00:01
This story is a work of fiction. Names, characters, places, organization and events are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead and events is entirely coincidence.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.
Plagiarism is a crime!
Enjoy reading! ^_^
March 2020
[Zoe's POV]
"I'm a savage, yeah! Classy, bougie, ratchet. Yeah!"
Katatapos ko lang maligo at nakuha ko pang sumayaw nang kaunti habang sinusuot ang pants at mechanical engineering shirt ko.
I continued humming as I sat on the edge of my bed. I used blower to dry my hair before facing my little standing mirror on my study table to put mascara on my lashes, brush my threaded eyebrows, and apply lip and cheek tint.
Katatapos ko lang kumain kanina pero ang sikmura ko ay biglang nag-crave ng milk tea bago ako umalis sa condo— napa-order tuloy ako sa foodpanda! Sabi ko magtitipid na ako, pero mukhang hindi ko talaga kaya.
I sighed after ordering. "Next week, promise, magtitipid na talaga ako."
Promise pa nga, 'di ko rin naman 'yan matutupad— for sure.
Bumaba na ako sa lobby ng building at umupo sa sofa para hintayin saglit ang pagdating ng order ko na galing pa sa SM.
I lightly sucked the insides of my cheeks as I replied to the guy I met last week from the bar. Wala lang akong magawa kaya kinausap ko na muna siya pero tinigil ko rin ang pag-reply sa boring niyang mga messages nang dumating ang milktea ko.
Sorry na agad, nakakatamad kayang mag-isip ng topic! Besides, halata rin namang kinakausap niya lang din ako dahil bored siya. Bahala siya r'yan, madami pa naman akong kausap sa Telegram at Bumble.
"Thank you po." I smiled upon giving my payment to the delivery guy.
Nakapayong akong lumabas ng condo habang hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang cup. Nakasuot sa magkabilaang tenga ko ang airpods para makinig ng kanta para sa susunod kong sasayawin sa Tiktok.
I'm a savage (yeah)
Classy, bougie, ratchet (yeah)
Sassy, moody, nasty (hey, hey, yeah)
Acting stupid, what's happening? Bitch (whoa, whoa)
What's happening? Bitch (whoa, whoa)
I'm a savage, yeah
Classy, bougie, ratchet, yeah
Sassy, moody,...
Humuhuni-huni pa ako habang sumisipsip sa aking inumin. I looked at my hand's wrist, the one holding my drink, and twisted it a li'l bit to check the time.
11:58
Mamayang 1:00 p.m. pa ang pasok ko, pero inagahan ko dahil sabi ni Sab sasayaw pa kami para sa Tiktok.
Kasalanan talaga ng babaeng 'yon ba't ako naaadik sa panonood ng mga vids doon.
Basta vacant at wala kaming kailangang gawin para sa susunod na subject ay puro tiktok steps ang pinag-aaralan namin, pati nga mga iba naming kaklase nare-recruit niya nang gumawa ng sarili nilang account.
"Huy, Zoe!"
"Oy, hey!" Tumango ako at malapad na ngumiti kay Aaron, kaklase ko, na naglalakad palapit sa gawi ko. My forehead creased, confused. "Uwi ka na? Too early to go home, ha. 'Di pa nagsisimula klase natin!" panloloko ko.
Huminto siya saglit sa harap ko. "Hindi. Lol. Kunin ko lang assignment sa calc. Awit, nakalalimutan ko dalhin!" Natawa pa siya sa kabobohan niya.
I smiled and tilted my head, mocking him. "Sinong tanga?"
He scoffed. "Ikaw, tanga sa kaniya. Bye!"
Hindi ako nakasagot dahil nilagpasan niya na ako at nagmamadaling maglakad ulit. 'Di ako nakaiwas sa pag-atake niya.
I turned my head at him. "Huy, thick face! Nakihingi ka nga lang ng braincells ko!"
He didn't look at me but he just waved his hand in the air, letting me know he heard me but to busy to reply back. Nasa katabing building lang naman ng condong tinitirhan ko ang building ng condo niya. Malapit lang dahil around UST din naman, di na siya mahihirapan makuha plates niya.
Sa paglalakad ako, natanaw ko na ang Arch of the Centuries. Sumagi tuloy bigla sa isipan ko ang kwentong nabasa ko sa wattpad. Grabe, an'tagal ko na ring humintong magbasa simula nang mag-college ako.
I absent-mindedly twisted my lips. Nagbilang ako sa aking isipan kung ilang buwan ko nang inabando ang wattpad. Shiz! Eight months na, magmula no'ng August!
Napabuntong hininga na lang ako.
Miss ko na magbasa, pero mas kailangan kong basahin ang readings na binibigay ng mga profs dahil baka mapahiya ako sa biglaang mga recitation. Ayoko naman 'yon, 'no!
Malapit na ako sa arko nang may naisip akong mga superstition tungkol doon. Paano kaya kapag saktong pagpatak ng alas dose ng tanghali dumaan ako rito. Ano kayang mangyayari? Mapupunta kaya ako sa future? Sabi kasi nila kapag midnight tas dumaan dito babalik ka raw sa Spanish Era. Kaya baka baliktad, 'di ba?
I laughed at myself. Lakas ng trip, 'di naman totoo 'yon!
Kinilabutan ako nang umihip ang malakas na hangin paghakbang ng paa ko sa tapat ng arko.
Huy! Sorry na! Baka totoo nga 'yong superstitions, nagalit ata 'tong arko, feeling niya ata kwinekwistyon ko siya. Hindi naman, ih!
"Zoe!" rinig kong sigaw nang isang babae. Sa boses palang na 'yon sigurado akong si Tiktokerist na 'yon.
Pagkalingon ko ay biglang naging mapuno. Kumunot ang noo ko at nagpakurap-kurap. Tama ba 'tong nakikita ko— Shiz...
My lips left parted and left the metal straw. May kalesa sa daan?
"Holy shit?" mahinang mura ko.
The people were in old style of clothes. Nakabarong ang mga lalaki at ang mga babae naman ay nakasaya.
I was silent, shocked and stunned. My widened eyes followed the two girls passed by in front of me. Nakatakip ng pamaypay ang kanilang mga bibig at mahinhing nagtatawanan.
Kumalabog nang mabilis ang puso ko dahil sa aking naisip. Legit ba 'to!? Impossible namang bumalik ako sa nakaraan dahil dumaan ako sa arko 'di ba!? Real talaga!? Wait, kung totoo man— sabi nila midnight, ih, tanghali pa lang!
Upon turning my head, the wind blew strongly, again.
"Zoe!"
Naubo ako nang may bumatok sa akin.
"Snob ka, ha! Ampota. Nakita mo na nga ako tapos susubukan mo pa akong talikuran!"
Uminom ako sa aking milktea para pahupain ang ubo ko. Kunot noo kong nilingon si Sabrina. Hindi ko nga siya nakita, 'di ba!? Iba nga nakita ko, ih!
Lumingon akong muli para siguraduhin kung ano ang nakita ko kanina. Mabibilis na jeep na ang nakita kong dumadaan sa kalsada.
Tinapik ni Sabrina ang likuran ko pero hindi ko siya pinansin. "Oh, oh, bakit? What are we seeing?" Nakisali siya sa pagtingin sa paligid, sinusubukang hanapin ang tinitignan ko. "May gwapo kang nakita?"
Shiz, ano 'yon!? Naluluha akong napapikit nang tumingila ako sa arko at natamaan ng sinag ng araw ang aking mga mata.
It was just an imagination, right?
"Oh, why? You, seeing an angel, bitch?" Tumawa siya at nakitingala rin.
She raised her brow at me, laughing a bit as she taken the umbrella from me. "Alam mo para kang nakakita ng multo." Napailing pa siya, habang ako nakatingin lang sa kaniya. "Did you see the one who ghosted you, or the one you ghosted? Which is which?"
Considerd bang multo 'yong mga nakita kong tao kanina— na mukhang galing sa nakaraan— kahit na buhay sila roon pero baka patay na sila now?
Nang magsalita ako ay hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. "Do you think legit 'yong mga superstitions about this arch? Totoo kaya 'yon?"
Natawa siya. Hinawakan niya ang kamay kong may milktea para gabayan ang kamay ko at ipasubo sa akin ang metal straw.
"Zoe, tama na ang kababasa sa wattpad. Hindi ka pa ba nakaka-get over doon? Tagal mo na 'yong natapos 'di ba?"
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko palapit sa kaniya para makainom din sa milk tea ko.
"Yeah... but like... parang napunta ako sa past?" nag-aalangan kong sabi.
Her brows arched out of amusement, she gulped before laughing.
"Kulang ka lang sa tulog o baka ganyan ang epekto kapag walang kalandian? Don't worry, hahanapan kita mamaya— wait mayroon pa pala si Ron. Ron ba 'yon or Zach? Basta 'yong nakilala mo sa bar last week, kausap mo pa 'yon, right? Or ghinost mo na?"
Umirap ako tsaka hinawakan ang kamay niyang may hawak na payong. "Tara na nga lang para makapag-Tiktok na tayo. Dami mong nirereto, di naman nagtatagal."
Nagbangayan pa kaming dalawa, kung kasalanan niya ba na 'di sila nagtatagal o kasalanan ko dahil 'di ko na sila nirereplyan. Kung hindi pa ako aayaw na sayawin namin 'yong bago naming na-practice, hindi pa siya magtitigil.
Pagkababa namin ng aming bag sa magkatabi naming upuan ay naghanap na kami ng magandang pwesto para mag-vid. Kaming dalawa pa nga lang ang nadoon kaya solo namin. 30 minutes kaming nag-practice para sa bagong sayaw na tinuro niya maliban sa Savage. Naka-ilang take din kami ng video dahil paulit-ulit kaming natatawanang dalawa bago namin makuha ang tamang clip na ia-upload niya sa kaniyang Tiktok.
"Anong sunod nating sasayawin?" Nag-i-scroll na ako sa Tiktok at siya naman ay busy na rin sa kaniyang phone habang magkatabi kaming nakaupo sa sari-sarili naming pwesto.
"Hmm... magtitingin muna akong maganda..."
Medyo maingay na ang room dahil dumating na ang iba naming mga kaklase.
"Guys, walang pasok bukas! One week!" nakangiting sigaw ni Clent habang hawak niya ang kaniyang phone. May nasagap na naman siyang balita.
Lahat kami ay naghiyawan.
"Shit, buti na lang, 'di ko pa naman tapos report ko!" Mukhang nabunutan ng tinik 'yong isa kong kaklase.
Mahina akong siniko ni Sab. "Uwi ka?" Sa probinsya namin ang tinutukoy niya.
Tumigil ako sa pakikisali sa hiyawan at nilingon siya.
"Uwi na tayo mamaya, feeling ko kasi magla-lockdown." dagdag niya.
Tumaas ang kilay ko, pinagduduhan siya. "Hindi ka sure."
Her face flattened and raised her brow. "I could feel it. May nagmungkahi na sa pamahalaan na magkakaroon ng lockdown. This virus is spreading. You think they won't consider the idea?"
I shrugged. "Okay, fine."
Tapos naman na ang mga group projects namin ng mga kasamahan ko, kaya 'di na namin kakailanganing magkita pa sa mga araw na walang pasok at tapusin 'yon. Sabrina's group was also finished. Basta Sab, ang mga dapat nang tapusin at pwede namang gawin kaagad, ginagawa niya na. Hindi rin naman makaangal ang mga kagrupo niya dahil siya ang leader at makatwiran din ang oras na binigay niya sa mga kagrupo niya para tapusin ang kanilang mga parte.
That whole afternoon was stressful because of the surprise quiz and recitation we had on calculus! Shiz, buti na lang nagbasa ako kagabi!
"Huy, bb! Mamaya pa ako uuwi. May meeting pa kami sa organization."
I stretched up my arms in the air and yawned upon answering her. "Yah, shar!" I picked my pencil case on my desk and put it in my drawstring bagpack. "Kukunin ko pa rin pala 'yong pina-laundry ko."
"Mamaya na tayo uuwi, ah. Mag-impake ka na." paalala niya.
Sab stood up first and slid her tote bag on her shoulder. Sabay kaming lumabas ng room but we separated ways at the hallway.
4 p.m. palang nang lumabas ako sa gate na pinasukan ko rin kanina pero syempre 'di ako dumaan sa Arch of Centuries! Gusto kong maka-graduate kaagad!
Kakalagpas ko lang sa gate nang naramdaman ko na naman ang kakaibang pag-ihip ng hangin.
My eyes widened. "Shutang'na..."
Wala sa sarili akong napamura dahil biglang nag-iba ang paligid. Hapon lang kanina bakit umaga na bigla!?
Mabilis akong nagpalinga-linga. Holy cow! Ano naman 'to?
Pinandilatan ko ng mabuti ang aking mga mata nang mapansing iba ang uniform ng mga students. Bakit sila naka-red coat at above the knee skirt na kulay red din!? They were wearing a white polo inside and a black necktie, napansin ko rin na may name tag pin sila.
Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko habang nakatayo ako sa gitna ng pathway at nilalagpasan ng ibang estudyante mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko silang sinundan ng tingin habang naglalakad sila sa malawak na daan papunta sa malaking gusali.
My jaw dropped. Kulay maroon ang pahaba at mataas na building. May malaki itong orasan sa pinakagitna at may fountain pa sa pinakaharap.
Holy pig. Hindi 'to UST!
Nagbaba ako nang tingin sa aking sarili nang maramdamang parang pigil ang paggalaw ko dahil sa suot ko— I gasped.
Napakahakbang ako paatras dahil sa gulat. Bakit ko sila kapareho ng uniform—!
"Oh shiz!"
Napasigaw ako nang may natapakang ano sa likuran ko at nawalan ng balanse. Parang may sariling buhay ang kamay ko at naghanap ng makakapitan.
"Oh my God, Jesus!" sigaw ko nang may mahawakan at hindi tuluyang bumagsak sa lapag.
I stifled when I realized someone caught me from behind. My hands were on his broad shoulders. His brown eyes were looking at me, examining my face.
His eyebrows were furrowed. "Are you okay?" I smelled his mouthwash.
Agad akong nag-ayos ng tayo. "I-I'm sorry, hindi kita nakita." I stuttered.
Nakasuot ang isang strap ng bag niya sa kaniyang balikat habang patuloy pa rin niya akong tinitignan. He was wearing red slacks. Beneath his red coat was a white polo and a black necktie on his collar. He also had a tag name pinned on the upper left pocket of his coat. Hindi ko na mabasa dahil sa sobrang kaba ko, nakakaduling kaya hindi ko na sinubukan pa.
My grip tightened on the strap of a sling bag hanging on my shoulder that my hand found. Mabilis akong nagbaba ng tingin at itinaas ang aking hawak.
Bakit naging sling bag 'to!?
Napapikit na lang ako nang mariin. Shiz, ano ba 'to!? Nang muli kong binuksan ang aking mga mata ay hindi pa rin nagbabago ang paligid. Tumingala ako sa langit tsaka ulit nagpaglinga-linga.
Nabundol ba ako ng sasakyan kanina? Nasa coma ba ako or deds na? O baka nawalan kaya ako ng malay habang naglalakad ako kanina, tapos panaginip 'to?
Holy chickens! Parang na akong masusuka dahil sa sobrang lakas ng kalabog ng aking dibdib. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang iyak. Natataranta na talaga ako!
"Are you okay? You look pale..."
My brows arched as I looked back at him. Nandiyan pa pala siya sa harapan ko.
I nodded. "Y-yes, I-I'm okay." Nanginginig pa boses ko!
Kumunot ang noo niya, nagtataka. "First day mo ba rito, kaya ka kinakabahan?"
Napaawang ang bibig ko. Ano raw!? "F-First day?" Ih, hindi ko nga alam anong school 'to! Sa UST ako nag-aaral!
Mahina siyang natawa. "Why are you stuttering?"
Ba't ba ang tagal bumalik sa rati!? Kanina saglit lang ako nakakita ng nakaraan, tapos ngayon... Shiz! Nahihibang na ba ako?
Sorry po Arch of the Centuries, hindi naman kita kwenikwestyon! Pakibalik na ako sa rati! Huhuhu!
Tinignan ko ulit ang lalaking nasa harapan ko. I gulped before asking a stupid question. "Are you real?"
"What?" He blinked twice and chuckled out of amusement. "I'm real, how about you?"
Instead of answering her question, I asked another randomly. "Alam mo ba 'yong UST?"
"Yes, sa Manila 'yon. Why?"
Nanlaki ang mata ko... Sa Manila 'yon. Sa Manila. Sa... So wala ako sa Manila now!?
"N-Nasaan ako?"
Tinawanan na naman niya ako. "Nasa school."
Mabilis akong umiling. "I mean nasaang lugar ako."
He pursed his lips to stop himself from laughing when he realized I'm not joking. "Nasa Bicol."
Bahagya akong napaatras.
Bicol!? Fck, paano naman ako nakapunta rito!? Kalalabas ko lang kanina sa gate ng UST! Bakit ako napadpad dito!? Nag-teleport ba ako!? May gano'n na ba akong kapangyarihan na ngayon ko lang nalaman!? Atsaka kung teleport man ang kakayahan ko, bakit nakasuot na ako ng ibang uniform!?
Mariin akong napapikit at yumuko. I massaged the bridge of my nose, trying to calm myself.
"Hey, Bella!"
Napamulat ako nang may umakbay na babae sa akin, parang nabuhayan ako nang mapagtantong si Sab ang laging gumagawa sa akin no'n!
"Sab—" naputol ang kasiyahan ko nang ibang babae ang makita ko.
Kumunot ang noo ng babaeng nasa harapan ko. Mas matangkad siya nang kaunti sa akin. Naka-hair band siya at kulot ang buhok. She was hooking her shoulder bag on her elbow.
"Sabrina?" pag-uulit niya sa pangalang lumabas sa bibig ko. "Who's Sabrina? New friend?"
Bumaba ang mata ko sa tag name niyang naka-pin sa left pocket ng kaniyang coat. Falcon, Heidi Devianne M. sa baba ng pangalan niya ay nakasulat roon ang kaniyang year at course.
"You look pale, are you okay?" Her eyes were worried.
Hindi ako nakasagot dahil lumingon siya sa lalaki. "Why, what happened?" Her tone was accusing the guy of something.
The guy squinted his eyes at her. "I didn't do anything. Kahit tanungin mo pa siya." He looked at me.
Heidi also looked at me, waiting for my confirmation.
Nagbalik-balik pa ang tingin ko sa kanilang dalawa bago tumango. "A-ah. Yeah. W-wala siyang ginawa, Heidi."
Hindi makapaniwalang tumaas ang isang kilay niya. "Hay-di?" She asked like I offended her. "Bella, it's Hey-di." pagtatama niya.
Shiz! Importante pa ba 'yon!? Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari.
"Is this after life?" wala sa sarili kong tanong.
"Bella!?" gulat niyang tawag sa akin. "Pinagsasabi mong afterlife?"
The guy softly giggled.
Nasapo ko ang aking noo. "I'm not Bella! My name is Zoe!" So frustrating!
"Babe? What are you saying?" she said.
Napatigil ako sa sinabi niya. Bahagyang umawang ang bibig ko at wala sa sarili akong napaatras. My heart pounded so hard.
"B-b uh huh? B-babe?" I couldn't even say it. "What do you mean babe? You're my girlfriend!?"
"What!? It's just are nickname to each other! What are you talking about?" pati siya ay naguguluhan na sa inaasta ko.
Maiiyak na ako, malapit na. "But I don't know you!" Tinignan ko rin ang lalaki. "Pati ikaw 'di rin kita kilala. Both of you!"
Heidi pulled her wallet and opened it to show me a picture in the clear ID pocket. "I'm your best friend! Baliw ka na?"
Napatulala ako habang tinititigan ang picture. Kinuha ko ang wallet sa kaniya at pinakatitigan ang litrato. It was me and her, hugging each other while we smiled broadly with happy birthday hats on our heads...
Hindi ako makapaniwala na may ganito akong pic kasama siya, ih 'di ko naman siya kilala! Shiz! Kailan 'to nangyari!?
"T-this is not me. Swear!" mabilis kong binalik sa kaniya ang wallet niya dahil sa takot. Muntik pa ngang mahulog kung 'di niya lang nasalo dahil binitawan ko kaagad nang hindi niya pa nahahawakan.
My heart was in my throat. I felt light headed, it makes me wanna vomit but I think I can't do that. Mawawalan na ata ako ng malay—
"Bella!"
"Hey!"
Naramdaman ko na lang na may sumalo ulit sa akin pero hindi ko na nagawang buksan ang mga mata ko para makita kong sino 'yon. I even felt their hands tapping my face as their voices faded saying the name that wasn't mine before I totally had my blackout.
I wished I could not see them again when I woke up... I was hopeful when I opened my eyes and the white ceiling was the first thing I saw.
Wala akong ibang makita maliban sa kulay asul na kurtinang nakasabit sa paligid. Mabilis akong napabalikwas nang makita ang lalaki kanina, na nakaupo at nakatingin sa akin ngayon.
Shiz! Ano na, bakit nandito pa rin siya!?
"Don't tell me, hindi pa rin ako nakabalik?" mahinang bulong ko sa aking sarili habang nagtitigan kaming dalawa.
"What's your name?"
Kumunot ang noo ko dahil parang nag-iba ang aura niya kumapara kanina.
"Zo—" my voice was hoarse, so I cleared my throat. "I mean... Bella?"
He extended his arms to get the water bottle on the table beside me. Binuksan niya 'yon at inabot sa akin.
"Here, drink."
Inayos ko ang upo ko at hinila ang kumot pataas sa aking bewang na tumatakip hanggang sa paanan ko.
"Thank you." mahinang sabi ko nang abutin ko 'yon sa kaniya.
Nag-iwas na lang muna ako ng tingin bago uminom dahil parang na-glue na ang mata niya sa akin.
May dumi ba ako sa mukha o type ako nito?
My eyes glanced him for a moment to check if he was still looking at me when I finished drinking.
"Why are you looking at me like that?"
Binalik ko ang water bottle sa table at naghintay sa sagot niya, pero wala akong narinig kahit isang salita mula sa kaniya.
I raised my brow at him. "Ba't ba ganyan ka makatitig, ha?"
He crossed his arms over his chest. "What's your name again?"
Ay wow, parang 'di narinig ang sinabi ko.
"Zoe, but you're calling me Bella. Maybe you're thinking I'm crazy but I'm not—"
"Where you from?"
Sumimangot ako dahil hindi niya ako pinatapos at parang hindi niya narinig ang sinabi ko.
Hinawakan niya ang baba niya habang kunot ang kaniya noo. "I mean, what year?"
Pinandilatan ko siya ng mga mata ko. "Huh? What do you mean?"
He gave me an amused smile. "I'm from 2025, how about you?"
Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig. "What!?" I muttered, scared to be heard by others. "What do you mean 2025? Are you like me? Why are we here? What's happening? Are we aliens? Do we have power?" sunod-sunod kong tanong.
Natawa siya sa akin, lumabas tuloy dimples niya.
"Anong tanong ang uunahin kong sagutin?"
Napalabi ako. Ahm, nakalimutan ko na kaagad ang mga tanong ko pero sabi niya galing siyang 2025—
I gasped.
"If you're from 2025... and you're asking me what year I was from... then this isn't 2020?"
"No. It's currently 2011. December 6, 2011— to be exact."
Napahawak ako sa aking dibdib. I grasped my shirt. 2011... Is he serious? Kung ano-anong mga bagay ang pumasok sa utak ko.
"Why? Why are we here? Makakabalik pa ba tayo? Is this for real?"
He nodded and gave me an assurance smile. "Makakabalik pa tayo... Don't worry."
"But why are we here? Nasa 2020 lang ako kanina, ba't ako napunta rito? March lang kanina, tapos December na ulit?" Sobra akong naguguluhan.
"So, you're in the lockdown stage..."
Nanlaki ang mga mata ko. "Lockdown!?" Nagpipigil kong sabi. "Sab was just talking about that a while ago. So, it really happened?"
Umiwas siya ng tingin. Kumunot ang noo niya at binaba ang kaniyang kamay para muling humalukipkip. He sighed deeply which made me think that something wasn't right about the topic.
My forehead creased, confused and a bit scared. "Why do you look as if you're in distress?" maingat kong tanong. "Is it about the virus, did something happened?"
Mas lalong kumunot ang noo niya at nagbaba siya ng tingin.
Nagtanong ako ulit nang hindi siya sumagot. "Hindi pa rin ba nawawala?"
He pursed his lips as his chest moved up when he inhaled deeply.
"No, it became worse."
__________D.H.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro