~*Chapter 24: Selos*~
~*Chapter 24: Selos*~
Yumi's POV
"Nasasanay ka na atang hilain ako lagi ah." Puna ko na nakapagpatigil sa paglalakad ni Jeric.
Mabilis kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawakniya. Matalim ko siyang tinignan habang minamasahe ang kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya kanina.
Sandali siyang nag isip bago tingnan ako at nagmamalaking sumagot. "Nagpapahila ka naman."
Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Now I realized that what he said was right. Nagpapahila naman talaga ako. Feeling defeated.
Nang tingnan ko siya hindi na siya sa akin nakatuon. Nakakunot ang noo niya at matalim nakatingin kung saan. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ng paningin ko ang paparating na sina Terence at JD na nakabihis butlers na rin. Parehong bagay sa kanila ang mga suot.
Kumakaway pa sila sa mga nadadaanan na mas lalong nagpapalakas ng tilian ng mga babae. Parehong bagay sa kanila ang mga suot kaya hindi nakakapagtaka ang paghangang natatanggap mula sa paligid hanggang sa nagtagpo ang mata namin ni Terence. Sumilay ang matamis na ngiti mula sa labi nito. Kahit hindi sinasadya, siguradong magkakasalubong kami dahil dito kami nakatigil sa bukana ng entrance ng FrankBell Food Hub, pero bago pa man sila tuluyang makalapit sa kinaroroonan namin, may humawak na sa kamay ko at hinila tuluyang makalabas ng pituan ng entrance dahil isa isa na palang lalabas ang mga kasama namin dahil mag o opening ceremony.
Nasa unahan lang sina Besty at ang iba pa naming kasama samantalang nasa likuran kami ni Jeric dahil doon niya ako dinala. Nawala na ang atensyon ko kay Jeric at natuon sa mga speech nila Pres. Honey at Pres. Reynel hanggang sa nagribbon cutting na sinyales na open na ang FrankBell Food Hub.
Nauna ng nagsipasok sa loob ang ibang Franklins at Grahambells para iready ang kani-kanilang mga ibebenta ang iba naman ay naiwan dito sa labas tulad Kyle, Bay at iba pang inatasan ng mga Presidente ng dalawang seksyon para isaayos ang napakahabang pila ng customers na gustong pumasok.
"Waaaahhh! Magkaholding hands ang KrisYu!"
Agad na nabaling ang mga mata ko sa aking kamay nang marinig ang sigaw mula sa nakapila.
Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko nang makompirma kong magkahawak nga kami ng kamay. Hindi niya binitawan ang kamay ko simula pa kanina?
Nang itaas ko ang tingin upang makita ang mukha ni Jeric, hindi ito nakabaling sa akin pero ang pinagtataka ko ay bakit mukhang masaya siya dahil abot hanggang tainga ang ngiti niya na kabaligtaran ng itsura kanina bago niya ako hilain.
Narinig pa ako naghiyawan at pang aasar. Mukhang nakita din ito nila Bay at Kyle dahil nang bumaling ako sa kanila, parehong may mapang asar na ngiti sa mga mukha nito. Dahil sa hiya, pilit kong inagaw ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mabilis na tumakbo papasok ng FrankBell Food Hub at lumapit kina Teresa at Besty.
"Asan na si Kris?" Tanong ni Besty.
Itinaas ko lang ang magkabilang balikat ko bilang sagot. Nagtanong din si Teresa pero hindi ko na iyon sinagot na para bang walang narinig. Mabuti't may lumapit sa store namin para bumili ng sliced cake kaya doon ko itinuon ang atensyon ko.
"Good morning, what's your order, Ma'am?" Nakangiting tanong ko.
Sandali siyang tumingin sa menu sa taas. "One slice each po of red velvet and mango graham." Sabi ng customer.
"For dine in or take out?"
"Dine in po, Princess Yumi." Nakangiting sagot nito.
"Yumi nalang. Hehe" Nahihiyang sabi ko. "118 pesos lahat." Pagkaabot niya ng bayad, binigyan ko siya ng number at agad siyang pinaupo habang inaantay ang order niya.
Pagtingin ko sa likod wala na doon sina Besty kaya ako nalang ang nagtungo sa kusina para asikasuhin ang order nang may humawi ng kurtina na naghihiwalay sa counter at kitchen.
Sandali kaming nagkatinginan pero agad kong binawi ang paningin ko at tinuon sa dapat kong gawin. Kinuha ko ang order na cake ng customer at dinala iyon sa lamesa at kumuha ng kutsilyo para hatiin yun ng agawin sa akin ni Jeric ang kutsilyo.
"I'll do it." Sabi niya.
Hindi na ako nakipag argumento dahil alam kong mas hahaba pa ang usapan namin at ayoko noon. Ayoko siyang makausap dahil hindi ako mapakali.
"It's done." Pagkasabi niya noon, agad kong inilagay ang mga cake sa tig isang platito at akmang dadalhin sa customer nang hawakan ni Jeric ang platito.
Naramdaman ko ang pagpagdikit ng daliri niya sa daliri ko. Parang bang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko kaya't napabitaw ako sa platito mabuti nalang at hawak na niya iyon.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Tumungo lang ako. "Ako na ang maghahatid nito." Muli akong tumungo tsaka siya umalis sa harap ko.
Umupo ako at bumuga ng marahas na hangin.
"Ang lalim naman noon." Napalingon ako sa nagsalita na nakangiti sa akin.
"Tapos na kayo sa labas?" Kibit balikat ko sa sinabi niya.
"Ang sweet niyo kanina, inggit ako?" Umakto pa itong nasasaktan.
"Hindi yun sweet at hindi din yun ang sagot sa tanong ko."
Bahagya siyang tumawa."It's too early to be moody."
"Ewan ko sa'yo. Nasaan na ba kasi yung iba?" As if on cue sa pagpasok ng mga kasama namin kasama na din nila si Jeric.
"Kinausap kami ni Ma'am Ordoñez na kailangan daw na irecord lahat ng sales. It will serves as our project for her subject niya kaya dapat daw galingan natin sa--- B-Bakit ganyan ka makatingin?" Sabi ni Teresa na nakatingin kay Kyle.
Lahat kami ay nabaling ang atensyon kay Kyle. Bakas sa mukha ni ang gulat at pagkamangha.
"Si Teresa ka ba talaga?" Nagulat kami sa tanong na iyon ni Kyle maging si Teresa.
"Last time I checked, Teresa nga ang pangalan ko." Kunyari pang nag isip ni Teresa.
"Pero ang Teresa'ng kilala ko, hindi lumalampas sa lima ang sinasabi." Kamot pa niya sa ulo.
Nagkatinginan kami nila Teresa, Besty at Bay tsaka sabay sabay na tumawa.
"Anong nakakatawa? Walang nakakatawa." Seryosong sabi ni Kyle.
Napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang tawa.
Lumapit si Jeric kay Kyle at binatukan ito. "Umayos ka nga. Naaawa ako sa utak mo, kung mayroon nga ba." Ngiwi pa ni Jeric at isang iglap, parang akong naistatwa nang magkatagpo na ang mga mata namin.
Akmang lalapit siya sa akin ng may nagpatunog ng bell sa may counter. Nagmadali akong tumayo at inunahan silang nagtungo doon. Hindi namin namalayan na may pila na pala sa Cake Sarap Naman Store namin. Agad kong tinawag si Besty at Teresa para tulungan ako sa counter habang ang mga lalaki naman ang naghihiwa at nagpapakawaiter.
Lumipas ang oras na yun lang ang ginawa namin. Kaninang walang customer, sumubok na lumapit sa akin si Jeric, agad naman akong nagpapanggap na busy para hindi siya pansinin.
Hanggang sa magsara ang FrankBell Food Hub. Kami ni Bay ang naiwan dito sa store para maglinis at mag inventory habang ang iba naman ay ang nagbake sa Baking room kasama ang iba pang kailangan i-bake ang products tulad ng Cookies, Pizza, Doughnuts at Breads para sa Hambuger nila Violet.
"Tapos ka na ba diyan?" Tanong ni Bay habang nakaharap sa fridge.
"Konti na lang 'to." Sabi ko habang pinupunasan ang mga platitong ginamit kanina.
Pareho kaming nabaling nang nahawi ang kurtinang naghihiwalay sa counter at kitchen. Pumasok dito si Kyle na basang basa pa ng pawis at nakapangbasketball uniform pa.
Noong sinabi niyang nagtry-out siya sa basketball at nakapasa, nagtampo na parang bata si Jeric, baka daw maagaw ni Terence si Kyle sa kanya dahil lagi na itong magkasama pero sa huli, pumayag din ito nang nagdahilan si Kyle na ang classmate lang naming na si Aldrin na isa ring basketball player ang sasamahan niya at mag iispiya sila doon para sa susunod nilang laban.
Mabilis na lumapit sa Bay at nag abot ng bimpo kay Kyle. "Sinong nanalo?"
"Syempre kami." Pagpapalaki niya.
"Nasaan nga pala si Besty? Bakit hindi kayo magkasama?" Tanong ko.
Sabay kasi silang umalis kanina dahil required daw sa mga cheering squad na pumunta sa laban ng Basketball para sumuporta.
"Magbibihis daw siya." Sagot nito bago lumapit sa'kin at inagaw ang platitong pinupunasan ko. "Go. You must change too. I'll finish it."
"Dapat nga, ikaw ang magpalit dahil basa ka ng pawis." Akmang hahablutin ko muli ang platito nang itaas niya sa ere ito.
"Don't worry about me. Pwede naman akong magpalit dito, hindi ba, Geoff?" Sabay lingon niya kay Bay.
"Ha? Dito? Oo naman." Biglang kumislap ang mga mata nito at sumilay ang kakaibang ngiti. "Tama. Magpalit ka na, Bay Yumi. Ito na bag mo. Kami na ang bahala dito." Sabay bigay niya ng bag at pinagtulakan ako.
"Pinagtatabuyan mo ba ako?" Natatawang tanong ko.
Lumapit siya sa tainga ko at bumulong. "Oo, pinagtutulakan kita. Pagbigyan mo na ako. Minsan lang ito." At muli akong pinagtulakan.
"Oo na. Oo na. Aalis na nga po." Napipilitang sabi ko tsaka tumingin kay Kyle. "Mag ingat ka, Kyle. Bye." Kumaway nalang si Kyle kahit na nagtataka sa sinabi ko.
Nang makalabas ako ng FrankBell Food Hub, doon ko lang namalayan na gabi na pala. Hindi na ganoong kadami ang tao na siguro ay nagsiuwian na.
Habang naglalakad ako patungong banyo maramdaman kong may sumusunod sa akin. Dahil mag-aalas siyete na rin kaya medyo madilim na ang paligid.
Binilisan ko ang paglalakad ko kaya bumilis din ang paghabol nito sa akin at hindi nagtagal may humawak sa balikat ko. Gaya ng itinuro sa akin para sa self-defense, mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak niya at ako naman ang humawak sa braso niya at buong lakas na binuhat para maibalibag.
"What the fuck!" Daing ng sumusunod sa akin.
Hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil sa dilim. Pero hindi naman ito yung dilim na makakapagpaactivate ng phobia ko.
"Sino ka?" Tanong ko habang hawak pa rin ang braso niya at nakaapak ang paa ko sa dibdib niya habang nakahiga siya sa sahig.
"You're handsome future boyfriend." Natatawang sagot nito. Sa inis ko, diniinan ko ang pagkakaapak ko sa dibdib niya at hinila ang braso niya dahilan para mapadaing siya sa sakit. "Aaahhh! Aray ko! Aray! Si Terence 'to!"
Bahagya akong nagulat kaya mabilis kong binitawan ito at tinanggal ang pagkakaapak sa dibdib niya.
"Ayaw mo pang sumagot ng maayos ah. Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya.
"Will you help me first." Hindi ito tanong kundi utos.
"At bakit naman kita tutuluyan?" Mataray kong tanong.
"Then I won't tell you why I'm following you." Bumuntong hininga muna ako bago ako yumuko para tulungan itong tumayo. Tutal ako naman ang may gawa sa kanya noon.
Hinawakan ko ang kamay niya tsaka dahan dahan siyang tinayo. Ngunit noong kukunin ko na ang kamay ko ayaw niya itong bitawan. "Baka gusto mong mabali itong kamay mo." Pananakot ko sa kanya.
Agad namang niyang binitawan ang kamay ko. "Kagagaling nga lang ng sugat sa gwapo kong mukha dahil sa bugbog mo bali naman ngayon." Reklamo niya.
Mula sa liwanag ng buwan, nakita ko ang mukha niya. Wala na nga ang sugat, galos at pasa doon tulad ng kay Jeric. Parehong bumalik na ang mga gwapo nilang mukha.
"Sabi ko sa'yo eh, gwapo ako. Boyfriend material." Nang makita ko ang ngiti na sumilay sa mukha niya doon ako natauhan.
"Now, speak." Kibit balikat ko.
Nawala ang ngiti sa labi niya siguro dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Nakasalubong ko ang isa sa mga staff sa pageant. Kailangan daw tayo ng Event Organizer, remember the punishment."
"Saan daw?"
"Auditorium."
"Yun lang ba?"
Tumungo siya.
"Yun lang pala, may pastalker effect ka pa, yan tuloy nasaktan ka." Sabi ko at tinignan ang siya. Mukhang nakapagpalit na siya dahil hindi na ito nakapang Basketball. "Sige, pakisabi magpapalit lang ako."
"You should be. Kaysa ganyan ang suot mo. Kung hindi lang madilim kanina baka may nakita na ako na dapat hindi ko makita." Seryosong sabi niya.
Napakurap kurap ako sa sinabi niya at napaisip.
Wrong move nga ang pag apak ko sa kanya kanina dahil kung maliwanag lang, siguradong nakitaan niya ako dahil nakahiga siya.
"O-okay." Medyo utal kong sabi at hindi ko na siya hinintay pa na sumagot.
Dali dali akong nagtungo sa banyo at nakita ko sa salamin ang namumula kong mukha dahil sa hiya. Binasa ko ang mukha ko para mawala ang pamumula noon at agad na pumasok sa cubicle at nagpalit.
Nang malapit na ako sa lugar kung nasaan ako kanina, gulat ako nang makita ko na naandoon pa rin si Terence at nakaupo sa malapit na bench habang ineexercise ang braso. Bakas sa mukha nito ang sakit tuwing ikiikot niya ito sa ere.
Napalakas na naman ang pagbabalibag ko sa kanya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nang mapansin niya ako agad siyang tumigil sa ginagawa niya at agad na tumayo.
"Bakit andito ka pa?" Tanong ko.
"Inaantay ka." Sagot niya.
Sandali akong natahimik at nag analyse.
Matagal na itong nagbabalak manligaw pero ayoko. May gusto daw siya sa'kin kahit wala namang kagusto-gusto sa'kin maliban lang sa itsura ko. Kaya hindi ko alam kung sincere ba siya dahil kilala ko siyang pinangdidisplay lang ang mga nagiging girlfriend tulad nalang ni Tori.
"Tara na nga." Pukaw niya sa atensyon ko. "Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako sinasagot."
Hindi pa rin ako sumagot at basta lang akong naglakad. Agad namang siyang humabol at tahimik na sumabay sa paglalakad pagpatungong Auditorium, kung saan gaganapin ang pageant sa friday.
Sa pagbukas ni Terence ng pinto ng auditorium, biglang tumunog ang cellphone niya kaya nauna na akong pumasok at naiwan siya sa labas. Dinig na dinig ang ingay sa loob ng mga tao. Pinagmasdan ko ang abalang mga staffs sa pagseset up ng stage habang ang mga candidates naman ay tinuturuan ng tamang pagrumpa ng isang bakla.
"Besty!" Nabaling ang tingin ko sa narinig kong tumawag sa akin.
Patakbong lumapit sa akin si Besty pero bago pa man siya makalapit isa pang sigaw ang narinig namin.
"Terence!" Napalingon ako sa likod. Andoon na nga si Terence at mukhang tapos na niya kausapin ang tumawag sa kanya.
Pagharap ko, andoon na si Besty at maging si JD na siyang tumawag kay Terence kanina. Parehong nakakunot ang mukha nila habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Terence. Pero hindi lang pala sila ang may ganoong reaksyon dahil ang kaninang maingay na auditorium, ngayon ay nabalot ng katahimikan at ang atensyon ng lahat ay nasa amin ng dalawa ni Terence.
"What's with the look on their faces?" Pagtataka ni Terence.
Itinaas ko lang dalawang balikat ko bilang sagot sa tanong niya kaya kay JD siya bumaling.
"Magkasama ba kayong dalawa?" Bungad ni JD.
Tinignan muna ako ni Terence bago siya mahinang tumawa. "Is that the reason why ganyang ang mga mukha niyo? Dahil magkasama kaming dalawa?" Sabay na tumungo ang dalawang nasa harapan namin na ikinatawa na naman ni Terence.
Kung si Terence natutuwa pwes ako hindi.
Agad kong ilapitan si Besty at inaya na siyang umalis. Tinawag pa ako ni Terence pero hindi ko na siya pinansin. Dahil sa ginawa kong paglayo, agad agad ding bumalik sa kani-kanilang gawain ang mga tao at napuno muli ng ingay ang auditorium.
Ganoon ba ka-big deal na magkasama kami ni Terence? Lahat ng atensyon nakuha namin kanina.
"Bakit kayo magkasama?" Napatigil ako sa paglalakad at bumaling kay Besty. Puna ng pagtataka ang mukhang pinapakita niya sa akin.
Huminga muna ako ng malamin bago siya sinagot. "Nagkita lang kami noong papunta akong cr. Sabi niya pinapapunta kami ng event organizer dito."
"Bakit magkasabay pa kayong pumunta dito?"
"Pinauna ko siya, kaso hinintay niya pala ako, pero iniwan ko siya. Siya naman ang sumabay sa'kin. Hinayaan ko nalang, tutal pareho naman ang pupuntahan namin." Paliwanag ko.
"Mabuti naman hindi siya nakatikim ng sakit ng katawan galing sa'yo." Bahagya akong natawa at napansin niya yun. "So mali ako, nakatikim nga siya." Nakapameywang pa niya.
"Kasalanan naman niya, may pasunod-sunod pa kasi siyang nalalaman, akala mo stalker, may sasabihin lang pala."
Humugis ang bibig niya ng 'O' tsaka ngumiti. "That's good to hear, ayoko pa naman sa YuRence."
"Anong YuRence?" Pagtataka ko.
"Love team niyo ni Terence. Hindi mo ba alam? Yumi + Terence = YuRence. May page na kayang ganoon sa FB at nasa hundreds na rin ang likes noon sa FB." Bahagya pang tumaas ang kilay niya at umirap. "Taga angry reaction ako doon kasi Team KrisYu ako eh."
Napabuga nalang ako ng hangin tsaka napailing. Ang dami talagang alam ng mga tao ngayon.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla akong kinabahan. Parang may nag uudyok sa akin na tumingin sa stage at yun nga ang ginawa ko na sana ay hindi nalang.
Parang tumaas ang lahat ng mga balahibo ko nang makita ko ang isang lalaking titig na titig sa akin. Pinagpapawisan at magkasalubong ang kilay nito habang mahigpit na nakahawak sa bakal na ginagamit para sa stage.
Sandali pa kaming nagkatitigan nang siya na mismo ang pumutol noon at naglakad palayo.
"Kanina ka pa niyan hinahanap niyan." Bulong ni Besty habang nakatingin din sa paalis na bulto ni Jeric.
"Hinahanap? Inisnob nga lang ako." Ngiwi ko pa.
"Hayaan mo siya, nagseselos sa yan." Natatawang bulong sa akin ni Besty tsaka ako dinala sa event organizer.
Selos?
Bakit naman magseselos si Jeric?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro