~*Chapter 6 : The Debt*~
~*Chapter 6: The Debt*~
*~Yumi POV~*
Nang matapos kong bilhin ang lahat ng mga kailangan ko sabay nito ang bigla rin pagpaparamdam ng tiyan ko ng gutom. Kaya naman napagdesisyunan ko na napumunta nasa Super Market hindi para bumili doon ng makakain, kundi pupunta lang sa Baggage Counter para iwan yung mga pinamili ko. Para hindi hassle. Nang matapos kong ilagay sa Baggage Counter ang mga dala ko agad naman akong naglakad at naghanap ng restaurant or fast food na pagkakainan ko. Kaya napaisip na lang ako, saan kaya ako kakain?
Ayoko sa McDonald dahil takot ako sa Clown (as in kay McDonald ha). Noong napadaan naman ako sa Jollibee may nagchichildrens' party, as usual may Clown. Ah sa Mang Inasal na lang para makita ko yung poster ni Angel Locsin, My Idol, kaso pagpunta ko doon mahaba masyado yung pila at hindi na kaya ng nagwawala kong tiyan ang gutom, kaya pumasok na lang ako sa hindi kalayuang restaurant mula sa Mang Inasal na hindi ganoong marami ang tao dahil sa itsura palang neto ay mukhang ginto na ang kinakain dito.
Noong pumasok ako inassist naman ako ng mga crew nila. Pinaupo nila ako at binigay yung menu nila. Nagorder naman ako ng special tocino, special sisig, special tapa con karne, special ice tea and 2 special rice. At dahil puro special dito uubisin ko ito lahat at walang ititira kahit na isang butil ng bigas, sayang naman kasi yung pagkaSpecial ng mga pagkain.
Nang matapos na akong lumamon ay agad namang lumapit ang isang crew at ibinigay ang resibo ng kinain ko. Pati pala presiyo may pagkaspecial din dahil tumataginting na 784 ang lahat ng kinain ko, mabuti na lang at may pera ako. Pero pagkakuha ko ng wallet ko tumataginting na 59 pesos na lang ang natira. At doon ko lang naalala na hindi ko pala nakuha yung sukli ko sa Bus.
'Shit! anong gagawin ko. '
"Ma'am? Is there's any problem?" Tanong ng crew na mukhang nakakahalata na.
"Ahmm, tumatanggap ba kayo ng credit card? Nakalimutan ko wala pala akong dalang cash." Biglang tumaas yung kilay niya sa tanong ko.
"Sorry Ma'am, but I am not allowed to answer that kind of question but instead you should talk our Manager." Ang special pati ng Crew kailangan english pero ang taray ni Ate.
Sinasamahan naman niya ako papunta sa Manager niya. "Hello Ma'am, how may I help you?" Tanong ng Manager.
"Tumatanggap ba kayo ng Credit card? Nawawala kami Cash ko." Kukunin ko na sana ang wallet ko sa bag na pinaglalagyan ng credit cards ko.
"I'm sorry but we don't accept any credit cards, because we need cash." Isa ring pala itong manager, sarap ding hugutin yung kilay nagtataasan na.
"Then lalabas na lang muna ako at magwiwithdraw." Nagkatinginan naman sila ng crew. At alam ko na rin kung anong iniisip nilang dalawa. "Okay lang kahit samahan niyo pa ako." At hindi naman halatang wala silang tiwala sa akin dahil hindi lang isa o dalawa ang pinasama nila sa akin kundi tatlo crew nila na puro lalaki.
Pagpunta namin doon, mahaba yung pila sa mga ATM booths, pero pumila pa rin ako, habang nasa pila ako ay kinuha ko na yung wallet na kinakalagyan ng Atm card, at doon ko na lang narealise na kasama pala sa iniwan kong bag sa Baggage counter yung Atm Card ko. Hayst!!
Habang palapit ako ng palapit ay mas lalo akong kinakabahan, kailangan kong umisip ng paraan para makatakas sa kanila. At sakto namang nakaramdam ako ng pakakakit ng pantog ko. Kaya tinawag ko yung mga nagbabantay sa akin.
"Mga Kuya, pwede po bang pumunta muna sa Rest Room naiihi na kasi ako." Pagtatanong ko na may kasama pang pagpapacute.
"Hala malapit ka na sa ATMan, pigilin mo muna kasi matatagalan pa tayo kung ngayon ka pa aalis." Sabi nung isa sa kanila.
"Ano ka ba naman, maawa ka naman babae yan, payagan na natin." Sabi naman nung isa pa, yung pangatlo kasi sa kanila walang paki nagsecellphone.
"Oo nga Kuya babae ako, mas mahirap sa amin pag nagpigil ng ihi." Pagmamakaawa ko.
"Sige na nga kesa dito ka pa magkalat." Bakla siguro ito at may galit sa magaganda.
At naglakad nga kami papuntang Rest Room, pagpasok ko ng cubicle ay umihi muna ako pagkatapos nag isip na ng gagawin ko. Hinalungkat ko ang bag ko at tinignan kung ano ang pwede kong gamitin doon at nagkataon namang may maong shorts, printed tshirt na binili ko sa Artwork at shades, alam kong alam niyo kung anong gagawin ko. Kaya nagpalit na ako ng damit, naglagay ng shades at nilugay ang nakatali kong buhok.
Mga 15 minutes na din yun at lumabas na ako ng cubicle, bago ako tuluyang lumabas ng Comfort Room ay nagmasid muna ako sa paligid at kung binabantayan ba nila ako ng maayos. Nang makita ko na namang para nagtataka na sila kung bakit hindi pa ako umalabas ay mas lalo akong kinabahan, kaya noong may 4 na babaeng magkakaibigan ang lalabas ng Rest Room ay sumabay ako sa kanila ako nagkunwaring kinakausap ko ang mga ito. Nang makalagpas na ako sa mga nagbabantay sa akin ay lumayo na rin ako sa 4 na babaeng yun. Ngunit dahil sa hindi ako mapakali, hindi ko mapigilang magpalingon lingon ako sa likuran ko at nang makita ko na pinaghahanap na din ako ng mga nagbabantay sa akin na mas lalo kong ikinabahala, kaya mas lalong bumilis ang paglalakad ko ngunit palingon lingon pa din ako sa likod.
"Excuse me po. Sorry. Pakikiraan po." Sabi ko dahil sa marami na akong nakakabanggaan. "Sorry po, nagmamadali lang." Sabay tingin ko ulit sa likod at nakitang kong nagsimula na silang hanapin ako, kaya napatakbo na ako.
*BBBOOOGGGGSSHH
Pinilit kong tumayo kahit na masakit ang pwetan ko sa pagkaturpet ko at nakaramdam na may malagkit sa kadahilanang natapunan pa pala ako ng Ice Cream nang nakabanggaan ko.
Nang humarap ako sa kanya nakita kong nakayuko siya habang isa isang pinupulot ang mga nalaglag niyang gamit. Sa inis ko dahil mas inuna pa niya yung gamit niya kaysa tulungan ako ay inapakan ko yung shades niya nasa sahig.
"What the Heck is your problem?!" Sigaw niya sabay angat ng ulo niya, doon ko lang napansin kung sino pala yung nakabanggaan ko.
"Mr. Gwiyomi/Ms. Heartless?!" Sabay naming tanong sa isa't-isa.
"Anong ginagawa mo dito??/What are you doing here?" Palaging sabay na sambit namin.
Natauhan na lamang ako ng may humawak ng braso ko. "Andito ka lang pala." Sabi ng isa sa nagbabantay sa akin. "Tatakas ka pa ahh." At hinamakan na nila ang magkabilang braso ko at nagsimula na sila bitbitin ako.
'Isip Yumi, isip.'
"Sandali lang mga Kuya." Ito na lang ang huling naiisip ko para maresolba itong problema ko.
"Bakit? Ano na naman?" Sabi nung isa pa.
"Kakausapin ko lang yung nakabanggaan ko. Mag sosorry lang ako." Pagdadahilan ko.
"Huwag na, marami pa kaming gagawin, nauubos lang yung oras namin kakabantay sa iyo." Pagmamatigas ni Kuya.
"Please! Last na ito, mag sosorry lang talaga ako." Pero hindi pa rin nila ako pinayagan, kaya wala na akong nagawa kundi gamitan sila ng tig iisang 45, isang tawag sa sipa sa Taekwondo at ayun natumba silang tatlo. "Mamaya na ako magsosorry sa inyo, doon muna sa nakabanggaan ko ahh, sandali lang ito." Kumaripas na ako ng takbo papunta kay Mr. Gwiyomi na sa mga oras na yun ay nakatulala sa gulat dahil sa ginawa ko sa tatlo. "Mr. Gwiyomi." Doon lang siya natauhan ng magsalita ako. Ito na babaan mo muna yang pride mo Yumi. "I need your help."
"Help? I think you don't need it. Tingnan mo yung mga lalaking yun ohh." Turo niya pa sa mga nakahigang mga lalaki. "You defeated them, all by yourself."
"Pero hindi yan yung tulong na kailangan ko sa iyo." Huminga muna ako ng malalim. "It's money matters."
"Paano mo nasabing tutulungan kita." Sabay ngiti pang nakakagigil.
"Hindi ba tinulungan mo naman ako doon sa muntik nang dumukot sa akin, so tulungan mo ulit ako, babayaran naman kita, with interest, promise." Pagtaas ko pa ng kanang kamay ko na sign ng panunumpa.
"Yun na nga ee, tinulungan na nga kita tapos ito pa ipapalit mo sa akin." Sabay pakita niya ng basag niyang shades ng dahil sa pag apak ko.
Ngayon ko lang napansin na siya din pala ang nakabangga doon sa hallway sa Oxford.
"Sorry na, babayaran ko na lang pati yan, pero hindi ngayon, dali--."
"Tapos ka na ba Miss, Tara na madadagdagan na yung babayaran mo." Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala yung tatlong nagbabantay sa akin.
"Misterrrr Gwiyooommi!!!" Sigaw ko dahil parang wala lang sa kanya na kinakaladkad ako ng mga lalaking ito.
"Ms. Heartless ka nga talaga. Bye" Pagpapaalam niya at tsaka tumalikod.
'Tarantadong lalaki 'to. Mas Heartless pa ito kaysa sa akin.'
"Tulungan mo ako, gagawin lahat ng gusto mo." Mahina kong sabi.
"Really?" tsaka humarap sa akin. "Anything?"
Yung bulong ko narinig niya pero yung kaninang sumigaw ako parang wala lang sa kanya. Tsk. sabi ko ulit sa isip ko. "Oo na, oo na, tulungan mo lang ako.
"Okay, deal."
Ngayon ay nasa isang boutique kami na nagngangalang PRO. Ang ganda ng Boutique, it is all light color, ang ganda talaga ang linis kasing tingnan at ang laki pa, may mga couch pa na pwedeng upuan ng customers.
"Kumuha ka na ng mga dami, tapos doon ka magsukat." Turo niya sa Fiiting Room na para bang kanya ang boutique na ito.
"Mr. Gwiyomi, hindi mo na ako kailangan pang bilhan ng damit. May mga nabili na naman ako, nasa Baggage Counter lang ng Supermarket." Pagpipigil ko.
"Okay, maglakad kang ganyan ang damit?" Tinignan ko naman ang damit ko, nangingitim na pala dahil sa tuyong ice cream na natapon kanina.
"Ahh sige na nga, basta ba libre mo. Alam mo namang wala akong pera dito."
Wala na siyang sinabi at basta nalang umalis kaya kumuha ako ng black and pink dress, shoes, jeggings, pants, skirts, blouses and many more. At pumasok sa Fitting Room and sinukat ang lahat ng pinagkukuha kong damit. Lahat naman bagay pero may isang nakuha ang atensyon ko, isang T-shirt na pink and black 'syempre' yung kulay, may Minie Mouse na picture tapos may printed font na I'm Taken by My Mickey. Natuwa naman ako kasi favorite ko ang Mickey Mouse.
Nagulat nalang ako ng may kumatok. "Hey Heartless? Hindi mo yan kwarto kaya wag kang matulog dyan. Marami pang gustong gumamit niya."
"Ito na! Hindi naman ako natutulog." Napagpasyahan kong suotin yung Minnie Mouse Shirt.
Paglabas ko nakatingin sa akin yung mga babae na mukhang naghihintay ng paglabas ko. "Sorry po, hehe" Naglakad na lang ako.
Nang nasa counter na ako at hinintay matapos ang pagpatch ng mga damit ay napatingin ako sa gawi ni Mr. Gwiyomi na nakadikwartro habang nagbabasa ng magazine, mukha ring nakapagpalit na ito dahil nakablue T-Shirt na ito na kaninang nakapula, ngunit mukhang naramdaman niyang makatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin at tumayo. Doon ko lang namalayan na Terno pala ang damit na suot namin.
'OH SHIT!'
Kasi yung Suot ko ay Minnie Mouse shirt na pink and black yung kulay then nakatack-in naman sa palda na black na suot ko, at naka doll shoes na pink.
Tapos Siya naman ay naka Mickey Mouse Shirt na blue and black yung kulay then may font na I'm by My Minnie then naka pants na black at naka rubber shoes na blue.
"Sabihin mo lang kung gusto ng picture ko para yun na lang ang titigan mo." Reklamo ni Mr. Gwiyomi kasi ba naman paulit-ulit ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. "Bakit ka ba nakatitig sa'kin siguro you like me?" Dahil sa sinabi niyang yun natauhan ako sa pagtitig sa kanya at ngayon ko lang din napagtanto na nasa harapan na ko na pala siya. "Baka sa sobra mong pagtitig sakin baka lalo m--- "
"Oh shut up Mr. Gwiyomi, I don't like you and never kitang magugustuhan titaga mo yan sa ngala-ngala mo." At ako naman ang naupo sa couch.
"Then explain to me why are you staring at me from head to toe?" Ang asyumero naman pala nito.
"Tingnan mo yung suot ko??"
Pagtingin niya, nakita kong ang paglaki ng mata niya.
"The F*ck. Kaya pala ganyan yung itsura mo nung tumayo ako eh."
'Buti naman nagets mo.'
"Oo, Kaya wag ka asyumero na may gusto ako sayo dahil wala naman."
"Siguro sinilipan mo ko kanina sa Fitting Room, tapos tinignan mo kung ano yung susuotuin ko?" Naghahanap talaga ng butas para lang masabing may gusto ako sa kanya.
"Abat sumusobra ka na!! Kanina may gusto sa iyo ngayon naman sinilipan ka. What The-- Argghh!! ay ewan, bahala sa buhay mo." Iniwan ko siya doon para bumalik sa Counter para kunin yung iba pang damit.
"Ma'am, here's your clothes, Thank you, Come again." Sabi nang Cashier sabay abot ng mga paper bag na pinaglalagyan ng mga damit.
"Thanks."
Kinuha ko na yung mga paper bag at inantay na lumapit si Mr. Gwiyomi para sa pagbabayad. Pero imbis na lapitan ako ay tuloy tuloy lang siya sa paglalakad palabas.
"Wait Miss, bayad na po ba ang mga ito?" Tanong ko mamaya may maghabol na naman sa akin dito.
"No need na po Ma'am." Ngiti pa ng Cashier.
"Ha? Anong no need?" Naguguluhan kong tanong.
"He's the owner of this boutique."
"Ahh." Karampot kong sambit.
"Now can we go?" Paglingon ko sa may entrance ay andoon siya. Bumalik pala siya.
"O-k-a-y?" Sumunod na lang ako sa kanya.
'Grabe ang yaman pala talaga ng lalaking ito, may sarili siyang Boutique. Edi siya na??
*KKRRUUUU
"Is that your tummy? It sounds so gross."
"Ahh, hehe." Napapahiyang tawa ko.
'Nanlalait pa kasi.'
"Kakakain mo lang gutom ka na naman." Reklamo niya.
"Nastress kasi ako sa mga nangyari kanina, nawala tuloy yung kinain ko."
"Ano pa nga bang gagawin ko, alam ko namang nagpaparinig ka lang para ilibre kita." Hindi ko na lang siya pinansin at syempre hinila na naman niya ako.
Ngayon nag stop kami sa McDo. Nako, huwag dito. Ayoko sa payaso.
"Bakit nanginginig ka dyan?" Medyo may pagkabahala niyang tanong.
"Pwede bang sa iba nalang." Suggest ko.
"Andito na tayo."
"Dali na."
"Okay." Ako naman ang humila sa kanya. At dinala ko nalang siya sa Mang Inasal para makita ko si Angel Locsin na Idol ko. Para mawala din ang bad vibes.
Nang matapos kaming kumain napagdesisyonan naming lumabas ng Mall at maglakad lakad sa Manila Bay, doon ko lang napansin na hapon na pala kaya ayos lang na tumambay dahil hindi ganoong mainit. Binuhat ko ang sarili ko upang makaakyat sa may mataas na bato na nakaharang sa may Manila Bay.
"Hoy, bumaba ka nga diyan. Kababae mong tao tapos nakapalda pa tapos umuupo upo ka pa diyan." Pananaway niya.
"Okay lang yan. Mas maganda ang view kapag naandito."
"Bahala ka nga." Wala na siya ng nagawa kundi umakyat na din.
"Aakyat ka rin pala haha." Pangangasar ko.
"Mangangalay kasi ako doon." Nagdadahilan pa ito.
"Hay! Grabe ang ganda ng view haha kahit na medyo mabaho." Pabiro kong sabi. "Ahm paano nga pala kita mababayaran?" Pagsisimula ko ng usapan.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong may nakakainis na ngiti sa mga labi niya. Ano naman kayang nasa utak nito.
"I want you to be my Slave ..
And that's the answer for your DEBTS."
~*~*~
> A/N
Hi Readers, sorry for the Late Update, more than 2 months na kase yung last na UD ko eh .. nasira kase yung memory card ko eh ..
Pero sana naman Mabuhay yung mga Readers ko sa aking BAGBABALIK hahah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro