Chapter 29
Simula ng insidenteng kasangkot si Eric, naging laman ng kwentuhan at biruan ng staff ng Destiny at Summit si JR at Dei. At nakatuwaan ni Sam na gawing parang episode sa isang tele nobela ang video ng insidente pinamagatan niya itong "Love Prevails". Nilagyan pa opening credits na "starring: Richie and Dei"
Nasa hotel lobby si Vinz at kausap ang staff sa Conceirge ng dumating si Sam
Sam: Vinz, natapos ko na yung video gusto mong makita.
Vinz: Sige, patingin.
Sam: Nandito sa celphone ko.
Sumabat naman si Claire na nasa check in counter.
Claire: Sir panood din kami ikabit natin dito sa monitor ng lobby.
Pumayag naman si Vinz. Ikinabit nga nila ito at pinanood. Eksakto namang dumating si Shaina at nakitang nakatingin ang mga tao sa lobby sa monitor.
Ipinakita ang opening nito nagmukhang palabas sa TV "Destiny Resort and Hotel presents...
Love Prevails ...
Napatigil si Shaina sa tapat ng check-in counter at nanood. Napanood nya ang buong insidente hanggang sa ending nito... nagulat si Shaina. Nang matapos ang buong video nagpalakpakan ang mga staff.
Claire: Sam, ang galing mo naman parang eksena talaga sa tele-nobela.
Nagtawanan sila at nagbalikan sa trabaho. Narinig pa ni Shaina ang kwentuhan ni Claire at ng kasama nito.
Claire: Kung nandito ka non, grabe talagang makikita mo yung galit ni Sir JR at obvious naman na gusto niya talaga si Ms. Dei kaya nung sinabi nyang bitiwan mo ang girlfriend ko with conviction talaga.
Sheila: Grabe sayang day off ko non eh. Eh kamusta na? Sila na ba?
Nagkibit balikat naman si Claire. Dere-deretso si Shaina sa opisina ni Dei. Masama ang loob niya, hindi nga sila ni JR pero naisip niya kaibigan niya si Dei bakit hindi nito sinabi man lang sa kanya na may namamagitan pala sa dalawa at sa napanood niya kitang kita naman ang damdamin nila.
Bumukas ang pinto ng opisina ni Dei, iniluwa nito si Shaina na nangingilid ang luha.
Dei: Hi girl! Anong balita?
Shaina: Hi ka dyan! Ikaw ang anong balita... kaylan pa? kaylan pa naging kayo ni JR?
Dei: Ano? ano bang sinasabi mo?
Shaina: wag ka ng magmaang maangan pa. Napanood ko ang video nung hinalikan mo si JR.At kailan pa naging Richie ang tawag mo sa kanya?
Dei: Shai, magpapaliwanag ako, ginawa ko lang yon para maniwala si Eric kasi yun na din ang nasabi ni JR nung ginugulo ako ni Eric, siguro sinabi lang din niya para tigilan na ako ni Eric. He was just trying to help me out. Tsaka nataranta na ako I was trying to calm him down kasi ayaw niyang ibaba yung baril, yun lang yon.
Shaina: That's what you're saying pero hindi yon ang napanood ko, kitang kita ko ang galit ni JR totoong nagaalala siya para sa yo and when you kissed him and he kissed you back. It was a real kiss Dei, you obviousy both felt that kiss.
Dei: Shaina , please wag kang magalit sa akin. I swear wala talaga kaming relasyon ni JR. Ikaw naman ang gusto niya eh, yung type mo ang gusto niya. Ayokong magkasira ang friendship natin dahil lang dito. Kung meron naman talaga, eh di sinabi ko na sa yo. Pero wala nga, ni hindi nga namin pinagusapan ang nangyari pagkatapos non.
Shaina: Wala nga siguro kayong relasyon but both your actions shows what you feel. Don't worry hindi naman ako galit sa yo besides wala naman akong right para magalit hindi ko naman boyfriend si JR. Hindi din naman niya sinabing nililigawan niya ako. Pero masama ang loob ko so just let me be. Sige alis na muna ako.
Lumabas na ito, hinabol naman ni Dei.
Dei: Shaina, wait pagusapan natin ito, please. Wala naman..
Shaina: Saka na lang Dei, saka na please.
At tuluyan na itong umalis nakita ni Vinz ang nangyari. Bumalik na si Dei sa opisina niya. Simula non naging conscious si Dei sa kilos niya kapag nasa paligid si JR. Ayaw niyang lalong magalit si Shaina sa kanya. Katulad ng araw na yon, kumakain ng tanghalian ang pamilya Perez sa beachfront resto. May dalawang bakanteng silya pa ang isa sa tabi ni Ram ang isa sa tabi ni JR.
Sir Simon: Halika na Hija, sumabay ka na sa amin kumain.
Umupo si Dei sa tabi ni Ram. Napatingin si JR. Nagkunwari si Dei na hindi napansin yon.
Dei: Ram, yun palang event ng mga Fernandez pwede ba sa Summit? Fully booked na kasi dito eh nagpapatulong sa akin kung meron akong pwedeng irecommend. Palagay mo kaya na ng summit magevent ng 150?
Ram: Saang room mo balak ilagay? Maliliit ang events hall don di ba?
Dei: If I remember it right, yung nasa 8th floor, are only divided by collapsible divider wall.
Napangiti si Ram.
Ram: you are right, pano mo naalala yon? Nasasayang nga yung space na yon eh. Palagay mo it would fit 150?
Dei: I think so, but I wanted to make sure. So kung ok lang kay Dad don muna ako sa Summit the next few days. I will try to fix that place and see what I can do para magmukhang big event area yon.
Sir Simon: I can't see anything wrong with that.
JR: Pano yung events dito?
Dei: Anong pano? Eh nandiyan ka, nandyan si Vinz. Huwag mong sabihing hindi ninyo kaya? Kung inaalala mo ang F&B, my staff is capable of working with no supervision at all.
Hindi na umimik si JR pero pakiramdam niya talaga may mali eh.
Pangatlong araw ng hindi nakikita ni JR si Dei kahit na anong oras pa siya magpunta sa opisina nito at ilang beses na din niyang sinubukan na silipin ito sa Cottage niya sa gabi pero palaging walang tao. Nagtataka na siya. Habang kumakain ng tanghalian, naisipan niyang itanong kay Vinz.
JR: Vinz, anong oras umuuwi si Dei galing ng Summit?
Vinz: Hindi pa siya umuuwi since umalis siya 3 days ago. Hindi ba sinabi ni Ram sa yo nagrequest siya ng room doon. Alam din ng Daddy mo eh.
JR: Sobra naman yang project na yan at kailangan pa siyang doon magstay.
Vinz: Ako, pakiramdam ko may mali eh.
JR: Anong ibig mong sabihin?
Vinz: Feeling ko may iniiwasan si Dei eh.
JR: Pakiramdam ko din, at feeling ko ako ang iniiwasan. Napansin ko lang, hindi na nauupo sa tabi ko. Tapos konting mailagay ko lang ang braso ko sa likod ng upuan, ipinaaalis. Ni ayaw nga akong sabayan kumain eh.
Vinz: JR nagdedate pa ba kayo ni Shaina?
JR: Hindi na, minsan niyaya ko, sabi busy daw siya. Bakit mo naitanong? may koneksyon ba ito sa pagiwas ni Dei sa akin?
Vinz: Naisip ko lang, nung isang linggo kasi nakita ko si Shaina paalis galing sa opisina ni Dei, tapos sumunod siya kay Shaina, sabi niya kung pwede daw pagusapan nila muna kung ano man yon hindi ko na alam pero sumagot si Shaina ng saka na lang please. Nung araw na yon pinanood namin yung video nang insidente ni Eric sa hotel lobby monitor. Naisip ko lang hindi kaya napanood ni Shaina yon at nagaway sila ni Dei?
Nagtext si JR kay Shaina kung pwede silang magusap kahit sandali lang. Sumagot naman ito na pupunta na lang daw at may dadalhing kontrata kay Dei. Makalipas ang isang oras dumating si Shaina.
JR: Hi! Anong gusto mong inumin.
Shaina: Frozen lemonade na lang.
Umorder si JR ng dalawang frozen lemonade at naupo sa tapat ng upuan ni Shaina.
JR: Shaina pansin ko lang you seem to reject my last invitation. Ok lang naman, I mean naintindihan ko naman kung ayaw mo ng lumabas kasama ako but I just want to know why? May ginawa ba akong mali?
Shaina: No, wala naman. Naisip ko lang its not going to work out anyway. Why waste our time di ba? Obvious naman na may gusto kang iba.
JR: Ano? Sino?
Shaina: J, napanood ko yung video nung incident with Eric, the way you came to her rescue is not just something that anyone would do. The anger I saw in your eyes nung marinig mong nasaktan si Dei was true and that kiss was very real. Pwede mong sabihing hindi but your actions shows it all.
JR: Wala naman talaga kaming relasyon ni Dei. Although, I will admit I have learned to like everything about her. pero...
Shaina: Pero hindi mo maamin sa sarili mo at hindi mo din masabi sa kanya. Pareho kayo ni Dei eh, Clueless kayo na there is something pero hindi ninyo namamalayan your actions and reactions to each other gave your feelings away.
JR: Well if that is the case, I'm sorry if I have offended you in any way pero tulad ng sinabi mo, clueless ako... kami.
Hinawakan ni Shaina ang kamay ni JR na nasa ibabaw ng lamesa.
Shaina: Just a friendly advice J, talk to her, sort things out with her. Don't waste your time. Kasi based on what I saw, I think she likes you very much. If she can't admit that to you, well you better make her or do something to try a relationship with you kasi palagay ko din bagay kayo.
Ngumiti si Shaina.
JR: Thanks Shaina, you are a good friend.
Shaina: You better believe what I just said, JR. kasi kaibigan ko si Dei at kilala ko siya. Nasan nga pala siya?
JR: Nasa Summit, tatlong araw ko na ngang hindi nakikita eh. May project sya don tapos don din nagstay.
Shaina: Ano, ang lapit ng Summit bat kailangan pa niya don mag-stay?
JR: Palagay ko may iniiwasan eh at kung tama ako na nagkausap na kayo dahil sa video and knowing how important your friendship is to her, malamang iniiwasan niya ako para sa yo.
Shaina: Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Yaan mo bukas na bukas kakausapin ko.
JR: Thanks Shaina, thanks talaga!
Kinabukasan sa Summit bandang alas diyes ng umaga dumating si Shaina habang nasa Lobby Lounge si Ram at Dei. Napatayo si Dei ng makita si Shaina.
Shaina: Hi, Ram! Hi Girl!
Ram: Uuuuy mabuti naman at nadalaw mo kami dito.
Shaina: Galing ako sa Destiny kagabi ang sabi nga nagtatago ka daw dito. Kaya here I am.
Dei: Grabe naman hindi ako nagtatago. May tinapos lang akong project dito. Gusto mong makita?
Ram: O sige may meeting pa din naman ako tignan mo na Shaina I'm sure magugustuhan mo. May malaki na kaming event place dito.
Shaina: Wow!
Umakyat nga ang dalawa. Pagpasok nila sa lugar, nagandahan naman si Shaina.
Dei: Palagay mo? This is a set up for buffet 150 pax. Pwede na di ba?
Shaina: Anong pwede na? Grabe ang ganda kaya.
Dei: So, what brings you here? Sana tinawagan mo na lang ako para pinuntahan na lang kita.
Shaina: Naisip ko din yan kaso sabi nila dito ka daw nagstay eh ang lapit lapit nito sa Destiny, so naisip ko baka ayaw mo lang sa destiny for now, so here I am. I know you to much girl. May iniiwasan ka sa Destiny and kung ginagawa mo yan para sa akin, don't. Kasi kami ni JR, will not work out lalo na at obvious namang gusto ninyo ang isa't isa.
Dei: Hindi ah, ayoko lang na may iniisip ang iba tungkol sa akin lalo na hindi naman totoo. Kaya para iwas tsismis.
Shaina: Ayaw mo ba talaga sa kanya or hindi mo lang alam ianalize yang nararamdaman mo? Kasi lahat ng nakapaligid sa inyo nakikita na gusto niyo ang isa't isa kayo lang dalawa ang bulag o nagbubulagbulagan. Nung dumating siya para iligtas ka hindi ka man lang ba kinilig? when he kissed you back, wala ka man lang bang naramdaman?
Namula ang mukha ni Dei. Pero walang imik.
Shaina: Alam mo bang namumula ang mukha mo?
Napahawak si Dei sa pisngi nya.
Shaina: Dei, walang dahilan para hindi mo aminin ang nararamdaman mo, hindi ka dapat mahiya o matakot kasi obvious naman na gusto ka rin niya eh. Kaya pwede ba since tapos naman na ang trabaho mo dito bumalik ka na sa Destiny kasi palagay ko may nakakamiss na sa yo don.
Kinuha ni Dei ang mga gamit sa kwartong ginamit niya, nagpaalam kay Ram at sabay na silang umalis ni Shaina, dumaan muna sila sa shop ni Krizza. Pagpasok nila sa shop, nagtitili si Krizza ng makita si Dei at niyakap ito. Tawa naman ng tawa si Shaina.
Krizza: OMG sis! Napanood ko yung video, kayo na talaga? I'm so happy for you.
Dei: Teka nga ano bang video yan, hindi pa kami.
Binuksan ni Krizza ang laptop, hinanap ang video at iclinick ang play. Pinanood nila ito. Napatunganga si Dei.
Dei: Sinong gumawa niyan?
Krizza: Si Sam, tapos iemail niya sa amin ni Ram. Dei, nakita mo naman siguro kung paano siya nagalit at nagalala nung masaktan ka.
Shaina: Nakakagulat ka thou... you actually kissed him and he kissed you back.
At tumili ang dalawa, at kinikilig pa. Natatawa si Dei. Kinikilig din naman sya pulang pula ang mukha niya.
Dei: Pero teka anong gagawin ko?
Krizza: wala kang gagawin, just let him figure out what to do and let him make the first move.
Shaina: Oo nga, ikaw pa din ang babae kahit alam naman natin na gusto mo siya, don't admit it unless he does. Basta umuwi ka lang sa Destiny tapos just be yourself.
Dei: He likes me? he really do... at tumili din ito at nagtawanan silang tatlo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro