Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Lumayag ang yate lulan si Sir Simon, Dei, Krizza, Vinz at Sam. Nakasunod naman sa kanila si JR at Ram lulan ng kanilang Jetski.  Si Mang Roger ang isa sa matagal ng tauhan ng mga Perez ang nagmamaneho ng yate. Naupo si Krizza sa tabi ni Dei at napansin nito na nakasuot na ito ng shorts.

Krizza:  Oh bakit nagshorts ka na?

Dei:  Am just not at ease moving around in a skimpy bikini, alisin ko na lang pag magswim na tayo.

Krizza:  Kung nahihiya ka, remember you have nothing to be shy about, ang sexy mo kaya. Huwag mong pinapansin yan si JR... KSP lang yan kaya ganyan yan.

Ngumiti lang si Dei, lumaki sya sa ama na may pagkaconservative kaya talagang hindi lang siya sanay.

Makalipas ang 20 minutos...

Krizza: Dad malapit na tayo?

Sir Simon:  Oo Hija, mga 10 minutes na lang.

Krizza:  Dad pwede ba tayo mag-stop gusto ko sumakay sa jetski eh.

Sir Simon:  Oo nga sige, para makuhanan ko kayo ng litrato.  Roger ihinto mo muna at lilipat sa jetski si Krizza at Dei.

Dei:  Ho? Ok na ako dito Dad.

Sir Simon:  Hanggang ngayon ba natatakot ka pa rin kapag nasa laot ka anak?  Hindi ka dapat matakot hindi ba ang abo ng Papa mo isinabog mo sa dagat na ito, kaya dapat alam mo na hindi ka dapat matakot dahil nandyan sya para bantayan at hindi ka niya pababayaan.

Wala namang phobia si Dei sa dagat dahil nakakapagswimming naman siya at nakakapagjetski ng magisa pero kapag nasa laot ito at alam na malalim at malayo na siya sa pampang natatakot ito. Pero alam niyang tama ang ama-amahan wala siyang dapat ikatakot. Huminto ang yate at huminto din sa likod nito si JR at Ram.

Ram:  Dad , bakit tayo huminto?

Sir Simon:  Isakay ninyo si Krizza at Dei hanggang makarating tayo don malapit naman na tayo eh. Kukuhanan ko kayo ng pictures at video.

Ram:  Ah sige ho.

Inalalayan ni Vinz si Krizza para makababa at makasakay sa likod ni Ram.

Sir Simon:  Richie iangkas mo si Dei.

JR: Oho Dad.

Nagaalangan man pinalakas ni Dei ang loob, inalalayan siya ni Vinz para makasakay sa likod ni JR. Nang makaupo ito walang imik na humawak sa bewang ni JR. 

JR:  Okay ka lang? Promise I won't let you fall.

Tumango lang ito. Pero wala pa ring imik nakatingin sa malayo at iniwasang tumingin sa tubig. Pagandar ng yate, sumunod na si Ram at JR.  Mabagal ang takbo ng Jetski ni JR halatang pinakikiramdaman ang dalaga. 

JR:  Bibilisan ko ng kaunti ha, mainit eh.

Dei: Sige

Pero pag arankada ni JR napahigpit ang kapit ni Dei.  Hinawakan ni JR ang kamay nito  habang ang isang kamay ang nagsisilinyador.

JR:  Trust me, hindi kita pababayaang mahulog.  Alam mo bang mas mahal ka pa ng Daddy kaysa  sa akin kaya kapag nahulog ka either madisown ako, o mapatay ng daddy or worst mamatay ang daddy sa takot na mawawala ka sa kanya.

Dei:  Ang OA mo naman?!

JR:  Totoo ang sinasabi ko sa yo kaya relax. Nakakapagswimming at jetski ka nga sa mababaw eh di magagawa mo din sa malalim. Naniniwala ka ba sa akin?

Dei:  Oo

JR:  Do you trust me, when I say I wont let you fall?

Dei:  Oo naman

JR:  O sige kumapit ka lang mabuti at  hahabulin natin si Ram at Krissa at babasain natin.

Natawa si Dei.  

Dei:  Sige

Yumakap si Dei sa bewang ni JR. Umarangkada at bumilis ang takbo ng jetski na sinasakyan nila hanggang konti na lang at aabutan na nila sila Ram at krizza, biglang binilisan ni JR at itinagilid ng kaunti ang jetski sabay lumiko pakaliwa, sumirit at tumalsik ang napakaraming tubig kila Ram at Krizza. Nagulat at napasigaw ang dalawa.  Tawa naman ng tawa si  JR at Dei. Nagtawanan din ang mga tao sa yate ng makita ang nangyari.

JR: Tayo ka at hawak ka sa kamay ko tapos taas mo yung isang kamay mo.

Ginawa naman ni Dei ang sinabi ni JR.  Tumayo si Dei, hinawakan ni  JR ng mahigpit ang kaliwang kamay ni Dei... umarangkada ng mabilis sabay itinaas ni Dei ang kanang kamay at huwiyaw.

Dei:  Wwwwooooooooooooooohhhhhhhoooooooooooooooooooooooo

Nalampasan pa nila ang Yate.  Sumigaw si Dei at kumaway pa sa mga nasa yate

Dei:   hi daaaaadddd

Tuwang-tuwa naman si Sir Simon na masaya ang anak-anakan niya. Tanaw na nila ang Balinghai ng magyayang magunahan si Ram at JR.  

JR:  Kuya si Dei na lang at Krizza ang maguunahan.

Ram:  Oo nga kayo naman.

Huminto sila pareho at pinalipat ang dalawa sa unahan.  Nang makapwesto na, bumilang si Ram at JR... 1... 2... 3   Go!  At umarangkada ang dalawa, naramdaman ni Dei ang dalawang braso ni JR na yumakap sa bewang nya at bumulong ito.

JR:  Kapag ginawa mo ang sasabihin ko, sigurado akong mananalo ka... deretso lang ang tingin, kahit anong maramdaman mong galit sa silinyador mo ibuhos at huwag mong aalisin ang kamay mo sa silinyador hanggang hindi ko sinasabi.

Tumango si Dei. Gumalaw ang braso ni JR at naramdaman ni Dei na gumagapang ang kamay ni JR pabababa ng hita niya... galit na galit si Dei, humigpit ang hawak nito sa silinyador  unti unting bumibilis ang takbo nila hanggang itinodo ito. Naiwan si Krizza sa bilis ng takbo ng jetski ni Dei. Tatlong dipa mula sa pampang bumulong ulit si JR

JR: Dei bitiw na, naiwan na si Krizza

Binitiwan ni Dei ang silinyador at dahan dahan silang tumigil.  Nilingon ni Dei sila Krizza ang layo nga nila, tumayo si JR at sumigaw.

JR:  Wala kayo ano?! 

Biglang inarangkada ni Dei ang jetski, naout balance si JR at nahulog sa tubig. Dere-deretso si  Dei sa Pampang. Bumaba itong tawa ng tawa.  Natatawa si JR na umahon. Pagdating nila Ram at Krizza.

Krizza:  Grabe ka Sis! Ang bilis mo pano mo nagawa yon?

JR:  Ginalit ko

Ram: Obvious nga namumula ang mukha sa galit eh.

Krizza:  Mabuti nga sa yo inihulog ka niya.

JR:  Hindi bale nanalo naman kame.

Nakababa na ng  yate si Sir Simon, naglakad ito palapit sa isang lalaki, sumunod naman sila Ram, Krizza, JR at Dei sa kanya.  Ipinakilala sa kanila si Mr. Rodrigo Buena ang mayari ng lugar.  Naglakad lakad sila at nilibot ang lugar.  Marami itong malalaking, matatandang puno at sa laki ng lote malayo ito sa kasunod na bahay na nandon. At mga 50 to 70 meters ang layo nito sa makabilang gilid sa katabing resort at kabahayan.  At dahil maraming puno malilim sa lugar.  Mayamaya dumating ang  ilang lalaki na may bitbit ng lamesa at monoblock chairs at limang beach chairs.  Niyaya ni Mang Rod si Sir Simon na maupo at sinabi kila Ram na kung gustong magsnorkeling mula sa kinauupuan  nila lumakad pakanan makakakita sila ng batuhan at mula doon 20 meters papunta sa laot marami ng mga isda at magagandang corals mga 15 feet lang daw ang lalim nito.   Sumakay si Ram at JR sa Jetski at pinuntahan ang  sinasabi ng matanda.  Pinaandar naman ni Mang Roger ang Yate at sumunod kila Ram at JR.  Bumalik si JR at Ram

Ram:  Dad ang ganda nga don, grabe virgin pa ang mga corals

JR: at ang dami hong isda.

Krizza: Babe, sama ako I want to see.

JR:  Dei, halika na.

Idinaong ni Mang Roger sa may malapit don sa batuhan ang yate dahil medyo malalim doon. Itinali nila ang mga jetski sa Yate at sumakay  para kuhanin ang diving suit at snorkeling gear nila Ram at JR.  Niyaya nila si Sam at Vinz na magsnorkeling. Kinuha ni Dei ang underwater camera niya. snorkeling gear at inalis ang shorts at lace top.  Tumalon si JR at Ram sa tubig, sabay na tumalon si Vinz at Sam na may hawak na plastic na may tinapay. Iniabot ni Dei ang underwater kamera kay sam at tumalon din ito sa tubig. Isinuot ang snorkeling mask at tube. Lumapit si JR kay Dei at hinawakan ang kamay nito at sabay silang lumangoy palayo.  Inihagis ni Mang Roger ang itinaling lubid na mahaba na may salbabida kung saan huminto si JR at  Dei.  Doon naman kumapit si Krizza sa lubid habang sumisisid katabi si Ram. At doon din kumakapit si Dei kapag kailangan na nyang umangat sa tubig para huminga.

JR:  Dito sa ilalim sige  tignan mo

Inalis ni JR ang pagkakakapit ni Dei sa lubid at hinawakan ang kamay nito, sabay silang sumisid at nakita ang mga naggagandahang corals at isda sa ilalim ng dagat. Nagpalingalinga si Dei, tuwang tuwa ito sa ganda na nakikita niya. Habang si Sam panay naman ang kuha ng litrato sa ilalim ng tubig.  Sumisid palapit sa kanila si Vhinz at binigyan ng kapirasong tinapay si Dei, habang  pinipirapiraso ito ni Dei naglapitan sa kanila ang napakaraming isda.  Ngumiti siya at kuhang kuha ni Sam ang tagpong iyon sa camera.  Mayamaya lumangoy palapit sa kanila si Ram, at sumesenyas na parang may nais ipakita, sumunod sila dito at nakita nila ang isang clown fish  malapit sa tahanan nito. Natuwa si Dei at biglang nagsalita ng "si Nemo"  pinasok ng tubig ang bibig nito.  Pinilit niyang ibalik ang snorkeling tube sa bibig pero wala pa rin.  Nagsimula itong magpanic. Hinila siya ni JR paangat sa tubig at saka lang siya nakahinga ng mailabas ang ulo sa ibabaw ng tubig. Inubo si Dei ng konti dahil sa nainom na tubig dagat. Pero pinilit nitong ngumiti at magsalita habang nakayakap sa balikat ni JR.

Dei:  Na na kita mo si Nemo?

JR:  Oo naman nakita ko. 

Inubo pang muli si Dei, pero ngumingiti pa rin ito at hindi bumibitiw sa kanya.  

JR:  Ok ka lang? 

Hindi alam ni JR kung anong nangyari pero naramdaman niya nung makita niya itong kinakapos ng paghinga sa ilalim ng dagat ang ibang klase ng pagaalala at takot.  Matapang siya, lahat nga ng extreme sports nasubukan na niya. Pero nung oras na yon, naisip lang nya na may nangyayaring masama kay Dei ay natakot na siya.

Dei: Oo ok na ako

Nang marinig niya ang sagot nito, hinawi niya ang buhok na tumakip sa mukha nito, tinignan ito sa mata at ng ngumiti ito sa kanya ay niyakap ng may pagsuyo at pagmamahal.  Ilang minuto din silang nanatiling ganon ng biglang may kumislap at tsaka lang nila napansin na magkayakap pa pala sila.  Ang kislap ay nanggaling sa kamera ni Sam. Bumitiw  si Dei,  nilangoy ang salbabida  na nalutang isang dipa sa kaliwa nya at doon kumapit.

JR:  Ok ka na talaga?

Dei: Oo nga. 

Sam:  O bakit anong nangyari?

Dei:  Nakita ko kasi si Nemo, naexcite ako nagsalita ako pinasok tuloy ng tubig ang bibig ko. Nakita mo ba? nakuhanan mo ng litrato?

Natawa si Sam at JR.

Sam: Oo nakuhanan ko.

 Kinuha ni JR ang kamera kay Sam.

JR:  Oh kuhanan ko naman kayo ng picture.  Nagdikit naman si Dei at Sam at ngumiti.

Dei: Oh kayo naman ang kuhanan ko.

Kumapit si sam kay JR at umarteng natatakot kinuhanan ni Dei ang itsura nila. 

Nagpahinga sila sandali habang ang mga paa lang ang gumagalaw. Mayamaya...

Dei:  Balik tayo ulit sa ilalim, gusto kong makita ulit si Nemo. Sam ivideo mo ako, tumango naman si Sam.  Humawak si Dei sa kamay ni JR at muling sumisid. Inayos ni JR ang kamay nila para magkaholding hands at tuluyan na silang lumangoy pailalim.  Matagal tagal din silang nasa ilalim ng dagat hanggang magkayayaang  lumangoy papunta sa pangpang.  Tuwang tuwa sila na kahit hanggang dibdib na lang ang tubig ay marami pa ring maliiit na isda silang nakita. Doon nagpabalik balik na lumangoy at nagsnorkel si Dei at Krizza habang kinukuhanan sila ni Sam ng litrato. Naupo naman si Ram at JR sa pampang.

Ram: Anong nangyari kanina?

JR:  Bigla syang nagsalita naalis yung snorkeling tube sa bibig niya nakainom ng tubig ayon kinapos ng paghinga at pinasok ng tubig ang bibig nya.

Ram:  Eh ano naman ang nangyari sa yo?

JR: Sa tinatagal after nong kay Chelsea... ngayon lang ulit ako natakot ng ganito Kuya. Kilala mo ako, lahat ng extreme sports minamani ko lang, kahit gano kataas tinatalon ko lang, inaakyat walang kahit katiting na kaba pero kanina nung nakita kong kinakapos sya ng paghinga, natakot talaga ako.

Ram:  Dahil mahalaga siya sa yo... ang tanong lang gaano siya kahalaga.  Kasing halaga ba ni Chelsea? Because if that is the case, I think you have fallen for her.

JR:  Napatingin lang siya kay Ram... tama nga kaya si Ram.  But the last time he check, ang type nya ay yung sosyal na tulad ni Chelsea, maputi hindi morena, pa-girl hindi astig.  Dei is something like the opposite of what he normally like.  Pero bakit may mga pagkakataon ngang attracted siya kay Dei? Ewan! hindi din niya maintindihan.



































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro