Chapter 26
Habang papalapit ng papalapit ang katapusan lalong nagiging busy sa Resort. Halos araw-araw may meeting ang committee para sa Flores de Mayo. Lalo na si Dei at Krizza pero nageenjoy naman sila. Pero kahit gaano kabusy, kapansin pansin pa rin ang magiliw na pakikitungo ni JR kay Dei. Nandyang tulungan ito sa kung ano mang binubuhat, ihatid at sunduin ito kung saan man pupunta at dalhan ng pasalubong kapag umaalis siya.
Katulad ng hapon na yon na galing sya sa isang meeting at napadaan daw sa Starbucks.
JR: Vinz, si Dei?
Vinz: nandiyan lang kanina pakalat kalat kasama nila Imee.
Biglang dumating si Dei kasama ang committee galing sa beach. Naglalakad ito ng patalikod habang nagmuwestra sa mga kausap na tawanan naman ng tawanan hanggang sa masabit ang paa nito sa isang bato at na-out balance, dalawang dipa ang layo kay JR. Mabilis na tumakbo si JR at sinalo ito.
Nagulat din ang lahat at napasigaw. Maagap na naitayo ito ni JR.
JR: Ano ba kasing ginagawa mo at naglalakad ka ng patalikod? Hindi ka tumitingin sa dinadaan mo eh. Sam! alisin mo nga itong batong ito, makakadisgrasya pa yan eh.
Tumingin ito kay Dei.
JR: Ok ka lang ba?
Dei: Yup, ok lang ako, no bumps or bruise. Thanks to you!
JR: Nakuha mo pa talagang magpacute ha.Eh kung hindi kita nasalo nagkabukol ka na. Ayusin mo yang paglalakad mo!
Dei: Pasensya na kayo guys mukhang mainit ang ulo ng Kuya ko.
JR: Wag mo nga akong tinatawag na kuya! Vinz, ibigay mo sa kanya yang dala ko baka sakaling maayos ang paglalakad nyan kapag nakakain na.
At umalis itong nakakunot ang noo.
Dei: Anong problema non?
VInz: Huwag mo daw siyang tawaging Kuya, Love na lang!
Nagtawanan sila at tinukso naman siya pati ng mga members ng committee.
Imee: Alam mo Ms. Dei, parang mas bagay nga kung Love ang tawag mo hindi Kuya.
Sheila: Oo nga Ms. Dei, bagay naman kayo eh.
Dei: Pati naman kayo nakikisali sa kalokohan nito ni Vinz eh. Ang tagal ko ng kasama yan, hanggang ngayon umiinit pa din ang ulo sa akin, pano nyo naman sasabihing gusto ako non.
Vinz: Baka naman kasi nagalala talaga
Imee: Oo nga, ayaw na masaktan ka eh ikaw naman kasi Ms. Dei kung ano-anong ginagawa mo.
Sam: Pati tuloy itong bato at ako napagdidiskitahan eh.
Nagtawanan silang lahat.
Dumating ang araw ng Flores de Mayo, ready na sa parking area ang float ng Destiny at Summit at nilagyan ito ng generator para sa ilaw. Ang backdrop ng dalawang float ay ipinapaint pa para magmukhang totoo. Ang backdrop ng float ng Destiny ay ang view ng sunset sa beach at ang backdrop naman ng Summit ay ang bukang liwayway sa tabing dagat. Sa isang gilid ng truck nakalagay ang kanilang logo at sa kabila ang pangalan ng Resort. Nilagyan ng parang maliit na elevation ang kalahati ng likod ng tinakpan ng white sand ang sahig at nilagyan ng upuan sa gitna na nakasandal likod ng 6 wheeler truck at lalagyan ng mga sariwang bulaklak ang likod at tagiliran ng mga ito. Ang itsura tuloy ng uupo don ay para talagang nasa tabing dagat.
Ipinadeliver na ni Dei sa Committee ang mga gown at barong, binigyan ng receiving slip at sinabing mismong sa GM ng bawat resort papirmahan at ibabalik ito sa Gala Night kaya dapat may bitbit na pamalit na pangparty ang lahat. Pagkapananghali, naging busy naman si Dei at Krizza sa kitchen, gumawa sila ng pack meals para sa mga driver ng mga floats at dalawang grupo ng banda na tutugtog sa Parada.
Dumating ang Ms. Malay at First Runner Up bandang alas kwatro ng hapon, dinala sila ni Krizza sa isang room sa hotel kung saan naghihintay ang magaayos at si Michael Cinco na magbibihis sa kanila. Nagbihis at nagready na din si Ram na mageescort sa First Runner UP at si JR na mageescort sa Ms. Malay.
Pagdating ng mga myembro ng banda ng alas sinko ng hapon pinamiryenda na nila Dei ng carbonara at garlic bread at ice tea. Pati na ang driver at float ng Destiny. Non nakaramdam ng pagod si Dei. Humingi siya ng frozen lemonade kay Sam at sinabing kung may maghahanap sa kanya nasa office lang sya. Nagpahinga siya sa couch na nasa office niya. Makalipas ang 30 minutos dumating si JR
JR: Sam si Dei nakita mo?
Sam: Nasa office niya Sir, mukhang pagod at masama na ang pakiramdam eh. Maghapon kasing nasa kitchen.
JR: Kamusta naman tapos na ba lahat pati yung food para sa Gala Night?
Sam: Oo tapos na, buti nga maagang natapos at least kahit isa o dalawang oras makapagpahinga pa siya eh.
JR: Sige, puntahan ko na lang.
Pagbukas ni JR ng pinto ng office niya, narinig ni Dei at nagmulat ng mata. Naupo ito ng makita si JR.
Dei: May problema ba?
JR: Ok ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka na eh.
Dei: Medyo, kaya nga eto nagtago na ako dito eh. Is everything ready? nailagay na ba yung cooler ng tubig ninyo?
JR: Oo ready na wag mo nang isipin yon. Magpahinga ka na lang.
Dei: Magsi-six na sige na pumunta na kayo sa Munisipyo. I'll be alright. Nasan ang barong mo?
JR: Nasa kotse na, pababa na din sila Krizza at yung mga girls, gusto lang namin makita mo bago umalis.
Dei: Ok let's go.
Nagpunta sila sa entrance ng hotel, kinukuhanan ng pictures ang mga dalaga.
Krizza: What do you think Dei?
Dei: You all look great. Can you guys go up on the float para makuhanan ng magandang picture at makita na din natin kung ano itsura. Isinuot ni JR ang barong at inayos pa ni Dei ang kwelyo nito.
Nagpunta sila sa parking area, tuwang tuwa sila sa ganda ng mga float. Sumakay si JR at ang Ms. Malay na si Bea sa float ng Destiny at si Ram at ang first runner up na si Jasmine sa float ng Summit.
Dei: Perfect, you looked perfect up there. Hindi ba gumagalaw yang mga silya ninyo.
Vinz: Hindi gagalaw yan nakascrew yan.
Dei: Ok, sige baba na kayo at sumakay na kayo sa Van. We will see you sa program later.
Lumapit si Ram at JR sa kanila ni Krizza para magpaalam. Hinalikan ni Ram sa labi si Krizza.
JR: Ok ka lang ba talaga? Si Vinz na lang pagescortin ko para masamahan kita dito.
Dei: Ano ka ba ikaw ang representative ng Destiny, sige na ok lang talaga ako.
JR: Magpahinga ka kahit sandali mga 8 pa naman magstart yung program.
Hinaplos ni JR ang pisngi niya at hinalikan siya sa buhok at may bahagyang yakap pa. Napatingin si Krizza nangingiti. Kumaway pa sila ng palabas na ang Van.
Krizza: What was that all about?
Dei: Ewan ko don masyadong concern
Krizza: Hindi kaya... he is falling for you.
Dei: Ayan ka na naman Krizza, halika na nga magshower na tayo at ng makapagpahinga pa.
Bago mag-alas otso nasa munisipyo na sila. Excited sila pareho ni Krizza sa kalalabasan ng program. Si Imee ang naghost ng program. Isa isang bumaba ng float ang mga sagala, umakyat ng stage, rumampa habang iniintroduce sila ng isa isa at and resort na nirerepresent nila. Pagkatapos ay tumayo sa lower portion ng stage.
Imee: Now, our Ms. Malay First Runner-Up Ms. Jasmine Fernandez and her escort Summit Resort and Hotel's Chief Operating Officer, Mr. Ramon Santillan-Perez.
Nagpalakpakan ang mga tao, pati si Sir Simon na nakaupo sa tabi ni Mayor Yap at humihiyaw si Dei, Krizza, Vinz at Sam.
Imee: And last but definitely not the least, our Ms. Malay of the year who will represent us on the upcoming Ms. Earth, Ms. Bea Liezel Gomez and her escort, Destiny Resort and Hotel's Chief Operating Officer and Asia's motocross Champion, Mr. Richard Santillan-Perez.
Lalong nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao.
Imee: Of course we would also like to acknowledge and thank the person who has made all this lovely gowns, one of the most famous couturier in the Philippines Mr. Michael Cinco. Siya po ang tumahi ng lahat ng gown at barong na suot ng mga naggagandahang dilag at naggugwapuhang mga ginoo ngayong gabi. Thank you so much Mr Cinco.
Lumakad papunta sa gitna ng stage si Michael habang kumakaway, nagbow habang nagpapalakpakan ang mga tao.
Imee: Ngunit, matutuwa po kayo at magiging proud na malaman na ang nagdesenyo po ng mga napakagagandang gowns ngayong gabi ay tubong Malay. Anak mismo ng Malay ang bago ngunit magaling na designer na ito. Kitang kita naman sa mga designs niya. Mga kaibigan isang masigabong palakpakan para sa Le Botique by Krizza... the designer Ms. Krizza Anne Bonifacio-Perez.
Nagulat si Ram, pumalakpak at sumipol pa. Nagulat din si Sir Simon, nayakap nito si Krizza at bumulong "I am very proud of you Hija". Naluha si Krizza, niyakap din siya ni Dei. Lumapit si Michael Cinco at naglakad sila sa stage. Hindi magkamayaw ang palakpakan ng mga tao.
Imee: At syempre, hindi po magiging matagumpay ang lahat ng ito kung hindi dahil sa ating Head Sponsor, one of the most generous person that we have met. Isa sa pinaka successful na Businessman ng bansa, ang President ng Summit Holdings, Owner of Summit Resort and Hotel and Destiny Resort and Hotel, Mr. Simon John Perez.
Nagpalakpakan ang lahat.
Sir Simon: Magandang gabi po sa inyong lahat, isang karangalan ang maanyayahan para makasali sa mga ganitong masayang pagdiriwang. Sana po ay nagustuhan ninyo ang handog namin para sa inyo. Bilang pasasalamat sa walang sawang pagtangkilik at pagbisita ninyo sa aming lugar at makakaasa kayong paghuhusayin pa namin ang mga serbisyo sa inyong lahat at sa mga turistang bumibisita dito sa atin. Ang sabi po ni Imee, hindi magiging matagumpay ito kung hindi dahil sa akin. Ang totoo po ang ginawa ko lang ay pumirma ng cheke.
Nagtawanan ang mga tao. Tinapik ni Mayor ang balikat ni Sir Simon ng natatawa.
Sir Simon: Ang totoo ang dapat nating pasalamatan ay ang mga taong nagpakapagod sa naturang pagdiriwang na ito. I may have the money but I don't have the brains and strength to do all this. Kaya palakpakan po natin si Mayor Yap at ang bumubuo ng committee ng pagdiriwang na ito at ang aking mga anak na sina Ram, JR, Krizza at Dei.
Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Imee: Bilang pagtatapos natin, para magbigay po ng konting inspirasyon sa atin sa ating paguwi. One of the people behind the success of Destiny and Summit this days at ang tao pong walang sawang nagpakain sa amin, nasira nya ho ang diet namin sa sobrang sarap ng mga pagkain. Destiny Resort and Hotel's F&B Manager, Ms. Dei Gianne Capili-Perez.
Dei: Good evening po. Sana po nagustuhan ninyo ang handog namin para sa inyo. Hindi ko na po pahahabain pa ito... let me just leave you with this... I heard this saying before...behind every successful man is a wonderful woman. Just the same... behind every successful event...are wonderful people who are willing to help and achieve one common goal. Thank you, Imee and the rest of the committee and Thank you Mayor John for giving us the opportunity to be a part of this celebration. We hope that you will all continue to support projects like this and more. Maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat.
Inalalayan ni Mayor Yap, bumaba ng stage si Dei. Kinausap nito si Sir Simon, sabay sabay na itong naglakad papunta sa garahe ng munisipyo. Nagkita silang lahat doon dahil doon din nakaparada ang Van na sinakyan ni Ram at JR.
JR: Hi Dad!
Sir Simon: O sige na sumakay na kayo sa Van at bumalik na sa Destiny.
JR: Dad, si Dei ho?
Sir Simon: Si John na ang magsasabay sa kanya.
Kumunot ang noo ni JR at nakita yon ni Ram. Inakbayan nya ito at niyaya na sa Van. Nauna sa Destiny sila Ram. Pagbaba ng Van dere-deretso sa beachfront si JR.
JR: Sam! Pahinging san mig light. SAM! ANO BA?!
Sam: Yes, sir! Eto na po.
Ram: Huwag mong daanin sa init ng ulo, am sure Dad is just being nice. Mukhang ipinagpaalam si Dei eh di wala namang magagawa si Dad, alangan namang tanggihan ni Dad si Mayor?
Sam: Ano bang nangyari?
Ram: Ayun oh tignan mo yung papasok ng hotel.
Nakita nila na magkasabay na naglalakad si Mayor Yap at Dei, nakaabre siete pa si Dei sa braso ng Mayor at mukhang masayang naguusap.
Sam: Ayon, kaya naman pala... nagseselos ka? Ang bagal mo kasi eh.
JR: Hindi no! pakialam ko ba sa kanila.
Ram: Hindi ha, sigurado ka lang dyan eh yang itsura mo parang boyfriend na galit na galit eh.
Sam: Sinabi ko sa yo, bilisan mo kasi. Nung una si Uno kung hindi pa nagkaproblema nawala na yan sa yo. Ngayon si Mayor mabigat na kalaban yan.
Ram: Halika na sa taas, sige ka baka mamaya ginawa ng appetizer ni Mayor yung si Dei.
Tinungga ni JR ang laman ng bote, bottoms up. Habang naglalakad ito, " Ano nga ba ang problema mo Richie, hindi mo naman gf eh bat kung magreact ka? basta I don't like it."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro