~*Chapter 4 : Jeric/Ken*~
~*Chapter 4 : Jeric/Ken*~
*~Jeric POV~*
Do I need to introduce myself?
Baka naman kasi hindi kayo interesado, pero kailangan, doon sa mga gustong malaman kung sino ako.
Ako lang naman ang nag iisang anak na lalaki ng may ari ng Marcus Oxford Schools and also the owner of Malls, Hotels, Restaurants, Hospital and CEO of M. Oxford Corporation.
BIG time ba? ganyan talaga.
anyway.
Who am I?
I'm Kris Jeric Oxford or should I say
Ken Javier.
Nagtataka ba kayo kung bakit? Ako din. Hindi naman pumasok sa isip ko na gagawin ko ito, ang mag panggap.
Hindi ko naman kasi sinasadya dahil ayoko lang may makaalam na ako ay isang Oxford dahil mas mahihirapan na akong makahanap ng totoong kaibigan, dahil ang nakikilala kong mga tao ay hindi mga nagpapakatotoo sa akin tulad ng nakipagkaibigan lang sila sa akin.
Gusto nilang makilala at tingalain ng ibang tao at syempre dahil sa koneksyong mayroon ang Dad ko o kaya naman yung mga babae dahil naman sa mukha kong kay Gwapo Gwapo.
(Ms. A. : Haha pagpasensyahan niyo na, makapal lang talaga yung mukha niya.)
Bakit Gwapo naman talaga ako.
(Ms. A. : Readers don't mind him na lang, nakakatol na naman kasi yan, HOY KRIS JERIC OXFORD magkwento ka na nga.)
Ikaw kasi Ms. A, nangingialam ka pa sa pagkukwento ko.
(Ms. A. : Baka gusto mong mapalitan ng role.)
Sabi ko nga magkukwento na ko eh.
Okay, saan nga ba ako magsisimula? Ahh naalala niyo ba yung babae kanina? Si Yuri Megumi, ano klaseng babae yun, akala mo magkakilala na kami dahil kung makipag usap sa akin parang matagal na kaming magkakilala. Nasisigawan na niya agad ako. Pero grabe naman kanina parang wala lang sa kanya na may mangingidnap sa kanya, ano yun, sanay na siya?
Pero grabe din, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina, lumabas na lang bigla sa bibig ko ang kasinungalingan na yun.
-FlashBack-
"Have you heard about the son of Marcus Oxford?" Napatigil ako sa paglalakad sa gulat dahil sa naging tanong niya.
"N-Nope." Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling, sa ako naman yung taong yun. "Why?" gusto kong malaman kung bakit niya gustong kilala ako.
"Wala naman, may pinagtataka lang kasi ako." Sabi naman niya.
"Bakit ano ba yung pinagtataka mo?" Nakucurious ako sa gusto niyang malaman tungkol sa akin.
"Ahm kasi bakit hindi na lang siya dito sa Pinas nag aral samantalang may sarili naman silang schools dito. Mga ganyan lang naman yung pinagtataka ko."
Napangiti naman ako sa naging sagot niya. "Hay, yun lang pala ." At nakahinga ng maluwag.
"Sabi mo hindi mo siya kilala, pero sa reaksyon mo mukhang kilala mo siya."
'Ang bilis makahalata ng babaeng to.'
♪Ildeo hagi ileun gwiyomi, ideo hagi ineun gwiyomi
Samdeo hagi sameun gwiyomi, gwigwi gwiyomi gwigwi gwiyomi
Sadeo hagi sado gwiyomi, odeo hagi odo gwiyomi
Yukdeo hagi yugeun jjokjjokjjokjjokjjokjjok gwiyomi nan gwiyomi ♪
'Sh*t alam ko yung kantang yan, sa It's Showtime ko yan unang narinig tapos sinasayaw ni Vice Ganda, pero saan naman kaya nanggagaling yung tunog na yun, malamang hindi sa akin, ano ako bakla. tsk.'
Nangmawala yung tunog napatigil kami sa paghahanap.
"Kanino ba yun? Ang cute ng ringtone ahh, gwiyomi haha." Tinignan ko lang siya. Hindi ba sa kanya yun?
"Bakit?" Tanong niya.
"Sigurado ka bang hindi yun iyo?" Umiling nalang siya. "ee pangbabae yung gwiyomi diba?" pangangatwiran ko.
"Wow alam mo yun?" Nakita ko sa mukha niya ang pagkamangha. Gusto sanang sabihin tapos ipagmalaki kaso baka may ibang isipin ito.
"Syempre naman, anong akala mo sa'kin alien." Hindi na niya ako sinagot, nahihirapan na kasi siyang magpigil ng tawa.
Ilang sandali lang tumunog ito ulit. Ako naman hanap ng hanap.
"Ken mukhang may tumatawag sa iyo?" Wika niya habang nagpipigil parin ng tawa.
"Sa akin? Wala no." Dipensa ko.
"Sa iyo kaya nanggagaling yung tunog." Sa akin? imposible naman.
Bigla na lang niyang hinigit yung bag ko. Nagpumiglas naman ako kaso nabuksan na niya at kinuha yung cellphone ko.
"Oh, sabi ko sa iyo ee, cellphone mo yung tumutunog. Whahaha!!" At pinakawalan na ang kanina pang niya pinipigalan ng tawa.
Cellphone ko pala talaga yung tumutunog. Paano nangyare yun hindi naman Gwiyomi yung ringtone ko. hayst. nakakahiya.
Kinuha ko na lang yung cellphone ko sa babaeng ito na tawa pa rin ng tawa. Tatawa na rin sana ako kaso nung makita ko kung sino yung tumatawag bigla akong natahimik.
"Excuse me, I need to take this call."
"Go on. Hahaha." Sabi niya habang tawa pa rin ng tawa kaya medyo lumayo ako baka kase marinig siya ni Dad.
"Yes, Dad?" Bungad ko.
"Where are you?" Narinig ko na naman ang may pagkapaos na boses ni Daddy.
"I'm here at the campus."
"Go home, I need you here!!" Sigaw niya sa kabilang linya.
"Do I have to be there?" Medyo pabalang kong tugon.
"Yes and make it faster, son."
Son? Son daw? Ibig sabihin lasing siya, again, because every time his calling me SON, he was drunk and only when he's drunk.
"Okay." Pagbalik ko bigla siyang napatigil sa pagtawa.
"Mukhang kailangan mo ng umuwi ah." Halata ba sa itsura ko?
"Yeah, pero ihahatid na kita" Alok ko.
"Hindi na kailangan."
"Baka bumalik pa yung mga mangigidanap sa iyo."
"Hindi na siguro at tsaka kaya ko naman ang sarili ko. Ikaw naman, go home baka mapagalit ka pa lalo." Taboy niya pa sa'kin.
"Hindi ihahatid kita para sigurado." pagpupumilit ko. "Ihahatid lang kita, hindi kita kikidnapin tulad ng kanina."
"Bahala ka nga."
-End of Flashback-
Mabuti nalang nakaisip ako ng pangalan kanina. Naalala ko nakakita ako ng Barbie sa may tindahan kanina kaya Ken yung sinabi kong pangalan at Javier Store naman yung tindahan kanina. Kaya nabuo ang Ken Javier.
Pero ang lakas ng trip ng babaeng yun pinaalis muna ako bago ako asarin 'MR. GWIYOMI' lakas pa man din ng boses niya. Pero pasensya na talaga dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya.
Bago kami makarating sa bahay nagpalit muna kami ni Mr. Eddie, yung driver ko. Siya na ang nagmaneho at ako na ang naupo sa backseat.
Kahit na kasi may lisensya na ako hindi ako pinapayagan ni Dad na magmaneho lalo na't student license lang daw yun. Kaya nililihim lang namin ni Mr. Eddie ang ginagawa ko. Mabuti nalang mabait siya at malapit sa akin kaya hinahayaan nalang ako.
Pagpasok ko ng bahay nakarinig agad ako ng ingay. Nagbabasag na naman si Dad.
"Mrs. Julie, kanina pa ba siya nagbabasag?" Tanong ko sa kasambahay namin.
Mr, Ms. or Mrs. ang tawag namin sa mga kasambahay at driver, sign ng respeto sa kanila.
"Opo, mga alas kwatro pa po, Young master." Tinignan ko naman ang relos ko, nakita ko mag aalas siyete na ng gabi.
"Okay. Thank you po." Aalis na sana ako nang muli niya akong tawagin.
"Young Master, hinahanap rin pala kayo ni Young Mistress, magpapatulong ata. " Si Angela, younger sister ko.
"Where is she?"
"Nasa terrace po, kasama ni Isza." Nakahinga naman ako mg maluwag, mabuti nalang nasa terrace si Princess nang hindi niya marinig ang pagbabasag ni Dad.
"Thank you, Mrs. Julie." Napagdesisyunan kong pumunta na lang muna ako kay Daddy bago ko pumuntahan si Angela.
Si Mrs. Julie ay asawa ni Mr. Eddie na driver namin at anak naman nila si Ms. Isza o Melisza. Isa sila sa pinakamalapit na pamilya sa puso ko dahil matagal na silang nagtatrabaho sa amin. Kahit na ngayon nalang ulit ako nakatira dito simula noong pumunta ako sa States, hindi nawala ang komunikasyon dahil sila rin ang nag palaki kay Angela noong wala ako. Ako lang kasi ang umalis kaya naiwan dito sa Pilipinas si Angela.
Sandali muna akong pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit at nagpumunta na ako sa office ni Daddy.
Kumatok muna ako sa pinto. "Dad, I'm here."
Hindi siya sumagot kaya binuksan ko na lang yung pinto ng office niya. Pagbukas ko ng pinto andoon siya nakaupo office chair niya. Hawak hawak sa kanang kamay ang baso na may lamang alak at sa kaliwa namang kamay ay ang litrato ni Mom.
"Son, how's your first day in our school?" Hindi agad ako nakasagot dahil hindi naman ako pumasok.
Kahit na not in good terms kami ni Papa, sinusunod ko naman ang utos niya at hindi siya binabastos, minsan.
"Ahm it was fun and exciting haha." Kasunod nito ang isang pilit na tawa. Ang dami kong kasinungalingang nasabi. Hindi na nagtanong si Dad kaya ako naman ang magtatanong. "Dad, what now?" Ang hirap na makita na nagkakaganyan ka pa rin siya, Dad.
"Son, do you still remember your Mom?" Sabay lagok ng basong may alak.
"Of course I remember that woman." Pagalit kong sagot. "Dad move on." Sumama naman ang tingin sa akin ni Dad.
"Hanggat di ko napapatay ang naging kalaguyo ng Mommy mo hindi ako makakamove on!" Isang ingay na naman ang nangibabaw ng binato niya ang hawak na baso.
Ito ang ayaw kong marinig ni Angela, na malaman niya ang Mommy niya ay pinagpalit kami para sa ibang lalake.
Nilapitan ko si Dad at kinuha ang litrato ni Mom na hawak niya at ipinatanong na nakataob sa mesa. "But Dad past is past."
"Pero siya ang dahilan ng pagkamatay ng Mommy mo, kaya hindi ko siya mapapatawad!" Galit na galit niya sabi. Kinikimkim pa rin niya ang pagkamatay ni Mom.
"But Dad? You need to move on para hindi ka mastuck sa nakaraan, gawin mo na rin para sa amin ni Angela." Nanatili lang na tahimik si Dad. "Dad hindi ako papasok sa mga klase ngayong linggo?"
"Sabi mo naging fun and exciting ang unang araw mo. Then why?"
Sasabihin ko ba o papasok na lang ako, kasi bago sabihin ni Dad na ang babaw lang reason ko o kaya naman pagalitan niya ako.
"Because I want to have a friend na totoo yung hindi lang dahil sa anak mo ko kaya lang ako may kaibigan. Ayoko non." Inis ko pa.
"Bakit hindi mo ba kaibigan si Kyle?"
"He's different and he's not here. Ang kailangan ko yung makakasama ko sa araw araw na pasok ko na makakatawanan ko. Sa internet ko lang siya nakakausap." pagpapaliwanag ko.
"I understand, okay, but if you found one, let me know him or maybe her." Napangiti nalang ako.
"Of course Dad, thank you. I promise, makakahanap ako." Bago ako makaalis sinabihan ko si Dad na tigilan na ang pag inom at umakyat na sa kwarto niya, tumungo naman siya kaya lumabas na ako ng Office niya.
Pumunta akong kusina maghanap ng kasambahay na maglilinis ng mga nabasag ni Dad tsaka dumeretso papuntang terrace.
"BIG BROTHER YOU'RE HERE!!" Sabay takbo at talon sa'kin ni Angela.
"Sshh hey don't shout, Daddy's drunk." Ngayon buhat-buhat ko na siya.
"Yeah, I know, again?" Bigla namang siyang sumimangot.
"Yeah again, so don't make some noise or else dad will spank you, got it." Takot lang niya kay Dad.
"Yeah, got it." Tapos nagtakip pa siya ng bibig niya.
"Where's Ms. Isza??" Nagpalinga linga pa ako nangg hindi ko makita si Ms. Isza.
"Shh don't make some noise Big Brother or Ate Isza might see me." Tinakpan pa niya yung bibig ko. "We are playing kasi, hide and seek, and she's the taya " paliwanag naman niya.
"I have an idea, come here." Binulungan ko lang siya. "Can we hide in your room?"
"Aye Aye Big Brother, let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya papuntang kwarto niya. "Ah Big Brother I'm tired." Hingal pa niya.
"Hindi ka kasi dapat tumatakbo ng hindi ka mapagod." May hika kasi itong kapatid ko.
"Can you tell Ate Isza that I'm tired, she might be looking for me everywhere." Tinunguan ko na lang siya. "I forgot to ask you, did you like your ringtone?" Napaisip naman ako dahil nabigla ako sa tanong niya.
'Ringtone?' O_O
"Don't tell me you're the one who changed it?" Medyo napalakas yung boses ko.
"Yes Big Brother? Why? You don't like it?" Parang luluha na siya habang nakatingin sa akin. Kaya kinarga ko siya.
"Of course I like it, Angela, because if you like it, I also like it. So don't cry, my Princess." Pagpapatahan ko pa sa kanya. "So now, what can I do for you, my Princess?" Sabi ko nung nilapag ko na siya sa kama niya.
"Ahm nothing, I just want you to read this for me." Abot niya sa akin ng libro na nang galing sa ilalim ng unan niya.
"Cinderella?" Basa ko sa title ng libro.
"Yeah, it's my favorite because I want to be like her someday, so read it please." With matching beautiful eyes pa siya.
"But you're already in Grade 5, wala bang new stories na binabasa yung Teachers mo."
"Meron but I don't like it, puro about wars yung kinukwento nila. Gusto ko about Princess like me." Pagpapacute pa niya. Ang girly talaga ng kapatid ko na ito.
"Alright then." Binuklat ko ang libro. "Once upon a time, in a faraway land, there was a beautiful little girl named Cinderella ...." tapos pinagpatuloy ko lang ang pagbasa.
"...and they live happily ever after .. The End." nang tingnan ko siya tulog na pala.
"Sleep tight our Princess." Hinalikan ko na lang yung noo niya at inayos ang pagkakakumot sa kanya tsaka pumunta na sa kwarto ko.
*~Yumi Pov~*
It's been a week since the class was started at isang linggo na ring hinihintay ng buong Oxford High ang tinatawag nilang Prince Jeric, ang dahilan kung bakit pala andaming nagsipasok lalo na nung 1st day, dahil isang buong linggo ding siyang hindi pumasok.
Oh diba 1st week pa lang may Campus name na siya, pero kahit alam na ng buong Campus ang tungkol sa kanya kaunti palang ang nakakaalam ng itsura niya at syempre isa ako sa hindi na kamaalam. Si Besty alam na niya, away nga lang ipakita sa akin yung picture kasi daw baka guyumahin ko, kanya lang daw kasi yun naLove at first sight daw siya samantalang picture lang naman ang nakita niya. Isa lang ibig sabihin noon, na Gwapo nga talaga yung anak ni Mr. Oxford but I don't care, nawala na kase ang curiosity ko about him, ayoko kasi ng pa special.
Maliban kay 'Prince Jeric', si Mr. Gwiyomi hindi ko pa rin nakikita. Hay namiss ko siyang kausap at namiss ko na rin yung Gwa--- hayst ano ba tong iniisip ko.
Anyway sabado nga pala ngayon, wala akong magawa, wala din si Besty sa kanila baka kasama na naman niya yung manliligaw niya, yan ba ang naLove at first sight na kikipagdate at nag eentertain pa ng manliligaw.
Kaya eto ako ngayon nag iisa, nagmumukmok sa gilid at may hawak na patalim, joke lang, ang totoo naghihintay ako ngayon ng masasakyan. bakit?? wala lang, natripan ko lang gumala mag isa, iniwan ako ni Besty ee. Kainis.
Ilang sandali lang at dumating na ang sasakyan papuntang Manila.
"Miss, saan ka bababa?" Tanong ng konduktor.
"Manong kasasakay pa nga lang bababa agad?" Inis kong tanong.
"Haha mapagbiro ka pala Nene."
"Manong hindi po Nene ang pangalan ko, Yumi po." Pagtatama ko.
"Oh sige Yumi saan ka nga bababa?" tanong ulit ni Manong Konduktor.
"Manong gusto mo na ata akong pababain." Iniinis ako ni Manong.
"Ibig kong sabihin saan ka ba pupunta?" Ah yun pala, minsan talaga hindi gumagana yung utak ko at kung ano ano ang lumalabas sa bibig ko kaya ako napapaaway.
Napaisip nalang ako. Saan nga kaya ako pupunta, Star City? masyadong pambata. Luneta Park? maoOP naman ako dahil wala akong kasama. Divisoria? masyadong maraming tao.
Napabuntong hininga na lang ako nang may nagstop na jeep sa may harap ko tapos may nakita akong picture na Globo. TAMA. alam ko na kung saan ako pupunta.
"Ahh Manong sa MOA na lang po." sabay abot ko ng isang libo.
"Ah Nene este Yumi wala ka bang barya, barya lang tayo sa umaga." Inilingan ko nalang si Manong na sinyales na wala akong barya. "Sige mamaya na lang yung sukli mo, ipaalala mo ah." tapos binigay na lang ni Manong yung ticket na ibig sabihin ay nakabayad na ako. Kaya ngayon nag aayos na ako ng upo para sa aking pagtulog. Mabuti nalang at sa may bintana ako pumuwesto.
~*~*~
Happy Birthday nga pala sa elementary Boy Bestfriend. haha wala lang pa shout out daw eh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro