Chapter 28
Simula ng maipakilala sa program ng Flores de Mayo si Krizza, nagsimulang madagdagan ang mga customers nya. Araw-araw na din siyang nasa shop kasama ang dalawang kapatid. May dalawa na syang sastre at isang master cutter. Madalas ding tumambay don si Dei pagkatapos ng trabaho sa Resort tulad ng gabing yon.
Dei: Hi Sis! Eto na po ang dinner mo.
Krizza: Uy, akala ko hindi ka pupunta eh hindi ka sumagot sa text ko.
Dei: Sus ikaw pa, eh ang lakas mo sa akin. Teka, bakit magisa ka na lang?
Krizza: Pinauwi ko na sila, napapagod na din kasi ako tsaka wala namang rush na trabaho so pwedeng tumambay.
Dei: Gusto ko yan!
Krizza: Ikaw kamusta sa Resort? Kamusta kayo ni JR?
Dei : Ok naman medyo hindi ganon kabusy since tapos na ang bakasyon. Kami ni JR? Bakit meron bang kami?
Krizza: Usapang matino lang sis, ayaw mo ba talaga sa kanya? I mean hindi ba siya boyfriend material para sa yo?
Dei: Hala, hindi naman nanliligaw sa akin si JR. Ayan, kung ano ano kasi iniisip ninyo nila Daddy eh. Totoo yon Sis, hindi naman siya nanliligaw. He is just being nice, parang ikaw lang, si Ram si Daddy. Pamilya ganon.
Krizza: So kapatid ang turing mo kay JR?
Dei: Hindi din. We do get along better now than before. Mas nakilala namin isa't isa, ganon. But we never really discussed anything about relationship besides palagay ko he's still hooked up on Chelsea.
Krizza: Palagay ko din nga. Pero he's a little to nice around you, you seem to enjoy each others company. Obvious naman that you care for each other. Baka lang kasi may something na hindi niyo lang sinasabi.
Dei: Since close naman tayo and I consider you a sister... I will tell you, gusto ko naman ang mga ugali ni JR. Mabait, responsible when need to be, smart, caring, sweet, minsan mabilis mainis pero kapag napaliwanagan naman and he realized he's wrong marunong naman magsorry, At syempre gwapo, maganda ang katawan at ang cute ngumiti. Boyfriend material naman sya but still even if he is. Hindi naman niya ako nililigawan. So whatever I think of him is really no big deal.
Krizza: Sayang naman, bagay pa naman kayo and it would make Daddy happy if ever magkatuluyan kayo. So talagang wala kayong moments? I mean... alam mo na yon.
Nagisip si Dei...
Dei: Well, am not sure kung moments ba yon, pero nung bday ng Tatay ni Sam, nagbody shot the lemon was on his lips nung sinipsip ko yung lemon, he kissed me.
Krizza: Did you kiss him back?
Dei: Parang...
Krizza: Dei... anong parang?
Dei: We were drunk, or I am sure I was drunk... so oo nga i did kiss him back. Tapos yun lang. Ganon, we never talked about it.
Krizza: OMG! Hindi mo ba alam na pag lasing ang tao mas totoo sa kanya ang ginagawa niya kasi walang inhibitions, pretentions or whatsoever. You just do what you like to do.
Dei: Alam ko... pero ...
Krizza: Ano pa? Any other thing that he did for you tapos may mga ganap na dapat hindi nangyari.
Dei: Kasali ba yung, natulog kami sa iisang kama?
Krizza: Ano?
Dei: Teka teka bago ka magisip ng kung ano-ano, yung una nilalagnat ako, he stayed with me kasi hindi bumababa yung lagnat ko, ayon nakatulog sya don sa kama ko; Yung pangalawa naman he was comforting me after Uno left, nagkukwentuhan kami and eventually we both dozed off to sleep.
Krizza: Hindi mo ba alam na hindi siya nakakatulog sa ibang lugar? especially not with anybody around?
Dei: Binanggit nga niya yan before, kaya nga nagtataka ako eh. Tsaka Krizza when I was crying over Uno, he did kiss me again. Nung tanungin ko why he did, sabi niya feeling daw niya it would make me feel better.
Krizza: OMG!!! Kinikilig ako sis! May gusto yon sa yo.
Dei: You think?!
Krizza: Ano ka ba, sang planeta ka ba nanggaling? You really don't know anything about feelings, relationships and love in particular.
Dei: Eh, besides Eric wala pa naman talaga akong naging ibang boyfriend.
Nagsara na sila ng shop at simula sa D'Mall naglakad sila sa beach habang nagkukwento si Krizza ng love story nila ni Ram. Mga ilang sandali pa may pamilyar na itsura na nakita sa malayo si Krizza at Dei... si JR kasama si Shaina at nakaabre siete ito sa braso ni JR. Tuloy tuloy naman sila sa paglakad at nagkunwari na hindi nila nakita ng biglang bumati si Shaina.
Shaina: Hi Dei!
Dei: Hey girl! Nagbeso ang dalawa
Nakakapit pa rin si Shaina sa braso ni JR
Krizza: Hey bro! (Sabay tingin sa braso nito) Hi Shaina! San punta ninyo?
JR: Hi Sis! Wala naglalakad lakad lang. Hi Dei! Kayo san ang lakad?
Dei: Hey! Pauwi na galing kami sa Shop.
Krizza: Yah, uwi na kami kasi magreready pa kami, hinihintay kami ni Ram eh
Shaina: Cool, san ang punta nyo?
Krizza: Sa Shang, may foursome date kami with one of Ram's friend na nandito for a Vacation gusto ni Ram ipakilala si Dei. Sige we'll go ahead
At nagtatakbo na ang dalawa habang nagtatawanan.
Kinabukasan, dinatnan ni JR na nagaagahan sa si Dei kasama ang pamilya niya. Malayo pa naririnig na nyang nagkukwento si Dei sa Daddy nya tungkol sa lakad nila ng nagdaang gabi. Tahimik lang na naupo si JR sa tabi ni Dei.
Dei: Good morning!
JR: morning...
Sir Simon: Woke up on the wrong side of the bed, nak?
JR: Woke up on the wrong side of the world Dad, but don't mind me isang bungee jumping lang 'to. Ok na ulit ako. So, alam mo na I might be leaving soon. Sam, I'll take my coffee sa beach.
Maghapong mainit ang ulo ni JR. Nandyang sumigaw sa telephono, pinadalhan ng frozen lemonade ni Dei at nagtext ito "Pampalamig ng ulo oh", pero hindi ito sumagot. Kahit anong init ng ulo hindi naman inaaway o pinagagalitan si Dei at hindi din siya kinakausap. Umalis ito bandang alas dos ng hapon pupunta daw ng Summit.
Bandang alas kwatro ng hapon may hindi inaasahang bisita si Dei... si Eric. Maayos namang hinarap ito ni Dei sa lobby ng hotel. Pinaupo niya ito sa isa sa mga couch doon at pinadalhan ng pineapple juice. Naupo siya sa katapat na single couch.
Dei: Anong ginagawa mo dito?
Eric: Can we talk somewhere private?
Dei: Wala tayong dapat pang pagusapan na kailangan ng privacy, so just say what you want to say.
Eric: Hindi ko kaya ng wala ka sa buhay ko. Please Dei patawarin mo na ako. Umuwi na tayo ng Manila.
Dei: Eric, paulit-ulit na lang tayo. Hindi naman magbabago ang desisyon ko. Ayoko ng bumalik ng Manila. At naiintidihan ko din naman na nandon ang pamilya at negosyo mo kaya nga sabi ko sa yo matagal ko ng tinapos yung tayo. Dahil magkaiba na ang gusto nating dalawa. So, please...
Eric: Dei, ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko. Mahirap bang intindihin yon.
Dei: Mahirap din bang intindihin na ayoko na? at hindi na kita mahal? May boyfriend na ako.
Eric: Nakita ko ang litrato ninyo ni Uno sa dyaryo nasaktan ako Dei, pero wala na siya.
Dei: Hindi naman si Uno ang boyfriend ko. At hindi mo na sya kailangan pang makilala. Eric marami pa akong gagawin at oras pa ng trabaho sige na. Enjoy your drink tapos umalis ka na.
Tumayo si Dei at tumalikod pero hinawakan siya ni Eric sa braso, mahigpit. Pinipilit pa rin ni Dei maging mahinahon.
Dei: Eric, ayoko ng gulo please.... ayoko ng eskandalo dito.
Nakita ni Dei na palapit ang Security Guard sa kanila.
Dei: Manong ok lang ho, aalis na ho siya. Hindi ka sasantuhin ng mga guwardiya ko dito kapag kinanti mo ako, kaya kung ako sa yo bitiwan mo na ako habang kaya ko pa silang pigilan.
Umatras ang gwardya pero sinenyasan ang nasa Reception ng E3- code nila para tawagan si JR kung may problema.
JR: Hello, anong emergency?
Receptionist: Sir, nandito po si Mr. Eric Villavicencio. Hindi po namin naririnig ang usapan nila pero hawak po niya ang braso ni Mam Dei at parang ayaw pong bitawan.
JR: Palapitin mo ang gwardya
Receptionist: Lumapit po si Manong pero sinabihan ni Mam na ok lang daw, pero mukha po talagang hindi ok eh. Kaya pinatawag po ako ni Manong sa inyo.
JR: Okay, pabalik na ako, hanapin si Vinz at Sam, take a video kung kailangan kapag sinaktan nya si Dei ipapakulong ko ang hayop na yan. Sige, papunta na ako.
Dali-daling umalis si JR sa Summit para pumunta sa Destiny. Nacontact naman ng Receptionist si Vinz sumugod ito sa Hotel Lobby.
Vinz: Mr. Villavicencio, Good afternoon Sir. Vinz po Operating Manager ng Destiny. Mukha ho atang nasasaktan na si Ms. Dei sa pagkakahawak ninyo kaya kung pwede po pakibitiwan na po sya.
Hinila ng bahagyan ni Eric si Dei.
Eric: Dei, ano ba? Makinig ka naman sa akin please. Wala namang mangyayari sa yo dito. Umuwi na tayo ng Manila masaya naman tayo don di ba?
Niyakap ni Eric si Dei, nagpupumiglas ito.
Dei: Bitiwan mo nga ako! Eric ano ba! Nasasaktan ako.
Vinz: Sir, pakiusap ho, naaalarma na ho ang Security namin eh, pakiusap kung ayaw sumama ni Ms. Dei sa inyo pabayaan na ninyo siya.
Pero hindi pa rin binibitiwan ni Eric si Dei.
Eric: Wala kayong pakialam dito, personal na problema namin ito ng girlfriend ko.
Dei: Matagal na tayong tapos Eric, ano bang nangyayari sa yo. Kung mahal mo talaga ako pabayaan mo na ako, masaya na ako dito! Bitiwan mo ako, nasasaktan na ako!
Ang lakas ng tunog ng pinto ng hotel sa lakas ng pagkakatulak ni JR. Tumayo ito dalawang dipa ang layo sa kanila sumunod ang gwardiya at tumayo sa gilid ni JR.
JR: Eric... bitiwan mo siya!
Eric: Oy, JR nakabalik ka na pala, kamusta? Pasensya ka na medyo nagkakatampuhan kami ni Dei.
JR: Ang alam ko matagal na kayong hiwalay ni Dei, at sa itsura ng pagpupumiglas nya ngayon sa yo talagang ayaw na niya. Kaya pakiusap, bitiwan mo siya.
Lalo namang humigpit ang pagkakayakap ni Eric kay Dei.
Dei: Aray! ano ba!
JR: SINABING BITAWAN MO ANG GIRLFRIEND KO!
Biglang binunot ni JR ang baril sa holster sa tagiliran ng gwardiya, itinutok at ipinutok humaging sa ulo ni Eric at tumama sa poste ng Beachfront Resto. Nagulat ang lahat sa putok ng baril, nabitiwan ni Eric si Dei at tumakbo ito sa tabi ni JR. Inakbayan ito ni JR habang nakatutok pa rin ang baril kay Eric.
JR: Umalis ka na, dahil sa susunod na iputok ko ito sisiguraduhin kong tatamaan ka na. Nasa loob ka ng teritoryo ko at hindi ako mangingiming barilin ka kapag nagpumilit ka pa. Alis!!!
Dei: Eric please umalis ka na... (takot na takot na si Dei, kilala niya si JR tototohanin nito ang sinabi) Eric sige na umalis ka na.
Eric: Si JR ang boyfriend mo? Parang hindi ako makapaniwala!
Dei: Richie, please ok na ibaba mo na yang baril.
Nanggigigil na itinutok lalo ni JR ang baril kay Eric. Lumapit ang dalawang gwardiya kay Eric at hinawakan ito sa braso. Hinihila nila ito palabas.
Gwardiya: Sir, halika na ho.
Pilit itong nagpupumiglas
JR: Umalis ka ng hayop ka bago pa magdilim ang paningin ko at iputok ko ulit ito, huwag ka ng babalik dito!
Eric: Hindi totoo ang sinasabi mo Dei, Hindi!
Dei: Richie please ibaba mo na yan, hindi na siya makakalapit sa akin.
Iisa na lang ang alam niyang makakapagpakalma sa binata. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito, tinitigan... "Richie please..." Ipinikit ang mga mata at hinalikan sa labi si JR. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang segundo tinugon ni JR ang halik ni Dei at dahan dahang ibinaba ang kamay na may hawak na baril sa tagiliran niya at hinapit ng nakaakbay na braso ang katawan ni Dei upang mapadikit ito sa kanya. Nagulat ang lahat ng staff sa nakita, nangingiti naman si Vinz.
Natulala si Eric sa nakita. Tumigil sa pagpupumiglas, tumalikod na at dahan dahang naglakad palabas ng hotel. Nang maramdaman ni Dei na lumayo na ito. Iminulat ang mata nakita niyang nakapikit si JR at inilayo na ang mukha. Nagmulat ng mata si JR nakita niyang nakatingin si Dei sa papalayong si Eric pero nakayakap pa rin ito sa bewang nya. Niyakap nya din ito, narinig ni Dei ang lakas ng kabog ng dibdib ni JR. Hinaplos ni JR ang buhok niya.
JR: Ok ka lang? Nasaktan ka ba?
Tumango at umiling lang si Dei, medyo namumula ang mukha, parang biglang nahiya sa ginawa niya. Lumapit ang gwardiya sa kanila.
Gwardiya: Sir, akin na ho at baka maiputok nyo ulit yan sa sobrang saya.
JR: Manong ha, alaskador ka din ah. Manong, kayong lahat makinig kayo bawal ng pumasok ang lalaking yon dito. Vinz, gumawa ka ng statement, at ipablotter mo yung gagong yon. Sa susunod na makita ko yun na ginugulo ka ipapakulong ko talaga yon. May nakakuha ba sa inyo ng video ng ginawa nung sira-ulong yon?
Dei: Oy, ang mga words mo naman, kumalma ka na nga!
JR: sorry, pinainit ang ulo ko nung Ex mo eh!
Sam: Oo nakuhanan ko bro simula umpisa hanggang sa napakagandang ending... pang tele nobela!
Hinampas ni Dei si Sam.
Vinz: Ooooyyyy, tapos na ang shooting wala na ang kontrabida, eh bakit magkayakap pa rin kayong dalawa.
Biglang bumitiw si Dei. Narinig nilang nakitukso ang mga staff na nakakita ng nangyari.
Staff: uuuuuuyyyyyyyyyyy...
Dei: Tse! magsipagbalik na nga kayo sa trabaho!, But thanks guys!
JR: oh narinig ninyo ang sinabi ng GIRLFRIEND KO? balik na sa trabaho.
Dei! Tse! isa pa ka! Bumalik ka na sa meeting mo!
JR: Babe, hon, sweetheart tapos na meeting ko, lika na magdate na tayo, nabitin ako sa kiss!
Nagtawanan silang lahat. Pulang pula ang mukha ni Dei, dere-deretsong pumasok sa opisina niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro