Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Kinalunisan alas sais ng gabi dumating si Uno sa Destiny. Inabutan nya si JR at Vinz na  nakaupo sa Beachfront Resto.

Uno:  Bro, kamusta?

JR:  Okay naman, ikaw?

Uno:  Same old thing, wala naman ng mababago pa sa buhay ko.

Malungkot na sabi nito, hinawakan ni JR sa balikat si Uno.

Uno: Si Dei, kamusta?

JR: Mukha namang ok pero ewan ko din, hindi naman nagsasalita pagkatapos mapanood sa TV ang interview mo eh.

Lalong lumungkot ang mukha ni Uno. 

JR:  Napasyal ka? Hinahanap mo si Dei? Mayamaya lang palabas na yon.

Uno:  Magpapaalam na ako Bro, ok na ito at least I've had the chance of knowing her and making her smile. Kapag hindi pa ako nagpaalam sa kanya baka hindi ko na siya maiwan eh. Kaya habang kaya ko pa gagawin ko na.

Papasok ng beach front resto si Dei at natigilan ito ng makita si Uno.Pumikit, huminga ng malalim at humalukipkip si Dei bago ito lumapit sa lamesa nila Uno. Ngumiti siya at pinilit na ipakita kay Uno na masaya siya at ok lang siya.

Dei:  Look who's back?! Kailan ka pa nakabalik?

Napatayo si Uno ng marinig ang boses ni Dei, humarap ito sa dalaga na malungkot ang mukha.

Uno:  Hi.  Kadarating ko lang, dito talaga ako dumeretso.

Bumeso si Dei kay Uno.

Dei:  O bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ako sanay, at hindi bagay sa yo.

Uno: Medyo marami lang iniisip, pwede ba tayong magusap?

Dei:  Oo naman, don tayo sa may beach oh. Vinz, pahingi ng frozen margarita at san mig light.

Nauna ng naglakad si Dei papunta sa beach, nagpaalam si Uno kila JR at sumunod na kay Dei.  Naupo si Dei sa isang beach chair at naupo naman sa buhanginan sa harap niya si Uno.

Dei:  Huwag ka dyan dito ka na lang sa chair oh.

Uno:  Gusto kong makita ang mukha mo eh. 

Tumayo si Dei at umupo sa buhangin sa tabi ni Uno. Binunggo niya ng balikat ang balikat nito.

Dei:  Ok ka lang ba? Masyado kang seryoso eh

Uno:  Hindi eh, hindi ko nga alam kung saan ko sisimulan ang sasabihin ko eh.

Dei:  Let me start it for you.  Nakita kita sa TV, hindi ka telegenic lalo na kapag seryoso at nakasimangot ka. I like the you around here in Boracay, yung masaya, yung laging nakangiti, yung walang ginawa kundi pasayahin ako.  Maganda pala si Maxine, she looked smart, bagay kayo. Congrats pala on the company merger and congrats na din sa engagement ninyo.

Uno:  Dei, please stop it. Stop being nice.

Dei:  I'm not being nice, totoo lang ang sinasabi ko, kaylan ba ako nagsinungaling sa yo?

Uno:  Bakit hindi ka na lang magalit?  Sabihin mo sa akin na pinaglalaruan kita na sana hindi mo na lang ako nakilala?

Dei:  Wala akong dahilan para magalit sa yo, dahil matagal ko ng alam na  engaged ka. Tsaka hindi mo naman ako nililigawan, so really kung masasaktan ako in any way, hindi mo kasalanan.

Uno: Sabi mo masaya kang kasama ako, na naniniwala kang kung magmamahal ako ikaw lang ang mamahalin ko?

Dei:   Oo naman, Timmy, wala kang ibang ginawa kung hindi pasayahin ako, make me feel special. You brought me flowers, you took me out for dinner, you made me happy. Pero hindi mo naman sinabi na nililigawan mo ako at lalong hindi mo sinabi na mahal mo ako. At hindi din naman ako assumming na tao. Oo nakakalungkot, kasi mawawala ka na naman and this time baka hindi ka na bumalik but I understand. I perfectly understand. Favor, just let me be this way kasi mas madali ito para sa akin eh.

Uno:  I know I should not have even tried meeting you, getting to know you kasi alam kong wala namang patutunguhan.  Pero hindi ko napigilan ang sarili ko, sabi ko I would take whatever I can have and everything turned great when you are around Dei.  Totoo yung sinabi ko sa interview never  have I regretted being a "Tan"  until now because I'd rather be a poor man para at least I can love you and show you how much I do. Sorry Dei...

Hinawakan ni Dei ang kamay ni Uno.

Dei:  I am not... because it was fun and happy while it lasted. We've had so much happy memories together, short but happy ones.  Let's keep it that way.  For what its worth, in a perfect world Timmy ours could have been one great love story that would last. But we have to accept the fact that we are living in an imperfect world and in here life was never easy.

Niyakap ni Uno si Dei, mahigpit matagal, naramdaman ni Dei na umiiyak ito.

Uno:  Kaya madali kang mahalin kasi you have a heart like no other. Remember, you are my one that got away Dei.  You are a wonderful person in and out and you deserve someone who would love you to the fullest.  Huwag mo akong gagayahin, when you find him, fight for him and  never settle for anyone less.

Dei:  I will.  Timmy, promise me you will not close your heart to Maxine she seemed to be a nice girl too. If we can teach our hearts to forget, I know we can teach them to love someone else too. Do not make your lives miserable, instead make the best of what you have.

Uno:  Dei... I ...

Tinakpan ni Dei ng daliri ang labi ni Uno.

Dei:  There are things better left unsaid  and better left not knowing.  I will miss you too, definitely will.

Hinalikan ni Dei sa pisngi si Uno at pinunasan ng daliri ang mga luha nito.

Dei:  Now stop crying because I want to remember your face with a big smile. Besides madaling magkawrinkles ang taong laging malungkot, nakasimangot at umiiyak. Nakakasira ng kagwapuhan yan eh. Yan tignan mo pumapangit ka na tuloy.

Lumapit si JR, may dalang frozen margarita at dalawang bote ng sanmiglight para sa kanila ni  Uno.

JR:  Bro, ang sagwa ng itsura mo kapag umiiyak ka, parang rocky mountains ng Denver. 

Natawa naman si Uno at Dei.

JR:  Isipin mo na lang papunta ka sa bungee jumping, pagtalon mo kahit gaano kalalim matatapos din at hindi ka mamatay dahil nakaharness ka naman, parang motocross lang nakakatakot, delikado ang daan pero at the end ikaw pa rin ang champion. Kaya alam kong kaya mo yan, be that champion man!

Uno:  Thanks bro! Ikaw na ang bahala kay Dei ha. Make her happy for me please.

JR:  Wag kang magalala I will.

Nagtoast silang tatlo at pinanood ang sunset.

JR:  Ang buhay parang sunset it always turns beautiful at one point then turned completely black.  But remember all you have to do is sleep and there will be a new day ahead of you.

Uno:  Cheers to that!

Dei: Cheers!

Naubos na nila ang laman ng hawak na baso at bote. Nagpaalam na si Uno. Niyakap niyang pareho si Dei at JR.   Halatang iniiwasan nito tumingin kay Dei.  Sabay na naglakad palayo kay Dei si Uno at JR. Nakakailang hakbang pa lang ito tinawag ulit ni Dei.

Dei:  Uno... 

Lumingon si Uno at non nya nakita na may luhang namumuo sa mata nito.

Dei:  Uno, if you guys decided na dito magpakasal, tell Maxine, I want an invitation with my name on it.

At ngumiti ito... for the last time nakita ni Uno... that genuine smile that he loved so much. At tumalikod na si Dei.  Inakbayan ni JR si Uno at niyaya na palabas ng resort. Nagsimulang magunahang malaglag sa pisngi  ang mga luha ni Dei. Tumakbo siya papunta sa Cottage niya, dumapa sa kama at doon pinalaya ang damdamin. 

Pagbalik ni JR wala na sa harap ng resort si Dei ng silipin niya ito malayo na itong tumatakbo papunta sa cottage. Naglakad si JR para sundan ito. Nang makarating sa cottage ni Dei, naupo lang siya labas at nagpalipas ng kinse minutos bago pumasok sa loob.  Pumasok siya sa cottage dumeretso sa kwarto kung saan nakitang nyang nakadapa sa kama si Dei at umiiyak. Humiga siya sa tabi nito at walang imik na nakinig lang sa pagiyak ng dalaga. Mayamaya pa nilingon ito ni Dei, nakita niyang nakapikit ito. Tumihaya si Dei at pinahiran ng palad ang mga luha.

Dei: Ano bang ginagawa mo dito?  Pinagtitripan mo na naman ba ako?  Ano gusto mong sabihin na "you told me so?"

JR:  Hindi, gusto lang kitang damayan sa pagdadalamhati mo.  You might not believe me I do feel your pain.

Dei: Parang hindi naman

JR:  Pwede ba, give me a break, I am really trying.  Ikaw, bakit ba para sa yo parang ang sama-sama kong tao ha?!

Dei:  O kita mo, tumataas na yang boses mo, nakikiramay ka ng lagay na yan ha

JR:  Eh kasi naman ikaw eh. Sincere naman ako sa pakikiramay ko ayaw mo pang maniwala dyan.

Dei:  Ok my bad... pasensya hindi lang ako sanay na mabait ka sa akin.

JR:  Hindi ka pa naniniwala iniligtas nga kita nung nasa Balinghai tayo!

Dei:  Ok point taken, sorry.

JR:  Dei, question... iiyak ka din pala eh bakit hindi mo pa pinakita kay Uno?

Dei:  Kasi ayoko ng dagdagan pa ang aalalahanin niya.  He already has his plate full, wala naman syang kasalanan sa akin, I was aware of it all.  It was a risk I took on my own. It's sad but I never regretted it.  Kasi during those times na kasama ko sya alam kong mahalaga ako sa kanya and that is enough for me.

JR:  Pero alam mong mahal ka niya?

Dei:  Ramdam ko naman yon hindi naman ako manhid eh.

JR:  For what its worth, I can confirm to you na mahal ka niya. Never pang nagsalita ng against sa pamilya niya si Uno in his life kaya para sabihin niya on live TV na he regretted being a "Tan" is a big deal. Tsaka matagal kong nakasama si Uno, wala pa akong nakitang sineryoso nya ng ganyan, ikaw pa lang.

Ngumiti lang si Dei.

JR:  You are something else really, kasi kung ibang babae yan inaway na si Uno, sinisi ng katakottakot, ikaw you did the opposite.

Dei:  It takes two to tango, hindi naman ako masasaktan if I didn't let it happen, so bakit ko isisisi sa kanya ang kasalanang half of it ako ang may gawa?

JR:  Tama ang Daddy, you are not smart... instead you are wise.  Iba kang magisip kaysa mga babaeng kaidad mo.

Dei:  Not all the time, may mga bagay that I chose to be on a one set mind na parang bata, katulad ng tungkol sa babaing pumatay sa Papa ko.

JR:  Well, that is understandable, the pain is so deep and not easy to forget. Ako nga na nakaalam lang ng nangyari sa Papa mo, nasaktan para sa yo. Ikaw pa kaya.  Question ulit, did you really fall for Uno?

Dei:  I think Uno is  a really great guy, I care for him, masaya ako kapag kasama ko siya but I never really had the chance na makasama siya to  the point that I can easily say na mahal ko siya.  Or yung feeling na ipaglalaban ko siya kahit sino pa siya. Kasi If Iove him, pakialam ko ba sa business na yan, baka niyaya ko pa yon na itanan na lang ako.  

JR:  Eh bakit ka umiiyak?

Dei:  Because it hurts knowing na mawawala sa akin ang isang taong alam kong mahalaga at nakakapagpasaya sa araw ko. Kung alaga nga iniiyakan kapag nawawala tao pa kaya? Actually thinking about it, sa dami ng taong nangiwan sa akin I should be used to it by now, pero hindi eh. Kahit anong gawin ko masakit pa rin.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ni Dei.

Dei:  Minsan tuloy iniisip ko mabuti pa kaya mamundok na lang ako, pumunta sa kung saan magisa lang ako, para walang mga taong napapalapit sa akin at nagiging close ko kasi eventually iiwan din naman nila ako eh.

Lalo lang itong napaiyak. Humarap si JR kay Dei.

JR:  Sssshhhh, hindi lahat ng taong malapit sa yo iiwan ka. Katulad ni Daddy, Ram, Krizza, Vinz at Sam at marami pang iba who stayed with you, kasi mahalaga ka sa kanila at mahal ka nila. Kahit na ako, hindi kita iiwan, pangako.

Dei:  You're just saying that to make me feel better.

JR:  Just this ones Dei, shut up and believe me. I may be a spoiled brat, a jerk sometimes but I am not a liar. Tama na tumahan ka na, magang maga  na yang mata mo oh.  Ano pa bang proof ang gusto mo para maniwala kang hindi kita iiwan? Eto oh nandito nga ako di ba?

Hinawakan ni JR ang magkabilang pisngi ni Dei, inayos ang buhok na kumalat sa mukha nito at tinittigan ang mukha nito, ang mata, naramdaman niyang gusto nyang tuyuin ang mga luha ng dalaga. Tinuyo niya ng labi ang mga luha nito sa magkabilang pisngi, ng mapatapat ang labi nya sa labi ng dalaga,napatitig siya sa labi nito at may kung anong bugso ng damdamin ang nagtulak sa kanya para idampi ang labi niya sa labi ni Dei at napapikit ang mata at muling hinalikan si Dei. Inilayo ni Dei ang mukha 

Dei:  Bakit mo ako hinalikan? Lasing ka ba?

JR:  Hindi, iisang bote nga lang nainom ko eh.

Dei:  Then, what was that?

JR:  Honestly, hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yon, ang alam ko lang I want to make you feel better.

Napaisip si Dei... "well it did make her feel better. Pero bakit?"

Ipinikit na lang ni Dei ang mata, si JR nakatitig sa kisame at nagiisip.  "Chelsea did told me before,  that my kiss makes her feel better, I think I was hoping that it would do the same to her. Ano ba Richie?! What is happening to you?"  Mayamaya pa tuluyan na silang nakatulog.
































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro