Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 3 : Mr. Gwiyomi*~

~*Chapter 3 : Mr. Gwiyomi*~
  
  
  
*~Yumi POV~*
  
  
 
'Sino namang lalaki ito?? Hindi pa tapos ang kamalasan ng araw na 'to.'
  
 
'Baka HOLDAPER o kaya KIDNAPPER, hala hindi na pala ako KID.'
  
  
'baka naman TEENapper, ano ba yan ang panget naman pakinggan noon, parang tinapon lang.'
  
  
'hala baka naman RAPIST. OMG birhen pa me.'
  
 
 
Kung anu ano na lamang ang mga pumapasok sa utak ko, nahahawa na ako sa mga imahinasyon ni Besty.
  
 
Andito ako ngayon sa eskinita, nasa likuran ko ang humila sa akin kanina. Mabuti na lang at kita mula rito sa kinaroroonan ko ay kita ang liwanag ng kalsada. Sandali lang may nakita akong mga tao.
 
  
 
'Sisigaw na ba ko? Kailangan ko ng tulong, bahala na.'
  
 
'One. Two. Three. Go.'
  
  
 
"Subukan mong sumigaw may masamang mangyayari sa'yo." Bulong niya sa tenga ko mula sa likuran ko.
  
   
  
'Nananakot ba siya? Anong akala mo sa akin matatakot? Bahala ka dyan.'
  
  
  
"TUL--xzwtqadmczoqeq." Bigla niya akong sinandal sa pader na nasa likod niya kanina at hinigpitan ang pagtakip ng palad niya sa bibig ko.
  
  
 
Ngayon nasa harapan ko na siya ngunit hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil madilim ang parte na ito ng eskinita kung saan ang liwanag lang galing sa poste ng kalsada nagmumula ang liwanag.
   
  
 
"I've already warned you? Don't shout." Inis na sabi niya.
  
  
 
Tumungo ako na parang batang napagalitan.
  
  

'Inpernes naman ang ganda ng boses niya. Lalaking lalaki. Hindi, mali mali kailangan kong makatakas sa magkakahawak niya sakin.'
  
 
 
Mabuti na lang at hindi niya hawak ang kamay ko. Inalis ko ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko. "Bakit ba?"
  
  
"Huwag kang maingay at baka may mangyaring masama sa iyo." Mahinanong utos niya.
  
   
 
'Wala pa bang masamang nangyayari sa akin ngayon.'
  
 
 
"Oy kuyang, kung sino ka man, kanina mo pa sinabing mangyayaring masama sa akin? Paano?" Hininaan ko nalang ang boses ko baka magkatotoo pa ang sinasabi niya.
  
 

"Do you see that guy?" Turo naman niya sa lalaki na nasa may kalsada gamit yung labi niya. Kahit madilim makikita ko ang labi niya.
  
 
 
'Wow kissable lips, erase erase sa panahong ganito hindi dapat yan ang iniisip ko. Si Besty may kasalanan nito kasi naman nakakahawa.'
  
 
 
"Oo nakikita ko, ano namang kinalaman niya dito?" Sagot ko nalang baka mapansin niyang natulala ako.
  
 
"They going to kidnap you." Napalaki nalang sa gulat ang mata ako bibig ko sa sinabi niya.
  
  
 
'Kikidnapin? Ako? haha patawa ba siya? siya nga itong humila sa akin dito sa eskinita bigla bigla.'
  
  
 
"At bakit naman ako maniniwala sa sinasabi mo?" Mahina ko paring pagtatanong.
  
 
 
Wala pa rin akong tiwala sa kanya lalo na't hindi ko pa nga nakikita yung mukha niya.
  
  
 
"Mamaya ko na lang ikukwento sa iyo pag nakaalis na tayo dito at pati na rin yang mga mangingidnap sayo." Seryosong sabi niya at parang kapanipaniwala.
  
  
 
Hindi na niya muli pang tinakpan ang bibig ko sa halip ay tumingin nalang sa mga lalaki sa labas. Ginaya ko na lang siya at binaling ang aking paningin sa kanyang tinitignan.
  
 
Ilang sandali pa habang nagmamanman may tumigil na tatlong lalaki sa may kalsada na parang may hinahanap. Mabuti nalang hindi gaanong kalayo ang kinaroroonan namin kaya't rinig namin ang kanilang usapan.
  
  
 
"Sure ba kayong dito niyo siya nakita?" Tanong nung Lalaki 1.
  
  
"Oo, pero bigla na lang siyang nawala." Napakamot nalang sa ulo si Lalaki 2.
  
 
"Ang bobo-bobo niyo naman kasi, yan tuloy nawala yung pinapadala sa atin. Malilintikan tayo niyan kay Boss." Paninisi ng naman ni Lalaki 3. Gulat akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko, ibig sabihin totoo nga yung sinasabi nito.
   
   
"Boss? Sino naman kaya yun?" Tanong ko naman kay Kuyang ahm-- ay ewan basta yung kasama ko.
  
  
"Shhh. Huwag ka na munang magsalita at baka marinig pa nila tayo." Saway niya sa akin at akmang tatakpan ulit ng palad niya ang bibig ko pero pinigilan ko siya.
  
  
"Okay na, izizipper ko na nga po yung bibig ko. Sungit." Inaksyon ko naman na parang ziniper ko nga yung bibig ko.
  
  
Siya naman ningisian lang ako at binalik ang tingin sa mga lalaking na sa kalsada.
  
  
"Ikaw ang bobo dyan, hindi ba't ikaw ang look-out sa atin." Galit na susugurin sana ni Lalaki 2 si Lalaki 3 pero pumagitna sa kanila si Lalaki 1.
  
  
"Tumigil na nga kayong dalawa, tara doon naman tayo maghanap sa sakayan, baka nakauwi na yun, malilintikan tayo kay Boss niyan kapag hindi natin nadala si Yumi." Aya ni Lalaki 1 at tuluyan ng umalis.
  
  
 
Ngayon nasisigurado ko nang ako nga ang target nila dahil pangalan ko ang binanggit nila. Ilang segundo rin bago ako nakapagsalita.
  
  
 
"Salamat naman at wala na sila." Naglakad na ako paalis nang bigla siyang nagsalita.
  
  
"Eh sa akin hindi ka ba magpapasalamat?" Tinitigan ko lang siya saglit kahit hindi ko pa rin makita yung mukha niya at tumalikod muli.
  
  
"Thank You." Mabilis kong sabi.
  
  
"Grabe labas naman sa ilong mo, walang kafeelings-feelings" Sabi ni ewan.
  

"Ang arte naman nito." Pabulong kong sambit sa sarili ko at lumingon muli sa kanya. "Thank you po." Chichay effect pero thank you version. "Satisfied?"
 
 
"Okay na rin." Huminto siya saglit, nag-iisip siguro ng sasabihin. "Your welcome, and by the way, do you know me?" Tanong niya. Hindi ko pa rin nga nakikita ang mukha na dahil madilim, kaya paano ko siya makikilala.
  
  
"I don't care and I'm not interested." Muli akong tumalikod at tinuloy ko na ang naantala kong paglalakad.
  
  
"Hindi ka ba talaga interesadong malaman kung sino ako?" Sumunod siya akin at sinabayan ako sa paglalakad.
  
  
"Absolutely Yes." Tapos binilisan ko naman ang paglalakad ko dahil sinusundan niya ako.
  
  
"Are you sure?" Habol pa rin niya sa akin.
  
  
Dahil naiirita na ako sa paulit-ulit niyang tanong kaya humarap na ako sa kanya. "Sinabi nang Oo ee!!"
  
  
 
Napatitig na lang ako sa mukha niya. Ngayon nakikita ko na ito dahil maliwanag na.
  
  
 
"Oh Miss, alam ko namang gwapo ako, pero hindi naman kailangan ipamukha mo pa sa akin yun." Bigla niyang hinawakan ang baba ko. "Nakanganga ka na kase." Natatawang saad niya.
  
  
 
Doon ko lang napansin na nakanganga nga ako, pero slight lang.
  
 
 
"Sinong nagsabing nakanganga ako at mas lalong sinong hinayupak ang nagsabing gwapo ka?" Pagdedeny ko. "Ang haba kaya ng baba mo." Iniwan ko siyang tumatawa.
 
  
 
Naglakad ako ng mabilis nang makita kong sinundan niya ako. Panay pa ang tawag niya sa akin ng 'Miss' pero hindi yun pinapansin at mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad.
  
 
 
"Sandali lang Miss! Miss! Yuri!" Bigla akong napahinto at humarap sa kanya ng marinig kong tinawag niya ako sa pangalan ko. Kilala niya ko? "Sa wakas tumigil ka na rin." At naglakad na siya palapit sa akin. "Kailangan lang palang tawagin ka sa pangalan mo."
  
  
"Sino ka ba ha? Bakit mo ako kilala?" Tanong ko habang dinuduro siya.
  
  
"Teka lang, anong nangyari doon sa 'I don't care and I'm not interested' mo." Sabi niya na parang ginaya niya yung pagkakasabi ko sa kanya kanina. "Tapos ngayon ang dami mong tanong." Dugtong pa niya.
  
  
"Wala ka na doon." Mabilis ko saad. "Paano mo nga kasi ako nakilala?" Tanong ko ulit.
  
  
"Edi wala ka na din doon." Panggagaya niya ulit ng sinabi ko, kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. "Okay, okay, easy lang Yuri, I'll tell you." Nag-ayos muna siya ng tayo bago nagsalita. "Ganito kasi yan. Yung totoo kasi ahm." Nag isip siya.
  
  
Tinaasan ko ulit siya ng kilay nang mapansin kong ang tagal niyang magsalita. "Yung totoo din, magkukwento ka o magkukwento ka. Mamili ka?"
  
  
"Mamili raw ee parehas lang yun tsk." Narinig kong bulong niya pero pinabayaan ko lang. "Eh kasi naman, I don't know where should I start. Ahh! Doon kanina sa Gym ng Oxford hindi ba ikaw yung nasa stage na may kasamang lalake?" Tanong niya.
  
  
May sumilay nalang na ngisi sa labi ko. "May pagkaususero ka rin pala ee noh."
  
  
"Ako? Ususero?" At bahagya siyang natawa sa sinabi ko." I'm not like that. Nagkataon lang na naglalakad ako sa Gym noon nang marinig ko ang pangalan mo at makita ko na may naglalambingan sa stage na isang lalaki at babae. ni hindi ko nga natingnan yang mukha mo at pagtapos noon ay nagheadset na ako at naglakad ulit" Tumungo na lang ako. "Sino nga ba yung lalakeng yun? Ex mo?" Napalaki yung mata ko sa sinabi niya.
  
  
"Hell no! And for your information hindi kami naglalambingan." Dipensa ko pero binigyan niya ako ng 'weh look'. "Hindi nga sabi at mas lalong hindi ko siya Boyfriend."
  
  
"Walang naman akong sinabing boyfriend mo siya." Natatawa pa rin siya.
  
  
"Baka kase yung sunod mong itanong, inunahan na kita." Pagpapaliwanag ko.
  
  
"Kung hindi mo nga siya Boyfriend o Ex man lang, sino ba talaga yung kalambingan mo?" Tanong na naman niya.
  
  
"Sinabi ng hindi ko siya kalambingan, Okay? Isang napakahambog na lalaki nang Terence na yun."
  
 
"Terence?" Tumungo lang ako bilang tugon. "Terence yung pangalan ng nagpapakidnap sayo ee." Napalaki na naman ng mata ko.
  
 
'Hindi ba siya napapagod sa mga kalokohan niya.'
  
 
"Si Terence? Sigurado ka ba dyan?" Paninigurado ko, tumungo naman siya at nagsalita.
  
 
"Base sa nakita at narinig ko kanina sa Parking lot mukhang Terence nga ang pangalan ng boss nila." Panimula niya. "Nakita ko yung tatlong lalaking yun na may kausap sa cellphone na nakaloud speak at nakikinig pero hindi ko gaanong naririnig ang nagsasalita sa cellphone dahil medyo mahina at limang metro ang layo ko sa kanila, tapos yung isa nagsusulat pa sa isang papel at narinig kong nagsabi sila ng 'masusunod po boss Terence'." Paliwanag niya at napayuko na lang ako.
  
  
'Mukhang hindi talaga matitigil si Terence, balak pa talaga niya akong ipadukot.'
  
 
Binalik ko naman ang tingin sa kanya.
  
  
"Pero paano mo naman nalaman nakikidnapin nila ako?"
  
 
"Ahh yun ba? May pagkabobo nga siguro itong mga inutusan niya, ito kasi oh." Abot niya pa sa akin ng isang papel.
  
 
"Ano naman ito?" Pagtataka ko ulit.
  
  
"Tingnan mo." Kinuha ko ang papel at binasa ito.
 
     
  
Yuri Megumi 'Yumi' Kortez

5pm ang labasan

Dadalhin sa Warehouse ni Boss

sa ayaw man o gusto.

hahaha :D
   
   

NapaRoll eyes nalang ako sa nabasa ko pero natawa naman ako kasi may 'hahaha' na may smiley pang nakasulat.
  
 
  
"May pagkabobo nga talaga sila pati apelyido ko mali pa yung spelling." natatawang sabi ko.
   
  
"I told yah." Natatawang pagmamalaki niya.
  
 
"Paano mo pala nalaman na ako yung kikidnapin nila." Hindi siya sumugot bagkus sinenyasan niya akong ibaliktad ang hawak kong papel, pagkabaliktad ko, tumambad sa akin ang aking litrato. "Paano mo ito nakuha?"
  
  
"Sa tanga nga sila, nabitawan nila, sakto namang hinangin ito papunta sa akin, nang makuha ko nagtago ako." Pagliwanag niya muli.
  
  
'Sabi ko na nga ususero siya.'
  
  
"Ahh kaya pala." Tinupi ko ang litrato at inabot sa kanya.
  
  
"What's that?" Siya naman ang nagtaka.
 
  
"Hindi mo alam? Mas bobo ka pa pala kaysa sa kanila. Picture." Pang aasar ko.
   
  
"Ano ka ba, alam kong picture yan, pero bakit mo pa inaabot sa akin?" Pagtataka niya.
  
  
"Itapon mo." Utos ko.
  
  
"What the heck. Iniligtas na nga kita sa mga mangingidnap sa iyo tapos uutusan mo pa akong itapon 'tong picture mo. Ni hindi mo pa nga ako kilala, makautos ka." Panunumbat niya.
  
  
"Easy lang, hindi ka naman mabiro. Sino ka nga ba?" Umayos siya ng tayo at inilahad ang kamay sa harap ko.
   
  
"Ken.. Ken Javier." Sagot niya.
  

"Okay Mr. Ken Javier." Tinanggap ko naman ang kamay niya para makipagkamay pero iniwan ko yung picture na may pangalan ko sa kamay niya.
  
  
"Galing talaga. Ewan ko sa iyo bahala ka nga dyan?" Natawa nalang ako ng binalik niya sa akin yung papel tsaka naglakad. Nabadtrip ata.
  
 
Hinabol ko siya hindi para humingi ng pawad kundi para magtanong.
  
 
"Sandali, transferee ka diba?" tanong ko.
  
 
"How can you say so?" Tigil niya sa paglalakad.
  
  
"Hindi ka kasi pamilyar sa akin." Sagot ko naman.
  
 
"Bakit kilala mo ba lahat ng students dito?" Pabalang na tanong niya.
  
 
'Badtrip na nga ata.'
  
 
"H-Hindi." Napahiya ako doon ah.
  
 
"Yun naman pala e." Tsaka ako tinalikuran at naglakad muli, pero hinabol ko ulit siya.
  
 
"So ano nga? Transferee ka di ba, galing saan?"
  
  
"Why do you want to know?"
  
 
"Sasabihin ko kapag sumagot ka."
  
  
"States."
  
 
"Have you heard about the son of the owner of Oxford?" Napahinto siya sa paglalakad. Nakita kong nagulat siya sa naging tanong ko dahil medyo lumaki ang mata niya at hindi siya agad nakasagot.
 
  
"N-Nope." Medyo mahina at may pagkautal niyang sagot. "Why?" Dugtong niya.
 
 
"Wala naman, may pinagtataka lang kasi ako." Sabi ko na lang.
  
 
"Bakit ano ba yung pinagtataka mo?"
  
  
"Ahm kasi bakit hindi na lang siya dito sa Pilipinas nag aral samantalang may sarili naman silang schools dito. Mga ganyan lang naman yung pinagtataka ko." Paliwanag ko.
  
  
"Hay, yun lang pala ." Sabi niya nang nakangiti at parang nakahinga ng maluwag.
  
 
"Sabi mo hindi mo siya kilala, pero sa reaksyon mo mukhang kilala mo siya." Pang uusisa ko pero hindi na siya nakasagot sa akin nang may marinig kaming tumunog.
 
   
 
♪Ildeo hagi ileun gwiyomi, ideo hagi ineun gwiyomi

♪Samdeo hagi sameun gwiyomi, gwigwi gwiyomi gwigwi gwiyomi

♪Sadeo hagi sado gwiyomi, odeo hagi odo gwiyomi

♪Yukdeo hagi yugeun jjokjjokjjokjjokjjokjjok gwiyomi nan gwiyomi ~~~
      
   
 
Mukhang pareho kaming nagulat sa naririnig naming tunog kaya napagdesisyunan namin hanapin ang pinanggagaling ng tunog.
  
 
'Imposible namang sa akin yun dahil hindi naman Gwiyomi yung ringtone ko, kundi I Got A Boy pero mas imposible namang kay Ken yun dahil obviously lalake siya.'
  
 
Nangmawala yung tunog napatigil kami sa paghahanap.
  
  
 
"Kanino ba yun? Ang cute ng ringtone ahh, gwiyomi haha." Nakita ko naman siyang nakatingin lang sa akin na may pagtataka. "Bakit?"
  
  
"Sigurado ka bang hindi yun iyo?" Umiling nalang ako. "Pangbabae yung gwiyomi diba?"
  
 
"Wow alam mo yun?" Naamaze ako.
  
 
"Syempre naman. Anong akala mo sa'kin alien." Hindi ko na siya sinagot dahil natatawa parin ako.
 
   
 
Ilang sandali lang tumunog ito ulit. Pero ngayon parang alam ko na kung kanino yun.
   
  
 
"Ken mukhang may tumatawag sa iyo?" Pagpipigil ko ng tawa.
  
 
"Sa akin? wala no."
  
 
"Sa iyo kaya nanggagaling yung tunog." Pero parang ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko kaya ako na lang yung kumuha ng cellphone niya sa loob ng bag niya. Nagpumiglas pa siya pero wala na, nakuha ko na at inabot ito sa kanya. "Oh, sabi ko sa iyo cellphone mo yung tumutunog. Whahaha!!" At pinakawalan ko na yung tawang kanina ko pa pinipigilan.
    
   
  
Hindi mo malaman sa itsura niya kung matatawa o mahihiya dahil sa nangyari kaya kinuha na lang niya agad ng cellphone niya sa kamay ko sabay tingin ng screen. Ngayon mas lalong hindi na maipinta ang pagmumukha niya.
 
   
  
"Excuse me, I need to take this call." Paalam niya.
  
  
"Sige lang hahaha" Kahit anung gawin ko hindi ko pa rin mapigilang hindi tumawa. Siya naman medyo lumayo, naiingay siguro sa tawa ko.
   
  
"Yes, Dad ..... I' m here at the campus..... Do I have to be there?? ..... Okay." Sabay patay ng tawag.
  
   
   
Natigil ako sa pagtawa ng bumalik siya na may seryoso ng mukha. May pagkabilopar ata itong lalakeng 'to.
 
   
  
"Mukhang kailangan mo ng umuwi ah." Sa itsura niya kasing mukhang napagalitan pa siya.
  
  
"Yeah, pero ihahatid na kita." Alok pa niya.
  
  
"Hindi na kailangan."
  
 
'Medyo mabait naman ako kaya pinapauna ko na.'
  
  
"Baka bumalik pa yung mga mangigidnap sa iyo."
  
 
"Hindi na siguro at tsaka kaya ko naman ang sarili ko. Ikaw naman, go home baka mapagalitaan ka pa lalo." Taboy ko pa sa kanya.
  
  
"Hindi ihahatid kita para sigurado." pagpupumilit niya. "Ihahatid lang kita, hindi kita kikidnapin tulad ng kanina."
  
  
"Bahala ka nga." Naisip ko ring sayang din ang ipapamasahe ko tutal ihahatid naman niya ako ng libre.
    
  
  
Ang akala ko sa sinasabi niya ay ihahatid niya lang ako sa sakayan o kaya naman magcocommute, nagulat nalang ako nang biglang may humintong kotse sa harap namin.
    
  
Bumaba yung bintana at sumilip dito si Ken. Pinabayaan ko silang mag usap, ilang sandali lang inalok na niya akong pumasok sa kotse niya.
  
  
Nagmadali naman akong buksan ang passenger seat para hindi ko siya makatabi backseat pero mali pala ang naging desisyon ko dahil bigla nalang niyang pinalipat yung driver niya sa backseat at siya ang umupo sa driver's seat.
     
  
  
"Anong ginagawa mo dyan?" Nabiglang tanong ko.
  
  
"Ano bang ginagawa sa driver's seat, hindi ba nagmamaneho." At inistart na niya yung kotse niya.
  
  
"Huwag po kayong mag alala Ma'am mahusay yang magmaneho si Young Master." Sabat ni Manong Driver.
  
  
 
'Puring puri naman itong isa. Young master? Ibig sabihin mayaman ang isang ito.'
  
  
  
"Legal naman ba?" Tanong ko.
  
  
"Opo Ma'am" Sagot ulit ni Manong Driver.
 
 
 
'May driver pero siya nagdadrive, ano yun display lang si Manong.'
  
  
 
Mukhang nahalata naman ni Ken na hindi ako naniniwala nang dahil bigla na lang siyang may kinuha sa bag niya at pinakita sa akin ang Student License niya.
  
  
 
"Sabi ko nga. Legal. Sige na ihatid mo na ako. Tsk." Tinarayan ko na lang siya pero siya naman nakangiti dahil siguro para kasing napahiya ako doon.
  
  
  
Medyo hindi pa kami nagtatagal sa sasakyan, nakaramdam na ako na hindi ako mapakali dahil hindi ako sanay na nakaaircon ang sasakyan.
  
  
 
"What's the problem? Bakit ang likot mo dyan?" Mukhang nahalata niya na hindi ako komportable.
  
  
"Sabi ko sa iyo, huwag mo na akong ihatid, nahihilo pa ako sa de aircon." Reklamo ko sa kanya.
  

"Mainit naman kapag pinatay ko yung aircon." Hindi ko na siya sinagot basta binuksan ko na lang yung bintana ng sasakyan niya. "Anong ginagawa mo?"
  
  
"Binubuksan yung bintana, hindi ba obvious." Sarkastikong sagot ko.
  
  
"Ibig kong sabihin, bakit mo binubuksan? Sayang sa battery ng kotse ko." Makikita mo ang inis sa mukha niya.
  
  
"Edi patayin mo yung aircon, mas mabuti pa nga ito dahil sariwang hangin at tipid sa battery ng kotse mo, di ba Manong?" Nakita ko naman na nakatingin ng masama si Ken kay Manong Driver sa rear mirror ng sasakyan, kaya hindi naman alam ni Manong Driver kung sasagot siya, dahil baka magalit itong si Ken sa kanya. "At tigil-tigilan mo ang pagtingin sa salamin baka maaksidente pa tayo. Huwag ka ng hihirit pa, nagpumilit kang ihatid ako diba?"
  
  
"Bahala ka nga dyan." Wala na siyang nagawa pa kundi patayin yung aircon at binuksan din ang bintana niya at ipagpatuloy ang pagmamaneho niya.
   
  
  
Di nagtagal, nagpababa ako sa kanto na may isang daang metro ang layo sa bahay namin para hindi makita na may naghatid sa akin lalo na si Besty, mahirap na.
    
  
 
"Sige alis ka na." Sabi habang nakasilip sa nakababang bintana ng kotse niya.
  
   
"Wala bang thank you dyan?" Tanong niya tsaka ngumisi.
  
  
"Wala." Tatalikod na sana ako ng may maalala ako. "Wait. *click*"
  
  
"Para saan naman yang picture??" Sabi niya habang papikit pikit dahil sa flash.
  
  
"Evidence. Sige uwi ka na. Hinahanap ka na ng Dad mo di ba?" Pananakot ko sa kanya.
   
   
"Oo na, aalis na, basta huwag mo namang halik halikan yang picture ko, mangangati yung ilong ko niyan." Natatawang inistart niya yung kotse niya.
  
  
 
'Ang kapal.'
  
  
 
"Ewan ko sayo. Sige alis na." Nagpaalam ako sa kanya pati na rin kay Manong Driver na nakatulog na agad sa back seat at umandar na ang kotse niya paalis. "MR. GWIYOMI!!!" Sigaw ko na alam kong maririnig niya yun dahil nakababa pa rin ang bintana niya.
  
 
 
'Salamat sa pagligtas sa akin.'
   
 
  
Pagdating ko sa bahay nakita kong abala sa panunood si Mama sa Sala. Nilapitan ko siya, nagmano at binigyan nng halik sa pisngi.
   
  
 
"Eomma, ano na naman yang pinapanuod mo." Hindi niya ako pinansin sa sobrang focus niya sa panunood kaya kinuha ko nalang ang lalagyanan nung cd na nakapatong sa lamesa.
  
  
 
Fated to love you ang nabasa kong title ng korean drama na pinapanood ni Mama.
  
   
 
"Huwag mo nga pakialaman yung mga pinapanuod ko." Sabay palo ni Mama sa kamay ko.
  
  
"Aray naman, binabasa lang." Umarte pa akong kunyareng nasasaktan.
  
  
'Ganyan talaga si Mama, OA basta nanonod ng mga Asian Dramas.'
   
  
"Nga pala, kumusta ang unang araw mo sa eskwela?" Sabi niya pagtapos niyang ipause yung pinapanood niya.
  
  
"Ayun, nothing's change." Walang ganang sabi ko.
  
  
"Ibig sabihin may kababalaghan na namang ginawa si Terence sa'yo?"
  
  
'oh diba alam na alam ni Mama, taon taon nalang kase paulit ulit nalang.'
  
  
"Here." Abot ko sa kay Mama ng papel. Buti pala binalik niya sa akin kanina.
  
  
Kinuha ni Umma ang papel at binasa ito. "Omo. Sobra naman ata itong ginawa niya ngayon, ipapakidnap ka na niya. Gusto mo bang ireport na natin siya sa mga pulis?" Akmang dadamputin ni Mama ang cellphone niya na nasa lamesa ng pigilan ko siya.
  
  
"Hindi na kailangan Eomma." At nagbitaw ako ng buntong hininga.
  
  
"Anong hindi na kailangan? Paano kung may gawin siya ulit at magtagumpay siya?" Pag aalala ni Mama.
  
  
"Edi makakatikim siya ng isang malupit na front kick at upper cut" At inaksyon ko pa. "Pero buti na lang Eomma may nakakita sa kanila, yun naligtas tuloy ako."
  
 
Lumapit si Mama ng kaunti sa akin na parang nacurious sa sinabi ko. "Sino naman yun?"
 

"Ahh ano nga bang pangalan noon? K.. Ken .. Ahh Tama Ken Javier.. yun, yun yung pangalan niya.." Nakita ko naman si Mama na biglang lumaki ang ngiti sa labi. "Eomma, anung iniisip mo?"
  
  
"Gwapo ba? Pakilala mo sa'kin yang Ken 'The Knight and Shining, Shimmering Armor' Javier mo anak." Kinikilig na sabi ni Mama.
  
 
 
'Si Mama talaga basta lalaki na nakakausap ko eh binibigyan na agad ng malisya.'
 
 
 
"Mukha namang tao." Mas lalo tuloy lumaki ang ngiti sa mukha ni Mama. "Pero baka hindi ko na makita ulit yun."
  
  
Biglang lumungkot si Mama. "At bakit naman?"
  
 
"Hindi ko naman po kasi siya classmate." sagot ko.
  
  
"Hindi mo lang classmate hindi mo na agad makikita."
  
  
'Oo nga naman, may point naman si Mama doon.'
 
 
"Pero Eomma may transferee sa school, anak ng may-ari. Si Kris Jeric Oxford at classmate ko pa." pagbabago ko ng topic.
  
  
"Gwapo naman ba?"
  
 
 
'Talaga naman itong Mama ko.'
 
 
 
"Hindi ko alam, hindi kasi siya pumasok." Naalala ko tuloy si Besty, Disappointed kanina, inaantay pa naman niya yun.
  
  
"Kumain ka na at matulog para makita mo na agad bukas si Mr. Ken mo, pati na rin si Mr. Oxford." loka loka talaga 'to si Mama.
 

 
 
~~~~~~

  

Please don't forget to vote, comment and follow mga Prinsesa at Prinsipe.

For more info about me and the story you can visit my social media account.

~ Facebook Account : Maria Teresa Flor Matula
https://www.facebook.com/IamBlaCkPrincesS17

~Instagram : akosiblackprincess
https://www.instagram.com/akosiblackprincess/

~Twitter: Maria Teresa Flor Matula
https://twitter.com/teresa_matula18

THANK YOU!

~IamBlaCkPrincesS17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro