~*Chapter 22: Manhid*~
~*Chapter 22: Manhid*~
~*Yumi POV*~
Nilalamon ako ng kaba habang nakaupo sa pagitan ni Jeric at Terence dito sa Guidance Office, hinihintay ang kaniya kaniya naming mga guardians.
"Kasalanan niyo 'to." Hindi ko mapigilang sisihin sila sa nangyare dahil umawat lang naman ako.
Bago ako pumunta dito, inihatid muna namin si Besty at Violet sa clinic dahil parehong may mga galos sila sa nangyare kanina.
Naagaw ang atensyon ko sa pagbukas ng pinto. Niluwa nito ang isang magandang babae na may sopistikadang itsura na parang kaedad ni Mama at isang pamilyar na mukha ng lalaki na may matipunong mangangatawan.
"Mom. Dad." Agad din ang pagtayo ng katabi kong si Terence at lumapit sa mga iyon.
"Mayor Olivarez, it is nice to see you again." Bati ni Mrs. Francisco na Guidance Counselor ng MOU-High School Campus.
Nagkamayan sila. "Yeah me too but not in this situation." Kahit nakangiti ito kita ko ang sama ng tingin niya sa anak.
Kaya pala pamilyar ang mukha dahil siya yung Mayor namin.
Pumasok sila sa kwarto kung saan nakalagay ang table ng Guidance Counselor kaya dalawa nalang kaming naiwan ni Jeric para hintayin ang guardians namin. Sana hindi sila pumunta. Lagot ako.
Hindi nagtagal at bumukas na naman ang pinto at pumasok dito si Dad na deretso ang tingin sa katabi ko. Agad na nalipat ang tingin ko kay Jeric na may gulat sa kanyang mga mata. Parang hindi inaasahan ang pagpunta ng Daddy niya.
Nanlilisik ang mata nitong lumapit sa kinaroroonan namin. Nang tumayo si Jeric ay parang wala ako sa sariling sumunod sa pagtayo at agad na kinuha ang kamay ng Daddy niya para magmano. Nakita ko ang gulat sa kanilang mag-ama dahil sa ginawa ko.
"H-Haha. S-Sorry p-po, D-Dad." Dahan dahan kong binaba ang kamay niya dahil sa hiya. Lamunin na sana ako ng lupa.
"Sinong tinatawag mong Dad?!" Lumaki agad ang mga mata ko sa boses na narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali.
Mabilis itong lumapit sa akin at kasunod si Mama. Pareho nila akong niyakap habang ako ay nakatulala pa rin.
"Anong nangyare? Ayos ka lang ba?" Wala ako sa sariling tumungo. Natauhan na lang ako nang napansin kong nakatuon na ang tingin ni Papa kay Jeric. "Bakit kayo narito? Sabi ko sa iyo, ingatan mo ang anak ko di ba."
"Pa, tam---." Hindi ko na natapos ang pagpigil kay Papa nang may magsalita.
"You're Yumi's father?" Nakaramdam muli ako ng kaba dahil sa pagsalita ng Papa ni Jeric.
Tinignan ito ni Papa mula ulo hanggang paa bago sumagot. "Yes, why?" Muntik pa akong matawa dahil napaenglish bigla si Papa.
Magaling si Papa mag english pero sa trabaho lang niya ginagamit yun kaya hindi ako sanay.
Sumilay bigla ang ngiti sa mukha ni Mr. Oxford at yinakap ang Papa ko.
"Balae." Sabi pa niya.
Parang literal na napapanga ako sa mga sumunod na nangyare. Parang silang dating magkakilala at ngayon nalang muling nagkita. Nagyayakapan sila at nagkakamayan. Nawala ang kaba na nararamdaman ko kaninang lumalamon sa akin at napalitan ng pagkabigla.
Sa tuwa nila, pinagtabi pa nila kami ni Jeric na isa ding hindi makapaniwala. Ibang iba ito sa Mr. Oxford na nakilala ko sa kamakaylan lang.
"Perfect match." Sabay na banggit ng mga Tatay namin.
"Sandali lang Kris, bakit may bangas yang mukha mo?" Natigilan ang pagkakatuwaan ng mga tatay namin sa sinabi ni Mama.
"That's the reason why you are all here." Nalipat ang mga atensyon namin nang magsalita ang Guidance Counselor. "Please come inside. I'll just go get something." Umalis siya.
Kahit naguguluhan ang mga magulang namin, sinunod naming lahat ang sinabi ng Guidance Counselor.
Sa pagpasok namin sa loob, agad na tumayo sa pagkakaupo ang mga magulang ni Terence.
"Long time no see, Kristopher." Bati ng Mama ni Terence at humalik sa pisngi ni Mr. Oxford.
"You're here too. How are you Teresita and Rudy? It's been years since the last time I saw you two." Bati din ni Mr. Oxford sa mga magulang ni Terence saka nakipagkamay sa mga ito.
"Maybe 12 or 13 years. We've been busy in our own works." Nakangiting sabi ni Mr. Olivarez.
"Yeah, that's when my father died, kaya ako na ang sumalo ng lahat ng responsibility na naiwan niya but you, you're a City Councilor back then and now, you're the Mayor of the City. Unbelievable. But don't worry, I endorsed you last election." Proud na tugon ni Mr. Oxford.
"So am I indebted to you now?" At nagtawanan silang dalawa.
"Nah. It's okay."
"Sorry pala sa nangyari sa asawa mo. It's too late nang malaman namin." Malungkot na tugon ni Mrs. Olivarez at akma pang yayakapin si Mr. Oxford ng muli itong nagsalita.
"We shouldn't bring back the past." Kita sa mukha nito ang lungkot at ayaw na pag usapan ang tungkol sa asawa niya. Huminga muna siya ng malalim at ngumiti. "By the way, ito na ba ang inaanak ko?" Baling niya kay Terence.
"Opo, Ninong." Sagot ni Terence at nagmano kay Mr. Oxford.
Patago akong nagreact sa ginawa ni Terence. Ganoon ba talaga kaclose si Jeric at Terence, maging ang mga magulang nila ay magkumpare. Mas lalo akong nacurious kung ano ang naging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila.
"You really are a grown up man like my Kris here." Tumungo lang si Terence at pilit na ngumiti. "And here's my daughter-in-law, Yumi and her parent." Proud na proud akong pinakilala ni Mr. Oxford.
"In law? Are they married?" Kunot noong tanong ni Terence.
"No but soon."
Sakto naman ang pagbukas ng pinto at pumasok doon si Mrs. Francisco.
"Welcome Mr. and Mrs. Cortez, Mr. and Mrs. Olivarez and of course, Mr. Oxford. We will now discuss regarding the involvement of your sons and daughter in the rumble earlier." Simula niya.
Nagkwento kaming tatlo ng mga side namin tungkol sa away nila Jeric at Terence. Hindi makapaniwala ang mga magulang nila na magkaaway pala silang dalawa dahil matalik na magkaibigan sila noong mga bata pa ito. Pero mas nagulat sila lalo na ang mga magulang ko na ako ang nakapagpahinto sa kanila sa pag aaway sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa dalawa. Nakatikim pa tuloy ako ng pasimpleng kurot ni Mama sa tagiliran ko. At sa huli pakunwaring pagpapatawaran ang dalawa per pare pareho pa rin kaming mapaparusahan.
"So, Mr. and Mrs. Olivarez, please don't be offended but not because you're the Mayor of this town, we can tolerate your son's wrong doings. He still need to receive the punishment. He's still a student." Pahayag ni Mrs. Francisco.
"We understand." Sabi ng Mama ni Terence.
Bumaling naman si Mrs. Francisco sa Daddy ni Jeric. "Mr. Oxford, we had a deal regarding your children that even though they are the children of the owner of the school, they can do whatever they want. They still need to be disciplined, right?"
"Yes of course, I'm also not here today as the owner of this school but the father of Kris. He's also here as a student not as owner's son." Tinignan ko ang reaksyon ni Jeric sa sinabing iyon ng Daddy niya. Pasimple siyang napangiti at siguradong totoong ngiti iyon.
"As for Mr. and Mrs. Cortez." Napatalon ako ng bahagya sa pagkabigla. Ako na pala. "This isn't the first time that you found your daughter here. I think, I've seen her here every year." Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nila. Nakakahiya. "And I heard last week that your son too was in Guidance in Elementary Campus, and also involve in a rumble with Mr. Oxford's daughter."
"We're sorry but that isn't my son's fault. Nadamay lang siya tulad ni Yumi ngayon." Pagtatanggol ni Papa.
"I know but still your daughter need to receive a punishment." Tumungo na lang ang magulang ko. Ayaw na ayaw nilang nakikipagtalo kahit na kanino kaya sumang ayon nalang sila. "Now, regarding to their punishment. Next week, MOU-HS Campus will be hosting the Annual Inter-High. Many people will come from different high schools and academies to participate and support their schools. They'll still do the task assigned by their adviser but they also need to help with events especially at the pageant." Bumaling siya sa aming tatlo. "Understood?"
Makakahinga na sana ako ng maluwag kahit na magiging nakakapagod ang mangyayari next week nang muli magsalita ang Guidance Counselor.
"One more thing, the three of you can't participate in any sports and even the pageant."
Tuluyan ko ng pinakawalan ang naudlot kong maginhawang paghinga. Wala namang epekto sa akin ang second punishment. Hindi naman ako athlete at mas lalong hindi ako sasali sa pageant, hindi naman sa pagmamayabang pero maganda naman ang hubog ng katawan ko pero hindi ko kayang mag bra't panty sa harap ng maraming tao.
Nabaling ang paningin ko sa biglaang pagtayo ni Terence.
"Have you seen a team without their captain, ha?" Medyo nanggigigil na tanong ni Terence. "I am also the representative ng section namin para sa pageant. So you can't do that." Halatang galit ito sa naging pasya ng Guidance Counselor.
Pakurap kurap pa si Mrs. Francisco na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Terence. Sasagot na rin sana siya ng marinig nito na may muling nagsalita.
"We are also the participants from our section. Me and her." Napaawang ang labi ko sa pagturo sa akin ni Jeric.
"Ha?! S-sinong nagsabi? B-Bakit hindi ko alam?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kanina lang sinabi ni Ma'am Ordoñez, request daw ng klase." Sagot ni Jeric.
Loko yung mga nagrequest na yun. Ayoko!
"Dapat kanina niyo pa inisip yan bago kayo nag away. You can be expelled for what you did but I know your parents won't let that happen, so instead of arguing with me, just accept your punishments. You all made mistake, now, face the consequences." Tugon ng Guidance Counselor.
Tama naman si Mrs. Francisco kaysa iexpel kami at pare parehong hindi makagraduate tanggapin nalang ngunit hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Terence na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Unfair sa kanya dahil dalawa ang mawawala sa kanya, sigurado ding malaking kawalan si Terence sa team. Samantalang ayos lang naman sa akin ang pagkatanggal sa pageant dahil ayoko naman talaga non, ewan ko nalang kay Jeric.
Nag isip muna ako sandali bago nagsalita. "Ma'am, please reconsider it."
"What now, Ms. Cortez?"
Lahat ngayon ng atensyon at nasa akin na. "I know it's too much for me to say pero hindi patas para kay Terence ang parusa. Okay lang na hindi kami makasama sa pageant pero si Terence, kailangan siya ng team nila na inaasahan ang pang apat na championship nila at kapag natalo sila, sa tingin mo sino ang sisisihin ng students of MOU-HS?" Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila.
"Are you threatening me, Ms. Cortez?" May galit sa boses nito. Namisterpret niya ata ang sinabi ko pero mas mabuti na rin yun.
"No Ma'am, I'm just saying the possibilities just like you said, You all made mistake, face the consequences." Nakangiti kong tugon.
Nang matapos ang diskusyon, nauna ng umalis ang Olivarez Family at hindi din nagtagal, mabilis akong hinila hanggang makalabas kami ng Guidance Office at agad akong nakatikim ng kurot sa tagiliran galing kay Mama.
"Ikaw bata ka, pinag aral ka ng martial arts ng Papa mo para sa proteksyon mo hindi para manakit ng tao." Inis na bulong ni Mama.
"Alam ko naman yun, Eomma. Sa ayaw nga kasi nalang tumigil tsaka nadamay pa si Besty kaya hindi na ako nakapigil." Himas ko pa sa parteng kinurot ni Mama.
Ayos na kaya si Besty? Pati si Violet?
Naputol ang iniisip ko nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa likuran. Kalalabas lang ng mga ito ng Guidance Office at papalapit sa amin.
"Tara." Bungad ni Papa nang tuluyang makalapit sa amin.
"Saan po?" Tanong ko.
"Inaya tayo ni Balae kumain." Turo pa ni Papa kay Mr. Oxford na nakikipag usap sa anak nito sa likuran.
"May klase pa po ako."
"It's almost lunch tsaka hindi naman tayo magtatagal." Sabat ni Mr. Oxford na nakangiti. Makakatanggi pa ba ako.
Sa malapit na restaurant lang kami pumunta para daw makabalik kami ni Jeric agad. Nakaupo ako sa gitna nila Mama at Papa at nasa harap namin sina Mr. Oxford at Jeric. Masayang nag uusap ang mga magulang namin habang kumakain, samantalang kaming dalawa ay hindi komportable sa mga nangyayare.
"I really like your daughter. Sa ginawa niyang iyon kanina, I'm sure mapapatino niya ang anak ko." Sabay subo ng pagkain ni Mr. Oxford pagkatapos niyang sabihin yun sa magulang ko.
Imbis na magalit sa akin si Mr. Oxford dahil sa pananakit ko sa anak niya, mas lalo pa niya akong pinupush. Ano yun?
Hindi ko na talaga kaya ang mga pinag uusapan nila. Kailangan kong huminga.
"Magsi-CR lang ako." Tumayo na ako kahit hindi pa nila ako pinapayagan.
Nang makarating ako ng banyo at masiguradong walang ibang tao, agad akong pumunta sa lababo at naghilamos tsaka ko pinagmasdan ang mukha ko sa salamin.
Wala ng rason pa para ipagpatuloy itong pagpapanggap namin dahil nalaman na rin naman ng magulang ko na napapasali ako sa rambol sa school. Pero paano kami maghihiwalay kung parehong gusto ng mga magulang namin ang mga nangyayare? Mas mahirap kapag pinatagal pa namin ito.
Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ng malalim bago buksan ang pinto ng banyo.
Gulat ako paglabas ko nang makita ko si Jeric na nakasandal sa pader habang nasa bulsa ang isang kamay at ang isa pa ay may hawak ang cellphone na nasa tainga at seryosong nakikipag usap. May bangas ito pero imbis na ikapangit niya ay parang naging astig pa yun. Bad boy look.
Parang biglang nagtatambol ang dibdib ko habang pinagmamasadan ko siya. Bakit kasi ang hot niya tingnan sa itsura niya?
"Pakisara ang bibig." Hindi ko man lang napansin na tapos na siyang makipag usap sa cellphone niya at nasa harap ko na pala siya at hawak na niya ngayon ang baba ko.
Sa pagkabigla ko, napaatras ako ngunit agad niyang hinawakan ang bewang ko at hinatak palapit sa kanya.
Pakurap kurap ko siyang tinignan. "A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Utal kong tanong.
Bigla niya akong binitawan na para bang gulat din siya. "A-Akala ko kasi kung anong nangyari sa'yo." Hindi ko alam kong nag aalala ba siya o nagagalit sa sinabi niya.
"Sino nga palang katawagan mo?" Pagbabago ko ng usapan ang awkward kasi.
"Bakit kailangan mong malaman?"
"Wala lang." Walang buhay na sagot ko.
Ilang sandali siyang natahimik bago sumilay ang nakakaasar niyang ngiti. "Nagseselos ka ba?"
Napanganga ako saglit bago tinaasan siya ng kilay at nginiwi an. "Sabihin mo kung sasabihin mo hindi yung kung anu-ano pang iniimbento mo. Tsk."
Tinalikuran ko siya pero alam kong nasunod siya dahil naririnig ko ang pagtawa niya. "Ang pikon mo talaga. Huwag kang mag alala, si Kyle yung kausap ko nakalabas na daw ng clinic sina Vi at Tiffany."
Masaya ko siyang hinarap. "Talaga?" Hindi ko laman na sa pagharap ko ay sakto namang bumangga ang ilong ko sa dibdib ni Jeric. "Aray ko!" Bahagya akong umatras na sapo ko pa sa ilong ko.
"Bakit ka kasi bigla biglang humihinto, yan tuloy." Humakbang siya palapit sa akin. Tinanggal ang pagkakahawak ko ng ilong ko at pinalitan iyon ng kanya. Hinamas at mahina iyong pinindot. "Masakit pa ba?"
Napatitig lang ako sa mata niyang puno ng pag aalala, kung tama nga ba ang nakikita ko. Napansin kong bahagyang bumaba ang tingin niya at napatitig sa mga labi ko. Nakita ko ang pasimple niyang paglunok ng laway at pagkagat ng sariling labi na parang natatakam sa kanyang nasisilayan.
Wala namang gustong lumabas sa bibig ko kahit kanina pa ito sumigaw. Ayan na naman ang puso ko, bumibilis na naman dahil sa unti unting paglapit ng mukha ni Jeric.
"Andiyan lang pala kayo." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni Mama. Naitulak ko pa si Jeric palayo sa akin.
Kunyari pa akong ngumiti nang hinarap ko si Mama. "Eomma."
"Kanina pa namin kayo hinihintay. Nauna na ang mga Papa niyo sa labas." Maglalakad sana ito palapit sa amin ngunit ako na ang lumapit sa kanya at agad na hinila palabas.
"Tara na, Eomma."
Paglabas namin, nagpahatid agad ako sa magulang ko pabalik ng school at ganoon din ang ginawa ng Papa ni Jeric.
Kinamusta ko agad si Besty nang makarating ako sa classroom. May benda ang kanan niyang kamay kaya ako na ang nagsulat sa notebooks niya.
Nang matapos ang last subject namin at lalabas na sana ng classroom, laking gulat namin ang pagdating ni Ma'am Ordoñez. Madilim ang auro nito at mukhang galit.
"Everybody sit down!" Wala ng tanong tanong. Lahat nagbalik sa kani kanila nilang upuan dahil sa takot sa sigaw ni Ma'am Ordoñez. "I am very disappointed with everyone, especially the two of you." At pinasadahan pa niya kami ng matalim ng tingin. "What I hate the most is fighting but you did and nobody stop them. The Guidance Counselor is furious about what happened." Huminga siya ng malalim. "Don't get me wrong, I'm not mad, I'm just disappointed. You're my children here and as your mother in school, I don't want you get in trouble."
Nakayuko lang ako dahil tamang tama ako sa mga sinasabi ni Ma'am. Nahihiya ako sa mga classmates ko dahil nadamay pa sila.
"We're sorry, Ma'am Ordoñez. It won't happen again." Kahit nakatalikod ako sa kanya alam kong boses niya iyon.
"I'll keep that in mind, Mr. Oxford. Anyways, because of the punishment, you won't be able to participate in the Mr. and Ms. MOU-High School 2019."
Napansin ako ang pagkabigla sa mga mukha ng mga kaklase ko at napuno na ng bulungan ang classroom.
"Sayang naman."
"Ay bakit yun ang punishment."
"Yes, may pag asa na ako."
"Ano ba yan. Nakaready na ang tarpaulin namin."
"Sino papalit?"
Iba ibang komento ang naririnig ko. Patago akong napangiti dahil naging daan pa ang punishment na ito para hindi ako makasali sa pageant at pinagbutohan kung sino ang papalit.
"Then it's settled. Donica Cerelles and Geoffrey Clifford Marciano will be our representative." Napapakamot sa ulo si Bay habang nasa harapan habang kami naman ay pumapalakpat. "Ms. Santos, as the last year title holder. Please assist the two of them." Nakangiting tumungo naman si Besty sa utos ni Ma'am Ordoñez. "Good. So, help and support our representative as long as you can. That's all. You are now dismissed."
Habang kasama kong naglalakad sina Besty at Bay, bigla nalang may humarang sa dinaraanan namin. Walang emosyon ang matang nakatingin sa akin.
"Come with me."
Hinila niya na ako kahit hindi pa ako pumapayag. Binalik niya lang ako sa classroom na ngayon ay kami nalang ang tao. Nakaramdam na naman ako ng paru-parong naglalaro sa tiyan ng mapagtanto kong hindi niya pa rin binibitayan ang kamay ko. I need to stop this feeling kaya hinila ko na pabalik ang kamay ko at tiningnan siya ng masama.
"Ano bang ginagawa natin dito?"
Hindi siya nagsalita bagkus ay umupo siya sa Teacher's chair at may kinuha siya sa bag niya. Isang pouch. Inilabas niya mula roon ang Cotton buds, bulak, tubig, at ointment.
So first aid kid pala ang pouch na yun. Boys scout, laging handa.
"Just sit where I can see you while I'm clean my wounds." At nilagyan niya ng tubig ang bulak.
"Bakit kailangang andito pa ako?" Hindi na naman siya sumagot.
Inis akong humakbang palabas nang mapatigil ako nang magsalita na siya. "Just stay with me."
Ewan ko ba pero parang wala ako sa sariling sumunod sa sinabi niya. Umupo ako sa upuan na siguradong makikita ako ni Jeric tulad ng utos niya kanina.
Tinitigan ko siya habang abala siya sa paglilinis ng sugat niya na parang sanay na siyang ginagawa iyon. Ngayon ko lang napansin na putok pala ang labi niya, may cut din siya sa kilay at pasa sa pisngi. Habang kinakapa niya ang mukha niya napansin ko rin ang sugat sa kamao niya. Ganoon ba kalala ang away kanina? Kita sa mukha niya ang sakit at hirap sa paglagay ng gamot dahil wala siyang gamit na salamin.
Wala ako sa sariling tumayo at lumapit sa kanya. Gulat pa siya nang kunin ko ang cotton buds na hawak niya. "A-Anong ginagawa mo?"
"Ako na maglilinis."
"Huwag na. Ako na." Babawiin sana niya pero hindi ko hinayaang maagaw niya ang lalagyanan ng cotton buds na hawak ko.
"Baka gusto mong dagdagan ko yan nasa mukha mo kapag nagpumilit ka pa." Pananakot ko sa kanya.
"Sabi ko nga, ikaw na."
Pasimple ako napangiti. Susunod naman pala, nag iinarte pa.
Kumuha ako ng bulak at binuhusan yun ng malinis na tubig at inumpisan kong linisan ang sugat niya na nasa kilay. Medyo nakakangalay pala ang pwesto ko dahil nakaupo pa rin siya sa Teacher's chair samantalang nakatayong nakayuko ako sa harap niya.
Hindi nagtagal bigla siyang tumayo. Akala ko kung saan siya pupunta, yun pala kukuha lang siya ng upuan at dinala sa kinaroroonan ko.
"Sit." Tapik pa niya sa arm rest.
Medyo nabigla ako pero nakabawi naman agad tsaka patagong ngumiti. "Napansin mo pala." Sabi ko tsaka umupo.
"Hindi naman ako manhid." Sabi niya at inilapit ang Teacher's chair sa akin at muling umupo. "Continue."
Nginiwian ko lang siya at muling kumuha ng bagong cotton bud at nilagyan iyon ng ointment. Sunod kong ginamot ang nasa pisngi niya.
"Sabi ko kasing ako na, yaan tuloy nangalay ka pa." Pinipigilan kong tumingin sa mata niya kahit na parang hinihigop ako ng mga iyon.
"Ayaw mo noon? Nagpapakaalalay ako sa'yo ngayon." Sagot ko nalang sa kanya at nilagyan ng gamot ang kabilang dulo ng cotton bud at sunod na ginamot ang cut niya sa labi.
Napansin ko ang pagbagsak ng balikat niya bago sumagot. "Mali pala ang akala ko."
Dahil sa bandang labi na niya ang ginagawa ko, kitang kita ko ang pagbukas at sara noon tuwing nagsasalita siya.
Mahagya pa akong napailing. "Bakit ano bang akala mo?" Tanong ko para mawala ang atensyon ko sa labi niya.
"Na nagpapakagirlfriend ka sa akin ngayon." Napatigil ako sa panggagamot ko dahil sa sinabi niya at hindi na napigilang titigan ang labi niya at dahil doon, nangangabayo na naman ang puso ko.
"Aray!" Gulat ako nang marinig ko ang reklamo niya. Hindi ko napansing nadiinan ko pala ang ginagawa ko. "Dahan dahan naman." Bahagya akong natawa kaya sinamaan niya ako ng tingin. "What's so funny?"
"Confirmed. Hindi ka nga manhid." At tumawa akong muli.
Nagsalubong ang kilay niya at biglang tumayo sa kinauupuan. Nakaramdam ako ng kaba ng ilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan ko na nagsilbeng harang at nakulong ako.
Mas lalo pang nagwala ang puso ko at ang mga paru-paro na animo'y gustong kumawala sa tiyan ko nang ilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. Pigil ang paghingi ko lalo na nang maramdaman ko ang hininga niya sa may tainga ko. Ilang sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon bago siya muling nagsalita.
"Ikaw lang naman ang manhid sa ating dalawa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro