Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 9: Meeting the Family*~

~*Chapter 9: Meeting the Family*~
  
 
  
  
~*Yumi POV*~
 
  
 
  
"Hanggang kailan mo ba ako balak buhatin?" Paulit ulit kong tanong sa kanya dahil hindi pa rin niya ako pinababa. "Bakit kasi hindi mo na lang ako ibaba? Pinapahirapan mo lang rin ang sarili mo." Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang buhat buhat niya ako sa paraang yung sinasabi nilang bridal carry at tila wala siyang naririnig at nakikita na ibang tao sa paligid niya. "Oy, Mr. Oxford." Mahinang tawag ko na nagpatigil na sa wakas sa kanyang paglalakad.
  
 
"It's none of your business." Sabi niya na nakatingin sa akin.
 
  
"It is my business Mr. Oxford, dahil hindi lang ikaw ang pinagtitinginan nila pati ako." Turo ko pa sa mga taong nakatingin gamit ang nguso ko. "Ayokong matsismis na may namamagitan sa ating dalawa." Dagdag ko pa.
  
  
Inalis niya ang tingin sa akin upang makita niya ang mga tao nasa aming paligid. "It's too late for that. Siguradong alam na ng buong school ang nangyari. So tumahimik ka nalang pwede, para makapunta na sa pupuntahan natin." Hahakbang na sana siya ngunit muli siyang tumingin sa akin. "Kung nahihiya ka, pwede mo namang itago yung mukha mo sa dibdib ko." Kasunod nito ang pagngiti niya ng nakakainis.
  
  
  
Ewan ko ba pero sinunod ko rin yung sinabi niya. Tinago ko yung mukha ko sa bandang dibdib niya habang nakahawak ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. Atleast hindi ko sila nakikita at hindi rin nila nakikita ang mukha ko.
  
   
Ilang sandali pa, bigla siyang huminto sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan yun dahil tinatago ko pa rin ang mukha ko.
  
  
Narinig kong tumatok siya sa pinto na gamit ang kanyang paa dahil hindi niya magamit ang kanyang kamay dahil buhat buhat niya ako. Agad naman din ako nakarinig ng tunog ng pagbukas ng pintuan.
 
  
"Oh Master Je-- este Mr. Oxford, pasok." Narinig kong aya ng isang boses babae dahilan upang muling paglakad ni Jeric. "Sandali lang, tawagin ko lang si Doc." Narinig ko naman ang paghakbang palayo ng babae at muling pagbukas ng pinto na sinyales na lumabas ito.
  
 
Ilang sandali lang bigla namang nagsalita si Jeric. "Mukhang ayaw mo pang bumaba." Dahil sa sinabi niya na yun napatingin ako sa kanya at sa paligid.
 
  
Maaliwalas ang lugar at may mga puting tela na nakaharang sa bawat kama, mukhang sa Clinic niya pala ako dinala.
 
 
Nakatapat kami ngayon sa kama na nasa tabi ng bintana sa dulo. Nawala sa isip ko na masakit yung paa ko sa pagkakatalisod ko dahil sa impaktang Tori na yun.
 
 
Natauhan ako nang kunyaring umubo si Jeric. Doon ko lang narealize na buhat pa rin na ako pala ako at nakahawak pa rin ako sa magkabilang balikat niya.
  
 
"Ibaba mo na nga ako."
  
 
Nagpumiglas ako na parang diring diri sa kanya habang buhat niya na naging dahilan pagbagsak ko sa kama at napapikit sa sakit ng aking pagbagsak at dagdag pa ang sakit ng paa.
  
 
"Aray ko." Daing ko.
 
 
Pagmulat ng mata ko doon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako ang bumagsak sa kama kundi pati siya.
 
  
Nakatungkod ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko upang suportahan ang kanyang katawan na maaaring bumagsak sa akin anumang oras.
  
 
Kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa pagtitig na ginagawa niya ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta ngayon nakikipaglaro lang ako nagtitigan sa kanya.
  
  
  
"Mukha ka naman palang harmless kapag nakatikom ang bibig." Sabay ngiti niya bago bumangon. Nakita ko inaayos niya ang nagusot niyang polo na nagmula sa pagbuhat sa akin kanina at tsaka siya naupo sa bangko na katabi ng kama. "A-ayos ka lang ba?" Tanong niya na parang nauutal.
  
   
Hindi ako umimik. Tinalikuran ko lamang siya at napatingin sa labas ng bintana.
  
  
Hindi ko kasi alam kong anong gagawin ko o ikikilos ko, bigla akong nailang sa kanya. Hindi na rin naman siya nagsalita pang muli mukhang maging siya ay naawkward din.
  
  
Maya maya narinig namin ang pagbukas ng pinto. Lumingon ako ng bahagya upang masilip kung sino ang pumasok.
  
  
Dalawang babae ang pumasok. Nangunguna isang naka-lab gown na may nakaburda na Macarine na mukhang nasa edad 40. Nasa likod naman nito ang isang nakaplain white t-shirt na nasa edad 20 palang na medyo pamilyar sa akin ang mukha, parang nakita ko na siya kung saan pero hindi ko maalala.
 
  
Nang makita ko na silang makapasok ay bumalik na ako sa kanina kong pwesto na nakatingin sa labas ng bintana. Macarine pala pangalan ng doctor-in-charge dito at malamang yung nakaplain white kausap ni Jeric kanina kasi yun yung hindi doctor. Hindi naman kasi ako nagagawi dito sa Clinic dahil hindi naman ako sakitin, kaya first time ko lang dito.
 
  
"Mr.Oxford, what happened to her?" Tanong niya kay Jeric.
  
  
"I saw her foot bleeding after noong natapilok siya at tumama sa bato kanina kaya dinala ko siya dito." Napatingin naman ko bigla sa paa ko na bahagya kong itinaas. Wala na ang itong suot na sapatos.
  
  
'Hindi ko man lang alam na dumudugo na pala ang paa ko. Alam na pala niya kanina, kaya siguro niya ako binuhat.'
  
  
Lumapit naman si Dra. Macarine sa akin at hinawakan ang paa ko para inobserbahan. "Humiga ka muna ng maayos at lilinisin niya ang sugat mo." Sinunod ko naman ang sinabi niya.
  
 
Umayos ako ng pagkakahiga at tsaka lumapit sa akin yung isa pang babae na mas bata. Nilinisan niya ang sugat sa paa ko at binendahan ito.
  
 
Napatingin naman ako kay Jeric na abala rin sa panunuod sa paglilinis at pagbebenda sa paa ko.
  
 
'Ano ba itong naramdaman ko?'
  
 
"Ayan, tapos na. Huwag ka lang masyado maglakad dahil hindi lang sugat ang natamo mo, you had sprain too." Paalala sa akin Dra. Macarine na naging dahilan para matauhan ako sa pagtitig sa kanya.
  
 
Mabuti na nga siguro ito, atleast may enough reason na ako na hindi muna pumasok sa mga klase ko.
  
  
Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo ng maayos sa kama. Magtatanong na sana ako nang unahan ako ni Jeric sa pagsasalita.
  
  
"Anong mga kailangan para gumaling na ang paa niya? Medicine? Operation?"
  
  
'Bakit ba nangunguna siya? Siya ba yung pasyente.'
  
  
"Medicine, yes, but she don't need an operation. Rest, that's what she need. Oh sige, maiwan ko muna kayo para maresitahan na kita. Melisza ikaw muna ang bahala sa kanila." Nginitian naman ako ni Dra. Macarine bago ito umalis dahil dito napangiti din ako.
  
  
Lumapit namang yung nakaplain white t-shirt na pamilyar yung mukha sa akin.
  
  
"Hi, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tumungo na lang ako bilang tugon. "Mabuti naman. Pafill up nalang ito, kailangan ko kunin yung pangalan mo, edad, year and section." Sabay abot niya sa akin ng log book. Nang matapos akong mag fill up ay binalik ko na sa kanya ito, nakita kong medyo lumaki yung mata niya ng simulan niyang icheck ang log book. "C-cortez ang apelyido mo?" Nauutal niyang tanong.
  
  
Tumungo na lang muli ako bilang tugon. Agad naman siyang lumabas ng kwarto na ikinagulat namin ni Jeric.
  
  
"Anong nangyari kay Ate Isza?" Gulat na tanong niya. Ako na din ay nagulat sa sinabi niya.
    
 
"Ate Isza?" Pagtataka ko.
  
 
"Ahh anak siya ni Mr. Eddie yung Driver ko. Siya din ang nag aalaga sa younger sister ko tuwing weekends tapos Mama naman niya tuwing weekdays kasi nagkakaaral siya sa Oxford College at sumasideline siya dito sa clinic tuwing weekdays." Paliwanag niya.
  
  
'Ang sipag naman niya. Kaya ko kaya yun?'
  
 
Napangiti nalang ako sa paghanga sa kanya, pero bakit nabigla siya nang malaman na isa akong Cortez.
  
 
"Anong ngini-ngiti mo dyan? Natuwa ka ba sa sinabi ko o dahil nayakap mo ako ng matagal." Sabi niya habang pinapakita ang signature smile niya.
  
  
'Tamang hinala din itong lalaking to.'
  
  
"Nag activate na naman ba ang pagiging mahangin mo? Ang baho baho mo kaya. Kanina pa ako nagtitiis sa amoy mo." Takip ko pa ng ilong ko.
  
   
Pero sa totoo lang hindi naman talaga siya mabaho, mabango pa nga kaso lalaki yung ulo kapag nalaman niya kaya hindi ko sasabihin.
  
 
"May nutrients kaya itong pawis ko at tsaka ikaw naman may dahilan kung bakit ako pinagpawisan, remember?" Ang galing manisi, syempre naman naaalala ko.
  
 
"Una sa lahat Mr. Oxford, hindi naman kita inutusan nabuhatin ako, kusa mo yung ginawa at isa pa ano ba ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ako ba ang nagsinungaling, hindi ba ikaw, remember?" Pagbabalik ko sa tanong niya na ikinatahimik niya.
  
  
Hindi naman sa sinisisi ko siya, pero dapat malinaw din sa kanya na may kasalanan din siya at alam ko namang may kasalanan din ako, yun ay nagpaloko ako sa kanya.
  
  
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Alam kong namomoblema din siya ngayon dahil nagsinungaling siya kanina.
  
 
'Bakit kasi nangialam pa siya kanina, kaya ko naman ang sarili ko.'
  
  
"Look, nangyari na ang nangyari, huwag na tayong magsisihan." Dahil sa sinabi niya bigniyan ko siya ng sino-ba-ang-nagsimula-look. "Oo na. Ganito na lang, tutal may kasalanan naman tayong dalawa edi panindigan na lang natin ang mga aksyon natin."
   
  
'Ano ibig sabihin non, magpapanggap kaming magkasintahan?'
  
 
"No way." Mabilis kong tugon. "Ayoko na kailanman magkaroon ng koneksyon sa iyo." Dagdag ko na nagpatawa sa kanya.
  
  
"Have you forgotten? You still my slave and I will start it now."
  
 
'Oo nga pala, nakalimutan ko na. Ang dami na kasing nangyari ngayong araw kahit na maaga pa lang.'
 
 
"Inuutusan kitang magpanggap na girlfriend ko at the same time my slave." Naguguluhan ako sa sinabi niya.
  

'Slave na girlfriend? Ano yun?'
  
 
"Wala naman sa usapan yan. Magagalit sina Mama at Papa kapag nalaman nila. Bakit kasi hindi nalang natin sabihin yung totoo?" Suwestyon ko na may pagkairita.
  
  
Nakita ko naman siyang umiling. "Hindi yun pwede." Pangongontra niya.
   
  
"At bakit naman hindi, madali lang yun dahil ikaw ang anak ng may ari nitong school."
  
  
"That's exactly my point. Anak nga ako ng may ari so dapat role model ako at hindi ako gumagawa ng fake announcement na pwedeng ikasira ng school and beside mas mabuti na siguro na malaman ng magulang mo na may boyfriend ka kaysa malaman na nakipag rambulan ka sa school, right?"

  
'Tama nga naman, mas malala kapag malaman nila Mama at Papa ang pakikipag away ko, pero sigurado ako pag nalaman din nilang may boyfriend na ako, magagalit pa rin sila ng sobra lalo na si Papa.'
   
  
"Kahit na, sa dami naman kasi ng maiisip mong paraan, yung pagiging mag jowa pa talaga ang unang pumasok dyan sa kokote mo." Inis ko. Bigla din namang may pumasok na ideya sa isip ko. "Alam ko na, kaya mo sinabi na girlfriend mo ko." Nakita ko namang ang paglaki ng mga mata niya.
  
 
"A-At bakit naman?" Utal na tanong niya. Nakita ko ang biglang pamumutla ng mukha niya.
  
 
"Sa pagkakakilala ko sa iyo, imposible namang mag kagusto ka sa akin, di ba? Kaya siguro ang totoong dahilan mo ay gusto mong mas dumami pa ang galit sa akin at para mas lumaki pa yung utang na loob ko sa iyo." At nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko.
  
 
'Sabi ko na nga ba at tama ang hinala ko.'
  
  
"Mabuti naman at hindi mo naisip na may gusto ako sa iyo, pero mali naman yung isang naiisip mo. Hindi mo ba nakita na niligtas kita kanina, edi sana pinabayaan nalang kita doon kung gusto ko lang din naman na dumami ang galit sa iyo." Kahit anong dahilan niya sa ginawa niya, alam kong dadami pa rin ang galit sa akin lalo ang mga kababaihan dahil iisipin nilang inaagaw kong yung prinsipe nila. "And one more thing yung pagiging mag boyfriend at girlfriend natin ay sa harapan lang ng mga tao, huwag mong isipin na gusto ko ito, yun lang talaga ang unang pumasok ka isip ko. Kaya kapag tayong dalawa lang slave kita. Yun ang usapan natin, para wala ng manggugulo sa iyo at para na rin madagdagan yung utang na loob mo sakin." Kasunod ng mga sinabi niya ay isang mapangasar na ngiti.
  
  
'Sana nga wala ng mangggulo sakin.'

'Ang kapal talaga ng mukha, yun pala talaga ang motibo ng pagtulong niya sa akin kanina.'
  
  
"Sige, anong gagawin natin ngayon at paano natin ito sisimulan?"
  
  
'Bahala na.'
    
  
 
---
 
   
 
Ding Dong! Ding Dong!
  
 
"Yumi! Pakitingnan mo nga sandali kung sino yung nagdodoorbell!! Nagluluto pa ako ee." Sigaw ni Mama mula sa kusina.
 
  

"Sige po Eomma." Pinause ko muna ang pinapanood ko sa YouTube.
  
  
Sabado ngayon, tulad nitong mga nakaraang araw, hindi na ako pinapasok nila Mama dahil nasprain yung paa ko. Ang alam nila dito sa bahay ay natapilok lang ako kaya ako nagkasprain. Hindi na rin kumalat yung rambulan na nangyari dahil nagbanta si Jeric sa mga tao sa school na kapag kumalat ang nagyari ay malaman kung sinong nagpakalat non ay magsususpend at 1 month community service for students at sisante naman sa mga empleyado ng eskwelahan ang magiging parusa. Sa takot masisante at magcommunity service, walang ng nagtangka pang magpakalat non. Sa isip ko nga, parang labag sa human rights yung ginawa niya kahit sila pa ang may ari ng School, pero sumangayon nalang ako dahil para rin naman sa kapakanan ko yun.
  
 
Inexcuse naman ako ni Jeric at Besty sa mga teachers namin at sila na rin ang nagsulat ng notes sa notebook ko. Kaya hayahay lang ako sa bahay, panuod nood lang ng mga music video ng Girls' Generation sa YouTube. Kaso sino ba itong epal na ng gugulo sa masaya kong panonood.
  
  
Ding Dong! Ding Dong!
 
  
"Sandali lang." Panay pa rin ang pagdoorbel niya.
   

'Hindi makapag antay? Tsk.'
  
  
Mabagal ang naging paglalakad ko dahil masakit parin ang paa ko. Kaya ito paikaika ako ngayon. Pero hindi katulad noong nakaraan mas maayos na ang paa ko ngayon.
  
  
Pagbukas ko ng pinto. "Sino po sil-- Anong ginagawa mo dito?"
 
 
Napalaki ang mata ko sa gulat ng makita ko kung sino ang nasa labas ng bahay namin. Mataas kasi ang Gate namin dahilan para hindi makita kung sino mga tao sa labas.
  
  
"Hi Miss Heartless, I mean my Girlfriend. Hindi ba nagtatanong ka kung paano tayo magsisimula, ito na yun." Natatawang sabi niya.
  
  
"Ha?!" Napanganga nalang ako. Parang ayaw mag sync in sa utak ko ang mga sinasabi niya.
  
 
"Ibig kong sabihin ay sisimulan natin sa pagsasabi sa family mo na boyfriend mo ko." Pagkarinig ko ng mga sinabi niya agad kong sinara yung gate ng bahay namin. "Aa-- aaray!! Yung kamay ko!!" Dali dali kong muling binuksan ang gate namin.
  
  
"Ikaw kasi, iharang harang ba naman yung kamay sa gate." Sisi ko.
  
  
Nakita kong sinamaan niya ako ng tingin bago sumagot.
  
  
"Sorry ha, ang tanga kasi ng pinto, bigla biglang nagsasara. Tsk." Sabay hinipan ang mga daliri niyang naipit. "Sabihin mo lang kung nagulat ka, hindi yung mang iipit ka pa. Heartless ka nga." Narinig ko ang bulong niya, pero pinabayaan ko nalang.
  
  
"Paano mo nga pala malaman yung bahay ko?" Pagtataka ko.
  
  
Hindi naman kasi niya alam ang bahay namin dahil hindi ako nagpahatid nung nakaraan kahit nagpupumilit siya kasi nga nasprain daw ang paa ko bawal maglakad lakad at baka daw may makakita na hindi niya ako hinatid sa bahay, malaman agad na nagpapanggap lang kami. Pero wala akong paki dahil gusto kong mapag isa. Kaya nagpahatid nalang ako sa kanya sa sakayang ng tricycle para atleast sabay parin kaming umalis ng school at syempre siya ang pinabayad ko sa pamasahe.
      
   
"Ahh yun ba. Dahil sa kanya." Turo niya. Sinilip ko naman kung sino yung tinuturo niya.
  
   
"Hi. Besty!!" Masiglang bati niya sa akin na medyo hinihingal, mukhang nanggaling pa siya sa bahay nila. "Kanina ko pa kasi siya nakikitang nag aantay sa may kanto, kaya pinuntahan ko na. Yun pala hindi niya alam yung bahay niyo, kaya ito tinulungan ko, pero iniwan ko lang saglit kasi tinawag ako ni Eomma. Pero yan safe na safe kong nadeliver yung boyf---" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya nang makarinig ako ng yapak na may naglalakad patungo sa amin at sakto namang paglabas ni Mama.
  
  
"Sino yan Yumi?" Tinanggal ko naman agad ang pagkakatakip ng kamay ko bibig niya baka kasi magtaka si Mama.
  
 
"Huwag kang maingay ha." Bulong ko kay Besty.
  
 
"Oh Panyang ikaw pala." Wika ni Mama.
  
 
"TiNang (Tita Ninang) naman ee, Tiffany po, hindi Panyang. Tiffany." Pagtatama niya kay Mama.
  
  
Pero parang walang narinig Mama at tinawanan lang siya. "Panyang, bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" Aya ni Mama kay Besty na nagbuntong hininga na lang. Napatingin naman bigla si Mama kay Jeric. "At may kasama ka palang gwapong binata. Sino yan? Boyfriend mo?" Pag uusisa ni Mama.
  
  
"Hay naku TiNang, I wish. Pero hindi po ako girlfriend niya." Sabay tingin naman sa akin ni Besty.
  
  
'Lokaret talaga.'
  
  
"Ah ganon ba? Kawawa ka naman pala Panyang, sayang at ang gwapo pa naman." Pang aasar pa ni Mama. Tumawa na lang si Besty. "Ah Hijo, ano nga palang pangalan mo?"
  
  
"Good morning Mrs. Cortez, I'm Kris Jeric." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.
  
  
"Oh english." Sabi ni Mama bago tanggapin ang pakikipagkamay ni Jeric. "Paano ba ito?" Tumingin bigla sa akin si Mama pagkatapos ng pakikipagkamayan nila sa isa't isa. Animo'y naghihingi ng tulong. "Ah don't be too formal Hijo, you can call me Tita or Aunt in English." Natawa nalang kaming tatlo sa sinabi ni Mama.
  
 
"Okay lang po Tita, I can speak and understand Filipino language." Natatawa wika ni Jeric.
  
  
"Yun naman pala, pinahirapan mo pa akong maghagilap ng English words. Hay." Hinga pa ni Mama na lalong naming ikinakatawa.
  
  
"Ano ka ba naman, paenglish english ka pa kasi, mamaya magdugo na yung ilong ni Eomma." Sabi ko habang hindi mapigilan ang pagtawa.
  
  
Ilang sandali pa at nahimasmasan na kami sa pagtawa namin. Napatingin muli si Mama kay Jeric.
   
  
"Ah Hijo, Kris Jeric hindi ba ang pangalan mo?" Tumungo naman si Jeric bilang tugon. "Pwede bang Kris na lang ang itawag ko sa iyo para maikli?" Suwestyon ni Mama. Nakita ko namang nagulat si Jeric sa sinabi ni Mama.
 

"Ahh Eomma, Jeric nalang yung itawag mo, yun kasi tawag sa kanya ng mga classmates namin." Pagpasok ko sa usapan.
  
  
Baka ayaw niya kasing tinatawag na Kris, kaya Jeric na lang tutal yun naman ang madalas na itawag sa kanya.
  
  
"Hindi, okay lang po Tita. Kris is fine." Ngiti pa niya, kaya pati si Mama napangiti.

  
"Ah TiNang, uwi na po ako baka po hinahanap na ako ni Eomma." Pagpapaalam ni Besty.
  
  
"Sige lang Panyang, sabihin mo kay Christy na pupunta ako doon mamaya." Christy ang name ng Mama ni Besty na Besty rin ni Mama.
 
  
"Kayo na po munang bahala sa in-law este sa classmate namin. Bye." Sabay takbo paalis ni Besty.
  
  
'Lokaret talaga yun, madudulas pa.'
  
  
"Kris, tara sa loob, sakto at kakatapos ko lang magluto, sumabay ka na sa amin maglunch." Aya ni Mama kay Jeric. Tumungo na lang siya at sumunod kay Mama.
  
  
Pagpasok namin ng bahay, agad kaming tumuloy sa kusina. Pinaupo na agad siya ni Mama sa hapagkainan. Ako naman ang kumuha ng mga plato at baso, nilagay ko sa lamesa na at inayos nakatapat sa upuan.
  
  
Ilang sandali pa at natapos na kami sa paghahain ni Mama ng aming makakain, nang sunod sunod na bumaba ng hagdan ang tatlong lalaki ng bahay namin, si Papa, Kuya Jun at Shaun.
  
   
Napansin namin ni Mama ang gulat sa mga tama nila ng makita si Jeric. Hindi naman sila nakikita ni Jeric dahil nakatalikod ang inuupuan niya sa kinakaroonan nilang tatlo.
  
   
"Hindi niyo sinabi na may bisita pala tayo ngayon." Dahil sa sinabing yun ni Papa, napatayo naman sa gulat si Jeric.
  
  
"Magandang araw po. Ako nga po pala si Kris Jeric, classmate po ni Yumi." Agaran niyang pagpapakilala. Hindi naman sumagot yung tatlo.
  
  
Tinignan ko si Jeric, halata sa itsura niya nakinakabahan siya. Para namang bigla may namuong tensyon sa pagitan nilang apat.
  
  
"Oh siya magsiupo na kayo para makakain na." Utos ni Mama na nagpaalis ng tensyon sa apat na lalaki.
  
 
Natapos ang tanghalian namin na hindi nagsalita yung tatlo, puro si Mama lang ang nagtatanong at sinasagot naman Jeric ang mga ito.
  
  
Ngayon kami'y nakaupo na sa sala. Magkatabi si Mama at Papa sa sofa, si Jeric naman nakaupo sa gitna nila Kuya Jun at Shaun na nakaharap din sa kinauupuan ko. Panay parin ang tanong ni Mama kay Jeric habang nag oobserba naman ang tatlong lalaki.
  
  
'Ano bang problema nila.'
  
 
"Oo nga pala, kanina ka pa andito sa bahay namin, ano nga palang sadya mo dito?" Kinabahan ako bigla sa naging unang tanong ni Papa na may tonong parang ayaw niyang andito si Jeric sa bahay.
 
  
Nakita kong huminga muna siya ng malalim tsaka tumayo at humarap kay Papa at Mama.
  
  
"Ako nga pala si Kris Jeric." at tumingin sa akin. Binigyan ko siyang ng Huwag-mo-sasabihin-look pero nginitian lang niya ako at sumagot.
  
    
  

"Ang Boyfriend ni Yumi."

  
~~~~~~
 
    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro