Buwan
Isang salita, limang letra
Ngunit ito'y nakamamangha
Buwan na pinalilibutan ng mga tala
Maaring pagmasdan, ngunit kailanman ay hindi mahahawakan
Aking pinakikinggan ang ating paburitong mga kanta
Habang pinagmamasdan ang buwan na parehas nating mahal
Binabalikan ang mga ala-alang iyong iniwan sa akin
Na kailanma'y hindi ko malilimutan
Ang gabing ako'y sinayaw mo
Sa ilalim ng buwan
Noong aking ika-labingwalong kaarawan
Subalit hindi ko inakalang sa gabing din na iyon ay mawawala ka ng tuluyan
Ikaw ay sumakabilang buhay
Habang ako'y nanatiling buhay
Ako man ay buhay
Ngunit ang kaluluwa ko'y tila wala ng buhay
Aking sigla at saya,
Nawala na parang bula
Noong gabing binitawan mo ang aking kamay
At tuluyang namatay
Ngayon, ilang dekada na ang nakalipas
Ngunit bakit napakasakit pa rin?
Bakit parang ako'y nasa nakaraan pa rin?
Tila tumigil ang mundo ko nang ikaw ay umalis
Pero sa wakas, malapit na kitang makasama
Habang nakahiga sa aking kama
At pinagmamasdan ang buwan
Unti unti akong dinalaw ng antok
Isinara ko na ang aking mga mata
At kasabay nun ang pagtigil ng kanta
Sa wakas, susundan na kita
Sa kabilang buhay
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro