Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Samantala, abala ang mga magulang ni Sam sa pagaasikaso sa mga bisita, nandon na kasi ang mga taga Destiny na kasama ni Sam sa trabaho. Naggigitara at nagkakantahan ang mga ito. At kadarating lang din ni Vinz at JR.

Lumapit at nagmano ito sa Tatay ni Sam.

Tatay Enteng: Ricardo, Richie ikaw na ba yan?

JR: Opo Ninong, ako nga ho. Kamusta na?

Tatay Enteng: Mabuti naman at umuwi ka na, namimiss ka ng Daddy mo eh.

Nanay Nancy: Diyosko ang tangkad mo na at ang gwapo mo pa.

Niyakap ni JR si Nanay Nancy.

JR: Ninang, kaya love na love kita eh.

Malapit lang din sa beach nakatira sila Sam, kaya sa may beach front nakalagay ang dalawang mahabang lamesa para sa boodle fight. May bornfire din sa di kalayuan.

JR: Ninong oh, regalo ko sa inyo

Iniabot ni JR ang dalawang bote ng J&B

Tatay Enteng: Naku, masarap na inuman ito aba eh J&B ang dala ng inaanak ko eh.

Mayamaya pa ay narinig na ni Sam ang boses ni Liza.

Sam: Nandyan na sila Storm Tay. Binitiwan nito ang kung ano mang hawak at tumakbo para salubungin si Dei.

Tatay Enteng: Dyoskong bata eto nataranta na, kung hindi kita kilala Samuel iisipin kong may gusto ka dyan sa kaibigan mong si Dei.

Allan: Tay, meron nga ho! ayaw lang magpahalata, wala naman ibang bukang bibig yan si Sam kung hindi si Storm eh.

Greg: Oo nga, alam nya lang ho kasing hindi siya papasa kaya friends na lang sila.

Nagkatawanan sila. Nakita ni JR si Dei, naka fitted jeans na black, black and white stripes na long sleeves V neck shirt pero medyo hanging ang blouse nito.

Sam: Storm oh niloloko na naman nila ako.

Dei: Hindi ka pa nasanay dyan sa mga yan.

 Dei: Happy birthday Tay! Eto oh ipinagbake ko kayo ng cheesecake.

Tatay Enteng: ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng mga cake na binebake mo ah.

Dei: Wala hong oras eh, busy sa Resort.

Nanay Nancy: Balita ko nga malakas ang Destiny ngayon. Mukhang dumadami ang mga guests ninyo.

Sam: Magaling ho kasi ang bagong empleyado namin, si bestfriend pa ang isa sa pinaka magaling na businessman!

Tatay Enteng: Magaling naman talaga yang si Richie eh.

JR: Ninong, hindi pa ba tayo kakain nagugutom na ako eh.

Nanay Nancy: Oo nga naman, sige magsipaghugas na kayo ng kamay.

Sam: JR tabi na kayo ni Storm dyan sa tabi ni Tatay dito na kami ni Vinz sa tabi ni Nanay.

Puro kanin ang nakalagay sa dahon ng saging na nakalatag sa dalawang magkahiwalay na mahabang lamesa. Mayamaya nilagyan na ng Nanay ni Sam ng embotido, kalderetang baka at inihaw na tilapia ang kabilang mesa at naglagay din sa lamesa nila. Tinitignan ni JR ang reaksyon ni Dei

Sam: Pasensya ka na Storm inihaw na tilapia lang kinaya ni Nanay eh.

Dei: Ok lang, eto naman nagbibiro lang ako kanina, kahit ano naman kinakain ko eh.

Nang akmang aabutin na nito ang tilapia

Sam: Joke lang pwede ba namang mawala ang paborito mo? eh di hindi mabubuo ang gabi kapag hindi ka nakakain nito.

Inilabas ni Sam ang hilabos na sugpo, ginataang alimasag, at sweet and sour na Lapu-lapu. Nagliwanag ang mukha ni Dei, ang ganda ng ngiti nito. Parang batang binigyan ng paborito nyang pagkain at laruan. Natawa si JR naisip niya, "Ang babaw lang ng kaligayan niya."

Sam: mamaya Samuel ikikiss kita promise!

Allan: Yun oh Samuel strikes again!

Nagtawanan sila. Habang kumakain, hindi maiwasan ni JR na panoorin ang pagkain ng dalaga. Nakita ito ni Dei.

Dei: Uy, ano hindi ka na nakakain dyan. Gusto mo ng sugpo?

JR: Hindi ok lang sige na kumain ka lang, sarap mong panoorin eh.

Ipinagbalat ni Dei ng sugpo si JR at itinapat ito sa bibig ng binata.

Dei: Bilis na kasi, kumain ka na.

Ngumanga na lang si JR

Dei: O di ba masarap?

JR: Oo nga masarap naman.

Dei: Hindi pwede ang mabagal kumain dito, uubusan ka ni Sam at Vinz matakaw yang dalawang yan eh.

Kumuha ng alimasag si JR, binasag ang sipit-sipitan inalisan ng balat at tsaka isinubo kay Dei. Walang pagaalinlangang ngumanga ang dalaga at ngumiti sa kanya. Nagkakatinginan si Sam at Vinz, natutuwa sila sa sweetness ni JR at Dei.

Sam: Dei ang bilis mo naman magbalat ng sugpo eh inuubusan mo ako.

Biglang isinubo ni Dei ang nabalatan na sugpo sa bibig ni Sam.

Dei: O ayan na wag ka ng magreklamo.

JR: gusto mo ng lapu-lapu

Dei: Oo sige.

Kinuha ni JR ang kalahati ng lapu-lapu at nilagay sa gitna ng kanin nila. Nang makita ni JR na kumukuha ito sa isda ng hindi nakatingin dahil kausap si Vinz.

JR: ako na nga, matutusok ka ng tinik eh.

Hinimay ni JR ang isda at inalis ang lahat ng tinik nito.

Dei: O di ba dito lang sa tabi ko ang isda wala ng tinik

Sam: pano ang dami mong daldal hindi mo tinitignan yang kinakain mo, naaawa sayo si Bro baka matinik ka.

Dei: Tse! kumain ka na lang ikaw dyan madaldal eh.

Sam: Bro, alam mo ba na mas masarap kumain kapag may nagsusubo sa yo.

JR: Talaga ba?

Dei: Oo nga, sige susubuan kita. Kumuha ng kanin at hipon si Dei at isinubo kay JR, ngumunguya pa si JR sinubuan ulit ni Dei ng kanin at isda, sinundan pa ng hipon, kanin at alimasag. Namumualan na si JR sa dami ng laman ng bibig habang tumatawa si Sam, Dei at Vinz.

Pinilit ubusin ni JR ang laman ng bibig, inabutan naman siya ng tubig ni Dei. Natawa na lang din siya alam niyang pinagkaisahan siya ng mga ito. Pero kahit ganon, alam niyang sa piling ng mga nandon masaya sya at alam nyang masaya si Dei. Pero nagulat siya sa sarili na masaya siyang napasaya nya si Dei.

Tumayo si Dei ng matapos itong kumain.

Dei:  Grabe Nay, ang sarap ng luto nyo ang dami kong nakain.

JR:  Oo nga Ninang, the best ka talaga magluto.

Nanay Nancy: Wag na ninyo akong bolahin sige na maglalabas na ako ng leche flan.

Vinz:  Yun ang inaantay ko ang famous leche flan ni Nanay.

Naglakad si Dei papunta sa balde ng tubig para maghugas ng kamay, ingat na ingat itong huwag mabasa ang paa. Nakasunod sa kanya  si JR. 

Dei: Dahan dahan ka lang sa pag hugas ha para hindi kumalat yung tubig, mababasa yung buhangin eh.

JR:  Ayaw mong umaapak sa basang buhangin papano ka naliligo sa beach?

Dei:  Hindi naman, ayoko lang ngayon kasi naka leather sandals ako kapag nabasa ang paa ko magpuputik eh.

Biglang may nagbuhos ng tubig sa di kalayuan, nagulat si Dei.  Dahil ayaw mabasa ang paa napakapit sa leeg ni JR pero bago pa niya maitaas ang paa inabot na ang paa niya ng tubig. Tinignan niya kung sino ang nagbuhos ng tubig, si Vinz, tawa ng tawa. 

Dei:  Vicente! humanda ka sa akin nabasa ang paa ko!

Nakakapit pa rin ang dalawang braso nito sa leeg ni JR. Bigla siyang binuhat ni JR

JR: Huwag ka ng umiyak na parang bata diyan, bubuhatin na lang kita tapos punasan na lang natin ang paa mo at patuyuin ang sandals.

Tatay Enteng:  Inaanak ngayon ko lang napansin bagay pala kayo ni Dei

Allan:  uuuuyyyy parang prinsesa lang ang peg Mam ah.

Biglang tinugtog ni Greg ang kantang prinsesa sa gitara.

Inabutan naman ni Sam ng bimpo si JR inalis ni Dei ang sandals, kinuha ni Sam pinunasan ng basahan, nagkulay brown ang basahan.

Sam: kayo naman totoo naman palang nagkukulay brown ang paa ni Storm kapag nababasa itong sandals oh pati sa basahan kumulay eh.

Vinz:  Sorry Dei!

JR: Taas mo yung paa mo pupunasan ko

Dei:  Ako na lang

JR:  Ang kulit mo, bilis na!

Iniangat na lang ni Dei paa at ipinatong ang binti sa hita ni JR. Pinunasan ni JR ang paa niya nakatingin lang si Dei sa mukha nito. Nagkatinginan din si Vinz at Dei. Biglang sumigaw si Vinz

Vinz:  May himala!  Talagang may himala!

Tawa ng tawa si Dei. Nakuha ni JR na siya ang pinariringgan at tinatawanan ni Vinz at Dei. Kiniliti nya ang talampakan ni Dei.

JR: bakit mo ako pinagtatawanan ha. 

Pumapadyak na si Dei pero ayaw tigilan ng JR ang pagkiliti sa talampakan niya.

Dei:  Hindi na promise titigil na ako sa pagtawa.

Matapos magdessert, inilabas ni Sam malapit sa bornfire ang dvd player. Tapos dalawang maliit na lamesa sa magkabilang side nito. Ipinatong ang isang J&B sa isang lamesa.  

Sam:  Oh kayo girls anong iinumin ninyo?

Kathy: ay may dala kami dyan wait kukunin ko. Ms. Dei pahiram susi ng kotse.

Dumukot sa bulsa si Dei at inihagis ang susi kay Kathy. Pagbalik ni Kathy bitbit nito ang dalawang bote ng tequilla  at isang plastic ng lemon

Greg:  Naku mukhang may balak magpakalasing ang girls

Allan :  Sunday naman daw bukas eh walang pasok ang office.

Sam:  Kaninong idea yan? Ms. Jessa ano?

Vinz:  eh yan lang iniinom ni Jessa malamang sya ang may dala nyan.

Jessa: Mas masayang inumin yan lalo na kapag may mga tama na.

JR:  Umiinom ka niyan?

Dei:  Ones in a while I do.  Ikaw?

JR:  Oo pero malakas makalasing yan kapag hinaluan eh

Mayamaya pa naglabas na ng mga banig, kumot at unan si Sam.  Pumasok si Dei sa loob ng bahay nila Sam at nakipagkwentuhan Kay Nanay Nancy habang si Vinz at JR naiwan na kainuman si Tatay Enteng at ang dalawang kumpare nito.

Tatay Enteng:  Ikaw ba anak eh mananatili na dito o nagbabakasyon ka lang?

JR:  Wala pa naman ho akong balak umalis ulit. Kung magkakaron ho ng bagong project baka magstay ako.  Hindi ko pa din ho sigurado pero ok naman ho nandito ako kasi kahit papano natutulungan ko ang Daddy.

Tatay Enteng:  Naku anak dito ka na lang, hindi na kami bumabata ng Daddy mo, ibigay na ninyo sa amin ang oras ninyo habang nandidito pa kami at buhay.

JR:  Ninong, ang masamang damo matagal mamatay, eh ang lakas ninyo pa ngang uminom eh ano bang sinasabi ninyo.

Tatay Enteng:  Peste kang bata ka ginawa mo pa akong masamang damo!

Nagtawanan sila.

Tatay Enteng:  Matanong kita, wala ka pa bang balak magasawa? Nang mabigyan mo na ng apo ang Daddy mo.  Aba eh kung kay Krizza aasa wala mukhang ayaw masira ang pigura ng batang iyon kaya siguro hindi nagbubuntis.  Pitong taon ng kasal eh wala pa rin.

JR: Ninong, alam nyo naman hong matagal na akong dapat na may pamilya kaso inunahan ako ni Lord eh.

Tatay Enteng:  Ricardo hindi kay Chelsea natatapos ang buhay. Siya lang ang nawala hindi ikaw dapat humanap ka ng iba, yung magmamahal sa yo ng higit pa sa pagmamahal ni Chelsea, yung mamahalin mo ng higit pa sa buhay mo.

Vinz:  yan nga din ho ang sabi ko sa kanya, ang dami naman diyan eh. Sabi ko nga ho, si Dei na lang bagay na bagay naman sila.

JR: Shhh wag ka ngang maingay dyan mamaya marinig ka.

Vinz:  At sigurado pang matutuwa si Tito Simon.

Tatay Enteng:  Oo nga ano, kung sakali eh di magkakatotoo ang pangarap ng Daddy mo na maging anak si Dei. 

JR:  Hindi ho ako ang type nyan, galit ho sa tulad kong spoiled brat, ang gusto nyan responsable, respetado at successful na businessman.

Tatay Enteng: Oh eh bakit hindi ba't naging ganon ka naman sa mahabang panahon. Kahit ano pa ang tingin mo sa sarili mo at ng ibang tao sa yo ngayon, sa mga nakakakilala talaga sa yo. Ikaw pa rin si Richie. Kahit ibahin mo ang pangalan mo, ang mga nakagawian mo, lalabas at lalabas pa rin ang galing mo sa negosyo dahil yun ka talaga.

JR:  Hayaan nyo Ninong at pagiisipan ko ang mga sinabi ninyo

Nakita niyang dumaan si Dei papunta sa may born fire, pagdating don nakisayaw sa mga kaibigan. Mayamaya pa tinagayan na ni Jessa, uminom naman ito at tuloy pa rin ang sayaw nito. Naghiyawan silang lahat ng tinugtog ang "achy breaky heart". Nagline dance ang magkakaibigan.

Vinz: And she's not boring like most people think,  she does know how to have fun... if you're lucky when she gets tipsy she can get naughtily cute.

JR:  That I wanted to see!





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro