~*Chapter 7 : Tambayan*~
~*Chapter 7 : Tambayan*~
*~Yumi POV~*
Kasama ko ngayon ni Besty sa Classroom ngunit mukhang siya ang hindi ko kasama dahil naglalakbay pa ang utak at tulala pa dahil hindi pa rin nakakamove on sa nagnakaw ng her Precious First Kiss. Nakwento na niya sa akin kahapon.
Naku malaman laman ko lang kung sino yung hinayupak na yun, walanghiya siya, sinira niya ang Rule ni Besty na No Marriage, No Kiss kaya hindi yan nagpapahalik kahit na smack lang sa mga naging boyfriend niya, kung may kukuha man ng kanyang first kiss eh ang gusto niya ay yung kanyang Dream Boy sa kanyang Dream Wedding.
At syempre nakwento ko na rin sa kanya yung nangyari noong sabado.
-FlashBack-
"WWWAAAAAAAAHHHHHH!!!! Kinikilig ako Besty!!" Sigaw ni Besty sa kwarto ko pagkatapos kong ikwento sa kanya.
"Uy! Huwag ka ngang masyadong maingay, baka marinig pa nila Eomma. At ano naman klaseng reaksyon yan, akala mo naman may nangyaring maganda." Simangot ko habang siya ngiting tagumpay.
"Bakit wala ba?" Tawa pa siya. "Diba besty gusto mo yung word na First Time, yan first time mong mag suot ng couple shirt."
Tama nga naman si Besty, gusto ko yung laging may first time pero hindi yung ganitong klaseng first time.
"Okay lang naman sa aking magsuot ng Couple shirt, pero ako lang, hindi yung may kapartner at isa pa bakit yung asungot pa na yun ang kasama ko." Napakamot na lang ako ng ulo sa inis.
"Mas okay na yun kaysa maggala ka na nakacouple shirt tapos wala kang couple, magmumukha kang loner Besty." May point nga naman itong si Besty. "Grabe sa loob lang ng isang araw may instant Boyfriend ka na may instant Amo ka pa dahil dahil pumayag kang maging alalay niya." Tawa tawa pa niya.
Tama, pumayag ko dahil wala na akong choice nangblackmail siya, ikakalat daw niya yung nangyari sa resto at tsaka ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.
Mataas Pride ko ee.
"Besty, C-O-I-N-C-I-D-E-N-C-E, it means hindi ko ginusto o sinadya yun. Malay ko bang mahilig din siya sa Mickey Mouse" Depensa ko.
"Besty, there's not such as Coincidence in this world, it's all fate, destiny." Napahiga nalang ako sa kama.
'Totoo bang may Fate or Destiny?'
"Ibig sabihin Fate or Destiny din ang pagkanakaw ng My Precious First Kiss mo??" Sabi ko ng may pagkaGollum ng Lord of the Rings.
"Ano ka ba naman Besty nakalimutan ko na nga, pinaalala mo pa sa akin ulit, nakakainis ka." Pinaghahampas muna niya ako bago siya nagwalk out.
-End of FlashBack-
"Kasalanan mo ito Besty." Sabay tingin sa akin pa masama.
"Bakit ako? Wala naman akong ginagawa sa iyo. Kahit tanong mo pa kay Teresa, di ba Teresa?" Napatikom ako bigla ng bibig.
'Hala bakit Teresa pa yung nasabi ko.'
Tinitigan muna niya kaming dalawa ni Besty. "Wala akong alam." Sabi niya sabay yuko na parang bata.
"Wala, si Tiffany kasi, kung anu-ano yung binibintang sa akin." Tumingin na lang ako kay Besty. "Ano bang kasalanan ko?"
"Tingnan mo ang nangyari sa mata ko." Turo niya mata niya.
"Mata parin naman." Alam ko kung ano ang gusto niya iparating pero nagpatay malisya lang ako.
"Mata nga, pero matang may bitbit na malaking bagahe." Umarte pa siyang na umiiyak.
"Anong kinalaman ko sa eyebags mo?" Pagkukunyare ko na hindi ko alam.
"Kunyare ka pa dyan. Nakalimutan ko na yung Kiss ee, pinaalala mo pa ulit. Yaan tuloy hindi ako nakatulog huhuhu." Umarte na naman siya na umiiyak.
Ilang sandali lang nagsipasukan na ang mga classmates naming nasa corridor. Mukhang andyan na yung Adviser namin.
"Good Morning Class!" Nagsitayo naman kami.
"Good Morning Ms. Ordoñez!" Sabay sabay naming bati.
"Okay please be seated." Nagsiupo naman kami. "Today you have a new classmate from Imus City. He transferred here to meet new friends. So please behave, Class. Mr. Marciano, you may come in." Pagpasok nung transferee ay napalaki na lang yung mga mata ko nang makita ko si Bayot, yung sa MOA.
"Hello Classmate, I'm Geoffrey Clifford Marciano, nice meeting you, please be friendly to me."
Paulit ulit kong pinikit ang mata ko at hindi nagbago ang itsura ng lalaki. Siguradong siya yung bakla sa Moa. Geoffrey pala ang pangalan niya.
Nagsimula na ang bulungan ng klase.
"Ang cute naman niya, magiging boyfriend ko yan."
"Hindi, ako ang magiging gf niya."
Rinig ko sa usapan sa harapan ko. Natawa ako dahil may pagkaimposible ng gusto nila dahil bayot ang pinagpapantasyahan nila.
"Okay, Mr. Marciano you may sit there, besides Ms. Olivarez. It's that okay with you Ms. Olivarez?" Tanong ni Ms. Ordoñez kay Teresa.
"Okay lang naman po?" Mahinang sagot in Teresa tsaka yumuko ulit.
"Okay, Mr. Marciano you may now sit." At nagsulat ng lesson si Ms. Ordoñez sa board.
Samantalang ng makaupo na si Bayot sa tabi ni Teresa na nasa likod ko nakaupo, nang tawagin ko siya.
"Geoffrey." Napatingin naman siya sa akin.
"Ikaw ba yan Miss Pervert, Hentai, Manyak." Buti naman naaalala niya ako.
"Kilala mo siya Besty?" Pagtatakang tanong ni Besty.
"Siya yung Bayot sa MOA, yung pinagmulan ng lahat ng nangyari nung sabado." Sabay sama ng tingin kay Bayot.
"Shhhh. Miss Pervert, Hentai, Manyak. Medyo hinaan mo naman yung pagtawag saking bayot baka marinig ng mga boys, layuan pa nila ako." Tingin pa niya sa paligid. "At anong kinalaman ko sa mga nangyari sa iyo nung sabado?" Singit naman ni Bayot.
"Ganito kasi yung nangyari Besty at Bayot." Lumapit naman silang dalaw sa akin. "Hinila mo ako di ba palabas ng sasakyan?" Turo ko kay Bayot.
"Then/tapos?" Silang dalawa.
"Hindi ko tuloy nakuha yung sukli ko kay Mamang Driver, kaya tuloy nangyari yung mga nangyari nung sabado." Paliwanag ko sa kanila, naalala ko na kasi lahat eh.
"So it's all your fault Geoffrey." Nakataas na kilay na sabi ni Besty.
"Sorry na mga girls kahit hindi ko naman alam yung buong nangyari nung sabado, basta ako nakipagdate." Kinikilig sa mga sinabi niya. "Pero nakita kita may kasama noon.
"Okay lang, pati naman si Besty nagkainstant Date dahil sa ginawa mo, kaya Thank you Geoffrey. Dahil dyan, friends na tayo." Pagpapasalamat ni Besty at nag apir pa sila. Akala ko pa naman ipagtatanggol niya ako.
"Uy bakit ka magpapasala- "
"I'm sorry, I'm late."
Lumaki yung tainga ko nung nakarinig ako ng pamilyar na boses, kaya napatingin ako sa gawi ng nagsalita. Mukhang tumakbo pa dahil hinihingal siya.
"Ken?" Bulalas ko.
"It's Okay Mr. Oxford you can introduce yourself." Utos sa kanya ni Ma'am Ordoñez.
Sandali lang, tama ba yung narinig ko Oxford as in O-X-F-O-R-D, eh si Ken Javier kaya ang pangalan niyan.
"Thank you, Ms. Ordoñez. Hi classmates, I'm sorry, I'm late, I'm Kris Jeric Oxford." Bahagya pa siya ng yumuko.
Totoo nga. Hindi ako makapaniwala. Sila ang may ari nitong school. Kaya pala may sarili siyang sasakyan, may sariling stall sa mall, dahil talagang mayaman siya.
Ang tanga ko, hindi ko napansin yung pangalan niya nung pinakita niya sa akin yung driver's license niya.
"Mr. Oxford there's a vacant chair beside Ms. Cortez, you can sit there." Pinagtitripan ba kami Ma'am.
Nagulat siya nung nakita niya ako. Mukhang hindi niya alam na classmate niya ako.
Nginitian lang niya si Ma'am tsaka lumakad palapit sa akin.
"Okay ka lang ba Besty?" Naramdaman ko ang pagkalabit ni Besty. Nginitian ko lang siya.
"Kumusta Yumi." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatayo na ako at para bang kusa ng gumalaw ang kamay ko.
*PAKK
"Ang lakas din ng loob mo na kumustahin ako! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko pagkatapos ko siyang sampalin.
Sa lakas ng sigaw ko, lahat ng Classmates ko maging ang Teacher namin napatingin din sa akin.
"Ms. Cortez, what's happening there?" Nagsimula na naman ang bulungan ng mga classmates ko.
"Itanong niyo sa gagong to!" At dali dali akong lumabas na ng Classroom.
Narinig ko pang tinatawag ako ni Besty pero di ko siya pinansin.
'Ang kapal talaga ng mukha niya. Ken Ken pa siyang nalalaman siya lang pala si Kris Jeric Oxford ang anak ng may ari ng Oxford's Schools. Ganyan ba talaga ang mga mayayaman, ginagawang mga tanga yung mga nasa paligid nila. Isungal-ngal ko sa pagmumukha niya yung pera nila eh. bakit hindi naman ako mahirap, bakit pati ako nadamay sa pantitrip niya.'
Di ko na namalayan na nakalayo na pala ako sa classroom namin, as in MALAYO. Hindi ko na alam kong nasaan ako, parang wala na ako sa School kasi puro puno dito. May isang puno dito na malaki at malago ang dahon.
"Tama dito na lang muna ako, tutal hindi ko naman alam ang pabalik." Umupo ako sa may lilim ng puno grabe ang ganda ng tanawin dito, para akong nasa Tagaytay kase nakikita ko yung mga maliliit na mga bahay sa baba.
Sa sobrang sarap ng simoy ng hangin ay naisipan kong matulog. Cutting na kung cutting basta hindi ko lang makita ang pagmumukha ng Kumag na yun. Tsaka wala naman akong magagawa dahil naliligaw naman din ako.
*~Jeric POV~*
What the f*ck! Nalate ako ng gising, ngayon pa naman ako unang beses na papasok ako sa klase. Kasi naman yung best friend ko nakaskype ko kagabi yan tuloy.
Ngayon tuloy takbo ako ng takbo. Nang makita ko na yung room at basta na lang along pumasok.
"I'm sorry, I'm late." Napahawak na lang ako sa board dahil sa pagod sa pagtakbo.
"It's okay Mr. Oxford you can introduce yourself." Mabuti nalang at kilala ko si Ms. Ordoñez.
'Okay Stand Straight. Game.'
"Thank you Ms. Ordoñez. Hi classmates, I'm sorry I'm late, I'm Kris Jeric Oxford." Bahagya akong yumuko at sa pag angat ko ng ulo, titig nila ang sumalubong sa akin. Siguro kinikilatis nila ako. Paano ba naman anak ng may-ari ng School.
"Mr. Oxford there's a vacant chair beside Ms. Cortez, you can sit there." Mabilis kong hinanap ang tiruno ni Ms. Ordoñez. Nakita ko ang masamang tingin na binabato niya sa akin.
Hindi ko na naisip na tingnan pa ang list of students ng section ko kaya't hindi ko alam na kaklase ko pala siya.
Habang lumalapit ako sa kanya, mas dumadagdag ang kaba ko.
"Kumusta Yumi." Nginitian ko pa siya.
Sa bilis ng pangyayari, nawala na sa harap ko ang babaeng sumampal sa akin. Maging ang katabi niya.
"Mr. Oxford, what happened?" Tanong ni Ms. Ordoñez nang makalapit siya sa akin.
"I'm sorry Ms. Ordoñez, mukhang hindi parin ako makakapasok ngayong araw." At lumabas na ako para habulin si Yumi pero di ko na siya makita kahit yung sumunod sa kanyang babae, di ko na rin makita.
Ilang minuto na akong naghahanap pero hanggang ngayon di ko pa rin siya nakita. Papuntahan ko na ang Canteen, Departments, Faculty Rooms, sa Guard House nakarating na ako pero wala naman daw silang pinapalabas dahil Class Hours pa lang, pero buti nalang walang nakakita sakin kasi miski sa Girls Restroom pinasok ko pero wala rin siya doon.
Napagisipan ko nalang na magpahinga muna sa Tambayan ko. Kakalibot ko dito sa OA, aksidenteng nakita ko ang lugar yun na kahit na kami ang may ari ng OA ay hindi ko alam na may ganoon pala dito.
Sigurado naman din akong walang magtatangkang pumunta sa Hide-out ko dahil malayo na ito sa mga facilities pero lupa parin ito ng school, kaso nga lang puro puno dito kaya nakakatakot pumunta dito. Kaya alam kong safe ako dito.
Doon nalang ako kaysa naman sa room, pagpipiyestahan lang ako doon ng mga chismis.
Nakarating na din sa wakas. Pero bakit parang may tao dito kasi may nakaupo doon sa mismong punong tambayan ko. F*ck don't tell me White Lady yun, pero diba kaya sila natawag na White Lady cause their wearing White Dress, pero bakit nakapalda yung White Lady katulad ng palda ng School namin. Nagpalit na ba ng Outfit ang mga White Lady?? Di man lang ako naInform. kainis.
Nilapitan ko yung White Lady na nakapalda pagkakita ko nung mukha niya, hindi siya isang White Lady kundi isang babaeng mapayapang natutulog, ang babaeng kanina ko pa hinahanap. Si Heartless.
*~Tiffany POV~*
Nung nagwalk-out si Besty ay sinundan ko agad siya pero paglabas ko ng Class room wala na siya. Tinatawag ko pa yung pangalan niya pero walang sumasagot sa akin.
Nakakainis naman, kaya pala di na niya ko pinilit nung ayaw kong ipakita sa kanya yung Picture ni Prince Jeric kase kilala na niya pala. Pero hindi naman ako nagagalit kay Besty, medyo nagtatampo lang, kasi Bestfriend niya ako tapos di man lang niya sinabi na kilala niya pala si Prince Jeric, di man lang niya ako pinakilala.
Ipagpatuloy ko na nga lang yung paghahanap ko sa bruhang yun. Lagot talaga sakin yun pag nakita ko siya.
Habang abala ako sa paghahalughog ng buong School. May narinig akong nagchichismisan kaya napatago nalang ako sa puno na malapit sa kanila.
"Tori (short for Victoria) you know what I've heard? Pumasok na daw si Prince Jeric." Sabi ni Shiela na one of the so-called Flirts here in Oxford, the KSP Bitches.
"Of course, I know. I saw him myself earlier, running towards his classroom. Maybe he's late, but he's damn hot even when he's sweating." Sagot naman niya na parang nang iinggit. Si Tori rin pala ang Leader nila.
"But do you know what happened next?" Tanong naman ni Cess na syempre isa rin sa kanila.
"What?" Tipid na sagot ni Tori.
"Someone told him in front of Ms. Ordoñez and their classmates that he's gago." Sumbong ni Shiela.
"And sinampal pa niya si Prince Jeric." Dagdag naman ni Cess.
'Sh*t ang bilis naman nilang makasagap ng balita. Ano bang tainga amg mayroon sila.'
"What?! Tell me who's that bitch is!" Lagot paano pagnalaman ni Torie na si Besty yun edi Riot na naman.
Yeah it's 'na naman' cause nagkagulo na dito dati dahil kay Terence Olivarez, remember yung lalaking naglaganap ng kababalagyan nung First Day of Class. Nakipaghiwalay kasi ni Terence si Tori para ligawan ni Besty, yan tuloy nagwala itong si Tori at sinugod si Besty.
Kaya ngayon dapat gumawa ako ng paraan. "Tiffany think." yumuko ako at medyo nauuntog ko na yung ulo ko sa puno dahil sa pag iisip, nakakita ako sa sawig ng mga bato. ''AH TAMA, Great Idea." Kumuha ako ng mga bato dun at nagready kong sino man ang masusumbong.
"You know her. She's the one who--. Aw, aw, aw." Ayan buti nga sayo, sige sumbong pa.
"Shiela what's happening to you??" Tanong ni Cess.
"B*tch can't you see, someone threw rocks on me." Ayan na, nag aaway na sila. Maaantala ang pagsusumbong nila.
"I thought ginagaya mo yung dog, cause you suddenly acted like one, aw aw aw." Sige asarin mo pa.
"YOU MONSTER!" Biglang hinila ni Shiela si Cess at pinagsasabunutan.
"Hey stop! Both of you!" Pigil ni Tori pero hindi pa rin sila tumigil. "Tell me who is it. You Bitches." Bigla namang tumigil yung dalawa at ang sama ng tingin kay Tori.
"Did you just called me Bitch?/Ako ba ang sinasabihan mo?" Galit na tanong nung dalawa. Sabay hila nila kay Tori at sinama sa sabunutan.
Mukhang Breaktime na dahil unti unti nang dumarami ang mga taong nanood.
"Guys look. Is that Kate Victoria De Jesus, Shiela Irene Dejucos, and Princess Chantrelle De Luna? My God School KSP Bitches are fighting."
"That's the bitches are for, right?" Dagdag naman ng isa pang estudyante.
Lalarga na nga ako at hahanapin ko pa pala si Besty.
'Ituloy niyo lang yang kagagahan niyo.'
*~Yumi POV~*
Nagising ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Pagmulat ko nakita ko agad ang isang napakagandang view at dahil hapon na nakikita ko ngayon ang pagbaba ng araw.
Napaisip nalang ako, totoo pala yung mga nangyari kanina. Pero buti nalang ang sarap ng tulog ko at medyo nawala ang sama ng loob ko at sakit ng ulo ko. Ang sarap kasi sa ulo ng unan ko.
WHAT?! Did I just said, unan? Wala naman akong dala miski ano nung papunta ako dito.
Kaya napagdesisyunan kong tumingin sa so-called unan ko, pero hindi pala ito unan, it's a Sleeping Prince Charming, pero hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil sa sinag ng araw, kaya nung lumapit ako hindi pala ito isang Prince Charming, isa palang napakapanget na nilalang.
Pero bigla na lang dumilat yung mga mata niya. "Hey stop staring at my GORGEOUS face." Sa gulat ko automatic ng gumalaw ang katawan ko at umupo ng maayos.
"I'm just checking if you're still alive." Palusot ko nalang.
"Concern ka?"
"Hindi, kasi kung hindi ka pa patay ako mismo ang papatay sayong G*go ka." Huminga ako ng malalim. "Huwag lang umasta na parang kilala kita."
"Bakit kilala mo naman talaga ako."
"Si Mr. Gwiyomi, oo, pero si Kris Jeric Oxford?? I don't think so." Tingin ko naman sa ibang direksyon.
"Bakit ako naman din Ken or yung gwiyomi gwiyomi na yun." Hinawakan niya ang balikat ko para mapaharap ako sa kanya. "Look, hindi ako mahilig humingi ng tawad pero I'm sorry."
"So dapat ba akong matouch kasi nagsorry ka kahit hindi ka mahilig magsorry. Sino ba ang nanloko, ako ba?" Tanggal ko sa kamay sa pagkakahawak sa balikat ko.
"Yun lang kasi ang naisip kong paraan para makahanap ng kaibigan." Paliwanag niya.
"Kaibigan? Ano klaseng rason yan. You want a friend, a friend na pagmumukhain mong tanga, ganun ba?" Nanggigil na ako grabe. Napapaigting ko na ang panga ko sa gigil.
"No, just listen to me first." Tumahimik na lang ako. "I just want a friend na hindi ako tinitingnan bilang isang Oxford kundi bilang ako, bilang si Kris Jeric."
"Kris Jeric na kung Kris Jeric, bakit may paKen Ken ka pa."
"Kasi nga gusto ko yung totoong kaibigan hindi yung pang connection lang." Huminga siya ng malalim. "Kung baga kaibigan na hindi ka gagamitin ganun ba?"
"Bakit ako pa? Anong nakita mo sakin."
"To tell you the truth, I don't know. Maybe, you're just different, because you don't care what kind of person you encounter and meet every day." Paliwanag niya.
"Ewan ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi mo. Basta ang alam ko lang wala na akong utang na loob sayo." Tumayo na ako at nagpagpag. "Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?"
"Hindi ko alam na nandito ka, but for question maybe your the one who need to answer it. Kasi nandito ako kasi Tambayan ko ito pero ikaw, what are you doing here?"
Napalunok na lang ako.
'Anong sasabihin ko naligaw ako kaya ako narito kaso nga lang baka pagtawanan naman niya ako, hindi pwede yun.'
"Nagpapahangin." Binigyan naman niya ako ng 'really look'. "Bakit?" Patay malisya ko.
"Sige nga, turo mo nga kung saan yung daan." Patay saan nga ba.
"Doon." Turo ko sa kaliwa.
"Eeee, wrong answer." Iling pa ng ulo niya.
"Eto pala." Turo ko naman sa kanan.
"Eeee, mali parin. Yumi just tell me na naliligaw ka yun lang bahala ka may Mumu pa naman dito." Hindi niya ako matatakot dahil hindi ako takot sa multo.
Kapal, ayoko ko ngang sabihin na naliligaw ako. Baka maging dahilan pa ito ng magkakaroon ko ng utang na loob ka kanya.
"Sinong naliligaw? Ako? Hindi noh. and I'm not scared of ghost." Akala niya.
"Ganun, sabi mo eh. Sige mamaya katabi mo na yung Killer Clown dyan." hala Clown daw?
"Ha-ha, clown lang pala e." Bahagya pa akong nautal.
"Oo kaya bilisan mo na dahil magdidilim na baka maabutan tayo non." Anong gagawin ko.
Hinga ng malalim. "Sige na, panalo ka na. I'm lost"
"I knew it. You're scared of Clowns just like nung nasa labas tayo ng McDo." Napansin pa niya yun, ibig sabihin naoobserbahan niya talaga ako.
"Pwede bang umalis na tayo baka abutan pa tayo ng dilim." At ng Killer Clown.
"Don't worry andito naman ako." Ngiting aso niya.
"Tumigil ka nga, alam ko naman na hindi ka tutulong ng walang kapalit, so name it." Alam ko na rin ang ugali mo.
"Tutal bagong utang na loob.
You're my Slave starting tomorrow."
~*~*~
HAPPY more than 2.3K Reads... hahaha .. THANKS TO ALL MY READER.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro