong plano mo ngayong nandito ka?
JR: Mag-enjoy!
Malakas na nagtawanan ang magkaibigan. Dumating si Vinz, binati sila.
Vinz: O ang aga namang beer nyan wala pang happy hour.
JR: ang sabihin mo late na nagtatrabaho ka pa, maupo ka come join us.
Vinz: Hindi ok na ako dito hinihintay ko lang naman si Dei, may kausap lang na client
JR: Alam mo Vinz, malapit na akong magtampo lagi mo na lang akong tinatanggihan, hindi ka naman pagagalitan ng Daddy kasi ako naman ang kasama mo.
Vinz: Alam ko pero ayokong abusuhin ang kabaitan ng Daddy mo, besides bawal sa staff to join any guest when he is on duty. OM ako kailangan maging magandang role model sa employees.
Dei: Vinz, Okay na. 250 pax debut, kinumpleto ko na ang buong june at july mo ha, baka naman may reklamo ka pa nyan.
Vinz: Ako pa magrereklamo, the more events the merrier di ba?!
Dei: So, ano punta na tayo sa Summit?
JR: Hep, hep, hep hindi aalis si Vinz, he will personally take care of me and my friends.
Dei: Sorry Sir, but we have clients to attend to. I will call Sam to take care of your needs.
JR: No, I want Vinz, bakit ba ang kulit mo!
Dei: Hindi ako nangungulit Sir, I am just stating the fact.
Vinz: Bro, next time na lang talaga. Later after shift balikan ko kayo.
JR: No, if I say you're staying, you are.
Dei: Vinz, let's go.
Tumayo si JR. Humarang sa daraanan nila.
JR: Napipikon na talaga ako sa yo. Bakit ba marunong ka pa sa akin ha.
Dei: Alam mo Sir, ang daming staff dito na pwedeng magasikaso sa yo, because the OM needs to do his job. Mabuti pa just sit down and relax and do what you do best... ang mag-enjoy!
JR: alam mo Ms. Capili, you can go to hell for all I care but you cannot bring Vinz because I need him.
Dei: Oh I already mastered the way to hell Mr. Santillan-Perez, maybe you can go to hell and stay there tutal don ka naman bagay.
JR: You really don't know who you are talking to. no?
Dei: Oh Sir, kilala ko ho kayo kilalang-kilala, the more that I cannot let you make Vinz stay. Ilang beses ko bang sasabihin sa yo, hindi ikaw ang boss namin dito. Sir, marami pa kaming gagawin at late na kami sa appointment namin.
Hinawakan ni JR si Dei sa magkabilang braso, nang bigla nyang narinig ang sigaw ng Daddy nya.
Sir Simon: RICARDO! let her go!
Tumingin lang si JR.
Sir Simon: I said, LET HER GO!
Binitiwan nya si Dei at bumalik sa kinauupuan niya.
Sir Simon: Anong problema?
Dei: Hi Dad! Wala naman po, nagkakabiruan lang.
Sir Simon: Sigurado ka, Hija?!
Dei: Opo dad, nagpapaalam lang si Sir JR. May appointment pa kasi kami ni Vinz, pinapatawag nya lang po si Sam.
Vinz: Sam, paki asikaso muna sila Sir JR.
Dei: Dad, aalis na muna kami, sa summit ang client namin today eh.
Sir Simon: O sige magiingat kayo
Bumulong si Vinz kay JR
Vinz: masuwerte ka hindi ka isinumbong kung hindi baka napalayas ka.
Nagbeso si Dei kay Sir Simon at tuluyan ng umalis.
Si Simon: Whatever that is alam kong ikaw na naman ang pinagsimulan. Uulitin ko sa yo Ricardo kapag sinaktan mo si Dei, kung kailangan kitang ipatapon pabalik ng Maynila gagawin ko. So stop pestering her and the rest of the staff dahil marami silang trabahong ginagawa. Unlike you na nakatunganga ka lang dyan!
Hindi na umimik si JR. Umalis na din ang kanyang ama kasama ang secretarya nito.
Sam: Maswerte ka Sir, hindi ka sinumbong ni Ms. Dei
Halos araw-araw na nagkakabangga si Dei at JR. Hanggang isang araw...
Nasa beach front restaurant si Dei at nagdi-discuss kasama si Liza at Vinz.
Dumating si JR kasama si Uno, naupo sa lamesang malapit sa kinauupuan nila Dei. Umorder ng beer at pulutan. Nakita ni RJ na tumingin si Dei sa relo nito at sa dagat.
Dei: Vinz let's wrap this up. So, I'll just meet you here ng 6am. Nagbilin na ako sa kitchen so they know what to do. Dapat by 7am naset-up na natin ang registration and tea off is at 8am.
Vinz: Ok sige
Dei: Oo nga pala, kasali si Sir Simon sa tournament kasama si Mr. Aboitiz, Mr. Tan at si Congressman.
Vinz: O akala ko ba ayaw na nya yang mga golf games na yan at napapagod siya
Dei: Eh wala na syang nagawa, si Ram sana pero nasa manila pa si Ram that time eh, wala naman siyang ibang aasahan. Kung marunong nga lang ako mag golf ako na lang eh.
JR: Nagpaparinig ka ba?
Dei: Oh nandyan pala kayo Sir... ni hindi ko nga kayo napansin eh.
JR: Oh really?
Dei: Kung ayaw mong maniwala bahala ka besides hindi ko ugali ang magparinig kaya kong deretsuhin ang kahit anong gusto kong sabihin. Kung nahurt ka sa narinig mo aba hindi ko na kasalanan yon, hindi mo naman kasi dapat pinakikinggan ang usapan ng iba.
Vinz: Bro, we didn't even see you come in. Besides we were just discussing the facts. Si Ram naman kasi talaga inaasahan ni Tito na maglalaro para sa kanya.
Dei: If you'll excuse me I have somewhere else I need to be.
Vinz: Sige Dei, later na lang puntahan ka namin nila Sam at Shaina.
JR: Somewhere else oh dahil happy hour mo na at ng tatay mo?
Vinz: JR ano ba! That is too much.
Humakbang na si Dei palayo, pinipigilan ang sarili na magalit.
JR: Oh bakit, totoo naman... makikipaginuman lang sya sa invisible na Tatay nya.
Bumalik si Dei at hinarap si JR
Dei: Ano bang problema mo sa akin ha? Wala kang pakialam sa buhay ko at wala ka ring karapatang magsalita tungkol sa akin dahil hindi mo ako kilala. Maswerte ka, anak ka ng taong pinagkakautangan ko ng buhay ko kaya kahit papano iginagalang kita.
JR: I am just saying the facts as well, nakikipaginuman ka sa Tatay mong patay na.
Umigkas ang kamay ni Dei at sinampal si JR. Napatunganga sa gulat si JR. Naguunahan sa pagtulo ang mga luha ni Dei.
Dei: Wala kang pakialam, how I deal with my loss. At least ako oras lang na nawawala sa sarili ko at bumabalik ako sa realidad, nagtatrabaho at pinipilit mabuhay ng normal. Eh ikaw mahigit dalawang taon na at tuluyan ng nawala ang katinuan mo. Congratulations you won! You made your point accross.
Patuloy lang na tumulo ang luha nito.
Vinz: Dei, tama na. Sige na.
Dei: Vinz tell Sir Simon, I will have my resignation ready... I am already living in hell I don't think I can handle another hell like his son.
Tuluyan na itong tumalikod at nagtungo sa cottage niya.
Vinz: Bro kilala mo ako at kahit kelan kakampihan kita pero not this time, you went overboard. Ngayon pa lang isipin mo na kung papano mo ipapaliwanag sa daddy mo ang pagreresign ni Dei. Matagal na hindi nakaimik si JR. Mukhang malalagot siya sa Daddy niya kapag nagkataon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro