Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 25: Ring*~

~*Chapter 25: Ring*~
 
  

Yumi's POV
 

Tanghali na pero hindi pa rin kami nag uusap ni Jeric mula kagabi. Nagkakasalubong kami tuwing may bibili. Ibibigay ko lang sa kanya ang order. Walang salitaang nangyayari, tapos sila na ni Bay ang bahalang mag aasikaso at maghahatid noon sa customer habang wala sina Besty at Kyle dahil may laban sila.

Abala kami ni Teresa sa counter nang may lumapit na dalawang babae na habang naghahagikgikan. Isang short hair at isang long hair. Pareho itong nakauniform ng ibang school.

"What's your order?" Tanong ko sa kanila.

"Isa ngang black forest. Ikaw anong gusto mo?" Tanong nito sa kasamang long hair.

"Ang gusto--- Siya." Kinikilig na sabi nito.

Napalingon ako sa tinuturo nito, si Jeric na nagseserve sa isang table sa di kalayuan.

"What. Is. Your. Order?!" Medyo malakas na tanong ko na ikinagulat ng dalawa. Napatingin din sa amin maging ang ibang customer pati rin sina Jeric.

"Ahm. I-Isang black forest na lang din." Dahil siguro sa takot napagaya nalang siya sa gusto ng kasama niya.

"Dine in or take out?" Nakangiting tanong ko.

"D-Dine in?" Hindi niya siguradong sagot ng nakashort hair.

"That's 124 pesos."

Nag abot sila ng saktong pera. Nang talikuran nila ako para maghanap ng uupuan, narinig ko pang nagsalita ang short hair.

"Ang creepy naman ng girl sa counter. Nakakatakot siyang ngumiti."

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa narinig ko.

Ako? Creepy?

"Hayaan mo na. Bawi nalang tayo kina pogi. Kunin natin number nila. Sa'yo yung jolly looking guy, sa'kin naman yung mysterious looking guy." Sabi ng long hair sabay turo gamit ang nguso nito.

Parang nagpintig ang mga tainga ko sa narinig ko.

Si Bay ang tinutukoy na jolly habang si Jeric naman yung mysterious.

Lumapit sa akin si Bay at hiningi ang order ng dalawang babae para maasikaso na niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko dahil sa narinig kong gustong gawin ng babaeng yun pero wala na akong nagawa nang bigla dumagsa ang tao.

Habang kinukuha namin ni Teresa ang order ng mga customer, pabaling baling ako sa kinaroroonan ng dalawang babae, andoon na rin si Bay at hinihain ang mga inorder na cake.

Masayang nagsasalita ang mga babae nang makitang may biglang pumulupot na kamay sa braso ni Bay. Bahagya akong napangiti nang makitang tinarayan ni Violet ang dalawang babae tsaka niya hinila si Bay papasok dito sa store namin.

"Bakit mo naman, tinarayan yun mga babae?" Naiinis na tanong ni Bay kay Violet.

Dinig ang pag uusap nila mula sa kitchen dito sa counter kaya minadali ko ang pagkuha ng mga order ng customer para walang makarinig na ibang tao.

Pinabantay ko muna kay Teresa ang counter.

Nang magtungo ako sa kusina, sinenyasan ko sila na huwag masyadong maingay bago asikasuhin ang order ng customer.

"May I remind you na curtains lang ang naghihiwalay sa mga tents natin. So magkatabi lang ang both store natin. I saw them flirting on my boyfriend. What do you expect me to do?" Nakakrus ang mga braso na balik na tanong ni Violet kay Bay.

"Pinapaalala ko rin sa'yo na hindi mo ako totoong boyfriend kaya bakit ka ganyan makabakod sa'kin." Mahinang tugon ni Bay pero sapat na para marinig ko.

"Kahit na. You're my boyfriend sa eyes ng mga people, so you can't flirt with them." Giit ni Violet.

"I'm not flirting them. Baka nakakalimutan mong bakla ako, kaya bakit ako makikipaglandian sa babae." Napasabunot nalang si Bay sa sariling buhok nang tinaasan lang siya ni Violet ng kilay.

Nagulat nalang din ako na pala ang tinitignan ni Violet habang nakakrus ang mga braso.

"Bakit sa'kin ka na nakatingin?" Tanong ko.

"When girl ang customer niyo, don't let my Geoffrey assist them. When boy naman, don't let them touch him, baka sila ang i-fry ko at gawing meat sa hamburger na niluluto ko." Pagkasabi niya noon, agad na rin siyang lumabas ng store namin.

"Eh di anong gagawin ko kung ganoon?" Kamot pa ni Bay sa ulo.

Nagkatitigan kaming dalawa at sabay na napabuntong hininga.

Nagpagdesisyunan naming na magpalit. Siya nalang ang sa counter at ako na ang magwe-waitress para hindi na siya matagal na makakausap ng babae man o lalaki na customer tulad ng gusto ni Violet.

Paglabas, agad kong inihain ang rainbow cake na inorder sa'kin kanina. Babalik na sana ako sa loob ng store nang makitang tinatawag nang dalawang babaeng kanina pa nahahagikgikan si Jeric.

Pumunta ako sa pinakamalapit na lamesa doon at nagkunwaring nililinis iyon para hindi halatang makikinig ako sa pinag uusapan nila.

"What do you need?" Walang buhay na tanong ni Jeric.

"Can we have your number? You're so cute kasi." Kinikilig na sabi ng long hair.

"No."

"Why naman?" Nakahalumbaba na tanong ng nakashort hair.

"Because I already have a girlfriend." Diretsong sagot ni Jeric.

Parang biglang lumaki ang tainga ko sa narinig ko. Kaagad akong napahawak sa dibdib ko at pinakiramdam ang bilis ng pintig ng puso ko.

Huwag ka ngang bumilis! Bawal!

Tumayo ang nakashort hair at tumabi kay Jeric.

"It doesn't matter. We can still be friends." Nakangiting sabi nito habang hinahaplos ang braso ni Jeric.

Humigpit ang hawak ko sa tray at gustong gusto ko ng ihampas iyon sa babae nang nag isang hakbang paatras si Jeric para mailayo ang kamay na humahaplos sa braso niya.

"I had enough friends, so no. Besides, I don't want her to be mad at me."

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya at dahil doon, hindi na kumalma ang puso ko.

Heart! Huwag ka masyadong maingay, baka marinig ka nila.

"Is that all you want to say?" Tanong pa ni Jeric.

Pabagsak na umupo ang babae. Bumagsak din ang balikat nang dalawa na parang suko na sila. "Can we have some water?" Sabi nalang ng long hair.

"K." Yun lang ang tugon ni Jeric ay pumasok na sa loob ng store.

Dahan dahan akonh naglakad at taas noong lumapit sa dalawang babae na ikinagulat nila.

"B-Bakit?" Sabay na tanong nila.

Binigyan ko muna sila nang matamis na ngiti bago sumagot. "If I were you, hindi na ako babalik dito dahil siguradong andiyan lang sa tabi-tabi ang girlfriend noon. Kung yung isang girlfriend kanina nang lalaki na nasa counter ngayon ay tinarayan lang kayo, ibahin niyo ang girlfriend niya. Pagnalaman noon na may gustong lumandi sa boyfriend niya baka umuwi kayong bali na ang buto." Yumuko ako ng kaunti para ibulong ang gusto kong sabihin sa kanila. "Pero ang tanong, makauwi pa kaya kayo?"

Nagsilakihan ang mga mata nila at parehong nagpalinga linga na parang pinakikiramdaman ang paligid kung may nakatingin ba sa kanila.

"S-Sino ba ang girlfriend niya?" Tanong ng short hair.

Nakita kong napuno ng takot ang mga mata nila kaya muli ko silang binigayan nang matamis ngiti bago ituro ang sarili ko.

"I-Ikaw?" Nanlaki na naman ang mga mata nila sa nalaman.

"Ako nga. Kaya umalis na kayo bago ko mahampas sa inyo itong hawak kong tray." Sabay ngiti muli sa kanila.

Nag uunahan silang tumayo at mabilis na lumabas ng FrankBell Food Hub.

Nagpipigil ako ng tawa habang nililigpit ang naiwan nilang kalat sa mesa kaya nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Asan na yung dalawang babae dito?"

Nang lingunin ko, may hawak na itong tray na may dalawang basong tubig.

"Umalis na. Bakit may kailangan ka?" Pagkukunwayi ko.

"None of your business." Sagot niya nang hindi nakatingin sa akin at tinalikuran ako.

Napanganga ako sandali sa inakto niya. Kahapon pa siya ganyan sumagot sa akin.
 
Tatanungin ko sana siya kung anong problema nang dumating sina Kyle at Besty na parehong nakabutler at maid costume na.

Pumasok kaming lahat sa store at doon kinamusta ang naging laban nila.

"Pasok na kami sa semis." Masayang pagbabalita ni Kyle.

"Congrats." Bati naming lahat.

"Ano nga palang nangyari sa kakambal mo?" Baling ni Kyle kay Teresa.

"Oo nga. Hindi siya nakapaglaro kanina kaya akala namin matatalo sila." Sabi naman ni Besty.

"Wala ka bang tiwala sa amin ni JD?" Nakangusong tanong ni Kyle kay Besty.

"Kay Montes meron, sa'yo wala." Pang aasar ni Besty.

"Oh. Kaya pala kapag nakashoot si JD todo ang cheer mo." Sumilay ang kakaibang ngisi sa labi ni Kyle."JD ka pala ah." Balik na pang aasar ni Kyle.

Agad na napatingin sa akin si Besty. "Huwag mong sabihing naniniwala ka sa wirdong yan." Turo pa niya kay Kyle.

"Uy hindi ako weird." Apila ni Kyle na ikinatahimik naming lahat at hindi makapaniwalang tumigin sa kanya. "Sa pagtingin niyo sa'kin parang naniniwala kayo sa weird ako." Sabay sabay kaming tumungo. "Hindi nga ako weird!" Inis na sabi niya na inikinatawa naming lahat.

"Hindi pala talaga siya nakalaro kanina." Mahinang sambit ni Teresa.

"He wants to pero hindi siya pinayagan ni Coach, nananakit kasi ang braso at likod niya." Sandali akong natigilan sa sinabi ni Kyle.

Dahil ba sa ginawa ko sa kanya kahapon?

Napalingon ako nang maramdaman kong may kumalabit sa akin.

"Ano ba ang nangyari kahapon? Di ba sabay kayong pumunta sa Auditorium?" Dahil sa tanong ni Bay, lahat na sila ang nakatuon na ang atensyon sa akin.

"Ano.. kase.." Napakamot ako sa ulo ko habang iniisip ang dapat kong sabihin.

Lalong wala akong naisip nang makarinig kami nang pagbagsak ng tray at makita ko ang bulto ni Jeric na umalis.

"Anong nangyari doon?" Tanong ni Kyle.
 
 
 
Hanggang makarating sa auditorium, halo halo pa rin ang tumatakbo sa isip ko.

Pabagsak akong umupo sa monobloc dahil sa pagod kakautos ng event organizer na si Mrs. Rowena Santillan.

Punta dito, punta doon. Kunin mo 'to, kunin mo yan. Kung alam ganito lang pala ang magiging consequence nang pagtulong ko, hindi ko na sana sila inawat dalawa.

Nagpakawala ako ng marahas ng hininga tsaka lumingon sa stage. The stage is set pero hindi pa tapos ang pagdedesign nito. Tinuturuan doon ang mga candidates ng opening prod nila.

Nasa labing dalawa na pares doon na nagmumula sa iba't ibang school at tatlong pares naman ang nanggaling sa school namin. 

Hindi ko mapigilang matawa nang makitang nakabusangot si Violet habang nakatuon ang mata kay Bay na kahawak kamay sa kapartner nitong kaklase naming na si Donica Cerelles.

Napatingin naman ako sa lalaking kapartner ni Violet. Nakangiti itong nakahawak sa kamay ni Violet pero sa iba nakatingin. Kaya nang sundan ko kung saan siya nakatingin, napatakip ako ng bibig dahil mas lalo lumakas ang tawa ko na may halong kilig. Nakatingin ito sa nakaupo sa gilid ng stage na si Besty.

Si Violet at JD ang presentative ng section nila.

Mukhang tama nga ang hinala ni Kyle.

Natigil ang pagtawa ko nang may tumawag sa akin. Nang lingunin ko, agad akong napatayo nang makita ang nagtatangis na bagang na palapit ni Mrs. Santillan.

"Kanina pa kita hinahanap! Nakuha mo na ba ang pinapakuha ko?!"

Tumungo ako. "Opo."

"Sumunod ka sa'kin!" Tsaka agad na tinalikuran ako.

Nagpalinga linga muna ako para masiguradong walang ibang narinig sa aming dalawa bago ko siya sinundan hanggang makarating kami isang room sa loob lang din ng auditorium. Ako pa ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

Kung hindi lang ito parusa, kanina ko pa ito sinaktan. 

Pagkapasok, andoon na rin pala ang dalawang kasama ko sa parusang ito. Nakaupo sila nang komportable sa pabilog na lamesa habang parehong nakatingin sa akin.

Walo ang upuan doon habang anim ang mga nakaupo. Parehong may tig isang bakante sa tabi nina Terence at Jeric. 

Syempre kanino pa ba ako tatabi.

Akmang lalapit na ako para tumabi kay Jeric nang pinigilan ako ni Mrs. Santillan at siya ang umupo doon.

"Doon ka sa kabila." Utos nito.

Nang tingnan ko si Jeric, nakayuko lang ito na parang wala ako sa paligid niya, kaya walang buhay akong naglakad at umupo sa tabi ni Terence.

Loko yun! Walang pakialam sa'kin.
 
"Kumpleto na ba ang mga judges para sa pageant?" Pasimula ni Mrs. Santillan.

"Yes po, kompleto na ang sampung panel of judges natin." Sagot ni Jessa.

"What about our guests and performers?" Tanong ni Mrs. Santillan.

"Confirmed na po na maggeguest si Ms. Naomi de Leon sa Coronation Night." Sagot naman ni Lyndon.

Masayang nagpalakpan ang iba dahil sa nalaman, kasama ako.

Wow! May sikat na singer na maggeguest. Exciting.

Bahagya akong napatalon nang sa akin na nakabaling si Mrs. Santillan. "Ikaw?! Nakausap mo na ba yung kaklase mo na nakakanta? Yung Arlan Ramos?"

Shit!

Umiling ako. "Hindi pa--."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumayo ito at hinampas ang lamesa. Napatakip pa ako sa tainga ko sa lakas mg ingay nadulot noon.

"Bakit hindi pa?!" Sigaw nito.

"Wala kasi siya kanina--."

"Eh di gumawa ka nang paraan!"

"Kukunin ko po ang number niya bukas."

"Dapat lang!"

"Sige po--."

"Don't." Sabay sabay kaming napalingon sa tumutol sa pagsasalita ko. Nakatayo na Jeric na may madilim ang mukha ang nakita ko.

"Why?" Mahinang tanong ni Mrs. Santillan.

Palihim ako nagtaas ng kilay. Kapag ako ang kausap niya parang galit nagalit samantalang pag iba na, iba na rin ang pakitungo niya. 

Napansin ko ring puro ako lang ang nagdudusa sa parusang ito samantalang tatlo kami dito. Mula nang sumating kami rito, hindi ko nakitang may pinagawa si Mrs. Santillan kina Jeric at Terence, panay buntot lang ang dalawa sa kanya.
 
Hindi pinansin ni Jeric ang tanong sa kanya, sa halip sa akin nakatingin. "Wala kang kukunin na number." Tsaka niya nilingon si Mrs. Santillan. "Ako na ang kakausap kay Ramos, tutal kaklase ko naman din siya." Sagot ni Jeric at umupo.

"Kung yan ang gusto mo." Nakangiting sambit ni Mrs. Santillan at muling lumingon sa akin. "Ikaw! Pasalamat ka at may iba nang gagawa ng inuutos ko sa'yo." Nakataas na kilay na sambit sa'kin. "Yun lang, pwede na kayong umuwi."

Agad akong tumayo at lumapit kay Jeric. "Salamat nga pala. Hayaan mo, ako na ang kakausap kay Ram--."

"Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko, ako na." Nakanguso kong sinundan nang tingin ang bulto niyang palabas ng kwarto.

Ano bang problema niya?

Pabagsak ang muling umupo at bumuntong hininga.

Habang isa isa na silang umaalis, yumuko ako para ipatong ang ulo ko sa lamesa.

Galit ba siya sa'kin?

Wala naman akong ginagawa.

Naguguluhan na ako sa kanya.

Nang iangat ko ang ulo ko, laking gulat ko nang makita ko sa harapan ko si Terence. Kami nalang dalawa dito sa kwarto at nakatitig lang ito sa'kin habang nakapatong ang baba sa palad niya at nakangiti, para siyang siya siya sa nakikita niya.
 
"May problema ba kayo?" Tanong nito.

"Nino?"

"Ni Kris."

"W-Wala?" Utal kong sagot.

"Bakit patanong? You're not sure about it?" Nakangising tanong nito.
 
"Wala nga." Inis ko sagot.

Tumawa lang siya at kinuha ang bag niya at akmang tatayo.

"Hindi ka daw nakalaro kanina?"

Alam kong nagulat siya sa tanong ko dahil hindi siya nakasagot agad.

Muli niyang binaba ang bag sa lamesa.

"Your fault." Sisi pa niya at may kinuha sa bag, isang pack ng salompas.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko.

Nginitian niya lang ako at bigla hinubad ang tshirt na suot.

Sa gulat ko, napatakip ako ng mata gamit ang libro na hawak ko at pinagsisigawan siya.

"Anong ginagawa mo?! Magbihis ka ngang hinayupak ka kung hindi tatamaan ka---."

"Paano ko mailalagay ng maayos ito kung nakadamit ako?" Natatawang sabi niya.

"Bakit kasi naghuhubad ka nang walang pasabi?" Inis kong tanong.

"Why? Maganda naman ang katawan ko kaya maipagmamalaki ko 'to sa'yo."

"Kapag hindi ka tumigil, ibabato ko sa'yo 'tong book ko. Tingnan mo lang." Banta ko sa kanya.

Narinig ko pang tumawa siya nang malakas. "Sige na. Alisin mo na yang nakatakip sa mata mo. Natago na ang katawan ko." Narinig ko ang pigil na tawa niya.

Dahil sa sinabi niya, dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa mata ko at nang tingnan ko siya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na tumama sa kanya ang libro na hawak ko.

"Ano ba?! Masakit yun ah!" Sigaw niya habang sapo ang noo niya.

"Kasalanan mo naman. Ang sabi mo nakatago na ang katawan mo. Hindi tinakpan lang ng bag mo!"

Agad akong lumapit sa kinaroonan ng libro na hinagis ko para kunin iyon. Mahalaga pa rin sa'kin yun.

Sa sahig, sa may likod niya ko natagpuan ang libro ko. Matapos ko pulutin iyon, hindi sinasadyang mapadaan ang mata ko sa kanya.

Nakita ko ang pasa at maga sa ilang parte ng katawan niya. Pilit pa niya inaabot ang likod, braso at balikat niya para malagyan ng salompas.

Ito ang naging resulta nang ginawa ko sa kanya kahapon. Hindi pa nga todo yun pero ang lala na nang natamo niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

Heartless man nila akong tawagin pero may konsensya ako.

"Akin na." Natigilan siya nang kunin ko ang pack ng salompas at ako na ang naglagay noon.

Hindi ko siya pinagsalita hanggang matapos kami. Ako na rin ang nagsuot sa kanya ng tshirt niya dahil hirap siyang isuot iyon mag isa.

Laking gulat na lang namin nang makarinig kami ng isang malakas na kalabog ng pagsara nang pinto.

Mabilis kong kinuha ang bag at libro ko at hindi na nagpaalam kay Terence. Paglabas ko, wala na akong naabutang ibang tao doon.

"Sino kaya yun?"
     
     
    

JERIC'S POV

    

"Oppa? What is it?" Napalingon ako kay Angela na mag iisang oras na nakahiga sa kama ko pero ngayon lang nagtanong.

Tumambay siya dito nang malaman na nag inom si Dad sa office niya.

"I've been seeing you being mad when you come home these past few days?" Tanong niya muli.

"I'm just tired, Princess." I smiled to hide my madness. Tinignan ko ang oras sa relos ko. "It's already 10 PM, you need to sleep. May pasok ka pa bukasI'll bring you to your room."

Akmang lalapitan ko siya nang agad siyang bumangon sa kama at tumakbo sa pinto. Hinawakan lang niya ang doorknob at lumingon sa akin.

"You don't have to, Oppa. I will not make any noise to disturb Daddy." 

And she smiled too, but like me, it doesn't smile either. 

Kahit na anong gawin niya, Dad always pushed her away. Yes, Dad provides her all material needs but as a Father, no. Kaya ako nagpapakatatay sa kanya.

Napag awayan na rin namin ni Dad ito pero kahit anong tanong ko kung bakit ganito ang pakitungo niya kay Angela, I always didn't get the answers I need.

I don't feel like I'm lucky because Daddy treats me better than Angela. I found it unfair like recently when Angela was in the guidance office, Dad didn't go pero noong ako ang nasa guidance pumunta siya.

"Oppa!" Dahil sa pagtawag sa'kin ni Angela, nakabalik ako sa reyalidad. 

"Why?"

"I said, goodnight. Oppa."

Imbis na sagutin siya napakunot na lang ang noo ko. 

"Why do you call me Oppa?"

"It's Yumi Unni, taught me." At binigyan niya ako ng totoong matamis na ngiti. "Goodnight, Oppa." At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

Hindi nagtagal, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa balcony at nakatingin sa reflection ng buwan sa tubig ng swimming pool. 

Panay ang pagdalaw sa isipan ko ang nasaksihan ko kanina. I wish I never came back, eh di sana hindi ko na nakita kung paano tinulungan ni Yumi si Terence sa pagbibihis. 

I was about to approach them at that time but my mind told me not to. So I stopped myself because I have no right to be angry.

Kaya kahit na gustong gusto ko na silang paghiwalay dalawa, mas pinili kong umiwas nalang tulad ng ginagawa ko mula pa kahapon. 

Pagod na pagod ang katawan at utak ko sa pag aalala kakahanap kay Yumi pero parang naging useless lang ang effort ko nang makita ko na magkasunod lang silang pumasok ni Terence ng auditorium at mukhang ilang minuto na sila rin magkasama.

That time I told myself, not to get involved more emotionally with Yumi. So I need to limit myself dahil kapag pinagpatuloy ko ito, baka hindi ko na magawa pa ang dapat kong gawin at matuon ko nalang ang pansin ko lahat sa kanya.

Dahil hindi ko pa alam kung ano nga ang nararamdaman ko, pero isa lang ang nasisiguro ko, mahalaga na siya sa'kin and I will protect her sa pamamagitan nang hindi pagsali pa sa kanya sa magulo kong buhay at alam ko rin namang ayaw din naman ni Yumi na sumali sa buhay ko.

I have sets of priorities that I need to finish first before to be intimate with someone.

Tinanggal ko ang kwentas na lagi kong suot kahit saan pa man ako mapunta at tinapat ang nakasabit na singsing doon sa bilog na buwan. 


"Kumusta ka na? Ayos ka lang ba? Huwag kang mag alala hindi ko inaalis ang singsing mo sa katawan ko. Takot ko lang baka multuhin mo pa ako." Pilit akong tumawa at pinakititigan ang singsing. It's a Heart Shape Diamond Butterfly Vintage Ring. 


"Hindi ko hahayaang may madamay pa na iba na importante sa'kin. Poprotektahan ko sila dahil yun ang hindi ko nagawa sa'yo." Inilapat ko ang labi ko sa singsing at binulingan ito. "I'll give you the justice you deserve, Riri."

    
   


    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro