Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 23: Akbay*~

~*Chapter 23: Akbay*~



Jeric's POV



Dahan dahan akong umupo sa sofa ng living room pagdating ko ng bahay. Every time I move, ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko dahil sa nangyari kanina. Siguradong bugbog ang katawan ko sa pagbalibag sa akin ni Yumi. Pero imbis na magalit tulad ng lagi kong nararamdam sa nakasakit sa akin ay natuwa pa ako. Nakonsensya siya kaya siya na ang naglinis ng sugat ko.

Siya na naman ang nasa isip ko. I need to stop this. Kailangan kong pigilan ito bago pa mas lumalim dahil walang patutunguhan ang nararamdam ko dahil mapapahamak lang siya pagnagkataon. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

Napatingin ako sa nakabukas na TV in front of me. Who the hell opened the TV? Umuwi akong nakabukas na ito. I tsk and about to change the channel when someone grab the remote from my hand.

"Oops. No changing channel. I'm watching it." Tsaka siya tumabi sa akin habang may bitbit na isang plato ng French fries.

"What are you doing here?" Gulat kong tanong kay Best friend.

"I told you already, I'm watching." At sumubo siya ng French fries.

"Last time I checked, you have three TVs inside your room. First, in front of your king-sized bed. Second, in your music room and the last one is in the bathroom. Now tell me why you're here."

Pasimple siyang bumuntong hininga tsaka bumaling sa akin. "I've waited for you in the parking lot until 5:30 but still no signs from you. Your car is still there, so I assumed you're still inside the campus until I left because I received a text from Dad that he has a surprise for me and Vi." Narinig pilit na tawa mula sa kanya. "I did surprise. My motherfucking mother is at home with her new boyfriend who's half her age." At dumampot siya ng french fries at muling tumutok sa pinapanood niya.

Kaya naman pala siya andito. "Okay, I'll let you stay here until that mother of yours left." Tinapik ko pa ang balikat at sinuklian niya ako ng mapait na ngiti.

This is one of the reason why we're friend. We both hate the woman who should be the protector of the family. Parehong nagloko ang mga Mom namin and did not even think about their children who will be hurt the most. But unlike me, Kyle's mother is still alive and he didn't think it's a good thing.

"Sinong nga palang nanggamot sa'yo?" Pukaw na tanong niya pero hindi ko siya sinagot.

Ang observant talaga ng mokong na 'to. Tutok siya sa pagkain at panunuod pero napansin pa rin niya ang mga sugat ko.

"Look at the female lead. She is definitely born for action movies. She moved fast and have the skills." Alam niya na hindi ko siya sasagutin kaya siya na mismo ang nagbago ng topic.

Nalipat ang atensyon ko sa pinapanood niyang movie na Mr. and Mrs. Smith. "What's with Angelina Jolie?"

"Nothing. It's just, you know, she's like Yumi." Namilog ang mga mata kong napalingon sa kanya. "They both pretty, sexy and dangerous." I saw a spark in his eyes while saying that.

"Kyle." Medyo may babala kong pagtawag sa kanya kaya nakuha ko ang atensyon niya.

"What? She's not your girlfriend anyway, right?" Natatawang tanong niya.

"But still. Don't."

Simula ng sinabi ko sa kanyang hindi ko talaga girlfriend si Yumi, lagi nalang niyang binabanggit ito sa mga usapan namin. He's happy and it's obvious that he likes her at hindi ko gusto yun but I don't have the right because I'm not his real boyfriend.

Akmang tatayo ako para iwan siya doon nang bigla niya akong hinawakan at hinala muli paupo.

"Ahh. Sh*t." Daing ko sa sakit na nararamdaman ko.

Natawa lang si Kyle. "Sorry, Best friend."

"Bakit ba kasi?" Iritado kong tanong sa kanya habang iniinda pa rin ang sakit ng katawan ko.

"I just want to know how bad you've got and now I know." At tumawa na naman. Babatukan ko sana siya nang pigilan niya at muling magsalita. "It's been years since I saw you defeated in a physical fight. You are the strongest person I know on the battlefield but earlier, natameme ka."

I remained silent at pinilit na maging emotionless ang mukha ko dahil alam kong inoobserhan din niya ang reaksyon ko.

"I'm really find her interesting, lalo na ngayong napabagsak ka niya at hindi ka gumanti. It's not you, Kris." Nakangiti siya pero alam kong may nakatago sa likod ng mga ngiti niya.

"I'm in a state of shock at that time. Kay Olivarez lang kasi nakatuon ang atensyon ko at isa pa, babae si Yumi, why would I hurt a girl?" Palusot ko.

To be honest, mas malakas pa sumuntok at sumipa si Yumi kaysa sa Terence na yun.

"Why not? Kung alam mo namang kaya kang saktan. That's what you said, remember."

He's right. Lintik lang ang walang ganti. That's one of my mottos but I want Yumi to be excluded. I can't hurt her back.

"You know what, when I look at you, naaalala ko kung bakit heartless ang nickname ni Yumi." Pang aasar niya.

"Did you say Ate Yumi?" Pareho kaming napalingon sa likuran ni Kyle. Nakatayo doon si Angela habang nasa likod naman niya si Ms. Isza na anak ni Mr. Eddie at Mrs. Julie.

"Hi there, Beautiful. Come here." Masayang tumabi ang kapatid ko kay Kyle. "Did your big brother always talking about Yumi?"

"Yes, Kuya Handsome. Big brother told me that Ate Yumi is his girlfriend. I even met her in person with her handsome but Mr. Sungit younger brother." Kwento ni Angela.

"I thought I am the only one handsome here." Kunyaring pagtatampo ni Kyle.

"You're handsome, Kuya Handsome but his handsome too."

"You said you like me because I'm handsome, so do you like him too?" Tanong ni Kyle.

"Yeah, but big brother said he's off-limits because he's ate Yumi's brother." Sagot ni Angela.

"What's with that?" Napatingin sa akin si Best friend na parang may inaantay na sagot mula sa akin at hindi kay Angela.

"Okay, that's enough." Sabi ko tsaka lumingon kay Ms. Isza. "Pakisamahan na po si Angela sa room niya." Tumungo siya.

Akmang aalis ako nang maringi ko si Best friend na magsalita. "Saan ako matutulog?"

"Oo nga pala. Ms. Isza." Tawag ko.

"Yes."

"Please tell the other maids prepare the dirtiest and smallest guest room we had here the mansion. Para may matulog ang palaboy na yan." Turo ko pa kay Best friend tsaka tuluyan ng naglakad papuntang kwarto.

Naririnig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kyle pero hindi ko na siya pinansin pa.

That's what you get for annoying me.




Yumi's POV



It's Monday, first day of the Annual Inter High sa Oxford High. Alas singko palang ng umaga andito na kami sa school at nag aasikaso na ng mga lulutuin at ibebenta ang mga babae habang naglalagay ng mantel sa bawat table ang mga lalaki. Pinagtabi-tabing mga tents ang gamit namin, pero kahit ganoon hindi kita ang itsura nito sa loob mula sa labas dahil may nakatakip na tela para maging exclusive for customers lang. May electric fan din every tent para hindi mainit sa loob. May mga design na mga balloons, flowers and heart shapes dito.

One tent, one store na nakabase sa mga binibentang pagkain. One group, one food din at ang naassign sa grupo namin ay cake na siyang kami din mismo ang nagbake. Mabuti nalang last year, baking ang pinag aralan namin sa TLE kaya hindi na kami nahirapan.

"Yung mga wala ng ginagawa diyan magpalit na ng damit. Isang oras nalang mag oopen na tayo." Anunsyo ni Pres. Honeylet.

Isa- isa ng umalis ang mga kasama namin na wala ng ginagawa para magpalit sa pinakamalapit na CR. Nanatili pa kami nila Besty at Teresa dahil may mga inaayos pa kami.

Hindi nagtagal, nagsibalik na sila at nakapagpalit na. Ang cute naman pala ng damit.

Kulay black and white na pang maid ang suot ng mga babae at black and white rin na pang butler ang sa lalaki. Para tuloy kaming nagcocosplay.

Hanga na talaga ako kay Teresa dahil siya ang nagdesign ng mga suot namin at wala kaming binayaran dahil pa fund ito ni Dad.

"Tara na. Palit na din tayo." Aya ni Besty at dahil tapos na rin ang ginagawa namin ay pumunta na rin kaming CR kasama si Teresa.

Pagdating namin doon, walang tao kaya agad kaming pumasok sa isang cubicle na magkakasama para magtulong tulong sa pagpabibihis. Ayaw pa sana ni Teresa pero hinala na namin siya pareho ni Besty kaya wala na siyang nagawa.

Habang nasa loob ng cubicle at nagpapalit nakarinig kami ng pagbukas ng pinto at pumasok dito ang mga babaeng naghahagikgikan.

"OMG! Ano kayang itsura ni Prince Jeric? For sure, super gwapo niya. Kyahh." Sabi ng isang may matinis ang boses.

Nagkatinginan kaming tatlo sa narinig namin. Kaya sinenyasan ko sila na huwag mag ingay.

"Tama. Pati rin si Prince Kyle. Imbis na butler look mas magmumukha pa siyang Prince." Sabi ng isang may normal na boses.

"Si Prince Terence at Prince JD din. Grabe makalaglag panty. Bibili ako ng iba't ibang flavor ng french fries sa kanila para mapansin nila ako." Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Besty dahil sa sinabi ng may matinis na boses habang si Teresa poker face lang kahit na yung kakambal niya ang pinagnanasaan.

"Bahala kayong dalawa diyan. Basta akin lang si Prince Jeric at Prince Geoffrey. Magpapapicture ako ma---." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng pare pareho kaming nakarinig ng padabog na pagsara ng pinto ng cubicle. Napatili pa ang mga babaeng nag uusap sa gulat.

"Who told you na sayo ang sila?" Muli kaming nagkatinginan tatlo sa marinig naming pamilyar na boses nagsalita sa labas ng cubicle.

"Oh andito pala ang half sister ni Prince Kyle. Hi Violet." May pang aasar sa tono ng boses niya.

"Yeah. It's me." Matapang na sagot niya.

"So matapang ka na dahil kapatid mo si Prince Kyle. It doesn't change the fact na nilalandi mo sina Prince Jeric at Prince Geoffrey." Nakarinig pa kami ng kaunting kalabog.

"Why did you pushed me?" Inis na tanong ni Violet.

"May angal ka?" Matapang na sagot nito.

"Yes, aangal ako."

"Aangal ka pala ah."

Doon palang, alam ko na ko na ang mga pwedeng sunod na mangyayari kaya agad kong binuksan ang pinto ng cubicle. Mabuti nalang nag tapos na kaming tatlo magbihis.

Paglabas namin, doon lang namin nakilala kung sino pala ang mga kasagutan ni Violet. Ang dakilang KSP. Kita ang gulat sa mga mukha nila maliban kay Violet. Mukhang alam niyang andito kami sa loob.

"Oh the Princess is here pala. Don't worry, pinagtatanggol lang namin ang relationship mo with Prince Jeric with this flirt." Turo pa ni Shiela kay Violet.

"For your information, I am not flirt." Sabat ni Violet at susugurin sana si Shiela pero pinigilan ko siya.

"Huwag." Pigil ko kay Violet tsaka ko nilingon ang KSP. "Pwede ba tumigil tigil na kayo sa pakikialam niyo sa buhay ng ibang tao. Kaya kong ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Jeric kahit wala ang tulong niyo kaya pwede umalis na kayo bago niyo makita muli ang pagiging Heartless ko." Banta ko sa kanila.

Tinaasan lang nila ako ng kilay at walang ingay na lumabas ng cubicle. Narinig ko ang mga bumuntong hininga ng mga nasa likuran ko. Nang lingunin ko sila, pare parehong nakataas din ang mga kilay nila maliban kay Teresa.

"What?!" Tanong ko sa kanila. Inirapan lang ako ni Violet at lumabas na rin ng CR. Nang ituon ko kay Besty ang mata ko, pinagpatong niya ang dalawang braso niya at tinitigan ko. "Ano ba yun?" Iritableng tanong ko.

Nakangisi siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. "Kaya mo palang ipagpalaban ang pagmamahalan niyo ni Kris ah." Pang aasar niya.

Sandali akong natigilan at napa face palm nang mapagtanto ko ang sinabi ko.

Bakit kasi hindi ko muna inisip yung sasabihin ko.

Hindi na ako nagsalita at nagmadali nalang naglakad. Hanggang makaabot kami sa FrankBell Food Hub, ito ang ipinangalan sa project naming na ito. Panay pa rin ang pagngisi sa akin ni Besty. Mabuti nalang andoon na si Bay at nakasuot na rin ng pang butler.

"Wow! Ganda naman ng mga babaeng ito." Puna ni Bay sa amin nila Teresa at Besty nang makalapit kami.

"Ikaw din, Bay. Bagay sa'yo yang suot mo. Gwapo." Paghanga ni Besty pero imbis na matuwa lumungkot ang mukha ni Bay at napatingin kay Teresa.

"B-Bakit g-ganyan k-ka m-makatingin?" Utal na tanong ni Teresa habang nakahawak sa katawan na parang tinatago iyon. "M-May p-problema b-ba s-sa s-suot k-ko?"

Natawa ako nang biglang bumalik sa isip ko ang first meeting namin ni Bay dahil sa parang iniscan nito ang si Teresa kung paano niya ito tingnan.

"Walang problema sa suot mo, ang ganda nga eh pero sa suot ko meron." Inis na sabi ni Bay. Akala mo bata na nagmamaktol.

"Bakit pangit ba ng design ko? Sabi ko na kasi sa inyo hindi talaga ako magaling sa mga bagay bagay. Pinilit niyo pa kasi ang pangit tuloy ng suot nating lahat dahil sa akin." Nagulat kaming tatlo nang bigla nalang may tumulo na luha mula sa mata nitong natatakpan ng makapal na salamin.

Nagpapanic kaming lumapit ni Besty kay Teresa para dalhin sa likod ng mga FrankBell Food Hub at para doon ito patahanin dahil walang tao doon.

Nakaupo kaming tatlo sa bermuda grass. "Shh. Shh. Huwag kang nang umiyak." Sabay tanggal ko ng salamin niya at pinunasan ang luha mula sa mata niya.

"Huwag kang maniwala kay Bay. Nagbibiro lang iyon. Nagustuhan talaga niya ang design mo." Sabi ni Besty habang hinahagod ang likod ni Teresa.

"Hindi. Sabi niya may problema daw sa suot niya. Pangit kasi talaga lagi ang gawa ko." May hingal pa ang bawat bigkas niya noon dahil sa pag iyak.

"Hindi naman iyon ang ibig sabihin ni Bay. Namisunderstood mo lang." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Paanong namisunderstood?" Parang batang nagtatanong sa amin ni Besty sa itsura ngayon ni Teresa.

Nagkatinginan kami ni Besty. Hindi alam kung paano sasabihin ang totoong dahilan kung bakit hindi nasabi ni Bay.

"Kasi mas gusto ko ang suot niyo." Sabay sabay kaming napalingon sa likod kung saan nagmumula ang boses. Andoon si Bay na naiwan naiwan naming kanina.

"Anong ibig mong sabihin, bakla ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Teresa kay Bay.

Malakas na natawa si Bay bago tumungo. "Mabuti ka pa nagets mo agad, ito kasing si Bay Yumi, ang slow, tinawag pa akong Pervert, Manyak, Hentai."

Natawa rin kami ni Besty dahil sa sinabi ni Bay.

"Pero girlfriend mo si Del Rosario, hindi ba?" Nagtataka pa ring tanong ni Teresa.

"Tutal friends naman tayo kaya sasabihin ko sa'yo ang totoo." Sabi ni Bay tsaka umupo sa harap naming.

Nang matapos sabihin ni Bay ang totoo, gulat kami nang muling may tumulong luha sa mata ni Teresa.

"Bakit umiiyak ka na naman?" Tanong ni Bay habang hindi mapakali sa pagpapatahan kay Teresa.

"Tears of joy 'to kasi ngayon ko lang may nakaappreciate ng ginawa ko. Akala ko kasi pangit na naman ng ginawa ko." Umiiyak pa rin na sabi ni Teresa.

Pare pareho kaming nakahingi ng maluwag sa sinabi ni Teresa.

"Ano ka ba? May talent ka, pwedeng pwedeng kang maging fashion designer. Ang ganda kaya ng pagkakadesign mo ng mga damit." Sabi ni Besty sabay ikot para ipakita ang suot na damit.

Napatungo tungo ako at hinawi ang luhang tumulo sa mga mata ni Teresa. "Tama ang sinabi ni Besty. Andito lang kami para suportahan ka, kami ang unang fan mo."

Nakita kong umaliwalas ang mukha ni Teresa dahil sa mga sinabi namin. Masyadong mabababa ang self-esteem niya kaya andito kami para tulungan siyang pataasin iyon.

"So tara na Ms. Future Fashion Designer. Marami pang magpapaautograph sa'yo." Tatawang sabi ni Bay at tumayo.

Inilahad niya ang kamay sa amin para tulungan kaming makatayo. At nang ako na ang tutulungan niya. Pinasadahan ko muna siya ng tingin mula paa hanggang ulo tsaka tinanggap ang kamay niya.

"Grabe. Kung hindi ko alam na beki ka, baka niligawan na kita. Ang gwapo mo." Biro ko sa kanya.

Mahina niya akong kinutusan tsaka inakbayan. "Mas mabuti ng ganito ako atleast hindi mo ako mabubugbog. Heartless ka pa naman sa mga lalaki." Bulong niya sabay pingot pa ng ilong ko.

Natatigil kami sa paghaharutan nang mapansin naming nakatayo lang si Teresa habang nakayuko kaya tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Bay at lumapit kay Teresa.

"May problema pa ba, Teresa?" Tanong ko.

Umiling ito at pinunasan ang luha mula sa mata niya.

"Bakit umiiyak ka naman?" Tanong ko.

"Thank you for being friends with someone like me." Yun lang ang sinabi niya tsaka niyakap ako. "Ang sarap pala sa pakiramdam na may kaibigan."

"We are proud to be your friend." Niyakap ko rin siya.

"And sorry." Bulong niya naikinagulat ko.

"For what?" 

"Just accept my apologies." 

Kahit nagtataka at naguguluhan, tinanggap ko ang apology niya. 

Hindi ko akalaing magiging kaibigan ko si Teresa pero ngayon nagpapasalamat ako kay Sir Avanzado dahil ang subject niya ang naging dahilan kung bakit namin nakilala si Teresa at ngayon ay kaibigan na.

Nang maghiwalay kami ni Teresa bigla nalang may pumatong na braso sa balikat ko.

"Male-late na tayo sa appointment natin." Sabi ni Bay na nakaakbay sa amin ni Teresa at ginayak papuntang FrankBell Food Hub habang si Besty naman ay nasa unahan namin.

Hanggang makapasok kami sa loob at dumeretso sa store namin na pinangalanang Cake sarap naman (Kay sarap naman). Hindi naming alam kung saan niya kinuha ang yun dahil parang hindi naman napag isipan pero hindi na rin naming pinalitan dahil nagmaktol ito noong pinapabago ni Jeric.

Umupo kami sa pinakamalapit na upuan sa store naming habang inaantay ang mag alas siyete para sa opening ng FrankBell Food Hub. Nasa tabi ko pa rin si Bay habang masaya pa rin kaming apat na nagkukwentuhan.

Masaya akong makitang hindi nalang basta tagakinig si Teresa kundi pati siya ang nagsasalita na rin.

"Alam niyo ba kung bakit ako naiwan kanina noong pumunta kayo sa likod?" Seryosong tanong ni Bay.

"Nagulat ka kasi nakita mong umiiyak si Teresa." Natatawang sagot ni Besty.

"Hindi, mas nagulat ako dahil yun ang pinakamahabang sinabi ni Teresa mula nang makilala ko siya. Bakit pangit ba ng design ko? Sabi ko na kasi sa inyo hindi talaga ako magaling sa mga bagay bagay. Pinilit niyo pa kasi ang pangit tuloy ng suot nating lahat dahil sa akin." Pare pareho kaming natawa sa panggagaya ni Bay sa sinabi Teresa.

"Nakabisado mo?" Natatawang tanong ni Teresa.

"Syempre ako pa."

Ilang sandali lang, nakarinig kami ng hiyawan na nagmumula sa labas. Nang lingunin namin ang entrance ng store, nakita namin ang pagpasok nina Kyle at Jeric na pareho ng nakasuot na ng butler costume. Tama nga ang sinabi kanina ng KSP, nagmukha silang mga prinsipe sa butler costume. Sobrang gwapo nila lalo na Niya.

Parang unti-unting tumitigil ang paligid ko sa bawat paghakbang niya palapit sa'kin. Nakasimangot ang mukha niya pero bakit ang pogi pa rin niya sa paningin ko.

Nababaliw na ba ako?

Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong ang sapilitang pag alis sa braso na nakapatong sa braso ko.

"Walang akbayan kung ayaw mong mapalian." Banta ni Jeric kay Bay bago niya kunin ang kamay ko at hinila patayo at palayo kay Bay.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro