~*Chapter 21: Rambol*~
~*Chapter 21: Rambol*~
~*Yumi POV*~
Isang linggo na kaming hindi nag uusap ni Asungot. Nagpapansinan, oo pero kapag andiyan lang ang mga kaklase at may gawain na pang grupo. Hindi naman ito napapansin ng mga kasama namin kaya ayos lang.
Uwian na. Hindi namin kasama yung iba dahil may mga sariling lakad tulad ni Bay.
Madalas pagkatapos ng klase, nagkikita pa sila ni Violet. Hindi ko alam kung bakla pa na siya o nagiging lalaki na ba talaga siya kahit na inamin niya na sa amin ni Besty na nagkukunyari lang sila ni Violet. Parang kami ni Jeric pero magkaiba lang ng rason. Hindi ko nga lang alam kung may kwenta ba ang ginagawa nilang pagpapaselos para mapaghiwalay kami ni Jeric kung hindi naman namin talaga mahal ang isa't isa.
Dalawa lang kaming naglalakad ni Besty papunta sa quadrangle para ihatid siya nang biglang nag ingay ang cellphone ko.
🎶🎶Ayo GG! Yeah yeah! ~
Shijakhae beolka! Omo! ~ 🎶 🎶
Kinuha ko ang cellphone ko sa palda ko.
"Sino yan?" Tanong ni Besty pero imbis na sumagot, pinaharap ko na lang sa kanya ang screen. "Number lang?" Tumungo ako at sinagot yun.
"Hello." Bungad ko.
[Good afternoon, is this Ms. Yuri Megumi Cortez?]
"Yes, sino po sila?" Itinapat din ni Besty ang tainga sa kabilang side ng cellphone ko para marinig niya.
[Good. We can't contact your guardians kaya ikaw na lang ang tinawagan namin. We have your brother, Shaun Miguel Cortez here in Guidance Office of Marcus Oxford University-Elementary Campus.]
"What!?" Sabay na sabi namin ni Besty.
Hindi ko na pinasama si Besty dahil may practice pa siya kahit na gusto niyang sumama. Dali dali akong tumakbo papunta sa gate na naghahati sa High School Campus at Elementary Campus. Noong una, ayaw pa nila ako papasukin kaya niradyohan ng guard ang Guidance para makompirma.
Kabisado ko pa rin ito kahit bihira nalang akong mapadayo dito. Hindi na rin ako nahirapang hanapin Guidance Office dahil dito naman ako nag aral dati pero first time kong papasok doon.
Maraming tao sa labas noon. Ano bang ginawa ni Shaun? Nilampasan ko ang mga tao at kumatok bago pumasok. Tumambad sa akin si Shaun na nakayukong nakaupo. May iba pa siyang kasama siyang nakaupo sa sofa pero may bakante sa pagitan nila. Pare pareho silang magugulo ang mga damit at buhok.
Lumapit ako sa kanya kaya napalingon siya sa akin, doon ko napansin ang cut sa labi niya.
"Noona." Bulalas niya.
"Anong nangyari?" Tanong ko na may pag aalala.
Sasagot na sana siya nang muling bumukas ang pinto at pumasok doon si Ms. Legaspi. Sa pagkakatanda ko siya rin ang Guidance Counselor namin noon. Napalingon siya sa gawi ko at napangiti.
"Dalaga ka na Ms. Cortez." Naalala pa niya ako.
"Hello po, Ms. Legaspi." Bahagya pa akong yumuko para magbigay galang.
Mahina siyang tumawa bago magsalita muli. "It's Mrs. Herrera." Tsaka siya pumunta sa table niya at umupo. "Isa na lang pala ang inaantay natin." Akala mo'y on cue dahil sakto naman ang pagbukas ng pinto. "Ayon, kompleto na pala."
Napatitig ako sa bagong dating. Anong ginagawa niya dito? Akala ko may iba silang pupuntahan ni Kyle.
Bigla din namang may tumakbo palapit sa kanyang babae at niyakap siya habang umiiyak. Lumuhod siya upang magpantay sila at mayakap din sa babae.
"Big brother, it's their fault." Turo pa nang yumakap sa kanya sa mga lalaking nakaupo malapit kay Shaun.
Agad na sinundan ni Jeric ang tinuturo ng kapatid niya kaya't nagkasalubong ang mga mata namin. Gulat siyang napatayo pati na rin si Angela nang makita ako.
Nilipat ko ang tingin kay Shaun at kita din sa mukha niya ang gulat nang makita ang Hyung niya.
"Shall we start?" Dinig ko sabi ni Ms. Legaspi.
Nakinig ako sa kwento ng mga bata. Base doon, ginulo si Angela ng dalawang kaklaseng lalaki paglabas nila ng classroom. Pilit kinukuha ang bag niya para daw hindi siya mahirapan at ihahatid siya sa sasakyan kaso ayaw ni Angela. Pero dahil babae siya't mahina. Aminado naman siya. Nakuha noong dalawa ang bag niya at pinag agawan kung sino ang mas dapat maghahatid sa kanya. Sa kasamaang palad, hindi inaasahang napadaan si Shaun at tumama sa kanya ang pinag aagawang bag kaya may siya cut sa labi.
Ito namang kapatid ko napagalitan ng teacher niya dahil natutulog sa klase kaya badtrip siya tapos natamaan pa siya ng bag. Papalampasin na niya sana kaso hinamon siya ng suntukan nang isa sa mga lalaking nanggugulo kay Angela at sinabihan na paharang harang na lalong nakapagkulo ng dugo niya. Kaya ayon, rambol.
Humingi ng tawad ang mga magulang nang dalawang bata. Napagdesisyunan na bigyan ng one week suspension at one week community service ang dalawa. Samantalang 1 week community service din ang para kay Shaun dahil kahit nadamay lang siya nakipagsapakan pa din siya at natulog sa klase.
Nag aabang kami ni Shaun ng masasakyan sa labas ng eskuwelahan nila ng may humintong itim na kotse sa harap namin. Sasakyan niya ito.
Bumaba siya ng sasakyan at tumingin sa amin ni Shaun.
"Hyung." Bulong ni Shaun.
"Ihahatid ko na kayo." Offer niya.
Nagkatinginan kami magkapatid. Nag uusap ang mga mata kung papayag pa kami pero naputol yun nang may isa pang nagsalita.
"Hop in. Pa-thank you na namin 'to." Nang lingunin namin, nakababa na pala ang bintana sa likod at sumisilip dito si Angela na nakangiti. First time ko siyang nakitang nakangiti at mas gumanda siya.
"So, brother ka pala ng girlfriend ng big brother ko." Kanina pa kinakausap ni Angela si Shaun pero 'isang tanong isang sagot' lang ito sa kanya. "Anong name mo?"
"Shaun." Tipid na sagot.
"Hi Shaun. I am Angela." Lahad pa niya ng kamay sa harap ni Shaun. Dinikit lang ni Shaun ang palad at muli nang bumalik sa pagtingin sa labas ng bintana.
Hindi ko mapigilang hindi sila tingnan sa rear mirror. Sigurado akong kanina pa gustong mag-earphone ni Shaun dahil sa kadaldalan ni Angela kaso nadamay din yun sa rambol kanina. Ayaw niya sa lahat yung maingay kaya lagi siyang naiinis sa akin sa bahay.
Nang ibahin ko ang tingin ko, bigla namang nagsalubong ang mga mata namin ni Jeric. Agad akong umiwas at tumingin sa labas ng bintana.
Naalala ko, ngayon nalang pala ulit ako nakasakay sa kotse niya simula noong pumunta kami sa bahay este mansyon nila.
Napapansin kong hindi na rin siya nagpapadrive kay Mang Eddie, puro siya nalang. Pinayagan na ba siya pagmaneho mag isa ni Daddy? Este nang Daddy niya.
Hanggang sa makarating na kami sa bahay. Dali daling bumaba si Shaun sa sasakyan kahit na kinakausap pa siya ni Angela.
"Ay, sungit." Maktol niya habang nakapout.
"Pagpasensyahan mo na. Gutom lang yun." Pagdadahilan ko.
Bababa na sana ako nang pigilan ako ni Angela.
"Is he really your brother, ate Yumi?" Kahit nagulat ako dahil ito ang unang beses niya akong tawaging Ate ay tumungo ako bilang tugon. "Then, I am not angry at you anymore and I'll now accepting you as my big brother's girlfriend." Ngiti pa niya.
Gulat ako sa sinabi niya. Dapat ba akong matuwa dahil doon? Tsaka bakit naman siya nagalit sa'kin?
Napatingin ako kay Jeric. Nakakunot ang noo nito habang palipat lipat ang tingin sa amin ng kapatid niya.
"And what's the meaning of that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jeric sa kapatid.
"Big brother, remember the stories you read. A princess like me should have their own prince and I found my Prince and that's him." Masaya pa niyang tinuro si Shaun na nasa labas pa rin ng bahay namin dahil sa pag aantay sa akin.
Pareho kaming napanganga sa inanunsong iyon ni Angela.
Okay. Angela accepted me dahil prinsipe niya si Shaun. May gusto si Angela kay Shaun? Seriously. Kapatid niya at kapatid ko.
Kinuha ni Angela ang cellphone number ko bago ako bumaba ng sasakyan kaya kinabukasan, walang tigil ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa tadtad ng texts galing kanya.
"Ignore it. Huwag mo ng replyan." Utos sa akin ng katabi ko habang kumakain sa cafeteria.
"Baka magalit naman ang kapatid mo." At sumubo ako ng pagkain.
"Hayaan mo na. Hindi yan titigil kapag ni replyan mo pa. I'll talk to her."
"Anong sasabihin mo?"
Tumigil siya sa pagkain saka tumingin sa akin. "To stop bothering you and Shaun--- can't be her Prince."
Napatahimik ako doon. Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi pwedeng maging prinsipe ng kapatid niya ang kapatid ko pero walang lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa basketball game, yun pa rin ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ako maka-concentrate sa paglalaro ko.
"CORTEZ! TINGIN!" Bumalik ako sa reyalidad sa pagtawag sa'kin.
Hindi ko na nagawang iwasan pa ang bolang parating at tumama ito sa ulo ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit. Patakbong lumapit ang mga teammates ko. Narinig ko pa ang pagpito ng referee.
"Aray ko." Himas pa parteng tinamaan ng bola.
"Besty, ayos ka lang." Tumungo ako at inalalayan niya sa pagtayo. "Hoy, sinadya mo ang pagbato sa kanya ng bola no." Hinanap ng mata ko ang kinakausap ni Besty.
"Of course not, it's an accident." Natatawang dipensa ni Violet.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kung hindi ka lang kapatid at fake girlfriend ng mga kaibigan ko sinugod na kita.
Pinaupo ako sa bench ni Sir Reyes na tumatayong coach namin. Agad na lumapit sa harapan ko sina Bay, Kyle at Jeric.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Bay.
Natawa ako nang bahagya pa niyang binatuhan ng masamang tingin si Violet na hindi naman napansin ni Kyle at Jeric.
"Sorry ah. Ewan ko ba bakit sumali si Vi, e hindi naman siya marunong." Napakamot naman ng batok si Kyle.
"Ayos lang, aksidenste lang naman yun." Kahit na ganoon ang sinagot ko, alam kong sinadya niya yun dahil hindi naman kami magkakampi tapos ipapasa niya sa akin yun bola. Sira ulo.
"Hindi na ba masakit?" Itinaas pa ni Bay ang kamay at hinawakan ang parte ng ulo kong tinamaan ng bola.
Sa pagtungo ko, nakita ko ang pagkabigla sa mukha nang dalawa pang lalaking kasama namin. I saw confusion sa mukha ni Kyle while jealousy naman ang kay Jeric. Wait--- did I just say, jealousy? Nagkamali lang siguro ako. Imposible kase. Isa pa, bakit bakla naman si Geoffrey. Shit! Hindi nga pala nila alam.
Agad kong nilayo ang ulo ko na hinahawakan ni Bay. Kung kami kami lang nila Besty, ayos lang, pero dahil may ibang tao dito, mahirap na baka ma-misinterpret nila.
"Ayos na ako. Umupo na kayo, hindi ako makanood sa inyo." Sinunod naman nila ang pagdadahilan ko.
Natapos ang laro at kami ang nanalo laban sa section nila IV-Franklin which is sina Violet at oo magkaklase sila ni Terence.
"Teach me how to shoot like that." Manghang mangha si Kyle sa mga galawan ni Teresa kanina sa court. Sa bawat pasok nito sa bola, napapatayo siya sa kinauupuan niya. Akala mo very supportive boyfriend pero hindi naman sila.
"Ok." Tipid na tugon ni Teresa at tinungga ang mug rootbeer na hawak.
Kahit na bangko ako kanina siguradong panalo pa rin kami dahil kay Teresa. Ngayon ko napatunayan na magkapatid nga talaga sila ni Terence. Pareho silang magaling sa larangan ng basketball.
"Yes. Mabuti ka pa, magaling, unlike sa kapatid ko. Kahit pagpasa ng bola hindi magawa ng maayos." Natatawang sabi ni Kyle.
"I heard you, Kuya." Inis na pinaghahampas ni Violet si Kyle saka bumalik sa pagkapit sa braso ni Bay. "Ipagtanggol mo ko, my Geoffrey." Paglalambing niya with matching puppy eyes.
Pasimple pang tumingin si Violet sa katabi kong si Jeric. Pinapaselos pa rin nila pero parang wala namang pakialam itong isa.
Kita sa mukha ni Geoffrey ang pandidiri sa paghawak sa kanya ni Violet sa braso pero sinunod pa rin niya ang sinabi nito. Hindi ko alam kung paano niya natatagalan ang ganyan dahil bakla siya.
Abala ang lahat sa linggong ito para sa preparation sa gaganaping Annual Intramurals ng Marcus Oxford University-High School Campus next week.
Bawat Years and Sections ay required na sumali at makiisa sa kahit anong gimik tulad ng Booths, Food Stalls, Events, Games, Sports, Decoration Team, and the much awaited Mr. And Ms. Oxford High.
"Mag isip na kayo ng food na ibebenta dahil sa Food Stalls tayo na assign sabi ni Ms. Ordoñez. Pupunta din dito yung section makakasama natin sa pagbe---." Hindi na natapos ni Pres. Honeylet ang sinasabi nang isa-isa ng pumasok ang section na makakasama namin.
Napakurap pa ang mata ko nang makita ko ang pagpasok sa classroom namin ni Violet at pang huli si Terence. Hindi ako makapaniwalang sila ang makakasama namin.
Nakakarinig ako naghagikgikan at impit na tili galing sa mga babae kong classmate at apiran naman na nanggagaling sa mga kalalakihan. Syempre sikat din ang section na ito, andiyan ang school varsities.
"Right on time. Grahambells meet Franklins, sila ang makakasama natin sa Food Stall." Pagpapakilala ni Pres. Honeylet sa mga tao na nasa harapan. "Grahambell Boys, sa sahig na muna. Magpakagentleman naman kayo kahit minsan, paupuin niyo ang Franklin Girls."
Kahit ayaw tumayo noong iba ay wala na silang nagawa. Si Bay pinaupo si Violet sa upuan niya at umupo na siya sa sahig habang katatayo lang nina Jeric at Kyle may mga nag agawan na kung sino ang uupo sa upuan nila sa likuran ko.
Buntong hininga ang narinig ko mula kay Jeric na umupo sa gilid ko at nakita masamang napatingin sa unahan. Nang sundan ko yung tingin niya, si Terence ang tumambad sa akin na nakatayo pa rin sa unahan at nakita kong nakatingin din sa akin.
"Tingin pa. Mamaya wala ka ng mata. Tsk." Narinig kong bulong galing kay Jeric. Parang kinakausap niya ang sarili niya.
Napagdesisyunang mga pagkaing hindi sinasamahan ng kanin ang ibebenta namin tulad ng Pizza, Burger, Cake, French Fries, mga ihaw at tinutuhog na pagkain at syempre drinks.
"Lahat ng lalaki, pumunta na sa school grounds para ayusin ang tents!" Utos ni Pres. Honeylet.
"At yung mga babae naman kunin na ang mga gamit na nasa Storage Room!" Utos din ni Reynel, Presidente ng section IV-Franklin.
Agad kaming lumabas ng classroom. Pagbaba namin mula sa 3rd floor dahil andoon ang classroom namin ay naghiwalay na ng daan ang mga babae at lalaki. Nagpunta kami sa Storage room nila Besty, Teresa at Violet. Oo, kasama namin si Violet na sana hindi na lang.
"It's so bigat naman." Sabi habang buhat ang isang tray ng itlog.
"Patahimikin mo yan kundi ipapabuhat ko din itong dala kong baking materials." Bulong sa akin ni Besty.
"Kaunti lang yan, Violet." Sabi ko sa kanya.
"Still, it's mabigat." Inaarte niya.
Kanina pa kami nagtitiis sa pagrereklamo niya maging si Teresa. Kahit hindi siya magsalita alam kong naiingayan na siya kay Violet dahil napalagay na siya ng earphone.
Papunta palang kasi kami puro na ito dada at reklamo. Mabuti nga't isang tray lang ng itlog ang buhat niya, e ako, tig dalawang litrong mayonnaise at ketchup habang cooking materials naman ang bitbit ni Teresa.
Akala namin si Violet lang ang maingay pero pagdating namin sa pwesto kung nasaan ang mga lalaki at nag aayos ng mga tent, away naman ang mapapakinggan.
"Sabi kasing ako na!" Narinig kong boses ni Jeric.
Nang makalapit kami nakita kong nag aagawan ng alambre sina Terence at Jeric habang nakatungtong sila sa upuan.
"Ako ang nauna!" Sigaw naman ni Terence.
Nanunuod lang at walang gustong umawat sa kanila dahil parehong sikat itong nag aaway baka masama pa sila. Saan na ba si Kyle o kahit si Bay?
"Ano na naman ang problema nang dalawang yan?" Bulong sa akin ni Besty.
"Hayaan mo sila." Nilapag ko sa patungan ang bitbit ko saka aalis para bumalik sa Storage Room dahil marami pang dadalhin dito.
"Anong hayaan ka diyan. Ikaw lang ang makakaawat sa kanila. Kaya go." Sabi niya sabay hatak sa'kin palapit sa dalawa. Pinagtulakan pa niya ako.
Andoon na rin pala si Violet. Pilit na inaawat ang dalawa pero hindi siya pinapansin. Si Teresa naman andoon na din at nanunuod lang. Parang walang pakialam sa nangyayari kahit sa kakambal niya.
"Ano bang nangyayari?" Tingala ko pa sa kanila.
Nalipat ang mga mata ng lahat sa akin. Kahit ayokong silang makausap at pakialaman, wala na akong choice. Pareho silang natigil sa pag aagawan at napatingin rin aa akin.
"Wala." Sabay na sagot nila.
"Wala pero ang ingay niyo. Bumaba niya kayong dalawa diyan." Hindi ko alam kung matatawa ako kasi pareho nilang sinunod yun na parang batang nagmamaktol. Ang cute nila. "Ibigay niyo nga sa'kin yan." Tukoy ko sa alambre at pliers.
Pareho silang hindi nakapagsalita at puno ng pagtataka ang mukha. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang alambre sa kamay ni Terence at ang pliers sa kamay ni Jeric.
Umakyat ako sa upuan at ako ang gumawa ng pinapagawa sa kanila.
"Yumi, bumaba ka nga dyan." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Terence at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko.
"Ako ng gagawa." Naramdaman ko pa na may humawak ng dulo ng palda ko. Pagtingin ko si Jeric ang may hawak noon.
"Ako na. Pati ba naman kasi alambre at pliers pag aawayan niyo pa?" Sabi ko at nagpatuloy muli.
"Anong gusto mong pag awayan namin? Ikaw?" Kahit na nakaramdam ako ng insulto sa tanong na iyon ni Terence, huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili bago lumingon sa kanya.
"Ikaw nagsabi niyan hindi ako. Huwag niyo akong isali sa away niyo baka ako pa umumbag sa inyo." Nagpakawala muna ako ng ngisi bago bumalik sa ginagawa ko.
Huli na nang marealize ko ang sinabi ko. Dapat palang malambing ako kay Jeric dahil ang alam ng lahat ay magkasintahan kami. Babawiin ko na sana ang sinabi ko nang marinig kong nagsalita si Jeric.
"Yumi, get down here. Baka mahulog ka." Utos ni Jeric pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon.
Tapos na ako sa ginagawa ko nang marinig kong magsalita si Terence. "Don't worry, sasaluhin kita kapag nahulog ka."
Nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari. Pinipilit na ngayong tumayo ni Terence sa pagkakatumba dahil sa suntok na nakuha galing kay Jeric.
"Masakit yun ah." Pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya at ngumisi.
"No one can touch my girlfriend! Especially you!" Sigaw pa ni Jeric. Halata sa mukha niya ang pagpipigil ng galit. Ang galing talaga niyang umarte hindi katulad ko. Hayst.
"We'll see." Dahil sa sinagot na iyon ni Terence parang kidlat si Jeric sa bilis na paglapit kay Terence at hinablot ang kwelyo nito.
"We'll see ah. Subukan mo, baka si Satanas na ang makita mo!" Banta ni Jeric.
Sakto namang dating nila Kyle, Bay at ang kaibigan ni Terence na si JD. Kahit gulat at hindi alam ang nangyayari, pilit nilang pinaghiwalay ang dalawa pero parehong ayaw magpapigil.
Tumulong na din si Violet sa pagpigil kay Jeric. Pero dahil may pagkapabebe itong si Violet, sa pagtanggal ni Jeric sa kamay niya na nakahawak braso nito, agad din ang pagtalsik ni Violet. Napansin iyon ni Bay kaya't agad niya ding binitawan si Jeric at dali daling lumapit kay Violet para tulungan itong tumayo at dahil si Kyle nalang ang nakahawak kay Jeric mas madali na itong nakawala at agad na sinugod si Terence pero bago niya ito masuntok nakawala na rin si Terence sa pagkakahawak ni JD.
"Isasama kita! Magkamustahan tayo sa impiyerno!" Sigaw ni Terence tsaka sumugod kay Jeric.
Napabumuga nalang ako ng hangin dahil hindi makapaniwalang nagsusuntukan na ang dalawa. Nangyari na nga. Talagang pinag awayan ako nang dalawa.
Hahayaan ko na sana sila nang mapabaling ako kay JD na nakaupo sa sahig at nahagip ng mata ko na may isa pa palang nasa sahig na nasa likod nito---si Besty. Mukhang sa pagtabig ni Terence kay JD ay tumama ito kay Besty na nasa likod niya kaya't bumagsak din ito.
Parang biglang kinain ako ng inis nang makita ko ang sakit sa mukha ni Besty na dulot ng pagkabagsak niya.
Agad akong bumaba sa tinutungtungan ko at lumapit kay Besty. Lalo pang kumulo ang dugo ko noong makita kong may dugo sa kamay ni Besty.
Napabaling ako kay Jeric at Terence na nagsusuntukan.
"Tumigil na kayo!" Sigaw ko pero parang walang narinig ni isa sa kanilang dalawa dahil patuloy pa rin ang pagsusuguran nila.
Umigting ang panga ko at mabilis na tumayo at lumapit sa kanila. Isang iglap ay pareho na nilang niyayakap ang sahig.
"Sabing tumigil na eh. Hindi kayo marunong makinig!" Nanggagalaiti kong sigaw.
Natahimik ang mga tao sa gulat sa ginawa ko sa mga prinsipe nila. At dahil sa katahimikan na iyon, rinig na rinig ko ang yabag na palapit sa amin na agad ding tumigil.
Nang lingunin ko ang kinaroroonan noon, agad din ang paglaki ng mata ko. Kung minamalas ka nga naman. Bakit siya pa ang nakakita sa'min.
"Mr. Oxford, Mr. Olivarez and Ms. Cortez, I need your guardians in Guidance Office immediately!" May otoridad na utos ni Mrs. Francisco ang Guidance Counselor ng High School Campus.
Guidance Office? No way! Lagot ako nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro