Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Matapos maubos ang isang bote ng J&B nagpaalam na ang bisita ni Tatay Enteng. Nagpaalam na din itong matutulog na.

Tatay Enteng:  Oy mauuna na akong matulog sa inyo ha. Alam ninyo kapag tumatanda na humihina na ang resistensya sa paginom.  Inaanak, huwag ka ng magmaneho kung hindi na kaya ha.

JR:  Oho, Ninong, huwag ho kayong magalala, wala pa ngang tama eh.

Tumayo si Vinz at JR at pumunta sa may bornfire.  Magkatabi sa gitna ng isang banig si Sam at Dei, nakaakbay pa si Dei kay Sam. Umupo si Vinz sa tabi ni Sam at umupo naman si JR sa tabi ni Dei.

Jessa:  Oy nandito na sila sir masaya ito.  Tagayan na yan!

JR:  dito na lang ako sa J&B

Allan:  si Sir JR marunong pumili ng tatabihan oh.

JR:  oh bakit naman?

Vinz:  Mamaya you'll see, bibigyan natin  si Sir ng isang initiation  

Nagtawanan ang lahat.

Greg: Huwag kang magalala Sir, ito ang initiation na hindi ka  na nasaktan nagenjoy ka pa.

Vinz:  Nakakailang tagay na ba si Storm?

JR:  Teka bakit Storm ang tawag ninyo kay Dei?  

Sam:  Storm in tagalog Bagyo, malakas ang dating! Lalo na kapag nakainom.

Dei: Usapang matino ha, nakakarami na ako ng inom... what you see here, hear here stays here.

Jess:  don't worry Ms. Dei, your secret is safe with us.

Justine:  Umiinom lang sya kapag kasama namin or nagiisa don sa beach habang nanonood ng sunset. Kaya kapag nayaya ka niya sa inuman ibig sabihin at ease siya sa yo. Hindi siya nahihiya kahit makita mo kung pano siya kapag nalalasing.

Dei:  Oo kasi baliw-baliwan ang peg ko pag nalalasing

Vinz:  kami ni Sam ang una nyang naging kabarkada, eventually may mga pangyayari na nakuha ng bawat isa sa amin ang tiwala nya. Niyayaya niya sa saturday night nila hanggang sa eto na kami. Wala ng nadagdag pa. After one year and 6 months, ikaw pa lang bro ang nadagdag. At mukhang nakuha mo na din ang tiwala nya kasi kung hindi, hindi iinom yan ng nandito ka.

Vinz:  Basta bro magobserve ka lang.

Pagkatapos ng dalawang ikot ng shot, sumandal na si Dei kay JR. Pagkatapos ng isa pa nakahawak na ito sa hita nya.

JR: Dei, ok ka pa? 

Dei: I think am a little tipsy.

Hinaplos ni Dei ang jawline ni JR. Inilapit ang mukha just inches away from his

Dei:  Ikaw?

Napalunok si JR

JR:  Ok lang... kaya pa naman.

Naghiyawan ang mga kaibigan nila... 

Vinz:  Gia is in the house!

Justine:  Lunok lang Sir 

Tawanan sila ng tawanan.

Tumayo si Kathy.  Pinatugtog ang beyonce Cd... tumunog ang Single Ladies.

Kathy:  let's go ladies! 

Nakasandal si Dei kay JR pero umiindak ito, sumasayaw na si Kathy at Jessa.  Hinila nila si Dei

Dei:  Teka hindi ko na yata kaya eh.

Kathy: kaya mo yan Storm!

Dei: Teka wala sa tyempo ang sayaw ko.

Tawa ng tawa si Dei, nakangiting nanonood lang si JR, ang cute nga ni Dei pag lasing. Ibang iba siya kapag seryoso sa trabaho.

Jessa: Storm, nanonood si Sir JR oh. Mapapahiya ba tayo sa kanya.

Dei: Teka lang kasi, ay nakakahiya kay Sir oh.

JR:  don't be,  I am enjoying it.

Kathy:  O isang body shot muna para ganahan... dating gawi ha.  Yung mga willing victim dyan, ready na kayo.

Umikot si  Kathy at si Vinz ang naituro nito. Tumayo si Vinz lumapit sa mga girls.

Vinz:  Bro eto ang pinaka highlight dito eh.

si Kathy ang unang nagbody shot sa dibdib nilagyan ng salt si Vinz.  Naghiyawan sila.  Tapos si Jessa naman, sa biceps. 

Kathy: It's your turn,  saan mo gusto ang shot mo

Itinuro ni Dei ang leeg ni Vinz, pinahiran ng lemon, nilagyan ng asin at kitangkita ni JR ng dilaan ni Dei ang leeg ni Vinz bago ininom ang tequilla nito.

Jessa:  O ready na tayo para sa isang sayaw para kay Sir JR.

Dei: Sige na nga.

Pinindot ni Jessa ang Cd at tumugtog ang Crazy in Love. Nang marinig ni JR ang tugtog alam nya agad kung anong sayaw ito. Napainom ito ng isang shot.

Sam:  Manood kayo walang kukurap!

Ang lakas ng tawanan nila. Napatunganga si JR, grabe ang lambot ng bewang at balakang ni Dei. At ang boobs hindi naman kalakihan pero ang gandang panoorin kapag gumagalaw ito. Hindi alam ni JR kung ilang shot ang nainom nya habang pinanonood ito. At ilang lunok ang ginawa nya para maalis ang panunuyo ng lalamunan. Nagsasayawan na ang lahat naiwan ng nakaupo si JR.  Sumunod na tumugtog ang Love on Top ni Beyonce. Hinila ni Kathy at Jessa si JR para isayaw ito, habang kasayaw ni Dei si Vinz. Nakakapit na si Dei sa balikat ni Vinz habang sumasayaw. 

Vinz:  Oy guys tinamaan na ako, patanggal tayo ng tama.

Kathy: gusto ko yan, ubusin  muna namin yun tequilla mga apat na shot na lang to.  Puro body shot na. Mauna ka na Kathy.

Umikot ito at pagturo, si Allan ang naituro nito. Sa pisngi ni Allan nilagay ang salt; tapos si Jessa si Greg na ang hinila at sa batok naman nito nilagay ang asin.  Tapos si Kathy ulit si Sam na daw para lahat nakabody shot... sa balikat naman inilagay ang asin at ang huling shot

Vinz:  Eto Bro, dahil ikaw ang bago sa yo ang huling body shot at syempre si Storm ang tatagay. Takpan nyo na ang mata ni Storm. Nasa harap mo si JR ituro mo kung saan  mo gusto ang shot mo.

Nagulat si Dei ng magsigawan ang mga ito.

Sam:  Storm wag mong aalisin ang kamay mo ha para makita mo kung ano ang itinuro mo.

Tinanggal nila ang kamay na nakatakip sa mata ni Dei, pagtingin ni Dei sa labi ni JR nakatapat ang daliri nya.

Dei:  Oh my god! oy hindi... ano sa iba na lang.

Namumula ang mukha nito. Sumigaw ang mga kaibigan nila... KJ... KJ... KJ... KJ...

Dei: hindi ako KJ ha, eh dinaya ninyo yata ako eh

Sam:  Hindi ah, dyan talaga nakatapat yan eh.

Natatawa si JR sa reaction ng dalaga. Hindi nito malaman kung anong idadahilan

nagsigawan ulit ang mga kaibigan nila chicken... chicken... chicken...

Dei:  And daya nyo naman eh, hindi naman ako chicken eh.

Vinz:  eh kung hindi patunayan mo.

Kitang kita nilang lahat na namula ang mukha ni Dei... 

Dei: dyosko! nawala ata ang lasing ko!

Nagtawanan sila...

Justine: we're waiting... 

Pumadyak padyak si Dei... 

Dei:  Kasi naman eh napasubo ata ako. 

Vinz:  JR pasensya ka na first time na sa labi napatapat... swerte mo ha!

Iniabot ni Kathy ang lemon bago pa malagyan ni Dei ng lemon nagsalita si JR. Nakatitig ito sa mukha ni Dei

Vinz: pwedeng abot mo muna yung baso ko kailangan ko din ng shot eh.

Greg:  pati si Sir kinakabog oh

Nagtawanan silang lahat, iniabot naman ni Vinz ang baso ni JR, tinungga nito ang lahat ng laman ng baso... 

JR: Ok go!

Dei: Sir pasensya na katuwaan lang

JR:  I'm not complaining...

Habang nakatitig si JR sa mukha ni Dei, Ipinahid ni Dei ang lemon sa labi ni JR, binudburan ng asin dinilaan nya ang asin sa labi nito at ininom ang tequilla, hinanap niya ang lemon at nakitang nyang kagat ni JR ang lemon. Wala siyang nagawa kung hindi sipsipin ang lemon na kagat kagat ni JR, naramdaman nya ng ipinasok ni JR sa bibig ang lemon at naglapat ang mga labi nila. Napapikit na lang si Dei, hinalikan siya ni JR at tinugon niya ang halik ng binata.  Bumilang ang magkakaibigan. 

Lahat:  One... two... three... four... five... six... seven... eight... nine... ten!

Inilayo ni Dei ang mukha niya kay JR. Nagkatawanan ang magkakaibigan nakitawa naman si JR at Dei pero hindi nila tinitignan ang isa't isa. Naglabas ng mga twalya si Sam. 

Vinz:  Oh halika na magpatanggal na tayo ng lasing.

Nakita ni JR at Dei na nagtanggal ng damit ang mga kaibigan puro naka boxers ang mga boys, nakapanty at bra naman ang mga girls na tumakbo sa dagat.

Dei:  Sorry, I have to do this kung hindi, hindi ako makakapagdrive pauwi.

Hinubad ni Dei ang long sleeves shirt nito, kasabay na hinubad ni JR ang sports shirt niya. Hinubad ni Dei ang fitted pants nito at iniwang nakalaglag sa buhangin at hinubad din ni JR ang pantalon tumambad ang black ang blue na boxers nito. Pero hindi pa rin nila tinitignan ang isa't isa. Naunang tumakbo si Dei sa dagat, nakita ni JR na nakablack sports bra ito at naka black na boyleg. Tumakbo na din siya sa dagat. Naglublob lang sila ng  paulit ulit sa hanggang dibdib na tubig.  Hinilamusan ni JR ang mukha ng ilang beses. Isinakay ni Vinz si Jessa sa balikat niya at isinakay naman ni Justine si Kathy, naglaban ang dalawa nagtutulakan, angche-cheer lang sila JR at Dei at tawa ng tawa. Nakita ni JR na napapausog si Dei sa malalim. Hinawakan niya ito sa bewang at pinapwesto sa harap niya. 

JR:  Dito ka para hindi ka mapunta sa malalim.  

Hinawakan nito ang dalawang balikat niya habang nanood sila sa kalokohan ng mga kaibigan.  Makailang ulit pang inilublob ni Dei ang ulo sa tubig, pinakiramdaman ang sarili, maya maya pa nanginginig na ito sa ginaw. Naramdaman ni JR yon. Niyaya na niya itong umahon. Tumakbo si JR para ikuha ng towel si Dei. Habang pabalik sya sa dagat nakita nya ang kabuuan ng katawan ng dalaga, napaisip siya "she's got beautiful curves on the right places"  napalunok si JR. Ibinigay nya ang towel sa dalaga at itinapis naman ito ng dalaga.  Dinagdagan ni Justine ng kahoy ang bornfire at naglabas naman ng kape si Sam.  Naupo silang lahat sa gilid ng bornfire, binalot ang mga katawan ng twalya at nagpainit.

JR:  So, you do this often? As in every weekend?

Vinz:  Lumalabas kami kapag saturday kung walang early event ng sunday pero madalas dinner, tapos beach party at konting inom mga apat na shot uwian na. Pero yung ganitong lasingan talaga. bihira.

Sam:  Parang this year, pangalawang beses pa lang ito. Una yung birthday ni Vinz.

Humihigop silang lahat ng kape habang nagkukwentuhan at nagpapatuyo.  Pinulot ni Sam ang lahat ng mga damit nila.

JR:  So second time nyo palang ginawa yang maligo sa dagat.

Justine: Oo sir, si Vinz kasi nalasing nung bday niya inihagis namin sa dagat , nawala yong lasing.

JR:  Nakakatuwa ang closeness ninyo.  I never had this much fun with friends.  All boys kasi ang madalas na lakad namin , tapos kapag lasing na mga nagtetake home na ng babae.

Kathy:  Pati kayo Sir?

JR:  Hindi, besides hindi ako nakakatulog kahit saan, kahit na anong lasing ko and I don't need that, I have memories of my sex life to last me for a long time. Tsaka pwede naman magisa bakit pa ako magone night stand baka mamaya may sakit pa ang makuha ko eh.

Sam:  The ever famous Mary Palmer

Nagtawanan sila. Hindi umiimik si Dei panay lang ang higop ng kape.

JR:  I think everyone is single but experienced?

Kathy:  I'm single by choice but I have a son.

Jessa: ako produkto ng 7 years relationship na napunta sa wala.

Greg: Si Sam, single and virgin

Nagtawanan sila. 

Sam:  Oy hindi naman, I guess all of us are single pero hindi lahat marami ng experience tumingin ito kay Dei.  Pareho kami ni Dei na nakakaisang relationship pa lang so wala pa kaming comparison.

Allan:  Mabuhay ang mga single by choice.

Itinaas ni Dei ang coffee mug niya,  cheers!

Nagtawanan silang lahat. Mayamaya pa nagsipag bihis na sila at nagpaalam na.  Sumabay si Jessa, Justine at Kathy kay Dei at magkakasabay naman si  JR, Vinz, Greg at Allan sa kotse ni JR. Bago sumakay si JR, pinuntahan pa nito si Dei bago sumakay ng kotse.

JR:  Sure ka, kaya mo pang magdrive?

Dei:  Oo, nawala na ang lasing ko eh.

JR:  Sige, mauna ka na susundan kita.

Maayos namang naihatid ni Dei ang mga kaibigan. Pagpasok nila sa parking area ng Resort. Bumusina si Dei at kumaway na. Dere-deretso na itong nagpark sa malapit sa cottage niya.

Vinz:  Dederetso na yon sa cottage nya.

JR:  Ah ok. 

Naisip niya ni hindi man lang siya nakapagpasalamat at goodnight. Naghiwa-hiwalay na silang apat.  Si Greg at Allan dumeretso sa Waiter's Quarters, si Vinz sa unit nito sa 6th floor ng hotel at si JR  sa penthouse.  Dumeretso siya sa shower at pagkatapos ay nagbihis. Sa cottage naman ni Dei, dumeretso din ito para magshower,  nagbihis at nagpatuyo ng buhok.  

Hindi sila pareho makatulog.  Si JR every time ipipikit ang mata nakikita nyang sumasayaw si Dei o kaya naman ay umaahon ito sa dagat ng nakablack underwear lang. Si Dei, kapag pumipikit nararamdaman nya ang kamay ni JR sa bewang at balikat niya o ang labi ni JR sa labi niya. 

Hindi nakatiis si JR nagsend ng message kay Dei, "Thanks for a wonderful night. Sleep tight."  Sumagot si Dei, "Thanks din, it has been fun, good night!"  sumagot pang muli si JR, "Goodnight, Gia!"  at ang huling message galing kay Dei, "Goodnight Richie!"

Pareho silang pumikit para matulog pero pareho ding may tanong na naglalaro sa isip nila, si  Dei "He actually kissed me, is he just drunk?"  at si JR "She kissed me back, totoo ba yon o lasing lang sya."




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro