Chapter 21
Nanatili sila sa Balinghai ng buong maghapon na yon. Hindi magkandamayaw ang kasiyahan sa mukha ni Dei kaya masaya si Sir Simon na kahit papaano ay napasaya niya ang anak-anakan pati na sila Ram, Krizza at JR. Simula nag mamatay ang kanyang asawa hindi na din naman sya nagkaron ng pagkakataon na makasama ang mga ito ganitong pagkakataon.
Sir Simon: Mukhang nagustuhan ng mga anak ko ang lugar mo Rodrigo. Ibigay mo sa akin ang pinakamagandang presyong maibibigay mo at magkakasundo tayo.
Mang Rod: Hayaan mo at kakausapin ko ang asawa ko. Maiba ako ano bang balak mong gawin dito kapag nabili mo?
Sir Simon: Dito ko itatayo ang beach house na pinangarap ng nasira kong asawa at dito na ako magreretiro kasama ang mga anak ko. Tama naman na siguro ang dalawang resort hotel na meron ako para mabuhay ng maayos hindi ba? Kaya kapag natapos ang bahay ko dito, panonoorin ko na lang ang mga anak ko at magiging apo na naglalaro sa harap ng bahay ko.
Napangiti si Mang Rod sa narinig, hindi niya akalain na ang mayamang don ay simple lang pala ang pangarap sa buhay.
Mang Rod: Matutuwa ang asawa ko na malaman na tirahan ninyo pala ang itatayo ninyo dito. Ang totoo Señor ayaw ibenta ng Misis ko ang lugar na ito dahil ayaw niyangmasira ang kagandahan ng lugar na ito. Kung hindi nga lang, kailangan na naming pumunta ng America at walang magaasikaso dito hindi namin ibebenta ang lugar na ito. Kaya alam kong matutuwa siya na tahanan ninyo at hindi isang resort ang balak ninyong itayo dito. Halika at ipapakita ko sa yo ang kabuoan ng lugar pati ang kalsada at kabahayan sa likod nito.
Sir Simon: Sige, teka at isama natin ang dalawang anak kong lalaki. Sila ang magaasikaso ng plano ng lugar at pagpapatayo nito kaya dapat na makita nila.
Tumayo si Sir Simon at tinawag si Ram at JR para samahan siya. Nagpaalam naman ang dalawa kay Vinz at Sam.
Ram: Vinz paki sabi kila Krizza sasamahan lang namin ang Daddy.
Vinz: Oo sige
JR: Sam bantayan mo yang dalawa ha, baka mapunta sa masyadong malalim.
Sam: Akong bahala hindi ko hihiwalayan yang mga yan.
Mga isang oras pang naglangoy, nagsnorkel ang apat ng makaramdam ng pagod. Umahon si Dei at Krizza at nakitang iisang lalaki na lang ang nakaupo sa tabi ng lamesa na inuupuan ng kanilang ama kanina at wala din sila JR at Ram
Krizza: Vinz, nakita mo kung saan nagpunta sila Ram?
Vinz: Oo sinamahan si Tito para tignan ang buong lugar.
Sam: Ano magmeryenda tayo at magsimula ng magihaw?
Dei: Oo nga para pagdating ng Daddy, makakakain na ng tanghalian.
Umakyat sa Yate si Vinz at Sam at nagpatulong kay Mang Roger na ibaba ang cooler at ang portable na ihawan at mga pagkain. Nakita naman ito ng lalaki sa may lamesa lumapit ito sa kanila nagpakilala sa pangalang Melchor at sinabing kukunin lang ang balsa para madaling madala sa pampang ang mga gamit. Mabilis naman nilang naibaba ang mga gamit. Tinulungan ni Melchor si Sam na magpadingas ng uling at magihaw.
Vinz: Oy kayong dalawa, masyado ng mainit ng araw dito na kayo may sandwich dito at nachos.
Kumuha si Vinz ng limang canned soft drinks at binigyan ang lahat ng nandon.
Naupo si Dei sa isang beach chair, nagsuot ng sunglass at inilatag ang katawan at nagtakip ng towel mula sa bewang hanggang hita, nahiga din sa katabing beach chair si Krizza.
Vinz: Ano napagod na kayo no? Sige umidlip na muna kayo kami ng bahalang magayos ng pananghalian.
Makalipas ang isang oras bumalik na sila Sir Simon, JR at Ram kasama si Mang Rod at ang asawa nitong si Mayla na may bitbit na kasirola. Natapos na ding magihaw sila Sam at Vinz at nakahain na ang pagkain sa lamesa.
Sir Simon: Oh mabuti at nakaluto na kayo.
Vinz: Mainit na ho kasi masyado at napagod na ho sila sa kakalangoy kaya ipinaayos na itong mga pagkain.
Sir Simon: Rod, Mayla, Melchor halina kayong maupo at sabayan ninyo kaming kumain. Ram gisingin na ninyo sila Krizza at Dei ng makakain na.
Nagkatinginan sila Ram at JR, may naiisip na namang kalokohan,naghugas sila ang kamay sa dagat lumapit kay Dei at Krizza at winisikan ng tubig ang dalawa. Nagising si Krizza at napasigaw, gayundin si Dei.
Krizza: What the f... babe ano ba!
Hindi umimik si Dei, pinunasan lang ang mukha, tumayo at biglang sinugod si JR, binunggo niya ito at natumba ito, pinilipit niya patalikod ang braso nito, napadapa si JR sa buhangin, inupuan siya ni Dei sa likod. Napaaray si JR.
Dei: Daddy, do you mind having a one armed son?
Sir Simon: Not at all darling! Tanggalan mo nga yan ng isang braso para hindi na makapag extreme sports pa.
Tawa ng tawa si Sir Simon, Ram, Krizza , Vinz at Sam
JR: Dei, masakit na! Daddy naman eh.
Sir Simon: Hija, sige na pakawalan mo na, kawawa naman kung mawalan ng isang braso pano na ang mga magiging apo ko.
Nagtawanan sila, binitiwan siya ni Dei at tumayo, tatayo na sana si JR bigla itong pinatungan ng paa ni Dei sa likod, napasubsob si JR sa buhangin.
Dei: If you try anything stupid, hindi ko na pakikinggan ang daddy I swear!
JR: Oo na hindi na nga. Kuya Ram kasi ikaw nakaisip nung kalokohan na yon eh! San nyo ho ba napulot itong anak anakan ninyo at parang amasona.
Lalo silang natawa, at kanya kanya ng kuha ng pagkain ang bawat isa. Nang makakuha ng pagkain si JR kumuha ito ng tatlong piraso ng sugpo, binalatan at inilagay sa pinggan ni Dei. Napatingin si Dei sa kanya.
JR: Bati na tayo, promise magbebehave na ako, at hindi ko na susundin ang kalokohan nito ni Kuya.
Dei: Basta ba ipagbabalat mo ako palagi ng sugpo eh
JR: kahit ilang kilo pa yan, ipagbabalat kita.
Napangiti na si Dei at masaya silang nagkainan. Matapos kumain naglakad lakad sa pampang si Dei at Krizza.
Dei: Kamusta ang pagbili mo ng materyales?
Krizza: Ok na sinisimulan ko ng tahiin. Nagpaalam ako kay Ram na kapag wala sya sa bahay doon muna ako kila Nanay kasi namimiss ko na din sila. Pumayag naman siya, doon ko tinatahi at nakakatulong ko pa yung dalawang kapatid ko. Kaya alam kong mabilis na matatapos ang gown.
Dei: That's good.
Habang nagkukwentuhan ang dalawa dahan dahang lumapit si JR at Vinz sa kanila.
Krizza: Tsaka magsasalitan yung dalawang kapatid ko sa pagbabantay ng shop kasi yung isa pangumaga at yung isa panghapon naman sa school.
Dei: Mabuti kung ganon, in no time, makakapagopening ka na ng Botique by Krizza. Ang saya!
Krizza: Well, thanks to you, kasi kung hindi sa tulong mo at hindi mo ipinagawa sa akin ang design ng rooms sa annex hindi ako magkakaron ng puhunan. I am really happy sis. Sana matuwa si Ram at Daddy no?
Nakaharap silang pareho sa dagat kaya hindi nila namalayan na kanina pa nasa likuran nila si JR at Vinz at narinig ang usapan nila.
JR: Ikaw si Anne ang designer na rooms sa Annex?
Vinz: Anong Botique by Krizza?
Nagulat si Dei at Krizza.
Dei: Wala yon, just some dreams of mine and Krizza.
JR: Alam mo Dei, you're not a good liar kaya kung ako sa yo umamin ka na.
Tumingin si Dei kay Krizza. Hinila ni Krizza si JR at Vinz palayo sa grupo nila. Sumunod lang si Dei.
Krizza: Sige na, we will let you in on the secret pero promise huwag ninyong sasabihin kay Ram at Daddy. Lalo ka na JR. Kapag ito nakalabas kayong dalawa lang ni Vinz ang sisisihin ko.
Tumango naman ang dalawa.
Krizza: Oo ako si Anne, ako ang nagdesign ng rooms ng annex building at may shop ako sa may D'mall its called Le'Botique by Krizza, nagsoft opening ako at currently may ginagawa akong wedding gown.
JR: Wow Sis! That is amazing!
Vinz: Grabe ka! May tinatago ka palang talent eh. Bakit hindi mo sabihin sa kanila?
Krizza: I will, in time I will. Humahanap lang ako ng magandang tyempo. I want Ram and Dad to be proud of me.
JR: I'm sure they will be, kasi ako I am really proud of you.
Bago dumilim bumiyahe ng pabalik ang maganak sa Resort. Sabi ni Sir Simon sa penthouse na silang lahat magsipagligo at ng doon na din sila sabay-sabay na magdidinner. Matapos maligo at magbihis nila Ram, JR. Krizza at Dei naupo sila sa sala at nanood ng TV habang hinihintay matapos maligo si Sir Simon. Mayamaya pa ay lumabas na ito ng kwarto niya. Eksakto namang ibinabalita sa TV ang company merging ng pamilya Cheng at Tan.
Sir Simon: Patayin nyo nga yang TV, wala namang...
Dei: No Dad, I want to watch this at hinawakan nito ang remote at nilakasan.
Broadcaster: Ginanap kagabi ang company merger ng pamilya Cheng at Tan sa Shangrila Hotel dito sa Makati. Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan at kasamahan sa negosyo ng dalawang angkan. Naroon din ang tagapagmana at kaisa-isang anak na lalaki ni Mr. Tan na si Timothy o kilala sa pangalang Uno at ang anak na dalaga mi Mr. Cheng na si Maxine.
Ipinakita sa screen na magkatabi sa gitna ng presedential table si Uno at Maxine. Iba ang itsura nito sa laging nakikita ni Dei, seryoso ito at business like habang si Maxine, elegante, maganda at seryoso ang mukha.
Broadcaster: Kagabi din, kasabay ng merger ay ipinahayag ni Mr. Tan ang pagdiriwang nila ng engagement ni Uno at Maxine. Nakatakdang umalis ang dalawa sa kalagitnaan ng linggong ito para asikasuhin ang negosyo at ang nalalapit nilang kasal.
Ipinakita ang kapirasong interview kay Uno at Maxine.
Sa tanong na - anong masasabi ninyo sa merger ng negosyo ng mga pamilya ninyo?
Maxine: I think it is a good idea, you know how the business world is. A stronger company has a better chance of giving people more jobs and help the economy of the country.
Uno: It is what it is! Para sa ikauunlad ng kumpanya at patuloy na pagandahin ang buhay ng mga tao sa ilalim ng mga kumpanyang ito.
Sa tanong na - ano naman ang masasabi ninyo tungkol sa pag-aanounce ng inyong engagement?
Maxine: It is expected eversince, medyo nagulat lang kami na it had to be announced but its no big deal really. Aware naman kami of this since Birth.
Uno: Like what Maxine said, being in this family you are trained to understand that business and personal are just the same thing and yes alam na namin ito noon pa. It's all business.
Sa tanong na - Marami ang nakapansin na wala ka sa birthday celebration ni Uno at may mga nakakita na pareho kayong may kasamang iba in separate occassions, any comments on this?
Lumungkot ng bahagya ang mukha ni Maxine at Uno.
Maxine: Uno and I have different circle of friends because we have different interest, nagkataon din na nasa Singapore ako nung araw na yon kaya hindi talaga ako nakapunta.
Uno: I am in Boracay most of the time kaya doon ako nagcelebrate, para maiba lang. This is between me and Maxine and our families. Pakiusap, let's leave our friends out of this.
Sa tanong na - Any message for your families?
Maxine: Whatever I am doing is for my family and the people connected to our companies. I hope you are all happy now.
Uno: In my 28 years of existence in this world, never have I regretted being a Tan, ngayon lang. Because doing this might have hurt some people's feelings along the way. But me and Maxine agreed on this so we will continue what we are trained to do because this is what my being the only heir to the Tan family and her being the heir to the Cheng family all about. It is a responsibility we have to take even if our hearts are at stake.
Broadcaster: Malaman ang mga huling salita ni Maxine at Uno, kung ano man ang ibig nilang sabihin sila lang ang nakakaalam. But from us to both of you. Congratulations on your engagement.
Nagcommercial. Pinatay ni Dei ang TV. Isang nakakabinging katahimikan ang naganap sa penthouse. Nakatingin lang si JR kay Dei, pilit inaalam ang nararamdaman nito. Hindi man magsalita si Dei, alam niyang may hatid na lungkot ang napanood nito naisip ni JR, "Wala talaga kahit anong gawin naming pagtatago lalabas at lalabas ang totoo, sana nga lang matanggap ni Dei ang katotohanan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro