Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 5 : The Gay and The Imposter *~

~*Chapter 5 : The Gay and The Imposter *~

  
  
 
*~Yumi POV~*

   
 
 
Nang magising ako, nakita ko na agad sa may hindi kalayuan ang napakalaking signatured globe ng Mall of Asia.
  
 
First time ko lang maggagala dito nang mag isa, palagi kasing kasama ko si Besty kapag naggagala, kaso ayun, may kasama na siyang iba, iniwan na niya ako. Pero tinignan ko rin ang positive side nito. Walang magpapalibre.
  
   
Ilang sandali pa ngunit nung kukunin ko na yung bag ko para magready sa pagbaba ng Bus ay bigla akong napalingon sa katabi ko, nakatitig lang siya sa kawatan ko.
  
  
'Sandali lang KATAWAN KO!! WAAHH Manyak!! o_O'
  
  
"Hoy ikaw!" Turo ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin. "Anong tinitingin tingin mo?" Hindi pa rin siya nagreresponse sa akin. "Hey will you stop staring!" Tapos tinakpan ko yung katawan ko gamit yung bag ko nayakap yakap ko rin.
  
  
"Hoy bakit mo tinakpan?" Inis niyang tanong. Ayan nagsalita ka din.
  
 
"Nagtanong ka pa ah! Ang kapal din ng mukha mo eh no! You Pervert! Hentai! Manyak!" Medyo pasigaw kong sabi habang hawak ko pa rin yung katawan ko.
  
  
Sa aking pagmamanman ay mukhang nakuha na namin ang atensyon ng mga tao sa Bus, dahil nagsitinginan na yung mga pasahero ng Bus sa amin at nagkanya-kanyang bulungan.
  
  
"Hey Miss, pwede paki hinaan naman yung boses mo?" Aba't inutusan mo pa ako. Siguro nakaramdam na rin siya na marami ang nakakarinig sa amin.
 
 
"Kung ayoko, you Pervert! Hentai! Manyak!" Sabi ko sa kanya ulit.
  

Mas lalo kong ilakasan ang loob ko dahil alam kong ako ang agrabiyado dito. Nasa akin ang simpatya ng publiko.
 
  
"Hey kanina ko pa naririnig yan ah. Miss hindi ako Pervert, Hentai, Manyak na sinasabi m-- ."
  
  
"Anong hindi? Ah ngayon di ka lang Pervert, Hentai, Manyak, Sinungaling ka pa?" Putol ko sa paliwanag niya.
  
  
"Pwede ba, patapusin mo muna ako? Paano mo ba nasabi na Pervert, Hentai, Manyak ako??" Hindi ba obvious yung ginawa niya kanina, makatitig WAGAS.
  
  
"Kasi paggising ko nakita kitang TITIG na TITIG sa katawan ko." NakaCapslock talaga yung Titig para dama.
   
  
"WHAHHAHHAHAAHA!!!" At nagpakawala siya malakas na tawa.
  
 
Anong nakakatawa sa sinabi ko eh hindi naman yun nakakatawa, siguro aside sa pagiging Pervert, Hentai, Manyak, Liar niya. Baliw pa siya.
  
  
"Hoy anong nakakatawa, share mo naman sa akin baka sakaling matawa rin ako!" Sarkastikong wika ko.
  
  
"Haha ikaw kasi, joker ka pala hindi mo sinasabi hahaahah." Sabi niya habang natawa parin.
  
  
'Ano daw joker? Mukha ba akong nagbibiro.'
  
  
"Mukha bang joke yung sinabi ko ah?"
  
 
"Miss kasi wag ka ngang asyumera, hindi ako nakatitig sa katawan mo. Dyan lang sa damit at bag mo." Pagdadahilan niya. Sa damit at bag ko daw? 
  
 
Kusa nalang gumalaw ang kamay ko at pinaghahampas siya. "Hindi ka lang pala Pervert, Hentai, Manyak at Liar, Baliw. Snatcher ka pa. Minamanyak mo na nga ako tapos pagnanakawan mo pa. ABUSO ka na ah!" Medyo paluha na yung mga mata ko.
 
 
"Hoy masakit yun ah. Okay I'll explain it to you later, pero pwede bumaba muna tayo." Hindi pa ako pumapayag pero hinila na niya ako palabas ng sasakyan. Hanggang nasa may Manila Bay na kami hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad. Saan kaya ako dadalhin nito?
  
 
"Wait will you stop walking. Ang sakit na ng braso ko at nang mga paa ko!" Reklamo ko sa kanya.
  
  
"Okay, if I'll stop walking, you should stop talking too. Ako lang ang magsasalita kasi ako lang ang magpapaliwanag." Tinunguhan ko siya kaya't binitawan na niya ang kamay ko.
 
 
"First of all I'm not Pervert, Hentai, Manyak, Liar, Baliw or Snatcher." Umpisa niya.
  
  
"Anong hin---" Magsasalita pa sana ako eh bigla niyang tinakpan yung bibig ko.
  
  
"Anong sabi ko, hindi ba ako lang ang magsasalita." Tapos binigyan ko ulit siya ng 'okay-na-look'. Kaya tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko. "Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako katulad ng sinasabi mo at kaya ako nakatingin sa damit at bag mo kasi type ko yan." Turo pa niya sa Outfit ko, kaya napatingin din ako sa damit ko.
  
  
Nakabistida lang naman ako na Floral at naka bag na may lettering at picture ng Girls' Generation na pinasadya ko pa. 
  
  
'So Type daw niya yung kasuotan ko. (._.'')'
  
 
"Shit ka naman, pati ba naman sa damit at bag nagkakagusto ka? Yaan mo pwede mo namang ligawan yung damit ko eh." Payag naman ako eh huwag lang niya 'ThingNapin'
  
 
"Anong pinagsasabi mo, ang weird mo kamo." Nagtatakang tanong niya.
  
  
"Hindi ba type mo yung damit at bag ko, eh di ipapaligaw ko siya sayo." Tapos tinap ko pa yung balikat niya. Pangpalakas lang ng loob niya. "Yaan mo sure naman akong sasagutin ka rin niya." Dagdag ko pa.
  
 
"WHAHAHAHAHAHA ang slow mo Mare whahah."
  
 
'Mare?'
  
  
"Anong Mare?" Ako naman ngayon ang nagtataka.
  
  
"Hindi ko naman kasi liligawan yang damit at bag mo sadyang gusto ko lang na magsuot niyan." Ang ganda naman ng porma niya ah. hala hindi kaya?
  
  
"Wahhhhh gets ko na. Dati kang babae no? Nagpapanggap ka lang na lalaki." Tuwang tuwang sabi ko.
  
 
"Alam ko naman na mas maganda ako sayo pero hindi ako babae, Okay, pusong babae lang. Loka loka akala ko pa naman na gets mo na talaga." Napabuga ako ng hangin sa pagkadismaya. Dismayado sa sarili ko. Ang weird ng lumabas sa bibig ko at ang mga tumatakbo sa isip ko.
  
 

"Ah gets ko na talaga." Mahinahon kong sabi.
   
  
"Weh?! Di nga?!" Nagpipigil pa siya ng tawa. Mukhang ayaw pa niyang maniwala.
  
 
"Oo nga, promise. Bading ka, Shokla, Paminta, Juding, Vaklush, Beki, Bayot ka." Pagsisigurado kong ganyan nga siya.
   
  
"Ang dami mo namang sinabi pwede namang Bakla na lang. At oo, bakla ako kaya mare huwag kang asyumera, hindi hamak na mas maganda ang pangangatawan ko sayo noh, kaya di ko nakailangan tumitig pa sa katawan mo." Kaya napatingin na naman ako sa katawan ko. Tama lang naman ang katawan ko ah. Napatingin din ako sa mukha niya.
  
  
"Sayang, may itsura pa naman." Bulong ko sa sarili ko, pero narinig niya pala.
  
  
"Narinig ko yun. Honestly, marami ng nagsabi sa'kin niyan, kaso wala, ganito ako. Sige na, babush na. I need to go na kasi, magmimeet pa kami ng kaEye ball ko." Tinalikuran niya ako. Kumaway habang nakatalikod at tuluyang umalis.
   
  
Bumuntong hininga ako nang mawala siya sa paningin ko.
  
  
"Kakalagkarin ako sa may Manila Bay na tanghaling tapat tapos iiwan lang din ako. Ang saya naman." Bulong ko na may pagkairita.
   

Marami na akong nakita ng Bakla, pero hindi kasing gwapo niya. Kapag ngumingiti siya, nawawala ang mata niya. Nakapanghihinayang na ang ganoong mukha hindi lalahian. Gwapo talaga siya pero mas gwapo si Ken Ja--- wait ano na naman ba itong iniisip ko. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak ko.
  
  
Dahil sa pag iisip ko, hindi ko na namalayan na tustado na pala ako sa kakabilad sa arawan kaya pumasok na lang ako sa loob ng MOA at bumili ng Black Pearl nang maibsan ang init ng pakiramdam.
  
   
Habang naglalakad ay naalala ko yung listahan ko ng aking mga bibilhin. Black Shoes, Doll Shoes, Heels, Dress, Skirt, High Waist Short, 3/4s, bag, Pants, etc. at nagsimula na akong mamili.

  
 
  
  
 

*~Tiffany POV~*

   

Hi guys this is my 1st POV EVER. Alam ko namang kilala niyo na ako pero magpapakilala pa rin ako.
  
  
I'm Christine Stephanie Santos or simply Tiffany. 17 years old, kabebirthday ko lang before magstart ang klase. SHINee Addict especially KEY my Labs and most of all, kilala ako sa Oxford dahil isa akong Cheerleader at ang Ms. Oxford High last school year, thats all haha XD Nagmayabang and I thank you. 
  
  
Anyway, nasabi na rin naman ni Besty na may kasama akong manliligaw. Kahit na naLove at first sight ako kay Prince Jeric, alam kong imposible namang magustuhan na agad ako. Kaya't hanggat wala pa siya mag e entertain muna ako ng manliligaw. 
  
  
Naiinis pa siya sa akin. Ang oa daw na magkagusto sa isang tao na sa litrato mo lang nakita. Pero ganoon talaga siguro ang Love-- biglaan. Kaya hindi ko sa kanya pinapakita ang picture ni Prince Jeric dahil mamaya matulad lang siya sa akin.
     
  
Nag eentertain ako ng manliligaw, pangpatanggal ng boredom. Wala ring kasi akong kasama sa bahay. Pumunta naman ako kanina kina Besty pero tulo-laway pa siya sa kama niya nung pumunta ako kaya hindi ko na siya inistorbo sa DreamLand.
  
  
Sa isang magandang restaurant kami nagkita ng manliligaw ko. Pero ang gusto kong mangyari ay hindi nangyari. Mali atang lumabas pa ako ng bahay. Boring ang date na ito.
  
  
"Ah Tiffany ano kasi eh, ahmm sinasagot mo na ba ak---"
  
 
"Cut it out Darryl, this is just a Knowing-Each-Other Session." Sabi ko ng halatang naiirit. Ang ayoko kasi sa lahat ay yung masyadong nagmamadali.
  
  
Padabog kong binagsak yung iniinom kong juice sa table tapos nilayasan ko na siya pero hinabol pa rin niya ako hanggang sa labas ng Restaurant.
  
  
Hinigit niya yung braso ko at hinawakan ng mahigpit. "Tiffany wag na wag mo kong lalayasan."
  
  
'Grabe nakakatakot siya akala ko pa naman Nerdy Type. Hay naku hindi na talaga ako maniniwala sa akala akala na yan.'
  
  
"Ano ba Darryl nasasaktan ako." Mas lalo pa kasing humigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko.
  
  
"Wala akong paki. Ikaw ang pang labingtatlong niligawan ko ngayong buwan. Kaya hindi ako papayag na mabusted ako ulit." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
 
 
'Ako? Panglabing tatlo? Busted? Ngayon buwan lang? Wow ha!'
  
 
"Grabe ka naman, June 15 palang ah, tapos pang 13 akong nangbusted sa iyo.. ILANG BESES KA BA MANLIGAW SA ISANG ARAW HA?" Pasigaw ko na tanong sa kanya.
  
 
"HUWAG MO AKONG SINISIGAWAN HA!!" Tapos bigla niyang tinaas yung kamay na akmang sasampalin niya ako kaya napapikit na lang ako at hinintay yung pagdampi ng kamay niya sa mukha ko.
  
  
One
 
  
Two
 
  
Three
  
  
Four
  
 
Five
  
  
nasa lima na ako pero wala paring dumadapo sa mukha ko na kahit ano, kaya pinagpatuloy ko nalang yung pagbibilang ko.
  
  
Six
  
 
Seven
  
 
Eight
  
 
Hintay pa rin ako ng isang malakas na sampal.
  
  
Nine
  
 
Te--- 
  
  
 
*BOUGSHHHH
  
  
Naramdaman ko ang pagbitaw ni Darryl sa braso ko pero nanatili lang akong nakapikit kasi naghihintay pa rin ako na may dadampi sa pagmumukha ko.
  
  
"Don't you dare touch my Girlfriend or else I don't know what I can do to you." May narinig nalang akong boses ng isang lalaki na nagsalita. Parang narinig ko na ang boses nito pero saan naman at sino namang kayang kausap nito? Si Darryl kaya? 
  
  
Hindi ko alam pero parang ayokong buksan ang mata ko. Natatakot akong anumang oras ay may tatama na lang bigla sa mukha ko at ayaw kong makita yun.
  
  
"Bakit sino ka ba? At sino ba ang Girlfriend mo dito ha? Si Tiffany?" Kanina pa ako nagugulat sa mga sinasabi nitong si Darryl. Paano namang naging ako yun?
 
  
Napagdesisyunan kong nang buksan na sana yung mga mata ko pero pinigilan ako.
  
  
"Don't you dare open your eyes." Pananakot sa akin nung lalaki na nagsasalita. Syempre sa takot ko sinunod ko na lang siya. "Oo siya nga, bakit may problema?" Mukhang si Darryl naman ngayon ang kausap niya.
  
  
"Haha Girlfriend? Patawa ka ba? Nakikipagdate nga siya sa akin eh." Boses ni Darryl.
  
  
"Ah kasi eh.. ahm.. may LQ kami kaya ganoon." Ang galing din mag isip ng palusot nitong si kuyang hindi ko alam itsura.
  
  
LQ daw KAMI?? baka may 'KAMI'. sino kaya tong impostor na to at nagpapanggap na Boyfriend ko.
  
  
"Sa ngayon busted ako pero hindi pa tayo tapos Tiffany dahil hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng boyfriend mo daw." Madiin na pagkakasabi ni Darryl at mukhang umalis na kaya naman bubuksan ko na sana ulit yung mata para makita yung Impostor kong Boyfriend. but ..
  
  
"Don't you dare open your eyes or else." Lalo tuloy akong napapikit sa pagbabanta niya. 
  
  
*tsup
  
 
Naramdaman ko nalang na may kung anong malambot na dumikit sa aking labi. Pero nawala naman din niya agad yun.
  
  
"That's was your 'thank you' para sa pagtulong ko sa iyo. Bye"
  
  
Sa sobrang gulat ko dahil sa kiss, hindi pa rin ako nakaresponse sa pamamaalam niya at nanatili paring nakapikit. Noong unti-unti na akong nakarecover, unti-unti ko ring binuksan yung mga mata ko.
  
  
~___~
  
 
o___~
 
 
o___o
  
 
O___O
  
  
at ngayon ko lang narealized na wala na pala siya. Ang taong nagnakaw ng

  
  
MY PRECIOUS FIRST KISS !!!!!

   

~*~*~

Pwede bang pakiComment kung saan ka magdeDATE ng Boyfriend or Girlfriend mo sa VALENTINES, para pwede kong maging lugar din ng pagdeDATEtan ng mga characters ko.

yaan niyo ideDedicate ko sa inyo yung chapter na paglalagyan ng LUGAR na kinoment niyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro